26.one big battle

207 35 0
                                    

Alas 9 ng umag ang schedule ng labanan ngunit 7 palang ay dagsaan na ang mga tao sa loob ng floor 100.
Naghihitay  sa pagdating ng mga fighters.
Sigawan ang mga tao nang unang dumating ang mga glory knight sakay ng royal carriage.katulad ng dati ay sinasalubong sila ng mga tao tulad ng mga celebrity fighter hanggang sa makarating sila sa kanilang  lugar sa stadium.
Sumunod na dumAting si daryl na noon ay naglalakad lang at ang mga tao ay nagkakawayan para sa kanya tulad din ng pagsalubong sa mga glory knight.
Hanggang sa marating na din ang stadium.
Walang kaalam alam si daryl na ang balita ay nakaabot kay king david ng lemuria na ipinaalam  ni king Benedict.
Kayat nagpunta si king david kasama ng 4 na royal raider guards at si demeter gamit ang Kanyang teleportation magic.
Kahit ang 4 na royal guard na tinitingala ni daryl ay nagulat sa laban nyang iyon at natutuwa sa kanyang naabot.
Habang naghihitay ng oras sa loob ng waiting room ay sinurpresa ng excited na si demeter si daryl sa loob ng waiting room.
Nagulat ang binata nang bumukas ang pinto at inaakalang susunduin na sya,nang makita nyang si demeter ang pumasok.
Napuno ng tuwa ang muka at katawan ni daryl at agad na sinalubong ng mahigpit na yakap at matamis na halik si demeter.
“Haha.pano kang  nakarating dito.?sinong kasama mo?”galak na sabi ni daryl habang hawak sa bewang si demeter.
“Isinama ako ni king david.kasama din namin ang mga master mo.”sabi naman ng nagagalak na si demeter habang yakapa sa leeg si daryl.
“wow!.nandito din ang hari at  sila sir pietro!.dapat pala pagbutihan ko.”sabi ni daryl.
“Oo mahal.nandito kami para suportahan ka.galingan mo ha.ibigay mo lahat ng best mo.go go go!”masayang sabi ni demeter.
“Oo mahal para sayo.”masayang sabi ni daryl at muling hinalikan si demeter sa sobrang pananabik nila sa isat isa.
Hanggang sa hindi nila namalayan ang pagpasok ng babaeng game assistant.
“ahm ehem.sorry po sa abala sir daryl,holy guide demeter.kailangan na po si sir daryl sa arena.”sabi nang nahihiyang assistant dahil nakita nya ang paglalambingan ni daryl at demeter.
“pagbutihan mo mahal,babalik na ako sa station namin.ingat ka I love you.”sabi ni demeter.
“Yes boss.i love you too.”sabi ni daryl sa bahay halik ng mabilis sa labi.
Dinala na ng game assistant si daryl sa field arena at iniwan.
Samagkabilang dulo ng arena ay nakatayo ang magkatunggali.
Nakaikot sa arena ang mga camera ng live telecast ng NYK news upang ipapanood ang buong laban sa buong yugatan kingdom.
Tahimik ang lahat ng tumayo sa kanilang upuan ang mga holy angel upang personal na simulan ang laban at sa pagbabatingaw ng kampana.
Soot ni sir gareth ang full body armor  baldur at ang holy weapon twin axe.
Habang soot ni daryl ang bagong customized full body armor na white leather jacket at black leather pants.
Sa kasuotan palang ay nakakatakot na ang bulky look ni sir gareth.
Nang sumigaw ang referee.
“death match ready,fight!!!!”.
Agad bumunot ng kanikanilang sandata at agad na nagpalitan ng kanilang malalakas at walang awang sandata nang magabot ang dalawa sa gitna ng arena.
Malakas si sir gareth dahil isa itong tank and assault type at nakalalamang sa lakas.ngunit mabagal ang kanyang pull.kumpara sa pull ni daryl na sadyang napakabilis.
Dahil dito ay nakalamang si daryl sa mga salpukan ng mabibilis nyang stance at shifting ng mga  blow na tumatama sa katawan ni gareth.
Ngunit sa sobrang tibay ng armor at matigas na yudo ay tila binabalewala nito ang sugod ni daryl kahit karamihan doon ay direktang tumatama.
Makapigil hininga ang tagpo ng walang tigil na palitan ng atake ng dalawang magkatunggali.
Ngunit unti unting pumapabor kay gareth ang laban dala ng matibay nitong depensa ng katawan at mabilis ding pagkilos kung saan ang tanging puntirya ay makuha ng Clear counter attack.
Kayat nagpalit ito ng fighting style.kung saan ang galaw ay parang halimaw na walang kinatatakutan at sugod lang ng sugod kahit salubungin pa ang malalakas na hiwa ng katana.
Kayat napilitan Mapaatras ang binata dahil nakikita nitong binabalewala ng armor ni gareth ang hiwa ng kanyang katana.
Sinubukan ng binata ang kanyang mga aword skill ngunit bale wala parin  sa armor ni gareth kayat pwersa lang ng atake ang  kailangang pag ingatan ni gareth na pinahihina pa ng baluti at yudo.
Hanggang sa masalag ng kaliwang kamay ni gareth ang katana at binigyan ng straight blow sa dibdib ng axe head si daryl.
Tilapon sa lakas at pumakat sa pader si daryl na hindi rin nasugatan dahil sa soot na armor,ngunit ang armor ay napipinsala.
Napasigaw ang mga tao at natulala.
Unti unti na nilang nakikita ang diperensya ng lakas.
Hindi pa man nakakatayo ang binata sa pagkakapakat sa pader ay ginamit ni gareth ang meteor orb  mula sa kisame na isang malaking tipak ng batong bumubulusok ng malakas na pwersa upang durugin si daryl.
Ngunit tiinis ni daryl ang sakit ng suntok at pagtilapon sa pader at agad na sinalag ng kanyang air mirror ahield ang bumubulusok na bato na ramdam ang pwersa sa lupa at ibig ibig maluhod.
Habang pinipigil ang mabigat na pwersa ng bato ay agad na sinugod ni gareth ng malakas na bato ng axe sa agiliran si daryl .
muling tumilapon at nagpagulong gulong ang binata ngunit pinilit parin tiisin at makatayo habang umuusad.
Nabitawan nya ang wind soul katana na nagbibigay ng wave effect sa kanyang mga skill.
Sigawan nanaman ang mga tao sa pasakit na inaabot ni daryl.
“hinde ang katana ko.Napakalakas nya.parang hindi nya iniinda ang mga atake ko.”sabi ng hirap na hirap na daryl.
Muli nanaman nakasunod si gareth ngunit agad din nag boost ng pull at push si daryl upang pantayan ang kalaban sabay bunot sa imir katana at sinalag ang charging attack ng double holy axe ni gareth.
Dahil sa lakas ay napapausad ang paa ni daryl na kung hindi mapipigilan ay madidikdik sya sa pader  kayat buong lakas na ginamit ang air mirror shield bash habang nakasalag ang imir katana.
Hindi inaasahan iyon ni gareth kayat tumilapon ito at nagpagulong gulong din ngunit agad din nakuha ang balanse at umusad ng nakatayo.
Ngunit pinasundan agad ng dalawang magkasunod na target knife weapon pitch ni daryl.
Nasalag ni gareth ang isa ngunit hindi ang pangalawa.
Direktang tumama sa dibdib ang pwersadong target knife kayat muling tumilapon si gareth sa pader at pumakat.
Hiyawan ang mga tao sa tuwa.
Nabitawan ni gareth ang dalawang holy axe.ngunit hindi parin ito nagpabaya at nagpahinga.
Nakita nyang pagkakamali ang paggamit ng double axe charging attack kayat muli itong bumalik sa strategy na paggamit ng sunod sunod na meteor  orb upang dikdikin si daryl sa sahig at sa tuwing masasalag ang meteor orb ng air mirror shield  ay sinusinuntok o sinisipa ng malakas sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nakabawi si gareth at Maraming beses na tinamaan ng malalakas na suntok at sipa ang binata sa tuwing sasalag ng mabigat na pwersa ng meteor orb na iniinda na ang matinding sakit at bugbog ng katawan.
Ngunit kahit ano pang pasakit at hirap ang pagdaanan ng binata ay mulit muli itong tumatayo at patuloy na lumalaban kahit unti unti na itong nawawalan ng pag asa sa atrategy ng kalaban,sa matibay na baluti at sa kanyang bugbog na katawan.
Hanggang sa hindi na nakaiwas sa malakas na bagsak ng meteor orb.
Dikdik sa basag na sahig ang binata.
Muling napasigaw ang mga tao at natahimik sa pag aakalang patay na si daryl at nakatitig sa malagim na sinapit ng binata.
Inakala din ni gareth na panalo na sya kayat nagseselebrate na ng malalakas na tawa at pang iinsulto kay daryl.
5 sigundo din nawalan ng malay ang binata sa lakas ng pwersang sinalo ng kanyang katawan na nababalot ng yudo at malakas na armor bago ito tuluyang nasira sa bagsak ng meteor orb.
Pansamantalang hindi kumilos ang binata upang makapagpahinga at mag isip ng paraan habang nakatabon sa kanya ang malaking bato ng meteor orb.
Iyak ng iyak si demeter dahil sa awa sa sinapit ni daryl
Habang nalungkot naman ang mga tao.at patuloy parin na umaasang buhay pa si daryl.
Nang biglang magalit ang ikatlong katanang si zibelthiurdos na nakasuksok parin sa kaluban.
“tumayo ka master.wag mong hayaang matalo ka dahil lang matibay ang kanyang baluti.kalimutan mo na ang unang kondisyon ko.ipinagkakaloob ko na sayo ang boltahe ng kapangyarihan ko.bangon master daryl!.bangon!”sigaw ni zibelthiurdos sa isipan ni daryl.
Agad sinilip ni daryl ang apat na persona sa katana ni zibelthiurdos at nakitang nakangiti ang mga iyon tanda ng pagsuko ng kanyang kapangyarihan.
Kayat nakaisip ng paraan ang binata nang maalala nito ang apat na malalaking ilaw sa kisame ng stadium na nagpapaliwanag at hawak parin ang imir katana.
Tinipon ang kanyang  natitirang lakas sa paggamit ng yudo,push at pull upang buhatin ng mabilis ang malaking bato at basagin iyon ng malakas na air mirror hield bash patungo kay gareth na noon ay nagsecelebrate na.upang makakuha ng pagkakataon.
Hiyawan ang mga tao sa muling pagbangon ni daryl.
Ngunit agad din nasalag ni gareth ang mga paparating na tipak ng bato sa kanyang katawan at muka.
Habang abala si gareth sa pag salag sa mga durog durog na bato ay ginamit ni daryl ang natitirang apat na target knife para basagin ang apat na malalaking ilaw sa kisame ng stadium gamit ang weapon pitch skill.
Bago pa man makasugod si gareth ay dumilim na ang buong paligid.
Nagulat at natakot ang mga tao sa pagsabog ng ilaw
Dito na sinamantala ni daryl ang kadiliman gamit ang imir katana sa kaliwang kamay upang makapag shadow cloak at teleport ng hindi nakikita ni gareth mula sa itaas na bahagi ng harapan,upang saksakin  sa natatanging bahagi na hindi natatakpan ng legendary armor baldur,at iyon ay ang maliit na siwang sa leeg.
Binunot ng kanang kamay ni daryl ang zibelthiurdos habang papababa sa harap ng kalaban at buong lakas na isinaksak sa leeg ni gareth patungo sa baga ang talim ni zibelthiurdos.
Hindi inaasahan ni gareth na sasaksakin sya sa leeg at hindi rin handa kayat deactivated ang kanyang yudo nang bumaon ang katana sa kanyang leeg patungo sa baga.
Mahinang ungol ang isinukli ni gareth at pilit na hinahawakan at binubunot ang mahabang katana na patuloy na idinidiin ni daryl at tsaka pinawalan ng binata ang finishing attack.
“Thunder volt!!!”sigaw ni daryl
Malakas na boltahe ng kuryente ang lumabas sa talim ni zibelthiurdos na mabilis na tumupok sa buong katawan ni gareth.
Napukaw ang katahimikan ng mga tao sa kadiliman nang marinig nalang nila ang malakas na sigaw ni gareth at ang liwanag na lumalabas sa mga siwang ng baldur armor.
Segundo lang ang nakalipas ay tuluyan nang tumahimik ang arena.kung saan hindi alam ng mga tao kung sino ang nagwagi.
Maya maya pa ay muling nagliwanag ang buong stadium sa tulong ng magic support team na ayusin ang ilaw sa kisame.
Biglang natulala ang lahat ng manonood sa kanilang nakita.
Nagulat na lang ang mga tao nang makita nalang nilang nakaluhod ang naninigas at sunog na katawan ni gareth sa loob ng matibay na baluti.
Habang si daryl ay nakahiga at hihinga hinga sa tabi ng tatlo nyang katana na sadyang pinulot bago magpahinga.
Plastado sa bugbog at pagod ang buong katawan ngunit humihinga parin ng malalim at  buhay.
Napatalon sa saya ang lahat ng mga taong nanonood sa loob ng babel tower floor 100 stadium at sa buong kaharian ng yugatan.
Lalu na si demeter na noon ay walang paglagyan ang takot,kaba,awa at kaiiyak sa balikat ni minerva hanggang sa manglambot pa ang mga tuhod.
Iyak ng iyak si demeter sa sobrang kaligayahan habang inaalalayan ni minerva.
Kitang kita nila kung gaano kamahal ni demeter si daryl.
Hindi rin makapaniwala ang haring david at apat na royal raider guard na mananalo pa si daryl sa sitwasyon na iyon,kayat sobra sobra din ang sigawan ng mga ito sa kasiyahan.
“ibang klase ka talaga daryl.masmalakas ka na sa akin ngayon.”sabi ni pietro.
Ganoon din ang reaksyon ng haring Benedict at 13 glory knights.
Itinanghal ng tatlong holy angel ang pagkapanalo ni daryl at muling binuhay si sir gareth at ginamot si daryl ng kanilang holy magic.
Magwawala pa sana si gareth ng mismong si king Benedict na ang pumigil sa kanyan.
Nahiya si gareth at napaluhod sa kahihiyan.
“Magandang laban ang ipinakita mo sir gareth.pinatunayan mo kung gaano ka kalakas.tumayo ka at wag malugmok Walang dapat na ikahiya.”sabi ni king benedict.
Nilapitan ni king benedict ang tatlong angel na noon ay kailangan nang bumalik sa langit at nagpa salamat.
Nagpalakpakan ang lahat sa paglipad ng tatlong holy angel.
Hinarap naman ng hari si daryl.
“Binabati kita ginoong daryl.congratulations.sayo ang laban na to at ikaw ang nagwagi.ikinararangal ka ng iyong hari at mga kaibigan,lalu na nang iyong holy guide demeter,kanina pa sya iyak ng iyak para sayo.”masayang bati ng hari habang itunituro ang mga binabanggit.
Kinamayan ng hari si daryl at itinaas ang kamay.
Sigawan ang mga tao sa ibat ibang bahagi ng yugatan kingdom at sa loob ng stadium.
Nang araw na iyon nalasap ni gareth ang una nyang pagkatalo at ang pakiramdam ng isang talunan.
Sa harap mismo ng mga tao sa buong yugatan kingdom sa live broadcast ng NYK news ay iginawad ni king benedict ang neon knight tittle kay daryl na nakaukit sa isang  necklace at ang 10000 gold na grand price.
Hindi maubos ubos ang pagbati at kasiyahan ng mga tao para kay daryl at para sa kanilang mga sarili na naiinis kay sir gareth.
Habang nagkakasiyahan ang mga tao at abala ay tumingala ang binata at nagpasalamat sa kanayng supreme bossing sa itaas.
hinawakan ni daryl ang tatlong katana at ang mga legendary relics at pinasalamatan sa kanyang isipan lalu na kay zibelthuirsos na nagtiwala sa kanya kahit hindi pa kumpleto ang kondisyon.
“maraming salamat mga kaibigan.zibelthiurdos salamat at nagtiwala ka sakin.tinawag mo pa akong master.”sabi ni daryl para sa kanyang mga sandata.
Matapos  iyon ay si demeter at ang mga kasama nito naman ang hinarap mula sa kinatatayuan at ngumiti sabay thumbs up.
“miss minerva.pwede mo ba akong dalin kay daryl.pasensya ka na at nanlalambot ang tuhod ko.”nahihiyang sabi ni demeter.
Natawa naman ang  mga royal raider guards.
Narinig iyon ni king david kayat ginamit nya ang spacia portal para makarating silang lahat kay daryl at maki halobilo kasama ni haring Benedict at 14 glory knight.
Agad niyakap ni demeter si daryl ng mahigpit habang lumuluha sa sobrang kaligayahan para sa kanyang minamahal.
Na sinukliaan naman ni daryl ng ngiti at mahigpit na yakap.
Nagtitigan Hanggang sa hindi na nila namamalayan na hinahalikan na nila ang isat isa sa harap ng mga kasama.
Doon palang ay alam na ni king david,king Benedict, 4 royal raider guards at 14 glory knights na nagmamahalan ang dalawa hindi bilang follower at holy guide.kundi tunay na magkasintahan.
Unti unti nang nauubos at nag-uuwian ang masasayang tao   sa loob ng stadium at maging ang hari at 14 glory knight ay nagpaalam na rin.
Bago umalis ay nakipagkamay at nagpakumbaba na si sir gareth kay daryl tanda ng paggalang at respeto.
Hanggang sa maubos na ang tao sa loob ng stadium at ang mga magic support nalang ang natitira para ayusin ang mga nawasak sa laban.
Nakita ni king david na kulang ang oras ng pagsasama ni daryl at demeter ngunit kailangan na nilang bumalik,kayat nag iwan ito ng isang magical stone kung saan nilagay nya ang isang one way trip ng spacia portal.
“pano daryl kailangan na namin bumalik sa kaharian.congratulations ulit.isa kang karangalan ng lemuria kingdom.at alam kong hindi makukumpleto ang kasiyahan mo kung iuuwi ko agad si holy guide demeter.kaya iiwan ko muna sya sayo para makasama mo pang mag celebrate.o heto kunin mo ang magic stone.nilalaman nyan ang oneway trip to lemuria kingdom,house of demeter worship spacia portal.basagin mo lang at gagana na yan.enjoy your day with her.”masayang sabi ni king david.
Masayang tinanggap ni daryl ang magic stone habang hawak sa kamay si demeter.
“Salamat po your highness.”sabi ni daryl at sobrang saya ni demeter.
“you know what to do lover boy.fill her up.”pilyang bulong ni minerva kay daryl.at namula si daryl.
“Good job daryl.pagnakabalik ka sa lemuria.tayo naman ang maglaban.”sabi ni pietro.
“Nice job.”sabi ni victor at thumbs up.
“ang galing mo bata.keep it up.”sabi ni agustos.
Ginamit ni king david ang spacia portal at sabay sabay na pumasok matapos makapagpaalam kay daryl at unti unting naglaho.
Itinago ni daryl ang maliit na baol ng 10000 gold kasama ang neon knight necklace at ang tatlong katana sa loob ng dimensia grimoir upang gumaan ang kanyang dalahin.
Masayang naiwan ang dalawa na magkahawak sa gitna ng arena at masayang nagtititigan.
“Ok lang ba kung bukas ka na umuwi?”sabi ni daryl.
“nag iwan naman ako ng note sa table.para pag uwi nila,alam nila kung nasaan ako.kahit hanggang bukas ng hapon pwede ako dito.”sabi ni demeter.
“hay buti naman.miss na miss na kita talaga.”sabi ni daryl at muling niyakap si demeter.
At nagpasya nang bumaba ang dalawa.
Habang naglalakad at sumakay ng elevator ay patuloy ang kwentuhan ng dalawa.
“san tayo pupunta?.”sabi ni demeter.
“ahm ganito.Daan muna tayo kay holy guide hepaestus.ipapaayos ko lang itong mga armor ko.pero iiwan na natin at babalikan ko nalang.”sabi ni daryl.
“nakilala mo na din pala si hepaestus.magaling na smith yun.buti pala at sa kanya ka nagpagawa.”sabi ni demeter.
“oo.ang bait din nya.binigyan nga ako ng discount eh..maalala ko pala ngayon din lalabas si lolo jerard sa time magic travel.pero mamayang gabi pa siguro yun.kaya maglilibot muna tayo.bubusugin kita sa masasarap na pagkain.tsaka ipag shoshoping kita maraming maganda dito na babagay sayo,tapos lilibot tayo doon sa over looking mamayang gabi.”sabi ni daryl.
“Saan naman yun?”sabi ni demeter.
“Doon sa restaurant sa ibabaw ng world tree.”sabi ni daryl.
“Wow.napaka romantic naman doon.ganyan ka pala kasweet.”sabi ni demeter.
“syempre sinusulit ko lang yung oras na kasama kita.my only goddess.”sabi ni daryl.
Excited ang isat isa sa mga bagay na pwede nilang gawin mula sa simple hanggang sa pinaka maganda bastat magkasama sila.
Paglabas nila sa elevator ay bumabati ang lahat ng kanilang masalubong sa pagkapanalo ni daryl.
Naenjoy ng dalawa ang paglalakad at pahinto hinto sa mga bagay na maibigan ni demeter.ginawa lahat ni daryl para maging masaya ang date nya kay demeter.
Hanggang sa narating nila ang shop ni hepaestus.
Pagpasok palang sa shop ay sinasalubong na sila ng pagbati ni hepaestus.
“daryl!.congratulations!..kasama mo pala si demeter?.hi demeter.”sabi ni hepaestus.
“thank you po.”sabi ni daryl.
“Hi!.thank you sa paggawa mo nang armor ni daryl.”sabi ni demeter.
“walang ano man.ang galing  mo daryl.ang sabi ko ay bugbugin mo lang.tinapos mo pa.hahaha.sanay natuto na sya.”sabi ni hepaestus.
“Sa tingin ko naman po.ok na sya.”sabi ni daryl.
“alam ko na kung bakit nandito ka.ipaparepair mo yang armor.marami pala ang naging sira.di bale.hubarin mo na doon sa dressing room.para masimulan ko na.”sabi ni hepaeatus.kayat agad naman hinubad ni daryl at nagpalit ng kanyang mga damit.
“Iiwan ko na po ulit at babalikan ko nalang ulit bukas.may pupuntahan pa po kasi kami ni holy guide demeter.”sabi ni daryl.
“Ok.basta ikaw daryl.any time.walang problema.”sabi ni hepaestus.
“Aalis na po kami holy guide hepaestus.salamat po.”sabi ni daryl.
Sinulit ng dalawa ang buong araw sa paglilibot at kakakain.masayang masaya sa bawat oras na magkasama.
At inabot na ng gabi sa paglilibot.
“6pm na pala mahal.halika na muna sa bahay ni lolo jerard,baka nakalabas na yun..”sabi ni daryl.
“Bumili na muna tayo ng pagkain bago tayo umuwi.para madalhan na tuloy ng pagkain si lolo jerard.diba doon tayo mag ddiner sa over looking mamaya.”sabi ni demeter.
“yes boss.lika na.”sabi ni daryl.
Dumaan ang dalawa sa bilihan ng ready combo dinner in box para kay lolo jerard na 5pm palang pala ay nakalabas na at naghihintay.
Makaraan bumili ng pagkain ay dali dali nang umuwi kay jerard ang dalawa.
“Dito pala ang bahay ni lolo jerard,sa puno?”ang cute nasa loob.”sabi ni demeter.
“Halika sa loob.para makilala mo si tanan at ang lahat ng kagamitan ni lolo.”sabi ni daryl.
“Huh?sino si tanan?kagamitan?..”sabi ni demeter.
“si tanan ang bahay ni lolo.halika na sa loob para maintindihan mo.”sabi ni daryl habang hila ang kamay ni demeter.
Kumatok si daryl at pinagbuksan naman agad ni tanan.
“lolo jerard.kasama ko po si demeter.kamusta po ang travel.”sabi ni daryl.
“Mabuti naman.magandang gabi sayo demeter.”sabi ni jerard.
“magandang gabi din po.”sabi ni demeter.
Dahan dahan lumalapit ang mga kagamitan ni jerard kay demeter dahil sa paghanga ng mga ito sa kagandahan ni demeter.
“Huh?.gumagalaw na kagamitan?.ito ba yung sinasabi mo daryl.hihihi”sabi ni demeter..
“yup.sila nga.wag kang matakot mababait yan.”sabi ni daryl.
Isa isang hinawakan ni demeter ang mga kagamitan at masayang nagpakilala.
“ano po ang balita lolo.nahanap nyo po ba?”sabi ni daryl.
“oo daryl.kanina ko pa na markahan sa bagong mapa.pero tatlo lang sa susi ang kasalukuyang nakahimlay sa kailaliman ng mga ruins na minarkahan ko sa mapa.
Noong maisara ng mga mandirigma ang apocalypto dimension gate at sumabog ang susi.
Parang mga bulalakaw na tumilapon sa ibat ibang direksyon.
Sinundan ko iyon ng isa isa ngunit.
nabasag ang dalawa sa susi pero may paraan para gawin yon.
kailangan natin ng 1 billion monster head at virgin blood para sa bone key.
Kailangan naman ng Phoenix eye at 100 yrs old tree woods,para sa wooden key.
Pero wag kang mag alala.madaling kolektahin ang mga kailangan sa dalawang key.kahit ako na din ang bahala doon.mukang kaya ko nang gawan ng paraan.
Sayo na itong paghahanap sa tatlong key.”sabi ni jerard.
“Sige po lolo.pero pano ko po malalaman kung nasa harap ko na pala ang susi.”sabi ni daryl.
“May solusyon ako dyan.heto ang maliit na bote na may laman.kapag kumulo yan.ibigsabihin ay malapit ka lang sa susi.madali mo nang mahahanap.”sabi ni jerard sabay abot ng mapa at maliit na bote ng langis.
“Bakit ang wird po yata ng mga location ng susi.hindi po ba delikado dito?”sabi ni daryl.
“kaya nga ikaw ang maghahanap dahil delikado.hindi na ako sasama at magiging pabigat lang ako.nandyan nadin sa mga minarkahan ko ang itsura ng susi na hahanapin mo.
Heto pa ang mahiwagang telang supot.dito mo itatago ang susi na makukuha mo para hindi maramdaman ng langis.”sabi ni lolo jerard.
“Mukang delikado nga dito.mag iingat ka nalang mabuti mahal.”sabi ni demeter kay daryl habang nakatingin din sa mapa.
Hinawakan ni daryl ang kamay ni demeter at tumango.
“ok po lolo.ako nang bahala dito.may dala po pala kaming hapunan nyo.”sabi ni daryl.
“haay salamat.gutom na nga ako eh.hehehe.”sabi ni jerard at inabot ang pagkain.
“hindi na po kami sasabay lolo at ililibot ko po ngayon si demeter sa over looking.baka doon na po kami kumain.”sabi ni daryl.
“ah may date pala kayo.o sige edi mag iingat kayo.itago mo yang mapa at langis baka mailalag mo.sige at mag enjoy kayo.salamat ulit.”sabi ni jerad.
“salamat din po lolo.”sabi ni daryl.
“Sige po lolo.tutuloy na po kami.salamat po.”sabi ni demeter.
Masayang nagtungo ang dalawa sa itaas ng world tree sa over looking kung saan naroon ang romantic restaurant.
Nagside seing habang dinadama ang lamig ng hangi sa magkayakap nilang katawan at nag mumuni muni ng kanilang mga damdamin at masasayang alaala,at kumain sa restaurant.
Hatinggabi na nang matapos ang dalawa sa date nila at nagpasya nang umuwi sa bahay na inuupahan ni daryl.
Matapos makapaglinis ay nagtungo na si demeter sa kwarto kasama ni daryl.
“Mahal.saan ako matutulog?”sabi ni demeter na noon ay nahihiya at magkasama sila sa loob ng kwarto.
“ahm dyan ka nalang sa kama. dito nalang ako sa sahig.mag sasapin nalang ako.”sabi ni daryl.
“Ah eh.baka malamig dyan.hindi kaya lamigin ka..kung tabi nalang kaya tayo?”sabi ni demeter na nag bblush sa hiya.
Napalunok naman si daryl na marami nang karanasan.kayat iba na ang tumatakbo sa isipan.
“ah sige.wala naman masama di ba.mahal naman kita mahal mo rin ako.ok lang naman kung yakapin kita.parang ganito.”sabi ni daryl at dahan dahan na  niyakap si  demeter habang naka tayo.
“Oo mahal.sayo lang naman ako eh.”sabi ni demeter at nakatitig sa mata ni daryl at dahan dahan din na iniyayakap ang kamay sa leeg ng binata.
Unti unting nalalapit ang kanilang mga labi hanggang sa nagpalitan ng maiinit nahalik.
Nadala sila ng pagkakataon ng kanilang pagsasama at sa mainit na tagpo ng mainit na halik sa malamig na panahon ay  dahan dahan na natunaw ang kanilang mga puso at damdamin at parehong nang bumigay at nagparaya.
Binuhat ni daryl si demeter habang magkalapat parin ang mga labi sa pagpapalitan ng mainit na halik.
At dahandahan na humiga sa kama at tuluyan na silang nakalimot,pinag saluhan ang init ng kanilang mga katawan sa buong magdamag at naenjoy ang bawat minuto  na punong puno ng pagmamahal.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon