Muling bumalik ang binata sa caravan dala ang mabigat na pakiramdam ng pagkakapatay nya sa kapwa nya tao habang nililinis ang dugo sa kanyang baluti at katana.
Napansin iyon ni jerard kayat ginamit ang time magic upang balikan ang nakalipas na 2 oras kung saan nawala si daryl sa kanilang pulutong.hindi na nya kinailangan pa ang tulong ni tanan para sa magic na iyon dahil mahigsi lang ang oras na babalikan.
Nakita ni jerard ang buong pangyayari.
Kayat nilapitan nito si daryl at hinawakan sa balikat.
Ganyan talaga ang buhay lalu na dito sa heavens art.kuminsan hindi mo maiiwasan na kumitil ng iba para ipagpatuloy ang sa iyo.yan ang katutuhanan sa mundong ito na tayong mga tao rin ang pinagmulan.kaya masanay ka na at isa kang mandirigma.isipin nalang natin na bahagi iyon para maisip nila ulit sa susunod nabuhay ang dahilan ng kanilang pagparito.natutuwa ako at nakabalik ka.”sabi ni jerard at nginitian ang binata.
Tinanggap naman ng binata ang payo ng matanda at sinuklian ng ngiti at buntong hininga.
Matapos maglinis ng mga dugo ay bumalik ito sa kanilang pulutong sa loob ng tent habang hawak parin ang serrin ni lionsa.
Tinitigan iyon ng mabuti at tsaka itinago sa loob ng dimensia grimoir.
Napansin ng mga peko na siryoso ang muka ni daryl na noon ay paulit ulit na naiisip ang bankay ni lionsa.
Kayat nalungkot ang mga ito at nag-isip ng paraan kung paano pagagaanin ang loob ni daryl.
Sinamahan nila sa loob ng tent si daryl.
Bilang mga trained peko ride GRO mula nang kanilang kabataan ay isa lang ang kanilang pamamaraan na natutunan sa kanilang training upang pagaanin ang loob ng isang lalaking customer.
Tinabihan ni marie si daril at inihiga sa kanyang kandungan at minasahe ang ulo nito.
“bakit ka ba nalulungkot sir daryl.hindi ka naman ganito.may dinaramdam ka ba.hayaan mong pagaanin ko ang loob mo.para malimot mo kung ano man ang nasa isip mo.”sabi ni marie habang minamasahe.naman ni rodora ang braso ni daryl.
Wala sa sarili ang binata kayat kusang loob nitong hinayaan ang dalawang peko sa kanilang ginagawang pagpapagaan ng kanyang kalooban sa paraan ng mga GRO.
Hating gabi na nang gisingin ng mga peko si daryl na noon ay nakatulog sa init ng katawan ng dalawang human peko.
Parang wala parin sa kanyang sarili habang isinusuot ang kanyang mga damit at baluti na nakakalat sa loob ng tent.
Lumabas ang binata upang kumain ng pagkaing inihain ni jerard.
Kinuha nito ang plato at kumain ng mag isa sa ilalim ng puno.
Tulala parin ang binata at pilit na inaalis sa kanyang isipan ang nangyari habang kinakagat ang pagkain na hindi nya nalalasahan.
Pinagmamasdan sya ni jerard kayat hindi nakatiis at muling nilapitan.
“Daryl!.kailangan mong maging matibay,alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo.kalimutan mo na ang iniisip mo.hindi mo yon kasalanan.isipin mo nalang ang dahilan kung bakit ka lumalaban at kailangan mong mabuhay.alalahanin mo si demeter at ang mga kaibigan mo.”sabi ni jerard.
Bahagyang Natauhan si daryl nang marinig ang pangalan ni demeter at hinawakan ang kanyang mahiwagang bato ng komunikasyon at agad na tinawagan si demeter upang idulog ang lahat nang nangyari.
Parang bata itong umiiyak sa paglalabas ng lahat ng kanyang takot na nararamdaman,at konsensya nito sa sarili sa pagkitil ng buhay.
Ramdam ni demeter ang nararamdaman ni daryl ngunit dapat syang maging malakas upang hilahin patungo sa liwanag ang kanyang minamahal na nilulukob ng kadiliman.
“tahan na mahal.maiintindihan ni lord god ang nagawa mo.hindi mo naman kasalanan.nandito lang ako palagi para suportahan ka.ipagdarasal kita para lalu nyang maintindihan.alalahanin mo may pangako ka,babalik ka sakin.kaya bawal kang mamatay,lumaban ka mahal. ipagpatuloy mo ang iyong paggawa ng kabutihan.isipin mo na bahagi yan ng iyong misyon.para sa kabutihan ng lahat.
Kaya tahan na,Ngingiti na yan.
mahal na mahal kita.na mimis na kita.”sabi ni demeter.
Parang mahika ang boses ni demeter na nagbalik ng ngiti at ligaya sa binata at unti unting tinanggap ang mga pangyayari at muling nag alab ang dating katauhan.
“Salamat mahal.hindi dapat ako nagkakaganito.hindi ako sisira sa panga ko.mahal na mahal din kita. sobrang namimis na kita .”sabi ni daryl.
Nang biglang sumingit si mia na noon ay nakahawak sa kamay ni demeter kayat narinig ang lahat.
“hi kuya daryl!.ako love din kita!.miss na kita.wag ka nang umiiyak.yung masasamang tao ok lang kahit mabawasan mo sila.bad naman sila eh.yaan mo kuya.pagmalakas na ko tutulungan kita para dalawa tayo.hihihi.”sabi ni mia.
“Hahaha.kasama ka pala ng ate holy guide demeter mo.sige gusto ko pagbalik ko malakas ka na ha.isasama kita sa pinakamalakas na dungeon.mahal ang mga ulo doon mabilis tayong makakaipon.”sabi ni daryl.
“Okie!.hihihi.”sabi ni mia.
“Sige bye na.magliligpit na kami ng mga gamit at lalakad kami ngayong gabi delikado kasi ang mga pirata sa umaga.”sabi ni daryl.
“ok ingat kayo mahal.”sabi ni demeter.
“Oo mahal salamat ulit.ikamusta mo nalang ako sa kanila.”sabi ni daryl at muling itinago ang bato.
Napawi naman ang pangamba ni jerard nang makita nitong tumatawa at ngumingiti na si daryl.
“wala na talagang mas huhusay pa sa kapangyarihan ng pag ibig,kaya nitong gamotin ang kahit anong sakit.”sabi ni jerard habang pinagmamasdan si daryl .
Natuwa naman si marie at rodora at ngumingiti na si daryl na kanilang pinagmamasdan mula sa lamesa kung saan sila kumakain.
“halika na at magliligpit na tayo.maya maya lang ay lalakad na ang caravan.kanina ka pa hinihintay ng dalawang magandang binibining kanina pa nagaalala sayo.at pumapalis sa iyong kalungkutan..hehehe.taksil.”bulong ni jerard.
Parang tinamaan ng malaking palaso ang binata sa dibdib.
Nagulat si daryl at namula sa hiya tsaka lang naisip na may nangyari ulit kanina nang wala sya sa kanyang sarili.
“Haaaayyy..sorry.hindi dapat eh.promise hindi na to mauulit.”sabi ni daryl sa kanyang isip habang nagguilty sa kanyang pagtataksil.
Nagsipag ayos ng kanilang mga kagamitan ang buong caravan at muling nagbyahe sa madilim na kalsadang iniilawan ng mga mage raider convoy gamit ang kanilang magic.
Nang makalayo sila sa mapunong lugar ay sumalakay ang malaking bilang ng lumilipad na halimaw galing din sa mga dungeon nang makita sila nito.
Agad nagtipon tipon ang mga guest rider sa loob ng mga mage raider convoy na nakapalibot at nagbibigay ng liwanag.
Dahil maswerteng bulag sa liwanag ang mga halimaw.
Ngunit sinisira ang lahat ng kanilang mahawakan kahit patuloy ang mga convoy na lumaban.
Muli ay tumulong ang binata gamit ang imir kung saan ang kadiliman ng gabi ay naging bahagi ng kanyang katawan na nakahalo sa kadiliman.
Ginamit nya ang mabilis na teleportasyon sa buong kadiliman kaya madaling inaabutan ang mga lumilipad at malikot na huhoturic level 78 at isa isa itong pinabagsak ng malakas at matalim na hiwa ng imir.
Ang huhoturic ay mababang uri ng maturic na taong paniki.
Ngunit tila hindi ito nauubos na patuloy na sumusugod at pilit na pumapatay.
“Bilisan ninyo na mga kasama,dumadami pa ang mga kalaban.”sabi ni daryl dahil sya lang ang may kakayahan na lumaban sa mga halimaw na napakabilis sa kanilang paglipad.
Malaking tulong ang shadow mastery ni daryl gamit ang imir.
Hanggang sa lumabas na sa dungeon ang pinuno ng mga ito na kung tawagin ay maturic boss level 99.
Mabilis at Mabagsik ang boss na ito sa paglipad at isa ding intelektwal na nilalang na marunong gumamit ng katar sa magkabila nitong kamay.
Kayat nahati ang atensyon ni daryl dahil kailangan nyang bantayan ang atake ng maturic na maaring pumatay ng napakabilis.
Hindi nakikita ng mga tao ang ginagawa ni daryl na palipat lipat sa ibat ibang bahagi ng kadiliman upang patayin ang mga nagsusubok na lumapit sa kanyang mga kasama.
Ngunit alam nila kung gaano ka abala si daryl sa pagtatangol sa kanila.dahil isa isang nagbabagsakan ang mga huhoturic na walang buhay at hati sa dalawa.
Malinaw na nakikita at nasusundan ng binata sa kanyang night vision gaggle ang mga kalaban.
Malaki ang naging hirap nang sumali na sa eksena ang maturic.
Nagagamit ang lakas ng binata sa maraming beses na mabilis na paglilipat lipat sa ibat ibang bahagi ng nakapalibot sa kanyang mga kasama dahil sa dobleng bilis ng maturic na kanyang sinasalag ang mga pag atake na para sa kanyang mga kasama.
Kayat upang hindi maipit sa mga halimaw ay nagmadali na ang caravan habang patuloy ang pakikipaglaban ni daryl.upang sila ay makatakas.
Dahil sa ginagawang pakikipaglaban ng binata ay sa kanya nabaling ang atensyon ng nga mga hohuturic at maturic na kanya namang ikinatuwa upang makatakas ang mga kasama.
dahil nalalansi ang mga halimaw at nangangapa kung saan lalabas at papatay ang binata ay nasisira ang kanilang group patern at madaling napapatay ni daryl ng isa isa ang mga ito.
Ngunit tuso ang maturic.,ipinapain nito ang kanyang mga kasamahan upang hulihin ang binata gamit ang napakabilis nitong paglipad.
Maraming beses na muntikan nang madagit ng dalawang katar ang binata ngunit agad din nauunahan ng teleportatsyon bago tamaan at makalipat sa ibang posisyon kung saan may mapapatay na hohuturic.
Napansin ng binata na tumigil na sa pagdami ang mga hohutunic dahil nababawasan na ang bilang nito.
Kayat upang masolo ang maturic. ay nagpatuloy lang ng kanyang strategy sa pag ubos ng mga hohuturic naNg hindi nila namamalayan.
Hanggang sa bumagsak ang huling hohuturic na lumilipad.
Galit na galit ang maturic ngunit wala itong magawa at nagiging anino ang kanyang kalaban sa pagteteleport.
Pinaglaruan ni daryl ang halimaw na noon ay sunod sunod ang bitaw ng malalakas na skill galing sa bibig at ibinubuga sa mga direksyon na nilalabasan ni daryl na hindi nagtatagumpay na tumama,ngunit hindi rin malapitan ni daryl dahil sa pagwawala nito ng roaring skill.
Hanggang sa maubusan ng enerhiya ang maturic at mapagod.
Dito na winakasan ng binata ang buhay ng halimaw.
Mula sa likod ay lumabas ang binata at sinaksak ang halimaw na tumagos sa didbdib at tumama sa puso.
Bumagsak sa lupa ang maturic na agad sinundan ng binata at siniguro pa ng isang saksak sa ulo.
Mabilis ang byahe ng caravan at malapit na ito sa tulay na nagdudugtong sa karnak at gundon.nang tanawin ito ni daryl na halos dimatanaw ang ilaw ng mga mage raider convoy.
Kayat gamit pArin ang shadow teleportasyon sa kadiliman ay mabilis na nakahabol ang binata at nilagpasan pa ang caravan upang sa tulay mismo maghintay upang siguruhin na walang sasabutahe doon.
Nagulat pa sila ng makita nilang naghihitay sa puno ng tulay si daryl.
Hindi maubos ang paghanga at pasasalamat ang mga tao sa caravan sa ipinapakitang kagitingan, lakas at galing ng binata na kanina pa nila inaaalala at naiwan na mag isa.
Natuklasan ng binata kung gaano kadali ang lumaban sa dilim lalu na at ang kadiliman ay malaking bahagi ng kanyang technique.kung saan pakiramdam nya ay kaya nyang ubusin kahit gaano pa kalaking hukbo nang mga halimaw nang hindi nila namamalayan.
Parang bangungot na kabod nalang susulpot kung saan saan.
Ngunit ang ganitong kakayahan ay mayroon ding kahinaan na kanya ding natuklasan, ang matinding liwanag kung saan automatikong nawawala ang bisa ang shadow cloak.
Magbubukang liwayway na ang oras na iyon.
Agad sumalubong sina marie at rodora na tuwang tuwa dahil noon ay alalang alala kay daryl at kanila itong pinupog ng yakap.
Nagpatuloy ang paglalakbay hanggang sa pagsikat ng araw sa lupain ng gundon.
Nagpapasalamat ang mga tao at hanggang ngayon ay ligtas sila sa tulong ni daryl.
Kayat sa malawak na damuhan sa lambak ng gundon muling huminto ang caravan upang makapag ayos ng mga bagay na nasira at makakain ng agahan.
Dahil hindi lumalayo kay daryl ang dalawang human peko ay pagkakataon iyon para makausap ang dalawa tungkol sa kanilang ginawang freaky thing na dahilan ng pagkakasala ni daryl.
Habang abala si jerard sa pagtulong sa mga nasugatan ay nagkasarilinan ang tatlo sa burol.
“ah marie,rodora pwede ko ba kayong makausap?”sabi ni daryl.
“Tungkol saan sir.”sabi ni marie.
“tungkol doon sa dalawang beses na nating ginawa.”nahihiyang sabi ni daryl.
“yun po bang pagtatalik?hindi po ba kayo masaya?gagalingan pa po namin.”sabi ni rodora.
“Ah hindi hindi.wala naman problema doon.ang problema kasi.alam nyo naman na may nobya ako diba.pagtataksil kasi ang tawag namin doon.baka naman pwedeng.wag na natin ulitin.pero ok lang na doon parin kayo matulog.wala naman masama doon.ok lang ba?”sabi ni daryl.
Biglang nalungkot ang dalawang human peko.
“yun ba talaga ang ang gusto mo sir.”sabi ni marie.
At tumahimik ang dalawa at unti unting gumuguhit ang luha sa kanilang mga muka.
Nakita iyon ni daryl at nakonsensya sa dalawa na kanina lang ay ubod ng saya.
“Wag naman kayong umiyak.mahirap ba talaga yon.”sabi ni daryl.
“Opo sir daryl.para po kasi sa aming mga peko ni master rando ay pinakamahalaga ang unang kliyenteng aming pagsisilbihan at makakatalik bilang mga birhen.
Isa pong kaRangalan na ipagkaloob ang aming katawan ng buong puso sa aming kliyenteng maiibigan sa unang pagkakataon.
Kayat bininibigyan po kami ng pagkakataon ni master rando na pumili nang aming magiging unang lalaking pag sisilbihan at pagaalayan ng aming pagkabirhen.
Kayat noong araw na pinili nyo kami ay ginusto din namin na kayo ang unang paglingkuran at umangkin sa aming birhen na katawan.
Kayat kaligayahan po namin na kayo ay paglingkuran ng maiinit at masarap na pakiramdam ng pakikipagtalik,pag aalaga at komportableng paglalakbay
Ngunit isang bagay lang po ang aming iniiwasan at ito ay tanggihan kami ng aming napiling lalake na paglilingkuran at pagbibigyan ng aming birhen na katawan hanggat hindi pa natatapos ang aming serbisyo.
Nangangahulagan po na kami ay mga talunan na hindi na dapat magpatuloy pa at dapat nang mamatay.dahil sagrado sa amin ang unang pagbibigay ng aming paglilingkod kasama ang aming katawan.
Ito po ang aral na itinuro sa amin mula nang kami ay isilang at sanayin.”sabi ni marie habang umaagos ang luha.
“Kaya masmabuti pa po na mamatay nalang kami kaysa ang bumalik na mga talunan.”sabi ni rodora na lumuluha.
Tapat sa kanilang mga puso at tungkulin ang mga peko.
Tumayo ang dalawang babae at desidido sa kanilang desisyon na magpakamatay.
Natakot ang binata at pakiramdam nya ay uusigin sya ng kanyang konsensya habang buhay kapag nagpakamatay ang dalawang peko.na responsibilidad din nya habang nasa byahe.
Kayat agad na hinawakan sa mga kamay, pinigilan at pinagtakpan ang unang mga sinabi.
“teka sandali lang.kaya nga nagtatanong lang ako eh.hindi ko naman sinabi na ayoko di ba.ok na hindi naman ako tumututol eh.”sabi ni daryl at agad na niyakap ng dalawang babaeng peko.
“ano ba naman itong itinuturo mo sa kanila sir rando.haay.ginawa mo silang sex machine.di na nga bale.tutal hanggang sa matapos lang naman ang byahe.”sabi ni daryl sa kanyang isipan na hindi makapaniwalang hindi sya pwedeng tumanggi.
“Wag na kayong malungkot.ok lang sakin.masaya ako sa service nyong dalawa.wag nang magpapakamatay ha.”sabi ni daryl.
“opo sir daryl!.hihihi.”excited na sagot ng dalawang babaeng peko na basa pa ng luha ang mata at pisngi.
“Patawarin nyo po ako bosing.gusto ko pong iwasan pero.hindi ko rin po sila kayang tiisin na magpakamatay.alam ko po na pagsubok lang ito.kung haggang saan ko kakayanin ang pagmamahal ko para kay demeter.kayo na po ang bahalang humusga.hindi ko po gustong magtaksil kay demeter.mapatawad nyo po sana ako.”sabi ni daryl habang nakatingala at nagdarasal ng mataimtim sa kanyang puso.
“tara na kumain tayo nagugutom na yata ako.”sabi ni daryl at agad na naghain ng pagkain sina marie at rodora para kay daryl at jerard.
Kapansin pasin ang pagbabago ng pakikitungo ng mga elite merchant,guest rider at convoy kay daryl dahil lahat sila ay sumabay at nakisalo sa agahan ng binata kayat ang simpleng agahan ay naging engrande sa dami ng mga pagkain na pinagsama sama ng mga sumalo.
“Kahanga hanga ka sir daryl.paano mong nalusutan ang mga hohuturic lv.78 at maturic lv.99 boss.naubos nyo po ba silang lahat.”sabi nang isang convoy na nagkataon na gumagamit din ng katar.
Kayat sinagot ni daryl ang tanong nito sa ibang paraan.
“Teka sandali lang po sir at may ibibigay po ako sayo.mabuti pala at pinulot ko.siguradong babagay po ito sa inyo.”sabi ni daryl at agad inilabas sa dimensia grimoir ang dalawang katar.
“Sa inyo nalang po.mas magagamit nyo yan at mukang experto po kayo dyan sir.”sabi ni daryl at ibinigay ang katar na galing sa maturic.
“wow!.salamat sir.sa maturic po ito.!”sabi ng convoy at lubos na humanga kay daryl.
Naging masayang adventure ang pangyayari dahil sa dami ng mga kwentong naging kakatwa sa pagbibiruan ng mga ito habang pinagsasaluhan ang agahan.
Lahat ay kitang umaasa na ng kaligtasan sa kamay ni daryl kahit ang mga convoy na dapat ang syang gumagawa ay umaasa na din kay daryl dahil sa takot nilang harapin ang mga halimaw at bosses na masmataas pa ang level sa kanila.
Ngunit patuloy ang pagtataka ng mga convoy kung bakit naglipanan ang mababangis at malalakas na mga halimaw na hindi ordinaryong nangyayari.
Kayat agad itong iginawan ng report upang ipaalam sa kaharian.
Kasalukuyan din palang hinaharap ng lemuria great wall ang mga sumusugod na hingh level monsters at bosses na sama samang pinagtutulungan ng mga raiders ng kaharian.
Muling nagpatuloy ang paglalakbay sa gundon hills patungo sa tripetir at inaasahang makakarating sa boundary ng lamakuku at doon muling magpapalipas ng gabi.
Banayad ang hangin na umihip sa mga pinong damo ng lambak na kanilang dinadaan at walang sign ng paparating na halimaw ngunit nanatiling listo ang lahat sa takot na sandali lang ang kapayapaan na iyon.
Hanggang sa lagpasan nila ang gundong at pinasok ang tripetir .kilala ang tripetir sa mga playfull brown goblin lv.35 na mahilig magnakaw sa mga caravan at mga byaherong dumdaan sa kanilang teritoryo.
Kayat listo ang mga convoy. Sa pagbabantay.
Maya maya pa ay nagpaparamdam na ang mga brown goblin sa nagpapalipat lipat sa mga halaman at puno. Na natatakot din umatake dahil sa mga convoy.
Nang biglang lumabas at magpakita ang brown goblin na kung tawagin ay season lucky goblin dahil sa wishing star ball na nasa ulo nito.
Ang wishing starball ay isang organikong bola na kulay berdeng transparent crystal na may roong star sa loob at makikita lamang sa mga brown goblin.
Maari itong mag karoon ng 1 to 5 stars sa loob na syang indekasyon kung ilan beses na magagamit upang humiling ng kahit anong materyal na bagay kahit gaano pa kamahal o kaimportante ang bagay na hilingin basta malinaw at detalyado itong nalalaman ng isipan ng taong humihiling at ipagkakaloob iyon ng wishing star ball.
Ngunit ang makakita nito ay napaka rare dahil hindi malaman kung kelan at saan lalabas ang brown goblin na may dala ng wishing star ball sa kanilang ulo.
Nabalewala ang takot ng mga tao sa buong caravan na nakakaalam sa wishing star ball at nagsipaghinto para huntingin ang brown Goblin na noon ay nagpakita na halos mapansin ng lahat.
Lahat ng may kakayahan na harapin ang mga lvl 35 na playful brown Goblin ay kinuha ang kanilang mga sandata para habulin at kuhanin ang wishing star ball.
Alam ng mga convoy na mahirap iyon pigilan kayat nagsipakalat ang mga ito upang siguruhin na ligtas ang lugar sa masmalalakas na halimaw.
Kanya kanyang hanap ang mga guest rider at mga merchant.
“Huh?!.ano po ang nangyayari?.bakit po tayo huminto?tsaka ano po ang ginagawa nila”sabi ni daryl ng makita nyang nagkakagulo ang mga natutuwang guest at merchants.
“Hindi ko rin alam.daryl.”sabi ni jerard.
“Magtanong po tayo sa convoy.”sabi ni marie habang sakay sa likod si daryl.
“Ah sir magtanong lang po.ano po ba ang ginagawa nila?bakit hindi nyo po sila pinipigilan.”sabi ni daryl.
“ha?!hindi nyo po pala alam sir daryl?.may nagpakita pong lucky season goblin.hindi po ba kayo interesado sa wishing star ball.?”sabi ng convoy raider.
“Ang totoo po ngayon ko lang yun narinig.”sabi ni daryl.
“kaya naman po pala.maaari po kayong humiling ng kahit anong bagay sa wishing star ball basta malinaw nyong alam ang hinihiling ninyo.at ibibigay po iyon ng bola kahit ano pa yon.”sabi ng raider convoy.
“Ah kaya po pala sila nagkakaganyan.hahaha.”sabi ni daryl.
“Kaya po huminto tayo sir.para naman po maenjoy nila at hindi rin naman namin sila mapipigilan.mabuti nga po at walang naglipanan na mga halimaw gaya ng kahapon.hindi parin po ba kayo makikisali sa kanila?”sabi ng raider convoy.
“Hayaan na po natin yan sa kanila.”sabi ni daryl at masayang pinapanood ang mga nagkakagulong mga guest at merchant habang nagpapahinga sa upuan ng mustang caravan.
Sari saring nakakatuwang disgrasya ang nagaganap sa mga habulan at hindi talaga magpapapigil hanggat hindi nakikita at nahuhuli ang lucky season goblin.
Hindi naman delikado at agresibo ang mga brown goblin.
Hanggang sa masayang na ang kalahating araw ng kanilang paghahanap at napilitan nang humanap doon ang caravan master ng mapagpaparadahan at camping site para doon na rin magpalipas ng gabi.
Madilim na ang paligid ay hindi parin nahuhuli ang lucky season Goblin na bigla nalang nawala sa mata ng mga humahabol.
kayat hanggang hating gabi ay nangilaw ang mga ito matapos kumain ng hapunan.
Tahimik lang na nakaupo si daryl sa upuan ng caravan sa tapat ng ilaw at nililinis ang isa pang wirdong katana na ibinigay ng ravian at kumakain ng fish crackers.
“bakit kaya ganito to ang kapal naman ng kulapo.parang nababad yata sa suka.ang hirap pa naman linisin at kakaiba din itong bagay sa pagitan ng talim at puluhan.hindi makilala at puro kulapu.”sabi ni daryl habang matyagang nililinis ang katana na ang dahilan pala ng kulapu ay matagal na nababad sa maalat na tubig sa mabatong dalampasigan sa likod ng genesis dungeon na napulot ng ravian dahil ramdam nya ang kakaibang pakiramdam sa katana,kayat ito rin ang naisipan na ibigay kay daryl dahil naniniwala itong may kakaiba sa katana.
Hindi namamalayan ni daryl na ang kanyang fish cracker ay unti unting nababawasan mula sa kanyang tagiliran.
Ngunit nang muli syang dumampot ay nagulat pa ito at halos mangalahati na ang crackers na iilang piraso palang ang nakakain.
Kayat naghinala ang binata na may taong nanggogood time sa kanya,kayat nagpasimpleng nag-umang ito ng isa at inabangan kung sino ang kukuha.
Nangbiglang damputin ng maliit na kamay ang crackers.
Muling nag umang ang binata at sa pagkakataong iyon ay huhulihin na ang kamay.
Kayat nang muling dadampot ang kamay ay hinablot iyon ni daryl.
“huli ka!”sabi ni daryl
“waaa!!!maawa ka si ako,hindi na si ako nanakaw.”sabi ng goblin.
At laking gulat nya na ang lucky season goblin pala ang kumakain ng crackers.
“salbahe ka ha.nagugutom ka pala bakit hindi ka nanghihingi.kabod ka nlang nagnanakaw.”sabi ni daryl.
“ha? Ikaw intinde si ako?ako habol dami tao.ako gutom.ikaw huli pag ako paalam.”sabi ng lucky season goblin.
“bakit naman kita huhulihin.eh hindi nga kita hinahabol.kusa kang lumapit eh..sige na.bibitawan kita pero wag kang tatakbo.bibigyan lang kita ng crackers.”sabi ni daryl
Nagtiwala aNg lucky season goblin at naghintay.
Ibinigay ni daryl ang supot ng crackers na dali daling hinablot at kinain.habang nagpatuloy lang sa paglilinis ng katana ang binatang si daryl.
Unti unting napalagay ang loob ng goblin at naupo pa sa tabi ni daryl.
“Ikaw?ayaw ni ikaw bola ni ako?”sabi ni goblin.
“Wala naman akong naiisip na magandang bagay kaya ok lang.ingatan mo nalang.”sabi ni daryl.
“ganun?.ikaw bait tao.kaya ako bigay bola ni ako ikaw.meron dalawa star yan hiling ikaw.ayaw parin ikaw?”sabi ng goblin.
“wala naman akong hihilingin eh.basta kumain ka lang dyan. Habang hindi ka pa nila nakikita.mamaya tatakas ka nanaman nyan pag nakita ka nila.”sabi ni daryl.
Nang biglang tanggalin ng goblin ang wishing star ball sa kanyang ulo at inilagay iyon sa kandungan ni daryl.
“pagod na si ako.bola ni ako iyo na lang.uwi na si ako.kain ni ako nalang pagkain ni ikaw.salamat.”sabi ng lucky season goblin at tumakbo palayo dala ang crackers
Wala talagang interes si daryl kayat ibinulsa nalang ang bola.
Sinadyang magpagabi ng binata upang makatulog na ang dalawang peko at makaiwas sa Special service.
“tulog na siguro sila nyan.saka ko nalang ito itutuloy at mahirap talaga linisin.”sabi ni daryl
Ibinalik sa dimensia grimoir ang katana at pumasok na sa kanyang tent kung saan naghihitay ang dalawang babaeng peko na inakala nyang natutulog na.
Ngunit sa kanyang pagpasok ay nangungusap ang mga titig ng mapungay na mata at nagpapagandahan at nakakaakit na higa.
Napalunok nalang ang binata at alam na nya ang gusto nang dalawang nagiinit na human peko na hindi naman nya kayang tanggihan.at isa pa ay talaga naman kaakit akit ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasyPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...