33.ang hydra

176 33 0
                                    

Tulog pa si kagura nang magising si daryl.
“napagod ka siguro tagala kahapon.”sabi ni daryl habang naghahanda ng agahan at pinagmamasdan si kagura.
Matapos maghanda ay napilitan nang gisingin.
“gising na ui.tangahali na.”sabi ni daryl.
“Haaaa(hikab sabay inat)..haay napagod ako kahapon.napasarap tuloy ang tulog ko.hindi na kita narape.”pagbibiro ni kagura.
“ahe!..kainit mo  naman palagi.bumangon ka na nga dyan.halika nang kumain.tangahali na.pupuntahan pa natin yung friend mo.”sabi ni daryl.
Bumangon si kagura at nagmumog bago humarap sa pagkain.
“may plano ka na ba kung paano natin sya maitatakas.”sabi ni kagura.
“madali syang itakas sa templo.may naisip na ako.pero ang kailangan nating paghandaan muna ay yung sasakyan natin.”sabi ni daryl.
“Makisakay nalng ulit tayo kila kapitan bronson.”sabi ni kagura.
“kung nandoon pa sana sila.sa byahe natin ngayon pabalik sa sacred groud.siguradong gagabihin na tayo.kaya iwas muna tayo sa gulo hanggat maaari.puro takbo tayo ngayon.”sabi ni daryl.
“okie sabi mo eh.kain na.”sabi ni kagura na buo ang tiwala kay daryl habang tumatagal na magkasama sila.
Matapos kumain ay muling naghanda na ang dalawa sa isa nanamang maghapon na walang tigil na paglalakbay sa kagubatan.
Naging magaan ang kanilang paglalakbay kung saan sadyang iniwasan nila ang mga halimaw at tinahak nila ang pinaka mahigsing ruta.
Ngunit ganun pa man ay may roon parin hindi maiwasan na halimaw at napipilitan makipaglaban.
Hanggan sa marating nila ang kalagitnaan ng armidal jungle sa katanghalian kung saan sila tumigil para kumain.
“mabilis ang byahe natin ngayon.buti at walang lumalabas na mga boss monster.”sabi ni daryl.
“swerte tayo ngayon.tsaka nakamenos tayo sa oras at hindi na tayo naghahanap sa mga ruins.kung magpapatuloy tayo ng ganito.mamayang gabi ay nasa sacred ground na tayo”sabi ni kagura.
Hindi parin umaalis sa adventine trial temple si ramona at wilbert, muling pumapasok at tinatahak ang lahat ng pintuan upang marating ang iba pang chamber.
Samantala sa sacred ground.
“anong balita?natanggap namin ang ipinadala mong mensahe.totoo ba?”sabi ng isang pirata na si rudulfo sa kapwa piratang si marvin.
“oo.nakita ko silang pumasok dyan sa kagubatan.pangatlong araw na ngayon.”sabi ni marvin.
“malakas ang kutob ko na buhay pa sila.kaya aabangan natin sila sa gate.ipagpatuloy mo lang ang pagbabantay at nakaantabay kami.”sabi ni rudolfo.
“sige kopya ko.”sabi ni marvin.
Kayat nagpatuloy lang sa pagbabantay si marvin sa kanilang hinihintay,habang si rudolfo ay bumalik sa kanilang air ship.
Nagpatuloy ang paglalakbay ni daryl at kagura hanggang sa marating nila ang araki jungle.
Dahil sa mga nagkalat na katawan ng mga patay na halimaw ay naakit ng masangsang na amoy ng dugo na dala ng hangin ang hydra boss(level 165) na naninirahan sa samasu wetland.
Kayat ang hydra ay sinundan ang pinanggagalingan ng amoy hanggang sa matunton ang mga.patay na halimaw sa araki jungle.
Pabotiro ng hydra ang mga nabubulok at mabahong  laman ng mga halimaw kayat hindi ito umalis at nagpaka pyesta sa mga nagkalat na katawan ng patay na halimaw.
3:30 pm ng hapon.
“nakikita mo ba yon.mukang hindi parin tayo sinuswerte.obligadong daanan natin ang isang ito.yan lang ang daan papunta sa tulay.”sabi ni daryl habang.nakakubli silang dalawa sa halaman.
“Parang kilala ko yang halimaw na yan.hindi ko lang matandaan kung saan ko yan nakita dati.”sabi ni kagura.
“So may idea ka kung paano natin tataluhin yan ng mabilis?”sabi ni daryl.
“Wala eh.hindi ako sure.”sabi ni kagura.
“no choice pala tayo.susubukan kong patayin sa isang blow habang abala sa pagkain.”sabi ni daryl at dali daling inikutan ang halimaw at tahimik na  nilapitan gamit ang imir sa pagpapalipat lipat sa magkakarugtong na anino ng mga puno.
Nang makuha ng magandang posisyon sa tapat ng leeg ng halimaw ay agad na  binigyan ng malakas na hiwa ng anger of the blade para putulin ang ulo ng gumagapang na halimaw na mukang dragon.
Biglang naalala ni kagura ang halimaw at nakita nyang puputulan na ni dryl ng ulo.
Sinubukan nyang pigilan ang binata ngunit huli na sya.
Nakita nalang nyang gumugulong sa lupa ang ulo.
“Daryl.magtago ka bilis.”sabi ni kagura.
“pero patay na oh?”sabi ni daryl.
“buhay pa yan.naalala ko na.”sigaw ni kagura.
Ngunit bago pa man masabi ni kagura ang nalalaman sa halimaw ay muling bumangon ang halimaw at mabilis na tumubo ang dalawang ulo at dali daling hinanap si daryl.
Kayat nang makita ang binata ay agad na sumugod ang galit na halimaw.
Ngunit handa ang binata kayat sinalubong ang halimaw at dali daling talon sa puno sa tagiliran at muling tumalon sa ere at gamit parin ang anger of the blade ay sabay na naputol ang ulo ng halimaw.
“Daryl!!.wag mong putulan ng ulo!!.hydra ang isang yan.dadami lang ng dadami.magtago ka na bago ulit lumabas ang ulo.!”sigaw ni kagura.
“Huh?!ay hanep.kaya pala dumami yung ulo.”sabi ni daryl at agad na nagtago sa anino gamit ang shadow  cloak.
Muling bumangon ang hydra at tumubo ang apat na ulo.
Galit na galit ito,at dahil hindi makita si daryl ay lalong umusok sa galit ang hydra.Nagbaga ang mga hasang nito sa panga at nagsimulang bumuga ng bumuga ng makakapal na apot.
Dahil sa liwanag ng apoy ay nacancel ang shadow cloak ng binata.
Agad syang nakita ng hydra kayat hinabol ng makakapal na buga ng apoy.
“Kagura!.anong kahinaan nito!.”sigaw ni daryl habang tinatakasan at iniilagan ang mga buga ng apoy ng apat na ulo.
“teka sandali wag mo kong tarantahin.nasusunog na ang gubat.”sabi ni kagura.
Malalakas na yabag ng nagmamadaling hyra at mabilis na pagkalat ng apoy sa kagubatan dahil sa walang humpay na pagbuga ng apoy ng apat na ulo.
Kung kaya hindi rin makakuha ng tyempo ang binata para sugurin ang hydra.
“nalintikan na nasusunog na ang gubat.ayaw nyang tumigil.litson ako dito pagnagkataon.wala pa naman proteksyon ng armor ang ulo ko.kainit.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang kanyang kalaban at iniiwasan.
Si kagura naman ay pilit na iniisip ang paraan kung paano papatayin ang hydra.
“Pano na nga yon.isip kagura.”sabi ni kagura.
“Alam ko na!.”sabi ni kagura at agad na hinanap ang magic stone sa kanyang bag,kung saan nakastore ang absolute zero ice magic na ginagamit nyang pampalamig ng mga.sandatang ginagawa nya.
Dali daling sinamantala ang pagtatago ni daryl sa nagwawalang hydra.
“eto kunin mo.kailangan mabasag yan sa katawan ng hydra.siguraduhin mo na malayo ka sa hydra kapag kumalat na ang magic nyan.laman nyang ang absolute zero ice magic para manigas sa yelo ang hydra.”sabi ni kagura.
“nakalimutan mo na ba.anti magic sila.makacancel lang ang magic nito.”sabi ni daryl.
“Pwes masmahirap ang gagawin natin.kailangan mabasag ito sa loob ng bunganga nya.pang labas lang ng kanilang katawan ang anti magic.pero hindi ang loob.”sabi ni kagura.
“sige ako nang bahala.dito ka nalang.mamimiligro ka kapag nalapitan ka ng hydra.”sabi ni daryl.
“sige mag iingat ka.”sabi ni kagura.
Agad na tumakbo si daryl sa likod ng nagwawalang hydra.
“Oi!!.nandito ako butiki!”sigaw ni daryl at dali daling tumakas palayo kay kagura.
Gamit ang reinforcement pull skill ay sumabak na sa delikadong paglapit ang binata gamit ang kanyang fast facing stance ability sa pagpapalipat lipat sa ibat ibang direkayon upang lansihin ang apat na ulo ng hydra na walang tigil sa pagbubuga ng apoy.
Naghihintay ng pagkakataon at tamang timing sa apat na ulong paulit ulit na nagbubuga ng apoy.
Binibilang ang bawat sigundo ng pagitanan ng walang humpay na pagbuga ng apoy.
“Sige lang hydra.magbuga ka pa ng apoy.mukang nakukuha ko na ang timing mo.kailangan ko lang 5 sec para maihagis ito sa bunganga mo.perfect timing at hindi pwedeng magkamali.”sabi ni daryl habang naghihitay sa pagbuka ng bunganga para humigop ng hangin ang hydra ng 5 sigundo.
At ginawa ng hydra ang hinihintay ni daryl na dapat ay bubuga ng apoy sa kinatatayuan ng binata.
Ngunit agad na ibinato ng malakas ni daryl ang magic stone na direktang pumasok sa lalamunan ng hydra sa paghigop nito ng hangin.
Natigilan ang isang ulong iyon na nakalulon sa magic stone at naguubo.
Maya maya pa ay natigil na din ang tatlo pang ulo na tila ba may iniinda sa kanilang sikmura.
Nabasag ang magic stone sa sobrang init sa loob ng sikmura ng hydra at kumalat doon ang absolute zero ice magic.
Namalipit ang hydra sa sakit ng kumakalat na lamig at nagpapatigas sa pagkayelo ng kanyang buong kalamnan.
Hanggang sa dahan dahan na manigas ang buong katawan ng hydra at unti unting mamawis   na noon ay nawala na rin ang anti magic protection dahil patay na ang katawan.
Mabilis na binalot ng yelo ang katawan nito dala ng makapal na pawis galing sa malamig na  temperatura sa loob ng katawan at naging kasing  tigas ng kristal na umuusok pa sa matinding lamig.
Naisip ni daryl na basagin ang hydra  upang siguruhin na hindi na ito mabubuhay kapag lumambot na ang mga yelo dahil sa init ng nasunog na paligid.
Isang malakas na sword breaker technique ang inihataw ni daryl sa katawan ng hydra at parang salamin itong nabasag at nagpakalat kalat sa lupa na pinag init ng apoy.
Kayat matapos mabasag at mawala ang bisa ng ice magic ay parang karneng tinipaktipak na unti unting naluluto sa init ng apoy.
Pinulot muli ng binata ang tatlong ulo na naputol sa hydra ay muling itinago bilang tropeyo na ipapalit sa guide house.
Dali dali naman na sinundan ni daryl si kagura na noon ay naghihitay na sa tulay at pinpigilan na abutin ng apoy.
“Bilis daryl!.lumalaks ang apoy!”sigaw ni kagura.
Hindi naman nag sayang ng oras ang binata gamit parin ang reinforcement pull skill.
Agad sinabayan ni kagura ang mabilis na takbo ni daryl gamit ang spirit fusion sa blessed demon soul puma nang nagabot sila sa bungad ng tulay.
Agad nakatawid ang dalawa ngunit hindi na napigilan ang malakas na apoy at mabilis na nasunog ang bungad ng tulay at naputol ang koneksyon  sa kleo jungle.
Nakahinga ang dalawa ngunit nalulungkot din at naputol ang mahabang tulay.
Wala silang magawa tungkol doon kayat pilit na kinalimutan nalng at nagpatuloy sa paglalakad upang marating ang sacred ground.
Nakakuhang ng 3 level ang binata at 1 spirit essence points sa hydra.
Kitang kita ang makapal na usok at kumakalat na apoy ng mga pirata sa sacred ground ngunit wala din naman pakialam ang mga ito at bihira din lang ang pumapasok sa gubat.
Alam nilang galing sa hydra ang apoy na tumutupok sa gubat.
Nagpatuloy si daryl at kagura sa mabilis na pagtakbo at narating ng ligtas ang sacred ground.
9pm na ng gabi ng pumasok sila sa gate.
Karamihan sa mga pirata ay nasa kanikanilang air ship kayat kakaunti lang ang tao sa market place sa tabi ng templo kung saan nakaharap ang gate ng sacred ground.
Nang biglang harangin ng 20 pirata si daryl at kagura na noon ay siryoso ang mga itsura at matapang tignan.
Nagpakiramadaman kung sino ang unang bubunot ng sandata at gagawa ng aksyon.
Nang biglang bunutin ni dary ang kanyang katana at susugod na sana upang unahan ang 20 pirata.
Ngunit napaatras sa takot ang mga ito at dali daling nagsipag luhod at iniyuko ang kanilang ulo na halos sumalat sa lupa.
Ito pala talaga ang plano ng 20 pirata.
“hindi po kami lalaban.mga pirata po kami ni kapitan lionsa.”sabi ni marvin habang nakaluhod at nakayuko sa lupa.
“talaga pong hinintay namin kayo.may gusto lang po kaming pakiusapan.”sabi ni rudolfo na namumuno sa kanila.
Matagal na tinitigan ni daryl ang mga pirata at ganoon din si kagura.
Kayat hindi nag pabaya si daryl.
“wag na kayong yumuko.pero lumohod lang kayo.”sabi ni daryl.
Sumunod naman ang mga pirata.
“bakit nyo kami hinaharang?ano ba ang kailangan nyo?.”sabi ni daryl.
“Mga pirata po kani ni captain lionsa.nagalit po kami nang mapatay ninyo ang kapitan sa inyong sagupaan sa lupain ng karnak.
Pero tanggap na po namin na natalo sya sa inyo.
iginagalang po namin ang kapitan kaya gusto po sana namin mabawi ang serrin.upang  maging simbolo ng aming kapitan.”sabi ni rudolfo.
“ah kaya pala.kayo pala yon.yun bang spear ang tinutukoy nyong serrin?”sabi ni daryl.
“opo.gagawin po namin lahat ng ipagawa nyo.ibalik nyo lang ang serrin sa amin.”tapat na sabi ni rodolfo.
“bakit naman ako magtitiwala sa inyo.di ba pinagbabato nyo ako ng magic noong tumatakas kayo?”sabi ni daryl.
“Pasensya na po.nataranta po kasi kami at baka pabagsakin ninyo ang airship.ang kapitan lionasa na po kasi ang pinakamalakas sa aming pangkat.”sabi ni marvin.
Nakaisip ng paraan si daryl.
“Sige.ibabalik ko sa inyo ang serrin.pero may kapalit, kailangan namin makaalis dito.kapalit ng serrin kailangan ko ng masasakyan.”sabi ni daryl.
“Ilan po ba kayong lahat na sasakay.”sabi ni rudolfo.
“Tatlo.”sabi ni daryl.
Agad nakuha ni kagura ang ibig sabihin ni daryl.
“Sige po.ibibigay po namin sa inyo ang isa sa airship scape kayak.kasya po doon ang 10 katao at maluwag pang makagagalaw,may sarili din po iyon na space para sa control panel ng driver at higit na masmabilis kaysa sa mother airship.”sabi ni rodolfo.
“Baka naman mabasa kami pag umulan.tsaka gaano katagal ang itatagal non sa paglipad.baka sandali lang sa ere yon ay bumagsak na,sisiguraduhin ko sa inyong magkikitakita tayo ulit. ”sabi ni daryl.
“wag po kayong mag alala.katulad din po ng mother ship ang engine ng scape kayak,kayat siguradong mahaba ang buhay noon sa paglalakabay.bastat babantayan nyo lang ang magic steam fuel.papalagyan ko na rin po ng over head cover para kahit umuulan at umaaraw ay komportable sa loob.”sabi ni rudolfo.
“kelan ko makukuha?”sabi ni daryl.
“Lalamayin po namin ngayon magdamag.para bukas din po ng tanghali ay makuha nyo.”sabi ni rodolfo.
“Ok.deal.saan ko pupuntahan?”sabi ni daryl.
“Doon po sa likod ng mga airship sa dulong kanan katabi ng aming airship na kulay asul.”sabi ni rudolfo.
“sige bukas ng tanghali.kapag wala akong inabutan na sasakyan doon.kukunin ko ang airship nyo kapalit ng serrin.pasensyahan tayo.ayoko nang pinapaasa.”malupit na sabi ni daryl upang maubliga ang mga pirata.
“Opo! Opo!.tutupad po kami.”sabi ni rudolf at sabay sabay na muling yumuko sa lupa at natakot sa banta ni daryl.
“sige na bumalik na kayo sa airship nyo nang maihanda nyo ang sasakyan namin.”sabi ni daryl.
Agad nagtayuan ang mga pirata at dali daling nagsipag takbo pabalik sa kaniling airship.
“hahaha.takot na takot sila sayo.”sabi ni kagura.
“hindi ko inaasahan yun.siguro dahil natalo ko ang kapitan nila sa one on one.hahaha.masyado bang marahas yung ginawa ko kapalit ng spear?.”sabi ni daryl.
“Ayos lang yon.karma lang sa kanila yan.kriminal din naman sila.”sabi ni kagura.
“ahehe.ibig mong sabihin kriminal na rin ako?”sabi ni daryl.
“Ahm sort of.pero slight lang.nakakatakot ka nga kanina .napaka siryoso mo.hahaha.”sabi ni kagura.
“hehe.kailangan kasi eh.pero kung hindi naman.ibibigay ko naman talaga sa kanila yung spear.”sabi ni daryl.
“alam ko.kaya nga sinusunod kita dahil maayos kang lalake.”sabi ni kagura.
Nagblush naman sa tuwa si daryl.
“Halika na sa templo.kukunin na natin ang kaibigan mo.”sabi ni daryl.
“ano pala muna ang plano?”sabi ni kagura.
“sige ipapaliwanag ko habang kumakain.nagugutom na rin ako.medyo hating gabi na.”sabi ni daryl.
Nagtungo ang dalawa sa maliwanag na bahagi ng templo ng oracle at doon kumain habang pinag uusapan ang plano.
“magiging malaki ang tulong ng bagong katana mo.
Mamaya pag sinundo natin si cristenbelle,mag iiwan ka ng clone mo na magpapanggap na cristenbelle.para maitakas natin sya ng hindi namamalayan ng lahat.
Ipapasoot ko sa kanya ang lumang armor ko para magmuka syang lalaki tsaka natin babalutin ng acarf ang ulo nya.
Kaya pagbutihan sana ng clone mo ang pagpapanggap habang hindi pa tayo nakakaalis sa sky kuraki.”sabi ni daryl.
“Oo nga hano!.sige gusto ko yan.hindi problema ang pagpapanggap ng clone.”sabi ni kagura.
“pupuntahan na natin sya ngayon para masabihan.tapos babalikan natin bago magtanghali.para handa na ang sasakyan natin.”sabi ni daryl.
“sige pero.marunong ka bang magpalipad?”sabi ni kagura.
“hindi.pero malalaman ko din yon.magpapaturo nalang ako sa pirata bago tayo umalis.”sabi ni daryl.
“Ay dyos ko po.sasakay kami sa pilotong hindi marunong magpalipad.good luck.hahaha.”sabi ni kagura.
Nagkasundo sa plano ang dalawa at agad na tinapos ang pagkain.
Nakipagkita ang mga ito kay cristenbelle dyes oras ng gabi.
Parang mga magnanakaw na pumasok sa templo ang dalawa patungo sa kwarto ni criatenbelle na may roon lang dalawang nagbabantay na pirata ngunit natutulog ang mga ito.
Nang malapitan nila ang higaan ni criatenbell ay agad na tinukop ni daryl ang bibig.
Nagpupumiglas ang babae.
“shhh.cris.kagura at daryl ito.”sabi ni kagura.
Dahan dahan na huminahon ang babae.
“ginulat nyo naman ako.aalis na ba tayo?”sabi ni cris.
“Hindi pa miss.bukas tayo ng tanghali aalis..iiwanan kita ng armor at scarf.isoot mo bukas pagdating dito ng clone ni kagura para hindi ka makilala ng mga pirata.makikipagpalit  ng posisyon sayo ang clone.tapos makipagkita ka samin sa market place.”sabi ni daryl.
“Okie.copy, bukas nang tanghali ah hihintayin ko ang clone mo kagura.”sabi ni cris.
“Oo.wag kang mag alala darating sya.”sabi ni kagura.
“kailangan na namin umalis at baka magising yung gwardya mo.galingan mo din magpanggap na lalaki bukas.para hindi tayo mabuko.”sabi ni daryl.
Agad iniwan ng dalawa si criatenbelle at agad na tumakas sa templo.
“saan na tayo matutulog?”sabi ni kagura.
“Dito nalang sa park.wala naman nang tao.”sabi ni daryl.
“mahihiga tayo sa lupa?”sabi ni kagura.
“syempre hindi.may baon din akong tent .kaya relax ka lang.”sabi ni daryl.
“hay buti naman.Pinapahanga mo talaga ako.gaano ba karami ang laman ng sing sing mo na yan.
salamat ha.pati pagliligtas sa kaibigan ko ginagawa mo na din.at dahil dyan gusto kitang bayaran  ngayong gabi.”tapat na sabi ni kagura.
“Ha ah eh.hindi naman kailangan,pareho pa tyong pagod di ba.tsaka hindi naman ako naniningil.kaibigan kita eh.”sabi ni daryl at alam na nito ang tinutukoy na bayad.
“alam ko.pero gusto ko parin.kaya kahit ayaw mo gagawin ko.wag mo kong tatakasan.”sabi ni kagura.
“Haay hindi talaga ako patataksin ng babae na to.”sabi ni daryl sa isipan kayat inihanda nalang ang sarili kahit pilit na iniiwasan.
Nagtayo ng tent si daryl sa malayong parte ng park kung saan tago sa mga tao at merong malinis na batis ng tubig na umaagos galing sa lawa ng radiant mountain sa gitna ng sky kuraki at umiikot pailalim sa sky water stream patungo sa sacred ground.
Nakita iyon ni kagura.kayat habang nag aayos ng tent ang binata ay nagtungo sa batis upang maligo.
Pagbalik ni kagura ay hindi na ito nagdamit pa at binalot lang ng tela ang katawan.
Sinadyang madaanan at magpapansin kay daryl na noon ay kasalukuyang nagbubuhol ng huling lubid ng tent sa itaas ng puno.
Maliit lang ang tela kayat halos di matakpan ang katawan ni kagura,kayat nang makita ito ni daryl ay hindi napigilang mapatitig at mapahanga sa ganda ng basang katawan ni kagura.
Hindi namalayan ni daryl na unti unti na syang dumudulas sa sanga kayat nahulog ito sa puno.
Tatawa tawa si kagura sa paninilip ni daryl na kanyang sinasadya.
“Ayar!.ano ba yan?.ano bang nangyayari sakin?”sabi ni daryl na hindi maamin sa sarili na naakit sya sa ganda ng katawan ni.kagura na ilang beses na nyang natikman.
Kayat nagtungo nalang din sa batis para maligo at paghandaan ang banta ni kagura dahil hindi rin naman sya makakatakas.
Matapos maligo ay dahan dahan na pumasok sa loob ng tent at umaasang tulog na si kagura.
Ngunit hinintay talaga sya ni kagura sa loob ng tent kung saan wala nang soot na kahit anong damit at nagpapanggap na tulog.
“Hay salamat tulog na sya.ni hindi manlang nag damit.sa labas na nga lang ako matutulog”mahinang sabi ni daryl.
Hahakbang sana palabas ang binata ng biglang hilahin ni kagura ang soot na damit ng binata sa dibdib.
“hindi naman ako tulog eh.akala mo ba patatakasin kita.halika nga dito.nakaready na ko bibitinin mo pa ko.”sabi ni kagura at sapilitang inihiga si daryl at agad na isinara ang pinto ng tent.
Hindi na nanlaban pa ang binata na noon ay naakit din sa katawan ni kagura na kanyang pilit pinanglalabanan kayat mababakas ang paninindig ng kanyang sandata
“dito,sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod.”bulong ni kagura sa tenga ni daryl na noon ay tahimik at parang maamong tupa na hawak sa leeg ni kagura.
Wala nang nagawa pa ang binata at nangyari na ang banta ni kagura kung saan hindi na rin napigil ng binata ang init sa kanyang katawan.
Kayat sa katahimikan ng gabi ay mga boses ng mahinang halinghing  ni kagura ang sumasabay sa mga huni ng mga palaka at insekto sa paligid.
Ang matinding pagod sa maghapong paglalakbay ay pagod parin sa hating gabi,kayat mahimbing ang kanilang naging pagtulog matapos na iraos ang init ng kanilang mga katawan.
Kinaumagahan hindi na pinaabot pa ng dalawa na abutin ng mga pirata ang tent sa park,kayat maagang gumising ang mga ito.
Inabutan pa nila ang pagaayos ng kanikanilang tindahan ng mga piratang nangangalakal sa kapwa pirata.
Kayat habang naghihitay ng pagtatang hali ay muling nag ikot si daryl at kagura sa mga nakadisplay na kagamitan.
Naalala ng binata ang pakikipaglaban sa hydra kung saan ramdam ng kanyng muka ang init ng apoy.
“anong ginagawa natin dito sa mga maskara?”sabi ni kagura.
“kahapon kasi sobrang init ng muka ko sa kabubuga ng apoy ng hydra,kaya naisip ko nang bumili ng pwede kong isoot para sa ulo.”sabi ni daryl.
“Buti naman naisip mo rin yan.bale wala ang matibay na armor mo kung naka expose din naman ang ulo mo.tsaka bakit maskara?.halika dito tayo sa nga leather helmet.”sabi ni kagura.
“ayoko ng leather.babaho ang ulo ko dyan.”sabi ni daryl.
“Akong bahala.basta pumili ka at ieenhance at ifofortify  ko para magkaroon ng elemental resistance attribute.hindi ka pagpapawisan gaya nitong soot kong advanced forge classic leather hat at leather mask.”sabi ni Kagura.
“saan ka naman kukuha ng materyales dito?.ang alam ko kakailanganin mo pa ng mga sangkap na materyales.kasi ganoon din ang ginawa ni holy guide hepaestus sa advance forged leather jacket at pants ko.”sabi ni daryl.
