Margaux's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa kwarto ko. Ang lakas makasunkissed naks. Bumangon na ako at tinignan kung anong oras na sa di-pindot kong cellphone para tignan ang oras. Tanghali na pala ako nagising, wala nga palang pasok ngayon. Thursday ngayon, walang pasok dahil may seminar ang mga teachers. Ewan ko nga bakit pa thursday ginawa at di na lang friday. Psh, tatlong araw rin sanang walang presensya ng mokong na yun.
Makalipas ang ilang araw, patuloy pa rin ang pangttrip ni Chase sakin. Sa loob ng isang buwan, ginugulo niya ako. Pero tinitiis ko nalang kasi kailangan ko magtagal dito para makapagtapos ako. Sayang naman kasi yung opportunity dito hellleeer! Minsan nagbabangayan kaming dalawa, minsan naman hindi ko na lang pinapansin at nagaaral nalang ako.
Nagtimpla na ko ng kape at ininom ko na. Alangang makipagtitigan ako sa kapeng to! Baka matunaw pa ko sa init hihi! Napailing ako sa naiisip ko. Nababaliw na nga ata ako, tsk tsk. Kinuha ko yung tira kong bisquit na baon ko at kinain ko na hehe, gutom eh. Baka lumabas pa si John Lloyd dito! Oh kaya si Joshua Garcia! Ay teka, ice cream pala yun.
Naubos ko na ang bisquit at kape ko at papunta na sana ako sa hugasan nang mapadako ang tingin ko sa kalendaryo na nakadikit sa pader.
Birthday na ni papa bukas! Napatingin ako, Friday the 13th pa tumapat.
Wala si papa ngayon dahil may nagalok sa kaniyang trabaho at bukas na rin siya uuwi ng hapon. Kaya magisa ako sa bahay, ayos at madedecorate ko rin kahit papaano ang bahay habang wala pa siya.
Napailing ako kasi hindi naman totoo yun diba? Na may malas kapag friday the 13th? Kaya nag patuloy ako at hinugasan ko ang tasa at pinunasan ito.
Gusto ko sanang supresahin si papa bukas. Kaya nag-isip ako ng kung anong pwedeng gawin. Bilan ko kaya ng simpleng cake man lang? Ayos na yun para at least may handa si papa.
Tinignan ko ang pera ko sa bag ko, at nalungkot nang makitang fifty pesos nalang ito. Hindi ito sapat para sa cake. Binalik ko ito sa bag at naligo na muna ako.
Matapos kong maligo, agad agad akong nagbihis at kinuha ang bag ko. Maghahanap muna ako ng pagkakakitaan para may pambili ako. Lumabas na ako ng bahay at naglakad palabas sa lugar namin.
Bumili muna ako ng pagkain sa tindahan sa tabi ng bahay ng kapitan ng barangay namin at mukhang may nag bbirthday din. Kaso mukhang nagkakagulo ata sa loob at may umiiyak na bata. Anak pala nung kapitan yun. Si Princess, minsan ko na ring natutoran yun dati. Tinuturi talaga siyang prinsesa ng ama niyang ubod ng bait.
Nakita kong lumabas sa bahay si kapitan at parang may tinatawagan. Dahil malakas ang boses niya ay rinig ko kung anong sinasabi niya.
"Asan na yung kakantang sinasabi mo? Umiiyak na ang anak ko at ayaw kong nakikitang ganun siya!" nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain ulit ng bisquit, nagutom ako ulit eh hehe.
"Anong hindi makakarating?! Ayokong masira ang kaarawan ng prinsesa ko! Bahala ka riyan!" at mukhang pinatay na niya ang tawag. Naubos na ang kinakain ko kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Binati ko naman si kap. Nginitian niya ako ng mabilis ngunit binalik niya rin kaagad ang tingin niya sa cellphone niya pero agad din siyang tumingin ulit sakin at pinigilan ako sa paglalakad.
"Margaux iha, may pupuntahan ka ba?" tanong sakin ni kap at napatigil naman ako sa paglalakad.
"Ah eh maghahanap sana ho ako ng pagkakakitaan." sagot ko naman.
"Ay ganun ba? Iha, narinig kasi kitang kumanta noon at maganda ang boses mo. Pupwede bang kumanta ka para samin? Magbabayad ako, ayoko lang masira ang kaarawan ng anak ko dahil hindi dumating yung kakanta sa kaniya. Kantahan mo muna si Princess, ayos lang ba?" pakiusap naman niya sakin. Agad akong ngumiti at tumango sa kaniya. Kitang kita ko ang saya sa kaniyang mga mata at ngiti, mahal na mahal niya talaga ang anak niya. Namiss ko tuloy si papa.
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...