Chase's POV
Nakangiti ako habang naglalakad at naghahanap ng magarbong restaurant. Balak ko kasing sorpresahin si Chloe sa nalalapit naming monthsary!
Tsaka matagal tagal ko na din siyang hindi nadadate kaya I wanna make it up to her naman.
Ang dami kong nakikitang magagandang kainan pero parang may ibang hinahanap mga mata ko. Gusto ko kasi yung maapreciate niya, masyado kasing mapili si Chloe. Ayaw niya sa mumurahin tsaka mararaming tao gusto niya yung magagarbo, kaya mageefort ako para dagdag pogi points kay misis!
Habang naglalakad may nakita akong pamilyar na bulto sa loob ng isang mamahaling restaurant na may kasamang ibang babae, at mukang naglalambingan.
Lumapit ako ng konti para maaninag ang muka niya, at hindi ako nagkakamali kilalang kilala ko ito.
Agad kumulo ang dugo ko at napakuyom ang palad ng dahil sa galit. Ang kapal ng pagmumuka niya.
Pumasok ako ng patago para hindi ako mahalata ng ama ko at ng kasama niya at umupo sa di gaano kalapit at di gaanong kalayong upuan sakanila.
Pinagmasdan ko ang tatay ko. Maraming mga tanong ang bumabagabag sa loob ng utak at puso ko habang pinagmamasdan ko sila. Paano niya nagawa saamin to? Kelan pa ito? Kelan niya pa kami pinaglalaruan at ginagawang tanga dahil sa mga kagaguhan niya? Kelan?
Lumipas ang isang minuto ay tumayo sila at lumabas ng resto. Hindi ko alam kung saan na sila pumunta pero wala na akong pakialam. Sapat na yung nakita ko para kamuhian ang ama ko.
Lumabas na din ako sa kainan yon, at napagpasyahan ng umuwi. Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako dahil hindi ko mapigilan ang ama ko sa ginagawa niya, naiinis ako dahil alam kong masasaktan ang nanay ko kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Pagdating ko ay umupo ako sa sofa at napatulala. Ilang minuto akong ganon ang position ng may marinig akong pagbukas ng pinto. Hindi ko man silipin ay alam ko namang tatay ko ang pumasok don.
"Saan ka galing? Bakit ka nakapangalis?" Tanong sakin ni daddy.
Nilingon ko naman siya at tinignan siya sa mata. "Diyan lang naghanap ng pwedeng makainan. Ikaw? Saan ka galing?" Pagbalik ko sa tanong niya.
"Business." Tipid niyang sagot at tsaka ako tinalikuran. Hindi pa siya nakakalayo ay bigla ko siyang tinulak galit niya akong nilingon at tinulak ako pabalik.
"Business? O landian?" Taas noo kong sagot at walamg halong takot.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Bulyaw niya sakin. Nasaktan ako ng murahin niya ako pero hindi ako nagpaapekto. Inisip ko nalang na mali ang mga ginagawa niya.
"I saw you. With another woman. Is she really a business? Or a secret affair?"
sagot ko. Nakita ko siyang napatigil.I smirk and laughed.
"That was not me. Nagiimbento ka lang. That's bullshit Chase!"
"Dad huling huli na kita, nakita na ng dalawang mata ko yung kaharutan ninyong dalawa, itatanggi mo pa?"
Hindi na siya sumagot at sa halip ay sinapak ako sa pisngi, naramdaman ko ang unti unting paginit ng mga mata ko, pero pinigilan ko ito.
"Ang kapal ng muka mong pagsalitaan ako ng ganyan. I am still your father, Chase. At wala kang karapatang batuhin ako ng mga ganyan salita!" Bulyaw na sakin at halting halata ang galit sa muka niya, at wala akong makitang butil ng pagsisisi sa muka niya.
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...