CHAPTER 23: NEW HOUSE

9 0 0
                                    

Margaux's POV

Ngayong araw na ang labas ni papa sa ospital. Nakakaexcite kasi makakalabas na rin siya sa wakas, nakakamiss rin si papa eh. Nagaayos na kami ng mga gamit namin at in a few minutes aalis na rin kami.

Nagliligpit na rin ako ng gamit ko kaso may isang kulang na gamit ako. Asan yung toothbrush ko? Oo dugyot ako pero syempre nagtotoothbrush din ako no.

"Asan na yun?" bulong ko habang hinahanap sa kung saan saan yung toothbrush kong dugyot den pero okay pa. Binalik ko yung paghahanap ko sa bag ko baka sakaling nalagay ko na dun pero wala talaga.

Okay medyo naiinis na ko ha.

Pumunta ako sa cr pero wala na naman kaming gamit don kaya umalis na ko at bumalik sa bag ko. Nagulat ako ng biglang nandun na nakapatong ung toothbrush kong dugyot pero okay pa. Napakunot ang noo ko kasi wala naman yun dun kanina.

Kung andun yun kanina pa edi sana di na ko nagpaeeffort effort maghanap sa cr.

Tinignan ko naman si Ace na parang tangang nagtititingin sa loob ng ref eh wala namang kalaman laman don at parang pangisi-ngisi at nagpipigil ng tawa.

Nilapitan ko ang mokong at pinalo ko ng mahina sa braso at dun na sya nagbuga ng tawa niya. Lintek talaga.

"Cute mo pag naiinis sa kakahanap HAHAHAHA!" aba tinawanan pa ko.

"Leche, bat nangingielam ka ng gamit ha?"

"Bawal ba? hehe." napakamot pa sya sa ulo niya at di ko nalang pinansin at tinago na yung toothbrush kong dugyot pero okay pa.

"Hehe sorry na. Di na mauulit." di ko pa rin siya pinapansin dahil isa akong dugyot na pakipot.

Sinuyo pa ko ng mokong pero bumigay na rin ako dahil nakakatawa ang ang pagmumukha niya. Nilapitan naman ako ni papa at ngumiti sakin.

"Kamusta na kaya ang bahay natin? Ang mga kapitbahay? Namimiss na siguro nila ang kapogian ko!" natawa nalang ako sa sinabi ni papa at napailing iling.

Hanggang sa maayos na ang lahat at lumabas na kami ng hospital. Nagpresinta si Ace na sa kotse nya nalang kami sumakay at di naman kami tumanggi.

"Teka, ito ba ang daan satin anak?" biglang tanong ni papa habang nagbyabyahe kami. Ngumiti nalang ako kay papa at binalik ang tingin sa harapan.

"Bakit tayo andito? Asan na tayo anak?" muling tanong ni papa nang makarating kami sa lugar kung saan ang sopresa ko kay papa.

"May ipapakita ako sayo papa." ngumiti ulit ako habang nasa harapan ng isang bahay.

"Nakikita mo yan pa? Ang ganda no."

"Aba'y oo naman. Pero, bakit tayo andito?"

"Ito na ang bagong bahay natin papa." tumingin naman ako sa magiging reaksyon ni papa sa sinabi ko. Nakita ko naman syang nakanganga at hindi makapaniwala.

"Hindi nga? P-Paano?" hindi pa rin makapaniwala si papa.

"Surprise ko to sayo papa hehe. Habang nasa ospital ka, nagraraket ako kung saan saan, tumulong na rin si Ace kaya ayan, may panibagong bahay na tayo." binalik ko ang tingin ko sa hindi gaanong kalaki na bahay pero sapat na samin para kay papa.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni papa at naramdaman ko nalang umiiyak na. Natawa naman ako sa reaksyon ni papa at niyakap rin siya.

"Salamat anak! Grabe ganon na ba ko katagal tulog? Hay pasensya na sa lahat at ikaw pa ang gumagawa ng lahat ng to. I'm so sorry-

"Shh pa, okay lang. Ang drama mo nanaman! At least maibalik ko man lang ang lahat ng ginawa mo sakin papa." ngumiti siya at yumakap ulit sakin.

Niyaya ko na silang pumasok sa loob, may kaonting gamit din dun sa loob at tinulungan din ako ni Ace sa paglilipat dun.

Nagpadeliver ng pagkain si Ace dito kaya napagdesisyon niyang dito muna siya. Yaman talaga ng lalaking to. Sana oil.

"Say ahh!" at sinubo sakin ni Ace ang isang mahabang, matigas na may puti sa dulo.

Syempre kutsara tawag don na may kanin at ulam hehe.

"Ayan pakataba ka ulit. Cute mo pag ganun eh."

"Konti lang, mabilis na nga kong mabusog ngayon di ko alam kung bakit."

"Bagay din naman sayo yan. Lumilitaw ganda mo." bigla siyang sumeryoso at nakatitig lang sakin pero binawi niya iyon at napailing iling.

"Gutom lang yan, kain pa oh." ngumanga naman sya at sinubo ko ang kutsarang may ulam rin doon at nakangiti siya habang ngumunguya.

Napailing nalang ako at kumain nalang rin ako. Minsan nakikita ko siyang nakatingin sakin tapos pag nahuhuli ko naman ay nagmamake face siya.

Hinayaan ko muna si Ace na nandun sa kusina habang kumakain pa rin at pumunta kay papa na nasa labas at nakaupo. Nageemmk nanaman sa isip to.

"Oh pa? Ayos ka lang? Di ka ba happy may bago na tayong bahay?" tanong ko at tumabi kay papa.

"Oo naman, anak. Iniisip ko lang, kamusta na kaya ang mama mo? Maayos lang kaya siya?" namimiss niya si mama. Sobrang tagal na rin nilang hindi nakikita.

Naisip ko rin, kamusta na nga kaya si mama? Hindi ko siya nakagisnan simula nung paglaki ko. Makikita ko pa kaya siya?

"Wag tayo mawalan ng pagasa pa. Makikita pa natin siya."

"Eto nanaman ang drama! Ibahin natin!Nagkakamabutihan ata kayo nung Ace na yun ah?" nangunot naman ang noo ko at napailing.

"Kaibigan ko lang siya pa. Mabait siyang tao at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko."

"Kaibigan? Ang sweet naman! Nagsusubuan pa kayo."

"Basta pa kaibigan ko lang yun!" tunango tango naman si papa at ibinalik ang tingin sa harap kung saan papalubog na ang araw.

Habang papasok naman sa bahay ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino iyon pero numero lang ang andun.

Sinagot ko nalang ito at nilagay sa tenga ang cellphone ko.

"Hello?" sagot ko.

"Margaux." sagot sa kabilang linya na may napakapamilyar na boses. Iisa lang naman ang taong yun na may ganyang boses.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now