22.mating season

214 33 0
                                    

Dahil sa magdamag na pangingilaw ng mga guest at merchant sa lucky season goblin ay tinanghali ang mga ito sa kanilang pagod at puyat.
Walang nakaaalam kung saan napunta ang lucky season goblin kayat lahat ay bigo at dismayado.
Naisip ng binata na isang araw ay magagamit din nya ang wishing star ball kayat itinago din sa loob ng dimensia grimoir kasama ng communication stone nila ni demeter.
Kilala sa mga giant animals,trees,vegetable at monsters ang lupain ng yugatan ngunit karaniwan nang hindi agresibo ang mga halimaw sa lupaing ito.
Ang mga agresibong halimaw ay matatagpuan lamang sa mga bahaging malapit sa mga dungeon.
Muling nagpatuloy ang caravan sa paglalakbay.
Hanggang sa Narating nila ang boundary ng tripetir at lamakuku jungle.
Namangha si daryl sa kanyang mga nakikita.
Naglipanan ang naglalakihang mga dinosaur type monsters at ibat ibang makukulay  na ibon sa buong kagubatan.
Mula doon ay matatanaw ang mga raider party na abala sa pakikipaglaban sa mga monster.ibang iba sa lupain ng lemuria kung saan laganap ang kaguluhan ng mga dungeon monsters.
“Ang ganda naman dito.”sabi ni marie habang sakay sa likod si daryl.
“oo.gubat na gubat pero mayaman sa hayop at ibon.tska mukang hindi agresibo ang mga.halimaw dito.ang lalaki nila.”sabi ni daryl.
“Normal dito sa yugatan ang mga dambuhalang nilalang,mabuti nga at wala parin pagbabago.hindi parin agresibo ang mga dambuhalang halimaw,ngunit sa mga bwan kung saan paglalandi ng mga halimaw ay nagiging marahas sila lalu na ang mga kababaihan kayat sobrang panganib din kapag panahon ng paglalandi.”sabi ni jerrad.
“Mahirap din po pala.kung ganito kalalaki ang dadamba sa great wall.mayayanig yon at baka posibleng mabasag pa nila.”sabi ni daryl.
“nakakatakot po pala dito pag mating season nagwawala ang mga babaeng halimaw,buti nalang po kaming mga anima ay gentle na nilalang.di po ba sir daryl.”sabi ni rodora.
“Ha?! Ah eh oo sobrang gentle nyo nga eh.”sabi ni daryl na biglng nahiya at namula.
“hahahaha.oo mga binibini,sa sobrang gentle ninyo.mukang kakailanganin na ni daryl ng balut hahaha.”sabi ni jerard.
“Ano po yung balut?”sabi ni marie.
“Pagkain yon,na nagpapalakas ng tuhod.”sabi ni jerard.
“Hihihi.malakas pa naman po si sir daryl.”sabi ni marie.
“opo lolo.kahit buong magdamag.”sabi ni rodora na nakangiti.
“hahaha.ibang klase talaga kayong mga peko.napaka natural na sa inyo.ang sarap ninyong kasama at masiyahin kayo.”sabi ni jerard.
Habang si daryl ay hindi na makakibo sa hiya.
“daryl.ayos ka pa ba dyan?.hihihi.”asar ni jerard.
“o-opo.”sabi ni daryl na hindi makatingin kay jerard.
“haaay(hinga) nagsisimula nanaman sila.”sabi ni daryl sa isip.
Nakarating sila sa malinis na bahagi ng kagubatan ng lamakuku na hindi rin malayo sa boundary ng tripetir.
“mga kasama!.dito na po muna tayo magpapalipas ng tanghaliaan.maari na kayong magpahinga.”sabi ng convoy master gamit ang megaphone.
Kayat kanya kanyang nagsipag hanap ng mapagpapahingahan at para makapaghanda ng tanghalian.
Habang abala ang karamihan sa pagluluto ng kanikanilang tanghalian ay pagkakataon naman para sa iba na gawin kung ano man ang kanilang gagawain.
Kayat nang oras na iyon ay ginawa nang libangan ni daryl ang paglilinis sa katana gamit ang kutsilyo na ikinukutkot sa mga kulapo.
Napansin ng isa sa mga guest rider na isa palang magic black smith ang ginagawa ng binata.
“magandang araw daryl.mukang abala ka dyan sa katana mo.napansin ko lang.kinukutkot mo kasi ng kotsilyo.sayang naman at nasusugatan ang talim.”sabi ng guest black smith
“magandang umaga din po sir,ang hirap kasing tanggalin ng kulapo.”sabi ni daryl.
“madali lang linisin yan.may alam akong paraan.sya nga pala isa din akong magic black smith.”sabi ng guest.
“sige nga po.nahihirapan po talaga ako.”sabi ni daryl.
“sandali at babalik ako.kukunin ko lang ang nararapat na panglinis dyan.”sabi ni guest black smith.
Umalis ang guest black smith at muling bumalik dala ang kanyang toolbox.
Binaklas ang puluhan upang lubugin ang buong talim ng katana sa mahiwagang likido.
Hiwalay ang panglinis sa puluhan at sa kaluban na unang nilinis ng guest,dito palang ay humahanga na sa pagkakagawa ng matibay na puluhan at kaluban.
Maya maya pa ay inahon na ang talim at kusang nagbibitawan ang mga kulapo na parang lumambot na alikabok.
At hinugasan ng malinis na tubig.
Namangha ang magi black smith at buong buo at napakakinis ng kulay madilim na lilang talim na habang pinupunasan ay kumikilap ito na parang salamin sa kinis at hindi manlang nagasgasan kahit isaang bahagi nito.
Lumabas ang itsura ng kakaibang hulma sa pagitan ng talim at puluhan.
Isa itong hulma ng apat na magkakatalikod na malungkot na muka ng bungo.
“Napakaganda pa ng talim.parang hindi manlang naapektohan ng mga kulapo.magandang klaseng katana ito.ngayon lang ako nakakita ng kulay lilang metal at ganito pa kakinis.at hindi na rin kailangan pang hasain at napakaganda ng kondisyon ng talim.”sabi ng magi black smith na nangingislap ang mga mata sa kanyang paghanga.
Matagal na tinitigan at sinipat sipat ang makintab na talim at mga muka na perpekto ang pagkakaparepareho.
“Ibang klase talaga ito.kung sino man ang gumawa ay talagang napaka talentado,hindi ko talaga alam kung anong bakal ang ginamit dito para maging kulay itim na lila.pati ang mga puluhan at kaluban ay pinag pares ang eleganteng kulay ng lila at itim.”sabi ng guest black smith habang ikinakabit ang puluhan at isinuksok sa kaluban.
“Tapos na.maswerte ka at unique ang isang yan.ingatan mo at mukang mamahalin.”sabi ng guest black smith.
“Salamat po sir.”sabi ni daryl at bumalik na sa kanyang mga kasama ang black smith.
Pinagmasdan ng maigi ni daryl ang katana at agad napansin ang pagkakapareho ng mga bakal at talim nito sa dalawang legendary katana na hawak nya.
Pareparehong nagtataglay ng bakal na kasing kintab ng salamin.kayat naghinala ang binata na maaaring kabilang iyon sa legendary 100 soul series katana dahil na rin sa wirdong disenso sa pagitan ng puluhan at talim.
Kayat ginawa nito ang paraan kung paano nya nakausap ang legendary relics kagaya din nang aksidenteng nangyari sa imir
Habang hindi pa nakakaluto sina marie at rodora ay hinawakan ni daryl ang katana sa kanyang dibdib at  umidlip.
Ito talaga ang natatanging paraan upang kausapin ang mga legendary soul sa mga legendary weapons and relics.
Agad nahimbing ng tulog si daryl at dinala sya ng kanyang panaginip sa mundo ng makapal na ulap.
Naglakad sya ng naglakad at hinawi ang makakapal na usok na tumatakip sa daanan.
Hanggang sa marating nya ang trono kung saan nakaupo ang isang lalaki.
“Maligayang pagdating sa aking kaharian.ako si zibelthiurdos ang  lilang katana.”sabi ni zibethiurdos.
“totoo nga ho pala ang hinala ko,legendary weapon ka rin pala.ano   ho nangyari sayo.bakit ganun nalang ang kapal ng kulapo.daig nyo pa ang kinapitan ng talaba.”sabi ni daryl.
“Nabitawan ako ng dati kong master sa mabatong dalampasigan kung saan ako lumubog sa ilalim ng tubig alat.at hindi na ako binalikan pa.hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya at wala na rin akong balak na alamin pa.ano ang dahilan ng pagparito mo sa aking mundo?.”sabi ni zibelthiurdos.
“Wala naman ho.sinisiguro ko lang kung tama ang hinala ko.”sabi ni daryl.
“wag na tayong maglokohan,tapatin mo na ako ginoo.nandito ka dahil sa kapangyarihan ko.”sabi ni zibelthiurdos.
“ang totoo ho,yun lang talaga ang rason ko.gusto ko lang alamin kung legendary  rin ho kayo.pero dahil na sabi nyo na lang din.interasdo na po akong malaman ang kapangyarihan nyo.”sabi ni daryl.
“nawalan na ako ng tiwala sa inyong mga tao buhat ng iwan nyo ako sa ilalim ng tubig at hindi na kayo bumalik.
Pero hindi naman ako naging masama kayat ipapahiram ko parin ang aking kapangyarihan.
Ngunit hindi na iyon katulad ng dati na kabod ko nalang ibibigay sa inyo.
kailangan mo muna akong sundin sa aking mga kondisyon.”sabi ni zibelthiurdos.
“sige ho.ano naman ho ba ang kondisyon?”sabi ni daryl.
“Makinig ka ginoo.una,gusto kong mag alay ka ng isang hiwa ng karne gamit ang aking talim at ihagis mo iyon para sa karagatan.
Ikalawa,sa tao mo lang ako pwedeng gamitin.sa oras na gamitin mo ako sa ibang nilalang lalu na sa mga halimaw.habang buhay mo nang hindi magagamit ang kapangyarihan ko.ito ay handog ko para sa halimaw na tumulong sa akin.
Ikatlo,wag na wag mo akong iiwanan kung saan saan.wag mong tutularan ang dating nagmamay ari sa akin.”sabi ni zibelthiurdos.
“madali lang naman ho pala.sige ho.”sabi ni daryl.
“buti naman kung ganon ginoo.ipagkakaloob ko sayo ang kakayahan ng walang hangganan na talim na puputol sa lahat.at ang kakayahang gamitin ang kuryente at kidlat, kasama na ang proteksyon ng katawang  na hindi kailan man tatablan ng kuryente.wag mo lang kakalimutan na hawakan ang aking pulohan..
Sa oras na magawa mo ang unang kondisyon,ay muling ngingiti ang apat na persona sa pulohan ng katana.
Nangangahulagan iyo na magagamit mo na ang kapangyarihan at matatanggap mo ang lightning sense ability at lightning breath Ability.
Sa oras naman na iyong sawayin ang ikalawang kondisyon.ay muling lulungkot ang mga persona at ang bisa ng kapangyarihan ay mawawala na.” sabi ni zibelthiurdos.
Bumaba sa kanyang trono ang lalaki at hinawakan ang ulo ni daryl at tinupok ng malakas na kuryente.
Biglang nagising ang binata na parang nalunod at hihinga hinga dahil sa panaginip na biglang naging bangungot na tumupok sa kanyang buong katawan ng malakas na kuryente sa mundo ng panaginip.
“oh!.daryl?.nananaginip ka.kanina ka pa ungol ng ungol .parang may kausap ka.”sabi ni jerard.
“Hihihi.kanina ka pa namin pinagmamasdan sir daryl.”sabi ni marie.
“ang cute nyo po pala managinip.bangon na po at kakain na tayo.”sabi ni rodora.
“ha?!.ah sige sige.”sabi ni daryl.
“haaay nakakatakot naman yung ginawa mo sakin.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang wirdong katana.
Sumunod na rin ang binata upang makakain at sa ganap na ika 1pm ng tanghali ay muling lalakad ang caravan upang marating ang boundary ng umbala bago lumubog ang araw.
Naging payapa parin ang paglalakbay hanggang sa marating ang boundary ng umbala at doon muling nagset ng camp.
Kinagabihan,malamig ang simoy ng hangin kung saan ang lahat ay nagpapahinga na sa kanikanilang tent.
Hindi makatulog si jerard dahil may nararamdaman itong kakaiba sa sinag ng bilog na buwan kayat mag isa itong nasa labas ng tent at pilit inaalala ang parehong pakiramdam na matagal na nyang naramdaman habang dinadama ang direktang sikat ng buwan.
“Pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito.alam kong may ibig sabihin ito.hindi ko lang maalala.”sabi ni daryl habang pilit na hinahalukay ang kanyang isipan.
Sakto naman na lumabas si daryl matapos papakin ng dalawang magandang peko sa kanyang tent upang umihi.
“huh?.lolo jerard.hindi pa po kayo natutulog?”sabi ni daryl.
“ha?..ikaw lang pala.oo hindi kasi ako mapalagay, may nararamdaman ako sa buwan.pero hindi ko matukot.”sabi ni jerar at nakaisip pang magbiro.
“tsaka ayan.pagmasdan mo halos lahat ng tent yumuyugyog, kung hindi protektado ng anti sound magic ang mga tent baka nagpapaligsahan kayong lahat sa kauungol.hahaha.kayo talagang mga kabataan.ganyan din ako noong kabataan ko.hehehe.”sabi ni lolo jerard.
“nakita nyo po?”sabi ni daryl.
“wag ka nang mahiya sakin.naiintindihan ko naman at lalake din ako.papunta ka palang ay pablik na ako.alam kong gabi gabi ay may nangyayari sa inyo.at hindi lang kayo.lahat halos ng tao dito.pinagmamasdan ko kung sino ang pinakamalakas yumugyog ang tent.hahaha.”sabi ni jerard.
“Eh lolo.may sapat na rason po ako. sana po sikreto nalang natin lahat ito.wag nang makarating kay demeter.alam ko po na nagtataksil ako sa ginagawa ko.pero meron po talaga akong dahilan na hindi ko kayang balewalain lang.mahal ko po si demeter.”sabi ni daryl.
“oo naman.alam ko naman na mabuti kang tao.minsan minsan.masarap din kumain ng ibang putahe.hehehe”sabi ng pilyong matanda.
At sabay nilang pinagmamasdan ang mga nagyuyugyugan na mga tent at tahimik na nagtatawanan.
Nang biglang makarinig sila ng malalakas na yabag sa lupa ng isang dambubalang nilalang na literal na yumuyugyog sa kalupaan at ang matinis nitong tinig na tila ba iniipit na balyena.
“ano yun?!.iba na itong yugyog na ito.parang may naglalarong dambuhala.
“sandali lang Lolo parang doon po yata nanggagaling.titignan ko lang.”sabi ni daryl.
“sige mag iingat ka.”sabi ni jerard.
Agad sinundan ni daryl ang pinangggalingan ng yabag na noon ay sinusundan na rin ng mga convoy.
Nagulat pa ang binata nang makita sa isang mataas na puno ang isa sa mga convoy at pinagmamasdan ang dambuhalang halimaw na kung tawagin ay  deusraksya demon level A monster.pasulpot sulpot ang halimaw na ito sa paligid ng yugatan  tuwing sasapit ang maiting season upang humanap ng dambuhalang halimaw na pupuno sa kanyang paglalandi.
Ang deusraksya ay kalahating dambuhalang tigre at sa mahabang leeg nito ay naroon ang kalahating katawan ng isang humansize na babaeng nababalot ng parehong balahibo ng tigre at mahabang buhok na halos tumakip sa muka na kasing wangis ng tao.may roon itong malaking bibig sa pagitan ng mahabang leeg.
Kapansin pansin ang pamumula ng dibdib nito at pamamaga ng kanyang malaking pwerta katulad ng isang naglalanding hayop.
Mabagsik at marahas sa lahat ng uri nang nilalang na kanyang makita na  alam nyang hindi pakikinabangan sa kanyang paglalandi kayat nagagalit ito at pumapatay.
Ipekto ito ng enerhiya mula sa buwan kung saan ang mga giant monsters ay naglalandian at simula nang maiting season.
Tahimik na pinagmamasdan ng mga convoys at ng binata ang isang giant moster ng ibang uri na sumusubok kastahin ang deusraksya na tahimik naman na inuumang ang kanyang pwerta dahil sa init ng pangangailangan ng paglalandi nito.
Ngunit maliit ang halimaw na iyon kung ikukumpara sa laki at tangkad ng deusraksya.
Ano mang pilit ng halimaw ay hindi mapaabot ang kanyang ari sa pwerta ng deusraksya.
Hanggang sa nainip na sa paghahantay ang deusraksya at nainis sa sunod sunod na pagbagsak ng lalaking halimaw na hindi manlang masaling ng ari ang kanyang pwerta.
Kayat walang awang pinatay ito at kinain ang puso.
Umungol muli ng malakas upang maka attract ng kalalakihan na posibleng kumasta sa kanya at mulingnagtatakbo at pinapatay ang lahat ng masalubong na walang silbi.
Kayat na alarma ang mga raider convoy at dali daling bumalik sa camp upang patayin ang lahat ng ilaw.
Bumalik din si daryl upang ibalita kay jerard.
“lolo jerard.malaking halimaw po pala.mabagsik at mukang naglaladi.malaki po ang Tutut  eh,namamaga.pinapatay nya lahat ng makita nyang walang silbi.dilika do po tayo dito.”sabi ni daryl.
“sinasabi ko na nga ba.ito yong nararamdaman ko sa enerhiya ng buwan.mating season na ng mga giants.delikado tayo dito.natural lang sa babaeng giants ang maging marahas sa panahon ng kanilang paglalandi na kailangan punan ng mga kalalakihan.at ang masnakakatakot pa ay ang paglabas ng deusraksya.galing din yun sa apocalypto realm.demon level boss monster.kailangan na natin makarating sa world tree.”sabi ni jerard.
Nang biglang palapit ng palapit ang yabag ng dambuhalang halimaw.
Agad nagtago si daryl sa kanyang tent upang bigyang babala si marie at rodora,at ganon din naman si jerard sa loob ng kanyang tent.
Hanggang sa makita ng deusraksya ang kanilang camp.at dahan dahan iyon na nilapitan sa pagbabakasakali na may roong gumagalaw.
Mabuti nalang at naagapan ng mga convoy na masabihan lahay ng guest at merchants at napatay ang lahat ng ilaw.
Matagal na nakatayo ang deusraksya at nag hihintay ng mga gagalaw.
At dahil tahimik ang lahat na nakikiramdam lang sa loob ng kanilang tent ay hindi sila maramdan ng deusraksya.
Ngunit isa pala sa mga babaeng guest rider ang kanina pa nasalabas at hindi nasabihan dahil tumatae ito sa malayo.
Napatili ang babae sa takot at agad na nagtatakbo palayo.
Hindi natiis ni dary kayat agad na kinuha ang imir katana at ginamit muli ang shadow cloak teleportation para iligtas ang babae na noon ay halos abutan na ng deusraksya kung hindi lang sa mga puno na nakaharang sa daan.
Hinabol ng binata ng pinakamabilis nyang teleportasyon ang babae at nakuha ito bago tuluyang sakmalin ng deusraksya.
At lumabas sila sa malayong bahagi na madilim kung saan hindi sila makikita ng deusraksya.
“Magpapahabol po ako sa halimaw mam.kapag malayo na kami,tumakbo ka na po pabalik sa tent nyo tapos manahimk lang kayo sa loob.wag na kyong sisilip sa labas.”sabi ni daryl.
Sumunod naman ang babae at hinintay makaalis ang halimaw palayo.
Gamit ang shadow teleportation ay mabilis na napasunod ni daryl ang rumaragasang deusraksya palayo sa camp caravan.
At habang pinasusunod ay inoobserbahan ng binata ang halimaw na hindi rin matrace ng level reader gaggle ang level kayat alam na nyang power class ang katumbas ng halimaw na  maaaring masmataas pa ang level sa kanya.
Nang masiguro ng binata na malayo na ang deusraksya ay agad na nagtungo sa caravan master upang sabihan ito  na ipagpatuloy na ang paglalakbay habang may dilim pa upang masmalaki ang tyansa na mailayo ang caravan habang binabantayan ng binata ang deusraksya gamit ang shadow cloak teloportation ability.
Tahimik na sinabihan ang lahat ng tao sa carvan upang magsipaghanda na sa paglikas kahit nababalot ang lahat ng matinding takot at pangamba
Nakinig naman ang lahat at nagsipag kumahog sa pagliligpit upang agad din na makapagpapatuloy sa paglalakbay upang matakasan ang deusraksya.
Ngunit kailangan parin maging maingat dahil naglipanan pa rin ang mga giant monster ng ibang uri na katulad din ng deusraksya na kasalukuyang naglalandi at ubod ng bagsik.
Matataas ang level ng mga giant monster sa yugatan kayat lubhang nakakatakot na masalubong din ito ng caravan ngunit mas pinili nilang sumugal sa ganitong sitwasyon kaysa ang harapin ang deusraksya lalu na kung aabutin ng liwanag dahil sinabi ni daryl ang kanyang sitwasyon kung aabutin ng liwanag.
Kayat nang makapag ligpit ang mga ito ay dalidaling  nilisan ang lugar.
Naiwan si daryl upang bantayan ang ang kilos ng deusraksya at iligaw iyon habang kakampi pa nya ang kadliman ng gabi.
Mabilis at walang tigil ang nagmamadaling byahe ng mustang caravan.
“Lolo jerard.paano po si sir daryl.bakit hindi pa po sya sumama dito.”sabi ni marie habang kasalukuyang tumatakbo at nag aalala sa pagalis ni daryl ng walang paalam.
“Wag na kayong mag alala.susunod sya sa atin.sya lang ang pag asa ng caravan para makalayo sa deusraksya.ipagdasal nalang natin ang kaligtasan nya.sa ngayon kailangan natin makarating sa boundary ng masikog at  umama.kaya na tayong protektahan doon ng mga convoy masmababa na ang level ng mga naglalanding halimaw doon.”sabi ni jerard.
Natutulog din ang mga babaeng halimaw ng oras na iyon dahil kasalukuyan palang ang pamamaga ng kanilang mga ari na  syang nagtutulak sa kanila para humanap ng lalaki.
Kayat ang  caravan ay ligtas pang nakapagbbyahe sa buong magdamag kahit may pangilan ngilan na kalalakihang gising at nakakaamoy ng mga babaeng nagsisimula nang maglalandi.Dahil hindi naman agresibo ang mga giant na halimaw.
Papasikat na ang araw ng makarating ang caravan sa boundary ng masikog at umbala.
Buhat doon ay nagsimula nang magbago ang ugali ng mga kababaihang giant monsters at isa isa nang nagsisimula sa pagiging mainitin ang ulo at marahas.
At dahil hindi sinasadyang nagising ng rumaragasang caravan ang mga natutulog na kababaihang halimaw ay nagalit ang mga ito at nagsipaghabol upang wasakin ang caravan.
“Master!!.hinahabol na po tayo ng mga halimaw sa likod.”sabi ni raider convoy 1.
“master!meron pa po dito sa kaliwa!”sabi ni raider convoy 2.
“master!!.may mga papaunta  na din po dito sa kanan!.”sigaw ni raider convoy 3.
Takot na takot ang lahat sa caravan dahil ibig silang palibutan ng mga giant monsters na ang mga level ay nasa pagitan ng lv.65 to 75.Bukod pa sa mga naliligaw na aggressive na halimaw galing sa mga mideocre at creohisia  dungeons.
“Raiders!!.defense position.walang hihinto sa pagtakbo!kakayanin natin ito.gumamit lahat ng spear para patirin ang maliliit na makakahabol sa atin.wag kayong panghinaan ng loob.mabagal ang mga giants.”sigaw ng convoy master at agad na hinawakan ang kanilang mga sibat at agad na pumwesto sa likuran at mga tagiliran habang patuloy sa pagtakbo.
Malalakas man ang mga normal size dungeon monster ay madali nila itong napapatid ng sibat dala nang mabilis na pagtakbo sa paghabol ng mga ito  sa mga umiiskapeng peko.
Habang ang mga merchant at guest na magic user at archer type ay tumulong na din upang pigilan ang mga sumasalakay na halimaw  bago paman sila makalapit sa caravan upang bawasan ang presure sa mga convoy.
Habang ang mga giant ay patuloy parin sa paghabol sa mabilis na takbo ng mga peko ng buong caravan na hindi naman nila maabutan kayat unti unti ay  nababawasan na ang mga giants na sumusuko at ibinabaling ang dahas sa mga kalalakihang giant monster na sya ring kumakasta sa kanila.
Nagpatuloy ang senaryo ng nakakpagod na pagtakbo ng mga peko at ang mga ito ay napapagod na.
Unti unt ay napapansin ng convoy master ang.mabilis na pagbagal ng mga peko dahil ang mga dungeon monster ay parami na ng parami at papalapit na sa kanila.
“Kaya nyo yan mga  peko.kaunti nalang at mararating na natin ang boundary ng umama!.”sigaw ng convoy master.
Hirap man at pagod ay hindi nagpatalo ang mga peko at sinagad ang kanilang lakas sa pagtakbo.
Kayat umabot pa sa kalagitnaan ng masikog ngunit dito na tuluyang naubos ng lakas ang mga peko at napilitan nang huminto.
Sila namang mga tao ang nagbibigay ng proteksyon sa mga peko na tinipon nila sa gitna ng caravan dahil hindi na halos makatayo ang mga ito.
Pinalibutan ng mga convoy at mga guest rider at merchants ang buong caravan upang tulong tulong na lumaban sa malalakas na halimaw ng dungeon kahit sa napaka babang tyansang manalo ng mga ito.
Dahil wala na rin silang matatakbuhan pa kayat pinili nalang nalumaban at magbakasakali.
Malaking bilang ng dungeon monster na gumagala sa boundary ng umbala at masikog ang nahila ng caravan at ngayon ay nakapalibot at nakahandang kakain sa kanilang lahat.
At sa hudyat ng isang halinaw na tumatayong leader ng lahat ay nagsimula sa pag atake ang mga ito.
Nakatulong ang mga long range attack ng  mga mage at archers na sinusuportahan naman ng mga sibat ng convoy na binigyan ng mga panangga ng black smith kayat muling natigilan ang mga monster na sumasalakay at sila ay nasasaktan lamang sa ginawang pagsugod.
Nakagawa ng matibay na dipensa ang mga tao ng caravan.
Buo ang focus ng bawat isa at sistematiko ang paraan ng kanilang dipensa na naging epektibo para mapigilan ang mga halimaw at maghintay ng pagkakataon kung sino ang unang susuko at maiinip.
Paikot ikot lang ang mga halimaw na nag aabang na makakita ng kahinaan sa dipensa ng kanilang mga prey.
Ngunit hindi rin nagpapabaya ang mga tao dahil sa isang pagkakamali na makapasok sa kanilang dipensa ang kalaban ay siguradong basag ang stratehiya at mauubos silang lahat na parang pagkaing inihain sa hapagkainan.
Samantala ang mga peko naman ay buo ang tiwala na sila ay ligtas sa loob ng dipensa kayat hindi gumagawa ng ano mang bagay na makasisira sa konsentrasyon ng bawat tao at nagfofocus lang sa pagpapahinga at nilalabanan ang kanilang matinding takot.
Habang ang ibang peko na may sapat pang lakas ay tumutulong upang buhusan ng reflenishing potion ang mga tao upang makabawi ang mga ito ng kanilang lakas at makapagpatuloy sa pagpapanatili ng kanilang dipensa.
Labanan ito kung sino ang unang susuko at bibigay kung saan agrabyado ang mga tao sa caravan ngunit patuloy na tumitindig para sa kanilang buhay.
Samantala,dahil tirik na ang araw ng umaga ay hindi na maasahan pa ni daryl ang shadow ability.kayat ginagamit ang mga puno at halaman upang pagtaguan ang mga giants dahil iniiwasang makagawa ng gulo at ano mang oras ay makikita iyon ng deusraksya na labis nyang iniiwasan.
Kayat ang bawat atake na binibitawan sa mga giant monster ay sinisiguro nyang sure hit at sure kill upang hindi na makatawag pansin pa.
Kayat sulit ang piercing of the blid skill ni daryl gamit ang legendary wind soul katana at reinforced ng pull upang mabilis ang bawat kilos at sa isang iglap lang ay makalayu agad sa kanyang kill . Sinisiguro na tatagos at wawasakain ng malakas na saksak na may pwersa ng hangin ang dibdib ng mga naglalanding halimaw na hindi maiwasang  masalubong dahil pilit nitong sinusundan ang daan ng caravan.
Lahat ng masalubong na dungeon monster ay hindi pinapatawad at pinapatay sa isang hiwa lang dahil malaki ang agwat ng kayang lakas  at level sa mga ito.
Nasa kalagitnaan palang ng umbala ang binata ay biglang bumagsak sa kanyang dadaanan ang isang patay na dambuhalang halimaw na inihagis ng deusraksya na mabilis na sumusugod sa kanya,nakapag sumbong pala ang isang dungeon monster na hindi napatay ni daryl at nakatakas.
Natigilan ang binata sa takot na madala nya ang deuaraksya sa caravan kayat lakas loob na hinarap ito upang ilayo muli.
Ngunit iba na ang sitwasyon sa pagkakataon na iyon kung saaan kailangan na nyang harapin at pahabulin ang deusraksya at mahihirapan nang pagtaguan pa.
Kayat listo ang binata at nag active ang sensitivy ng yudo,push at pull.
At harapan na nilabanan ang deusraksya.
,kahit walang sandata ang deusraksya ay mabilis at malakas parin ito.
Bale wala na kay daryl ang pagsugod ng mga dungeon monster kayat ang focus ng atake ay sa deusraksya lang na randam ng binata na nagtataglay ng masmalakas na kapangyarihan at level.
Hanggang sa natakot na ang mga nakapalibot na dungeon monster sa lugar ng pinanglalabanan ni daryl at deusraksya dahil parehong nagiging biktima sa dalawang magkalaban.
Dumistansya at nakamata lang na nanonood ang mga walang isip na halimaw habang nagpapalitan ng malalakas na atake ang dambuhala at si daryl.
Ngunit madaling target ang malaking katawan ng deusraksya,kayat maraming beses itong sumalo ng anger af the blade  at piercing of the blind sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Dahil doon ay nasugatan ang deuaraksya kayat lalo itong nagwala at ipinakita ang tunay na bilis at liksi.
Ilang ulit natyempohan ang pagtalon ni daryl at direktang tinamaan ng claw na nasalag naman ng katana ngunit tumilapon parin ng malakas at umusad pa sa lupa ng malayo.
Bali lahat ng punong tamaan ng katawan ni daryl sa kanyang pagtilapo na nababawasan  ang ipekto sa kanyang katawan dahil sa malakas nyang yudo.
Kayat muling nakakasugod ng kanyang katana at skills
Ramdam ni daryl ang diperensya ng kanilang lakas at bilis sa kabila ng pagiging dambuhala ng kalaban.
Kayat dinaan ng binata sa talino ang labanan habang nasasabayan pa nya ang bilis ng kalaban hindi man sa lakas.
Iisang bahagi lang ang pinunterya ng binata ng malalakas   na skill sa tulong pa ng kanyang push ng paulit ulit at patakastakas kahit paulit ulit din syang tinatamaan at tumitilapon.,
hanggang sa ibigay ni daryl ang consentradong talim ng anger of the blade at maputol nya ang isa sa unahang paa ng deusraksya.
Subasob ang haLimaw at lubos na nasakatan.napigilan ang pag takbo nito ng matulin at napilitang baguhin ang pakikipaglaban kung saan napiltan nang gamitin ang kanyang kapangyarihan.
Ang kalahating katawan ng wangis babaeng tao na nakadugtong sa malaking leeg ay biglang ibinuka ang mga braso,umilaw ang balahibo,at bumuga ng malakas at consentradong lazer beam sa bibig.
Nanlaki ang mata ni daryl at agad na iniwasan  ang paparating na  laser beam.
Na sumunog at humukay sa kahabaan ng lupa na tinamaan nito.
Kinilabutan ang binata nang makita nito ang laki ng pinsala ng laser beam na kung tumama sa kanya ay siguradong katapusan na nya kahit active pa ang yudo.
Kayat nag isip agad ng paraan.
Napansin ng binata na hindi na kumikilos ang malaking bahagi ng katawang tigre at puro ang katawang tao na ang gumagawa ng pagatake gamit ang lazer beam sa lahat ng lugar na takbuhan ng binata.
kayat nagkawasak wasak ang mga lupain sa palibot at nahawi ang mga ulap na tinatamaan ng lazer beam.
Hindi makatama ang halimaw ngunit desidido ito at mas binilisan pa.
Hanggang sa madaplisan ang binata ngunit naagapan agad ng maspinalakas na air mirror shield,kayat tumilapon lang sa mga puno at paulit ulit na umararo sa lupa na nakapinsala sa binata.
Ngunit nilabanan ng binata ang pwersa ng kanyang pagbulusok at pinilit na umusad ng nakatayo kahit masakit ang mga sugat  upang maiwasan ang isa pang malakas na lazer beam na tatapos sana sa kanya.
Tahasan nyang sinalubong ang laser beam at iniwasan iyon sa pinakasagad ng kanyang reinforcement pull skill at mula sa gilid ng lazer beam ay ginamit ang pinaka sagad ng push skill upang tumalon talon ng mabilis patungo sa balengkinitan na katawan na nakakabit sa leeg ng dambuhalang katawan na tigre.
Buong lakas na hiniwa iyon ng anger of the blade skill sa bewang upang putulin at ihiwalay sa kanyang dambuhalang katawan na matagumpay na naisagawa ng binata
At napasigaw ng malakas na malabalyenang tinig ang kalahating katawan na kasalukuyang nahuhulog.
At habang nahuhulog ang kalahating katawan na iyon ay pinasundan pa ng intensive hyper stance skill na ginamitan ng piercing of the blind.
Hindi mabilang na bilis ng piercing of the blind ang halos gumutay gutay sa balengkinitan na katawan bago ito bumagsak sa lupa.
Biglang umunat ang mga paa ng dambuhalang katawan na tigre at tuluyan nang lumatag sa lupa at namatay.
Sa dami ng sugat na tinamo ni daryl sa likod at bugbog na laman ay nahirapan itong makarecover agad kahit gamit pa ang kanyang regenerative recovery ability.
Kayat napilitan itong magpahinga upang bigyan ng konsentrasyon ang recovery ability upang makabawi kahit 40% ng kanyang full recovery at body regeneration.
Sa tindi ng sinapit nyang hirap sa dambuhalang kalaban ay kinuha nito ang  babaeng ulo bilang tropy na isusurrender sa guild.
Ngunit naisip nya ang kaligtasan ng lahat sa caravan lalu na ni  jerard na may hawak ng kasagutan kung paano mahahanp ang 5 legendary dimensional keys.
Nangamba ang binata kayat kahit masakit pa ang mga sugat ay tumakbo itong muli patungo sa caravan at hinayaan nang sa daan magpagaling habang tinitiis ang sakit.
Naging payapa ang ruta ni daryl mula sa lugar ng patay na deusraksya palabas sa boundary ng umbala dahil natakot ang mga halimaw na nakasaksi sa pagpatay ni daryl sa deusraksya.
Ngunit mula sa boundary sa pagpasok sa masikog ay muling sumalakay ang mga dungeon monster na noon ay naiwan ng mga nahila ng caravan.
Kayat patuloy ang pakikipaglaban ng binata habang tinitiis ang sakit ng mga kalamnan na kasalukuyang pinagagaling ng kanyang recovery skill.
Hanggang sa marating ng binata ang lokasyon ng caravan at nakita iyon na napapalibutan ng hundred na bilang ng halimaw,na kung kanyang susugurin ng katana sa kanyang kondisyon ay magdedelikado sya.
Nakita nyang matibay na lumalaban ang dipensa ng bawat isa at lahat ay ligtas na nagtutulong tulong kayat nakahinga ito ng maluwag.
Kayat mula sa malayong distansya kung saan wala nang umaatake sa kanya ay tsaka lang nakapagbukas ng dimensia grimior para kumuha ng red potion upang pagalingin ang katawan at blue potion para makabawi ng lakas at enerhiya.
70% full recover ang katawan ni daryl at dali daling ginamit ang double wind soul cross blade  upang mabilis na lipulin ang malaking bilang ng kalaban mula sa malayong likuran gaya ng paglipol na ginawa nya sa mga dungeon monster  na sumalakay sa kanila sa mermosa.
Parang mga damong tinatabas ang mga halimaw na hindi na nakuha pang tumakas dahil sa talim at bilis ng dalawang wind soul cross blade na pabalikbalik na tumatabas sa kanila sa kumpas ng.kamay ni daryl.
Nakita iyon ng mga tao at peko ng caravan at sila ay napasigaw sa tuwa at ang saklolo ng kanilang tagapagtanggol na bayani ay dumating na at inililigtas silang muli laban sa mga dungeon monster na hindi nila kayang taluhin.
“Wuuuu!!!yeeeeeeehhhh!!!daryl! Daryl! Daryl!.daryl!”sigaw ng mga tao at peko sa caravan at nagkaroon ng kapayapaan ang mga takot na takot nilang katawan at isipan.
Lahat ay hindi makapaniwala na makakaligtas pa sila sa pangyayaring iyon at lubos lubos ang pasasalamat kay daryl.
umiiyak sa tuwa na yumakap kay daryl si marie at ridora ng mahigpit.
“Huhuhu natakot ako sir daryl.akala ko ay namatay ka na doon at katapusan na rin namin.nangamaba ako para sayo higit kaysa sa sarili ko.huhuhu.”sabi ni marie.
“huhuhu.sir daryl.salamat at buhay po kayo.iniligtas nyo po ulit kami.kahit habang buhay ay handa po akong maglingkod sa inyo.”sabi ni rodora.
“tahan na. Hanggat nandito ako.gagawin ko lahat para makarating tayong lahat sa yugatan kingdom.natakot din ako para sa inyo at akala ko ay huli na ako.salamat naman at inabutan ko pa kayong lahat.tahan na wag na kayong umiyak.”sabi ni daryl at nginitian ang dalawang peko.
Agad hinanap ni daryl ng kanyang tingin si jerard.
“lolo jerard.salamat naman po at ligtas kayo.pasensya na at medyo nahuli ako.”sabi ni daryl.
“Walang ano man daryl.salamat nalang din at ligtas ka.kung hindi ka dumating.malamang na kinakain.na din kami.ng mga halimaw na yon.dahil unti unti rin bibigay ang katawan namin sa pagod kahit gaano pa katibay ang dipensang nagawa namin.mabait parin ang dyos sa atin.”sabi ni jerard.
“Tama po lolo.hindi po tayo pinabayaan ni bossing.”sabi ni daryl.
Hindi nagsayang ng panahon ang caravan master at agad na ginamitan ng potion ang bawat isa upang makabalik sa pagbbyahe patungo sa boundary ng masikog at umama at doon magsetup ng camp at makapagpahinga,dahil doon ay masligtas at mahihina na ang monsters at wala na rin makita sa binocular na mga gumagalang dungeon monsters.
Muling bumalik sa pagbbyahe ang mustang caravan na walang nabawas na tao at peko kahit isa dahil sa pagtutulungan ng lahat.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon