Chase's POV
Pagtapos kong tawagin si taba ay di ko na siya hinintay, at lumabas na sa sobrang boring na room na iyon.
Binuksan ko ang door ng room namin at buti nalang ay wala pa ung teacher namin. Dumeretso ako sa pwesto nila Ace dahil magkakalapit lang sila sa unahan pano magkakalapit lang rin mga apilido eh.
"Oh si lover boy andito na, musta detention pre?" tatawa tawang sabi ni Bryce.
"Di na namin itatanong kung anong nangyari sa dalawang subject na na miss mo ah! Alam naman naming wala kang paki don." Sabi ni Ace sabay kamayan namin. Siraulo to.
"Impyerno pre amboring pa, lalo na kasama si taba." Sabi ko kay Bryce. "At buti alam mo Ace! Kilalang kilala mo talaga ako no? HAHAHA!" Dagdag ko.
Tumabi na ko sa tabi ni Clyde dahil dun lang ang may bakante at nakipag apir sakaniya.
"Malas mo naman pre. Of all people na pwede mong makasama dun, yung babaeng yun pa!" Singhal ni Clyde, at lumingon sa gawi ni taba. Ayaw kasi sa mga babae amp.
"Yaan niyo na yung babae. Muka naman siyang mabait eh. Wag niyo nalang pansinin." pagtatanggol ni Ace kay taba.
"Umiiral nanaman pagiging pambansang super hero mo pre!" sabi ko at pabirong sinuntok siya sa balikat, na ikinatawa naman niya.
May narinig na kaming pumasok ng room at yung sunod naming teacher yun. At salamat naman na at dumating na ang magiging huling subject namin! Madadate ko na mrs ko.
Tumabi na ako sa tabi ni taba at dumistanya ng onti. Ayokong magkalapit kami eh bakit ba!
"Okay class, dahil tinatamad akong ipaintroduce ang mga sarili nyo at wala rin namang may pake, ipapagawa ko nalang kayo ng seatwork. Get a paper and face your seatmate, they will be your partners for your seatwork. Madali lang ito, idescribe nyo lang katabi nyo. Mapapanget man yan o mabantot isulat nyo." panimula ni sir, ayos na rin to husgahan!
"Tapos magtanong kayo sa katabi nyo kung anong mga paborito nya, kung paano ang pamumuhay nila. Basta alamin nyo ang mga gusto niyong malaman tungkol sa kanila dahil mga chismosa't chismoso rin naman kayo. Now start." Natawa ang iba naming kaklase dahil sa sinabi ni ser. Natamaan ata yung iba.
Ginawa ko ang sinabi ni ser. Hinarap ko upuan ko sa tapat ni taba at ganun din siya. Ilang minuto kaming tahimik at walang nagabalang magsalita, kaya ako na ang pumutol sa mahabang katahimikan.
"Wala kang papel?" kunot nuong tanong ko.
"Wala eh." Nakayukong sabi niya. Bat parang nawala ata tapang nito HAHAHA!
Naglabas ako ng isang pirasong papel sa bag ko, at ipinatong sa desk. "Bat andito ka pa? Tumayo ka at humingi ng papel mo akala mo naman bibigyan kita." sabi ko sakaniya.
Agad naman siyang tumayo at humingi ng papel sa ibang kaklase ko, pero ipinagtatabuyan lang siya ng mga pinaghihingan nito. Hindi ko maiwasang magguilty, dahil hindi ko siya nabigyan ng papel. Wait wtf? Bat ako naguguilty? ew!
Yumuko nalang muna ako habang hinintay siya at nang may maramdaman akong umupo sa harap ko. Si taba.
"Manghihingi nalang nga antagal tagal pa." Bagot kong sabi sakaniya.
"Baket? Namiss mo ko kagad?" Nakangisi niyang sabi na nagpangilabot sa buong katawan ko. Ano ba pinagsasabi nito!
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...