CHAPTER 27:A CHEATER

13 1 0
                                    

Margaux's POV

2 weeks later...

"Oh pa, kamusta trabaho?" tanong ko kay papa na kararating lang galing sa trabaho at mukhang pagod. "Ayos lang, nak. Daming gawa doon." at humilata na si papa sa sofa. Mabuti ngayon at may konti na kaming naiipon na pang gastos at may trabaho na si papa.

"Wait lang pa, gawan kita ng kape." tumayo ako sa upuan at nagtimpla ng kape. Inalok ko kay papa ito at ininom naman niya ito. Hinayaan ko munang magpahinga si papa sa sofa at pumasok na muna ako sa kwarto ko.

May biglang nagtext sa cellphone ko at nakita kong si Keanne ang nakalagay doon.

Pretty Keanne:

Guuuuurl! Mall tayo! I have something for you! Wear your prettiest dress ha? Mwaaaah! See yaaaa!

To Pretty Keanne:

Ano nanamang pakulo mo ha?

Pretty Keanne:

Bastaaa! Gooo na I'll meet you at my fave cafe ha. Goooo!

Napailing nalang ako sa mga pakulo ni Keanne nanaman. Kaya naligo na ako agad-agad at baka magalit pa ang babaeng yun. Pagtapos ko maligo ay sinuot ko yung damit na binili namin nung last last week. Kulay light pink na dress ito at ito na ang sinuot ko.

Magpapaalam sana ako kay papa kaso ang himbing na ng tulog niya kaya hindi ko na ginising. Nagiwan nalang ako ng note at lumabas na ako ng bahay.

At the mall...

Pumunta ako sa favorite niyang café at hinanap siya doon. Nakita ko siya sa loob na umiinom ng frappe at nung papalapit na ako kay tumingin naman siya sakin mula ulo hanggang paa at napatigil sa paginom ng frappe.

"Gosh, sabi na nga ba you have natural beauty. Grabe na yung pinayat mo, gurl! I like it!"

"Hay nako, ano ba gagawin natin dito Keanne? Hindi ako komportable sa suot ko."

"Call me girl na nga lang! You look good don't worry. At mas lalo ka pang gaganda." tumaas taas ang kilay niya at tumayo na siya at kinawit ang kamay nya sa arm ko at pumunta na kami sa kung saan.

Nakita kong tumigil kami sa tapat ng isang salon at napakunot naman ang noo ko kung bakit kami andito. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kaniya at siya naman ay nakangisi lang.

"Basta! Hihihi" hinila niya nanaman ako sa loob at may isang bakla doon na ang gara ng itchura na lumapit samin.

"Keannaaaaa! Welcome back madam!" at nagbeso beso sila at nagyakapan. Mukhang matagal na rin silang magkakilala.

"Hi gurl! So you see, I have a friend here. I want you to make her look as good as I am. Pero syempre maganda pa rin ako! HAHAHAHA! So do whatever you want to do to her! basta dapat yung mababali lahat ng leeg ng lalaki sa mundo kakatingin sa kaniya. Aight gurl?" napatingin naman ako kay Keanne at hindi makapaniwala sa narinig ko. Naintindihan ko yon syempre pero parang sobra naman ata yung gagawin sakin!

Pinasadahan ako ng tingin nung baklang may magarang itchura at tumango tango. "We can definitely make that work madam! In fact ang ganda na nga nitong kasama mo eh. Familiar yung mukha niya the! Hindi ko lang maknows kung sino! At basta madam, ako na ang bahala dito! Mga chaka! Assemble!" at pumalakpak pa siya at maraming mga staff ang nagsilapitan samin at ako naman at pinapunta nya sa may parang binabasa yung ulo tapos liliguan. Hindi ako sanay sa mga ganto!

"P-pero Keanne--"

Ngumiti nalang siya sakin at pinahiga nila ako at binasa ang buhok ko at shinampuhan ito. Pagkatapos ay pinalipat nila ako sa upuan at doon sinimulang may gawin ng kung ano ano sa buhok ko. May pinahid sila rito at binabad yung ulo ko ron kung anuman yon.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now