15.attack on vajara

253 31 0
                                    

“bilib ako sa grupo nyo daryl.iba ang pamamalakad mo,at mabuti kang leader.”sabi ni himawari matapos na manggaling sila ni daryl sa loob ng guild house.
“hindi naman nila ako leader.hindi ko alam kung bakit sinusunod nila ako.basta para sakin.isang pamilya kami na kailangan kong protektahan at tulungan.”sabi ni daryl.
“yan ang dahilan kaya naging leader ka sa kanila.kung tatanggapin ako ni holy guide demeter,ikaw na din ang leader na susundin ko.”sabi ni himawari.
“Pasensya ka na ha.medyo napagod ka yata.”sabi ni daryl.
“ok lang,hindi naman masyado .madali naman turuan si mia.pero grabe ang kill nyong lahat.galit ba kasyo sa pera.hahaha.”sabi ni himawari.
“hahaha hindi naman masyado.mahalaga ang pera pero ang target ko ay training para lumakas,para ipakita sa mga tao na hindi tayo mahina.tsaka paghahanda na din,malay natin isang araw may malakas tayong dapat na harapin di ba?wala naman masama kung magpapalakas tayo.nakakatuwa lang at ganoon din ang naging pamantayan nila.tsaka nangako ako kay mia na isasama ko sya sa dungeon kaya mabuti na rin na tumaas ang level nila.”sabi ni daryl.
“ako kasi sa sobrang tagal ko na dito.lvl30 palang ako.sapat na kasi sa akin 50 kill araw araw.sa nga tara goblin.nakakaraos naman doon eh.natatakot kasi akong pumunta sa masmalalakas na monster at baka malasin,yun pa ikamatay ko.”sabi ni himawari.
“Kung magiging follower ka ni demeter.malaya ka naman gawin ang gusto mo.malaya naman kaming lahat na magdesisyon bastat tama lang at hindi masama.”sabi ni daryl.
“nakapag pasya na ko.nakita ko kung gaano kyo ka close bilang isang raid party kaya sasama ako sa inyo.ok lang ba?”sabi ni himawari.
“Oo naman.”sabi ni daryl.
Katulad nang dati ay dumaan ng bayan para sa pasalubong ni demeter at dagdag na hapunan.bago umuwi.
Katulad ng reaksyon ni bela noong una ay ganoon din si rina at himawari.dahil ang lahat ng pinagbilan ng mga ulo ay hinati ng pantay pantay kasama na si mia.
Alam nilang lahat na ang pinagmulan ng maraming kill ay si daryl kasama pa ang bilang ng kill ni edge na anima ni daryl.
Hindi makapaniwala ang dalawa na ganoon ang pamamaraan ni daryl pagdating sa pera.lahat ay makikinabang ng pantay na hati.
Pati si mia ay tuwang tuwa at sya man ay kaparehas na ang hati sa iba.
At sa bawat araw ng kanilang kinikita ay hindi nakakalimutan hulugan ang donation ng demeter worship box na hindi naman nagagalaw ni demeter dahil labis labis pa ang hawak na pera galing sa reward at price ng tournament.
Umalis si demeter nang araw na iyon para bumili ng karagdagang pagkain sa imbakan kayat ginabi si demeter.
Napansin agad ni demeter na may tao sa bahay na tanging sya lang ang may susi at sila daryl at mia.
Kayat alam nyang naroon na ang kanyang pamilya.
Samantala sa loob ng sambahan ay hindi mapakali si himawari na maraming beses na pinigilan ni mia.
“ahm.baka matagalan pa si holy guide demeter.bukas nalang kaya.?”sabi ni himawari na ginagawan lang ng dahilan ang sarili para makaiwas na kanina pa alumpihit sa inuupuan.
“Ate wait ka lang.relax ka lang kasi.pauwi na yun.hindi naman nagpapagabi si ate holy guide demeter eh.”sabi ni mia.
“nandito na ko.naunahan nyo ko ha.naubos na kasi yung stock natin.hay ang bigat nangalay yata ang balikat ko.”sabi ni demeter habang naghuhubad ng sapatos sa pintuan.
Agad inabot ni bela at rina ang mga pinamili ni demeter upang iayos sa imbakan.
“huh?!.may bisita pala tayo?..hi po magandang hapon.welcome po sa.demeter woreship house.”sabi ni demeter na natural nang mabait at magalang lalu na sa mga bagong taong nakikilala.
Nakita ni himawari kung gaano kahumble si demeter.
Kayat tumayo ito ng matuwid at nag bow na parang robot.
“m-Magandang hapon po holy guide demeter.”sabi ni himawari na parang robot sa sobrang tense.
“Ahm.holy guide demeter buti naman po at nakauwi na kayo.ipinapakilala ko po sa inyo si himawari.nakasama namin sya sa raid kanina na nagturo din ng pagpana kay mia.gusto po sana nyang tumanggap ng blessing sayo.”sabi ni daryl.
Alam ni demeter sa kanyang puso na buo ang kanyang tiwala kay daryl na sino mang pagtiwalaan ay pagtitiwalaan din nya.
Kayat buo ang loob nito sa pagtanggap.na hindi rin naman nya balak na tanggihan dahil sadyang mabait si demeter.
Medyo nagulat lang ang goddess at isa nanamang maganda at kaakit akit na morenang babae ang dala ni daryl.
“ah oo naman po.ikasisiya ko na dalhin mo ang aking blessing.”sabi ni demeter.
Nang marinig ni himawari ang pagtanggap ni demeter ay parang nabunutan ito ng tinik,at tsaka palang nakahinga ng maayos.
Nakipag kwentuhan si demeter kay himawari at madaling nakapalagayan ng loob.habang abala naman sila rina at bela sa paghahanda ng hapunan.
Maya maya pa ay iginawad na ni demeter ang  blessing kay himawari.
Matapos maghanda ng hapunan ay sabay sabay na nagsalosalo.
Nabanggit ni himawari na nagungupahan lang sya ng dorm kayat agad na inalok ni demeter ang mga bakanteng kwarto kay himawari na hindi naman nito tinanggihan dahil nahihirapan din  sa pagbabayad ng kanyang dorm.
Natuwa din ang mga babae sa paglipat ni himawari at madadagdagan nanaman ang tao sa demeter worship house.
Bago magsipagpahinga ay nagcheckup ng blessing magic si demeter.
Muli ay nagkaroon ng growth ang lahat.
Umakyat ng lv 9 si mia at natutunan ang bow ability,precision ability at focus ability.karagdagan sa kanyang axe ability.
Umakyat ng Lv 21 si bela at nagkaroon ng karagdadagang skill para sa kanyang knife ability,ang double stab.
Umakyat ng lv 7 si rina at napagbuti pa ang mga skill at ability.
Umakyat muli ng isang level si daryl dahil sa dami ng napatay na baboon.(lv 48).at nagamay ang paggamit sa dalawang legendary relic medalion na nagawa pang matutunan ang bagong skill na tinawag nyang shield bash.
At nagkaroon din ng karagdagang ability ng control at shield mastery.
Umakyat din ng lv 13 boss level si edge at hindi sinasadyang natutunan din ang skill na rage claw sa kanyang werewolf form.
Muli ay naiwan nanaman si daryl sa gym kung saan gabi gabi ay nagsasanay ng ispada at target knife bago matulog  na sumisiple ng sulyap kay demeter,at si demeter na mahilig magganchilyo sa sala habang nagpapaantok at sumisimple din ng sumilipin kay daryl.
Ang bawat sulyap ng bawat isa ay katumabas ng ginhawang papawi sa pagod at masayang puso.
Naalala ni daryl ang pasalubong na hindi naiabot at ang maliit na scroll kayat agad tinapos ang pagsasanay habang naroon pa si demeter.
“ahm holy guide demeter nakalimutan ko po pala iabot sa inyo kanina.”sabi ni daryl at iniabot ang paboritong coockies ni demeter na kanina pa pala hinihintay ni demeter dahil nasanay na kay daryl sa araw araw.
“wow thank you.strawberry naman ngayon.”sabi ni demeter na sobrang appreciated ang gift ni daryl.
“mahilig po talaga kayo sa cookies no.bukas ibang flavor ulit.”sabi ni daryl.
“may ipapakita po pala ako.”sabi ni daryl at agad na ibinigay ang scroll.
Binasa ito ni demeter.
“hindi ko alam kung sino itong lumina brotherhood.pero nasisiguro kong masama ang balak nila kaya ipinapakalat nila sa mga tao ang ganitong balita.”sabi ni demeter.
“Maaring konektado po ito sa dark guild.na naisurrender ko sa kapitan kanina.sa kanila po galing yan.”sabi ni daryl.
“seryosong impormasyon ito.na dapat malaman ni ares at athena.”sabi ni demeter.kayat gumawa ng sulat at agad na inilabas mula sa kanyang holy magic ang white hawk upang ipagbigay alam sa dalawang gods.
“karie.ingatan mo ang mga sulat na to.dalin mo kay ares at athena.”sabi ni demeter at pinawalan sa bintana ang hawk.
“salamat daryl sa impormasyon.lalu tuloy akong nangangamba,kung bakit may mga taong gustong makuha ang mga susi at ipinagkakalat ang ganoong klase ng balita.hindi ba nila alam ang panganib ng apocalypto gate.kapag hindi yon naisara,bakit nakikipag unahan pa sila sa mga mabubuting nagnanais na isara ang gate.malamang na may iniisip silang masama.”sabi ni demeter.
“Ano po ba ang itsura ng mga susi?”sabi ni daryl.
“limang susi yon na gawa ng mga demonyo,5 susi na kapag nagsama sama ay mabubuo ang apocalypto dimension key.
ang legendary bone key na may ruby stone sa hawakan,ang legendary wooden key na may sapphire stone sa hawakan,ang legendary steel key na may diamond sa hawakan,ang legendary stone key na may amethyst sa hawakan at ang legendary glass key na may topaz stone sa hawakan.
Yan ang limang legendary dimensional key.ang sabi nila ay nag poposses ng ibat ibang magic power ang bawat isa.”sabi ni demeter.
“Wala po ba tayong clue kung saan yon mahahanap.”sabi ni daryl.
“Sad to say buy yes,walang nakakaalam kung nasaan ang mga susi.na sana ay maunang  mahanap ng mga concern good people gaya ni king david.”sabi ni demeter.
“sana nga po.”sabi ni daryl.
Samantala,somewhere near the black aurora sa secret hide out ng  lumina boss and 8 lumina generals
“ang mga tao talaga.napakadaling lokohin.sa sandaling mahanap nila ang 3 legendary key,ay sa atin na ang tagumpay.paghaharian natin ang mundong ito,sa sandaling makuha natin ang mga demon level reptialian bilang mga sundalo.luluhod lahat ng kaharian sa ating kamay.”sabi ni mysteryosong boss  na naka black cloak habang ka meeting ang kanyang 8  generals na noon ay naka black cloak din.
“ako na po ang bahalang umasikaso sa 1 billion heads at blood of the virgin para sa bone key.may paraan po akong mabilis master.”sabi ni lumina general 1 (lv B).
“ako na po ang bahalang kumuha sa mata ng phoenix sa genesis dungeon at kukuha ng 100 years old woods sa world tree.para sa wooden key.sapat na po ako para taluhin ang phoenix.(lv.99)boss.”sabi ni lumina general 2 (lv A) at itinuro ang ilan sa  lumina general 3(lvA),4(lvA),5(lvB),6(lvB),7(A)at 8(lvA).
“sige pero mag iingat kayo,hindi ko kailangan ng patay na general.kailangan ko kayo ng buhay.”sabi ni misteryosong boss.
“opo supreme master.!!”sigaw ng mga generals.
“akala siguro ng mga haring yan.mauunahan nila ako sa mga susi.tayo lang ang nakakalam kung paano gawin ang bone key at wooden key,at lamang natin yon sa kanila,kaya sa atin ang apocalypto dimension gate,hindi ko hahayaan na magtagumpay sila sa pag sara ng gate.akin lang ang gate at ang mga legendary key wahahahaha.sige at humayo kayo.gawin nyo ang inyong mga dakilang tungkulin.”sabi ni misteryosong boss.
Agad nawala ang 8 general na noon ay nakapaikot sa madilim at bilog na lamesa.
“Lemuria kingdom.hayaan mong kunin ko ang kailangan ko sayo.pero hindi pa muna ngayon kaya magpakasaya ka na habang malaya ka pa.pansamantala ay maglalaro muna ako.wahahahaha.”sabi ni lumina general 1 at nag bitaw ng spell sa hangin kung saan lumabas ang isang shadow entity.
“gusto kong aliwin mo ako aking alaga.alam mo na ang gagawin mo sa mamamayan ng lemuria.bukas mismo ng umaga,gusto kong gisingin mo ako ng ingay mula sa mga nagsisigawang tao at hindi sa tilaok ng tandang.humayo ka!”sabi ni lumina general 1 at nahiga na sa kanyang kama.
Kinaumagahan ay ginising ng sigawan ng mga mamamayan sa loob ng lemuria sa north dist.
Dahil ang shadow entity ay dahan dahan na umahon sa kalsada at naging isang vajara lvl 87 boss monster na bigla nalang sinunggaban ang lahat ng mga taong makita,
“eeeeeehhhh!!!!.vajara!!.vajara!!!!.”sigaw ng mga taong nakasaksi sa halimaw.na agad naman hinarap ng mga knigt raider guard ng lemuria.
Ang vajara ay isang  boss chimera,mega size lion  na may  ahas na buntot.at isa ding anti magic creature at ang natural aura nito ay neuma magic.
Ang neuma magic ay isang magic na kayang pawalan ang bisa ang kahit anong palaso o sandatang nagagamit pang malayuan.kayat ang tanging paraan para taluhin ito ay sa paraan ng malapitang pakikipaglaban.
“men!.hold your position,defense up!.”sabi ng kapitan ng mga knight raider guard habang sinusubukang harangin ang vajara at maitulak palabas ng gate.
Ngunit hindi nagpatinag ang vajara.tumakbo ito ng matulin at buong lakas na binangga ang mga panangga ng mga knight.
“Waaaaaaa!!!!!.”paulit ulit na sigaw ng mga knight na tumilapon sa lakas ng vajara kahit tulong tulong sa kanilang shield wall defese position.
“kapow!!!!..Wahahaha.parang mapipigil nyo naman ang vajara ng ganyan lang.”sabi ni lumina general 1 habang nag aalmusal sa balcony ng kanyang mansyon at pinapanood ang nagwawalang vajara.
“ops teka?!.may dumating pa ulit na mga pakialamero.hahaha ang elite 7.bla bla bla like the usual mga pasikat.weh di na bale.masaya to.hahaha”sabi ni lumina general 1.
“men!!.lumayo kayo agad!.nandito na ang mga elite 7  followers!.secure the area,para hindi makasagabal sa laban ng mga elite ang mga civilians!”sigaw ng kapitan ng mga knights.
Agad na kumalat ang mga knights upang alisin ang mga tao sa battle site sa tulong na din ng iba pang followers na kasama ng bawat followers na napapabilang sa tanyag na elite 7.
Napalitan ng mga sumasabog na sigaw ng supporta ng mga natutuwang mamamayan ang kaninang matinding takot dahil sa pagdating ng kanilang madalas na tagapagtanggol laban sa mga malalakas na bos na umaatake sa loob at labas ng kaharian,ang elite seven  na pinangungunahan ng big 3.
Habang ang vajara ay napapalibutan ng 7 elite followers ay buong lakas na sumigaw ang vajara at muling nagwala.
Agad na pinigilan at nakipagbuno si rando na may pinakamatibay na depensa at malakas na katawan upang pigilan ang vajara.
Agad naman umatake sina gregory at hynes na sinegundahan nila rhea,vincent,devon at robert.
Ngunit sadyang malakas ang vajara at hindi basta basta magpapatalo.
Kaya bago pa man abutan ng mga pagsugod ng anim na attacker ay agad na naover power ang hawak ni rando at napatilapon ng malakas na kalmot at tumalon paatras.
Sumablay man ang mga attackers ay nagpatuloy sa pag sugod ang mga ito sa tulong parin ni rando na paulit ulit na bumabalik sa front line para kuhanin ang atensyon ng vajara at makipagbuno upang mabigyan ng masmagandang pagkakataon ang 6 na attacker.
Sapat na ang elite seven para pigilan ang vajara na unti unti na nilang na papaatras kayat ang iba pang mga followers na  na nagtataglay din ng mataas na level mula 70 hanggang 75 ay nagsipag antabay nalamang at nagbigay proteksyon sa mga mamamayan.
Nang mabalitaan ni daryl ang nangyayaring kaguluhan ay hindi nito napigilan na lumabas upang makitang muling ang pakikipaglaban ng elite 7.
Namangha ang binata sa ipinapakitang lakas ng bawat isa na hindi nya inakalang natalo nya sa tournament dahil kung ikukumpara ang kanyang lakas sa natural na level ng mga iyon ay hindi sya tatagal kahit isang minuto lang.
“waow!!.napakalaki pala ng diperensya nila sa tournament.talaga palang malaki ang implowensya ng level,mga halimaw sila.”sabi ni daryl na noon ay humahanga sa lakas ng elite 7. 11
“hahaha.blah blah blah.sigawan ng sigawan kala mo naman kung sinong malalakas ang ipinagmamalaki nilang elite 7,eh hanggang bungad lang ng genisis dungeon ang mga yan,kayang kaya ko silang pabagsakin ng mag isa.”sabi ni lumina general 1 sa mga taong humahanga sa elite 7.
Madalas makita ng general na ito ang bawat followers na bumubuo sa elite 7 kasama ng kanikanilang mga high level fellow followers sa  first level ng mga genesis dungeon.
“Nakakairita kayong lahat,mas maganda siguro kung mag eenjoy din kayo.”sabi ni lumina general 1 at nag cast ng spell kung saan 50 pentagram ang lumabas sa ibat ibang bahagi ng bayan at umahon sa mga ito ang 50 din na minion vajara level 85(not boss).
Agad sumalakay ang 50 minion vajara na kaunti lang ang diperensya sa laki ng mega size vajara.
Naalarma ang mga tao at muling nagtakbuhan at nagkagulo.
Agad din naman sumaklolo ang iba pang mga raider followers na noon ay nakaantabay lang.
Marami ang napinasala at nasaktan ng mga minion vajara,hindi ito boss level monster ngunit sa taas ng level nito ay sadyang mahirap kalabanin para sa iba pang mga followers na nahihigitan ng mga ito.
“Hahahaha!.wahahahaha!.ano kayo ngayon mga garapata,matagal kong inalagaan ang mga iyan.umpisa palang yan.wahahahaha.gagawin kong impyerno ang bayang ito.”sabi ni lumina general 1.
Nakita ni daryl ang sunod sunod na biktima ng mga minion vajara kayat agad tumolong para  ilikas ang mga ito na karamihan ay walang malay upang dalhin sa malayong bahagi ng bayan kung saan ligtas silang gagamutin ng mga healer mage medic.
Hindi intensyon ng binata na lumaban dahil alam nyang malaki ang agwat ng kanyang level sa mga minion vajara at mas nag focus  sa pagtulong ng mga napinsalang biktima upang agapan ang buhay ng mga iyon.
Ngunit sa kabila ng kanyang pag iwas ay hindi talaga maiiwasan ang makaharap ng minion vajara na malilikot at mabibilis ang pagkilos na hindi agad masundan ng mga raider na humahabol na noon ay hindi rin ganoon kataas ang mga level para pantayan ang mga minion vajara.
Ngunit sandaling dumating ang mga raider na tumutugis sa mga minion vajara at agad din tinatakasan ni daryl upang ipagpatuloy pa ang pagkuha sa mga biktima na mas nangangailangan ng tulong.
Sa ganitong paraan,ay unti unting nababawsan ang mga namamatay at agad na naagapan.
Hanggang sa ang matira nalang sa battle site ay ang mga matitibay na raider na patuloy na humahabol at nakikipaglaban sa mga minion vajara at ang elite 7 na abala sa pagpapabagsak sa vajara.
Pagod na pagod ang binata at humahangos sa kakatakbo kagaya din ng ibang raiders na ginagawa ang paraan nya, salamat sa kanila at maraming buhay ng mga sibilyan, raiders at raider guards ang agad na naagapan.
Habang ang karamihan sa mga Civilians ay ligtas na  nagsipagtago sa under ground evacuation facility ng north dist. lemuria kingdom.
Hindi nagpahinga ang binata at patuloy ang paghahanap sa mga sugatan at biktima.
Habang nakatayo sa isang mataas na bubong ng gusali ay pinagmamasdan nito ang nagaganap na mga laban at dito mas naramdaman ang awa, takot at pangamba hindi lang para sa sarili kundi para sa buong bayan.
At tsaka nasabi sa kanyang sarili.
Ganito pala ang digmaan,nakakalungkot at nakakatakot dahil maraming buhay ang namamatay at nauulila.paano pa kung masmalaking pwersa at masmalalakas na halimaw ang kanilang kinakalaban.kakayanin pa kaya nila
Kayat sa kanyang puso ay nag aalab lalo ang determinasyon na lumakas upang maging kapakipakinabang hindi lang para sa sarili,hindi lang para sa minamahal,kundi para sa lahat ng nangangailangan.
Kayat nagpasya na ang binata na tumulong sa pakikipaglaban kahit alam nyang mababa ang tyansa na sya ay magwagi inisip nalang nito na maraming maaaring makatulong  na kasalukuyang lumalaban sa mga halimaw.
At sa kasalukuyang oras ay kaunti palang ang nababawas sa  mga minion vajara habang pinaglalaruan lang ng malilikot na minion vajara ang  pwersa ng bawat pulutong ng pinaghalong gods raider followers at raider guards ng kaharian.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay isa sa mga minions ang nakapagtago at nag aabang lang pala ng mabibiktima.
Nagtago ito sa loob ng bakuran ng isang bahay kung saan ang bakod ay sobrang taas para maitago ang malaking katawan ng minion vajara na kasing laki ng dalawang elepante.
Nagkataon na nasa parehong bahay ang binata na noon ay nakatalikod sa bakuran,kayat ng tumalon ang binata ay hindi nito napansin ang halimaw na agad na  sumunggab sa kanya.
Malayo sa karamihan ang isang ito kayat walang ibang pipigil kundi ang binata.
Maswerteng nabunot agad ang kanya target knife at naihagis sa paparating na kagat ng minion vajara at tinamaan ang dila nito kayat napailing at nawala ang balanse kayat nagkaroon ng pagkakataon ang binata para tungtungan ang ulo ng minion vajara at makatalon palayo.
Ngunit sadyang mabilis ang minion at agad na nakapasunod ng sugod ng malaking kagat na pinigilan ni daryl ng kanyang tablet medalion magic air  mirror shield kayat nasalag nito ang kagat ng minion vajara at muling tumilapon ang binata umusad ngunit napanatili ang pagkakatayo.
Mabilis ang galaw ng minion vajara na kailangan tapatan ni daryl ng mabibilis din na pagkilos at hindi pwedeng magpahinga at magpabaya kahit isang segundo lang.
Bubunot palang ng kanyang katana ay naroon na ulit sa kanyang harapan ang minion vajara.
Kayat walang magawa ang binata kundi ang umasa sa kanyang hangin na panangga at paulit ulit na tumitilapon sa pwersa ng minion vajara.
Kitang kita ang diperensya ng kanilang level sa lakas at bilis kayat parang maliit na dagang lumalaban sa malaking pusa.
Sunod sunod na salpok sa mga pader at puno ang dinadanas ng binata na sobrang nakakapanakit at pumipinsala sa kanyang katawan kayat unti unting nanghihina ngunit patuloy na bumabangon sa abot ng kanyang makakaya,dahil alam nyang susugod muli ang minion vajara.
Nang biglang tumilapon syang muli ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na nya nagawang salagin pa ng kanyang air mirror shield kayat malaki ang nanging pinsala ng kuko na kumalmot sa kanyang katawan.
Ngunit sa kanyang pagtilapon ay may sumalo sa kanyang likod at agad na sinalubong ng impact magic ang minion vajara gamit lang ang kumpas ng kanyang palad.
Tumilapon na para maliit na hayop lang ang dambuhalang minion vajara at humampas sa mga poste ng ilaw.
At agad pinasundan ng mga spear magic na ibang iba ang consentrasyon ng mana energy kumpara sa mga magic na madalas makita ni daryl.
Tatlong magic spear na tumarak sa dibdib ng minion vajara at agad na namatay.
“hindi ka dapat lumalaban ng mag isa.”sabi ng lalaking nakasoot ng puti at malambot na tela at ngumiti ang mala anghel nitong muka.
Inihiga si daryl ng misteryosong lalake na noon ay iniinda ang malalalim na sugat sa kanyang dibdib na dulot ng kalmot.
Isang malakas na healing magic ang ginamit kay daryl na maikukumpara sa healing magic ni demeter.
Agad gumaling ang mga pinsala ni daryl ngunit bago paman nya matanaw ng mabuti ang muka ng lalaking tumulong sa kanya ay unti unti naman nawalan ng malay dahil sa pagod at sakit ng katawan.
Ang lalaking ito ay si agustos isa sa 4 na royal raider guard ng hari na kung tawagin ay.the executioner priest.
Nagkataon na papabalik ito mula sa mahabang paglalakabay.
Patuloy ang mga labanan at nagtungo sa hari si agustos.
“nakabalik ka na pala agustos?”sabi ni pietro na isa din sa 4 na royal raider guard.na kung tawagin ay father of swords. (Great sword master)
Ngumiti lang si agustos at nagpatuloy sa paglalakad.
“Bakit hinahayaan nyong magkagulo ng ganyan sa bayan,naglalaro nanaman kayo.”sabi ni agustos.
“Hihihi.kaya pa naman nila,hayaan muna natin na silang mga kabataan  ang gumawa ng paraan.para masanay sila.nang hindi sila umasa sa masmalalakas at matuto silang lumaban.lalu pa ngayon na muli nanaman na bubuksan ang apocalypto.para ihanda sila.”sabi ni minerva na isa din sa 4 royal raider guards na kung tawagin ay angel of death.(black magic warlock/scyth)
Habang tahimik naman na nakasandal lang ang tahimik na karakter na si victor sa malaking poste ng palasyo sa balkunahe at kumaway lang kay agustos.isa din sya sa 4 na royal raider guard ng hari na kung tawagin ay assassin of faith.(dual blade assassin).
“wala parin kayong ipinagbago .ahahaha”sabi ni agustos at nagtungo na sa hari.
Sunod sunod na malalakas na pag atake ang ginamit ng elite seven na unti unting nagpahina sa vajara hanggang sa ito ay mamatay.
Nagtagumpay din ang mga pulutong ng holy guide followers na lumalaban sa mga minion vajara.
“Haayy. sayang naman ang vajara ko.pero ayos lang,hindi ko rin naman kailangan ng mahinang alagad.sa uulitin mga mamamayan ng lemuria.sa uulitin ay hindi na kayo mananalo,makikipaglaro akong muli .wahahahaha.”sabi ni lumina general 1 (beast master).

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon