6.boss level snake

255 37 1
                                    

Dahil sa hang over ng  binata ay pinili na nitong magpahinga muna at hindi mabuhat ang kanyang katawan.
“ayan kasi.bakit naglasing ka kuya?tignan mo tuloy hindi tayo nakaalis.o eto umimom ka ng kape sabi ni ate holy guide demeter.pampaalis daw yan ng bangover.”sabi ni.mia na parang nakatatandang kapatid na nagagalit kay daryl na hindi naman siniseryoso at nginingitian pa ni daryl.
“hang over.po aling maliit.”sabi ni daryl.
“ganun na din yun!”sabi ni mia.
“wag ka nang magalit,minsan lang naman.sige na maglaro ka na muna.”sabi ni daryl.
“eh hindi naman ako naglalaro eh.masgusto ko magraid.”sabi ni mia at muling bumalik kay demeter.na noon ay hindi pinapansin si daryl upang parusahan.
“Nakalimutan mo na talaga maging bata.dahil sa naging buhay mo dito.”sabi ni daryl sa kanyang isipan.
Nakaupo lang sa supa at ipinapahinga ang kanyang ulo na noon ay nahihilo pa sa hang over.
“Ate holy guide demeter.doon na po muna ako sa labas.mag aaral lang po ako ng palakol.”sabi ni mia.
“sige pero mag iingat ka ha.”sabi ni demeter.
Walang tigil sa gawaing bahay si demeter ngunit ang kanyang atensyon ay nakay daryl na noon ay tinitikis nyang pansinin upang ipaalam na nagtatampo sya.
Ngunit dahil sa hang over ay hindi makakilos ng maayos ang binata.
Kadalasan sa paggising ay binabati sila ni demeter,ngunit ng araw na yon ay nihindi tinitignan at iniwasan na parang invisible ni demeter si daryl.
Na madali naman napansin ng binata at alam nyang kasalanan nya dahil sa paguwi ng lasing at hindi nakapagpaalam.
“nagtatampo yata ang goddess sa akin.ano kaya ang gagawin ko para makabawi.pero masakit pa talaga ang ulo ko.”sabi ni daryl.
May mga pagkakataon na tumatayo ang binata at ibigibig na matumba,nakikita iyon ng goddess at pilit napinipigilan ang sari na wag pansinin kahit nag aalala.
Kayat may naisip na paraan ang binata upang pababain ang hang over.
Naligo ito at nagbabad ng matagal sa malamig na tubig.
Mayamaya pa ay humupa na ang hilo.
Ngunit invisible parin sya kay demeter. Na kunwaring hindi sya nakikita.
Tuwing pagmamasdan ni daryl si demeter ng palihim.ay hindi nito maialis ang paghanga sa kagandahan ng goddess sa hindi nya maintihang pakiramdam kung bakit naakit sya sa goddess na hindi naman nya nararamdaman sa ibang babae kayat ganoon nalang ang kanyang pagpupursigi na makatulong dito.
Habang pinagmamasdan ni daryl si demeter sa kasootan nitong luma na at puro tahi ay biglang may naisip na gawin.
“Hay.halata naman na iniiwas ako eh.makalabas na nga muna.”sabi ni daryl sa sarili.
Kahit hindi pinapansin ay nagpaalam parin ito.
“lalabas lang po ako holy guide demeter.”sabi ni daryl at hindi parin pinansin ngunit inihahatid ng tingin ni demeter habang nakatalikod ang binata.
At nang makalabas ay.
“haaaaa(hinga).ang hirap naman.pero kailangan kong iparamdam sa kanya na nagtatampo ako.hindi ko talaga sya papansinin.pasensya na daryl para magtanda ka.”sabi ni demeter.
“ang gago ko kasi.nagalit tuloy si holy guide demeter.”sabi ni daryl at hinugot ang bag ng kanyang pera.
“meron na pala akong  9 copper and 70 bronze.makakabili na kaya ito.”sabi ni daryl at kinalimutan muna ang utang kay lukas.
Nagtungo ito sa mga bilihan ng magagandang damit upang ibilan si demeter.
Ngunit  nagulat sya sa mahal ng mga damit na nagkakahalagang 10silver pataas at ang mga ordinaryo naman ay 60 to 80 copper nang pasukin nya ang mga tindahan.
Ngunit hindi parin nawalan ng pag asa sa kagustuhang makabawi sa goddess.
Kayat inikot ang buong bayan hanggang sa matagpuan ang shop na pag aari pala ni holy guide aphrodite.
Libangan ito ng goddess sa mga oras na libre at walang ginagawa.
Hindi  pamilyar sa mga intsura ng god and goddess ang binata kayat hindi kilala si aphrodite na noon ay mismong sumalubong sa kanya.
“magandang araw ginoo.welcome sa pagibig cloths shop.”sabi ni aprodite.
“ahm good morning po mam.kayo po ba ang sales lady dito.titingin  lang po sana ng mga damit.”sabi ni daryl dahil nahihiya ito at maliit lang ang dalang pera.
“okie feel free to look.”sabi ni aphrodite na noon ay naghinala na hindi sya kilala ng binata kayat nagpanggap na sales lady.
“Para kanino ba ang hinahanap mo sir.malimit kasi ang lalakeng customer sa shop ko.para sa nobya po ba?,o asawa?”sabi ni Aphrodite.
“Ah eh.hi-hindi po.special friend lang po.”sabi ni daryl.
Ngunit si aphrodite ay god of love,beauty and fertility kayat madali nitong naamoy ang pagibig sa binata kahit hindi man iyon malinaw.
Kayat naramdaman nito kung gaano kaespesyal ang damit na nais bilin ng binata.
Pinagmamasdan nya ang binata na labis na humahanga sa kanyang mga gawang damit na bestida ngunit natitigilan dahil sa mahal ng presyo nito.
Karakter ni Aphrodite na magpakalat ng pagibig sa mundo kayat nais nyang mabigyan ng katuparan ang gusto ng puso ng binata.
Kayat muling lumapit ang goddess at kinausap ang binata upang gawan ng paraan ang nakikita nyang problema.
“sir may napili na po ba kayo?.espesyal po pala ang araw na ito.ang unang customer na papasok sa shop ni goddess Aphrodite ay may special discount.”sabi ni Aphrodite.
“talaga po.pero baka hindi ko parin po kayanin.kulang na kulang po ang pera ko eh.gusto ko po sanang bumili ng magandang damit para sa isang ispesyal na taong nagtatampo sakin.”sabi ni daryl.
“mahalaga po siguro sya sayo sir.”sabi ni Aphrodite.
“Opo.nahihiya nga po ako at sinuway ko nanaman sya.hindi kasi ako nakapagpaalam.tapos umuwi pa ako kagabi ng lasing.”sabi ni daryl.
Natutuwa ang goddess sa kanyang naririnig at nakakaramdam ito ng pag ibig.
“Magkano po ba ang pangbili ninyo.special offer po kami today.baka kumasya ang dala ninyo.”nakangiting sabi ni Aphrodite.
“9 copper and 70 bronze lang po ang pera ko.hindi ko pa pwedeng gastahin lahat.sa susunod nalang po siguro”sabi ni daryl at lalabas na sa shop.
Naramdaman ni aphrodite ang lungkot sa binata kayat agad na hinarang at pinabalik.
“pero sir sandali lang po.bakit hindi nyo po ulit tignan ang mga presyo.ang pagkakaalam ko po ay naka sale kami sa first customer.baka hindi nyo lang nakita ng mabuti.”sabi ni aphrodite at lihim na ginamit ang kanyang magic upang baguhin ang presyo ng lahat paninda.
“tignan nga po natin yung naiibigan ninyong damit.”sabi ni aphrodite at sinamahan si daryl.
Laking gulat ni daryl ng magbago ang presyo ng mga bestida na nagkakahalaga nalang ng 1copper.
“Huh?!.panong.kanina  10 silver ito eh?”sabi ni daryl.
“oh 1 copper lang naman po pala.kayang kaya po ng inyong pera at may sosobra pa.”sabi ni aphrodite.
“sigurado po ba ito.napakamura po nito.”masayang sabi ni daryl sa talaga namang mamahalin na damit pang babae.
Ngumiti ang sales lady na aphrodite.
“yan po talaga sir.nakuha nyo po kasi ang promo namin for today.”sabi ni aphrodite.
Unti unti nang lumabas ang ngiti sa binata at halatang excited na itong bilin ang damit para sa pinapahalagahan.
Kayat lalong natuwa  si goddess Aphrodite.
“sige po.pwede po ba akong bumili ng tatlo.”sabi ni daryl.
“sige lang sir.kahit ilan pa po.”masayang sabi ni aphrodite.
Kayat tinulungan pang mamili ni aphrodite ng magandang fashion style si daryl at ang pinakamamahalin pa ang ibinigay.
“maraming salamat po.akala ko po talaga hindi na ko makakabili pa ng magandang damit.buti nalang po at nandito ang shop nyo.”sabi ni daryl.
“Masaya po kaming makita kayong masaya.siguro naman ay papatawarin ka na nya.”sabi ni Aphrodite.
“sana nga po.tutuloy na po ako mam.salamat ulit.”sabi ni daryl.
Kanina pa pala nakikita ni Aphrodite ang emblem ni demeter sa kamay ni daryl kayat nakilala agad nya ito.ang tanyag na killing machine lowbie.
“haayy.ang swerte mo demeter at mayroon kang sweet na follower.kung tama ang hula ko.para sa iyo ang mga binili nya.kayat wag kang mag alala binata at magugustuhan yan ng goddess mo.”sabi ni aphrodite habang pinagmamasdan ang papalayong binata.
“maitago na nga muna at baka maagaw pa sakin to.mamaya na ako uuwi pag malamig na ang ulo ni holy guide demeter.”sabi ni daryl at ginamit ang kanyang holy relic ring,dimensia gremoir upang itago ang mga mamahaling damit.
Mahaba pa ang araw kayat sinulit ni daryl ang kanyang dayoff at naisipan na umakyat sa greatwall na hindi naman ipinagdadamot sa mga raider at guards.
Maganda ang view sa itaas ng greatwall dahil kita ang malawak na lupain.
Naaliw sa paglalakad si daryl sa pagtanaw sa magandang bayan sa loob ng greatwall at sa mga lupain sa labas ng great wall.
Nang may mapansin itong mumuting sabog ng liwanag sa kakahuyan.naunti unting gumagalaw.
Kayat na curious ito at sinundan ng tingin.
Nanlaki ang mata ng binata ng makita nya ang pinanggagalingan ng liwanag.
Magic pala iyon ng isang taong hinahabol ng dambuhalang ahas.
Agad humingi ng tulong ang binata sa pinakamalapit na archer guard at agad naman inasinta ang ahas.
Sunod sunod ang mga archer sa pagpana sa dambuhalang ahas,ngunit mahusay itong umiwas.
Hindi nila matukoy kung anong uri ito ng halimaw dahil Hindi pala pangkaraniwan ang ahas na iyon.isang bagong species ng boss monster na may kakayahang magteleport.
Dambuhalang ahas na nagtataglay ng makapal at maitim na kaliskis at kamadag na aagnas sa katawan ng makagat nito.
Nagulat pa ang lahat ng biglang mawala ang ahas at biglang lumabas sa itaas ng greatwall.
Nagkagulo ang mga raider at mga guard sa kanilang pagtakas upang makarating sa posisiyon kung saan hinarang nila sa magkabilang direksyon ang ahas.
Agad na kita ng mga archer guard ang classification at level ng monster gamit ang soot nilang glasses of thruth.
“kayong lahat,hindi pangkaraniwan ang monster.boss level 39.patunugin ang alarm!!”sigaw ng kapitan na noon ay mabilis na nakasunod.
Napukaw ang katahimikan sa loob ng greatwall at agad na nagsipag tago ang mga tao sa kanikanilang tahanan.
Maging ang low level raiders ay nagsipagtago din sa takot na mamatay lang sa pakikipagharap sa boss monster.
May pangilan ngilan na mga mid level raider followers ang tumulong,ngunit kulang ang kanilang lakas para itaboy ang nagwawalang ahas na nagpapalipatlipat.
Dahil anomang oras ay pwedeng makarating sa bayan ang dambuhalang ahas.
Nang oras na iyon ay kasalukuyang nasa mga dungeon ang mga high level raider follower kaya walang maasahan kundi ang mga kapitan at mga guard ng greatwall.
Kinatatakutan ang boss level dahil doble ang katumbas ng level nito sa karaniwan kayat ang ahas ay katumbas ng lvl79.
Walang ipekto ang mga palaso ng mga archer ngunit ramdam ng boss ang mga explosive at deadly skills na walang tigil na ginagamit ng mga archer hanggang sa maubusan sila ng lakas.
Ngunit ang mga pagsugod na iyon ay hindi manlang sumusugat sa makapal na kaliskis ng ahas.
At sa tuwing makukupot ay nagrarandom teleport sa ibat ibang bahagi ng bayan na hindi naman mapabayaan ng mga guard sa takot na pumasok ito sa mga tahanan at manginain ng mga tao.
Kayat nagpakalat ng mga lookout sa greatwall na magsisilbing mata sa lokasyon ng ahas,habang abala sa paghabol naman ang mga knight,mages at archer raiders ng greatwall.
Kitang kita ni daryl ang intense na labanan ng mga mid level sa boss monster na hindi manlang masugatan.
Natatakot ang binata ngunit ayaw nitong magtago lang habang marami ang iniiwan ng boss monster na sugatan at napipinsala.
Alam nyang wala syang magagawa sa sitwasyon na iyon dahil lowbie lang sya pero inilaan nya ang kanyang sarili sa pagtulong sa mga sugatan upang dalin sa mga medic.
sa dami ng lowbie sa bayan na iyon.kaunti lang ang may lakas ng loob para tumulong.
Kayat maingat din na nakasunod ang binata sa mga guardian at sa boss snake upang itakbo ang sino mang mabiktima ng ahas na madalas ay sanhi ng malakas na hampas ng buntot at mabigat na dagan.
Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon kung saan kasalukuyang binubuhat ni daryl ang isang sugatang knight raider guard ay nakita sya ng boss snake at agad na hinabol.
Binitawan ng binata ang buhat at dali daling tumakbo upang matakasan ang boss snake na hinahabol naman ng mga raider guard.
Sinubukan ng mga raider knight na nakasakay sa kabayo na kuhanin ang atensyon ng ahas.ngunit ayaw nitong iwan si daryl na noon ay naamoy ang pagiging lowbie.
Takot na takot ang binata,ngunit kailangan nyang lakasan ang loob dahil ano mang oras ay magiging pagkain din sya ng dambuhalang ahas.
“bakit ba ayaw mo kong tigilan.”sabi ni daryl habang patuloy sa pag takbo sa rumaragasang ahas.
Upang pahirapin ang paghabol ay nalililiko  sa mga kanto ang binata na noon ay nakakaramdam na ng pagod sa katatakbo.
Nang Bigla nitong naisip ang ginawa nila ni mia sa tara goblin.
“kaya siguro ayaw mo kong tigilan.dahil naamoy mo ko.”sabi ni daryl at may naisip na paraan sa kagustuhang iligtas ang sarili at ang bayan.
“Kapitan!!.sabi ni daryl sa kapitan na noon ay sakay ng kabayo.
“pwede nyo po ba akong isakay sa kabayo.!!!”sabi ni daryl.
At agad naman binilisan ng kapitan at hinila ang binata upang iupo sa kabayo.
“kapitan!!!.may naisip po akong paraan!!.”sabi ni daril habang tumatakbo ang kabayo.
“Sige! Nakikinig ako!”sabi ni kapitan.
“malaki po ang tyansa na hindi ako titigilan ng ahas dahil na aamoy nya ang pagiging low level ko!.kaya ipahiram nyo po muna sa akin ang kabayo at papahabulin ko sya.para mabigyan po kayo ng pagkakataon na makapaghanda ng ambush sa goblin field.sabihan nyo po ako pag handa na kayo.”sigaw ni daril.
“mag iingat ka.kapag may nakita kang palaso na dumaan sa harap mo.yun na ang hudyat na handa na kami sa labas.”sabi ni kapitan.
Tumutok sa kanila ang isa pang knight raider na nakasakay sa kabayo at lumipat ang kapitan.
Humiwalay ang kabayo ni daryl at hindi nga nagkamali ang hinala ng binata.
Sa kanya parin nakatuon ang rumaragasang ahas kayat nagpaikot ikot sa bayan.
“sige ahas  habulin mo ko.wag mo kong titigilan.”sabi ni daryl na noon ay pinang lalabanan ang kaba dahil sa kanyang determinasyon na maabot ang layunin.
Samantala sa goblin field tinipon ng kapitan ang mga mage raider upang ihanda ang massive consentrated destructive spell trap.habang ang mga archer naman ay nakahandang sumuporta ng mga binding skill arrow upang hindi makapag teleport ang ahas.
Mabilis ang naging pagkilos dahil ano mang oras ay maari din sumuko ang kabayo sa pagtakbo.
“Sige pa ahas.habol pa.kaunting oras pa.”sabi ni daryl habang pinapakiramdaman din ang kondisyon ng kabayo na natutunan na nyang kontrolin.
Galit na galit ang ahas at gustong gusto syang abutan kayat gumagamit pa ito ng teleportation magic.
Ngunit agad naman nakakailag ang binata sa mga pagsugod ng ahas dahil sa mabilis na kabayo.
Maya maya pa ay nagbitaw na ng palaso ang archer na magbibigay ng hudyat sa binata at agad naman nakita iyon.
“kaunti nalang.wag ka munang susuko.malapit na tayo.”sabi ni daryl habang unti unting dinadala sa gate ang boss snake.
Hanggang sa matagumpay na nailabas ni daryl sa gate ang ahas patungo sa trap na mag aactivate sa oras na sumalat ang ahas.
Isang teleporter mage raider  guard ang naghihintay sa trap at sumesenyas kay daril.
“kaunti nalang buddy.”sabi ni daril habang umiiskape ang kabayo na kaunti nalang ay aabutan na ng ahas dahil bumilis pa ito sa mga damo na nasa lupa.
Nang biglang matisod ang kabayo at nagpagpagulong gulong sila ng binata.
Sinamantala ng ahas ang paggulong ng binata at pinag sasakmal,ngunit maswerteng hindi  tinatamaan ng bibig.
Kahit gumugulong at nasasaktan sa kanyang pagtalbog sa lupa ay pilit parin na nagfofocus sa lokasyon ng humahabol na ahas.
Kayat kahit nahihilo ay pilit na tumakbo ang binata sa trap site sa takot na mamatay at masayang ang plano.
Dumudugo ang ilong,puro galos at nabalian pa ng tadyang ngunit buong lakas na binalewala ang lahat ng sakit at tumakbo lang ang binata na parang wala na syang magagawa pa kundi ang tumakbo at mag tiis na tanging ang nasa isip ay lagpasan ang trap.
Salamat sa mga bullet magic ng mga mage raider ay napapabagal ang nagngangalit na ahas na muntik muntikan nang makaabot sa binata.
Hanggang sa Malagpasan ng binata ang trap at nahuli ang ahas.
Agad na niyakap ng teleporter mage raider ang binata upang dalin sa ligtas na lugar habang nag aacctivate ang powerful trap magic na pinagtulung tulungan gawin ng maraming middle level raider mages.
At upang siguraduhin hindi makakatakas ang ahas ay pinigilan ito ng ibat ibang binding skill arrow ng mga archer raiders and guards.
Mula sa langit ay nagdilim ang ulap at bumaba ang mainit na apoy na tumupok sa katawan ng nagwawalang boss snake.ito ang finishing blow ng massive destructive spell trap.
Napasigaw ang lahat nang makita nilang patay na ang boss snake.
At nagpalakpakan bilang papuri sa tagumpay ng lahat.
Ngunit mas kinilala nila ang katapangan ni daryl na isang lowbie na lakas loob na nakipaglaro kay kamatayan para sa kaligtasan ng lahat kahit hindi pa sa kanya nanggaling ang magic na pumatay sa boss snake.
Kahit ang hari na noon ay isa din sa mga mages na naghanda ng spell trap ay nakita ang kabayanihan ni daryl.
Muli ay pinatunayan ng binata sa mata ng mga raider na kahit ang mahinang lowbie ay may magagawa at ang puso ng pagtutulungan na matagal na nilang nalimot ay susi ng tagumpay.
Samantala,nang makita ni daryl ang sunog na katawan ng ahas ay bigla nalang nitong naramdaman ang panghihina at pananakit ng katawan at nawalan ng malay.
Agad na itinakbo sa ospital ang binata upang lunasan at suportahan ang nanghihina nitong katawan habang ipinapatawag ang kanyang holy guide goddess.
Muling bumalik sa katahimikan ang lahat at tulong tulong na ginamit ang kanilang magic upang isaayos muli ang mga sinira ng boss snake.
Samantala,sa loob ng sambahan ni holy guide demeter ay kasamang nagdadasal si mia nang dumating si athena para ipaalam ang balita na nasa ospital si daryl at 50/50 ang buhay dahil sa nabaling tadyang na bahagyang nakatusok sa kanyang puso.
Tanging ang mga holy guide gods lang ang maykakayahang magpagaling ng kahit anong pinsala sa kanilang followers kayat nagmadali ang mga ito sa takot na mamatay si daryl.
“lord god please.dont let him die.please please please.huhuhu”iyak ni demeter sa matiding takot at kaba.
Habang patuloy din ang pagdarasal ni athena na noon ay naluluha na din sa pag iyak ni demeter.
Walang kamuwang muwang si mia sa kalagayan ni daryl dahil hindi pa nito nakikita ang kanyang kuya.
Hindi paman nakakahinto ang karwahe sa ospital ay tumalon na si demeter na sinundan naman agad ni athena.
Paghinto ng karwahe ay agad din sumunod si mia kasama ng driver.
Nasa loob ng magical emergency ICU ang binata at sinusuportahan ang kanyang buhay na noon ay unti unti nang nauupos dahil sa critical na pinsala ng puso na hindi basta basta magagamot ng ordinaryong magic.
Pagpasok palang ng pintuan ng icu ay nag-alab na ang calming holymagic sa buong katawan ni demeter.napakalakas noon na kahit sinong lumapit ay mapapagaling.
Itinuon ang kanyang magic blessing of a healing power sa katawan ni daryl na 10 beses na masmalakas sa karaniwan nitong ginagamit upang pabilisin ang pagpapagaling.
At kasabay ng pagpapagaling ay ang taimtim na dasal ng kanyang puso sa lord god.
“kuya!!!.”sigaw ni mia at napahagulgol nang makita ang kalagayan ni daryl habang ginagamot ni demeter.
Hawak mismo ng hari ang umiiyak na bata.
“shhh.tahan na.ginagamot na ng holy guide demeter ang kuya mo.gagaling na sya.”sabi ng hari na si king david sanders.
“talaga po.huhuhuhu.bakit ayaw pa nya tumayo.”sabi ni mia.
“Basta magdasal lang tayo at magiging ok din ang kuya mo ha.tahan na.”sabi ng mabait na hari.
Nahirapan ang holy guide demeter dahil sa tindi ng pinsala sa puso na kahit ang kaluluwa ay kailangan nyang irestore dahil kamontik nang kainin ng kadiliman upang dalin sa pagiging halimaw.
Alam ni athena kung gaano ka critikal ang kalagayan ni daryl dahil sa nakikita nyang nahihirapan si demeter na syang nagtataglay ng pinaka magaling na talento ng panggagamot sa kanilang lahat.
Isang drum na luha ang bumubuhos sa mga pisngi habang patuloy ang panggagamot ni demeter.
Hanggang unti unti na  humuhupa ang alab ng holy magic sa katawan ni demeter.
Tahimik ang lahat na nakatingin at naghihintay sa resulta.
Nang biglang dahan dahan na dumilat si daryl.
Napaiyak si demeter sa sobrang saya at humagulguol sa tuwa sa dibdib ni daryl.
“thank you lord god.thank you.”sabi ni demeter habang umiiyak sa dibdib ni daryl.
Agad din bumaba sa pagkakabuhat ng hari si mia at dalidaling yumakap din kay daryl.
“kuya.huhuhu.ok ka na ba?.kanina kala ko hindi ka na gigising eh.iyak na kami ng iyak ni ate holy guide demeter.huhuhu.wag mo nang uulitin yon ha.hindi yon magandang joke eh.”sabi ni mia.
Sinuklian ng yakap ni daryl ang dalawang babae.
“ikaw na lalake ka.ano ba ang ginagawa mo.palagi mo nalang akong pinag aalala.”sabi ni demeter.
“pasensya na po.hindi ko po mapigilan eh.hindi na po ba kayo galit sa akin.”sabi ni daryl.
“Hindi naman ako galit eh.gusto lang kitang parusahan.kaya hindi kita pinapansin.pero ayoko naman na mamatay ka.kahit dalawang beses mo na akong sinuway.ikaw parin ang daryl ko.”sabi ni demeter.
Ramdam ng lahat nang naroon ang pagmamahal ni demeter sa kanyang mga followers sa kabila ng mahirap na buhay at pinakamababang reputasyon sa heavens art world.
Kinailanagn lang magpahinga ng binata sandali at maari nang makalabas sa ospital kasama nila demeter.
Kayat sinamantala naman ng haring david na makapagpasalamat at makapagpaalam.
Gayun din ang mga kapitan at raider guards na natulungan ng binata.
Kinagabihan,hinintay talaga ng binata na makatulog si bela at mia.
Kinuha ang binili nyang mga bagong damit at dahan dahan na nilapitan si demeter.
“Ahm holy guide demeter,may binili po ako para sa inyo,kaninang umaga bago magkaroon ng gulo.”sabi ni daryl at inabot ang mga bagong damit.
“Saan ka kumuha ng pang bili dito.?”sabi ni demeter na noon ay nagagandahan sa bigay ni daryl.
“hindi na po mahalaga yun.nagustohan nyo po ba.binili ko po talagayan para makabawi sa mga kasalanan ko sa inyo.hindi ko dapat kayo sinusuway.maraming salamat po.”sabi ni daryl.
Ngumiti ng napakaganda ang holy guide demeter at niyakapa ng mahigpit si daril na may halong tears of joy.
“welcome back daryl.akala ko kanina ay hindi na kita mahahabol pa.keep safe.”sabi ni demeter habang nakayakap kay daryl.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon