CHAPTER 32: LIPS

18 1 0
                                    

Chase's POV

Nagkaron kami ng isang week na sembreak at mula nung muntikan kong mahalikan si Margaux ay di na kami muling nagkausap.

Isang week na ang nakalipas natapos na ang sembreak namin at back to school na ulit. Pucha di ko alam paano ko haharapin si Margaux, nahihiya pa din ako.

Shunga ka kasi Chase mamaya isipin nung tao chinachansing ko siya eww.

Pumasok ako sa room namin at sumalubong sakin ang mga malanding babae.

"Hi Chase, goodmorning! Narinig ko yung break up niyo ni Chloe okay ka lang ba?"

"Panigurado mahirap ang pinagdaanan mo this past few week"

"Tara Chase magbonding tayo kalimutan natin si Chloe." malalanding tono ng mga babae pero di ko sila pinansin at dumirediretso sa dulo kasama ang mga kaibigan ko.

"Tol! Musta buhay single ka na pala ule." pagbungad sakin ni Clyde na nakipagapir sakin.

"Tangina nakakahawa pagiging single mo pati ako nadadamay." pabiro kong sagot kay Clyde.

"Okay ka na ba Chase? Bat di mo sinabe edi sana nasa bar tayo nila Bryce nagpapakasaya." pagkakamusta naman sakin ni Ace. May sariling bar kasi ang tatay ni Bryce kaya minsan doon kami tumatambay kapag may problema kami.

"Di na tol alam kong may sarili kayong buhay tsaka may kasama ako nung mga panahon na yon. And she really did a great job on making me feel better." napangiti ako at lumingon sa pintuan ng pumasok si Margaux kasama si Keanne.

Napatingin ako sakaniya at bumaba nanaman sa labi niya ang tingin ko, mga labing mukang malambot at masarap halika-

"Putangina tol! Sino yan? Chix ba ha!" sabi ni Bryce sabay tulak sakin.

"Grabe ka pre, nakabingwit kagad habang broken iba ka talaga saludo kame sayo utoy!" sabi naman ni Clyde tsaka ako binatukan.

Natawa nalang ako sa reaction ng mga kaibigan ko tsaka binura sa isipan ko ang kalaswa-laswang iniisip ko.

Nagbell na at saktong pumasok na ang adviser namin kaya bumalik kami sa sari sarili naming upuan. Umupo ako sa tabi ni Margaux at napatingin sakaniya.

Babatiin ko ba siya? Tangina ang weird wag nalang nga. Anak ng Chase parang pag bati lang ng goodmorning simple lang yon! Eh ang weird nga-

"M-May sasabihin ka ba?" napatigil ako sa pagiisip ng biglang magsalita si Margaux.

Ganon na ba ko katagal nakatitig sakaniya? Argh ano ba to!

"Ah hehe, goodmorning lang." yan nalang ang sinabi ko sabay sandal sa upuan at hawi ng buhok ko.

"Goodmorning din" Sabi niya sabay ngiti sakin.

Tila tumigil naman ang mundo ko at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Wtf is happening to me may sakit na ba ko sa puso? Ano ba to ayaw tumigil ng pagtibok ng-

"MR. BAUTISTA!"

"--ay puso!" gulat kong sabi ng sinigaw ng teacher ko ang apilido ko. Napaayos naman ako ng upo tsaka humarap kay miss. "Y-Yes miss? Tawag niyo ko?"

"Kanina pa mga apat na beses na, lutang ka ba?" nakapameywang na sabi ng teacher ko.

Naririnig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan ko at mga kateammate ko sa basketball mga gagoo. "No mam, I'm sorry may iniisip lang po."

"Kakatapos lang ng sembreak mga ganyan pinapakita niyo. Osiya lumipat ka don sa pwesto ni Oscar sa dulo." what? Anong gagawin ko dun? Ayoko nga malayo kay taba!

"Maglilipatan mam?" nagtatakang tanong ko.

"Ay malamang alangan namang trip lang kitang palipatin don sa pwesto ni Oscar! Bilis kilos!" pagsigaw ni mam kaya mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at lumipat don sa pwesto ni Oscar, nakakainis naman!

Nagbanggit pa si mam ng mga pangalan at pwesto na nililipat niya kaya tumungo muna ko para matulog.

Naubos ata ang oras kakaarrange ni mam ng seats kaya buong oras din akong tulog, nagising nalang ako ng kulitin ako ni Clyde na isang sit lang ang pagitan namin.

"Hoy Chase ayos ka lang ba? Bat lutang ka kanina? HAHAHAHA!" Pangaasar sakin ni Clyde tsaka siya lumipat sa pwesto ko.

"Dito muna ko, baho ng hininga nung katabi ko dun eh." nilingon ko naman ang katabi na sinasabi ni Clyde at nakita don ang nangungulangot na babae tas sinusubo pa niya ung kamay na pinagkulangot niya! Aba matinde.

"Kadiri naman." mahinang sabi ko kay Clyde.

"Tignan mo ung tatlong yon nagkakamabutian na kagad." napailing nalang siya at tumawa tawa, nginuso niya naman ung naandon sa bandang harap kaya tinignan ko ito

Don ko nakita si Ace, Bryce, at Margaux na nagtatawanan habang naguusap. Anak ng anduga naman bat di ko siya katabi!

Sinamaan ko ng tingin yang pwesto nila at kumulo ang dugo ko ng makitang ang saya saya niya habang kausap ung dalawa.

"Pre, pre, teka easy ka lang! Uy ansama na ng tingin mo, di inaagaw ni Margaux mga kaibigan natin nukaba naman tol!" pagpipigil ni Clyde. Nagdabog ako at lumabas ng room tutal mag-rerecess na rin naman na. Pumunta muna ako sa CR at jumingle sabay nag hugas ng kamay.

Pagkatapos ay lumabas na ko at nakita kong naglalabasan na rin ang mga ibang studyante.

Nagtungo na ko ng canteen dahil panigurado, andun na yung mga kupal na yon. Habang papunta sa canteen, hindi ko mapigilang mainis. Paano ba naman kasi, katabi ni Ace tsaka ni Bryce si Margaux! Tas ako hindi! Nakakainis!

Teka nga, bat ba ko naiinis? Ano bang pake ko sa babaeng yon? Bwiset!

"Chase..." nawala ako sa pagiisip ng biglang sumulpot sa harapan ko ang babaeng ayoko nang makita pa.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Tinignan ko lang siya at nilampasan ko siya.

"Chase, please mag-usap tayo." pangungulit niya pa. Hinawakan niya ko sa braso pero tinaboy ko kaagad iyon.

"Chase-

"Ano pa bang gusto mo pag-usapan Chloe? Gusto mo pag-usapan natin kung paano ka nangloko? Kung ano nagustuhan mo dun sa lalaking yon na wala ako? Sige, sabihin mo! Ano?" sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Buti na lang walang masyadong tao sa hallway.

"C-Chase, no... I'm just... I'm sorry. Please, wala na kami ngayon, hindi ko na uulitin-

"Ah kaya bumabalik ka sakin ngayon? Pwes hindi na ko babalik sayo. Tapos ang usapan."

Tinalikuran ko siya pero hinawakan nanaman niya ang braso ko. "D-don't you love me na Chase? Kasi ako I still love you. Please comeback to me hindi ko na uulitin." pagmamakaawa niya pa. Wala na kong awa sa kaniya ngayon, sobrang sakit ng naranasan ko nang dahil sa kaniya.

"Ano ngayon kung mahal mo pa rin ako? Hinding-hindi na ko babalik sa babaeng hindi alam ang ibig sabihin ng salitang "pag-mamahal". naglakad na ko ng mabilis at iniwan siya doon. Bwiset tong araw na to.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si taba na may dalang iced coffee at sandwich. "U-Uy, anjan ka pala. Uhm... Eto oh, dinalan kita ng kape. Mukhang mainit ulo mo kaya ayan, iced coffee." aniya sabay ngiti. Biglang nagbago ang pakiramdam ko, para bang onti-onting sumasaya at kumakalma.

Ngumiti ako at tinanggap ang kapeng binibigay niya saken. "Thanks. Tara sa canteen?" yaya ko sakaniya at agad naman syang tumango at naunang maglakad sakin.

Bakit biglang nagbago pakiramdam ko nung nakita ko siya?

Imperfect UsWhere stories live. Discover now