10.attack of the behemoth

243 40 1
                                    

Excited ang lahat sa unang araw na magkakasama sa raid kayat maagang nagsipag handa.
Habang pinagmamasdan ni bela si daryl ay ipinangako nito na susundin bilang pinuno si daryl kahit hindi naman hinihiling ng binata.
“edge!.kaya mo ba kaming isakay.ako si kuya at si ate bela?”sabi ni mia.
“oo naman po.kayang kaya po.”sabi ni edge.
Ang rarity ng uri ni edge ay maihahambing sa katawan ng  boss monster.ngunit si edge ay bata pang thinker wolf at nagtataglay palang ng lvl8 na katumbas ng lvl16 sa ordinaryong level katulad din ng boss monster.
Isinakay ni edge ang tatlo ng walang hirap.at lahat ng nakakakita ay humahanga sa laki at ganda ni edge na kung tutuusin ay pinakamaliit pa sa kanilang magkakapatid.
Kayat ang mga nakakakilala kay daryl at mia at lalong napapahanga sa  nakuha nilang rare type anima.
Muling nagbalik sa thinker forrest ang grupo at doon ulit nagraid kung saan kinausap ni daryl si edge na noon ay tutol na bumalik sa takot na makita ng mga kapatid ngunit sumunod din kay daryl at nagtiwala.
Parehong strategy ang ginawa nila.kung saan pain si mia,bantay ni mia ang werewolf form edge at katulong na ni daryl na umaatake si bela gamit ang explosive potion at assault dagger habang sinusopporthan parin ni daryl dahil hindi kinakaya ang langkay langkay na baboon.
Hanga si bela ng makita nya ang fighting style ni daryl na hindi nya kayang gayahin ngunit ginagawa nya ang kanyang makakaya sa pagpatay ng baboon sa sarili nyang hirap dahil alam nyang binabantayan din sya ni daryl kahit abala sa maraming paparating na baboon.
Gusto ni daryl na maging malakas din si bela kayat hinahayaan lang sa pakikipaglaban na kanyang binabantayan.
Ang lahat ay nasa ayos at smooth ang ginagawa nilang raid sa mga baboon hanggang sa abutin sila ng tanghaliaan kung saan mabilis ang trabaho dahil si mia ay mabilis din natapos sa pamumulot ng mga ulong pinuputol nya habang kasagsagan ang killing spree ni daryl at bela.
Pagod na pagod si bela at halos maubos ang kanyang blue potion,ngunit mas naeenjoy ang party sa unang pagkakataon na hindi ramdam ang pagiging mahinang  support lang.
Nakita ni bela kung gaano kasaya at karesponsableng leader si daryl Sa party nila  kayat hindi na nagtataka na tumagal si mia kahit level 1 lang ang bata,dahil sya man ay ramdam nya ang pag aalala at pababantay ni daryl na labis nyang hinangaan.
Maging si edge na isang pet anima ay hindi itinuturing na pet ni daryl at sinasanay din sa pakikipaglaban upang maging private guard ni mia upang mabawasan ang kanyang pag aalala sa bata at maibuhos pa ang kanyang lakas at bilis sa pagpatay ng mga halimaw upang maagang maabot ang sarili nyang quota.
“break muna ba tayo kuya?sawakas at humupa din.kala ko hindi na matatapos eh.kahapon lang halos pagtaguan na nila tayo.tapos ngayon,matapang nanaman sila.”sabi ni mia.
“baka kasi ibang baboon na yan.mabuti nga yon at hindi na natin sila hinahabol ulit.sige at break muna,medyo gutom na rin ako eh at napapagod na rin ako.tsaka quota na rin naman na ako ng 92 straight kill.pero tuloy parin tayo.1:30 palang naman,hanggang 3pm.tapos uuwi na tayo.ikaw bela kaya pa ba?”sabi ni daryl na noon ay napapansin ang matinding pagod kay bela.
“ha ha ha(hingal).oo kaya pa.ang bilis kong mapagod kaya halos naubos ko na yata ang blue potion na baon ko,hindi na kita nabigyan.sorry ha.”sabi ni bela.
“Ok lang.kaya ko pa naman.mainam nga ito at lumalakas ang resistensya ko.”sabi ni daryl.
“kuya! Ate!.nakita nyo ba si edge.ang galing galing din nya.naka 11 na baboon sya.at lahat yon ay kinain nya ang atay.hihihi.good work edge.”sabi ni mia.
Tuwang tuwa naman si edge na noon ay madungis sa dugo ng mga baboon.
Tumayo sandali si daryl para umihi sa likod ng puno.
“Ako naman naka 14 ako.ang hirap pala makipaglaban ng harapan.takot na takot ako kanina buti nalang at hindi tayo pinapabayaan ni daryl.”sabi ni bela.
“ganyan talaga si kuya.kaya love ko yan eh.kahit masaktan sya basta ligtas lang tayo.gagawin parin ni kuya yon.”sabi ni mia
Nang biglang kumulimlim ang langit ng madlim at mapulang ulap.
Natigilan sa kwentuhan si mia at bela.
“ow my god.hindi maganda to.daryl!!!”sigaw ni bela.
“kuya alis na tayo bilis!!!.”sabi ni mia.
“huh?!.bakit ba parang takot na takot kayo.eh mukang uulan lang naman.”sabi ni daryl.
“hindi yan basta basta ulan.”sabi ni bela.
Nang biglang tumunog ang alarm ng great wall.isa itong alarm upang bigyan ng babala ang mga tao sa labas ng greatwall.
“ano bang nangyayari.bakit may alarm?”sabi ni daryl.
“mamaya ko na ipapaliwanag sayo.kailangan na natin makabalik sa loob ng greatwall.”sabi ni bela na kinakabahan.
“oo nga kuya.halika na bilis.edge isakay mo kami!.kailangan natin makaalis na dito.”sabi ni mia na bakas ang matinding pangamba.
Agad nagtransform si edge sa pagiging thinker wolf , isinakay ang tatlo at tumakbo ng matulin sa abot ng kanyang makakaya upang makaabot sa loob ng gate bago ito magsara.
Walang idea si daryl ngunit alam .nyang mapanganib iyon para matakot ang tatlong kasama kayat nakinig at naniwala sa dalawa.
“dyos ko po,dyos ko po, dyos ko po,eeeeehhh!!!”sigaw ni bela habang umiiskape ang anima wolf.
Malapit na sila sa kid  goblin field ng biglang bumagsak ang ulan.
Napahawak nalang si bela at mia sa balahibo ni edge at umiiyak sa takot na  nakayakap at napapatili pa sa bawat hagupit ng kidlat.
Habang si edge ay pilit na hinahabol ang papasarang gate ng greatwall na ramdam rin ang takot sa pag-iskape ng kanyang pagtakbo.
Dasal ng dasal si mia at bela habang si daryl ay kinakabahan na din sa reaksyon ng dalawa.
Ano mang habol ang gawin  ni edge ay hindi ito umabot sa pinto kayat dumiretcho ito sa bahagi ng lupa kung saan walang sungit ng madilim at mapulang ulap.
Ngunit malayo ang bahagi ng lupang iyon na kailangan nyang takbuhin.
Maya maya pa ay yumayanig na ang lupa at lalong nag-alburuto ang anima wolf sa matinding takot.habang si mia at bela ay walang tigil sa kaiiyak at katitili.
Kasabay ng buhos ng ulan ang paglabas ng mga behemoth giant killer worms monster level 70 sa ilalim ng lupa upang kainin ang lahat ng gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
Semi boss mega size monster category ang behemoth.kayat ang lvl nito ay x1.5 sa ordinaryong level.
malakas,makunat,sobrang laki at asido ang laway ng behemoth na wala pang nangangahas na lumaban dahil sa dami nito sa ilalim ng lupa na umaahon lamang sa patak ng tubig mula sa pulangmadilim na ulap.
Isa itong uri ng pesteng nagdudulot ng delubyo at takot sa mga tao.
Sunod sunod na lumabas ang mga dambuhala at mahahabang behemoth na pilit hinuhuli ang grupo ni daryl sakay ng anima wolf.
Dito na bumuhos ang kaba at takot ni daryl.ngunit pilit iyon pinanglalabanan at pinagtitiwalaan ang bilis ng kanyang  anima na hindi parin sumusuko sa pagtakbo ng mabilis.
“Wag kang susuko edge.kaya mo yan!!.bosing wag nyo po kaning pababayaan.”sigaw ni daryl na may halong pagdarasal.
Takot na takot si edge ngunit ayaw nitong isuko ang sari at ang mga kasama sa kamatayan kayat kahit pagod ay bumubuhos parin ang matinding determinasyon na makaalis sa ulan sa ilalim ng madilim at mapulang ulap.
Montik montikan ng abutin ng malalaki at punong puno ng ngipin na bibig ang kawawang edge,ngunit maswerteng naliligtasan pa at patuloy ang karipas ng pagtakbo.
Hanggang sa halos masakop na ng mga behemoth ang kabuuan ng mga lupa na napapailalim sa madilim at mapulang ulap.
Parang langgam na lumulusot sa matataas na damuhan ang anima wolf na hindi bumitaw ng focus sa takot na magkamali at bumagga sa katawan ng nagngangalit na behemoth at maging pagkain silang lahat.
Nag alab ang determinasyon sa mata ng anima wolf na hindi na alintana ang pagod at takot sa kagustuhang mabuhay at makatakas.
At sa hirap ng struggle sa napakaagresibong behemoth ay ligtas na naalpasan ang mga nagngangalit na behemoth at dali daling nagtungo sa ligtas na distansya kung saan hindi na sila maabot ng mga behemoth.
Nadapa sa sobrang pagod ang anima wolf ng maramdaman nitong ligtas na sila ng kanyang mga kasama lalu na ng kanyang master na labis na nagtiwala sa kanya.
Parang isang malaking puntos ng larong foothball kung saan nakatouch down ang anima wolf bago nagshotdown ang lakas nito sa sobrang takot at umuusad ng naka bisaklat.
Tumilapon din sa tuyong lupa na malayo sa mga behemoth ang tatlo at kasamang umuusad ni edge.
Hindi makapaniwala ang tatlo na ligtas na sila,kayat sa sobrang tuwa ay napasigaw si daryl.
“waaaaaahhhhhh!!!.haaaaaaa!!!..huuuuu!!!..thank you boss thank you!!!.hahaha…edge ang husay mo!!!!hahaha.”sabi ni daryl habang nakaluhod galing sa pagkaka usad at biglang napatakbo para yakapin si edge na nakabisaklat at kuskusin sa ulo sa sobrang tuwa at nakahinga ng maluwag.
Habang si edge naman ay bisaklat parin,lawit ang dila sa kahihingal,ngunit sobrang saya din na tinatanggap ang kasiyahan ng kanyang master kayat kahit hindi pa makatayo ay ikinakawag ang buntot ng masaya.
Si bela naman at mia ay parehong nakaupo muna at hindi na nakuha pang mag salita at parehong nawalan ng malay sa sobrang saya nang makita ng mga itong ligtas na sila sa mga behemoth dahil sa pagod ng katitili at kaiiyak sa sobrang takot.
Matapos magcelebrate ng matinding saya ni daryl sa pagkuskos sa ulo at pasasalamat sa kanyang anima thinker wolf ay tsaka lang ulit nabaling ang kanyang pansin kay mia at bela na noon at nakahandusay na  walang malay ngunit mahimbing lang ang tulog.
“hahaha,ibang klase  pala tong kinatatakutan nyo.talaga palang nakakatakot,sige at matulog muna kyo,ganito ba talaga dito.”sabi ni daryl habang binubuhat at inililipat si mia at bela sa tabi ni edge.
“ha ha ha ha ha(hingalx2).opo master daryl.ha ha ha ha.(hingal x2).behemoth po ang tawag sa mga monster na iyan.at ang bagay na yon sa langit ay ang paborito nilang inumin.ha ha ha ha(hingal).ang tawag naming mga thinker wolf ay gatas sa kalangitan.pansinin nyo po silang lahat master, nakanganga sa ulan at hindi sinasayang ang patak ng puting ulan.ha ha ha ha ha(hingal).kayat lahat ng maramdaman nilang gumagalaw ay iniisip nilang kaagaw sa gatas ng langit.hindi sila titigil hanggat hindi nila napapatay ang ibang nilalang liban sa kanilang uri.ha ha ha ha(hingal x2).”sabi ni edge na noon ay nanglalambot pa ang tuhod ngunit nakahiga na ng maayos at kasamang nakatanaw ni daryl.
Iisa lang ang posisyon ng mga behemoth na nakalabas sa malaking hukay ang mahahaba nilang malauud na katawan,nakanganga sa langit at nanginginig,kayat ang lupa ay nag bavibrate kayat kahit ang mga kalapit na lupang hindi naman sakop ng madilim na pulang ulap ay nagtatago rin ang mga halimaw at hayop.
Samantala sa loob ng greatwall naroon lahat ng tao at naghihintay na matapos ang ulan.
habang ang iba naman ay matyaga rin na nagsasahod ng tubig dahil pinaniniwalaan na nagbibigay ng 5% chance ang puting tubig galing sa ulan na nagbibigay ng mahiwagang mahika upang ang isang babae ay magkaroon ng kakayahang magkaanak.
Isang natatanging paraan sa heavens art world upang makabuo ng anak ang mga tao(restless soul) na piniling magmahalan at bumuo ng pamilya.
Mababa man ang chansa ay umaasa parin ang mga ito sa posibilidad dahil may mga record na ng mga successful couple na nabiyayaan ng anak.
Kayat ang mga tao sa heavens art world ay tinatawag ang puting ulan na juice of life.
Nang oras na iyon ay naisipan dumalaw ni aphrodite kay demeter para makichika kung ano na ba ang standing ni daryl kay demeter.
“hi girl demeter.”sabi ni aphrodite.
“oh hi! Aphrodite ikaw pala.halika pasok ka.”sabi ni demeter.
“may ibibigay ako sayo.o heto inumin mo yan ha.”sabi ni aphrodite.
“Nyee!!!.bakit mo ko binibigyan nyan.ikaw aphrodite ha ako nanaman ang nakita mo.”sabi ni demeter.
“Hahaha.natutuwa kasi ako sayo.sige na.makakatulong sa inyong dalawa to.”pang-asar parin ni aphrodite.
“ha?!.sino ba ang tinutukoy mo.”sabi ni demeter at biglang namula at agad naisip ang nasa isip ni aphrodite.
“Uyyyy!!.iniisip mo sya ngayon kunwari ka pa.nag bblush ka nga eh.hihihi.”sabi ni aphrodite.
“No!!.aphrodite ayan ka nanaman.tigilan mo nga ako.”sabi ni demeter sabay talikod at umiiwas dahil sa sobrang pamumula at kilig.
Habang si aphrodite naman ay masayang masaya sa pag ttrip nito kay demeter.
Si demeter naman ay bumalik sa gawaing bahay.
“wow!.ang ganda ng bahay nyo ah.”sabi ni aphrodite sabay lapit kay demeter na nagpupunas ng sahig.
“Sabihin mo.nahalikan ka na ba nya.”bulong ni aphrodite.
Nang biglang matigil si demeter at parang biglang sumabog sa pamumula nang maalalang hinalikan nya si daryl.
“k-kiss ba kamo.haaaa haaa haa”sabi ni demeter na biglang hindi na napigilan ang sarili sa sobrang pamumula sa  kilig at kaba,ay bigla nalang nawalan ng malay.
“ahay!.demeter !demeter! .huy!. hahaha.binibiro lang kita ang dali mo naman hulihin.hahaha”sabi ni aphrodite habang hawak si demeter at pinapaypayan ng kamay.
Dahan dahan dumidilat ang mata ni demeter sa kandungan ni aphrodite.
“Totoo ba?!.nahalikan ka na nya?iiiyyyyy.ang sweet!.”sabi ni aphrodite.
“Baliw ka talaga.ako nanaman ang nakita mo.”sabi ni demeter at napangiti ng maganda tanda ng pag sang ayon sa tanong ni aphrodite.
“ay ay ay.humahaba ang hair mo girl.sinasabi ko na eh.so anong plano mo?”sabi ni aphrodite.
Bumangon si demeter at biglang nalungkot at tuluyan nang nagsabi ng totoo.
“alam mo naman na ipinagbabawal ng lord god na umibig tayo sa tao,kaya kahit masakit ay hindi ko pwedeng tanggapin ang pagibig nya.sakali man na umibig sya at magtapat sya sa akin.pero dito sa puso ko.sigurado akong umiibig ako sa kanya.pero kailangan ko itong itago.para pantilihin ang relasyon ng pagiging holy guide ko sa kanya.”sabi ni demeter.
Naawa naman si aphrodite at niyakap si demeter.
“ok lang yan girl.minsan minsan kasi.pwede mo naman I enjoy eh.if you know what I mean.sige ka baka.maunahan payan ng iba.”sabi ni aphrodite.
“Aphrodite!!.enough na!”sabi ni demeter na kitang kita naman na iimagine sa kanyang isip ang tinutukoy ni aphrodite na nagpapakilig sa kanyang pamumula.
“hahaha.ang cute mo talaga girl.maganda na sexy pa.for sure iniisip ka rin non.hehe.”sabi ni aphrodite.
“Sabing enough na eh.um!”sabi ni demeter sabay kutos sa ulo ni aphrodite.
“Aray!!.joke lang!”sabi ni aphrodite.
“Ang laswa mo kasi.sorry.”sabi ni demeter.
“alam mo girl.kaya ikaw ang paborito ko eh.wala ka parin ipinagbago,you have the simplest mind,kindest,sweet,cry baby,and soft hearted goddess.”sabi ni aphrodite.
“hump bola.halika na nga lang at magluto tayo ng miryenda.”sabi ni demeter.
Sa wakas ay nabago rin ang topic.at masayang pinag usapan ang kanikanilang mga followers.
Alas 4pm na ng hapon ay malakas parin ang ulan,kayat walang magawa si daryl at ang mga kasama kundi ang maghintay.
Kayat naisip ni daryl na subukin ang lakas ng kanyang skill gaya ng sabi ni demeter.
Habang nanonood naman ang tatlo habang nakaupo sa malago at malambot na damo.
Tumayo ng maayos na sword stance ang binata habang hawak ang puluhan at kaluban ng silver wind soul katana at binabalak gawin ng magkasunod ang anger of the blade at pierce of the blind.
Ang dating 30sec charging consentration,ngayon ay sapat na sa 5 sec para mag pawala ng sword skill.
Pinawalan ang kanyang unang skill at agad din pinasundan ng ikalawang skill.
Nagulat ang binata at ang dalawang skill ay sobrang naging malakas sa dati nitong estado at nagkaroon pa ng long slicing wave effect at long piercing wave effect kung saan naroon parin ang power ng sharpness at piercing na tatama at pipinsala sa kalaban hanggang sa effective distance na humigit kumalang 25 meters.
Hanga ang dalawa sa ipinakita ni daryl na bihirang makita dahil kadalasang high level lang ang may ganoong kakayahan mula din sa mga legendary at holy relic weapon or items.
18 meter ang haba ng hulin behemoth bago ang tuyong lupa dahil sa bakas ng pagkakadamba nito sa tuyong lupa.
Kayat naisip ni daryl na gamitin ang kanyang skill at pag practisan ang behemoth sa safe distance.
Nagpawala ng sunod sunod na anger of the blade at piercing of the blind ang binata sa behemoth na walang magawa dahil hindi nito maabot ang binata kahit gustuhin pa nito.
Hindi magawang alisin ang kapit ng kanilang puwit sa ilalim ng lupa dahil mahihirapan na silang makabalik.
Kayat nagwala ng nagwala ang behemoth na tinatarget ni daryl.
At dahil sa sharpness level ng silver wind soul katana at puro skills ang ginagamit ay malalalim na sugat ang ibinibigay nito sa ibat ibang bahagi ng katawan ng behemoth na nagpupumiglas at dumadamba sa lupa dahil sa sakit.
At sa kakabitaw ng binata ay unti unti nitong nakukuha ang mga mali at kulang sa mga skills.
pabilis ito ng pabilis nahalos zero second charging time na ang dalawang skill at nagawang maging instant ready any time.
Hanggang sa makonsumo pa ni daryl ang baon nitong blue posion para magreplenish ng kanyang lakas at magpatuloy pa sa pagppractise.
May naisip ang binata na magandang gawin bago maubos nanaman ang natitirang lakas,kayat tinipon ang kanyang lakas gamit ang panghuling atake kung saan huminga ng malalim,itinoon ang isip sa kanyang bilis at lakas at nagpawala ng sunod sunod na anger of the blade sa pinakamabis na paraan.
At isinilang ang bagong skill at ability na tinutukoy ng goddess kay daryl nang hindi  nito namamalayan.
Hindi mabilang na hiwa ang tinamo ng behemoth sa maiikling segundo lang sa iisang bahagi ng katawan kung saan lumalalim ang sugat.
Paulit ulit nitong ginawa ang mabilis na sets ng pag atakeng iyon upang sanayin pang lubos ang sarili.
Hindi napapansin na nagiging kritikal na ang bawat sugat at pinsal ng behemoth.
Nagulat pa ang binata ng maputol ang katawan mg behemoth na dahan dahan nyang nabiyak gamit ang kanyang bagong skills.
Bumagsak sa lupa ang behemoth at mabilis na namatay.
Hindi na kumilos pa ang behemoth at lumatag sa lupa na parang lobong umiimpis sa pagtagas ng kanyang kulay violet na dugo.
“woaaww!!!.my god daryl..”sabi ni bela na hindi makapaniwala na makakapatay ng isa si daryl.
“Weeeeee!!!ang galing mo kuya!.”sabi ni mia.
Ngunit masyado ang pagod ni daryl na labis naman nitong ikinatuwa at matagumpay na naisagawa ang naiisip na paraan At nakapatay ng isa sa mga halimaw na nagpahirap sa kanila at nagbigay ng matinding takot sa kanilang lahat.
Kayat sa kanyang paghanga sa kanyang kayang gawin ay lalong lumalakas ang kanyang determinasyon na makita ang kahihinatnan ng kanyang sarili kung magiging masmataas pa ang maaabot na level ng kanyang pangkalahatang  lakas katulad ng mga highbie na alam nyang malaki ang maitutulong upang maging kapakipakinabang na raider na magbibigay karangalan kay goddess demeter na kanyang tinatangi.
Agad lumapit si bela  upang kunin ang mga ngipin ng behemoth dahil ang ngipin ay gawa sa naiibang uri ng bakal na maaaring gamitin sa paggawa ng matibay na sandata na kadalasang magic forge weapon.
“halika mia.kunin natin ang ngipin.magagamit natin yon.”masayang sabi ni bela.
“sige po ate!.sama ko.”sabi ni mia.
Habang si daryl naman ay nahiga ng nakadipa sa malambot na damuhan sa pamamahinga.
6pm na nang humupa ang ulan at magsimulang mabalikan muli sa kailaliman ng lupa ang mga behemoth.
Tsaka lang nakauwi ang grupo kung saan si mia,bela at edge ang nagpunta sa guild house para ipalit ang mga ulo.
Si daryl naman ay nagtungo sa palengke upang bumili ng pampasalubong kay demeter na kanilang pagsasaluhan sa hapunan.
Unang nakauwi ang tatlo kung saan nag-aalalang naghihintay si demeter sa pinto na noon ay hindi mapakali sa takot na nakain na ng mga behemoth ang minamahal nyang followers lalu na si daryl dahil ginabi na ang mga ito.
Naroon parin si aphrodite na parang hindi nag-aalala sa kanyang mga followers at nais pang makisalo ng hapunan sa pamilya ni demeter.
Maya maya pa ay dumating narin si daryl.
Agad ibinigay ni mia ang bag ng perang pinagpalitan ng mga ulo.
Ipinahati iyon sa 40,40,20 kay mia kung saan 20%kay mia,40% kay bela at 40% kat daryl.
Laking gulat ni bela nang matanggap nya ang kanyang parte.
“huh?!.ito ba talaga ang sakin?”sabi ni bela na hindi makapaniwalang hahatiin ng kapantay sa parte ni daryl na alam nyang halos lahat ng kinita ay galing dito.
“oo naman.bukas ulit!”sabi ni daryl na  wala sa loob ang pera at nakangiti.
Natahimik si bela at napatingin nalang kay dary, nahihiya sa kanyang natanggap ngunit sobrang natuwa at napatunayan lalo kung gaano kabuting leader si daryl sa kanilang grupo.
“edge.para sayo naman to.maganda rin yung ipinakita mo kanina,salamat ha.”sabi ni daryl at ibinigay ang isang buong litson manok.
“huuummm.wow! Salamat po master.ang bango!!.hihihi.”masayang sabi ni edge at agad na kinain sa kanyang kainan.
“kumain na tayo!.”sabi ni daryl na halata ang pagod at gusto nang magpahinga.
“hi daryl!.sabi ni aphrodite na galing sa kusina kasama ni demeter.
“buti naman nandito ka na.kakain na tayo.”sabi ni demeter.
“dumaan pa po kasi ako sa bayan.para dito sa litsong manok.kainin po natin ngayong hapunan.kamusta po holy guide aphrodite.”sabi ni daryl.
Muli nanaman bumanat si aphrodite.
“nandito na pala ang daddy,kanina ka pa hinihintay ni mommy eh.may pasalubong pang litson manok pang suyo sa nagaalalang mahal.kiss naman dyan.”sabi ni aphrodite.
Biglang natigilan ang dalawa at nagkatinginan at sabay na nagblush.
“ayyiii.nagbblush sila..hahaha.”sabi ni aphrodite.
Nakitawa naman si mia at bela.
Hiyang hiya si demeter at pilit itinatago ang nararamdaman ngunit hindi maitago ang kilig na ipinapakita ng kanyang muka.
Hanggang sa hindi na ito nakatiis at nilapitan si aphrodite at kinurot sa singit.
“aww!!.hahaha.joke lang!!.”sabi ni aphrodite at nagtawanan.
“gutom lang yan.kumain na nga tayo.”sabi ni demeter na hindi tuloy makatingin ng maayos kay daryl.
Naging masaya ang isang simpleng hapunan na bihirang danasin ni aphrodite kayat bahagya itong naiingit kay demeter habang pinagmamasdan ang masasayang muka at pagiging close nilang lahat.
Dahil masmadalas na mag isa  si aphrodite sa kanyang samabhan at bihirang saluhan ng kanyang mga followers na sobrang taas nang paggalang sa kanya kayat naiilang ang mga iyon na makasama sya kahit hindi nila huli ang tunay na ugali ng kanilang goddess na mapagpakumbaba at palakaibigan.
Matapos ang hapunan ay nagpaalam na si aphrodite.
At muli ay binisita ni demeter ang growth ng tatlo.
Muli nanaman pinahanga ni daryl ang holy guide sa panibagong level na nakamtan.
Inaabangan na ni mia at bela ang reading kay daryl na inaasahan nilang nakamamangha.
“sabi ko na eh.palagi mo nalang akong ginugulat.anim na level ang itinaas mo ngayon.malaking exp ang nakuha mo sa behe-moth?.lumaban ka sa behemoth?!.hindi ka ba manlang kinabahan.”sabi ni demeter.
“ah eh.malayo naman po ako.tsaka ligtas naman po yung paraan.”sabi ni daryl.
“Opo holy guide demeter.nandoon po kami ni mia.”sabi ni bela.
At nagpatuloy ang goddess.
“from lvl 18 to lvl 24 at may roon kang 6 spirit essence point.na ilalagay ko ulit sa strengt at agility.
Dahil din sa behemoth.massive increase nanaman ang mga ability mo.kapag nagpatuloy pa yan sasampa na ng A level ang mga ability mong madalas gamitin.
Malinaw na din ang trowing ability mo although mababa pa ang exp.
Malinaw na ngayon ang isa pang ability na sinasabi ko sayo.ito yung atake  ng marami at mabilis.tawagin nalang nating intensive hyper stance skill.hyper ka naman nung ginagawa mo yan.
Ginamit mo ito kanina.at dahil dyan nadagdagan ka pa ng isang skills,ang multiple word skill attack.
Napakaimpressive ng growth mo daryl.
Ikaw din bela,ipagpatuloy mo lang ang mga bagong raiding program mo.maganda ang progress mo ngayon.”sabi ni demeter.
Muling nag training sa gym si daryl na ginagawa na nyang pampaantok tuwing gabi.
Na sinabayan naman ni bela dahil gusto nito ang paraan ng binata na kanyang ginagaya,kayat sinasanay din ang abilidad sa dagger nya.
Habang si mia at demeter ay naglalaro sa sala.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon