CHAPTER 34: CONFUSED

12 1 0
                                    

Chase POV

Patuloy lang ako sa pagtatype ng nga sinasabi ng mga kaibigan at sila keanne at margaux.

Pansin ko naman na nakatingin si Margaux sakin kaya tumingin ako sakaniya. "Crush mo ko? Tingin ka ng tingin eh." tatawa tawang sabi ko.

"Kapal ng mukha mo di ka naman kagwapuhan no." sagot niya tsaka niya ko inirapan.

"Oi, oi, aba bat ba ang taray mo ngayon ha!" nasamingot kong sabi kay Margaux habang nakakunot ang noo.

"Eh ikaw bat ba ang weird mo ngayon!" balik na tanong niya sakin na nakakunot din ang noo at nakacross arm pa.

"A-anong weird ano bang pinagsasabe mo?" nagtataka kong tanong sakaniya. Eh wala naman akong ginawang kaweird weird amp.

"Yung pagpapapansin mo, di ba weird yon? Yung pagtingin tingin mo jan dukutin ko mata mo eh ang weird kaya!" pagrereklamo niya na may samang pagsundot pa kunware sa mata ko.

Ahh yon hehe.

"A-ano bang pinagsasasabe mo! Wala akong g-ginawang ganon no." pagtatanggi ko dahil kahit ako di ko malaman kung bakit ko ba yon ginagawa.

"Magsisinungaling ka pa--" napatigil si Margaux sa sasabihin niya ng biglang sumingit sa usapan si Bryce.

"Oh mga tropa easy lang. Tapusin na muna natin to bago kayo magbangayan." sabi ni Bryce na nakangisi pa, anong ngingisi ngisi ng mokong na to hilain ko nguso nyan eh.

"Oo nga! I can't focus on my works eh you guys looks cute when you two are making bangayan kaya I'm making nood!" conyong pag aaggree ni Keanne kay Bryce na parang kinikilig pa! Namula pa ang mokong.

"Yieee nagkakadevelopan ang dalawang ungoy." panggaasar ni Clyde sinamaan ko naman siya ng tingin. Kapal ng mukang sabihan ako ng unggoy siya tong may lahing unggoy eh!

"Back to work na dali." seryoso namang sabi ni Ace na nagsesearch sa phone niya.

"Sorry."

"Sorry."

sabay naming sabi ni taba kaya sinamaan ko siya ng tingin at ganun din ang ginawa niya sakin. Aba matapang.

Exactly my type i like it--angina mo! ano ba tong iniisip mo Chase!

Nang matapos kami ay bumaba na kami para sa libreng meryenda ni tita na brownies. Ito talaga pinakamasayang part tuwing tatambay kami kela Bryce ang sarap kasi ng gawa ng mommy niya na brownies eh! As in.

"Upo nalang muna kayo dyan sa dining tatawagin ko lang si Mommy." sabi ni Bryce tsaka siya dumiretso sa kusina nila kung saan naandon ang Mommy ni Bryce gumagawa ng browniess. Kanya kanya naman kami ng pwesto sa dining room nila Bryce at naupo.

"Panigurado uubusan nanaman tayo ni Chase ng brownies." tatawa tawang sabi ni Ace. Tumawa naman ang iba ko pang mga kasama at ako naman ay sumimangot.

Ano magagawa ko eh ang sarap ng brownies ni Tita!

"Naalala ko pa non nung mga bata pa kami, sa sobrang kapal ng mukha ni Chase nagpabake ulit siya ng brownies kay tita kasi naubos ung isang box na siya lang din kumain!" sabi ni Clyde at muli nanamang nagtawanan ang mga kasama ko.

"Takaw mo pala Chase HAHAHA!" tatawa tawang pangaasar ni Margaux sakin, sinamaan ko naman siya ng tingin pero agad din itong nawala nang makita ko ang magagandang ngiti niya, ang nakakahawang mga tawa niya di ko nalang namalayan na unti-unti na akong napapangiti habang nakatingin sakaniya.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now