CHAPTER 29: BROKEN HEART

12 1 0
                                    

Chase's POV

Maaga akong umalis ng condo ko para sunduin si Chloe, hehe gusto ko kasing sabay kami pumasok tsaka namimiss ko na siya ehh

Nagpark ako sa labas ng bahay niya at tinext si Chloe na nandito na ko, kaya wala pang ilang minuto ay lumabas na siya.

"Hi love goodmorning!" Ngumiti ako at hinalikan siya sa no.

"Mmm morning." Masungit na bati nya sakin. Meron ba siya? Aga aga ansungitt, pero love ko pa rin.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok siya tsaka ako pumasok ng kotse at pinandar ito

Tahimik akong nakatutok sa daan habang siya ay nakatutok sa cellphone niya, di ako sanay ng ganito pareho kaming tahimik at walang kibo

Di na ko nakatiis kaya ako na ang bumasag sa katahimikan, "Uhm so love, musta tulog? Kumain ka na ba? Gusto mo Kumain muna tayo maaga pa naman oh!" Nakangiti kong sabi

"Okay lang tulog ko tsaka kumain na din ako, dumiretso nalang tayong school ayokong malate eh." Malamig na sagot niya.

Bakit parang ayaw niya kong kausap? Okay lang ba siya okay lang ba kami? Masyado na ata kong napapraning haha.

"Mm sabagay perfect student ka pala HAHAHA" sabi ko ng pabiro dahil kahit ako naaawkwardan na sa amin.

Tumango nalang siya at binalik ang attention sa cellphone niya.

Bat ba pakiramdam ko unti unti na kaming hindi naggogrow, unti unti na kaming nalalayo sa isat isa meeenn nakakapraning to ah

Lumipas ang ilang minuto ay naipark ko na ang kotse ko sa school at pinagbukas ng pinto si Chloe.

"Hmm babe pwede ka ba mamaya? Kain tayo sa labas, don't worry my treat! Sounds good?" Nakangiting sabi ko habang naglalakad, wishing she'll say yes.

"I'll try." Sabi niya bago ako iwan at nakisabay sa mga kaibigan niya, naiwan akong tulala sa puwesto niya. Atleast chase itatry niya diba? Cheer up man intindihin mo nalang siya.

Dumiretso nalang akong room at buong oras akong tahimik at iniisip kung bakit ganun ang inasta ni Chloe kanina.

"Uy! Okay ka lang?" Pagtawag ni Margaux ng pansin sakin

Napansin ko ang pagbago ng muka niya at talagang pagbagsak ng mga taba niya.

"Huy luh natulala!"

"Ha? Ah ano oo okay lang bat nagging concern ka naman sakin bigla?" Masunget na tanong ko sakaniya para iwasan ang pagtanong niya kung bakit ako nakatitig sakaniya wooh.

Napakamot siya sa batok niya at mgumiti "Sorry ulit kahapon kung nagalit ka sakin ah hindi ko naman intension na sirain kayo hehe sorry talaga"

"ah yon wala yon may tiwala ako sakaniya, at alam kong wala siyang iba so please stop making rumored shits lalo na kung walang kang proof k?" Pagkaklaro ko tsaka humarap sa teacher namin.

"Yah sabi ko nga, stay strong sainyo ah." Rinig ko ang sarcasm sa sinabi niya pero di ko nalang siya pinansin dahil abala pa din ako sa kaiisip kung anong nangyari kay Chloe.

Lumipas na ang ilang oras na pag stay ko rito sa school at dinismissed na kami.

"Pre date muna kami ni Chloe ah? Mauna na kayo pakisabi nalang sa tropa." Pamamaalam ko kay Ace tumango naman siya at nakipagkamayan sakin.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now