Abala ang mga pirata na nagtitipon tipon sa ibat ibang bahagi ng nakapalibot sa templo ni oracle cristenbelle sa gitna ng sacred ground.
Lahat ay naghihintay sa pagbaba ng kanikanilang kapitan na pumasok sa loob ng templo ni orcle cristenbelle para magpahula ng magandang kapalaran sa kanilang pamimirata sa ibat ibang lupain at kaharian.
Araw araw ay nagbibigay ng fortune reading si cristenbelle.
Matapos harapin ang mga kapitan ng ibat ibang pirata ay bumababa sa kanyang templo si cristenbelle upang maglibot sa buong sacred ground.
At para hindi makilala ay nagtatalukbong ng mahabang cloak.
Papalabas na ng sacred ground si daryl at kagura na piniling daanan ang kagubatan ng kleo kahit malayo ang rutang ito upang iwasan ang malalim na putik ng samasu wet land.
“mga kaibigan,hindi.kayo mukang pirata.nandito ba kayo para mag raid sa kuraki?delikado ang mga kagubatan dito.”sabi ni cristenbelle.
“nakakatuwang malaman na ganito kaganda ang naging buhay mo.nandito pala ang swerte mo.”sabi ni kagura.
“Anong ibig mong sabihin kaibigan.?”sabi ni cristenbelle.
Hinubad ni kagura ang kanyang leather mask na agad naman nakilala ni cristenbelle.
“kagura?!.hihihi.buti naman at buhay ka pa pala!”sabi ni cristenbelle at agad na niyakap si kagura.
“kamusta ka na?saan ka ba napunta?.hinanap kita pero hindi na talaga kita makita.hanggang sa mapadpad ako dito.”sabi ni cristenbelle.
“mahabang kwento cris.pero masya akong ligtas ka.at sikat ka na ngayon.”sabi ni kagura.
“oo.pero hindi ko ito gusto,at hindi ko na matakasan dahil hinahanap na nila ako.lahat sila ay umaasa sa fortune magic ko.ayoko na dito kagura.tulungan mo ko.gaya ng dati sasama nalang ulit ako sayo.”sabi ni cristenbelle.
“hindi ka pala masaya.akala ko ay masaya ka na dito.”sabi ni kagura.
“kung saan saan ako nakarating.sobrang nahirapan ako sa buhay.pero pinilit kong lumaban.ginamit ko ang aking talino.at nagtagumpay naman ako.pero hindi na ako makatakas pa.na lugmok na ako sa ganitong buhay.kapag hindi ko ginawa ang gusto nila.nasisiguro kong masisira ang buhay ko.”sabi ni cristenbelle na matagal na palang natatakot at gustong makatakas sa pagiging oracle ng mga pirata.
Tumingin si kagura kay daryl at madaling nakuha ni daryl ang ibigsabihin ni kagura.
Nakita ng.binata ang kalungkutan sa mata ni cristenbelle
“sige.itatakas natin sya.pero pagkatapos na ng misyon natin dito.”sabi ni daryl.
“paano tayo makakaalis dito?”sabi ni cristenbelle.
“hindi ko pa alam.basta bahala na.saka na natin pag isipan.sa ngayon dyan ka muna babalik kami para sayo.pangako yan.”sabi ni daryl.
“salamat sa inyo.kagura at ginoong?.”masayang tanong ni cristenbelle.
“Daryl.nice to meet you.”sabi ni daryl.
“Hi daryl.ako naman si cristenbelle.pero cris nalang.hihintayin ko kayo ha.”sabi ni cristenbelle.
“ano ba ang hinahanap nyo?”sabi ni cristenbelle.
“Nakatago yon sa isa sa mga ruins ng kuraki.at sa mga oras na to.may kalaban kaming dapat na unahan.hindi nanamin sila nakikita.malamang na kumikilos na sila.”sabi ni kagura.
“sige lumakad na kayo.pero mag iingat kayo ha.anti magic ang mga boss monster dito.”sabi ni cristenbelle.
Bihira sa mga pirata ang lumilibot at nag reraid sa kuraki dahil sa takot na mapatay ng mga boss level.kayat mas pinipili nilang magpalakas sa ibang lugar.
Kayat ng lumabas sila daryl sa north gate ng sacred ground ay listo na ang dalawa.
Level 55 to 70 ang normal monster sa kuraki kayat pagkakamali kung hindi papansinin ang mga ito.
Lahat ng masalubong ay kinalaban ni daryl at kagura.walang masyadong problema hanggang sa marating nila ang tulay na nagdudugtong sa araki jungle.
Mapayapa silang nakatawid sa tulay,ngunit isang bagay ang nakagulat sa kanilang dalawa nang makita nila ang mga patay na katawan ng mga halimaw.
kayat nilapitan ni daryl ang isang patay na halimaw upang alamin kung tao ba ang may gawa.
Agad nyang nakita ang nga wakwak na katawan gawa ng malaking kalmot.
“kagura.alalay ka dyan sa likod.mukang hindi tao ang may gawa nito.ito siguro ang dahilan kaya lumalakas ang mga boss dito.pinapatay nila ang kapwa nila.”sabi ni daryl.
“okie.mag iingat ka.”sabi ni kagura na naiwan sa tulay.
Agad na ginamit ni kagura ang soul fusion sa blessed demon spirit na si puma.upang maging mabilis sa pagtakbo.
Habang si daryl naman ay listo ang hawak sa kattana.
Tahimik na nakikiramdam ang dalawa sa mabilis na kalaban na nagpapalipat lipat sa kanyang pagtatago na tanging kaluskos ng mga tuyong dahon at galaw ng sanga ang nararamdaman.
“mukang kami yata ang target nya.”sabi ni daryl habang sinusundan ang mabilis na paglilipat ng mga kaluskos.
Kayat ginamit ni daryl ang kanyang wind soul sense.pinahuni ang kattana upang alamin ang posisyon ng kalaban at kung gaano ito kalaki.
Inakala ng boss monster na hindi sya ramdam ni daryl na noon ay binabasa na ang kanyang pagkilos gamit ang wind soul sense,sinusubukan na kumuha ng pagkakataon ng mabilis na halimaw.
Nang sumugod ang halimaw na nahulaan ni daryl ay sabay na sumugod ang mga ito.
Nagulat ang halimaw sa pagsalubong ni daryl na inaakala nyang ambush nya,ngunit hindi na ito umatras pa at hinarap ng malakas na kalmot ang kattana ni daryl.
Ginulat ni daryl ang halimaw at ayaw din nitong mag aksaya ng oras kayat habang papasugod ay hinawakan ang imir upang pigilan ang lycan sa paggalaw at direktang sinaksak sa puso.walang nagawa nag lycan kundin direktang tanggapin ang saksak sa dibdib dahil hindi ito makagalwa sa kabila ng kanyang bilis dahil sa magkakarugtong na anino ng mayabong na mga puno na ginagamit ni daryl ng kanyang shadow binding ability mula sa imir.
Ngunit buhay parin ito kayat binigyan pa ng final blow kung saan naputol ang ulo ng lycan boss(lv.150) sa malakas na taga ng katana na reinforced ng push.
Hindi binigyan ng pagkakataon ni daryl ang malakas na halimaw na kung makakawala ay mahihirapan nang habulin.
Tahimik lang ang nagulat na si kagura.dahil kahit sya ang may gawa sa mga katana.ay hindi nya kayang tularan ang mabilis na paggamit ni daryl,nakita nya kung gaano kagaling ang binata lalu na sa tulong ng kanyang mga katana,kayat lalong napapahanga ito sa kakayahan ni daryl.
Ang ambush ng nagugutom na.lycan ay naging ambush para sa kanya,patay na nakahandusay ang katawan nito.habang kinuha ni daryl ang ulo bilang tropeyo na kanya nang ginagawa.
“ang bilis.quick draw,quick attack perfect timing,right skill,precise at powerful blow.no wonder kung paglabas natin dito sa kagubatan ay lumakas ka pa at tumaas ang level mo.”sabi ni kagura sa kanyang isipan habang pinagmamasdan si daryl at humahanga.
Walang idea si daryl na nakakuha sya ng additional na 2 na level at 1 essence points sa lycan.
“kagura!.halika na.”masayang sabi ni daryl na parang walang nangyari.
“okie nandyan na.ang tinde.ang bilis non ah.parang hindi power class level ang boss na kinalaban mo.akala ko tayo ang prey at sya ang hunter.hahaha.”sabi ni kagura.
“masyado kasi syang mabilis.kaya sinamantala ko ang anino ng mga puno.at ang ambush tactics nya,isang beses lang yun gagana sa kanya at napakabilis nya.kung makakawala pa sya.siguradong mag dedelikado tayo.”sabi ni daryl.
“kinabahan nga ako eh.kaya gulat na gulat ako sa ginawa mo.”sabi ni kagura.
“Nagsisimula palang tayo.maraming pang tulad nyan ang pwede daw natin makalaban.halika na.”sabi ni daryl.
At nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad at pakikipaglaban sa mga normal monster na masasalubong at umaatake sa daan na walang kalaban laban sa dalawa na parehong hindi nagpapabaya.
Haggang sa abutin na ng tanghali sa boundary ng araki jungle at armidal jungle.
“tignan mo daryl.Natatanaw ko na yung mga ruins.baka isa na dyan ang hinahanap natin.”sabi ni kagura habang abala sa pagkain ng masarap na tinapay at nakatingin sa malayong bahagi ng armidal jungle.
“Sana nga.at kinakabahan ako sa gubat na to.isang pagkakamali lang natin.mamatay tayo dito.kahit pareho pa tayong power class.”sabi ni daryl.
“mukang matatagalan tayo.sa paghahalughog palang.”sabi ni kagura.
“Oo.pero dahil meron tayong langis.hindi na natin gagawin yon.”sabi ni daryl.
“Langis?para saan naman ang langis.?”sabi ni kagura.
“ibinigay sakin lolo jerard ito.kukulo ang laman kapag malapit tayo sa susi.”sabi ni daryl.
“wow!.ayos yan ah.mukang lamang tayo sa paghahanap.wala sila nyan.”sabi ni kagura.
“kaya medyo bawas na ang alalahanin natin sa paghahanap.sa ngayon ito munang mga halimaw.kanina pa tayo nakikipaglaban.”sabi ni daryl.
Samantala,si ramona at wilbert ay dumaan sa samasu wetland gamit ang kakaibang banka na ginawa ni ramona mula sa ninakaw nilang air ship.
At naiwasan ng dalawa ang tumapak sa malalim na putik at matubig na lupain ng samasu.
At gamit ang magical cloak of hidding ay hindi sila nakikita ng mga halimaw kayat nakapaglalakbay ng walang abala.
“bakit ba dito mo naisip magsimula maghanap.kung wala itong ginawa mong banka.baka lumubog na tayo sa putik.”sabi ni wilbert.
“wag ka nang magreklamo.masmalapit kasi ang mga ruins ng himasu kesa sa kabila tayo nagsimula papunta sa mga ruins ng armidal.tasaka hindi naman tayo napuputikan dito sa gawa ko.komportable pa at hindi rin tayo naglalakad.”sabi ni ramona na ang tunay na rason ay tinatamad maglakad.
“sus!.style mo.tinatamad ka lang eh.ayaw mo lang maglakad”sabi ni wilbert na natumbok ang rason ni ramona.
“nag rereklamo ka ba?!pwede kang bumaba kung ayaw mo.”supladang sabi ni ramona.
“ngayon pa kalayo na natin.”sabi ni wilbert.
“pwes magtiis ka.at wag ka nang magreklamo.para kang babae.”sabi ni ramona.
“opo mam.”inis na sagot ni wilbert.
Balik sa paglalakad sina daryl at kagura at muling hinaharap ang mga kalaban.
“Ang dami palang goblin dito.naglawit ang mga betlog hindi manlang magsipag brief.nakakarimarim kayo.”sabi ni kagura habang walang awang pumapatay ng mga malalaking hubad na goblin.
“kaya mag iingat ka.kapag nahuli ka nyan.pagpapasa pasahan nila ang katawan mo.”biro ni daryl.
“iiiyyy!.no way.uubusin ko silang lahat!.”sigaw ni kagura habang hinahabol ang mga goblin at galit na galit sa pag iimagine na nirarape at ginagangbang sya ng mga goblin.
“Hahaha.kaya wag kang magpapabaya.”sabi ni daryl.
“talagang hindi.buti sana kung ikaw rarape sakin ok lang.”sabi ni kagura na naiinis habang pinapatay ang mga goblin na naglawit ang betlog.
“nyek!.sira talaga to.”sabi ni daryl sa isipan.
Hanggang sa marating nila ang unang ruin.At ginamit ang.mahiwagang langis.
“wala dito.”sabi ni daryl.
“sure ba yan?”sabi ni kagura nang biglang mahawakan ng goblin.
Kinilabutan sa pandidiri si kagura at agad na kinarate ang goblin at inihagis sa ruins gamit parin ang soul fusion ng blessed demon puma.
“wag-mo-a-kong-ha-ha-wa-kan!!”sigaw ni kagura matapos patayin sa karate ang malaking hubad na goblin na naglalaway sa kanyang katawan.
“ayos ka lang ba?relax masyado yatang mainit ang ulo mo sa mga goblin.”sabi ni daryl.
“Rapist kasi yang mga yan.ano?sure ba tayo dyan sa langis.”sabi ni kagura.
“oo.sabi ni lolo.malalaman daw natin sa langis kapag malapit na tayo.kapag malakas ang kulo,kaso ni hindi manlang gumagalaw yung langis.ibig sabihin wala dito ang hinahanap natin.subukan natin sa iba.”sabi ni daryl.
Nang biglang makarinig nang malakas na sigaw ng nakakatakot na boses ang dalawa.
“daryl tago!”sabi ni kagura
“kayat agad na umakyat sa ruins at nagtago.
Mabilis na tumatakbo.ang rumaragadang marduk boss (level 160).
Naamoy pala nito ang dugo ng mga goblin na paborito nitong kainin.
Agad natagpuan ng marduk ang goblin na inihagis ni kagura sa bato ng ruins at agad na kinain.
Humanoid din ang marduk gaya ng lycan,ito ay lion version ng lycan na may sungay at higit na masmatangkat at masmalaman sa lycan.
Malakas at mabilis ang marduk kayat sobrang kinatatakutan ng mga halimaw sa gubat lalu na ng mga goblin na kanyang paborito.
Nang biglang huminto ito sa pagkain at nagsisinghot sa hangin na tila ba may naamoy na mabango sa hangin.
Tahimik naman na nakatago ang dalawa at pinagmamasdan ang marduk mula sa itaas ng ruin.
Hindi tumigil ang marduk at pilit na hinahanap ang masarap na amoy na nagmumula pala sa katawan ng dalawa,at ito ay ang kanilang mga pawis.
Kayat sa luwang ng ruins ay nakipagtaguan si daryl at kagura sa tuwing malapit na silang makita ng marduk.
Alam nang marduk na nasa paligid lang ang hinahanap at pinaglalaruan sya kayat nag sisigaw ito sa galit dahil hindi makita kita.
“nagagalit na.”bulong ni kagura.
“ang lakas ng pang amoy nya.”sabi ni daryl.
Habang nagtatago sa likod ng mga nabasag na bato ng ruins ay may grupo ng goblin na nakakita sa kanila kayat napilitan laban ang mga ito.
Dahil doon ay hindi nakapagtago agad ang dalawa.
Rumaragasa ang marduk na unang sinalakay si kagura.
Ngunit bago paman nito abutin ng matalim na kalmot si kagura ay mabilis nakaalalay si daryl mula sa tagiliran at agad na sinipa ng malakas ang tadyang ng marduk.
Tilapon ang marduk at nasaktan sa mabilis na sipa ni daryl na reinforced ng push at pull.
Walang masyadong puno sa mga ruins kayat walang gamit ang imir.
Kayat mano manong hinarap ni daryl ng dual sword dance ang kalaban gamit ang kattana at imir.
Nagpapakita ng higit na lakas at bilis si daryl sa tulong ng kanyang push at pull.
Ngunit lumaban din ng lakas at bilis ang nagwawalang marduk na ang mga braso ay matitibay na organikong bakal na kayang salagin ang talim ng mga katana.
Maligsi ang marduk,ngunit hindi iyon sapat para pigilan ang dalawang katana ni daryl,kayat may mga hiwa na hindi nito naiwasa na humiwa at tumama sa kanyang katawan .
Ramdam ng marduk ang lakas ni daryl at sakit ng malalim na hiwa ng mga katana,kayat pilit nitong iwasan si daryl at si kagura ang atakihin na inaakala nyang kakayanin.
Hindi man uubara sa manomanong labanan dahil na cacancel ng anti magic property ng marduk ang soul fusion magic bago paman makalapit si kagura ay hindi parin natakot si kagura.
Ginamit ni kagura ang malalaking tipak ng bato at sunod sunod na inihagis iyon sa marduk.
Kayat napilitan din na umilag at umatras ng marduk na umiiwas pa kay daryl.
Ipinakita ni daryl at kagura kung gaano kalaki ang agwat ng kanilang lakas sa marduk na unti unti nang gustong tumakas,ngunit nahaharang ni daryl at kagura.
Hanggang sa magawa ng marduk ang malaking pagkakamali na magtago sa loob ng madilim na ruins.
Ngumiti na si kagura kay daryl at alam na nya ang mangyayari sa marduk.
“yan ang pagkakamali mo.siguradong hindi ka na makakalabas dyan.”sabi ni daryl na seryosong tapusin na ang kalaban dahil sa kanilang pagmamadali na mapuntahan ang mga ruins at mahanap ang susi.
Mabilis na pinasok ni daryl ang madilim na ruins at walang awang sinintensyahan ang halimaw na kung patatakasin ay maari pang puminsala sa kanila.
Dito na tinapos ni daryl ang marduk kung saan hindi manlang naramdaman ang binata,ang isang madiin na saksak ng mahabang imir katana ang bumaon at tumagos sa dibdib ng kalaban.
Inikot pa ng binata ang talim upang bumuhos ang dugo na sinisipsip ng imir.
Mabilis na nauupos ang buhay ng marduk at Dahan dahan na napaluhod habang nakahawak sa imir katanang nakatarak sa kanyang dibdib na binitawan ni daryl upang ibigay ang huling atake.
bago paman bumagsak at madapa sa sahig ang patay na katawan ng marduk ay Hinugot ng binata ang kattana katana at buong lakas na pinutol ng isang mabilis na hiwa ang ulo ng marduk.
muling kinuha ang ulo ng marduk.bilang tropy na ipagpapalit sa guild.
Biniling ng binata ang katawan ng patay na marduk na noon ay tuyo na sa dugo na sinipsip lahat ng imir.
binunot ang imir katana na malinis na sa dugo At muling ibinalik sa kaluban.
“Ang tagal mo naman yata lumabas?”sabi ni kagura.
“hinayaan ko muna mag enjoy ang imir.para palaging busog.hehe”sabi ni daryl.
“oo nga pala.buti at alam mo rin ang pangangailangan nya.”sabi ni kagura.
“wala naman syang ibng kundisyon kundi ang uminom ng dugo.buti nga at hindi sya mapili.”sabi ni daryl.
“Halika na.madami pa tayong pupuntahan.”sabi ni daryl.
“ok.ummmwa.”sagot ni kagura sabay halik ng mahaba sa labi ni daryl na noon ay nagulat at nagpupumiglas.
“Para saan naman yun.ha ha ha(hinga)”sabi ni daryl habang hinahabol ang hininga.
“sabi mo halikan na”pilyang sabi ni kagura,ngumiti at dumila.
“sabi ko halika na.tumuloy na tayo!.grabe to nakahalik agad.”sabi ni daryl.
Tuwang tuwa naman si kagura na makita ang nahihiya at asar na muka ni daryl.
Muling nagpatuloy sa kanilang paghahanap ang dalawa sa iba pang ruins na nasa lupain ng armidal jungle.
Wala paring tigil ang mga halimaw na kanilang nasasalubot at umaatake.
Hanggang sa marating ng dalawa ang pinakahuling ruins na matatagpuan sa armidal jungle malapit sa boundary ng midea jungle.
“wala parin dito.”sabi ni daryl.
“Madilim na daryl.humanap na siguro tayo ng matutulugan.pagod na rin ako sa maghapon na kalalakad at kapapatay sa mga halimaw.”sabi ni kagura.
Nagpalinga linga ang binata kung saan posibleng magpahinga.
Ngunit lubhang mapanganib ang buong paligid kayat may naisip itong gawin.
“sige dito ka muna.lilinisin ko lang ang loob ng ruins.mukang maliit lang naman itong huli.sumigaw ka lang pagkailangan mo ng tulong.”sabi ni daryl.
“dyan tayo matutulog sa loob?baka may goblin dyan.baka kung kelan natutulog tayo tsaka nila ako kunin.”sabi ni kagura.
“hahaha.kaya nga lilinis ko muna ang loob bago tayo matulog.tsaka hindi naman kita papabayan.isang party tayo di ba.”sabi ni daryl.
Ngumiti naman si kagura sa pag aalaga na ipinapakita ni daryl kahit alam nyang masmataas pa ang kanyang level sa binata.
Gamit ang shadow cloak ng imir ay mabilis na pinatay ni daryl ang lahat ng mga halimaw na nagtatago sa loob ng maliit na ruins
At isa isang inilabas ang mga patay na katawan na pinapanood naman ni kagura habang hawak ang sulo ng apoy sa labas ng ruins.
“hindi na ko nagtataka kung bakit nainlove sayo si goddess demeter.napakabiat mong lalake ,maalaga at gentle man.kaya lang may natatagong kapilyuhan ang katawan.pero gusto ko yan.normal lang yan sa lalake.magino pero medyo bastos..hihihi.”sabi ni kagura habang pinagmamasdan si daryl na unti unti na nyang nagugustuhan at madalas na pinaglalaruan.
Matapos linisin ng binata ang maliit na ruins ay pumasok na ang dalawa at isinara ng malaking bato ang pasukan mula sa loob.
Muli nanaman nadagdagan ng 3 level ang binata at 1 spirit essence points.galing sa marduk at mga halinaw na napatay sa maghapon.
Unti unti syang lumalakas nang hindi namamalayan dahil mas pinipili ng binata ang maraming sagupaan upang protektahan si kagura kahit alam nitong hindi naman kailangan.
Umiiral lang ang kanyang likas na kabaitan at pagiging maginoo.
“sa tingin mo.nahanap na kaya nila yung susi?”sabi ni kagura habang magkaharap na kumakain ng mga pagkain na baon ni daryl sa loob ng kanyang dimensioa grimoir.
“Hindi ko rin alam.pero sana ay hindi pa.sa tingin ko ay doon sila dumaan sa wetland.habang tayo ay dito naman sa gubat.baka posibleng masalubong pa natin sila dito sa araraba jungle.kung hindi parin nila mahahanap ang susi.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang mapa ng sky kuraki.
“nasaan na ba tayo.?”sabi ni kagura.
“ang sabi dito nasa huling ruins tayo ng armidal junggle malapit sa boundary ng midea jungle.”sabi ni daryl habang pinag aaralan ang mapa at kumakain.
Pansamatalang tumahimik ang dalawa.
“kanina,napansin ko lang.masyado kang seryoso makipaglaban.hindi ka ba natatakot.”sabi ni kagura.
“natatakot syempre tao lang naman tayo.kahit naman masmataas ang level at ability natin sa kanila.hindi parin tayo pwedeng magpabaya at mamamatay parin tayo sa atake nila.ayoko lang may mangyaring masama sa atin at simula palang ito ng misyon.
isa pa ay nagmamadali tayo.kaya hanggat maari ay ayokong patagalin ang pakikipaglaban sa kanila.mas natatakot kasi akong maunahan sa mga susi.”tapat na sabi ni daryl.
“May tiwala naman ako sayo,kakayanin natin to.tayo ang magwawagi.kakampi natin ang kabutihan.”sabi ni kagura.
“salamat kagura.siguro medyo iwasan nalang natin yung.alam mo na .yung yung .hayaan mo na nga lang.”sabi ni daryl na hindi masabi sabi ang reklamo kay kagura.
Agad naman nakuha ni kagura ang ibigsabihin ni daryl,ngunit sadyang matigas ang ulo nito.
“hahaha.ang cute mo talaga kapag nahihiya ka.nagrereklamo ka yata.ngayon na nabanggit mo yan.pinag init mo lang ang katawan ko.kaya papayag ka sa ayaw at sa gusto mo.hahaha.”sabi ni kagura at agad na kinubabaw si daryl at nagpupumiglas ang binata na hindi naman pinapansin ni kagura at alam na ang dapat nyang gawin para sumuko ang binata.
“ano ba yan.bakit ba kasi binaggit ko pa.bosing tulungan nyo po ako.sorry po.!!”sabi ni daryl sa kanyang isipan habang nirarape ni kagura na tinatanggap naman ng kanyang katawan.
Naibsan ng kanilang init ang malamig na gabi at mapayapang nakapagpahinga ng magkayakap nilang katawan.
Kinabukasan maagang gumising ang dalawa at agad na nilisan ang ruins.
Isang bagong araw nanaman ang haharapin sa nagkalat na mga halimaw sa kagubatan.
Muli,hindi pa man pumuputok ang araw ay sunod sunod na pakikipaglaban ang kanilang sinalubong papasok sa lupain ng midea jungle.
Nakapagpahinga nang mabuti ang dalawa kayat panibagong lakas ang kanilang mga katawan.
Madali nilang pinabagsak ang mga kalaban sa patuloy nilang paghahanap sa mga ruins.
Habang si ramona at wilbert ay tahimk sa kanilang ginagawang paghahanap dahil sa soot nilang magical cloak of hidding.
“Ang hirap naman ng ginagawa nating paghahanap.parang naghahanap tayo ng karayom sa dayami.”sabi ni ramona.
“Panong hindi hihirap.ang higsi higsi ng pasensya mo.winawasak mo lahat ng ruins lalo tuloy humihirap pasukin.”sabi ni wilbert.
“eh nakakabwisit eh.ang hirap hirap hanapan.”sabi ni ramona.napipiltan patuloy akong matulog sa gubat.ang lamok lamok.”sabi ni ramona.
“haayy.bakit ba ito pa ang pinasama nila sakin.napaka arte.bad trip.”bulong ni wilbert.
“may binubulong ka ba?!”sabi ni ramona.
“wala!.maghanap nalang tayo.”galit na sabi ni wilbert.
Kasalukuyang pumapasok sa Ararat si ramona at wilbert.kung saan nag iisa ang pinakamalaking ruina ng nakaliligaw na templo,kung saan hindi gumagana ang kahit anong magic at hindi rin pinapasok ng mga halimaw.
Ang templong ito ay tinatawag na adaventine trial temple,mysteryoso at walang nakakaalam sa pagkakakilanlan at sikreto ng templo kung bakit nananatiling buo at maayos ang loob nito sa loob ng mahabang panahon.
Malayo palang ay tanaw na ang ituktok ng templong ito nila ramona at wilbert.
“o ayan.nakikita mo ba yang templo na yan.wag ka nang magpapasabog.utang na loob at ako ang nahihirapan sa paghahanap.”sabi ni wilbert.
“ewan!.tara na!ang arte mo.”sabi ni ramona.
Nagmadali na ang dalawa upang marating ang templo.
Bago mananghali ay narating na nila ang templo.
Habang sina daryl ay kasalukuyang naghahanap sa mga ruins ng midea jungle at napapalaban sa mga halimaw.
Pagpasok ng dalawang lumina general sa loob ng templo ay biglang na cancel ang kanilang level at magic.
Naramdaman agad iyon ng dalawa,at Sa takot nang dalawa ay agad na lumabas upang tiyakin kung sila nga ay bumalik sa pagiging newbie.
Ngunit muling bumalik ang kanilang level at magic.
“anak ng puta pala tong templo na to.pag pumasok pala tayo dito. nadidisregard ang level at magic natin.bad trip.mahirap to “sabi ni wilbert.
“hahaha.bakit?.natatakot ka?.wala kang tiwala sa abilidad mo.o wala kang abilidad.hahaha”sabi ni ramona.
“Ako takot?!.tumigil ka na.tara na nga.”inis na sabi ni wilbert.
Sabay na pumasok muli ang dalawang lumina general sa templo.kung saan kailangan nilang harapin ng pisikal ang lahat ng posibleng balakid sa loob ng templong sadyang nakakaligaw.
Samantala sa midea jungle.
“kagura!.mag iingat ka!.”sigaw ni daryl habang nakikipaglaban sa maligsi at napakabilis na kitsune boss(lvl 160).
“wag mo akong alalahanin.mag focus ka dyan sa kalaban mo at kukunin ko ang atensyon nito.ligtas ang magic ko hanggat sumidistansya ako sa kanya!mahina lang ito!”sigaw ni kagura na noon ay naka fuse sa blessed demon puma at patuloy na iniiwasan at sinasalag ang magic force beams na lumalabas sa ulo ng larvitar boss (lvl 140)gamit din ang kanyang mga magic skills.
Ang kitsune ay isa ding humanoid power class boss monster,at isa itong electric fox kayat ang bawat atake at kalmot ay may kasamang kuryente.hindi kalakasan ngunit sobra ang bilis.
Ang larvitar ay isang cocoon type power class boss monster,matigas ang cocoon nito na nagsisilbing armor at tumitira ng magic force beam galing sa noo.
Tiwala si daryl kayat pilit na nagfocus na mapatay ang kitsune.
Kung saan hindi pwedeng pabayaan na mawala ang focus sa soul sense ability dahil ito lang ang pag-asa para masundan nya ang mabilis na galaw ng kitsune.
Kahit sagarin pa ng binata ang reinforcement pull skill ay kinukulang parin ang kanyang bilis laban sa kitsune na walang tigil din na pabalik balik para pinsalain si daryl na agad naman naagapan ng binata dahil ramdam nito kung saan napupunta ang kitsune kahit mabilis pa ito.
“Masyado kang mabilis.kung hindi kita mahuli.gagamitin ko nalang ang bilis mo para ibalik sayo ang pwersa mo.”sabi ng binata habang pinag iisipan kung paano pababagsakin ang kalaban.
Kayat imbis na humabol ito ay tumigil upang hintayin ang susunod na atake ng kitsune gamit parin ang soul sense ability.
At nang makakuha ng tyempo kung saan sinalubong ng binata ang sobrang bilis ng kitsune at sinalpok ng malakas na air shield charge skill gamit ang air mirror shield.
Halos matriple ang lakas ng shield charge dahil sa sobrang bilis ng kitsune na direktang sinalpok ng matigas at malakas na impact ng shield charge skill.
Bali ang braso, leeg at mga tadyang ng kitsune sa pagsalpok at tumilapon pa ito at nagpausad usad sa lupa habang inaararo ang lahat ng punong tamaan na napuputol.
Hanggang sa pumakat sa malaking bato ng ruins ang kitsune.
Parang lamok na hinampas sa pader ang kitsune kung saan nagkalat ang mga dugo na lumusot sa mga bahagi ng katawan na lumabas ang mga nabaling buto.
Pinipilit pa nitong tumayo kahit bali bali at naglusutan ang mga buto sa laman.
ngunit hindi na pinanood pa ng binata at agad nang binigyan ng malakas na piercing of the blind skill na halos mawasak ang buong dibdib ng kitsune dahil sa laki ng extended piercing wind effect galing sa kattana.
Patay agad ang kitsune na nagpahirap sa binata sa kahahabol at kasasalag ng nakakakuryenteng atake ng kitsune.
Matapos makumpirma na patay na ang kitsune ay agad na sumaklolo kay kagura na noon ay patuloy na umiiwas sa magical force beam ng larvitar habang pinapatay ang mga nasasalubong na halimaw.
Gamit ang dual sword dance ability ay sinubok ni daryl kung gaano katalim ang mga katana laban sa matigas na balat ng larvitar.
Mula sa mabilis na pagtakbo gamit ang reinforce pull skill at reinforced push skill at energy consentration sa dalawang katana,ay ibinigay ni daryl ang cross anger of the blade sa pinakamalakas nitong makakaya.
Direktang tumama ito sa likod ng larvitar na abala sa pagatake kay kagura.
Nagulat nalang si kagura ng mahati sa apat,na parang malambot na prutas lang ang larvitar at bumagsak sa lupa at bumuhos ang berde.nitong dugo na parang tubig na tumapon.
Patay din agad ang larvitar.
“wow!clear cut!.hahaha.ang husay nun daryl.ang galing talaga ng mga katana ko.”sabi ni kagura.
Habang si daryl ay lalong napapahanga ng mga katana at napapatunayan kung gaano nga katalim ang mga ito.
Muling nadagdagan ng 2 level at 1 spirit essense points galing sa kitsune at 1.5 level at 1 spirit essence points galing sa larvirat at kaunting level(0.5) galing sa mga napatay pang maraming bilang ng halimaw si daryl.
Napagod ang binata,ngunit napawi din agad ng natitirang blue potion.
Muling bnalikan ang mga bangkay ng mga halimaw at pinulot ang mga ulo.
Muling nagkita si kagura at daryl upang ipagpatuloy ang paglalakad upang pasukin na ang araraba jungle.
“magpahinga muna tayo.tanghali na.nagugutom na rin ako eh.”sabi ni kagura.
“sige.ako rin eh.nakakapagod na laban yun.siguro kung may ganon ako kabilis sa kitsune.baka kanina ko pa yun napatay.hindi naman malakas ang atake nya.nakaka stun lang at may kuryente.pero buti nalang at immune ako sa kuryente dahil sa ba'al.”pagyayabang ni daryl.
“hump.lumaki naman ang ulo mo.masmataas kasi ang level at ability natin sa kanila.kung hindi lang sila anti magic baka masmabilis ko pa silang napatay.”yabang ni kagura.
“ganun ba.hehe.minsan na ngalang magyayabang eh.sige na nga edi ikaw na.”sabi ni daryl na parang nag enjoy pa sa pakikipaglaban sa kitsune.
“Tignan mo yun.huling ruins na yun.sana nandun na yung hinahanap natin?”sabi ni kagura.
“Sana nga,basyo lahat ng puntahan natin eh.”sabi ni daryl habang inilalabas sa kanyang dimensia grimoir ang mga pagkain.
Tahimik na kumain sa ibabaw ng mataas na puno ang dalawa habang pinagmamasdan ang adaventine trial temple.
Matapos kumain ay nagpahinga ang dalawa sa itaas ng puno.
![](https://img.wattpad.com/cover/188916856-288-k999366.jpg)
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasyPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...