11.katrina

257 38 0
                                    

Lahat ng kingdom sa buong heavens art world ay may roong 10 days short course magic accademy,kung saan inaaral ang mga magic users at kasama na din ang kurso ng pagiging raider na noon ay gawain lang ng mga non magic user.
Unique ang patakaran ng magic accademy na starting place ng mga new commer magic user restless soul na nanggaling sa interview ng mga arc angel sa soul office ng heavens art world.
Trabaho lang ng accademy na  ang lahat ng basic magic way hangang lvl 1 magic ay maituro, matuto man o hindi ang estudyante.kayat ang pakikinig at pag aaral na mabuti ay advantage bilang newbie mages.
Isa si katrina sa mga bagong magic users na hindi sineryoso ang pag aaral ng magic sa heavens art word accademy sa pag aakalang kalokohan lang ang lahat ng  iyon.
Si kartina ay isang anak ng mayamang pamilya,marangya ngunit hindi pinapansin ng kanyang mga magulang dahil sa pagiging mapurol ng kanyang isipan kumpara sa kanyang mga kapatid.
Kayat ang kanyang napiling paraan para mapansin ay gumawa pa ng masmaraming kalokohan,at nagpapanggap na matapang at walang pakialam.ngunit ang kanyang puso ay nagdurugo sa kalungkutan at uhaw sa pagmamahal.
Galit sya sa kanyang pamilya,ngunit isa lang naman ang kahilingan ng kanyang puso at ito ay ang pagmamahal ng kanyang pamilya.
Kayat naisipan  na  magpakamatay nalang sa kawalan ng pag asang mamahalin pa ng kanyang sariling pamilya sa paraan ng pagpapariwara ng kanyang katawan sa maraming bisyo.
Overdose ang kanyang sinapit at pagkabagok ng ulo kayat comatose ang kanyang katawan sa ospital.
At dahil ang kanyang puso ay naghahanap ng pagmamahal ay binigyan ito ng pag asang litisin sa loob ng heavens art wold ng lord god.
Maraming  peaceful opportunity ang naghihitay sa mga magic users ngunit sa panahon ngayon ay marami na din hinihinging requirement ang mga employment provider pangunahin na ang magic effiency.
10 day palang ang dalaga na katulad din ni daryl.
At dahil kalalabas lang sa magic accademy ay hindi nito alam kung saan at kung paano magsisimula na inakala nyang magiging madali sa pag aakalang kalokohan lang ang lahat.
“Haaayy!!.sawakas!.nakalabas din ako sa accademy,kung ano ano ang tinuturo nila doon wala naman say say.”sabi nang mayabang na dalaga.
Pag labas nya sa bakuran ng accademy ay may roon agad nag aabang na jobpair boots para sa kanilang mga baguhan.
“Hahaha.ang galing ah parang totoo.para saan pa eh patay naman na tayong lahat.ayoko rin naman nang bumalik sa amin.parang mga tanga.job pair job pair pa.ano naman ngayon kung hindi ako magkatrabaho dito.kaya nga nagpakamatay eh.dahil ayoko na sa buhay ko.”sabi ni katrina.
Malayo sa kabayanan ang accademy kung saan may one time free floating carpet shuttle na maghahatid sa kahit ano mang destination na bayan sa loob ng kingdom.
Binalewala ni katrina ang jobpair dahil gustohin man nya ay hindi nya kayang ipasa ang mga magic exam dahil pati ang pag aaral sa accademy ay binalewala at tinatawanan lamang.
Kayat nang makita ang express carpet shuttle ay agad itong sumakay kahit wala pang siguradong pupuntahan.
Tinawag na one time free carpet shuttle dahil sa oras na umalis ka sa lupain ng accademy.ay hindi ka na makakabalik pa,lugar lamang ito para sa mga new commer.
Kampante lang ang loob ng mayabang na dalaga kayat nilisan agad ang accademy at nagtungo sa north lemuira city.
Ineenjoy lang nito ang magandang kapaligiran at ang mga kakaibang magical na bagay,hayop at nakatutuwang passion ng mga tao.
Intensyon ng dalaga na patayin muli ang sarili kayat sinusulit na ang pag lilibot.
Hanggang sa makaramdam ito ng gutom ngunit walang pera para bumili ng pagkain,mayabang lang ang dalaga ngunit hindi naman masama.
Kayat ang pride ay hindi kayang ibaba para mamalimos dahil sa kanyang isip ay puro pagpapakamatay lamang din.
Naglalakad ito sa kabayanan ng biglang matisod ang isang matandang babae.
“ikaw!.susunugin ang kaluluwa mo sa impyerno!.ito ang mundo ng pagkakataon.kayat ayusin mo ang mga bagay na hindi mo nagawa,upang wala kang pagsisihan sa huli!.magsipag bago na kayo!!.wag nyong kalimutan kung bakit kayo narito!!!”sigaw ng matandang babae na inakala nyang nasisiraan ng bait kayat agad na tinakbuhan.
Kinilabutan ang babae sa kabila ng kanyang pagwawalang bahala at muling naalala ang kanyang interview kay st michael kung saan nabaggit ang kanyang lolo at lola.
Ngunit sa isip nya ay hindi parin maniwala kahit maraming ebidensya na ng bagong mundo ang kanyang nakikita at hinaharap.
Unti unti habang nararamdaman ang pag iisa sa kanyang pag iisip ay may tanong na buo sa kanyang malalim na pag iisip.
“paano nga kaya kung meron talagang second chance,magiging masaya na kaya ako,o baka naman dapat baguhin ko yung paraan at maging maayos ako.hahaha.bakit ko ba ito naiisip ngayon.eh wala naman silang kwentang pamilya,kaya nga nandito ako ngayon eh.”sabi ni katrina.
Ngunit habang tumatagal sya sa loob ng bayan kung saan nakikita nya ang payapa at tahimik na pamumuhay ng masasayang tao ay naaalala nya ang mga ngiti at kasiyahan ng nag iisang tao na nagmamahala sa kanya at ito ay ang kanyang  lola.
“kamusta na kaya si lola.baka kung napano na yun.baka hindi nanaman umiinom yun ng gamot.rebelde rin yun eh.pero namimiss na kita lola.kahit sinusungitan mo ko.alam kong nag aalala ka.mali ako eh.dapat pala sinunod nalang kita.bakit ba kasi nagpaka adik pa ako.”sabi ni katrina habang lumalim ang pag iisip sa kanyang lola at unti unting nahahanap ang kanyang sarili, ngayon na magisa nalng ulit sa bagong mundong hindi nya kilala.
Biglang tumulo ang luha nito at isang malakas na pwersa ng pakiramdam ang nagtutulak sa kanyang kalooban na bigyan muli ng pagkakataon ang sarili na ayusin ang mga bagay sa kanyang buhay kung saan nalimot nyang mahalin ang kanyang sarili.
Dito nya nahanap ang dahilan para magpatuloy at magbakasakali sa pag asang inihahain ng heavens art world.
Kayat muling nabuksan ang isipan para lumaban at mabuhay upang makita ang hinahangad na isa pang pagkakataon.
Dito nya naisip ang kahalagahan ng mga binalewala nyang pagkakataon sa accademy na hindi na nya mabalikan. na ngayon ay naiisip nya ang importansya.
Sinubok nyang pumasok ng trabaho ngunit kakaunti at hindi sapat ang kaalaman kahit sa basic magic na kanyang tinawanan sa loob ng 9 na araw sa accademy.
Hanggang sa pinakamababang posisyon ay hindi nya makuha dahil ang lahat ng bagay sa loob ng greatwall ay ginagamitan ng magic na hindi nya kayang gawin kahit nabiyayaan pa ng magic.
Dito nya pinagsisisihan ang nagawa nyang kamalian at mga kayabangan dala ng kawalan nito ng pakialm.
Nagdaan ang mga oras at ang kanyang sikmura ay walang tigil sa pagkalam.
Hindi na nya malaman kung saan tutungo,sya na nasanay sa buhay na maluho.
Kayat naramdaman nya kung gaano sya kahina at kung gaano sya kaliit dahil ang mga tao sa paligid ay walang intensyon na sya ay pansinin.
Naluha ang dalaga habang pilit na kinakalimutan ang sakit ng kanyang sikmura sa paraan ng pagtulog at umaasang sa kanyang paggising ay may kasagutan na ang kanyang problema.
Kayat nahiga ito sa concrete island sa palibot ng puno sa gitna ng bayan at doon piniling itulog ang gutom at lunukin ang  kanyang pride.
Samantala,Nanatili sa thinker forest ang grupong daryl at doon ipinagpatuloy ang kanilang raid dahil tinututukan ni daryl si bela upang lumakas ito bago sila pumunta sa susunod na lvl ng mga  halimaw.
Ganun din ang ipinag utos ni daril kay edge upang madagdagan pa ang lakas nito na kanyang itinalaga para tulungan syang protektahan si mia.
Kayat iniwanan nya sa pangangalaga ni bela at edge si mia.upang harapin ang mga kalaban na makalalapit kay mia at maabot nila.
Habang si daryl ay patuloy na hinahabol ang kanyang quota na natriple pa dahil gamay na nya ang kilos ng mga baboon at hindi na uubraa ang mga ito sa kanya.
Kitang kita ang diperensya ng level ni daryl sa mga baboon trol na nasa lvl15 pa, at literal na pinatunayang killing machine na ibinansag sa kanya.
Nakikita nyang Nahihirapan si bela at edge ngunit nakakaraos naman ang mga ito kayat patuloy na ipinagkatiwala si mia.
Kayat sa maghapon na nagdaan ay panibagong lakas ang kanilang nakamtan.
“guys!.uwi na tayo.3pm na.mukang pagod ka  na mia.hahaha.kaya pa ba.”sabi ni daryl.
“hehe.Pano naman kasi kuya.ang dami mong napatay eh.naubos mo na nga yata ang mga baboon dito.ang lakas mo na talaga.hahaha.parang hindi ka nga napagod eh.tubig lang naman ang iniinom mo.tapos takbo dito takbo doon.haay nako kuya.kaya napagod ako kaka kuha ng mga patay mo.kaya pala bumili ka pa ng luring potion.kasi balak mo silang ubusin.napuno yung bag ko pati yung kay ate bela marami din laman.”sabi ni mia na halata ang pagod kahit taga putol at pulot lang ng ulo.
Pagod si edge at bela dahil sa pagsunod ni mia sa pamumulot ng kill ni daryl ay napapasunod din sila at nasasabak sa maraming baboon na sumusunod sa luring potion na ginamit ni daryl.
Kahit si edge ay kulang na ang lakas para buhatin pa ang tatlo para  sa byahe kayat si mia nalang at bela ang isinakay at sinabayan ng lakad ni daryl.
Natuwa si daryl sa kanyang sarili at sa 286 baboon ay hindi nasagad ang kanyang lakas sa maghapon,na nagpapatunay ng masmalakas na resistensya sa katawan,habang pinagmamasdan si mia at bela na laglag ang balikat sa sobrang pagod habang nakasakay kay edge.
“kamusta edge.napagod ka ba?sabi ni daryl habang sinasabayan si edge.
“Opo master.pasensya na po at hindi ko na po kayang bumuhat pa ng masmabigat.ang likot likot po kasi ni mia kanina.tsaka lumaban po talaga ako gaya ng payo ninyo.hindi ko po pababayaan si mia.”sabi ni edge.
“ayos lang.dati ko naman ginagawa ito noong wala ka pa.nilalakad lang namin ni mia.”sabi ni daryl.
“thank you edge ha.sobrang pagod ko na rin kasi hindi ko na kayang maglakad.naubusan pa ako ng bule potion.”sabi ni bela.
“ok lang po miss bela.”sabi ni edge.
“alam mo ba kuya.naka 43 si edge at 42 naman si ate bela.tapos ikaw 286 hahaha kaya napagod ako eh.”sabi ni mia.
“sya nga naman.ano bang drugs ang tinitira mo.daig mo pa ang kalabaw.bagay na bagay sayo ang bansag mo.parang killing machine ka talaga eh.”sabi ni bela kay daryl.
“hehe.Hindi ko rin alam.baka dahil sa level gap.”sabi ni daryl.
Nagpatuloy sa paglalakad ang kanilang grupo at naging tahimik na si mia na noon ay nakatulog na sa braso at dibdib ni bela,habang si bela naman ay wala ng lakas para makipag kwentuhan pa at hinihila na ng pahinga ang katawan.
“ako na muna ang magdadala sa guild house.mauna na kayo sa bahay at nang makapagpahinga na kayo.”sabi ni daryl  kay bela at edge nang marating nila ang gate ng greatwall.
Kayat mula doon ay naghiwalay na sila kung saan ang oras ay ginabi na din dahil mula sa thinker forrest hanggang sa gate ay mabagal ang lakad nila.
Daily routine na ni daryl ang  bumili ng pasalubong  para kay demeter na madalas na ibinibilan ng mga inihaw o litson at cookies na paboritong pagkain ni demeter.
Kayat iisa lang ang palaging daanan ni daryl,at ito ay ang matandang puno sa gitna ng bayan kung saan nya unang nakita si demeter.
Nagulat ang binata at madilim na ay naroon parin ang isang babae na nakahiga sa concrete island at hindi parin umaalis kahit nag uwian na ang mga tao at mga nagtitinda.
Kayat nacurious ang binata at nagpasyang lapitan ang babae na natatakpan ng mahabang buhok ang muka.
“ah miss.miss.miss.ayos ka lang ba?”sabi ni daryl.
Nagising ang babae at pupungas pungas pa ang mata at gulogulo ang buhok na nakatakip sa muka at hindi mapigilan ang kalam ang sikmura.
“bakit dito ka natutulog,delikado na dito pag gabi.maraming gumagalang rapist dyan.bakit hindi ka pa umuuwi.”biro ni daryl.
Habang nagsasalita si daryl ay sa hawak na pagkain nakatingin ang babae na agad.naman napansin ni daryl.
“hindi ka pa siguro kumakain?”sabi ni daryl.
Napatango nalang ang babae at malungkot na humarap kay daril at hindi napigilang tumulo ang luha sa awa nito sa kanyang sarili.
Nang hawiin ng babae ang kanyang buhok ay nakilala ito ni daryl.
“parang kilala kita.ikaw yung babaeng katabi ko don sa waiting area ng arc angel office.tama ba?”sabi ni daryl.
At naalala din ng babae si daryl na noon ay nahihilo na sa gutom.
“oo ako nga.tama naalala kita.ikaw yung natutulog.”sabi ng babae na si katrina.
“dito karin pala napunta?.anong ginagawa mo dito sa bayan.delikado na dito.ang dilim na oh.”sabi ni daryl.
Hindi na nahiya pa si katrina at tuluyang nilulon ang kanyang pride upang humingi ng tulong habang umaagos ang luha sa kahihiyan.
“ang totoo.kakalabas ko lang sa accademy.kaso wala akong natutunan dahil binalewala ko yung turo nang mga instructor doon,kasalanan ko naman.sinubukan kong makahanap ng trabaho para makakain manlang ako.pero wala eh.ayaw nilang tumanggap ng hindi marunong magmagic,nagugutom na talaga ako.”sabi ni katrina.
“ibig sabihin pala.wala kang tutuluyan.buti nalang at nadaanan kita dito.sumama ka nalang sakin.doon ka nalang tumira sa sambahan namin.ipapakilala kita kay holy guide demeter at sa mga bagong kaibigan ko.habang wala kapang trabaho,ako na muna ang bahala sayo.”sabi ni daryl sabay abot ng kanyang kamay na nakangiti.
“Huhuhuh.thank you.hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.hayaan mo pagsisilbihan kita para makabayad ako sayo.”sabi ni katrina.
“wala yun.Ako nga pala si daryl,hindi manlang tayo nagkakilala noon.”sabi ni daryl.
“ako naman si katrina.rina nalang para mahigsi.”sabi ni rina.
“halika na rina,wag ka nang umiyak.ako nang bahala sayo.”sabi ni daryl.
“wala ka ba manlang natutunan na kahit anong magic?”sabi ni daryl.
“meron kaso nakalimutan ko eh.pero pag nakita ko ulit.kaya ko naman siguro.”sabi ni rina.
“di bale.tignan ko nalang kung makakahingi ako ng tulong kay holy guide demeter mabait naman yun.baka sakaling maturuan ka nya.”sabi ni daryl.
“Salamat ha.kala ko.mamamatay na ko sa kalye eh.ang yabang yabang ko kasi.”malungkot na sabi ni rina.
“Wag mong masyadong I down ang sarili mo.lahat naman tayo nagkakamali.ang importate marunong tayong tumanggap ng pagkakamali natin.ok lang yan.”sabi ni daryl.
Narating nila ang sambahan at agad na sumalubong si demeter na noon ay may ngiti sa labi,ngunit agad na nakita ang kasama ni daryl.
Maganda si katrina.na hindi papahuli sa kagandahan ni demeter.
Dahan dahan  nawala ang ngiti sa labi ni demeter na may halong selos ngunit hindi ito nagpahalata.
“ahm hi! Kaya pala ginabi ka.mukang may date ka pala.”sabi ni demeter nahumihigpit ang hawak sa kanyang apron.
Nagulat naman si daryl at biglang nabahala.
“Ahm hindi po!.nagkakamali ka holy demeter.magkaibigan lang kami.nakilala ko sya noon sa waiting area ng arc office.nadaanan ko po sya dyan sa bayan eh,wala pong mapupuntahan kaya isinama ko po dito sa samabahan.pero maniwala ka po.hindi ko sya date.napagod na kasi si yung tatlo kaya ako nalang ang dumaan sa guild house.tsaka dumaan pa po ako ng pasalubong tsaka pang hapunan.hindi po talaga.”sabi ni daryl na halos magkanda bulol sa pagpapaliwanag.
Nangiti naman si demeter at gumaan ang loob.
“hahaha relax daryl.nakasmile na si holy guide demeter oh.sige na tuloy na kayo at nang makakain na tayo.hi miss ako si bela.”sabi ni bela na noon ay natatawa sa reaksyon na ipinapakita ni demeter at daryl.
“hi ate!.anong pangalan mo?.ang ganda ganda mo naman po.magkasing ganda kayo ni ate holy guide demeter.ako po si mia.kuya ko po si kuya daryl.”sabi ni mia.
“hi.ako naman si demeter ang holy guide goddess ng sambahan ito.welcome .ang kaibigan ni daryl ay kaibigan ko rin.”tapat at mabait na sabi ni demeter.
“Ah hi.good evening po holy guide demeter,miss bela at mia.ako naman po si katrina,rina nalang po.totoo po ang sinasabi ni daryl.pasensya na po at wala na po kasi akong matakbuhan.”sabi ni rina.
“ok lang rina.naiintindihan ko.maari kang tumuloy dito kung gusto mo.marami pa naman bakanteng kwarto para sa lahat.welcome sa family.”masayang sabi ni demeter.
Nang biglang mapayakap si rina kay daryl nang makita nito si edge.
“aso! Aso! Aso!..”sabi ni rina na kabang kaba.
Alam ni demeter na kaibigan lang si rina ngunit Hindi mapigilan ang magselos at napakagat sa kanyang labi.
“wag kang matakot,kaibigan din namin sya.sya si edge.isa syang anima.mabait yan.”sabi ni daryl na noon ay walang malisya.
“hi.ako po si edge.”sabi ni edge.
“hai!.n-nagsasalita?.s-sorry edge.hehe.nababaliw na yata ako sa gutom.”sabi ni rina.
“Hihihi.hindi ka nababaliw ate.nagsasalita po talaga si edge.hihihi.”sabi ni mia.
“halina kayo at nang makakain na tayo.hihihi.”sabi ni demeter.
Pagdating sa hapagkainan ay hindi napigilan ni rina ang matinding gutom at natulala ang lahat sa bilis nitong kumain.
Agad naman napansin ni rina na nakatitig sa kanya ang lahat at dahan dahan bumagal sa pagkain.
Nagpaliwanag si rina at isinalaysay ang buong pangayayari kasama na ang kanyang kapalpakan at pagkakamali.hindi nito napigilan mapaiyak sa kalungkutan gayun din si demeter na mababaw ang luha.
Naintindihan naman ng lahat ang kalagayan ni rina at malugod na tinanggap sa pamilya.
Kayat bilang pasasalamat ay nangako naman na magtatrabaho sa sambahan bilang katulong o utusan.
hindi naman pinayagan ni demeter na maging utusan si rina dahil sa awa nito at natural na kabaitan kayat tinaggap si rina bilang pamilya.
Hindi maubos ang luha ni rina sa pasasalamat at sa kabila ng kanyang pagiging arugante at walang pakiaalam ay nakahanap parin sya ng mabubuting tao na kukupkop at magpapahalaga sa kanya.
Nagbukas ng masayng kwento si daryl upang pasayahin si rina at naging maayos at magaan ang loob ng dalaga at ang hapunan ay muling sumaya sa kwentuhan na wlang pressure at puro masasayang nangyari lamang.
Matapos ang masayang hapunan ay maagang nagpahinga si mia at bela dahil sa hapo ng kanilang katawan.
Kayat agad na nagprisinta si rina na mag-urong ng mga pinagkainan.
Gaya ng dati ay si demeter din ang nagpakita ng kwartong tutuluyan ni rina.
Kasalukuyang nagpapahinga na ang lahat at si demeter nalang ang naiwan sa sala habang nagttraining ng target knife si daryl.
“hindi ka pa ba inaantok daryl?”sabi ni demeter nang maisipan nitong lumapit kay daryl.
“Hindi pa po.mamaya pa po siguro kapag natapos itong ginagawa ko.”sabi ni daryl.
“hindi pa kita nasisilip.
simula nang sumama sayo si bela.mabilis na ang level nya.level 15 na sya ngayon at kasalukuyang nag iincrease ang dagger ability nya.sooner may skill na yon.
And would you belive na kahit si mia ay naglevel up ng dalawa.level 3 na sya.hihi.
halika nga at ng makita ko naman ang progress mo.”sabi ni demeter at agad naman humarap si daryl.
“Nag level ka ulit ng 3 ngayong araw,lv 27 ka na.at isang spirit essence points na nilagay ko sa agility.
Lahat ng ability mo ay nag increase din,pati ang palagi mong tinetraining tuwing gabi ay may skill nang katambal ang trow knife ability mo.siguro tawagin nalang natin na weapon power pitch.hindi naman kasi namimili ng weapon itong trowing skill mo.
Lahat sila humahanga sayo,kahit si bela na bihira magtiwala ay naging malapit sayo.
Alam mo bang isa ka daw mahusay na leader ng party.
Noong una pa man ay humahanga na ako sayo.maraming salamat.”sabi ni demeter habang hawak ang dibdib ni daryl dahil sa blessing checkup.
Nagkatitigan ang dalawa at parehas na nagbblush.
“Para saan naman po at nagpapasalamat kayo sakin.ako dapat ang nagpapasalamat sa inyo.at napakabuti nang inyong pag aalaga sa akin.i mean sa aming lahat.”sabi ni daryl.
“Nagpapasalamat ako dahil kung hindi ka dumating,baka hanggang ngayon ay miserable parin akong goddess.ikaw ang lahat ng dahilan kung bakit naging maayos ang lahat.nakikita kong ginagawa mong lahat para sakin at sa mga kaibigan mo.napakabuti mo daryl.ikaw ang bumuhay muli ng demeter woship house.”sabi ni demeter at napahawak sa pisngi ni daryl.
Hindi nagbibitaw sa pagtitigan at matatamis na ngiti ang dalawa at patuloy na nagbblush sa kilig na parehas nilang nararamdaman sa romantikong oras na iyon.
Nang biglang kumislot si edge at tumahol.
Nananaginip pala ito kayat biglang naghiwalay si daryl at demeter,nagkahiyaan at nagkatawanan ng makitang nananaginip si edge.
“Ahm ah salamat po sa checkup.magpahinga na po kayo.ako na po ang.magpapatay ng mga ilaw pagtapos kong magtraining.”sabi ni daryl na bahagya pang naiilang sa sweet moment nila ni demeter.
“ah eh.okie magpahinga ka na rin.good night.”sabi ni demeter na parehas din ng nararamdaman ni daryl.
“Good night po.”sabi ni daryl at ngumiti.
Pagtalikod ni demeter patungo sa kanyang kwarto ay hindi mapigilan nito ang mapangiti sa saya.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon