CHAPTER 14: MASTERMIND

12 1 0
                                    

Chase's POV

KiNuHbUhKaSuHnN

Nakakainis! Kailangan ko na talagang paalisin yong matabang yon! Pati pagkakaibigan namin ni Ace nagkandaleche Leche na eh! Tulad nung muka niya, nakakaleche.

Oo, ako yung gumawa non. Ako ang naglagay ng letter sa locker ni Keanne para lumabas sila, at nang makalabas na sila pasimple kong pinasok ang wallet ko sa loob ng bag niya. Wala naman akong napansin na nakatingin kaya nagpatuloy nalang ako sa plano at nagkunwaring nawawala ang wallet ko. Kaya ng maagaw ko na ang pansin ng mga kaklase ko, ay agad kong hinalungkat ang mga bag na malapit sa pwesto ko at pumunta sa pwesto ko. Kaya ayun ng buksan ko ang bag ni taba pinalabas kong siya ang nagnakaw non.

Nabad trip ako dahil pinagtanggol ni Ace ang babaeng yon. Ewan ko ba, sanay naman akong pinagtanggol ni Ace ang mga binubully ko, pero ngayon sakaniya na siya kumakampe!

Kailangan ko ng tapusin to! Kaya pagpasok ay tumungo ako sa office ng lolo ko, kumatok ako at agad naman akong pinapasok ng secretary niya, at pinaupo ako sa visitors sit ni lolo sa loob ng office niya, alangan sa labas diba?

"Apo, alam kong hindi mo sadyang pumunta dito para lang batiin ako ng goodmorning. Kaya anong pakay mo?" sarcastic na sabi ni lolo habang nakangiti.

"lo, do you know Margaux?" Pangunguna kong tanong.

"Margaux? Hmm Montecillo? Yeah I think I know her. Ano meron sakaniya?" tanong niya.

"Yes Montecillo, she's my classmate and my seatmate." napasinghap ako ng sabihin ko ang seatmate, at si lolo naman ay parang nainteresado, dahil pinaghawak niya ang kamay niya at ipinatong ang baba niya. Ganyan kasi si lolo kapag interesado, hmm kataka taka.

"As i was saying she stole my---" napatigil ako ng biglang siya nagsalita ng may ngisi sa labi

"Let me guess she stole your wallet right?" nagtaka naman ako dahil paano niya ito nalaman? Agad gumuhit ang pagtataka sa muka ko.

"Y-yes paano? I mean paano mo nalaman lo?" nagtatakang tanong ko habang siya ay lumawak ng ngiti at napapalakpak pa!

"Nothing. Hinulaan ko lang galing ng lolo mo no?" natutuwang sabi niya. Nababaliw na ata lolo ko huhu.

"Y-yeah uhm yes lo y-you are." naweweirdohan kong sabi. "Yun nga lo she stole my wallet hindi mo ba siya patatalsikin sa school? Yon dapat ang parusa niya lo! Kailangan niyo siyang patalsikin!" okay, Chase kalma kalma patatalsikin niya din yon mawawala rin ang babaeng yon sa school na to. Okay chill! Nababawasan kagwapuhan mo.

Hinawi ko ang buhok ko at napaayos ng upo, si lolo naman ay napaubo at inayos ang salamin niya. Talinong tignan ng lolo ko amp. "Do you have the evidence to prove that the girl really stole your wallet?" seryosong sabi niya.

"Evidence? Uh I mean my classmates can be my evidence. Nakita nila na sa bag ni Margaux nakalagay ang wallet ko."

"That's not enough Mr. What if may naglagay lang ng wallet mo to frame her up?"

"What? Lo hindi ba malinaw na ninakaw niya ang wallet ko? Lo she deserves a punishment!" pagpoprotesta ko. Sayang naman ang effort kong magacting doon kung hindi yun gagana! Hindi pwede!

Tumayo si lolo at tinapik ang balikat ko. "Don't worry Chase, magpapaimbistiga ako and once nanalaman ko na ninakaw talaga ni Ms. Montecillo ang wallet mo. Ako mismo ang magpapatalsik sakaniya. At kapag hindi." huminto siya sa pag sasalita at tumingin sa mga mata ko.

"Balita ko kasi bumababa na ang mga grades mo. And im aware of that, so kapag hindi namin napatunayan na siya talaga ang nagnakaw ng wallet mo, then she will be your personal tutor." nakangiti at seryoso niyang sabi. What? Wait what if! No! No no no! I need to do something! Ayoko maging studyante niya! Tyak na hindi ako matuto sakaniya! Ayoko!

"What? Is that serious? Ayoko nga!" singhal ko kay lolo.

"Oh iho? Hindi pa naman napapatunayan na wala siyang kasalanan ah? Bakit mukang may alam ka na?"

"Nothing! I dont know nothing lo!" pag tatanggi ko, mamaya mabuking pa ako! "Lo thanks for your time, I have to go magaattendance pa ako sa first class namin." attendance lang naman talaga pakay ko. Ayokong magcutting mamaya malaman pa ni lolo isumbong ako kay dad, lalo pa akong kamuhian.

Lumabas na ako sa office ni lolo at pumasok na sa classroom. Tulad ng dati pupunta ako sa mga kaibigan ko, pero hindi kami nagpansinan ni Ace. Tanging si Bryce at Clyde lang ang kinakausap ko.

"Pre, mukang may LQ kayo ni fafa Ace ah." pabirong sabi ni Bryce, marahil napansin na din ang awkwardness naming dalawa ni Ace.

"Oo nga mga pogi! Baka gusto niyong magusap? Hehe." babakla baklang sabi naman ni Clyde na ikinatawa ko. Lumingon naman ako kay Ace at ayon siya nagbabasa ng libro. Gusto ko naman talagang makipag ayos na sakaniya, syempre matalik ko siyang kaibigan, at ayokong magtapos pagkakaibigan namin ng ganun ganun lang.

Kakausapin ko na sana siya ngumit agad niya naman akong liningon at ibinaba na muna ang librong binabasa niya.

"Makikipag ayos ako, kung titigilan niya na si Margaux. Man up dude, hindi mo alam pinagdadaanan ng tao. Kaya please lang wag mo na siyang gaguhin." seryosong sabi niya na agad nagpakunot ng kilay ko. Takte ito nanaman tayo eh! Ano bang meron doon! Sigurado talaga akong nagpaawa yung biek na yon! O kaya ginayuma! Lintek eh.

"Pucha naman Ace. Sisirain mo pagkakaibigan natin ng dahil lang sa babaeng yon?" agad na namuo ang init ng ulo ko. Tangina naman kasi eh.

"Hindi ko naman sinisira ah? Concern pa nga ko sa lagay kong to eh." umiling iling nalang ako habang nakangisi at umalis sa puwesto nila at padabog na umupo sa pwesto ko.

Lecheng babaeng yon. Humanda siya sakin, kakalbuhin ko taba non! Nanggigil ako!

Inubos ko nalang ang oras ko sa pakikinig ng music at yumuko. Nalulungkot ako na naiinis. Pakiramdam ko kasi nawalan na ako ng kaibigan, naiinis ako dahil nang dahil sa butchog na yon ay mawawalan ako mg kaibigan.

Pumasok na ang teacher kaya napaayos ako ng upo. Lumingon ako sa katabi kong upuan, kaso wala siya. First time niyang malate ah o umabsent? Sana absent siya para naman mapayapa muna ang buhay ko.

Lumipas na ang kalahating oras sa subj namin, pero wala pa ding tabang pumapasok sa classroom namin. Absent na yun. Pero bakit imbis na saya ang maramdaman ko ay parang nalungkot ako? Ha! Alam ko na kung bakit! Wala kasi akong mapagtitripan eh, hay kalungkot.

Natuon ang attention ng mga kaklase ko ng biglang bumukas ang lintuan ng classroom namin. Hala may matabang zombie na pumasok! HAHAHA!

Tumabi ung zombie na mataba sakin at binagsak ang katawan niya sa upuan. Bigla tuloy ako naawa sa upuan, buti kinakaya ng upuan ung kagaya niya.

"Galing ah di mo lang pala kayang magtransform ng biek! Kaya mo din magtransform ng zombie!" tatawa tawang sabi ko habang siya naman ay parang walang naririnig.

"Hoy taba, bat hindi ka nalang umabsent? May mala walking dead entrance ka pang nalalaman kanina." hindi niya pa din ako pinansin. Feeling special pa tong zombie na to este taba pala, muka kasing zombie ang laki ng eyebags!

Kumuha nalang ng isang piraso ng papel at ginawa itong crumpled paper. Umabante muna ako at ibinato sakaniya ang crumpled paper.

"Paabot." pagtukoy ko doon sa crumpled paper na tumama sa ulo niya. Agad naman siyang sumunod at kinuha yun at ibinulsa. Aba! Sabi ko ibigay sakin eh!

"Hoy akin yan! Ibalik mo nga!" mahina kong sigaw, ngunit di pa din niya ako pinapansin.

Tinigilan ko nalang siya at sumandal sa pwesto ko. Ano ba naman yan Chase? Bakit ba gusto mong agawin yung basura na yun? HAHAHA sabagay, bagay naman sila ng papel na yon. Isang basura at isang basurahan. Perfect diba!

Imperfect UsWhere stories live. Discover now