“daryl!.may mother airship sa harap natin.”sabi ni cris.
Agad lumabas si daryl at nakitang kumakaway si lancelot.
“Mga kaibigan sila,nandito sila para tumulong.”sabi ni daryl at kumaway din sa dalawa
Tumalon sa destiny si arthur at lancelot.
“nandito kami para tumulong sir daryl the neon knight.”sabi ni lancelot.
Nagulat si arthur sa laki ng progress ni daryl.dahil nakikita nito ang level ni daryl gamit ang kanyang salamin.
“huh?!.lv 214 power class A,bunga ito ng mga pakikipaglaban sa masmalalakas na halimaw.”paghanga ni arthur habang pinagmamasdan si daryl ng matahimik.
“Salamat.mga kasama ko sila.si kagura,cris,emily at hanna.”sabi ni daryl.
Kayat nagpakilala din si arthur at lancelot.
“isakay nyo na sa airship ang kayak ninyo at masmabilis na maihahatid tayo ng mother airship.”sabi ni arthur.
Agad naman nagtiwala si daryl.
Sumakay sila sa airship at muling itinago ang destiny.
Sa bilis ng special airship ng glory knight.3 oras lang ang dapat na anim na oras ng byahe.
Narating nila ang airport ng yugatan kingdom.
Hindi na iniwanan pa ni lancelot at arthur si daryl gamit ang kanilang royal cart na minamaneho naman ni glory knight alice a.k.a sir kay.
Agad na nagtungo sa bahay ni jerard.
“Lolo jerard.nandito na po ako.nasa akin na po ang tatlong susi.”sabi ni daryl.
“ahahaha,buti naman.nag alala ako sayong bata ka,nakahanda na rin ang mata ng asul na phoenix at ang kahoy ng world tree,hihingin mo nalang ang 1 billon na ulo ng halimaw sa guild at ang dugo ng babaeng virgin.”sabi ni jerard.
“kagura?.ikaw na yan.ahehehe.”sabi ni jerard.
“ako nga.kamusta tandang jerard?”sabi ni kagura.
“Mabuti naman.hindi na pala natin kakailanganin si god hepaestus nandito na si kagura para magpanday sa dalawang susi.ahehehe.”sabi ni jerard.
“buti naman naaalala mo pa tandang jerard.”sabi ni kagura.
“Makakalimutan ko ba naman ang napakahusay na talento mo,kayung dalawa ni aczen..kasama mo rin pala si crisenbelle.”sabi ni jerard.
“Hi.lolo.”sabi nman ni cris.
“magandang araw po.makisali na po kami sa usapan.ako po si arthur at ito naman po si lancelot mga glory knights po kami ng kingdom.hayaan nyo po na kami na ang kumuha ng ulo sa guild.”sabi ni arthur.
Pumasok din si kay.
“magandang araw po.gusto ko rin po makatulong.gamitin nyo po ang aking dugo.narinig ko po na kailangan nyo ng dugo ng virgin.”sabi ni kay.
Natahimik ang lahat at nakatitig na mabuti si arthur at lancelot.
Nang biglang tumawa si arthur at lancelot.
“Hahaha.virgin pa daw oh.kaya pala ang sungit sungit mo sir kay.hahaha.”sabi ni lancelot na sadyang may pagka buly minsan.
“hihihi.virgin pa pala sya.sabagay kailangan mo na talagang mag boyfriend sir kay .”sabi rin ni arthur.nahawa naman ng tawa ang iba pa.
Hiyang hiya si kay at parang naiinsulto kay lancelot at arthur.unti unting nagiinit at gusto nang sumabog sa inis,kayat sabay na binigyan ng isang malakas na boldyak sa bumbumnan ang dalawa.
“Porke ba 28 anyos ang katawan ko dapat ay hindi na ako virgin?!.rrrrrrrr!!.hump!.”sabi ni kay at tahimik na naupo sa sulok at hihinga hinga sa inis.
Natahimik naman ang lahat at natakot sa virgin pang dalaga.
Huhukot hukot na lumabas si lancelot at arthur na hinihimas ang mga ulo..
“ikaw naman kasi ang galing galing mo mang inis.”sabi ni arthur.
“kasakit.kalakas talaga ng babae na yan.”sabi ni lancelot habang papalis sila para kunin ang mga ulo.
Nagtawana naman ang lahat sa pagsisisihan ng dalawa.
Muling tumahimik at lumapit na si kagura sa mga sangkap.
“mga kasama.bigyan nyo ako ng konting space at sisimulan ko na ang wooden key.”sabi ni kagura.
Habang nakapalibot ang lahat ay ginamit ni kagura ang holy forging ability,isang kalmadong forging magic na gumagamit ng malaking bulto ng mana energy mula sa manadan at magic boost mula sa magidan ni kagura.
Unti uting binubuo sa isang naiibang sagradong sayaw kasabay ng pagpapanday.
Binabalot ng nakasisilaw na matinding liwanag ang mga sangkap na unti unting nagbabago ng anyo sa kanilang paghahalo.
Mayamaya pa ay sumabog ang malakas na liwanag at naiwang lumulutang sa hangin ang legendary wooden dimensional key na nagbabaga sa liwanag ng holy light.
Humahanga silang lahat na naroon sa loob ng bahay ni lolo jerard sa ginawa ni kagura.
Kinuha ni kagura ang susi at iniabot kay daryl.
“o ayan daryl isa nalang.mabubuo mo na ang apocalypto key.”sabi ni kagura.
“Ang cool naman nun kagura.ang ganda ng magic mo.para kang angel.”sabi ni emily.
“oo nga.kahanga hanga.”sabi ni sir kay.
Makalipas ang isang oras ay nakabalik na rin si lancelot at arthur dala ang 1 billon na ulo sa loob ng billion head guild magic bag.
Kayat muli ay isinagawa ni kagura ang ang huling susi.
“yes!.kumpleto na daryl.pwede mo nang gawin ngayon ang susi.kailangan mo lang pagtapat tapatin ang mga bato sa mga susi na nakahanay na parang bitwin.
Pagkatapos ay sambitin mo ang apocalypto.”sabi ni kagura.
Sa harap ng lahat ay ginawa ni daryl sa sahig ang combinasyon.
“Apocalypo!!!”sigaw ni daryl at nagliwanag ang limang susi at dahan dahan na gumalaw at nagsama sama.
Naging itim na cube ang limang susi at sa gitna ay may limang kulay na nagrerepresenta sa limang susi.
Muka lang itong ordinaryong black Crystal cube.
“Wow!.yan na yun daryl.ingatan mo yan.kailangan mabasag natin yan sa pintuan ng apocalypto para maisara muli ang pinto.”sabi ni lolo jerard.
“hehe.salamat guys.nagtagumpay tayo sa misyon.pero hindi pa tapos ang laban.dahil nakabukas pa ang apocalypto.at nasisiguro kong magiging mas mahirap na mula dito.”sabi ni daryl.
“Kaya natin yan.tayo pa ba.tsaka di ba.marami nang tutulong sa atin ngayon.hindi na tayo maliit na grupo.kakampi na natin ang lahat ng kaharian.”sabi ni kagura.
“ano na ang plano?”sabi ni kagura.
“Gusto ko munang dumaan sandali kay demeter,bago ako lumakad ulit,digmaan na ang papasukin ko.kaya natatakot ako at baka hindi na ako makabalik.makita ko manlang sya sa huling pagkakataon.”sabi ni daryl.
“Ramdam ni kagura,cris,emily at hanna ang pagmamahal ni daryl kay demeter kayat nakaramdam din ng sakit at pagseselos ang mga ito.ngunit tanggap nila ang kanilang posisyon sa puso ni daryl.
3 pm palang ng hapon kayat nagmadali na ang binata.
Kayat hindi na nag akasaya pa ng oras ang grupo at muling bumalik sa airport upang sakyan muli ang mother airship ng glory knight kasama sina jerard,arthur,lancelot ,gareth,kay at airship crew patungo sa lemuria kingdom.
26 hrs ang byahe ng airship papunta sa lemuria at hindi na ito mahintay pa ng binata.
Nagkalat na ang mga halimaw na lumilipad sa himpapawid ng yugatan patungong lemuria,ngunit kasabay ng glory knight airship ang iba pang battle airship na ipinapadala ng yugatan kingdom para sumabak sa laban,kayat balewala ang mga normal highlevel flying monster sa mga ito.
Samantala sa rucaria sa demons pith,kung ang mga kaharian ay may battle airship,ang mga demon ay mayroon ding dambuhalang sasakyan,at ito ay ang mga mega size fortress type demon monster at isa isa na itong naglalabasan sa malking butas ng lagusan ng apocalypto kasama ng masmarami pang demon monsters.
Hindi mapalagay si charlotte na noon ay pinapanood kung paano tinatalo ng mga demon ang pwersa ng mga tao.
Kung saan maslumalakas ang damdamin ng kanyang kabutihan na noon ay nagaalala para kay daryl at sa mga kaibigan.dito na nalalamatan ang maitim na enerhiyang bumabalot sa kanyang puso dala ng matagal ng galit,dahil sa pagmamahal na kanyang nararamdaman sa pag aalala sa mga kaibigan lalu na kay daryl na labis na hinahanap ng kanyang puso.
“Ano ba ang problema mo.ayan na at nangyayari na ang pangarap natin.bakit ba hindi ka pa masaya.”sabi ni charlotte persona 1.
“tama na.tumigil ka na.hindi na kita susundin,mali tayo nagkamali ako ng paniniwala.hindi dapat mawala ang mga tao.may paraan para singilin ang mga nagkasala sa amin ni aleli,pero hindi ang lahat.tama si daryl.susundin ko ang paniniwala nya dahil umuiibig ako sa kanya.”malakas na sigaw ng puso ni charlotte persona 2.
“Hinde!!!.hinde!!!!.aaaaahhhhhh!!.”sigaw ni charlotte persona 1 na noon ay unti unting kinain ng liwanag mula sa puso ni charlotte hanggang sa tuluyan ng mabasag at mawala ang itim na enerhiyang bumabalot sa kanyang puso.
Nagkataon na hindi napansin ni charlotte na naroon si tandang purita at binabasa ang laman ng kanyang puso gamit ang demonic magic.
Ngunit iba ang naging reakyon ng matandang wizard.(age.46).
Lumapit ito ng palihim kay charlotte.
“Tama yan charlotte.sundin mo ang puso mo.kung saan ka liligaya,katulad ng ginawa ko.buhat nang umibig ako kay icarus ay inilaan ko na ang pagibig ko sa kanya.kahit ang ibig sabihin noon ay ang baguhin ko ang sarili ko at maging masama para sa kanya.hindi ko ito gusto pero ito lang ang paraan para mapagsilbihan ko sya.
Kung sino man ang itinitibok ng puso mo.ay wag mo sya bibitawan at dapat na ipaglaban mo.wag mong hayaang mamuhay ka sa kalungkutan..kahit maging kapalit pa ay ang pagiging masama kagaya ko.”sabi ni tandang purita gamit ang sariling prinsipyo ng pagibig para sa kanyang paniniwala.
Hindi makapaniwala si Charlotte na manggagaling sa kanang kamay ng lumina boss ang payo na katulad noon .na kahit pala ang masamang gaya ni purita ay nagtatago ang mabuting kalooban na napipilitan lang din gumawa ng masama para sa kanyang minamahal.
“Pero hindi ko na po alam kung nakaligtas sila doon sa nurem.nag traydor ako sa kanila.”sabi ni charlotte na noon ay nagtiwala sa matanda.
“Kung ganon.kunin mo ang salamin na ito.ipapakita nyang ang lahat ng taong gusto mong makita.basya hawakan mo lang at isipin ang taong nais mong makita.sige na.umalis ka na habang wala pa si icarus.habulin mo ang pagibig mo.”sabi ni purita.
“salamat po..”magalang na sabi ni charlotte.
Tumakbo si charlotte palabas ng kanilang hideout at habang tumatakbo ay inalam sa salamin kung buhay pa si daryl at natuwa nang malaman na buhay pa si daryl at ang mga kaibigan.
Agad sumakay ng anima at nagmadaling puntahan ang kinaroroonan ni daryl na nakikita sa salamin.
Dahil babae at nakasoot nang sibilyan na armor ay sinaklolohan pa ng mga raider knights upang mapabilis ang kanyang inaakalang pagtakas sa mga halimaw na noon ay galing sa direksyon malalpit sa demon pith.
Mula doon ay aabutin ng 26 oras ng walang tigil na paglipad ng wyvern ang byahe patungong lemuria kung saan nya inaasahang masasalubong ang airship na sinasakyan ni daryl na noon ay hindi nya alam na lalapag sa lemuria.
Kahit mapanganib ang himpapawid ay nagpatuloy si charlotte ng paglalakbay makita lang muli ang lalaking kanyang iniibig.
Makalipas ang 26hrs ay nakarating na rin ang glory knight airship sa lemuria kingdom kung saan lihim na sinubaybayan ni charlotte sina daryl dahil nahihirapan itong umisip ng tamang salita at pagkakataon para humingi ng tawad.
Kahit pagod pa sa mahabang byahe at mga pakikipaglaban sa himpapawid sa loob ng 26 oras sa mga nasasalubong na halimaw ay matayaga itong nagtiis para lang ayusin ang kanyang pagkakamali.
Hanggang sa mapilitan nang lumapit sa kanto bago lumiko sa street ng worship house ni demeter.
Malungkot at hindi mapalagay na nakaharap si charlotte sa lahat.
“Anong ginagawa mo dito?!.naisip mo ba kung gano kami nahirapan dahil tinangay mo ang susi ng ipoipo.tapos ngayon may lakas ka pa ng loob humarap.sarili mo lang ang iniisip mo.”sabi ni kagura.
Habang lahat ay masama ang tingin kay charlotte.
Liban kay daryl na gusto munang marinig ang panig ni charlotte.
“salbahe ka charlotte.kaibigan ka namin eh.hindi mo dapat kami iniwan.”sabi ni emily.
Iyak ng iyak ang pagod at madungis na charlotte na noon ay labis na nagsisi at tinatanggap ang mga salita ng kanyang mga kaibigan.
Agad hinawakan ni daryl ang balikat ng apat na babaeng galit kay charlotte na noon ay galit lang ng pagmamahal bilang mga kaibigan na nalulungkot din naman sa kanyang pagkawala.
Napatingin ang apat kay daryl na noon ay mahinahon lang ang muka,dahil ramdam nito ang flow ng spirit energy ni charlotte na malumanay ngunit nanginginig sa pag daloy tanda ng tapat na pagsisi.
Kayat nilapitan ni daryl ang pagod na pagod na katawan ni charlotte,na madungis sa dugo ng mga halimaw at walang tigil na umaagos ang luha sa pag iyak.
Hindi na makapag isip pa ng tamang salita kung paano hihingi ng tawad at magpapaliwanag.kayat ang tanging nasabi na lang nang lapitan sya ni daryl at titigan sa mata ay isang malumanay,tapat,at buong pusong ”sorry.”napayuko muli at humahagulgol sa pag iyak.
Hinawakan ni daryl ang kanyang baba at muling itinaas ang ulo upang titigan sa mata.
“yun lang naman ang hinihintay ko.yung humingi ka ng sorry.wag mo nang uulit yon ha.”mahinahaon na sabi ni daryl at ngumiti.
Nagulat at Napalitan ng kaligayan ang luha ni charlotte kayat muling napahagulgol ng malakas at agad na yumakap kay daryl.
Matapos ang pag iyak kay daryl ay daha dahan na nilapitan ang mga kaibigan at humingi ng tawad.
Hindi rin naman nagdamot ng pagpapatawad ang mga ito at nakipag iyakan pa kay charlotte.
Matapos mapatawad ay tsaka lang naramdaman ni charlotte ang matinding pagod at biglang hinimatay.
“Charlotte anong nangyari sayo?!”sabi ni kagura.
“Charlotte!.”sigaw ni emily
Agad naman lumapit si kay na isa ding healing mage.
“wag na kayong mag alala.sobrang Napagod lang sya.ginamot ko na ang konting galos nya at binig yan ko na rin sya ng pampalakas.hayaan nalang muna natin syang magpahinga.”sabi ni kay.
Agad binuhat ni daryl si charlotte na noon ay natutulog nang nakangiti at basa pa ng luha ang mga mata at pisngi.
Narating nila ang worship house ni demeter kung saan sinalubong sila ni,demeter,mia at edge dahil ang iba ay kasalukuyang nagtatanggol sa great wall ng lemuria.
“kuya daryl.hali kayo pasok kayong lahat.”sabi ni mia.
Habang si demeter ay nagulat sa kanyang nakita gamit ang natural na kapangyarihan ng mga goddess
Sa pinto palang ay pinagmamasdan na ni demeter ang limang babae na noon ay nakikita nyang malinaw ang mga bakas ng aura mula sa mga bagong supling sa kanilang mga sinapupunan kahalintulad ng aura mula kay daryl na kanya ding dinadala.
Hindi na kailangan pang itanong kung sino ang ama ng mga nabubuong sanggol dahil dala ng mga ito ang parehong aura ni daryl.
Matapos ibaba ni daryl si charlotte sa sala ay agad na niyakap at hinalikan si demeter.
Ngunit iba ang reakayon ni demeter.malungkot na muka at dahan dahan na pagtulo ng luha ang isinukli nito kay daryl.
“Oh mahal.bakit ka umiiyak.nandito na ko.dumaan ako para sayo.bago manlang ako humarap sa laban.”sabi ni daryl.habang nakaharap sina kagura,cris,hanna at emily.
“natutuwa ako na nadito ka,ngunit nasasaktan ako sa ginawa mo.pinagtaksilan mo ako.”umiiyak na sabi ni demeter.
Nagkataon na nagising na din si charlotte.
Narinig iyon ng limang babae at lahat ay naguilty.
“Hindi mahal..ikaw ang mahal ko alam mo yan di ba.”sabi ni daryl.
“magsisinungaling ka pa ba?.paano mo ipapaliwanag ang dinadala nilang lima.sayo lahat ng dinadala namin.buntis din ako daryl.ngayon sige magpaliwanag ka.”sabi ni demeter habang lumuluha.
Parang binagbasakan ng langit ang binata dahil hindi alam kung paano papaliwanagan ang bagay na kanya din naman pinayagan na mangyari,ngunit natatakot na mawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal.
Natahimik at napatingin nalang kay demeter at sa limang babae na noon ay nagulat din sa sinabi ni demeter na sila man ay nagdadalang tao.
“Patawad mahal.pero hindi ko ito sinasadya mahirap ipaliwanag .pero maniwala ka.ikaw ang mahal ko.mahal na mahal kita.kaya ako nandito.”sabi ni daryl na noon ay naiyak na din sa kanyang kasalanan.
Sakit na sakit ang lima sa kanilang naririnig.ngunit alam nila na noong una palang ay ito na ang kanilang posisiyon sa puso ni daryl na kanilang ipinagpipilitan.
dahil sa pagmamahal ni kagura ay hindi na ito nakatiis pa.at namagitan na kila daryl.
“goddess demeter.patawarin mo sana ako.wag kang magalit kay daryl.hindi nya kasalanan na sobrang inibig ko din sya,kayat sa mga panahon na malayo sya sayo.ibinigay ko ang pangungulila ng kanyang katawan sa iyong init ng pagmamahal.mahal ko ang minamahal mo pero totoong ikaw ang mahal nya.”sabi ni kagura.
“patawad holy guide demeter.totoo po ang sinabi ni kagura.lahat kami ay umiibig kay daryl.nagbabakasakali na mahalin din kami.kayat hindi namin ipinag damot ang aming pagmamahal kahit alam namin na pinipilit nanamin sya.patawad.pero mahal ko din sya.”sabi ni emily na noon ay lumuluha sa sakit.
“sorry po goddess demeter.hindi ko rin napigilan na mahulog ang loob ko sa kanya.naiibang lalake si daryl.kayat napaka swerte ninyo at kayo ang mahal nya.”sabi ni cris na lumuluha din sa pagka guilty.
“bago lang po ako sa grupo.pero nakita ko ang kabutihan ni daryl kayat hindi po ako nanghihinayang na ibigin din sya.kahit alam kong hindi sya sakin.pangako at hindi po ako magiging panggulo.masaya na po ako na minsang nakasalo ko ang lalaking muling nagpatibok ng aking puso.at ngayon ay dadalin ko pa ang magiging anak namin.”sabi ni hanna.
“sya po ang dahilan ng muling pagbabago ko.at totoo na ikaw po ang mahal nya.umaasa lang talaga kami sa kapirasong pagmamahal kahit alam namin na wala kaming laban sa pagibig nya sa inyo..wala syang kasalanan holy guide demeter.kami po ang dapat na sisihin”sabi ni charlotte.
Humagulgol ng iyak si demeter dahil sa kanyang puso ay hindi parin maiaalis ang pagiging mabuting goddess at nakaramdam ng awa sa limang babae na noon ay umiibig din sa lalakeng kanyang minamahal na kung aalisan ng karapatan ay masasaktan at maabanduna.
Kayat matapos ang isang mahaba at malakas na paghagulgol ay huminga ito ng malalim at muling hinarap si daryl.
Niyakap ng mahigpit at kinausap.
“mahal na mahal kita daryl.sobra mo akong sinaktan.pero pinapatawad na kita,nauunawaan ko na ang nangyari.isa itong kasalanan na hindi ko dapat palagpasin.
Kailangan kitang parusahan.
Dahil lahat kami ay umiibig sayo.kailangan mo kaming mahalin ng pantay pantay,panagutan mo ang mga batang dinadala namin at maging mabuti kang ama para sa kanila.
Hindi ka pwedeng mamatay sa laban mo ngayon.,siguraduhin mong babalik ka para samin at tatapusin mo ang apocalypto.
At kapag maayos na ang lahat.pakakasalan mo kaming lahat upang maging ligal mong mga asawa.
At wag na wag mo na kaming dadagdagan pa.
kontrolin mo ang kabaitan mo.”sabi ni demeter at muling niyakap si daryl at ginawaran ng halik sa labi.
“pangako mahal gagawin ko.maraming salamat sa pangunawa mo.”sabi ni daryl.
“o ano kayo ngayon.talo kayo no ang gaganda pa nila..”bulong ni kay kina arthur at lancelot na napapahanga sa pagkalalake ni daryl.
“Ang swerte naman nya.sana ako din ganyan.”bulong ni lancelot.
Natuwa ang limang babae sa sinabi ni demeter kahit sila man ay nahihiya sa kanilang kasalanan kayat humanga sa kabaitan ng goddess.
Na ikinatuwa din ni mia dahil ayaw na nakikitang nagaaway at malungkot si demeter at si daryl.
6pm na nanghapon na iyon,kayat doon na nagpalipas ng gabi ang lahat at sama samang naghapunan.
Kinagabihan habang nagpapahinga ang lahat ay naisipan ni demeter na silipin ang blessing ni daryl upang iayos ang mga essence points gaya ng dati nilang ginagawa tuwing hating gabi.
Habang magkasama sa kwarto ni demeter upang masolo ang isat isa.
“ang laki na nang ipinag asenso ng level mo.level 214.ang lakas lakas mo na,matindi siguro ang hirap na pinagdaan mo.and dami na din nadadgdag sa ability mo at lahat ay napakataas ng pag asenso.
Hinati ko na ulit ang mga essence points at inilagay ko sa str at agi mo.
pasensya ka na mahal at hindi kita nasamahan.
Pero kahit nangyari ang mga bagay na ito na sumusubok sa pagmamahal natin sa isat isa.gusto kong malaman mo na.mahal na mahal parin kita.”sabi ni demeter.
“Mahal na mahal din kita demeter.at kahit ano pa ang mangyari ay wala parin papantay sayo.”sabi ni daryl at hinagkan si demeter hanggang sa mauwi na sa mainit na pagsasalo ng kanilang mga katawan sa buong magdamag.
Kinabukasan ay maagang nagpaalam si daryl,ngunit pinigilan ni demeter na sumama pa ang limang babae dahil sa nagdadalang tao ang mga ito.
“pasensya na kayo girls.hindi na kayo pwedeng isama sa pakikipaglaban at baka mamiligro ang mga sanggol na nabubuo palang sa iyong mga sinapupunan.
Hayaan na natin sila ang humarap sa pakikipaglaban.naniniwala akong mananalo sila.sana maintindihan nyo girls.dito nalang muna kayo habang magulo pa ang paligid.
Babalik si daryl para sa atin.”malakas na paniniwala ni demeter.
“tama si demeter.dito nalang kayo.hindi ko man aminin ay talagang naging mahalaga na kayong lahat sa akin.hindi rin ako papayag na may mangyaring masama sa magiging anak natin.”sabi ni daryl.
“Pero gusto rin namin lumaban.makakatulong kami kahit sa malayuan.”sabi ni kagura
“isama nyo kami.lalaban kami kahit nasa airship lang kami.”sabi ni cris.
“Sige kung ganon,kung hindi talaga kayo mapipigilan.sasama na din ako.makakatulong ang suppot magic ko.”sabi ni demeter upang protektahan ang mga sanggol sa sinapupunan ng mga babae.
“sasama na din ako ate.maiiwan kami ni edge dito.kuya daryl sasama din kami”sabi ni mia.
Nang biglang dumating din si rina,bela at himawari.
“Sasama din kami,hindi namin pwedeng pabayaan si holy guide demeter.lalu pa ngayon at dinadala nya ang magiging baby nyo.”sabi ni bela.
“pero.napakadilikado ng lakad.”sabi ni daryl.
“basta sasama kami.magkakasama na tayo dito noong una palang.hindi ka namin iiwan sa laban.misyon natin ito.kaya sasama kami kahit ayaw mo.pag iniwan mo kami.susunod parin kami.kaya please daryl.pangako iingat namin ang sarili namin.”sabi ni kagura na nagsasalita para sa lahat at noon ay nag aalala para kay daryl kayat ipinilit na sumama.
“sige na sir daryl.isama mo na sila.malakas at matibay ang glory knight mother airship.at pprotektahan namin sila para sayo.”sabi ni kay.
Kayat napilitan nang pumayag ang binata.
“sige.pero doon lang kayo sa airship.mangako kayo na hindi kayo maghihiwahiwalay.”sabi ni daryl.
Nagkasundo sundo ang lahat at pumayag sa gusto ni daryl.
“Yehey sasama din kami.”sabi ni mia sabay yakap sa bewang ni daryl.
“hindi tayo maglilibot.gera ang pupuntahan natin.kaya ang trabaho mo ay bantayan ang mga ate mo.maliwanag ba?.kayong dalawa ni edge.”sabi ni daryl.
“yes sir!!.pprotektahan po namin lahat ng magiging baby mo kuya.syempre pamangkin ko silang lahat di ba.”sabi ni mia.
Napailing nalang si daryl at nagpatuloy na sa pagpunta sa airship ng glory knight.
Natuwa ang mga babae at walang nagawa ang binata na alam nilang nag aalala lang para sa kanila kayat niyakap ng sama sama.
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasyPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...