14.ang threat ng demon level chaos

249 33 0
                                    

Lingid sa kaalaman ng mga kahiraan ay may isang samahan  ng mga dark guild na nakapakalat sa ibat ibang kaharian ang namumuo.
Ito ay ang lumina brotherhood ,layunin nila na mahanap ang 5 legendary dimensional  key dahil pinaniniwalaan na kung sino man ang may hawak sa limang susi na ito ay sya ring hahawak ng kapangyarihan na pamunuan at mapasunod ang demon level reptilian huma dragon.
Dahil nabalitaan na rin ng mga ito ang tungkol sa black aurora.
Ang dark guild ay ang mga ilegal na quest contructor ng mga kaharian kung saan lahat ng ilegal na request ay tinataggap,gaya halimbawa ng kidnap,assassination,sabotage,rubbery,slavery,at kung ano ano pang ilegal na pwedeng bayaran at bilhin ng pera,sila na walang pakialam sa buhay kundi ang kumita ng pera sa kahit anong paraan at gumawa ng masama.
Kayat nang mabalitaan nila ang  lumina brotherhood na sadyang hinihimok ang lahat ng myembro ng mga dark guild sa ibat ibang kaharian.ay nagsipagsapi ang mga  ito sa pagnanais na makuha ang 5 legendary dimensional key na sadyang pinapakalat ng lumina brother hood sa kanilang mga myembro upang mamotivate ang mga ito sa paghahanap na kanila pang sinusuplayan  ng masmarami pang ilegal na impormasyon.upang makatulong sa kanilang mga myembro.
Sa kasalukuyang mga araw ay pursigido ang mga lumina brotherhood na sumasabay din sa mga followers ni ares.
“Hey yo!!.bahay na kami!.may dala kaming ulam ni mia.”sabi ni bela matapos ang kanilang paglalagalag ni mia.
“mukang nag enjoy kayo ng mabuti.sige na magbihis na kayo at nang makakain.hindi nyo ba nasalubong si daryl?”sabi ni demeter.
“hindi naman po.”sabi ni bela.
“Ah ok.gabi na kasi eh.buhat kaninang hapon na umalis eh hindi pa umuuwi.kakain na tayo.”sabi ni demeter habang tinitignan sa labas si daryl.
“Ang sabi po nya.may pupuntahan lang.uuwi rin po yun.”sabi ni rina.
“Hindi kaya nainis sya sakin.hindi naman kasi nya kasalanan eh.tapos ako pa yung magsusuplada.nasan na kaya yon.kasi naman sobrang nahihiya ako doon sa...”sabi ni demeter na biglang namula at naisip ang bagay na bumukol sa harap ni daryl kanina.
“Hihihi.wag po kayong mag alala.kasi kanina.mas nagiguilty sya.pakiramdam nya sya yung may kasalanan kasi tinignan nya tayo at aminado syang naakit sya satin.hihihi.”sabi ni rina.
“ha?ang pilyo naman nya.hump!.wag na syang kumain.”sabi ni demeter na hindi naman talaga galit.hindi lang malimot ang sitwasyon kanina dahil sya man ay naakit kay daryl kanina na hindi nya maamin amin.
“ups!.anong nangyayari dito.?”sabi ni bela at napangiti sa usapang demeter at rina.
Isinalaysay ni rina ang buong pangyayari at ang tanging lumabas sa bibig ni bela ay isang tamakmak na tawa na sinabayan pa ni rina,
kayat hiyang hiya si demeter na dinadaan sa inis at isinisisi kay daryl kung kaya silang dalawa ang tampulan ngayon ng tuksuhan.
Ngunit sa kabiLa ng pagpapanggap na galit ay inaalala parin si daryl sa kanyang isipan.
“Kaya pala LQ eh.hindi rin naman kasalanan ni daryl.kung naging maingat sana kayo.edi hindi kayo nasilipan.kawawa naman yung tao.pero kahit ako naman yung nasilipan.syempre magagalit din ako.basta!.bahala kayo dyan.”sabi ni bela.
“Bakit ate.asan si kuya?”sabi ni mia.
“LQ sila ni holy guide demeter kaya siguro umalis si daryl.”sabi ni bela.
“ano po yung LQ?”sabi ni mia.
“kapag hindi nagkakasundo ang boyfriend tsaka girlfried.ayun yon.nag kaka LQ.”sabi ni bela habang kumakain.
“bela?!.pati ba naman ikaw.”sabi ni demeter na hiyang hiya.
“Ahehe.sorry po.joke lang po.si rina kasi eh.nakakahawa.hihihi.”sabi ni bela.
“sige na kumain na lang  kayo.”sabi ni demeter.
At hindi inaasahan na makakapagbiro bigla si mia.
“opo mommy,ikaw po.bakit hindi ka pa po kumakain mommy.hinihintay nyo po ba si daddy.hahahaha.”sabi ni mia.
“haaa?!!.mia.pati ikaw.”sabi ni demeter.
“hahahaha.”malalakas na tawa ni bela at rina.
“ang bad nyo.kumain na nga lang kayo.”sabi ni demeter ngunit nakikingiti rin naman habang nahihiya at nagbblush.
Matapos maghapunan ay nagsama sama pa sila sa sala habang naghihintay ng oras at nagpapaantok.
Nang dumating si daryl.
Agad sinupladahan ni demeter upang unhan sa kunwaring galit.
“san ka galing?.bakit ginabi ka?”sabi ni demeter.
“ops guys.akyat na tayo.out muna tayo dito.”sabi ni bela.
“ate bela ate rina.nandyan na pala si daddy.hehe.”sabi ni mia ng pabulong.
At muli ay nagtawanan ang mga ito ng pabulong.
“akyat na tayo.hayaan na muna natin sila dito.mukang may aayusin pa sila.”sabi ni rina.
Umakyat na ang tatlo para matulog.
Habang si edge ay walang idea sa pinag uusapan.kayat na tutulog lang sa gym.
“ah sorry po.nag pagawa lang po ng holster.ginabi po at hapon na nung nagpunta ko doon sa gawaan dyan sa kanto.”sabi ni daryl na hindi makatingin kay demeter.
Habang si demeter ay nilalakasan lang din ang loob at biglang naghinahon nang makita nyang pareho sila ng sitwasyon na nararamdaman ni daryl.
“sabihin mo.yung totoo lang ha.nainis ka ba sakin kanina.kasi ikaw ang sinisi ko.”sabi ni demeter na mahinahon at concern.
“Ha?! Ah hindi po.kasalanan ko naman at hindi po kasi ako kumatok.nahihiya nga po ako sa inyo eh.pero wag po kayong matakot.hindi naman po ako gagawa ng masama.hindi ko po yon magagawa sa inyo holy guide demeter.iginagalang ko po kayo.sorry po at hindi namauulit.hindi ko po yon sinasadya..”sabi ni daryl.
“ahm.sorry din daryl.mali ako na sinisi kita.tama naman si bela kasalanan din naman namin.”sabi ni demeter.
“Naku hindi po.ako po ang may kasalanan.”sabi ni daryl.
“No.its me.ako ang dapat na may kasalanan.”sabi ni demeter.
Nang biglang hawakan ni daryl ang kamay ni demeter.
“kahit kelan po.hindi nyo maririnig na magagalit po ako sa inyo.dahil palagi ko po kayong maiintindihan.pangako po yan.at ayoko rin po kasing makitang sa akin mangagaling ang dahilan para tumulo ang luha ninyo.hindi ko po iyon magagawa.nasasaktan po ako kapag nakikita ko kayong umiiyak.”sabi ni daryl habang magkatitig nanaman muli ang kanilang mga mata
Tuluyan nang lumambot ang puso ni demeter at napangiti muli ni daryl.
“kumain ka na ba?”sabi ni demeter.
“hindi pa nga po eh.ikaw po?”sabi ni daryl.
“hindi pa rin.hinihintay kita eh.”sabi ni demeter.
“Kumain na po tayo.kalimutan na po natin itong hindi magandang expirience.”sabi ni daryl at nginitian ang goddess.
Na sinuklian naman ng goddess ng matamis na ngiti.
“Sabi ko na eh.hindi rin naman makakatiis yung dalawa na yan.”sabi ni rina habang nakasilip sa hagdan kasama ni mia at bela.
“hindi na sila LQ ate.pareho kasi silang mabait.hihihi.”sabi ni mia.
“bagay sila no?”sabi ni bela na kinikilig.
“tama.sama ako dyan ng 100.”sabi ni rina nakinikilig  din.at nagsipag akyat na para matulog.
Masayang kumain ang dalawa at nagkwentuhan.
“Maalala ko pala.ang galing ng ipinakita mo sa tournament.sobrang pinahanga mo ako kahit takot na takot para sayo.”sabi ni demeter.
“natakot din naman po ako.pero karangalan po ninyo ang nakataya doon.tsaka pagkakataon na din para makita ko kung paano lumaban ang mga high level.kahanga hanga po silang lahat.lahat sila magaling lumaban.lalu na si sir gregory,na chambahan ko lang po yon.kasi kung sumablay yung huling atake ko.malamang na ako ang natalo doon.”sabi ni daryl.
“kahanga hanga din naman ang pakikipaglaban mo.ang galing mo nga eh.hindi ko naman inaasahan na sa maikling panahon ay ganyan kalaki ang magiging growth mo.pero pinatunayan mo lang sa akin kung gaano ka kagaling,tinalo mo silang lahat at yun ang malinaw na ginawa mo doon.”sabi ni demeter.
“basta ang nasa isip ko lang po non.gusto kong ibigay lahat ng makakaya ko,manalo man o matalo.para ipakita sa mga tao na.hindi po nila tayo dapat maliitin.”sabi ni daryl.
“higit pa doon ang nagawa mo daryl.binigyan mo ako ng higit na karangalan at sobrang masaya ako doon.
alam mo bang sikat na sikat ka nang oras na iyon.
nagbago ang pananaw ng mga tao sayo.humanga sila lahat,kaming lahat.
at dahil doon ay nag iwan ka ng pangalan sa larangan ng malalakas at magagaling na raider.at sobrang ikinararangal kita.kahit halos ikamatay ko ang panonood sa laban mo.
naisip ko tuloy.ganoon ka pala  lumaban,mag-iingat ka palagi ha.lagi kong aasahan ang pag uwi mo.lagi mong tatandaan na naghihitay ako sa tuwing aalis ka sa pag rraid.mangako kang uuwi ka ng buhay.”sabi ni demeter na noon ay nag aalala.
“pangako po.palagi akong mag iingat,at kahit ano pa po ang mangyari,palagi akong babalik dito para sa inyo.”sabi ni daryl at muling tumanggap ng matamis na ngiti galing sa kanyang iniibig na goddess.
“naalala ko pala.may kasamang 10 spirit essence points ang natanggap mong experience sa cube.gusto mo bang idagdag ko na yon sa mga stats mo.”sabi ni demeter.
“Sige po.”sabi ni daryl at agad na sinimulan ni demeter ang bless magic checkup.
“natutuwa talaga ako dito.level 47 ka na.parang nung isang ligo lang level 0 ka pa.
at may total of 12 additional agi at 10 additional strengt galing sa spirit esence point.
Teka ano to?.may bagong ability ka nanaman na nadevelope.
Fast facing attack stance ability,at may katambal agad na skill.ito pala yung ginamit mo kay rando.hayaan mong I enahance ko para magamit mo.
Anong pangalan ba ang ibibigay natin sa bagong skill mo. higit na masmalakas ang skill na ito sa lahat ng skills mo ngayon.isipin mo nalang kung wala ang matibay na baluti ni rando.baka nagmuka syang forkchop sa dami ng ibinigay mong malalakas na anger of the blade.”sabi ni demeter.
“naaalala ko po.ang gusto ko lang naman noon ay basagin ang ipinagmamalaking dipensa ni sir rando.kayat pinagtiwalaan ko ang lakas ng talim ng katana kung hanggang saan kakayanin ng katana.ang pakiramdam ko po non.gusto kong maging kometang sisira at babasag sa matibay nyang dipensa.”sabi ni daryl.
“nagawa mo naman eh.(ngiti).alam ko na!.tutal at naisip mo ang kometa.bakit hindi nalang comet assault strike.ang cool pakinggan di ba.hihihi.”sabi ni demeter.
“ok po.”sabi ni daryl.
Nang biglang dumating sa bintana ang isang kalapati.
“ano yun?!.sandali lang po.at sisilipin ko.mukang nandoon sa bintana.”sabi ni daryl at agad na nagpunta.
Nakita ng binata ang mabait na white falcon at kusang nagpahuli kayat agad na ipinakita kay demeter.
“Falcon ito ni athena.teka sandali at may dala syang mensahe.”sabi ni demeter at agad na binuksan ang munting scroll at binasa.
“may bagong batas ang hari para sa aming mga holy guide.
Ang sabi dito.inuubliga kaming magkaroon ng 50% high level followers for a greater good purpose.”sabi ni demeter.
Pinawalan muli ni daryl ang falcon.
“sinabi po ba dyan ang dahilan?”sabi ni daryl.
“Oo.pero isa itong sikreto.kaya mangako ka sakin na hindi mo ito sasabihin sa iba.dahil iniiwasan nilang kumalat ang balita.nakakatakot ito kung hindi mapipigilan.”sabi ni demeter.
“opo.pangako po.”sabi ni daryl.
“dahil ito sa black aurora,kompirmado na,na apocalypto dimensional realm gate ang bagay na iyon na lumabas mismo sa makasaysayang demon pith.nangangamba ang hari sa muling pagbabalik ng mga demon level reptilian,masmalalakas pa sila sa pinakamalakas na boss monster sa genisis dungeon.kayat inuubliga kaming mga holy guide.upang ihanda ang mga raider sa posibleng pakikidigma sa mga demon level reptilian, na kailangan natin gawin daryl.natatakot ako para sa inyo.tulungan mo akong gawing malakas ang mga kasama natin.yun lang ang maitutulong ko ngunit hindi ko kayang gawin ng mag isa.”sabi ni demeter na biglang nangamba.
“Wag kang mag-alala holy guide demeter.tutulungan ko po kayo.magpapalakas po kaming lahat.ipinapangako ko po na hindi ko kayo pababayaan.”sabi ni daryl.at niyakap ni demeter.
“Salamat daryl.”sabi ni demeter habang yakap ni demeter si daryl.
Nang magpahinga na si demeter ay naiwan pa si daryl sa gym dahil iniisip nito ang balita at ang mensahe ng mga legendary relic maria's.
“ito na ba yung tinutukoy nila,hindi pala sila nagbibiro,syempre naman at si bosing pa ang nag dala sa kanila sa akin.nakakatakot siguro talaga yun.naramdaman ko ang takot sa yakap ni holy guide demeter.dapat siguro talagang mag seryoso.”sabi ni daryl.
“dapat ko pala muna mag focus sa kanilang lahat.”sabi ni daryl.
Kinabukasan habang magkakaharap sa hapagkainan at nag-uumagahan.
“guys!.raid tayo ngayon.pero hindi tayo lalayo.dyan muna tayo sa mga tara goblin.”sabi ni daryl.
Agad hinawakan ni demeter ang kamay ni daryl sa ilalim ng lamesa upang ipaalala ang sikreto ng kanilang pag uusap.
Napatingin si daryl kay demeter at tumango.
“Bakit kuya?.di ba kaya naman na natin sa baboon.di ba dapat sa masmalakas pa nga tayo pupunta.”sabi ni mia.
“Alam ko naman mia.di ba gusto mong makarating tayo sa dungeon?”sabi ni daryl.
“Opo.”sabi ni mia.
“kakailanganin natin si ate bela , ate rina at edge doon.para hindi tayo mahirapant.ngayong araw kailangan mo na din matutong lumaban.”sabi ni daryl.
“pero kuya hindi ko kaya.ang liit ko di ba.galit ka ba sakin.”sabi ni mia na biglang nalungkot.
“hindi.bakit naman ako magagalit sayo.gusto lang kitang ihanda.hindi natin sure baka pag dating natin sa dungeon masalisihan kami ng mga monster.di ba?.atleast marunong kang lumaban.hindi ako nagagalit sayo.gusto ko lang na ligtas ka palagi.love kita eh.”sabi ni daryl habang hawak sa ulo si mia.
“Okie.love din naman kita kuya eh.kala ko galit ka sakin.pero anong gagawin ko kuya.”sabi ni mia.
“Don’t worry,naisip ko na yan.kaya ngayong araw.ibibilan kita ng bagong sandata na nababagay sayo.kahit maliit ka.”sabi ni daryl.
“ok kuya.pero ako parin ang looter ha.”sabi ni mia.
“oo naman.ikaw parin ang adventurer satin.sabay kayong magpapalakas ni ate rina ha.”sabi ni daryl.
Matapos ang agahan ay nagtungo na sa raider shop sa bayan upang bilhin ang mga kakailanganin ni rina at mia.
Habang abala si bela at rina sa pamimili ng mga gamit para kay rina ay magkasama naman si daryl at mia sa archer section para ibilan ng bagong pana si mia.
Dekalidad lahat ng pana sa buong paligid ngunit hindi kaya ni mia na binatin ang mga ito.
Hanggang sa matagpuan nila ang isang stand na puro luma ang paninda na tila hindi puntahin ng mga tao kahit maganda ang quality dahil sa kawalan ng magandang style at fashion kayat mukang mahina ang mga sandata kung titignan.
“halika dito baka ito kayanin mo.o eto subukan mo to.”sabi ni daryl.
“Ang laki naman nito kuya eh.wala na bang masmaliit pa dito.”sabi ni mia.
Pinapanood naman ng babaeng katutubo na noon ay namimili din ng archer supply ang dalawa at nakilala si daryl.
“ganun ba?.ito ba?.try mo nga?”sabi ni daryl.
“ang tigas kuya eh.hindi ko mabinat.”sabi ni mia.
Hanggang sa hindi na nakatiis ang babae.
“ah boss mawalang galang na.kanina ko pa kyo tinitignan dyan.ayoko sanang makialam kaso mukang baguhan kayo sa pana.hindi talaga nya mabibinat ang mga panang ibinibigay mo sa kanya.masyadong mababa ang level nya para sa panang iyan.”sabi ni babaeng katutubo.
“huh!.ah ok lang miss.baka pwede mo kaming tulungan?.”sabi ni daryl nang makitang archer ang babaeng katutubo.
“sige ba,ako nga pala si himawari.ikaw si daryl di ba?”sabi ni himawari.
“oo tama.bakit kilala mo ko?!”sabi ni daryl.
“Napanood ko ang laban mo nung isang araw sa stadium.ang galing galing mo doon.tinalo mo si gregory.alam mo bang sikat ka na.”sabi ni himawari.
“ahe ganun ba?.nice to meet you.”sabi ni daryl na bahagyang nahiya.
“Kapag pumipili kayo ng pana.dapat yung may tamang laki sa gagamit,ikalawa ay dapat na may tamang tigas at lambot na kayang binatin ng gagamit,pangatlo ay ang kalidad ng kahoy o materyal na ginamit.kaya para dyan sa kasama mo at sa level nya.heto ang nababagay sa kanya.sige bata subukan mo”sabi ni himawari sabay abot ng midsize slim wooden bow.
“eto kuya kaya ko to.kaso medyo mahirap nang hilahin kapag ganito na ang binat ko.”sabi ni mia.
“tama lang yan.ibig sabihin lang nyan may ilalakas pa ang pana dahil hindi mo pa nabibinat ang pinakasagad.kapag kaya mo nang sagarin yan.pwede ka nang magpalit.”sabi ni himawari.
“wow ate .ang galing galing nyo naman po sa pana.”sabi ni mia.
“Salamat.mag iingat ka ha.marunong ka na ba.”nakangiting sabi ni himawari
“hindi pa po ate.”sabi ni mia.
“Sino magtuturo sayo?”sabi ni himawari.
“si kuya po!.”sabi ni mia.
“Ah ganun ba.ibig sabahin marunong ka rin pumana daryl?”sabi ni himawari.
“hindi eh.hehe.unti unti siguro matutunan na namin yun..”sabi ni daryl.
“Nye!.mahihirapan sya nyan.”sabi ni himawari.
Si himawari ay isang level 30 archer na piniling mamuhay ng tahimik gaya ng ibang raider na walang blessing ng mga holy guide.
Ngunit iba ang dahilan ni himawari kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakahanap ng holy guide.
Ito ay dahil sa sobrang hiya nya sa mga gods and goddess.na maraming beses nyang sinubok na lumapit,ngunit kinakain ng matinding hiya at natitigilan na  at napapaatras bago pa man sya makita ng mga iyon.
Hindi namimili ng goddess si himawari at konteto na kahit sino pa bastat ang nais lang nito ay maging follower ng gods na hindi nya kayang lapitan.
Kayat nang oras na iyon ay sinamantala ni himawari ang pagkakataon upang gamitin si daryl.
“Ahm daryl.my offer ako sayo kung magugustuhan mo lang.”sabi ni himawari.
“anong offer?”sabi ni daryl.
“na ako nalang ang magtuturo sa kanya.pero tutulungan mo ko.”sabi ni himawari na parang nagungusap ang mga mata.
“saan naman kita tutulungan?”sabi ni daryl.
“tutulungan mo akong maging follower ni holy guide demeter.kakapalan ko na ang muka ko.hindi ko kasi kayang lumapit sa mga gods.”sabi ni himawari na  nahihiya.
Natuwa naman si daryl.
“yun lang pala eh.sige ba.edi sasama ka na samin ngayon?.dumaan lang kami dito sandali.”sabi ni daryl.
“um um!.sige.”masayang sagot ni himawari.
“sya nga pala si mia,ang looting adventurer ng grupo.may magtuturo na sayo mia.”sabi ni daryl.
“yes!.welcome sa grupo ate.siguradong tatanggapin ka ni ate holy guide demeter.mabait yun.tsaka si kuya naman ang mag sasabi.hihihi”sabi ni mia na may ibig sabihin.
“Ah eh.ikaw talaga ang bata bata mo pa.halika na at baka hinihintay na nila tayo.”sabi ni daryl.
Inabutan nila sa labas ng raider shop ang dalawa na noon ay nakapagbihis na rin si rina.
“Wow!.ang sexy naman ng soot mo ate rina.”sabi ni mia.
“ay thank you bebe.hindi ka nagsisinungaling.”sabi ni rina.
“saan ba kayo nagpunta?”sabi ni bela.
“ibinili ko ng bagong pana si mia.para mag level din sya kahit malayo sa kalaban.sya nga pala si himawari,trainer ni mia at sooner baka maging follower din ni holy guide demeter.ipapakilala ko mamayang hapon.”sabi ni daryl.
Malugod naman na tinanggap nila bela,rina at edge.
At nagpatuloy na sa gagawing raid.
“Nabalitan mo na ba ang bagong program ng hari.nakita ko kanina sa guild house.malapit kasi doon ang inuupahan kong dorm.”sabi ni himawari na noon ay naglalakad kasama ni daryl habang ang tatlo ay nakasakay sa likod ni edge.
“hindi pa ulit ako nagagawi doon”sabi ni daryl.
“naglagay ng reward ang hari sa bawat 10 level na makukuha ng raider na member ng guild.gold coin daw.kaya malamang na dumami ang mga raider ngayon at sipagin silang magpalevel.sayang din kasi yung gold coin.ang hirap kumita ngayon.”sabi ni himawari.
“Aba ok yan ah.extra income.”sabi ni daryl.
“Kaya nga eh.ok din.”sabi ni himawari.
Hanggang sa narating nila ang thinker forest at sinimulan ang raid.
Hindi gumamit ng katana si daryl ng araw na iyon.upang sanayin ang kapangyarihan ng mga bagong legendari relic medalion na nabili.
Habang puspusan si mia sa pag aaral ng pana sa pagtuturo ni himawari na ginagawang target ang mga baboon.
Si rina naman ay lumalaban din at sinasanay ang mga magic sa mga baboon habang binabantayan ni edge at bela na noon ay nagpapaligsahan sa paramihan ng mapapatay na baboon.
Madali na ang level ng mga baboon para kay daryl kayat hindi ito umaalis malapit kay mia at syang pumapatay sa maraming baboon na gustong umabala sa pagsasanay ni mia o kahit ang mga baboon na maabot ng lumilipad na talim ng cross medalion wind soul.
Nagpakita rin ng gilas si himawari sa paggamit ng pana.
Nang biglang may mapansin si daril at iniwan ang pagbabantay kay mia, kay himawari.
Tiwala si daryl sa lahat na noon ay easy nalang ang mga baboon para kay edge,bela at himawari,kayat Agad pinuntahan ang kanyang napansin.
Dalawang lalaki ang kumakaripas ng pagtakbo sa pagaakalang hindi sila mapapansin ni daryl.
“tang ina pare nakita tayo.ilayo natin sa mga kasama nya,at doon natin tirahin.”sabi ni roco na isang dark guild member.
“Sige pare kaya natin yan.mag isa naman eh.”sabi ni billy na isa ding dark guild member.
Ang dalawang lowbie killer na ito ay ang dalawang lalaking minsan nang sumalakay kila daryl,sila ang may pakana sa cobolt.
Parehong sword user ang dalawang ito na nasa level 28 at dahil takot pumasok sa mga dungeon ay   nang aagaw sa mga newbie at ang mga trabahong kinukuha sa dark guild ay dinadaan sa pandarambong at pagnanakaw.
Kayat nang masiguro na nilayo na si daryl sa kanyang mga kasama ay lakas loob na hinarap sinindak si daryl na noon ay inakala nilang lowbie dahil sa kawalan nila ng level reader glasses.
“Ang lakas ng loob mo ah.dito ka na namin papatayin,hindi ka na makakabalik sa mga kasama mo.”sabi ni roco.habang sumisimple si billy.
Nang biglang sunggaban  ni billy si daryl mula sa likod.
Ngunit listo si daryl na noon ay alam nang iniikutan ni billy at agad na nakailag at maagap na nahawakan ang kamay ni billy na ginamit sa pangtaga na noon ay na offbalance at buong lakas na inihagis sa puno at pinasundan ng malakas na suntok sa nguso at tinuhod sa sikmura ni daryl.
Yanig ang puno sa pwersa ni daryl.
Basag ang nguso ni billy at sobrang nahilo sa pagkakaalog ng bungo habang namamalipit sa sakit ng kanyang sikmura at namamaluktot.
Nagulat si roco at agad din sumaklolo at sumugod ngunit sinalubong ni daryl ang pwersa ng pagsugod  at buong lakas na sinalag ng air mirror shield na nilagyan nito ng malakas na pwersa ng tulak at karagdagang enerhiya.(shield bash)
Isang bagong skill na hindi sinasadyang natutunan.
Parang bumangga sa matigas na bumper ng umaandar na truck si roco at tumilapon pa sa lakas at pumakat pa sa puno.
Agad nawalan ng malay si roco.
Hindi intensyon ni daryl na patayin ang dalawang kriminal kayat agad na itinali upang madala sa mga lemurian guard.
Hinintay magising ni daryl ang dalawang kriminal na noon ay nakatali ang mga braso at kamat sa katawan at magkatali ang tigisang paa.
“Ughh.ah..ha!..hayop ka!.pakawalan mo kami!”sabi ni roco na noon ay kakagising lang at nagpupumiglas na nagpapakita ng tapang.
“ahhhhraaay ko.”sabi ni billy na noon ay kagigising lang at masakit pa ang sikmura at ulo.
Hindi kumikibo si daryl at nakatitiglang.
“hoy!.ikaw hayop ka.kapag nakawala ako.papatayin kita.kaya patayin mo na ko hanggat may pagkakataon ka!”sigaw ni roco na nagtatapang tapangan para sindakin si daryl.
“Ganyan mo ba ko pasasalamatan.kanina ko pa kayo ipinag tatanggol sa mga baboon.”sabi ni daryl.
At napalingon ang dalawa sa kanilang paligid na nagkalat ang mga patay na baboon.
Kayat naisip ni daryl na takutin ang mayabang na kriminal.
Tumayo si daryl at dahan dahan na lumapit habang binubunot ang katana na hindi ginagamit kanina at nakatitig  parin na walang emusyon.
“ang tagal ko kayong hinintay na magising,tapos yan pala ang gusto mong mangyari.tutal ay gusto mo.yan ang makukuha mo.”sabi ni daryl.
Napigilan at napalunok sa takot ang mayabang na roco at bumuhos ang pawis,nangingig sa takot.
Nang makalapit si daryl ay biglang inangat ang kanyang katana  upang tagain si roco.
“Aaaahhhhh!!.wag po! wag po boss!.nagbibiro lang po ako boss!. boss!.wag po.hindi na po kami uulit!!!huhuhu!”pagmamakaawa ni roco.
At maging si billy ay naiyak at naihi pa sa takot na patayin silang dalawa.
Agad pinigil ni daryl ang katana bago ito umabot sa leeg ni roco na noon ay nakapikit,umiiyak at abot abot ang pagmamakaawa.
“akala ko gusto mo na talagang mamatay?hindi naman ako manghihinayang.”sabi ni daryl.
“parang awa mo na boss.hindi na kami uulit.gagawin ko lahat ng gusto mo.huhuhuhu.”sabi ni roco.
“buti naman.anong nakain nyo at susubok subok kayo sa mga kasama ko.mga tulisan  kayo hano?”sabi ni daryl.
“Sorry po boss.ito lang naman ang utak ng lahat ng kagaguhan namin.”sabi ni billy na biglang inilaglag si roco.
“tulisan nga kayo.ang lalaki ng katawan nyo.bakit hindi kayo magtrabaho ng marangal.hindi yung nang aagaw kayo at papatay pa ng mga lowbie.inis ako sa mga katulad nyo .alam nyo bang kanina pa ko natutukso dyan sa pagkakadapa ko sa inyo.parang hinihintay na ng mga batok nyo na putulin ko yan.”panakot muli ni daryl.
“Ahhhh.wag po wag po.huhuhu.”sabi ni billy.
“Wag boss wag boss huhuhuhu.”sabi ni roco.
“kung sasama kayo ng maayos,hindi ko kayo papatayin.pero mabubulok kayo sa kulungan.”sabi ni daryl.
“opo boss.mas ok na po yon.”sabi ni billy.
Nang biglang may malaglag na panyo sa bulsa ni roco na kapansin pansin ang mga nakasulat.
Ito pala ay ang  ilegal na contract na galing sa dark guild.
“Teka ano to?.dark guild contract?. aquire 3 young girls?.so balak nyo palang dukutin ang mga kasama kong babae.tsaka ano tong dark guild.?”sabi ni daryl.
Ngunit hindi kumikibo ang dalawa.
“sagot!!!”sigaw ni daryl at nagpakita ng galit.
“ilegal na guild po ng mga kriminal na tao!.dyan po kami kumukuha ng kontrata.”sabi ni billy.
“Opo!opo!totoo po!.”sabi ni roco.
“Saan?”sabi ni daryl.
Hindi nanaman sumagot ang dalawa.
“saan!!.”sigaw ulit ni daryl.
“Sa black market po boss!!.huhuhu.”sabi ni roco na kanina pa umiiyak.
Hindi makapaniwala si daryl na kahit pala sa mundong iyon ay may mga ganoong uri ng transaksyon at samahan ng mga kriminal na tao gumagawa ng mga karumaldumal na bagay.
“Ano pa ang mga nalalaman nyo na hindi namin nalalaman!.sagot!”galit na si daryl.
“Wala na po boss.wala na po.”sabi ni roco.
“Mga baliw kayo.nakalimutan nyo na ba kung ano ang dahilan kung bakit tayo nandito.dahil nililitis tayo ng langit,pero ayan at gumagawa parin kayo ng katarantaduhan.wala na kayong pag asa.sige tayo!!at mabubulok kayo ngayon sa kulungan.”sabi ni daryl.
Tumayo ang dalawa na magkatali ang paa at hinila ni daryl ang tali na nakadugtong sa mga taling nakabuhol sa katawan nila kahit hirap na hirap lumakad.
Natigilan sila bela,rina,edge,mia at himawari nang mapansin nila si daryl na may hinihilang mga tao at agad na sumalubong.
“sino sila master?”sabi ni edge.
“mga tulisan sila.kidnapers.balak sigurong dukutin ang tatlong babae sa atin.buti nalang at nahuli ko sila.”sabi ni daryl kay bela.
“Ah gago kayo ah.”sabi ni rina at sinampal si roco.
“tama na yan.bugbog na oh.”sabi ni bela.
“Ituloy nyo lang yung ginagawa nyo,ako na bahala sa dalawang to,maghahanap lang ako ng rumorondang gwardya.babalik din ako.”sabi ni daryl.
Nagtiwala naman ang lahat at ipinagpatuloy ang ginagawang baboon massacre.
Agad naiturn over ni daryl ang dalawa sa kapitan ng mga archer guard na madalas romonda sa tara field at isinalaysay ang buong pangyayari at ibinigay ang ebidensya ng dark guild sa black market.
1:30pm Tanghali na nang makabalik si daryl at kasalukuyang kumakain ang grupo.
“Kuya!.buti naman nakabalik ka na.nasan na yung dalawang salbahe.”sabi ni mia.
“kinuha na ni kapitan.”sabi ni daryl.
“sayang kuya.hindi mo nakita yung mga tinamaan ko ng pana.nakaka 8 nako.hihihi.”sabi ni mia.
“weh di nga?.”sabi ni daryl.
“Oo totoo ang sinasabi nya.madali syang matuto para sa isang bata.”sabi ni himawari.
“Galing ah.naipon nyo narin pala lahat ng ulo?.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang mga katawan ng mga baboon.
“oo,bago kami nagpahinga,nakuha na din namin yung mga napatay mo kung saan saan,nagkalat ang dami.”sabi ni bela.
“Salamat.meron pa kayong hindi nakukuha.pero ako nalang ang babalik doon kung saan ko nahuli yung dalawang tulisan.madami pa akong napatay doon sayang din ang 10 bronze per head.”sabi ni daryl.
“Ibang klase pala kayong mag raid.parang nagpapaligsahan kayo sa dami ng kill.”sabi ni himawari.
“oo,tinutularan lang namin si daryl,pinaka training na namin.effective naman at mabilis ang level.nakakapagod nga lang.pero sulit naman.tsaka bantay naman namin ang isat isa sa grupo.”sabi ni bela.
“tama po.ganyan po ang paraan ni master daryl.”sabi ni edge.
“Lahat kayo killing machine na din.”sabi ni himawari.
“Kaya mag aaral ako ng mabuti sa paggamit ng pana ate himawari.makikipag paramihan din ako kay ate bela at edge.hindi naman kami uubra kay kuya eh.kaya sa kanila nalang.hihihi.”sabi ni mia.
Habang si rina ay nag coconsentrate sa pagkain at matindi ang pagod at gutom ng balingkinitan at sexing katawan ngunit halimaw ang bodega kung kumain.kayat madaling magutom.lalu na at mahina pa ang kanyang mana power.
“Grabe kayo,nyum nyum nyum.ganito ba talaga ang mga raider.nyum nyum.nakakatakot pala,at nakakakaba,at higit sa lahat,nakakagutom.nyum nyum nyum.”sabi ni rina na nagmumuhalan sa pagkain na kanina pa pala nagugutom.
“mukang kulang yata sayo yan?.e2 pa oh.hati tayo sa baon ko.”sabi ni daryl.
At nagtawanan ang lahat dahil hindi nahiya si rina at kinuha nga ang kalahati ng pagkain ni daryl.
Habang si himawari ay hinatian naman ni mia at bela.
Matapos kumain ay nagpahinga muna sandali bago buksan ang susunod na luring gas potion.
Bumalik si daryl sa pinangyarihan ng laban sa dalawang tulisan upang kunin ang mga ulo ng mga baboon.
Nang mapansin nya ang puno kung saan tumilapon si roco at napulot doon ang isang maliit na scroll at binasa.
“5 legendary dimensional key?bakit nila yon hinahanap,gaano ba kahalaga itong mga demon level reptilian at pinag aagawan nilang parang premyo lang.tsaka para saan?”sabi ni daryl dahil nilalaman ng scroll ang kakaunting impornasyon ng 5 legendary key.at sa ilalim nito ay naroon ang pangalan na lumina brotherhood.
Itinago ni daryl ang scroll upang ipakita kay demeter.
Maagang umuwi ang grupo na noon ay sobra ang pagod upang makapagpahinga ng maaga.lalu na kay mia at rina na parehong plastado ang mga katawan.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon