Makulimlim ang ulap na sasalubungin ng airship kayak sa katanghalian.
Sama sama sa loob ng control room habang kumakain ng late nang tanghalian.
“Masama yata ang panahon dito parang uulan,naisip ko tuloy ang red cloud,masarap magpalevel doon.napakadaling pabagsakin ng mga bahamut basta hindi mo lang lalapitan.maibebenta mo pa ang mga ngipin at balat sa mahal na halaga.”sabi ni daryl.
“kanina pala napagusapan namin ni emily.dapat daw may pangalan ang kayak,so ano sa palagay mo daryl.”sabi ni kagura.
“kailangan ba talaga yun?”sabi ni daryl.
“syemre naman.lahat ng bagay sa mundo ay may halaga kaya dapat lang na pangalanan natin sila,lalu na ang ganito kagandang lumilipad na barko”masaya at galak na sabi ni emily.
“hihihi.Airship hindi barko.”sabi ni cris na natutuwa sa kakulitan ng daldal ni emily.
“sige na captain daryl.”sabi ni emily.
“kaptain?!.ako?!.hindi naman tayo pirata.”sabi ni daryl na natatawa sa kulit ni emily.
“Sabi kasi sakin ni kagura.ikaw daw ang may ari ng barko.kaya ikaw ang kapitan namin.di ba girls.”sabi ni emily.
“hihihi.tama.”sabi ni cris.
“oo nga naman.at kami ang magaganda at sexy mong pirata.”sakay naman ni kagura.
“???.sumakay naman kayong dalawa.”sabi ni daryl.
“sige na kasi pumayag ka na. pangalanan mo na ang kayak.”sabi ni kagura.
“sige sige sandali lang. pwede na ba ang destiny.para nagpapaalala ng magiging kapalaran ng sumasakay sa kanya.”sabi ni daryl.
“wow!.ok na ok yan captain.bagay na bagay syo destiny ang pangalan mo.narinig mo naman di ba?sabi ng owner mo.”sabi ni emily habang kinakausap ang destiny.
Tuwang tuwa ang tatlo sa kulit ni emily.
Samantala,sa atarcak sea sa tapat mismo ng old atarcak kingdom ay tumigil ang malaking airship isang araw na ang nakakaraan,na pag aari ng lumina brotherhood.
Pinamumunuan ito ni henry ang lumina general 6,power class level B (198), mage doctor,at jonas ang lumina general 7,powerclass level A (205),necromancer wizard.
“Anak naman ng kamote oo.dalawang araw na tayo dito.yung mga kalansay mo hindi parin nahahanap ang susi.ahihihihi.”sabi ng masiyahin na si henry.
“buti nga at 2 araw palang tayo,si ramona at wilbert, 5 araw na sa loob ng ruins ng kuraki hindi parin nakikita ang susi.pasalamat ka na.”sabi ng emotionless na si jonas.
“hanep,nakakabato na kase, kamoteng susi yan.hindi kasi ako makahinga sa tubig.ahihihihi.”sabi ni henry habang tinitignan ang mga susing inaahon ng mga skeleton minions.
“natural.hindi ka naman isda.”sabi ni jonas.
Nagkalat ang mga skeleton minions ni jonas sa ilalim ng tubig sa kalawakan ng old atarcak kingdom para hanapin ang susi.
Lahat ng susing mahanap ay inaahon sa ibabaw ng malaking airship ng lumina.
24 oras ay walang tigil ang mga skeleton minions.
“Wala parin.puro basura ang.mga susing yan.matutulog muna ako.”sabi ni jonas.
“maidissect na nga lang ang mga nahuli kong halimaw.sige mga kamote sisid pa.”sabi ni henry sa mga skeleton minions.
Samantala,sa head quarters ng lumina.
“Anong balita sa paghahanp kay kagura?bakit natatagalan?”sabi ni pinuno ng lumina brother hood.
“sa usombra,huling nakita si kagura.mula doon wala nang makapagsabi kung saan sya napunta.galing na din ako sa kuraki pero wala din sya doon.at hanggang ngayon nasa loob parin ng templo si ramona at wilbert.wala rin silang nakitang ibang pumasok sa templo. ”sabi ni marius ang lumina genral 4,power class level A (203),sword master(dark demon blood sword).
“sinasabi mo ba sakin na natakasan ka ni kagura!.”sabi ng lumina boss.
“ganon na nga.”matapang na sabi naman ni marius habang kausap sa magic tablet ang lumina boss.
“anak ng?.nasaan ka ba?”sabi ng lumina boss.
“Nandito sa dagat. Ahh mangculia?hindi ko alam eh.pero naghahanap parin kay kagura.wala naman akong ibang sasakyan kaya dito na ako bumaba galing sa mga pirata..”sabi ng pasaway na marius habang sakay ng maliit na desagwan na bangka,nagrerelax at kumakain ng sweets sa ilalim ng malaking payong.
“Bwiset napakahirap talaga pasunurin ng isang yan.”sabi ng lumina boss.
“Dala ko na po ang 1 billion na ulo ng mga monsters galing sa guild ng lemuria at ang virgin na babaeng ito.para sa bone key.”sabi ni renren ang lumina general 1,power class level B (193),beast master,ang may kagagawan ng mga kaguluhan sa loob ng lemuria kingdom na nagdadala ng malalakas na boss monster.
“natagalan ka yata?.4 na araw ko lang tinarabaho ang sa akin.”sabi ni charlotte,ang lumina general 2,power class level A (201),ice wizard.
“ts!.kalokohan.mayabang”sabi ni renren.
“bakit hindi mo tignan doon.hindi ba blue flame phoenix eye at hundred years old wood yon.inaalikabok na yung lalagyan.”pagyayabang ni charlotte.
“minamaliit mo ba ko.”inis ni renren.
“oo.mahina ka naman talaga.bakit gusto mong makita?”sabi ni charlotte sabay amba.
“Tama na yan!.sige na renren ilagay mo na yan sa lalagyan.tigilan nyo na yan.”sabi ng lumina boss.
“Parang mga liyon pag nagkakaharap harap.
charlotte tulungan mo si marius na hanapin si kagura.nandoon sya ngayon sa mangculia.
renren at alfred kayo ang hahanap ng stone key sa mystic island nurem.
Kilos na!”sabi ng lumina boss at tumalikod na para bumalik sa kanyang kwarto.
Si alfred ang lumina general 3,power class level A (203).fire wizard.(dragon scale armor).
Agad na umalis ang tatlo para sundin ang kanilang boss.
Sakay ng kanyang malaking wyvern anima.ay nilakbay ni charlotte patungong mangculia.
Sa lupain ng rucaria,naroon ang kanilng headquarters malapit sa demon pith.
Mula sa rucaria ay 12 hrs ang mabilis na byahe sa himpapawid gamit ang wyvern anima ngunit inabot ng 15 hrs dahil sa pagpapahinga sa byahe ni charlotte.
Kayat narating ni charlotte ang mangculia ng alas 5 na ng umaga.
Maagang nagsimula sa paghahanap kay marius sa baybayin ng mangculia ngunit hindi natagpuan dahil tinangay ng alon ang sinasakyan na banka patungo sa likurang baybayin ng mangculia.
Pagod pa sa mahabang byahe ay lumapag sa lotus port si charlotte upang doon kumain ng masarap na agahang sea foods.
Nagkataon na kulay pula din ang buhok ni charlotte,maganda at sexy.hindi nalalayo sa kagandahan ni kagura.
“bili po kayo mam.bwenamano po kayo.libre ang isang tuhog ng kahit ano.”sabi ng babaeng tindera.
“Sige nga po.pabili ng apat na tuhog.paki ihaw na rin po.”sabi ni charlotte.
“ang ganda ganda naman po ng buhok nyo.kamuka po nang babae dito nung isang araw.”sabi ng tindera.
Agad napaisip si charlotte at naalalang pula din ang buhok ni kagura kahit hindi nya ito nakita ng personal dahil sa sya ay kasalukuyang nasa misyon noon at hindi naisama sa pagkuha kay kagura sa magic temple.
“ano po ang itsura?”sabi ni charlotte.
“Maganda din po sya.mahaba at bagsak ang buhok,sexy at mappeal.pero may kasma po syang babae at lalake maganda din yung babae at gawpo yung lalake.pinagtitinginan nga po silang dalawang babae at napaka sexy nila sa soot nilang bathing suit.”sabi ng tindera.
“baka po pinsan ko yun.kagura po ang pangalan.alam nyo po ba kung saan sila nagpunta?”sabi ni charlotte.
“Ah oo nga po.parang narinig ko nga po na kagura ang pangalan nung babaeng pula ang buhok.kahapon po nakita ko umalis na sila,nakasakay sa airship kayak.”sabi ng babae.
“Saan po gumawi?”sabi ni charlotte.
“doon po”turo ng babae sa direkayon nila daryl.
Hindi nagpahalata si charlote na hinahabol nya si kagura kayat kinain muna ang biniling seafoods kasama ng kanyang service wyvern anima na nagiging humanoid wyvern.
Matapos kumain ay agad na pinakyaw ang lahat ng paninda ng babae at ipinaihaw upang baunin sa mahabang byahe.
Inilaman sa kanyng magic food capsule ang mga pinakyaw na sea foods at pasimpleng nilisan ang beech at hinabol ni charlotte ang sinasabing airship kayak.
Higit na masmabilis ang wyvern sa kayak,kayat ang 24 oras na byahe ng kayak ay 18 oras lang ng pinakamabilis na lipad ng wyvern.
Dahil sa walang tigil na mas masamang panahon sa karagatan ng lemuria,kung saan masmataas ang masungit na ulap ay nahirapan ang destiny sa paglipad kayat bumagal ito upang maiwasan ang pagkasira.
Hindi na maitaas pa sa ulap dahil sagad na ang layo ng mga floater device engine sa level surface ng lupa at karagatan.
Kayat nagdaan ang buong araw na tinatagpos ng kayak ang masamang panahon.
Samantala upang maiwasan ang masungit na panahon ay nilagpasan ni charlotte ang masungit na ulap upang makalipad ng maayos ang wyvern.
Kayat sa ikatlong araw ng paglalakbay nila daryl mula sa mangculia ay natatanaw na ni charlotte ang destiny.
“haay sawakas naabutan ko rin.yun na kaya yon.sana yun na yon.wala naman akong ibang airship na nadaanan.”sabi ni charlotte habang pinagmamasdan ang kulay puting kayak (destiny).
Alam ni charlotte na power class si kagura kayat hindi nya ito basta basta makukuha lalu na kung may mga kasama pa na hindi pa nya alam ang level.
Kayat ang naisip na paraan ay magpanggap na mabuting tao upang makagawa ng paraan para makuha at mailayo si kagura sa iba at masolo,at kung sakaling mabuko sya at lumaban.
Papadilim na ng oras na iyon.ngunit malayo parin ang destiny.
Buti at sadyang malinaw ang mata ng wyvern at kayang lumipad ng apat na araw ng walang tigil.
Kayat kahit madilim na ay patuloy parin ang paglipad ng wyvern hanggang sa abutan na ang destiny.
10pm na ng gabi ng lumapag ang wyvern sa front deck ng destiny.
“ano yun?”sabi ni emily.
Alam ni daryl na isang babae at isang dragon type monster ang lumapag sa front deck ng destiny dahil ramdam nya ang spirit energy sa katawan ng mga ito na nababasa ng kangyang yhon sense dahil sa hubog ng kanilang mga katawan.
Bihasa sa pagsisinungaling si charlotte kayat balewala sa kanya ang magpanggap,kung kaya ang flow ng spirit energy sa katawan nito ay normal.
“shh.ako na ang haharap.”sabi ni daryl at agad na hinintay sa pinto ang hindi inaasahang bisita.
Hindi naman nagpabaya ang tatlo at umantabay.
Malakas ang hangin at ulan ng oras na iyon.
“Itatago na muna kita wyvern.saka na kita ulit tatawagin.”sabi ni charlotte at ginamit ang isa sa kanyang legendary necklace(amiba) na ang kakayahan ay maging pansamantalang tahanan ng mga anima.
Matapos iyon ay nagtungo sa pintuan ng destiny at kumatok
Hindi agad pinagbukasan ni daryl at pinakinggan muna.
“tao po!.pwede po bang makisilong!.inabutan lang po ako ng hating gabi sa himpapawid.at hindi na rin po kinaya ng wyvern ko”sabi ni charlotte.
Naawa naman si daryl at pinapasok si charlotte.
“Haaaa hhii.ang lamig..salamat po sir.”sabi ni charlote.
“nasan na yung wyvern mo?di ba kasama mo kamo.”sabi ni daryl.
“itinago ko po muna sa loob ng relic para makapagpagaling,may sakit po sya pero pinilit kong paliparin dahil may humahabol na pirata sa akin at gusto nila akong pagsamantalahan.sana ay mabuhay pa sya.”sabi ni charlotte.
“Kung ganon baka matulungan kita.ilabas mo sya at bibigyan natin ng first aide.baka makatulong ang potion.”sabi ni daryl.
“hindi ko na po yon magagawa pang ilabas at one way portal lang po ng mga anima ang relic.nasa private sactuary na po sya ng bahay namin.
Naniwala naman si daryl.
“teka sandaly at ikukuha lang kita ng twalya at tuyong damit.”sabi ni daryl.
Kayat nagtungo sa cabin at sinabihan ang lahat,kinausap ang mga ksamang babae upang pahiramin ang bisita.
Nakita ni charlotte si kagura at nakumpirma na ito nga si kagura,kayat nagpatuloy sa kanyang pagpapanggap.
“Ito mis.gamitin mo na ang twalya at damit ko.baka magkasakit ka nyan.basang basa ka.”sabi ni kagura na wala manlang idea na isa sa general ng lumina ang kaharap.
“salamat mis.”sabi ni charlotte.
Agad na sinamahan ni cris sa cabin si charlotte upang makapagbihis.
Nang makapagbihis ay pumasok narin si daryl at ang iba pa.
“ako nga po pala si charlotte.ikinagagalak ko po kayong makilala.maraming salamat po sa pagpapatulong ninyo sa akin.”sabi ni charlotte.
At nagpakilala naman ang apat.
“pasensya ka na mis.hindi ka namin maihahatid agad sa lupa at may hinahabol kaming misyon.kaya pansamantala kung wala kang sasakyan.dito ka nalang muna hanggang sa maihatid ka namin sa lupa.”sabi ni daryl.
“ok lang po sir.maraming salamat po.pano ko po ba kayo mababayaran.”sabi ni charlotte habang nakatitig kay daryl na noon ay nakasando lang at pantalon.
“wow yummy pala talaga yung lalake.mukang magugustuhan ko dito.hindi ako aalis ng hindi kita natitikman.”sabi ni charlotte sa kanyang isipan.
“Marami naman higaan dito kasya pa sa ating lahat.”sabi ni daryl.
“Oo nga apat lang naman ang magagamit natin.”banat ni kagura dahil nakita nito ang titig ni charlotte kay daryl.
“ha?bakit apat?.di ba lima tayo dito.”sabi ni charlotte.
“Ah kasi tabi kaming matulog ni daryl.”sabi ni kagura.
“ah ok.mag asawa po pala kayo.”sabi ni charlotte.
“ah hindi mis.nakasanayan lang kasi namin na matulog ng magkatabi.medyo hirap kasi syang matulog mag isa kaya tinatabihan ko.pero my girlfriend ako.wala nga lang sya dito.”palusot ni daryl.
“ouch.aray ko naman.”sabi ni cris parinig kay kagura.
“hihihi.parang tinamaan yata ako.”suporta naman ni emily sa sinabi ni cris nang makita ang sitwasyon.
“I see so friend lang pala kayo.”sabi ni charlotte.
“yup.close friends kaming lahat dito.”sabi ni daryl.
“can I be you friend too.i can share my bed din naman.”sabi ni charlotte na unti unting lumalabas ang kapilyahan.
“Aba at dadagdag pa ang babaeng to.akin lang si daryl habang malayo sya sa girlfriend nya.”sabi ni kagura sa kanyang loob.
“ah hindi mis ok na sya sa tabi ko.sanay naman na sya.”sabi ni kagura at hinila si daryl na hindi kumikibo.
“hump.kala mo ha.”sabi ni kagura sa loob.
“ok.gusto ko lang din makipag kaibigan sa inyo.”sabi ni charlotte.
“Ahehe.pano girls.medyo hating gabi na.baka gusto nyo nang magpatay ng ilaw at nang makatulog na tayo.
Bukas mapapasabak nanaman tayo ulit”sabi ni daryl.
Nakaraan ang matahimik na magdamag at muli nanamang sumikat ang haring araw.
Katulad ng dati ay maagang gumising si daryl para magpapawis bago magpunas ng katawan.
Agad nyang nakita mula sa malayo ang airship na noon ay nakalutang sa tubig at may mga gumagalaw nakalansay.
Kayat agad na ginising ang lahat.
“guys! Gising!.Mukang nandito na din sila kagura.”sabi ni daryl.
Wala parin nalalaman sa misyon si cris at emily,dahil sinasadya ni daryl at kagura na ilihim muna ang lahat.
Agat inihinto ni cris ang destiny at dahan dahan na ibinaba sa tubig.
Pagtapos ay lumabas sa deck upang gamitin ang water mirror cover magic at ang infinite wish magic upang maging see through ang water mirror cover na hindi matatanaw ang destiny.
Kayat nagmukang invisible sila sa ibabaw ng tubig.
“hhaayy,buti nakita mo agad.kung hindi baka napalaban nanaman tayo.wag na kayong mag alala.hindi na nila tayo makikita.”sabi ni cris.
“ayos.buti nalang.”sabi ni daryl.
“sino ba yon mga yon?”sabi ni emily.
“Mga kalaban namin sila,may hinahanap sila at kailangan maunahan natin sila.”sabi ni daryl.
“Kung ganon alam mo na din pala ang tungkol sa susi.tuso ka kagura.sinadya mong humanap ng makakasama.mukang matatagalan ako dito.”sabi ni charlotte sa isip.
Gamit ang magic raidar ng destiny ay lumayo pa sila hanggang 1km upang masiguro na hindi sila makikita.dahil nagkataon na malakas ang posibilidad na doon mismo sa kinaroroonan ng mga skeleton minion nakahimlay ang glass key.
Kayat matapos mag agahan ay naghanda na at nagplano.
Maiiwan na mag isa si cris sa destiny dahil gustong tumulong ni emily at ayaw din magpa iwan ni charlotte upang mapalapit pa sa tiwala ni daryl at kagura.
Gamit ang gaggle ay nakita ni daryl through zooming binocular magic ang mga kalaban.
“kung hindi ako nagkakamali lumina general ang dalawang yun na naka cloak ng itim.ang mga kalansay,ay mga tauhan nila.suguro masligtas kung hindi tayo maghihiwalay.paki explain nga kagura ang effect ng urvon gills.”sabi ni daryl.
“Kapagkinain natin ito.magkakaroon tayo ng kakayahan na makagalaw at makahinga ng normal sa tubig.mero tayong 12 oras.kaya kung aabutin kayo 12 oras sa ilami dapat ay kumain ulit kayo ng isa bago mawala ang ipekto ng una.”sabi ni kagura.
“ingat lang tayo lahat.ako ang mauuna.bawal ang mamatay.ok?”sabi ni daryl at ngumiti sa lahat.
Ngumiti din naman ang lahat.
“Ready.double check nyo yung mga dala nyong urvon gills.”sabi ni daryl.
“Ready!.”sabi ng tatlo.
Dahan dahan na bumaba sa tubig gamit ang mahabang lubid ng destiny pababa sa loob ng greatwall ng atarcak.
Maingat na sinundan ni daryl ang kulo ng langis at sinadyang wag iyon mapansin ng dalwang kasama.
Tama nga ang kutob ni daryl.dinala sila ng papalakas na kulo ng langis papunta sa mga skeleton minion na naghuhukay sa palibot na lugar ng lumang palasyo ng atarcak.
Tapos na sa paghahaluhog sa palasyo ang mga skeleton minions kayat papasuyod na ito sa palibot ng palasyo.
Kayat hindi maiiwasan naharapin ang mga skeleton.
Maingat na nilapitan ng apat ang mga skeleton minions at dali dali nilang dinurog ang mga ulo.
Hanggang sa maubos nila ang dami nang nakaharang sa kanilang dadaanan upang makarating sa palasyo.
Nagtataka si charlotte kung bakit parang sigurado si daryl sa kanyang pupuntahan gayung kita naman na nanggaling na sa plasyo ang mga skeleton at walang nahanap na susi.
Kayat sumunod lang ito sa pamumuno ni daryl upang alamin ang sikreto.
Walang ispirito ang mga skeleton minions kaya hindi ito masagap ng yhon skill sense ni daryl.
Sa dahan dahan at maingat na pagsugod ay narating nila ang lumang palasyo.
Maayos pa ito ngunit nababalot ng lumot at putik,medyo malabo ang tubig dahil sa pagkakagasak ng mga kalaban.
“Emily,charlotte dito na muna kayo,bantayan nyo ang entrance ng palasyo.kami nalang ni kagura ang pupunta sa loob.wag nyong hayaan na may pumasok.”sabi ni daryl.
Pumayag naman si emily gayun din si charlotte na nagpapanggap.
Gamit parin ang langis ay sinundan ni daryl at kagura ang daan ng palasyo.
Palalim ng palalim patungo sa malawak na main sewer treatment facility.
“Nandito na yon kagura.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang kumukulong langis.
Ngunit nakapagtataka dahil lalakas at hihina ang kulo ng langis gayung nakatigil lang sila sa iisang lugar.
“malikot ang galaw ng langis.hindi kaya gumagalaw ang susi.”sabi ni kagura.
“Malamang,kaya humanda tayo.hindi natin alam kung ano ang bagay na yan.”sabi ni daryl.
Dahan dahan na sinundan ng dalawa ang gumagalaw na susi hanggang sa makarating sila sa dead end na sewer line.
Madilim ito,kayat gumamit ng magic si kagura upang magliwanag ang paligid.
Tumambad sa kanila ang isang malaking halimaw na mukang pating at galit na sumugod.
Alam ni daryl na naroon ang halimaw na may ganoong hugis,kayat nakahanda ito sa pag atake ng halimaw.
Agad itinulak ni daryl si kagura pakanan at inilagan pakaliwa ang sumugod na halimaw,nang matapat sa kanyang posisiyon mula sa pagsugod ang halimaw ay agad na hiniwa ni daryl ng katana sa gitna ng katawan.
Putol agad sa dalawa ang katawan ng malapating na halimaw.
At nagpagulong gulong sa sahig.
Buhay pa ito ngunit unti unti rin namatay dahil hiwalay na sa kalahati ng katawan.
“kamontik na ko dun ah.pano mong nalaman na susugurin tayo?”sabi ni kagura.
“naramdaman ko.kahit gaano pa sya kabilis,hindi nya maloloko at mauunahan ang pakiramdam ko.kahit hindi ko pa sya nakikita.bagong skills ko na kung tawagin ay yhon.”sabi ni daryl.
“matindi.ang galing naman nyan.”sabi ni kagura.
“check mo yung katawan,at icheck ko yung ulo.nandyan lang yung susi.”sabi ni daryl.
Agad hinaluhog ni kagura ang katawan at gayun din si daryl.
Nakuha ni kagura sa sikmura ng malapating na halimaw ang isang malaking isda na nakalulon sa susi.
Maaaring napagkamalan ng isda na pagkain ang susi at nakain naman ng halimaw ang isda.
Masayang masaya si kagura at muli nanaman nilang nakuha ang ikalawang susi kayat napayakap kay daryl.
Muling itinago ni daryl sa loob ng magic sac ang glass key kasama ng steel key at ipinasok sa dimensia grimoir ang magic sac.
Si kagura lang ang nakaka alam ng dimensia grimoir sa kanilang grupo.
Nagmamadali nang bumalik sa palasyo ang dalawa upang makipagkita sa dalawang naiwan.
Nang bing pigilin ni daryl si kagura.
“bakit?”sabi ni kagura.
“may halimaw sa dadaanan natin.malaki parang mahabang isda.baka naamoy nya yung dugo ng napatay nating halimaw.papunta na sya dito.kaya humanda ka.pagsinabi kong dapa.dumapa ka.”sabi ni daryl.
Sigundo lang ang pagitan nag biglang.
“dapa kagura!”sigaw ni daryl upang hindi mahagip ng malaking bibig ng malaking halimaw na parang electric eel si kagura.
Ito ang druaga power class boss monster level 195.mabilis,malakas at nababalot ng kuryente ang buong katawan na 20 metro ang haba.
Agad nahawakan ni daryl ng kanyang kamay ang pang ibabaw na ngipin at natukuran ng kanyang paa ang pang ilalim na ngipin ng malaking halimaw na halos sumakop sa luwang ng tunnel.
Nababalot ng yudo at push ang katawan ni daryl upang tumbasan ang lakas ng panga at talim ng ngipin ng druaga.
Inilangoy ng mabilis si daryl at pilit na tinutupok ng malakas na kuryente papunta sa masmalalim at masmadilim na bahagi ng sewer line.
Hindi magamit ni daryl ang imir dahil sa maliwanag na kuryente ng druaga ngunit hindi rin matupok ng druaga ang binata dahil sa lightning cloak na binibigay ng ba'al.
Sinubukang humabol ni kagura gamit ang puma ngunit sadyang mabilis sa tubig ang dambuhalang druaga.
Pilit na isinasara ng druaga ang kanyang bibig upang kagatin si daryl.
Hanggang sa magkapalit na ng sitwasyon ang kinakain at kakainan.
Naisip ng binata na wasakin ang panga ng druaga sa malakas na tulak upang mabisaklat ang mga panga.
Dahil sagad na sa pagkakabuka ang bunganga ng druaga ay hindi na nito maalis si daryl na talagang pinupwersahan ang pagtulak sa mga panga.
Hanggang sa ramdam na ng druaga ang sakit ng pagkapunit at lagutok ng kanyang mga buto sa panga.
At dahil hindi iniida ni daryl ang malakas na kuryente ay naisip nalang ng druaga na isubsob ang binata sa pasahig ng sewer tunnel.
Ngunit hindi parin bumitaw ang binata at pinang lalabanan ng kanyang yudo ang mga posibleng pinsala ng kanyang paggasgas sa sahig na kinakaya rin naman ng kanyang matibay na leather armor pants at jacket.
Malakas talaga ang druaga at natagalan pa nitong pigilan ang pwersa ni daryl na mas nakalalamang sa sitwasyon dahil patulak ang pwersa laban sa paikom na pwersa ng druaga.
Dahan dahan na nagpatalo ang binata ngunit kumukuha lang ng bwelo.
Hanggang sa biglain ni daryl ang unat ng kanyang katawan,braso at hita sa tulong ng malakas na reinforcement push skill at hard red yudo.
Bisaklat ang panga ng druaga na halos matanggal sa kanyang ulo na labis nitong ininda at nagtatarang sa sakit.
Sambulat ang dugo sa napunit nitong panga at nakalalay ang dila kasama ng nakasabit na panga na hilahila ng balat at laman..
Sunod sunod na bitaw ng kuryente ang pinawalan ng druaga,ngunit hindi iyon kinatakutan ni daryl at sinalubong pa ng malakas na saksak sa mata ng kanyang kattana at binitawan ang consentradong anger of the blade habang nakabaon sa mata patungo sa katawan.
Las las ang malaking bahagi at kahabaan ng ulo hanggang sa katawan ng druaga dulot ng napakatalim na anger of the blade na mas pinalalakas ng wind soul effect at pwersa ng push.
Halos mahati sa dalawa ang kahabaan ng druaga.
Dahil natuhog ang utak at nahagip ang mga laman loob ng druaga ay dahan dahan na namatay ang kuryente nito sa katawan tanda ng nauupos nitong buhay.
Hanggang sa tuluyan ng panawan ng buhay ang dambuhalang druaga.
Muling tumanggap ng 3 level at 1 sprit essence ang binata.
Hindi tanaw ni kagura kung ano ang nagyayari nang makasunod ito sa kinaroroonan nila daryl dahil halos magsakto ang laki ng katawan ng druaga sa luwang ng tunnel.
“daryl!.sumagot ka!ayos ka lang ba?”sigaw ni kagura dahil tahimik at walang pagkilos ang buntot ng druaga.
Matagal na walang imik na narinig si kagura.
“Daryl! Sumagot ka sabi eh!.ano ba!”sigaw ni kagura na noon ay kinakabahan na dahil naramdaman din nya ang lakas ng druaga at hindi parin nagpaparamdam si daryl.
Kayat nagpasya si kagura na palitan ang blessed demon puma at gamitin ang blessed demon gorgom.ang pinaka matigas at pinaka malakas nyang soul fusion.upang hilahin ang buntot ng druaga.
“Daryl!.sumagot ka!wag mo naman akong takutin ng ganyan!.nandito na ko tutulungan kita!”sabi ni kagura na hindi mapalagay at pilit na hinihila ang malaking katawan ng druaga.
Nang biglang lumabas sa pagitan ng pader ng tunnel at malaking katawan ng druaga si daryl na noon ay pilit palang sinisiksik ang tagiliran ng druaga upang makalabas.
“iiiyyaaaahh.hhaayy kahirap.ang laki laki kasi.”sabi ni daryl habang pinapalis ang lumot at dugo sakanyang jacket.
Biglang niyakap ni kagura si daryl,at sa unang pagkakataon ay lumuha ang babae sa sobrang pag aalala at takot para kay daryl.
“Huh?!.o bakit?.na miss mo ba ko.hahaha.”biro ni daryl.
Ngunit nakayakap lang ng madiin si kagura na noon ay ayaw ipahalatang umiiyak sya.
Kayat matapos ilabas ang matinding luha ay agad na pinalis ang mata.
“umiiyak ka ba?.”biro ni daryl.
“ha?!.hindi no!.napuwing lang ako.um!”sabi ni kagura sabay suntok ng malakas sa sikmura ni daryl.
“aw!.para saan naman yun?”sabi ni daryl.
“Dahil pinag alala mo ko buset ka.halika na nga!.”sabi ni kagura.
“ahe?.ano bang malay ko.hindi naman kita naririnig.kala ko nga naiwan ka eh.?”sabi ni daryl.
Nang biglang halikan sya nikagura ng madiin sa labi.
“thank you sa paliligtas mo sakin.”sabi ni kagura na noon ay namumula naman ang muka sa kanyang nararamdaman.
Natahimik ang binata at nagulat,kayat ang nasabi nalang ay “welcome.”
“halika na bilis.naghihitay sila sa labas.”masayang sabi ni kagura na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan at ubod ng saya.
Nabulabog ang iba pang sea monsters na nanirahan na sa sewer.ngunit hindi na iyon kasing laki at kasing delikado ng druaga At madaling napapatay ng dalawa hanggang sa makaakyat nang muli sa palasyo at makipagkita kila emily at charlotte na noon ay abala din sa mga sumusugod na sea monsters lvl65.
“anong balita.nahanap nyo ba ang hinahanap nyo?”sabi ni charlotte na mas interesadong malaman dahil kailangan din nila ang susi.
“ayos na.kayo ok lang ba kayo dito?”sabi ni daryl.
“Ok na ok.kulang pa nga eh.”sabi ni emily na punong puno ng buhay at optimistic ang dalaga dahil sinusulit nya ang pagpapalevel sa mga halimaw.
“Oo ok lang kami.”sabi ni charlotte na hindi maitanong kung nasaan ang susi dahil baka mabuko.
“hali na kayo nag makaalis na tayo dito.”sabi ni kagura.
At mabilis na nilisan ng apat ang palasyo habang pinapatay pa ang mga sea monsters na masalabong at mga skeleton minions ni jonas.
Muli ay matagumpay na nagawa ang misyon nang walang aberya.
Kayat habang tumatakbo pabalik sa nakalaylay na lubid ng destiny.
“sino ba itong mga kasama mo kagura.hindi rin sila pang karaniwan.lalu na ang lalaking yan.malalaman ko rin.”sabi ni charlotte na may.maitiim na binabalak.ngunit napapaisip dahil sya man ay napapahanga ni daryl maging si emily na noon ay nakasama nyang lumaban sa mga halimaw.
“malapit ko nang matupad ang pangako ko aleli sa tulong ng mga taong ito.maghintay ka lang at pagbabayarin ko lahat ng tao sa kanilang kawalngyaan.”sabi ni charlotte.
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasyPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...