“sinabi ko bang I aadvance forge ko.ang sabi ko.ieenhance at ifofortify ko lang para maging matibay sa hard impact gaya ng matigas na hemet at magkaroon ng elemental attribute.meron akong nakatagong materyales para sa hit and cold attribute.sakto yun para hindi ka makaramdam ng matinding init at matinding lamig.hindi ka pagpapawisan at hindi ka rin lalamigin.”sabi ni kagura.
“Ah ok.magkaiba pala yun sa advance forge.malay ko ba.”sabi ni daryl.
“Oo naman.kapag advance forge.para kang nakasoot ng heavy helmet na may high power defense pero customize sa pinakamagaan na klase ng head gear.bukod pa ang complete enhancement at fortification.”sabi ni kagura.
“Ok.ikaw ang nakakaalam eh.edi sorry.”sabi ni daryl.
“hahaha.sige na pumili ka na.”sabi ni kagura.
“ano ba ang maganda?ikaw nalang pumili.”sabi ni daryl.
“ito nalang kaya,white leather mask meron din air lacrima gaya ng sakin.kahit walang butas.makakahinga ka sa loob dahil sa oxygen na ipapalit ng lacrima sa hininga mo,at covered pa ang leeg at batok mo.bagay pa sa outfit mo.muka kang  ninja tulad ko.”sabi ni kagura.
Tapos ito nalang din black leather military hat.para bagay at hindi sasagabal sa mask mo.
parang naka full face helemet ka rin.kabe din yan sa gaggles mo.”sabi ni kagura.
“ok sige.babayaran ko na yan.”sabi ni daryl at binayaran ang dalawang item.
Humanap ng komportable at maluwag na lugar si kagura at doon sinimulan ang magic fortification at enhancement.
Sa loob ng personal pentagram ng magic ni kagura ay pinanday ang dalawang item.
Hanga ang mga taong nakakita sa ginagawa ni kagura kung saan binabalot ng kanyang magic smith ability ang dalawang item at maingat na isinasagawa ang fortification at enhancement ng ice and fire attribute.
Umabot din ng 15 minuto ang pagpapanday at dahan dahan ito lumapag kung saan ito inilagay ni kagura.
Kasalukuyan pa itong nagbabaga sa mana energy torch mula sa magic smith ability,kayat hinitay itong lumamig bago hawakan at ipurify.upang maalis ang ano mang dumi na naiwan sa mga ito.
Palakpakan ang mga pirata sa kanilang nasaksihan na talento ni kagura.
“waow.astig!ganyan pala ang magi black smith.nakakapagpanday kayo gamit ang pure magic.ang galing.”sabi ni daryl.
“syempre.maliit na bagay.”sabi ni kagura na mahinahon at simpleng imusyon gaya ng natural nitong ugali.
“O ayan tapos na.isubok mo nga.”sabi ni kagura.
Agad isinukat ni daryl ang mask at hat na bumagay naman sa kanya at sa soot nyang jacket.
“Aba ok ah.naririnig mo ba ang boses ko?”sabi ni daryl.
“oo.parang ganito din yan.hindi ka pa makikilala ng mga makakalaban mo.”sabi ni kagura.
“ayos na ayos to.Thank you.”sabi ni daryl.
Matyagang naghintay ang dalawa sa oras ng pagsasagawa nila ng pagtakas kay cristenbelle.
Kayat habang abala sa pag iikot si kagura ay naupo sa bench ng malapit na park si daryl at muling ginamit ang communication stone nila ni demeter.
Muling inilaan ng binata ang kanyang oras sa kanyang minamahal na goddess upang hindi ito mag alala sa mga nakaraang araw na hindi sya nakatawag dala ng misyon at mga hindi inaasahang sitwasyon.
Sabik na sabik sa kanilang muling pag uusap na parang mga batang naipon ang kwento para sa isat isa.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon