Kinabukasan maayos nang muli ang buong bayan mula sa pinsalang idinulot ng boss lvl snake.
At nagpadala ng paanyaya ang hari kay daryl kasama ng holy guide goddess at ang mga followers nito sa isang close door meeting,upang ipagkaloob ang karapat dapat na reward sa kabayahinan ng binata na hindi naman tinutulan ng mga counsil.
Soot na ng holy guide demeter ang mamahaling damit na bigay ni daryl na lalong nagpaangat sa kagandahan ni demeter.
Nganga ang tatlo habang pinagmamasdan ang kanilang goddess lalu na si daryl na matindi ang pagtangi kay demeter.
“o bakit parang natulala kayo?.pangit ba?”sabi ni demeter.
“hindi po.napakaganda nyo po.”sabi ni daryl na hindi napapansing nagbblush ang muka habang walang kurap na nakatitig.
Dumating ang karwahe at agad na inihatid sa kaharian ang apat malayo sa kabayanan.
“Ikanagagalak ko ang inyong pagdating dito sa aking palasyo.nais kong igawad sa iyo daryl ang karangalan ng kaharian ng lemuria bilang kingdome’s brave guardian.isa ito sa pinakamataas na pagkilala ng kaharian sa iyong kabayanihan.”sabi ng hari at isinuot ang kingdom’s brave guardin neclace sa leeg ni daryl.
Masayang masaya si demeter,bela at mia sa parangal na natanggap ni daryl.
At hindi pa doon natapos ang kasiyahan ng proud na mga kasama.
“at bilang pasasalamat ng kahiraan sa iyong kabayanihan ay tanggapin mo ang mga piraso ng ginto bilang reward at gayun din ang donasyon para sa iyong holy guide demeter.”sabi muli ng hari at ibinigay ang tig isang box na naglalaman ng 20 gold coin kay daryl at demeter dahil nakita ng hari na mas nangangailangan ang kanilang sambahan nang makita nya ang kasuotan ng holy guide goddess na tagpitagpi ng tahi.
“Hindi lang yan,magpapadala pa ako ng mga manggagawa upang ayusin ang inyong sambahan at gawing karapatdapat na tahanan para sa isang goddess.”sabi ng hari.
Umaapaw sa kaligayan ang lahat sa kanilang natanggap na reward.
“Maraming salamat po mahal na hari.”sabi ni daryl na noon lang nakaharap ng isang tunay na hari.
At sabay sabay na nag bow ang apat at nagpasalamat.
Matapos ang meeting ay nagpasya silang magcelebrate.
“Kakain tayo ngayon sa pinakamasarap na restaurant.sagot ko.”sabi ni daryl.
“pano tong dala natin?.hindi biro ang 20 gold coin.”sabi ni demeter.
“Oo nga kuya. umuwi muna tayo.para maitago muna yung pera natin.”Sabi ni mia.
“Don’t worry.akong bahala dyan.akin na po muna yan holy guide demeter at ako na ang magtatago muna.mamaya ko nalang ilalabas doon sa sambahan.”sabi ni daryl at kinuha ang pera.
Lumayo sandali at ginamit ang kanyang dimensia grimoir.
“ok na.magcecelebrate tayo!”sabi ni daryl.
Muli silang sumakay sa karwahe at nagtungo sa masarap na kainan sa bayan bago umuwi sa samabahan ay isinama sa pag-ibig cloth shop ni aphrodite ang tatlo upang ibilan ng mga bagong damit.
Hindi mahawakan ng tatlo ang mga damit sa takot na marumihan ang mga iyon.
Nang biglang lumabas si Aphrodite.
“good morning po mam.nandito nanaman po ulit ako.nakatanggap po ng konting reward.kaya ililibre ko po sila ng mga bagong damit.”sabi ni daryl.
“Congratulation sir.buti naman po at dito mo ulit naisip bumili.”sabi ni aphrodite.
“hali kayo at ipapakilala ko kayo sa sales lady.”sabi ni daryl sa mga kasama na nililimitahan sa pinto ang pagkilos.
Napatukop ng bibig si aphrodite at pinipigilan na matawa kay daryl,ng makita nito si demeter at dalawang kasama na noon ay natulala sa harap ni Aphrodite
“ah daryl.saya ba ang nagbenta sayo ng damit?”sabi ni demeter.
“opo.sya po yung mabait na sales lady.”sabi ni daryl.
“nako pasensya ka na aphrodite.hindi ka kasi kilala ng daryl ko.”hiyang hiya si demeter.
“Eh?.po?!.si holy guide aphrodite po pala kayo?.naku sorry po hindi ko po alam.”sabi ni daryl.
“hihihi ok lang.pasensya ka na din at napaglaruan pa kita.mas gusto ko nga yung simple lang.wag na masyadong pormal.hihihi.”sabi ni aphrodite.
“Kaya naman pala huling huli yung gusto ko.ikaw pala ang gumawa.salamat ha.”sabi ni demeter.
“syempre naman.ikaw lang naman kasi.itinatago mo ang ganda mo.dapat dyan ipinapakita.lalu na sa kakilala kong nagmamahal sayo.”sabi ni aphrodite at simpleng tinabig ng siko si daryl.
Nagulat naman si daril at hindi nakakibo at hindi napigilan magblush at mapaubo.
“Bibigyan mo ba kami ng special discount.”sabi ni demeter.
“oo naman ikaw pa ba.lahat ng nandito ay half price nalang para sa inyo.”sabi ni aphrodite.
Hindi parin makapaniwala si mia at bela sa mga damit na hinahawakan nila na may magandang tela at mga detalye ng class at mamahaling damit.
“O ano pa hinhintay nyo.pumili na kayo.ako ang magbabayad.”sabi ni daryl.
“ pano ka kuya.puro pang babae ang damit dito.”sabi ni mia.
“hindi na importante yun.mas komportable naman ako sa damit ko.ganito nalang din ang bibilin ko sa bayan.”sabi ni daryl.
“Bakit doon ka pa bibili.edi igagawan nalang kita at bayaran mo sakin ng kalahati din sa halaga.basta kapag damit ang bibilin mo.sabihin mo lang sa akin at ako ang gagawa para sayo.lalu na yung mga raiding cloths.para magic enhance tuloy nang hindi basta basta nasisira at napupunit.”sabi ni aphrodite.
Natutuwa kasi ang goddess na pinupiri ang kanyang mga damit.
“sige po.maraming salamat po.”sabi ni daryl.
Kayat sinamahan ni aphrodite na makapili ng magandang fit at style ang tatlong babae.
Matapos iyon ay isinama sa kanyang tahian ang mga ito at actual na ginawa ang damit ni daryl incombine with magic enhancement.
Nakabili ng 5 pares si daryl ng raiding cloths longsleeve at black skini jeans,3 bestida para kay demeter at 3 pang bahay,tig 2 raiding cloths at 2 bestida para kay mia at bela.
Lahat ito ay pinabayaran lang ni Aphrodite sa halagang 70s na kung tutuusin ang tunay na presyo ay 1g50s .
Masaya ang binata habang pinagmamasdan ang masasayang muka ng tatlong babae lalu na si demeter.
Agad naman napansin iyon ni aphrodite at muling sumisimple kay daryl habang papalabas sa tahian.
“ang ganda nya no?”sabi ni aphrodite na noon ay dahan dahan lumapit sa natutulalang binata.
“ay!.ah eh.opo magaganda naman po talaga silang tatlo.”sabi ni daryl.
“ikaw ha.baka matunaw yan.”sabi ni aphrodite habang sinisiko si daryl.
Nangiti nalang si daryl at napayuko sa hiya.
“hihihi.relax!”sabi ni aphrodite.
Matapos ang pamimili ng damit ay hindi pa rin umuwi ang mga ito at isinama pa ni daryl upang makapag grocery ng mga pagkain at panganga ilangan sa sambahan sa araw araw.
Kayat ng makabalik sa sambahan ay 1 gold coin lang ang napamili.
Mahalaga pa ang pera sa mundong iyon kayat marami pang kayang bilin ang isang gold coin.
Pag dating sa bahay ay agad na nagsipag ayos ng kanikanilang mga pinamili ang tatlong babae habang si daryl ay hawak na sa kanyang daliri ang sarili nyang cabinet,ang dimensia grimoir.kayat sya na ang nag ayos ng mga grocery sa kusina.
Maya maya pa ay ibinigay na din ang gold coin ni demeter at nais muling lumabas ni daryl para isama si mia sa armor and weapon shop ni lukas upang magbayad tuloy at bumili.
Upang mag fit ang armor nabibilin ay isinoot na ng binata ang isa sa pares ng damit na binili kay aphrodite at yun din ang ipinagawa ni daryl kay mia.
“Bakit kuya?.saan tayo pupunta?bakit nakabago pa tayo.hihihi.”sabi ni mia.
“bibili tayo ng armor.kasi bukas.sasabak na tayo sa lvl10 to 15 field.papalitan na din natin ang palakol mo ng masmagaan at masmatalim.”sabi ni daryl.
“Wow!.yeheyy!!.thank you kuya.”sabi ni mia.
“Teka sandali daryl.hindi ko pa pala na checheckup ang growth mo.”sabi ni demeter at isanagawa ang magic blessing.
“lvl 12 ka na,at ang bilis talaga mag progres ng mga ability mo.keep it up.at meron ka nanaman bagong skill.may natuklasan ka nanaman na hindi mo namamalayan.o heto na Ienhance ko na yung memory ha.”sabi ni demeter at agad na binuksan sa memory ni daryl ang bagong sword skill na tinawag nilang pierce of the blind dahil nangyari yon nang pagpapapatayin ni daryl ang mga tara sa kanilang mga likuran ng malalakas na saksak sa ulo na hindi lang namalayan ngunit halos wasakin ng payat na talim ang bungo ng tara sa isang saksak.
matapos ang magic blessing ay tumuloy na ang dalawa kay lukas.
“welcome back daryl.”sabi ni lukas.
“opo manong lukas.babayaran ko na po yung utang ko.tsaka bibili po ako ng dalawang set ng armor para sakin at para dito sa kasama ko at isang axe para sa kanya yung magaan at matalim po sana at ginagamit nyang pamutol ng ulo.”sabi ni daryl.
“Meron akong axe para sa kanya.pero wala akong stack ng armor ngayon.pasensya na sa armor.o heto muting anghel.subukan mo nga itong axe na to.special made yan mula sa pinaghalong buto ng bulwark at black metal.at tinawag kong bulwark axe.”sabi ni lukas.
“wow!.ang ganaan po nito.gusto ko to kuya.”sabi ni mia.
“sige po manong lukas.kukunin na po namin.”sabi ni daryl at binayaran ang utang at bagong axe.
“may alam akong lugar kung saan nyo mabibili ang pinakamura at dekalidad na armor.marami kasing magic black smith ang nagpupunta doon para magbenta at wala kasi silang permanenteng shop.at marami pang iba na pwedeng mabili doon na kapakipakinabang sa murang halaga.”sabi ni lukas.
“Saan po?”sabi ni daryl.
“doon sa seen more tower sa basement.ayun oh yung pinakamataas na tower sa dulo ng bayan.hindi ko talaga recommended ang lugar na yon.pero posible kasi kayong makabili ng mga gamit na pinaggamitan or yung 2nd hand na masmura.”sabi ni lukas sabay turo sa tower.
Ang seen more tower ay parang mall ngunit kadalasang bentahan o tinatawag na black market ang basement nito dahil sa mga ipinagbibili ng mga adveturer looter,raider,magi black smith,magi artisan,magi jeweler and merchant na mga kagamitan na sila mismo ang nakahanap o gumawa ngunit walang pribadong tindahan kayat ang mga paninda ay parang naka changge at pinepresyohan base lang sa usapan na maari pang baratin.
“ok po manong lukas.salamat po.”sabi ni daryl.
Kayat nagtungo naman doon ang dalawa sakay ng service cart upang hindi gabihin at mapagod sa paglalakad sa halagang 4 bronze lang naman.
Magkahawak pa nang pumasok sa black market at nagulat pa si daryl dahil parang baratilyo at changgian dahil sa dami ng mabibili at mga taong nandoon.
Dito din matatagpuan ang slave market.kung saan hindi halatang nagbebenta ang mga slave hunter dahil per client at per order ang bilihan.
Sari saring kagamitan ang ipinagbibili.
Una nilang hinanap ang mga 2nd hand armor at maswerteng nakahanap sa tambakan ng tindahan na naka bargain ang presyo dahil matagal nang hindi nabibili dahil hindi na in ang style.
Hindi nila nalalaman na ang napiling mga armor ay matitibay at magical forge na obra ni aczen krutoson.
isang tanyag na magi black smith si aczen na matagal nang tumigil sa paggawa ng mga armor kayat ang kanyang mga obra ay hindi na nadagdagan pa.
Sa napakababang halaga ay binayaran ni daryl ang mga armor na kanilang isinukat at komportableng nagustuhan dahil sa maayos na mobility comfort ng mga armor.
Masayang masaya si mia at appreciated nito ang cute na armor design na sakto ang fit sa kanyang katawan na sadyang pang babae.
“Ang mura ng mga armor natin.1 silver lang per set.naka mura tayo ng 28 silver .at mukang magandang klase pa.luma na pero mukang hindi manlang nagasgasan at konting linis lang kikilap ulit.tsaka may signiture sa likod.baka gawa yun ng magaling na magi black smith.”sabi ni daryl na walang idea sa nachambahan nilang armor na mabilis na itinago sa kanyang dimensia grimoir.
“Thank you kuya.mamaya pakikintabin ko yun.”sabi ni mia na excited na sa armor.
“Masmarami na tayong makukuhang ulo nyan.”sabi ni daryl.
“syempre!!.gagalingan kong maging pain kuya.hahaha!!!”sabi ni mia.
Mag ikot muna tayo baka may makita pa tayo.
Habang naglalakad ay nilapitan sila ng isang magi artisan na tindero ng magic bag na mukang ordinaryong backpack lang kung titignan.
“bili na kayo sir,adventurer looter po ba ang kasama ninyong bata.bagay na bagay po ito sa kanya.sa murang halaga ay meron na kayong backpack na maykakayahang maglamam ng 300 heads para sa kill loot.at extra 5 side mini pocket para sa kahit anong item na hindi lalaki sa 1cubic meter size.magical po ang intake at out take ng mga item.na parang kumakapa lang kayo sa void magic na bulsa.”sabi ng nagtitinda.
“eh magkano naman yan.”sabi ni daryl.
“para sa Inyo po ay 3 silver nalang.”sabi ng tindero.
“mahal pala.sige magttyaga nalang kami sa cart.”sabi ni daryl.
“Eh magkano po ba ang gusto ninyo.sige sir tawaran nyo po at baka magkasundo tayo.”sabi ng tindero.
“Kuya! Kuya!ako ang tatawad.”sabi ni mia kay daryl na noong oras palang iyon ay may nakitang kagaya ng bag na iyon sa isang changgi sa tabi na nagkakahalaga lang ng 1silver and 20 copper.
“narinig mo bos,sya ang mag dadala eh,sya na ang tatawad sayo.”sabi ni daryl.
“sige kuya.ok lang ba kung bibilin namin sa 50 copper?”sabi ni mia.
“nye!!.luge naman ako doon miss beautiful.2 silver deal tayo.”sabi ng tindero.
“Mahal kuya.ayun nga oh narinig ko kanina 1 silver 20 copper lang.edi yun na ang bibilin namin ng kuya ko.”sabi ni mia.
“Haayyy nako.sige na nga suko na ko.ang bata mo pa ang galing mo nang tumawad.sige 1 silver nalang at papauwi naman na ako.”sabi ng tindero.
“okie kuya daryl.bayaran mo na.”masayang sabi ni mia.
Napailing nalang sa tuwa si daryl sa tawaran skill ni mia dahil talagang mahina sya sa tawaran.
Binayaran ang bag at ipinasoot na kay mia.
Kamut ulo ang masayang tindero.
Nagawi naman sila sa tindahan ng mga magical glasses na level reader eye glass.
Lumapit ang tindera at ipanakita ang ipekto ng mga eye glasses.
“bili na kuya,ateng maliit.subukan nyo po at sobrang linaw po ng level reading ng mga salamin namin.mapahalimaw man o tao makikita nito ang level.at maari nyo pang magamit na true sight magic sa mga dungeons na maraming misdirection curse and mirage para hindi kayo maligaw.
“maganda nga po ito pero.baka mahulog lang at mabasag sa akin.wala ba kayong pwedeng sootin in action.”sabi ni daryl.
“meron po kuya,gaggle type eye glass.masmahal ngalang po ito dahil bukod sa level reading at true sight ay upgradable sya ng maraming magic features gaya ng infrared,night vision,light vision,binocular zoom at metal scanner.gawa po kasi sa magic mimica rubber plastic ang case at ang rubber strap ay 100% non blocking site kayat parang wala kayong soot na gaggle.”sabi ng tindera.
“aba ok yan ah.magkano naman?”sabi ni daryl.
“Fix price po kami sir.1 silver 50 copper po ang ordinary,pero kung gusto nyo ng all features 3 silver po ang complete magic upgrade.”sabi ng tindera.
“Ah ok sige.kunin ko na yan.magkano naman yung eye glass.”sabi ni daryl.
“75 copper po.”sabi ng tindera.
“Sige kukunin ko na yung complete upgrade at isang level reading eye glass.”sabi ni daryl at binayaran ang mga item.
Isinoot na ni mia ang eyeglass at ang gaggle naman ay inagay ni daryl sa kanyang leeg.
“wow kuya.ang sarap ng ganito.makikita nanatin ang level ng monster.”sabi ni mia at tuwang tuwa sa eyeglass na bumagay din sa kanya.
“bagay sayo.”sabi ni daryl.
Napadaan ang dalawa sa bilihan ng chinelas at bumili ng apat na pares kasama na si bela at demeter.
“kuya!.magagamit natin yun oh.”sabi ni mia.
“alin?.yung mga kaldero ba.hehe.”sabi ni daryl.
“hindi.yung mga magic capsul.tignan mo yung ginagawa ng babae.o di ba nagiging capsule yung lalagyan ng pagkain.para hindi na tayo nagdadala ng supot sa tangahalian natin.sayang pa yung supot eh.yoon uurungan lang madali pang ibulsa.pati yung lalagyan ng tubig oh.di ba kuya?”sabi ni mia.
“aba oo nga hano.nagugulat na ko sayo ha.daig mo pa ang matanda kung mag isip basta para sa raid.”sabi ni daryl.
“Syempre.raider tayo eh.”sabi ni mia.
Binili din ng binata ang tatlong pares ng water ang food magic capsule.para meron din si bela.
“alam mo ba.na alchemist ang ate bela mo.malaki ang maitutulong nya pag kasama na natin sya sa Monday.”sabi ni daryl.
“dalawang tulog nalang pala kuya.”sabi ni mia.
“Oo kaya.sakto lang at hindi malayo ang agwat ng level namin.”sabi ni daryl.
“kuya ang ganda ng mga target knife o,bagay sayo yan.di ba mahilig kang gumamit ng bato kapag nagigipit ka.masmaganda yan huhugutin mo nalang sa hita mo.anim na knife pa ang nakasuksok na pwede mong ibato.”sabi ni mia.
“maganda.pero aaralin ko pa yan.”sabi ni daryl.
“edi aralin mo.kaya mo naman eh.ayun oh panoorin mo kung paano nila ginagawa.promise cool na cool ka tignan doon.hihihi.”sabi ni mia.
“ahahaha.sige na nga.tutal at may point din naman.baka nga mabitawan ko yung katana ko.mabuti na yung may backup.”sabi ni daryl.
Bago binili ng binata ang traget knife ay nagpaturo muna kung paano ito hawakan at ibato at nang sa ganon at may idea na sa pagsasanay.
Uuwi na sana ang dalawa ng makita ng binata na tila napako ang tingin ni mia sa malaking teddy bear na ipinagbibili kasama ng iba pang stufftoy.
Hindi nagsasalita ang bata at nakahawak lang na sumusunod kay daryl ngunit ang mga mata ay nakapako sa teddy bear na inakala nyang hanggang tigin nalang nya makukuha dahil hindi naman importante ang bagay na iyon.
Ngunit napansin ng binata ang tahimik na munting bata at nabakas muli ang puso ng kabataan kay mia.
Kayat bigla nyang dinala sa mga stufftoy.
“Kanina pa kita tinitignan.hinihintay kitang magsalita pero mukang pipigilan mo talaga ang sarili mo.”sabi ni daryl.
“kasi kuya.hindi naman importante.kaya tinitignan ko nalang.”sabi ni mia.
“may pera naman tayo eh.madami pa.at dadagdagan pa natin sa mga raid natin.kaya bakit ka magtitiis kung kaya naman nating bilin.ang importe yung gusto mo at masaya ka.”sabi ni daryl at nginitian ang bata.
Kabod nalang tumulo ang luha ng bata at niyakap si daryl habang pinapalis ng kamay ang luha at pinipigilang umiyak.
“Thank you kuya.i love you”sabi ni mia na sa mahabang panahon na hindi nya nasasabi ang kataga dahil sa kawalan ng tiwala sa kapwa ay nabigkas nya itong muli kay daryl na itinuring nyang kapatid.
“tahan na(sabay halik sa ulo)halika na at nang makapili ka ng maganda.ang daming bumibili oh.”sabi ni daryl.
“opo kuya!.”sabi ni mia na basa pa ng luha ang mata at ngumiti ng maganda.
Agad na itinuro ang malaking teddybear at binayaran naman ni daryl.
Priceless ang ngiti ng bata na nagpapaligaya kay daryl.
Habang pinagmamasdan ang bata na matindi ang yakap sa malambot na teddy bear ay napatingin ang binata sa isang matandang nagbebenta ng mga lumang bagay na nakasalansan lang sa sapin na tela at walang pumapansin dito sa sulok.
Nilapitan ng binata ang mga lumang bagay na kahit ano mang tignan ay hindi maintindihan kung ano o saan maaaring magamit ang mga iyon.
Tahimik lang ang matanda na pinagmamasdan ang binata na parang may hinhintay itong makita sa reaksyon ng binata.
Ilang ulit na tinignan ng binata ang mga bagay at pilit na inaalam ang mga iyon.
“Kuya ano yan?”sabi ni mia.
“Hundi ko alam eh.ayaw naman magsalita ni nanay”sabi ni daryl.
“ipagpaumanhin ninyo ginoo,ngunit silang mga nakakaintindi sa mga bagay na iyan lamang ang maaaring bumili.upang maiwasan ko rin na ibalik sa akin ang mga item.”sabi ng matanda.
Naaawa ang binata at nais sana nyang bilan ang matanda ngunit may kondisyon ang pagbebenta nito.
“parang puzzle pala yan kuya.kailangan hulaan muna.hihihi.”sabi ni mia.
“Puzzle?.”sabi ni daryl at napaisip habang pinagmamasdan ang mga lumang bagay.
At sa paulit ulit na pagtingin nito sa mga lumang bagay ay napansin nito ang tatlo sa 9 na item na may pagkakapareho.kayat hinawakan ang mga iyon at pinagmasdan na mabuti.hanggang sa makita nito ang pagkakaisa ng tatlong item.
Ang inaakala nyang tatagnan ay talaga palang tatagnan at ang dalawang pang bahagi ay mga bato kung saan nakatuhog ang talim ng nabaling ispada na kung pag dudugtong dutungin ay makabubuo ng ispadang nakatuhog sa mahabang bato na nafossilize at dahil sa kalumaan ay hindi na makilala ang mga naputol na talim at halos kainin na ng natuyong putik.
Napangiti ang matanda na tila ba natutuwa sa kanyang nasasaksihan masasagot na ng binata ang mysteryo ng 3 sa 9 na item.
“Sabihin mo ginoo.kaya mo na bang sagutin kung ano ang bagay na iyan.”sabi ng matanda.
“opo.parang alam ko na po.isa po itong uri ng lumang ispada na nastuck sa bato at dahil sa katagalan ay maaring nagkabalibali dahil nabasag ang bato.ito po ang tatagnan at ito naman dalawang bahagi ng bato nakasuksok ang mga talim na nabali.”sabi ni daryl.
“Ehehehe.napakagaling ginoo.tama ang iyong kasagutan.sa halagang 3 copper ay ipagbibili ko ang mga iyan.ngunit kakailanganin mo ang holy magic ng goddess para mabuo ang ispadang iyan.at ikaw mismo ang tutuklas at huhubog kung ano man ang misteryong nakatago sa ispadang iyan.”sabi ng matanda.
Na curious ang binata at gusto rin nito talagang bilhan ang matanda kayat binayaran ang balibaling fossil na ispada.
“aanhin mo yan kuya?”sabi ni mia.
“Susubukan ko kung totoo ang sinasabi ni nanay.malay natin mabubuo pa pala talaga yung ispada.sayang naman diba.3 copper lang.kasing haba din ng katana ko.tsaka may sinasabi syang misteryo sa ispada kaya nahihiwagaan ako.”sabi ni daryl.
“hindi ko alam yan kuya.halika na uwi na tayo.”sabi ni mia.
“sige na nga.halika na”sabi ni daryl.
Kinahapunan nang makabalik sa sambahan ay agad na nagbihis ang dalawa upang magsimula sa paglilinis ng kanikanilang armor gamit ang sabon at iskoba sa likod bahay sa pagitan ng cr kung saan may ilaw.
“Ano ba yang pinagkaka abalahanan ninyong magkuya.”sabi ni demeter.
“Nakabili po kami ng 2nd hand na armor doon sa black market.maayos pa kaya binili ko.tsaka po maganda ang fit sa katawan namin.tig isa po kami ni mia.”sabi ni daryl.
“ah ok.sige tutulong na din ako.”sabi ni demeter.
“Sige ako din.ilang araw na kayong lumalakad ng walang armor.hindi manlang kayo natatakot.”sabi ni bela.
Pinagtyagaan nilang kuskusin ng kuskusin at hugasan ang mga armor hanggang sa mapakilap itong muli.
Dito na nakilala ni bela ang mga baluti nang makita nya ang ukit na pangalan ng may gawa.
“Wow!.Armor pala ito ni aczen krutoson.at ito rin!.parehas pala itong aczen armor.”sabi ni bela.
“Magkano nyo nabili?”sabi ni bela.
“1 silver ang isang set from neck to toe.maganda pa naman kaya hindi na nakakapanghinayang.”sabi ni daryl.
“Talagang magandang klase ang lahat ng gawa ni legendary aczen the magi black smith.
kaya kung mapapansin mo.marami nang pinag daanang laban ang mga armor and yet ayan at parang manipis na gasgas lang ng talim ang mga marka sa black steel armor at ganun din dito sa red steel armor ni mia.
mataas ang magical resistance nito laban sa pwersa ng 5 element kayat hindi basta basta masisira at mararamdaman ng user ang mga elements.
10 beses ang magical fortificatio gamit ang catsugen alloy na makukuha lang sa mga pugad ng mga catsugen dragon.kayat ganito naging katibay ang mga ginamit na collonium steel.
my god ang swerte nyong dalawa.nakakainggit naman kayo.dapat pala sumama ako.”sabi ni bela.
“Naka inventory bargain yan doon.all armor set 1 silver lang.kaso maghahalukay ka talaga.ito lang kasi yung maganda ang fit at maayos pang tignan para sa amin ni mia.kaya binili ko.”sabi ni daryl.
“Ate bela bumili din pala kami ng magical food and drink capsul ni kuya para sayo.tsaka bagong chinelas para sa ating lahat.”sabi ni miya habang naglalaro ng tubig sa banyera.
“Sya nga po pala holy guide demeter.may nabili po akong old artifact.parang fossil ng lumang ispada.ang sabi sa aking ng matandang nagbenta.goddess or god lang daw ang makakapagbuo at makakapagbalik sa dating tatag at itsura ng ispada gamit ang holy magic.pwede nyo po bang matignan saglit.”sabi ni daryl.
“Sige nasaan ba?ilagay mo sa ibabaw ng altar.”sabi ni demeter.
Ipinakita ni daryl ang pinagdugtong dugtong na ispada.
“hindi ko alam kung paano gagawin to.pero susubukan ko.pero bago yan ay aalamin ko muna kung may curse.”sabi ni demeter at ginamit ang bless magic upang linis kung may nagtatago man na sumpa sa lumang ispada.
Matapos iyon ay pinagdaloy ang holy magic sa tatlong bagay.
Walang nangyaring kakaiba at inakala nilang peke ang ispada
Ngunit unti unti itong gumagalaw at dahan dahan lumutang ng isang pulgada sa batong altar.
Nagulat ang lahat at hindi makapaniwala sa nakikita.
Umilaw ang mga iyon at nag vibrate sa hangin.
Nadurog at humiwalay ang mga bato at putik sa nabaling talim sa mahabang bato at ang tatagnan ay nalinis ang mga kumapit na bato at putik.
Palakas ng palakas ang vibration hanggang sa humuhuni na ang tatagnan na noon ay may roong kakaibang bilog na bakal na maraming butas na nasa pagitan ng tatagnan at talim na hindi nalalayo ang laki sa bola ng golf.
Patuloy itong humuhuni at patinis ng patinis hanggang sa mapatukop na ng tenga ang apat sa sobrang tinis ng malakas na huni habang pinapanood ang ispada.
Biglang nagbaga ang ispada at parang magnet na nagdikitdikit upang mabuo, habang patuloy ang matinis na huni at mabilis na vibration.
Mayamaya pa ay dahan dahan itong tumigil sa paghuni kasabay ng pagtigil ng vibration at dahan dahan na bumaba sa batong altar.
Nagbabaga pa ito sa init kayat hinintay na lumamig sa magdamag sa takot na mapwersa ng tubig ang pagpapalamig ng baga.
Hindi parin makapaniwala ang lahat sa kanilang nasaksihan at lahat ay excited na makita ang tunay na itsura ng ispada.
Kayat hinayaan na muna sa altar at ipinagpatuloy ang kanikanilang gagawin.
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasyPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...