CHAPTER 17: MAMA

16 0 0
                                    

Margaux's POV

Napansin kong sa mga nakaraang araw ang pananahimik ni Chase. Ang hindi niya pangtrip sakin, ang hindi niya pang-aaway, at pati na rin ang pagkatahimik niya. Nakakapanibago.

Naging payapa ang buong linggo ko, pwera lang minsan kapag nakakasalubong ko si Chloe. Hindi pa rin siya tumitigil.

Mas lalo naman kaming naging close nila Ace at Keanne. Madalas kaming magkakasama at magkausap. Minsan sinasamahan din nila ako sa hospital at nagbabayad rin ng expenses doon. Pero pinatigil ko na sila sa pagbabayad, nakakahiya na kasi talaga. Pero ang kukulit nila at minsan ay binabayaran pa rin.

Madalas rin ah hindi na ako nakakakain ng maigi. Minsan pa nga ay umaalis ako ng walang laman ang tyan. Syempre di naman yung literal na wala akong laman sa tyan, wala lang talaga akong kinakain.

Hindi na rin ako bumibili ng pagkain, inilalaan ko nalang sa pambayad kay papa. Andami pang bayarin sa ospital.

Kaya patuloy ang pag kakanta doon, kanta dito, tutor doon, at tutor dito. Mabayaran lang ang mga gastusin. Unti-unti ko naman nababayaran ang lahat pero, kapos pa rin. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko.

Napansin ko rin ang pagbagsak ng timbang ko. Nung isang araw ay nagulat ako nang lumuwag ang iba kong damit, napapabayaan ko na pala ang sarili ko.

Kamusta na kaya si papa? Maayos kaya ang kalagayan niya?

"Huy! Tulala ka nanaman!" gulat akong napatingin kay Ace na nakangiti at umupo sa harap ko. Ngumiti nalang ako ng peke at bumaling sa kaniya.

"Asan si Keanne?" tanong ko naman kay Ace na kumakain ng fries at inalukan naman ako pero tumanggi ako. "Oh, sabi niya mauna na raw ako. Don't you like to eat something? Namamayat ka na oh." napatingin naman siya sa katawan kong malaki nga ang pinayat.

"Kumakain ka pa ba? Napapabayaan mo na ata ang sarili mo." lumapit siya sakin at inalukan pa ko ng maraming fries. Tinanggihan ko ito dahil wala akong gana pa rin. Pero ang kulit ng loko.

"Eh ayaw ko, ayos lang ako."

"Eat!" sabay tinapat ang fries sa mukha ko.

"Wag na." tinataboy ko naman ito.

"No, you will eat!" at magsasalita na sana ako kaso sinubo niya ang fries sakin at wala naman na akong nagawa kundi nguyain ito. Ang kulit niya talaga lalo na sa pagpapakain sakin, ginagawa niya kong bata.

"There, good." ani Ace at kumain pa rin ng fries at inaalok pa rin ako. Ilang minuto ay dumating na si Keanne at nagsimula nanaman siyang magdaldal.
Nakasanayan na rin namin.

"Omg Margaux you know what? You have to buy clothes na! Anlaki na ng pinayat mo, I'm so proud hihi!"

"Tsaka na siguro, kapag maayos na si papa."

"Oh don't worry! I'll buy clothes for you, or maybe even a makeover? Watchu think Acey?" acey naman ang tawag nitong babaeng to kay Ace, nung una naiinis si Ace kasi siya lang ang tumawag non pero kalaunan ay nasanay na rin siya. Bagay tong dalawang to sa isip isip ko.

"Hmm, maganda ka naman kahit walang makeover. You have a natural beauty actually. Si Keanne lang naman ang wala." pangaasar ni Ace kay Keanne habang sinamaan siya ng tingin nito. Naginit naman ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Ace. Sa buong buhay ko iilan lang ang nakakapagsabi non. Malalabo siguro mga mata ng mga to.

"Omg! I thought ako lang nakakakita non! Hihi you're really beautiful, Margaux girl." ngumiti naman sakin si Keanne habang tinititigan niya ang buong mukha ko. "Your mom must be so pretty. Wonder where tita is so I can know her secret! HAHAHAHAH!"

"In your dreams, Keanne." komento ni Ace.

"Ano ba? You always make kontra kontra! Can't you just eat there and be so tahimik?"

"Nope, just telling the truth."

"Whatever!"

Napailing naman ako sa mga pinagsasabi nila at sila naman at nagpatuloy ang bangayan nila. Palaging nag aasaran yan pero minsan naman ay parang may dumadaan na anghel dahil ambabait nila lalo na si Ace.

Hinintay ko nalang maguwian para makapunta na ko kay papa at tignan ang kalagayan niya. Tahimik pa rin si Chase at hindi ako pinapansin. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin pero iniiwas niya kagad.

Psh nakokonsensya na ata ang loko.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi na pinansin si Chase at tinuon nalang sa pag iisip kay papa. Sasamahan dapat ako nung dalawa kaso hindi ko na pinasama at marami rin kailangang gawin sa school.

Umuwi muna ako ng bahay para makapagdala ng mga damit sa hospital at ilang gamit na rin. Hinalungkat ko ang damitan namin na luma at habang naghahanap ako kay nay nakita akong isang bagay na nagpakunot ng noo ko.

Isang punit picture doon na mukhang matagal na.

Mukhang may kadugtong pa itong picture dahil punit ang kabilang side nito. Yung nasa litrato naman ay si papa at isang babae. Namukhaan ko naman kagad ang mukha ni papa nung kabataan niya. Ang gwapo ni papa nung araw, ngayon nasa ospital siya hindi bagay sa kagwapuhan niya.

Pinakatitigan ko ang babae. Ang ganda niya, maputi ang kutis niya at matangos ang ilong. Nakaakbay sakaniya si papa at ngiting ngiti silang dalawa dito. Mukha silang masayang dalawa.

Posible kayang... siya ang mama ko?

Napailing ako, ang ganda niya masyado. Parang hindi tugma sa mukha ko ang itchura niya. Tinago ko nalang ulit ang picture kung saan ko ito nahanap at nagtungo na sa ospital.

A few moments latur...

Nakarating na ko sa ospital at nadatnan kong nay nurse doon na parang chinecheck si papa. Umalis na rin kagad ang nurse at pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni papa.

Naghihilom na ang mga sugat niya, bumabalik ang pagkagwapo niya.

Hinawakan ko naman ang kamay ni papa at ngumiti sa kaniya kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"Uy pa, gising na aba. Antagal mo nang tulog oh. Namimiss ko na makipagbiruan sayo." pinipigilan kong umiyak habang nagsasalita.

"Papa balik ka na oh? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na kayang makita kang ganyan ang kalagayan. Alam mo ba papa, ang gwapo mo sa picture na nahanap ko? Yung ngiti mo don kakaiba eh, sana maibalik natin yung ngiti mong yun. H-Hindi ko na kasi-" napaiyak nalang ako bigla at hinayaan ko nalang tumulo ang mga luha ko pababa sa pisngi ko.

"H-Hindi ko na kaya na m-makita kang ganiyan. W-Wala n-nga si m-mama, tapos ikaw h-hindi ka pa dyan nagigising. Alam mo namang tayong dalawa n-nalang ang magkama diba pa? K-Kaya please, balik ka na oh?" hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Miss na miss na miss ko na kasi talaga si papa at nasasaktan akong makita siyang ganyan. Gusto ko na siyang makasama at mayakap. Lahat-lahat.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa puro itim nalang ang nakikita ko.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now