Chase's POV
Nababagot na ko dito sa condo ko ilang weeks na din kaming hindi nagdadate ni Chloe, madalang nalang din kaming magkausap tapos hindi ko alam pero parang tuwing kausap ko siya eh parang wala siyang gana at minsan nagmamadali pa, hay namimiss ko na yung dating kami.
Yayain ko sana siya ngayon na magdate, kaso sabi niya hindi siya pwede dahil may emergency daw mommy niya. Ganon lagi ang mga rason niya tuwing yayain ko siyang magdadate, kung minsan pa nga eh may pupuntahan sila o kaya naman ay may kailangan siyang asikasuhin o busy, pero apart from that iniintindi ko pa din siya.
Niyaya ko nalang mga kaibigan ko dito at naghang out sa condo namin.
"Pre napapansin ko madalang na kayong magkita ni Chloe ah? May problema ba sainyo?" tanong ni Clyde habang tututok na naglalaro ng video game
"Palaging busy eh tsaka palaging may emergency sakanila kaya ayun, ako na ang nagaadjust." malungkot kong sambit habang umiinom ng beer.
"Pero alam mo tol dapat pinupuntahan mo nalang si Chloe sakanila, mamaya mawalan kayo ng spark sige." sambit naman ni Bryce na abala den sa paglaro ng video game kasama si Clyde.
"Gustong gusto ko kayang samahan siya. But she wont let me kaya ayun the end naghihintay ako sakaniya" sabi ko habang pinaglalaruan ang basketball at umiinom din.
Nakipagcheers naman si Ace na kainuman ko din. "Yaan mo pre once na hindi na siya maging busy doon ka bumawi sa mga oras na di kayo magkasama! Lambingin mo tapos tsaka ka mag.. " inagaw niya ang bola at ishinoot doon sa ring na nasa pinto papuntang kwarto ko "mag score sa loob non! Booom!" tsaka siya tumayo at nagdub bigla.
Natawa naman kami nila Clyde at Bryce sa sinabi ni Ace at isa isang binatukan tong gagong to! HAHAHA "Tangina mo siraulo ka! HAHAHAHA"
"Ang manyak ni daddy Ace goosh!" nagbakla baklaan namang sabi ni Clyde na lalo kong ikinatawa ng sobra!
"Geh pre nood pa! HAHAHA" biro at tawang tawa namang sabi ni Bryce
Nagapiran nalang kaming lahat at napahinto sa katatawa ng may tumawag..
"Sino yan pre?" tanong ni Bryce.
"Si Keanne tol gusto mo ikaw kumausap?" pigil ang tawang sabi ko, dahil ton mokong na to matagal ng may gusto ke Keanne problema torpe kaya ayun hindi pa nakakascore HHAHAHA!
"Ha? K-keanne? E-eh! Ano i-ikaw na! Balakanga jan cr lang ako!" sabi naman ni Bryce na halatang namumula ang muka sabay takbo sa cr.
"Hoy baby Bryce! Anong gagawin mo jan sa loob ng cr ha!" asar ni Ace
"Magsasarile ka nanaman! HAHAHAH!" tatawa tawang biro ni Clyde, narinig naman naming nagmura si Bryce at tumawa nalang kami.
Sinagot ko nalang itong si Keanne at napatigil na ng tawa.
"Hello? Keanne bakit ka napatawag? Panimula ko habang binabatukan mga siraulong kaibigan ko kasi tawa ng tawaa
"Uhm Chase... Si Margaux to." nagukat ako ng boses ni margaux ang rinig ko at nagtaka naman ako nahalata ito ng mga kaibigan ko, pero pinagsawalang bahala ko muna yon.
"Oh Marg, bakit?" sagot ko, nagtaka naman ang mga kaibigan ko dahil siguro eh si Margaux ang nasabi ko imbis na si Keanne.
"Uhm alam mo ba kung asan si Chloe?" tanong nito, bakit naman niya hinahanap si Chloe?
"Huh? Ang alam ko lang is may emergency daw mom niya. Bat mo naman natanong?" takang tanong ko.
"Ano kasi, nakita namin siya dito ni Keanne, uhmm... may kasamang ibang lalake." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni margaux. Ano bang sinasabi nitong babaeng to!
"What? That's impossible. Baka kaibigan lang niya yan." kinakabahang sabi ko.
"Pero hinalikan nung lalake si Chloe. Kaibigan pa ba yon?" nangunot na ang noo ko at hindi na napigilan ang galit
"Enough of the nonsense, Margaux. Hindi yun magagawa sakin ni Chloe ko! Mahal niya ako! Hinding hindi niya magagawa sakin yon!" nagiba na ang tono ng pananalita ko dahil sa halo halong nararamdaman. Nahihibang na siya! Bullshits!
"Kitang kita kong si Chloe yun, Chase! Hindi ako pwedeng magkamali." napapamura nalang ako sa sinabi ni margaux, tangina kung prank to hindi ito nakakatuwa!
"Arrgh! Ano ba Marg?! Hindi siya yon! Pwede ba tigilan mo na ang paninira sa girlfriend ko?! Akala ko pa naman totoong kaibigan ka. Tantanan mo na si Chloe!" tsaka ko binaba ang call at padabog itong tinapon sa sofa.
Uminom naman ako ng beer at inubos ito habang nakatingin mga kaibigan ko sakin
"Pre teka dahan dahan, ano bang nangyari?" sabi ni Ace, hindi ko ito pinansin at patuloy pa din sa paginom.
"Pre tama na yan ano bang sabi?" tanong ni Bryce na di ko namalayang nakalabas na pala ng cr.
"Tangina pre, ang bullshit ng mga sinabi niya!" galit na saad ko, hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko. Argh!
"Ano ba yun anong nangyari?" sunod sunod na tanong ni Clyde.
Kinuwento ko ang mga sinabi ni Margaux, at wala rin silang masabi. We are both speechless of what margaux have said earlier, hindi namin alam kung paniniwalaan ba namin yun or what.
Pero isa lang ang sinabi nila sa akin, I have to ask Chloe kung totoo ba ang sinasabi ni Margaux.
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...