Pansamantalang nakahanap ng matutuluyan si daryl sa isang maliit at ordinaryong paupahang bahay malapit sa bahay ni jerard at ang bahay na ito ay mayroon ding maliit na gym na matagal nang nakasara dahil natabunan na ng malalaki at mas quality ang mga equipment.
Kayat upang maiwasan ang gulo ay nanatili nalang ang binata sa bahay at nakigamit ng gym na ipinahiram naman ng may ari na noon ay nagggym din.
Gumawa ang binata ng gym program na ang ipekto ay makapagpapalakas at makapagpapabilis sa kanyang katawan pangunahin na ang training ng yudo,push at pull.
Paulit ulit sa maghapon ang ganitong pahirap sa kanyang katawan bilang paghahanda narin sa kanyang paglalakbay para sa paghahanap ng 5 legendary dimension key.
At tuwing gabi ay hindi nakakalimot na dalahan ng pagkain si jerard.
“Salamat nalang at may gym itong naupahan ko.atleast kahit papano may. napaglilibangan ako habang hinihintay ko si lolo jerard.”sabi ni daryl habang kasalukuyang binubuhat ang 330kgs na weights sa kanyang buong katawan at tumatakbo sa magic treadmill.
“4 na araw na din pala ang nakakalipas.kamusta na kaya ang time travel ni lolo.”sabi ni daryl.
Matapos ang mga nakakatorture na weigths program sa loob ng gym kung saan ramdam na nya ang matinding pagod ay may isa pa itong ginagawa bago tumigil.
Naging kaibigan ng binata ang may ari nang bahay na inuupahan at isa din itong raider na kasing idad lang nya kayat madaling nagkasundo na parang barkada.
“Alam mo bro,sobrang hanga na ko sa ginagawa mo eh.parang pinapatay mo na ang katawan mo sa maghapon na kakaibang program mo at pagbubuhat ng 330kgs lang naman.pucha nakakangilo hindi ko kaya yan parang hindi ka na tao.hanggang 50kgs nga lang ako tsaka 2hrs a day lang pero ikaw maghapon pa.pucha bro gumagamit ka ba ng steroids?.tapos bago ka magpahinga.magpapagulpi ka pa sakin.masokista ka ba?ayaw mo pa ng mahina.gusto mo pa lamugin kita ng tubo sa buong katawan.pero ganun pa man ako parin ang sumusuko sa kabubugbog sayo.”sabi ni eron.
“aahh kasakit nanaman ng katawan ko kasarap.hehe ang weirdo bro pero sanay na kasi ako.tska hindi ko naman ito ginagawa araw araw,ngayon lang at parang paghahanda lang din.masmabuti na to kesa kung ano pa ang makasanayan ko sa labas.ayaw mo ba nun,may roon kang living dumi at nattraining ka rin.hindi mo ba napapasin ang mga swing ng hampas mo.gumaganda na ang mga form.”sabi ni daryl.
“hahaha.masarap? hayop pala pucha!.pero oo nga bro.napansin ko rin kaya naeenjoy ko na rin kahit pagod na pagod talaga ako.parang nag-iba yung accuracy ng mga hiwa ko ngayon sa mga halimaw.malaking tulong din.”sabi ni eron.
“Kitams!.nakatulong ka na ttraining ka pa.”sabi ni daryl.
“Pucha bro.ibang klase ka rin eh hano.iiwan kita sa gym ng umaga pero aabutan pa kita sa hapon.adik ang pucha hahaha.eto pala yung ipinabili mo.bakit ba kadami naman yata ng ipinabili mong pagkain.nauubos mo.ba yan?”sabi ni eron na noon ay pinakisuyuan ni daryl dahil dadaan din lang sa palengke bago umuwi.
“baliw.syempre hindi uubusin yan.kay lolo jerard yang iba.”sabi ni daryl.
“Sino naman si lolo jerard?”sabi ni eron.
“Kaibigan kong mage.tinutulungan ko sya sa magic nya.kasalukuyang nagkukulong sa bahay at kailangan daw yun.kaya tuwing gabi dinadalan ko ng pagkain.one week lang naman.malapit nang matapos yun.”sabi ni daryl.
“Maiba ko bro.ang lakas mo eh.bakit hindi mo subukan sumali sa glory battle arena dyan sa babel tower.”sabi ni eron.
“Galing na ko don.na bwisit lang ako at kamontik mapaaway.akala mo kung sino maglakad,porke member daw ng glory knight.yung malaking tao.hindi ko naman nakilala.”sabi ni daryl.
“ampucha! Ikaw pala yon bro?!.tang ina hayop ang lupet mo bro! usap usapan ka ngayon sa bayan.alam mo bang hinahanap ka ng mga elite ngayon?”sabi ni eron.
“elite?.bakit naman?”sabi ni daryl.
“Elite bro yung mga mayayaman na nagtataya ng malaking pustahan. Gusto ka nilang ilaban kay sir gareth.bro sikat na sikat ka dahil sa ginawa mo.alam mo bang si sir arthur at sir lancelot lang ang may kakayahan pumantay ng lakas kay sir gareth.pero sa ginawa mo.ipinakita mo lang na kaya mo din si sir gareth.maraming nagkakainteres na makita ka sa 100 floor arena.
“ahe?.wala naman akong interes na lumaban doon?.manonood nga lang sana ako ng laban ni sir lancelot at castro.kaso hindi naman ako nakabili ng ticket tapos ayun nga.binastos pa kami nung sir gareth.tsaka malakas talaga sya.nahirapan ako dun.hindi lang ako nagpahalata.hahaha”sabi ni daryl.
“kahit na bro.kaya mo eh.sige na subukan mo lang.”sabi ni eron.
“bro hindi naman ako nagpunta rito para magpasikat hayaan na natin sila sa laro na yan.may masmahalaga pa akong dapat na gawin.”sabi ni daryl.
“Sayang naman bro.gusto ko rin kasing makita kung paano mabugbog yung hambog na yun.marami kasing nagagalit doon at talaga namang arugante at mayabang yun.kahit ang mga glory knights ay hindi nya kasundo.”sabi ni eron.
“Hayaan nalang natin sila.”sabi ni daryl.
Matapos maggym ay nagtutungo ang binata sa isang sikat na magical bath house kung saan malakas ang healing magic ng mga hotspring water para gamutin ang kanyang katawan sa maghapon na pagpapahirap.
Muling bumalik sa bahay ni jerard upang ihatid ang pagkain.
Papabalik na sana sa kanyang inupahang bahay ng biglang maisipan na lumibot sa kabayanan para magpalaba ng mga damit.
“sir sandali lang po!.sya po yon!”sabi ng babaeng nakasakay sa karwahe ng kasamang elite merchant.
“sino?.”sabi ng elite merchant na amo.
“Yung lalake po na tumulong sakin sa babel tower yung kinukwento ko po na matapang na humarap kay sir gareth.”sabi ng babae na si emily.
“ganun ba?!.halika bilis habulin natin..”sabi ng elite merchant na si norman.
Agad bumaba sa karwahe at hinabol si daryl na noon ay pumasok na sa laundry house at kasalukuyang nagkakarga ng mga maruruming damit sa 2 minutes instant magical washing chamber.
Agad pumasok ang dalawa sa laundry house kung saan nila nakitang nakaupo si daryl sa tapat ng washing chamber na napili nya.
“hi!.naaalala mo pa ba ako?.ako yung tinulungan mo sa babel tower.”sabi ni emily.
“huh?.ah oo ikaw nga yon miss.kamusta na ang paa mo?”sabi ni daryl.
“mabuti na.salamat sayo.ako nga pala si emily at ito naman si sir norman ang amo ko.”sabi ni emily.
“nice to meet you po sir.”sabi ni daryl kay norman.
“ako naman si daryl maglalaba din ba kayo?”sabi ulit ni daryl kay emily.
“ah hindi eh.kakausapain ka sana ng amo ko.kahapon ka pa namin hinahanap.”sabi ni emily.
“daryl.may ipapakita sana ako sayo.”sabi ni norman at inilabas ang kanyang tablet.
Ginamit ang magic sa tablet upang ipakita ang recorded broadcast ni sir gareth nang nakaraang araw sa yugatan news brodcast.
Matapang na nakaharap sa camera si sir gareth kung saan iniinterview ng reporter sa kumakalat na usapin tungkol sa lalaking sinasabing matapang na humarap sa kanya,kayat nainis ito at inagaw ang mic ng reporter.
“tumahimik ka babae!una sa lahat,hindi uubra sa akin ang garapatang iyon,pinigil lang ako ni arthur.kung duda kayong lahat.
Hoy garapata! kung nasaan ka man.hinahamon kita sa laban,ipapakita ko sa mga tao dito kung saan dapat ang lugar mo.titirisin kita!.hihintayin ko sagot mo.ha!yun ay kung hindi ka maduduwag.peste.”galit na sabi ni sir gareth at ibinalik ang mic sa reporter sabay alis.
“ayan po mga kabayan.like the usual mainit nanaman po ang ulo ng ating magiting na sir gareth.kung nakikinig ka po mystery raider.nais po namin iparating ang hamon ni sir gareth. Bukas po ang NYK new para po sa inyong tugon.maaaring makipag ugnayan .lamang po sa amin.catherine jones naguulat.”sabi ng reporter.
At pinatay ang magic sa tablet.
“balita yan nung isang araw,nandito kami para,kombinsihin ka na lumaban.maraming tao ang naghihintay sa sagot mo.kung hindi mo na tatanungin ay isa ako sa mga executive ng NYK news broadcast.”sabi ni norman.
“pasensya na ho pero marami.naman iba pang malalakas dyan na pwedeng lumaban sa kanya.wala po talaga akong interes sa ganyan.makakalimutan din po ng mga tao yan.”sabi ni daryl.
“sandali.masmabuti siguro kung makikita mo ito.balita naman ito kahapon.”sabi ni norman at muling pinaandar ang magic sa tablet.
Ipinakita sa balita ang isa pang interview kay king Benedict a.k.a merlin,ang hari ng yugatan kingdom.tungkol sa usapin ng sir gareth issue nang maitanong ito ng reporter sa isang ambush interview.
“Your highness,ano po ang masasabi ninyo sa issue po ng paghamon ni sir gareth.”tanong ng reporter na si catherine na pinaunlakan naman ng hari at sya man ay interesado na makita ang resulta kung maglalaban ang dalawa na kanya mismong narinig kay marlon a.k.a sir palamedes.
“alam nyo.gusto ko rin mapanood ang bagay na iyan.bibihira ang may kakayahan na harapin ang isa sa pinakamalakas na myembro ng glory knights.kagaya ni ginoong castro kahapon.napakaganda ng ipinakita nyang laban kay sir lancelot although hindi sya nagwagi.
well kung papayag ang mystery raider,katulad ng laban ni ginoong castro at sir lancelot,hihingi ulit ako ng support sa agent angel para all out ang laban,up to the death and no rules.upang maresurrect ang matatalo.
I hope sana pumayag sya,and ah aside from the great amount of price na pwede nyang mapanalunan.im adding up a tittle called “neon knight”,giving my full support as a king and a friend.”sabi ng hari.
At muli ay pinatay ni norman ang tablet.
“walang mawawala sayo kaibigan kahit matalo ka pa sa death match.mabubuhay ka ulit dahil sa mga angels.
kung mananalo ka naman.ay isa sa pinakamataas na tittle ang neon knight.magagawa mong makuha ang buong suporta at tulong ng hari sa kahit ano mang sitwasyon mo kakailanganin ang tulong,habang buhay na yon.bibihira lang ang nakakatanggap ng tittle na yan.kaya maswerte ka kapag nakuha mo.parang anak ang magiging turing sayo ng hari.”sabi ni norman.
Kayat napaisip ang binata.malaki ang maitutulong ng tittle sa kanyang misyon na maaaring magamit pagdating ng araw na kailanganin nya ang tulong.
“sige ho.pag iisipan ko muna.”sabi ni daryl.
“Kung magbabago ang isip mo.heto kunin mo.laman ng magic capsul na yan ang messenger dove ko.ipaalam mo lang sa akin,isulat mo sa papel at pawalan mo ang ibon.”sabi ni norman.
Tinanggap naman ng binata ang capsul at nagpaalam na si emily at norman na umalis.
Kinuha na ng binata sa washing chamber ang mga damit at muling itinago sa loob ng dimensia grimoir.
Habang naglalakad ay naiisip ng binata ang napanood sa tablet at ang sinabi ni norman.naghahati ang kanyang nararamdaman.
Kayat upang sagutin kung tatangapin ba o hindi ay tinawagan nito si demeter upang kumunsulta.
Naupo sa bench sa gilid ng pedestrian pathway sa ilalim ng posteng may maliwanag na ilaw.
“hello mahal.busy ka ba?”sabi ni daryl.
“hindi naman.naggaganchilyo lang.bakit mahal may problema ba?”sabi ni demeter.
At isinalaysay ng binata ang buong pangyayari.
“Naguguluhan ako mahal.naisip ko kasi.sayang yung pagkakataon kung palalagpasin ko.malaking tulong sa misyon ko ang tittle na yun.pero bakit ba kailangan pa sa marahas na paraan.tao naman kaming pareho.tsaka malakas din kasi yon.naramdaman ko sa lakas ng braso nya.”sabi ni daryl.
“Sobra naman kasi ang kabastusan na ginawa nya sayo.pero hindi mo na sana pinatulan ayan tuloy nasasangkot ka sa ganyan.
Pero dahil nandyan ka na.karangalan mo na ang nakataya.iisipin nila na naduduwag ka.
Alam kong hindi mo yon papansinin dahil mabait ka.pero sa larang ninyong mga raider at sa misyon na iyong inaako ng mag isa,isa sa mga sandata mo ang iyong karangalan at tiwala ng tao.
wag mong hayaan na dungisan yan ng iba at tapaktapakan ka lang.alam ko dahil dinans ko na yan noon.
salamat sayo mahal at nabawi ko ang karangalan na matagal ko nang nakalimutan.
Gamitin mo ang lahat ng tulong na iyong makukuha para maging magaan ang iyong misyon.
Nag aalala ako sayo mahal.pero yan ang dapat mong gawin.lumaban ka.nasayo ang suporta ko.”sabi ni demeter.
“Salamat mahal,sige bukas tatanggapin ko na ang hamon.pano nalang ako kung wala ka.kanina ko pa yan iniisip eh.”sabi ni daryl.
“kasweet naman ng mahal ko.namimiss tuloy kita ngyon sa tabi ko.kumain ka na ba?”sabi ni demeter.
“yup.kanina pagtapos kong maggym.ikaw kumain ka na?”sabi ni daryl.
“Um um.kanina pa.nagpapaantok lang ako eh.”sabi ni demeter.
“sige na mahal pahinga ka na,ikot muna ako dito.matagal na din akong nagkukulong sa bahay na inupahan ko.”sabi ni daryl.
“sige mahal ingat.wag nang masyadong magpapagabi.i love you.”sabi ni demeter.
“opo.i love you too.”sabi ni daryl.
Ngayon ay disidido na ang binata na tanggapin ang hamon ni sir gareth.
Nagpatuloy sa paglalakad ang binata hanggang sa makarating sa isang sikat na armor shop na pag-aari ni holy guide hepaestus,the gods smith.
8:30pm na ng gabi ay bukas parin ang shop para sa mga over time raiders.
Pumasok ang binata sa napakatahimik na shop kung saan natutulog sa upuan si hepaestus.
“Wak!bossing!.may tao! may tao!.”sabi ng alagang uwak ni hepaestus.
“ha?.hhhmmm.nasan! nasan! nasan!.”sabi ni hepaestus na nagulat.
“ah nandito po ako sir.”sabi ni daryl.
“Ow!hi good evening!.welcome sa hepaestus weapon and armor shop.dito mo matatagpuan ang pinakamatibay na sandata at baluti na kayang pantayan kahit ang tibay ng mga relikong kagamitan.at hindi mo na itatanong.dito rin nanggagaling ang pinaka komportable at makabagong designs.ano ba ang hanap mo?”sabi ni hepaestus.
Nag isip ang binata ng maari nyang mabili at pumasok sa isip nito na humanap ng bagong armor na maskomportable,slim at magaan dahil ito ang nababagay sa kanyang fighting style at ang lumang armor na ginagamit ay may mga bahagi parin na nakakasagabal sa kanyang maluwag na pagkilos.
“ah gusto ko po sana ng bagong armor .”sabi ni daryl.
“anong klaseng armor ba.may tatlong klase ng armor,heavy,mid at light.Kung isa kang tanker sure ako na heavy armor ang hanap mo para sa superior defense,kung support or long range type ka naman ay sakto ang light armor para sa maximum mobility,kung isa ka naman assault type syempre mid heavy / light gear.for equivalent defense and mobility.so ano ang gusto mo.”sabi ni hepaestus.
“mukang ok po sa akin yung mid.”sabi ni daryl.
“Well then halika pumili ka.”sabi ni hepaestus at isinama sa armor show room.
“Magaganda at mukang ok naman po silang lahat.kaso wala po ba yung parang damit lang na malambot.ganyan na din po kasi ang armor ko.medyo nakakasagabal po kasi yung mga nakaumbok kahit slim pa yung armor.”sabi ni daryl.
“I see.meron naman kaso lang advance magical smith skills technique ang ginagamit doon.at hindi pangkaraniwan ang mga materials.at fully customize ang bawat nature ng mga material na gagamitin.na kailangan ay 100% fully enhanced and fortified dahil kung hindi ay posibleng masira sa process of customization..kaya kitang igawan pero may kamahalan depende sa klase ng design na gusto mo.nasisiguro ko sayong komportable ang galaw mo at parang nakasoot ka lang ng coton fiber”sabi ni hepaestus.
“Gusto ko po sana parang ganito sa pantalon ko black semi slim na strech para madaling gumalaw,tapos yung upper armor ko white slim jacket na strech din tapos palagyan po ng slit sa magkabilang tagiliran mula sa tapat ng sintron para hindi makasagabal sa holster ng mga katana ko.tsaka ayoko po sana yung mainit isoot.magkano po?”sabi ni daryl.
“wow!.medyo unique pla ang taste mo.kadalasan sa mga customer ko.gusto nila ay long coat.any way sige.kaya ko yan.ibibigay ko sayo ang leather class na may combination ng heavy defense at light mobility.fully forge at fully fortified at syempre 70% elemental resistance.all around na yun.pwede sa lamig,sa init,kurtente,tubig.and that would be 150 gold.dapat ay 200 yan.natutuwa lang ako sa taste mo.kaya gusto kong makitang soot mo.kaya binabaan ko.”sabi ni hepaestus.
“sagad na po ba yon?”sabi ni daryl.
“Yes.magandang price na yun.ako lang ang nag iisang provider ng advance armor dito sa yugatan.”sabi ni hepaestus.
“Ok sige po.magkano po ang down payment?”sabi ni daryl.
“50 gold ok na yun.the rest kapag natapos ko na.may lifetime warranty pa yun.pero syempre hindi kasma yung cut ng mga blades at explosion.pero 80%diacount naman ang repair.bukas ng hapon ay makukuha mo na rin”sabi ni hepaestus.
“magddown na po ako.”sabi ni daryl.
“o sige.halika na dito at susukatan na kita para perfect fit.maitanong ko lang,may pinaghahandaan ka ba.”sabi ni hepaestus .
“opo.bukas po kasi tatanggapin ko na yung hamon ni sir gareth.”sabi ni daryl habang sinusukatan ni hepaestus.
“What?.ikaw pala yun?.hahahahay gusto ko yan.sige para sayo 50 gold nalang ang hulihan mo sakin.pero paki bugbog ng maayos ha.galingan mo.gagandahan ko ang gawa dito promise yan.yes! Sa wakas!marami kaming naghihitay dito.”sabi ni hepaestus.
“ahehe.hindi po ako nakakasiguro kung mananalo ako sa laban.napakalakas po ni sir gareth.”sabi ni daryl.
“Hindi na importante yun.manalo ka man o hindi.humahanga na kaming lahat sayo.atleast hindi nabahag ang buntot mo.ang gusto lang namin.bugbugin mo ang hambog na yun kahit papano.ok na kami doon.”sabi ni hepaestus.
“may galit din po ba kayo sa kanya.?”sabi ni daryl.
“palagi kasi nyang hinahamak ang mga followers ko,at hindi ako iginagalang ng isang yan.”sabi ni hepaestus.
“huh?!holy guide po pala kayo?.sorry po.hindi manlang ako nakapagbigay galang kanina.ako po si daryl follower po ni holy guide demeter”sabi ni daryl at yumuko.
“Ok lang.ako naman si hepaestus.akalain mo dinaig pa ako ngayon ni demeter.napaka swerte nya sayo.ang hirap magkaroon ng follower na power class.”sabi ni hepaestus.
“ang totoo po.ako po ang swerte dahil sa kanya.napakabuti po nyang holy guide at maalaga.”sabi ni daryl.
“mabait naman talaga yun.ilan na kayo follower nya?”sabi ni hepaestus.
“lima po nung umalis ako para magpunta dito.bale anim pala kasama yung wolf anima na naging kaibigan namin.”sabi ni daryl.
“kaunti lang kayo pero masaya naman kayo.yun ang mahalaga.
ok tapos na.bukas ng hapon ok na to.”sabi ni hepaestus.
“Sige po holy guide hepaestus.tutuloy na po ako.”sabi ni daryl.
“Sige .isama mo na ako sa supporters mo.galingan mo ha.”sabi ni hepaestus.
Bumalik na si daryl sa kanyang bahay para makapagpahinga.
Nang gabing iyon ay ipinaglamay ni hepaestus ang paggawa sa mga armor.upang mabigyan ito ng sapat na panahon at mahusay na pagpapanday at ang mga ginamit na materyaes ay ang pinakamatitibay na meron ang shop nya.
Nang gabi ding iyon ay kinuha ni daryl ang capsule ng messenger dove.
Sinulatan si norman sa kapirasong papel na nakalagay sa paa ng kalapati at pinalipad.
“heto na.wala na tong atrasan.”sabi nang binata habang pinagmamasdan ang paglipad ng puting kalapati papalayo.
Kinaumagahan,hindi pa man pumuputok ang araw ay naghihintay na sa harap ng kanyang bahay na inuupahan ang news reporter na si catherine jones kasama ni norman at emily habang abala ang lahat na nag seset up ng mga gadget.
Sinundan ng mga ito ang homing white messenger dove kaya natunton ang bahay ni daryl.
News flash ng umagang iyon ang live coverage ng interview kay daryl na pinaglaanan ng oras at panahon ng NYK news.
“Good morning yugatan kingdom.finally sinagot na ng mystery raider ang hamon ni sir gareth.
Inihahandog po ng NYK new ang full coverage ng actual arrangement ng battle approval sa tower of babel floor 100 sa tulong po ng aming executive na si mr.norman wale.
Makakapanayam po natin ngayon ang mystery raider upang kilalanin.”sabi ng reporter sa kanyang live telecast habang sinusundan ng cameraman.
Ginising ng balita ang buong yugatan kingdom lalu na sa mga naghihitay ng kasagutan ng mystery raider.
Lahat ay masayang nakatutok sa kanikanilang magic wall TV at excited na namakilala ang mystery raider na lalaban kay sir gareth.
Maging ang hari ay masayang nakatutok.kayat agad na ipinaayos ang arrangement ng royal battle sa patnubay ni holy angel st.michael,st.gabriel at st.nicolas.katulad din ng naging laban ni castro at lancelot.
Ginulat din ng balita ang 14 glory knights na noon ay nasa palasyo para sa meeting ng hari.
Ngunit tahimik parin ang lahat na naghihitay sa pagpirma ni daryl sa kontrata.
Kumatok si norman at emily sa pinto na agad naman pinagbuksan ng pupungas pungas pang binata at halatang kakagising lang.
Nagulat pa ang binata ng makita nya sina norman at emily kasma ang reporter at ang mga nakatutok na kamera.hindi ito inaasahan ng binata na magiging ganoon pala ang sitwasyon ng pagtulong sa kanya ni norman at magmumuka syang celebrity
Ngunit nahihiya man humarap sa camera ay pinatuloy nito ang buong crew.
“Ahehe.napakaaga nyo naman po.tsaka may reporter pa po kayong kasama.”sabi ni daryl habang pumapasok ang crew para mag set up ng set sa sala ng inuupahang bahay.
“Pasensya ka na daryl.marami kasi ang naghihitay dito.gusto ka nilang makilala,kaya live tayo ngayon.hindi mo na kailangan pumunta sa tower of babel.dala ko na ang kontratang pinirmahan ni sir gareth noong isang araw pa.para ihatid sayo.pirma mo nalang ang kailangan at konting interview with miss catherine jones.”sabi ni norman at mabilis na naihanda ng crew ang set para sa interview at contruct signing.
Agad na upo sa sala at inihain ni norman ang kontrata para live na makita ng mga tao ang pagpirma ni daryl gamit ang apat na angulo ng camera.
Matapos pirmahan ay itinaas ni norman upang icloseup sa camera.
Naghiyawan sa tuwa ang mga tao ng yugatan kingdom ng makita nila sa telebisyon ang pirmadong kontrata.
“hahaha ayos! go for kill boy.wuhuuuu!.”sabi ni hepaestus habang nanonood at ginagawa ang kanyang armor.
Maging ang mga glory knights ay na excite din.
“o kompirmado na sir gareth.hindi ka ba masya.”sabi ni george a.k.a sir Percival.
“ha!.dudurugin ko ang garapatang yan.panoorin nyo kung paano humalik sa lupa ang garapatang yan. “sabi ni sir gareth na may matinding gigil sa muka.
Malakas ang loob ni sir gareth dahil bukod sa nagtataglay ng malakas na power class level B ay meron pa itong legendary earth soul armor na kung tawagin ay baldur.hindi ito tinatablan ng lahat ng uri ng sanda kahit ang legendary soul weapons.
Kasama pa ang dalawang legendary relic,ang legendary earth soul orb na kung tawagi ay meteor orb.at legendary earth soul necklace na kung tawagin ay earth gia.
Ang laban ay magaganap kinabukasan matapos ipasa ang kontrata sa babel tower.
Nagpatuloy ang interview matapos ang contruct signing upang makilala ng taong bayan si daryl.
Kahit pupungas pungas pa at hindi pa nakakapagsuklay at mumog.
Ay humble na sinagot ni daryl ang lahat ng tanong at lalung humanga ang mga tao at tuwang tuwa sa kanyang mga sagot at nakaktuwang reaksyon at pagiging mababang loob.
“huling tanong nalang po sir daryl.ano po ba ang gusto ninyong sabihin para kay sir gareth.?”sabi ni catherine.
“ahm.sir gareth,gawin natin ang lahat sa laban.wala sanang samaan ng loob kung sino man ang manalo sa atin.”sabi ni daryl.
“Yan po ang live exclusive interview with sir daryl of lemuria kingdom follower of holy guide demeter.
Ako po ang inyong lingkod.catherine jones nag uulat.bye.!”sabi ni catherine at natapos ang live ineterview.
Sabay sabay na nag alisan ang news team at muling naiwan na mag isa si daryl.
Balik normal lang na araw na dinala ni daryl ang araw na iyon kahit alam nyang ang laban ay kinabukasan na,at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawang gym program kasama ni eron na noon ay masayang masaya at sumusuporta sa kanya.
Samantala ang ticket ay agad nang available sa mga ticket outlet ng babel tower kayat ang mga tao ay agad.na nagtungo upang makabili.
Kayat ang balita sa tv ay puro patungkol sa labanang daryl at gareth.
Patuloy lang ang daily routine ni daryl.
Habang si gareth ay muli din nagtungo sa kanilang gym at ibinubuhos ang kanyang gigil sa mga equipement.
Kinagabihan,ay muling nagtungo si daryl kay hepaestus para kunin ang ipinagawang armor.
“sawakas daryl.ginulat mo ang buong yugatan.naway manalo ka sa laban mo.pinagbuti ko ang paggawa sa mga armor na yan.komportable tulad ng malambot na tela,ngunit kasing tigas at tibay ng pinakamalakas na baluti na maaaring gawin ng tao.at may maayos na leather style fashion na may emblem ni demeter.at tanggapin mo ang sapatos na ito na ginawa ni hermes para sayo terno ng mga baluting binili mo sa akin.”sabi ni hepaestus.
“maraming salamat po holy guide hepaestus.paki hatid nalang din po ang pasasalamat ko kay holy guide hermes”sabi ni daryl at kinuha ang mga baluti at binayaran.
“Good luck daryl!fight!.”sabi ni hepaestus.
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasíaPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...