3.ang reyalidad

300 46 1
                                        

Tinanghali ng gising si daryl at nagmamadali.
“good morning!!.”sabi ni demeter habang nagpupunas ng baytang sa hagdanan na binababaan ni daryl.
Muling napahanga ang binata sa kanyang nakitang kababaan sa kanyang holy guide goddess.
Parang katulong ang itsura ni demeter at namamawis sa paglilinis.
“ah good morning po.tinaghali na po ako.nakakahiya kay bela.”sabi ni daryl.
“pinapasabi pala nya.hindi sya makakasama sayo.biglaan kasi ang patawag sa kanya ng guild house kagabi.may one week contruct sya ngayong  para sa raid party.hindi ka na nya nahintay kanina at natutulog ka pa.”sabi ni demeter.
“ah ganun po ba?”sabi ni daryl.
“pero iniwan nya ang mapang ito.madali naman sundan.nilagyan nya ng mga ekis ang mga lugar kung saan nandoon ang mga low level na monsters.
At nilagyan ko din ng ekis kung nasaan ang black smith.
Kung tutuloy ka ngayon.mag iingat ka ha.”sabi ni demeter.
“nakabihis na po ako.kakayanin ko na po siguro yan.”sabi ni daryl na noon ay kinakabahan.dahil sa talang buhay nya ay hindi pa nararanasan makipagbabag.
Purong lakas ng loob ang pinairal ng binata sa kagustuhan na maging kapakipakinabang sa kanyang goddess.
Agad na nagpunta sa black smith na tinutukoy ng godess at ipinacheckup ang lumang katana.
Dahil nagpakilala ang binata na follower ni demeter na matagal nang kaibigan ng panday ay ispesyal ang turing nito kay daryl bilang isang kaibigan.
“bagong follower ka pala ni demeter.pagbutihan mo kapatid.hayaan mo at aayusin ko itong lumang katana.mabuti at hindi masyadong malalim ang kagat ng mga kalawang maayos pa.konting hasa lang at linis.”sabi ni lukas.
“buti naman po.wala pa po akong pangbili ng bagong sandata.”sabi ni daryl.
“matibay na klase ang isang ito.sa dami ng sinalag na talim nito sa pakikipag laban,ni hindi manlang nalamatan.magaling ang gumawa ng katanang ito.
Iba talaga gumawa ang mga old japanese samurai smith.sa panantya ko,galing pa nga ito sa world war.ganito kasi ang disensyo ng mga tatagnan.  kung napapansin mo.ayan oh lumabas  nanung malinis ko.mukang pag aaari ito ng isang general kaya ispesyal ang isang ito.”sabi ni lukas.
“waw.ang husay nyo po pala sa mga ispada.”sabi ni daryl na talaga namang napahanga sa skills ni lukas.
“hahaha.syempre naman.trabaho na namin noon pa ang magpanday.nasa dugo  nang aming pamilya.marami na akong nahawakan na sandata.kaya pamilyar na sa akin ang.mga ganito kalumang sandata.”sabi ni lukas.
Magic user si lukas kayat ang mga sandata na kanyang pinapanday ay pinalalakas at pinagtitibay ng kanyang magic skill na fortification magic at marunong din gumawa ng mga magical weapon mula sa mga magical parts ng mga monster at magical stones at materials sa mga minahan.
“o ayan.buti nalang at mababaw lang ang kagat ng mga.kalawang kayat kinaya pang ayusin ng fortification magic,bago na din ang talim nyan.”sabi ni lukas.
“wow.astigen.good as new na po ito ah.parang bagong gawa.”sabi ni daryl na hindi parin makapaniwala na ang kalawangin na ispada ay babalik sa pagiging makinis na obra dahil sa magic na una nyang malapitan na natunghayan sa pagkakataong iyon.
“ahahaha.magic!.yan ang nagagawa ng mahusay na skills at magic.tatagnan nalang at kaluban ang luma tignan.ahahaha.”sabi ni lukas na hangang hanga sa sarili.
“iba pala tagala ang nagagawa ng magic.kaya ganun nalang kabilis ang pagyaman ng mga magic users dito.”sabi ni daryl na noon ay napahanga ng husto sa magic.
“magkano po pala ang charge ng repair.”sabi ni daryl.
Matagal na pinagmasdan ni lukas ang binata na noon ay mukang hindi raider dahil sa soot na puting kamisa de chino at itim na mahabang salawal.
“sabihin mo brad.gaano ka na.katagal dito?.raider ka ba talaga?”sabi ni lukas na noon ay naghihinala nang baguhan si daryl dahil sa itsura nito.
“ah opo.dalawang araw palang po ngayon.kasalukuyan ko palang inaadopt ang buhay dito.medyo minalas nga po at naging non magic user ako.”sabi ni daryl.
“ah kaya naman pala.hindi ka kasi mukang raider sa soot mo.wala kamanlang soot na armor.may pera ka na ba?”sabi ni lukas.
“mero naman pong konti.”sabi ni daryl at ipinakita ang ilang piraso ng bronze at copper coin na nakalagay sa maliit na bag na tela.
“kulang na kulang yan para sa service.sige ganito nalang.tutal at followers ka namn ni demeter.kalahati nalang ang babayaran mo.1silver and 30 copper coin ang halaga ng repair para dyan sa katana mo.kaya 65 copper nalang ang babayaran mo.kapag may pera ka na.bayaran mo ko ha.”masayang sabi ng butihing panday.
Natuwa naman si daryl at labis ang pasasalamat.
“hayaan nyo po at pag iipunan ko.maraming salamat po.ayos!”sabi ni daryl.
“ahahaha.sige na at tinatanghali ka na.mahihirapan ka nang maghanap ng mga low level kapag nagpatanghali ka pa.”sabi ni lukas.
Alam ng panday na matatagalan bago makabayad ang binata dahil mura lang ang halaga ng mga low level na halimaw na kadalasan ay 1 to 5 bronze lang ang halaga sa guild house.
Ngunit para sa kanya ay priceless ang mabigyan ng ngiti ang kanyang mga kliyente.
Ang currency ng heavens art ay nagsisimula sa bronze,copper,silver at gold na may 100 value ng masmababang currency.
Sinundan ni daryl ang mapa na ibinigay ni bela palabas sa greatgate ng great wall.
“haayy.dapat pala inagahan ko.kalayo pala ng gate.papunta palang pagod na ko.”sabi ni daril habang nilalakad ang main service road palabas.
Hindi sinasadyang nasalubong ni athena si daryl habang nakasakay sa karwahe galing sa labas ng gate.
“daryl!.kamusta ka na?”sabi ni athena at agad na napansin ang emblem ni demeter.
“ah hi!.holy guide athena.eto ok naman po.”sabi ni daryl.
“followers ka na pala ngyon ni demeter.mag reraid ka ba?”sabi ni athena.
“opo.tinanghali na nga po at ipinaayos ko pa itong binigay na katana ni holy guide demeter.”sabi ni daryl.
“natutuwa ako para sayo.o sige pagbutihan mo ha.baka tanghaliin ka lalo.tutuloy na rin ako.sya nga pala maganda ang araw ngayon.madaming low level sa field.makakapag sanay ka ng mabuti.”sabi ni athena.
“sige po.salamat po.”sabi ni daryl.
Nagpatuloy sa paglalakad ang binata at sawakas ay nakarating sa outerwall kung saan makikita naman ang community ng mga non magic users na abala sa pang araw araw nilang buhay.
Kitang kita ang kaibahan ng pamumuhay doon kumpara sa masaganang pamumuhay sa loob ng great wall.
Payak at simple ang mga tao at walang arte o fashion na sinisundan katulad ng mga nasa loob.
Elite o wealthy class ang mga tao sa loob ng greatwall habang ang nasa outer wall naman ay commoner o poor  class.
“walang ipinag iba.ganito din sa mundo namin.hiwalay ang dekolor sa puti.ganun talaga eh.mahirap ang buhay dito sa labas.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang mga tao.
Narating nya ang pinakamalapit na field kung saan naroon din ang.ibang mga solo raider na walang blessings ng mga holy guide na pumapatay ng mga low level monsters.
Noong una ay nahihiya pa ang binata na parang weird at naglalaro lang sila dahil ang mga kalaban ay mga kid  goblin na hindi pa aabot sa kanyang tuhod.
Isang grupo ng 5 goblin ang nakakita sa kanya habang nakatayo sa di kalayuan kung saan naroon ang iba pang raider.
Dahan dahan na lumapit ang limang kid goblin at inukatan sya.
Inakala ng binata na walang magagawa sa kanya ang mga goblin na cute pa ang mga itsura kayat hindi sineryoso ang mga ito at hinayaang makalapit nang hindi manlang hinuhugot ang kanyang katana.
Matagal na nakipag pakiramdaman ang mga goblin sa binata nang biglang sumugod ang mga ito.
Agad na nakayakap ang dalawa sa binti at kinakagat ang balat ng binata habang abala naman sa pagwawasiwas sa dalawa pang kumapit naman sa dalawang braso,at ang huling goblin ay umakyat sa kanyang balikat at hinihila ang butas ng kanyang ilong habang naka sabunot at kumakagat sa anit.
“aaahh!!.aahh!!.bitawan nyo ko!!.”sigaw ni daryl habang nagpupumiglas sa hindi maalis alis na mga boglin.
Dito na natakot ang binata at nagsimulang mag panic.
Walang tumutulong sa kanya kahit nakikita sya ay pinagtatawanan pa ng mga kapwa raider mula sa malayo.
Kahit nagpapanic ay nakikita nya ang reaksyon ng iba na wala na talaga ang puso ng pakikipagtulungan.
Nagkasugat sugat ang binata sa pagpupumiglas at pakikipag laban sa mga batang goblin na hindi bumibitaw.
“ahhh!!hindi pwedeng ganito.hindi ako mamamatay sa inyo.waaaa!!!”sigaw ni daryl at kinalimutan ang kaba at takot na nararamdaman.
Sa dami ng sugat at pasa na inabot ay tsaka lang nagising ang binata sa katotohanan na kailangan nyang lumaban  at pumatay kung ayaw nyang mapatay ng mga batang goblin.
Kayat pinilit na makarating sa pinakamalapit na puno habang nakaukyabit sa kanyang ang limang batang goblin.
Nang marating ang puno ay buong lakas na inihampas ang batang goblin sa kanyang kanang braso at sumonod ang sa kaliwa.
Agad bumitaw ang dalawang goblin na nawalan ng malay.
Kayat nagkaroon ng pagkakataon ang binata para sakalin ang goblin sa kanyang balikat maraming beses na inihampas sa dalawang goblin na kumakagat sa kabyang binti hanggang sa mapabitaw nya ang dalawa pang goblin at nagtakbuhan.
Hindi binitawan ng binata ang hawak na goblin at dinikdik ng idinikdik sa puno hanggang mamatay.
“ha ha ha ha(hingal).badtrip  kayo.muka lang pala kayong anghel .grabe kala ko mamamatay na ko.humanda kayo.sakin.”galit ni daryl at nabugbog sya ng mga munting halimaw na inakala nyang hindi sya kayang saktan.
Kayat dalidaling pinulot ang kanyang katana at hinugot iyon.
“tatawa tawa pa kayo ha.minamaliit nyo ko.wrrr.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang dalawang tumakas na goblin at kagat ngipin ang kanyang inis.
Hinabol nya iyon at walang awang pinag papatay ang lahat ng masalubong hanggat hindi inaabutan ang dalawang pasaway na goblin.
Ang mga raider na kaning nagtatawa  ay bigla nalang natigilan at pinapanood ang pagwawala ng binata.
Sa sobrang inis ng binata ay hindi nito pansin ang kirot ng kanyang mga kagat sa binti at braso at ang dami ng goblin na nahiwa at napatay ng kanyang katana.
Parang nagdilim ang kanyang paningin sa dalawang pasaway na goblin.
Mag isang lumalaban sa bahagi ng field ang binata na parang nagwawalang halimaw.
Hanggang sa macorner ng binata ang dalawang goblin at buong lakas na hiniwa ng katana.
“ha ha (hingal).akala nyo siguro.aatrasan ko kayo.mga peste kayo.mga bwisit kayo.ha ha(hingal).”sabi ni daryl at napaupo sa sobrang pagod na noon lang nya biglang naramdaman.
Sumalampak ito sa lupa at huminga ng malalim at nagpahinga.
Nang mahimasmasan ay muling tumayo at nagulat pa sa kanyang nakita.
Nagkalat ang mga dugo,patay at hiwa hiwang katawan ng mga batang goblin.
“eh?!.ako ba ang may gawa nito?ang dami ko palang napatay.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang  kanyang paligid.
Hindi ito makapaniwala na magagawa nya ang karumaldumal na pagpatay ngunit alam nyang dapat nya itong gawin laban sa mga halimaw.
Nang biglang lumapit ang isang bata.isa din itong non magic user na kadalasang nag aabang ng mga raider para magoffer naman ng looting service dahil hindi nila kayang lumaban.
“kuya!kuya!.ang galing nyo po.kayo po ngayon ang may pinakamaraming kill.tignan nyo oh.pinapanoon ka po nila.mukang baguhan po kasi kayo.pero ang dami nyo po agad napatay.parang killing machine na nakawala sa kural ng mga kid goblin.ako nalang ang pupulot ng mga ulo para sayo kuya.sa bawat sapung ulo ay sa akin ang isa.”sabi ng bata na may dalang sako at maliit na palakot na pang putol sa mga ulo.
Nagulat muli ang binata ng pagmasdan nya ang mga taong itinuturo ng bata na kanikanina lang ay nanonood at tumatawa sa kapalpakan nya.
Dito naramdaman ni daryl ang pakiramdam ng kasiyahan sa pakikipaglaban na dapat nyang ikarangal bilang isang raider kahit gaano pa ito kadelikado,mahina man o malakas ang monster.
Nakita nya na ang karangalan at reputasyon sa kapwa raider ay makukuha lang sa pagiging malakas.
“ano kuya?.gusto mo ba?”sabi ng bata na ang katawan ay  6 yrs old lang na bata.
“ok sige,ang bata mo naman na napunta dito?”sabi ni daryl habang sinusundan at tinutulungan ang bata sa pagputol ng mga ulo habang ang bata  ay namumulot naman ng mga ulo.
“opo kuya.kasalanan ko po eh.dahil sakin.naaksidente kami.kung hindi sana naging matigas ang ulo ko.kaya eto.nakarating ako dito.hindi ko naman kayang makipaglaban sa mga monsters.kayang kaya nila akong patayin eh.natatakot ako.kaya nag aabang ako ng mga raider na katulad mo.para may hanap buhay din naman ako kahit taga pulot lang.wala naman po kasi akong pamilya dito.noong una nga po ay namamalimos lang ako.buti nalang po at naisipan ko ang ganitong trabaho.pero dito lang po ako nag aabang sa low level field.mahirap po doon sa mga high level.buti nalang at magaling akong magtago.”sabi ng bata na si mia.
“anong pangalan mo pala?saan ka nakatira?”sabi ni daryl habang patuloy ang pag taga sa mga leeg na kanina ay pinang aawaan pa ni daryl,ngunit ngayon ay parang manok lang na pinuputulan ng ulo.
“ako po si mia.at doon po malapit sa gate ay may maliit na bahay bahayan po ako.”sabi ni mia.
“ang tapang mo palang bata.hayaan mo at mula ngayon ay palagi na kitang isasama.baguhan lang ako dito pero gagawin ko lahat ng magagawa ko para makakuha tayo ng maraming ulo araw araw.kung ok lang sayo.”sabi ni daryl.
Namuo ang natural na ngiti sa muka ng bata na sobrang nagalak sa sinabi ni daryl dahil karamihan sa mga raider ay hindi umaasa sa mga looters gaya ni mia.
Para sa bata,ang sinabi ni daryl ay siguradong tulong upang hindi na sya makaranas pa ng gutom.
“opo kuya.payag na payag po ako.yeheeyy!!.thank you po.”masayang sabi ni mia na mukang madungis na anghel.
“pulutin muna natin lahat to.tapos magpapahinga lang ako ng konti.medyo nanginginig pa yung mga tuhod ko eh.hahaha.”ni daryl.
“sige kuya.tapos po ay kukunin ko lang ang cart ko.madami  na po ito eh.mahihirapan tayong magbuhat.”sabi ni mia.
“may cart ka?”sabi ni daryl.
“opo.nakuha ko po sa basurahan.kaya pilit kong binuo.”sabi ni mia.
Muli nanaman napahanga ang binata at naging inspirasyon ang tapang ng batang iyon.
“oh sige.tutal at malapit lang naman.hihintayin na kita dito.”sabi ni daryl habang nagpapahinga sa ilalim ng puno kung saan nya pinatay ang unang goblin.
Muling bumalik ang bata dala ang cart at isinakay doon ang mga ulo.
“nabilang mo ba ang mga ulo?”sabi ni daryl.
“opo kuya.nakakuha po tayo ng 36 na ulo.”masayang sabi ni mia.
“maliit pala ang mapupunta sayo.ayos lang ba sayo yon.”sabi ni daryl.
“opo kuya.1 broze lang po ang halaga ng pinakamurang tinapay sa palengke.kaya sa 3 bronze ay maitatagpos ko na po ang maghapon.”sabi ni mia.
Naantig ang puso ng  binata na patuloy ang paghanga sa tibay ng bata.
“ang hirap pala talaga ng pinag daanan mo.baguhin natin ang hatian.2 ulo kada 10 ang sa iyo.para makabili ka pa ng inumin.”sabi ni daryl.
“haaaaa?!..naku!.salamat po kuya!hahaha.”sabi ni mia.
Walang kasing ganda at nakakapawi ng pagod ang bawat ngiti ng bata para sa puso ni daryl na labis ang awa at paghanga sa batang iyon.
“ok!.lets go.distansya ka lang ha.doon tayo.medyo layu layo ang mga goblin doon.makakabwelo pa ako bago sumugod ulit yung iba.”sabi ni daryl.
“ok po!.”sabi ni mia.
Sa setup ng dalawa ay maaari nang itakas ni mia ang mga ulo habang abala sa pakikipaglaban ang binata gaya ng ginagawa ng ibang tusong looter,ngunit pinagtiwalaan ito ng binata at hindi rin naman naakit ang bata sa hawak nyang mga ulo dahil mas inisip nito ang mga susunod pang mga araw na maaari nyang makasama ang bagong kaibigan.
Sa maghapon na trabaho ay nakaipon ng 81 ulo ang dalawa at talagang napagod ang binata habang iniinda pa ang mga sugat na kingat ng mga goblin.
Sumama si mia hanggang sa guild house para ipalit ang mga ulo.
Kilala na ng mga guild representative sa exchange office si mia.
“oh mia?.ang dami nyan ah?”sabi ng guild rep na si cherry.
“opo ate.magaling at masipag po si kuya eh.”sabi ni mia sabay turo kay daryl.
“ah kaya naman pala masaya ka.”sabi ni cherry.
“opo ate!.”sabi ni.mia.
“halika na ipabilang natin yang goblin head at nang mabayaran na natin.”sabi ni cherry at agad na inasikaso ang mga ulo.
Matapos bayaran ay agad na ibinigay ni daryl ang parte ni mia.
“yes!!.ang dami nito kuya.bihira akong makahawak ng 10 bronze.pero ngayon 16 pa ang binigay mo sakin.maraming salamat po.”sabi ni mia.
“dahil yan sa mabait kang bata.kahit gaano pa kahirap ang buhay mo.wag kang gagawa  ng masama.”sabi ni daryl na napasaya ng katapatan ng bata.
“opo kuya.bukas ulit ha.ako nalang po ulit ang tagapulot ninyo.”sabi ni mia.
“oo naman.araw araw nga di ba?.kapag kaya ko nang makarating sa dungeon.isasama din kita doon.”sabi ni daryl.
“opo!.sige kuya uuwi na po ako.”sabi ni mia at masayang nagtungo muna sa palengke.
“ah sir.sandali lang po!”sabi ni cherry.
“po?!.bakit po?.”sabi ni daryl.
“bagong raider po pala kayo.nakapagparehistro na po ba kayo sa guild house?baka po kasi maibigan ninyong tumanggap ng mga request sa amin.karagdagang kita para sa inyong mga raider.”sabi ni cherry na kanina pa pala nag search sa mga ID  ng mga raider sa guild.
“ah hindi pa po.pero interesado po ako.”sabi ni daryl.
“sige sir pumunta lang po kayo doon sa window 1.may mag aassist na po sa inyo.”sabi ni cherry.
“sige po mam.salamat.”sabi ni daril at nagtungo sa window 1 at nagparehistro.
Matapos ang registration at matanggap ang ID ay nagtungo naman sa quest board kung saan ipinapaskil ang mga request.
“hindi ko pa kaya ang mga to.sa itsura lang ng mga halimaw nakakatakot na.training pa more..”sabi ni daryl.
At nagpasya nang pumunta sa palengke para mag uwi ng masarap na hapunan.
“hindi pa pala ako kumakain.kaya pala nanghihina ako.65 bronze ang pera ngayon.ang hirap din pala kumita ng pera dito.buti nalang at may nagbebenta pa ng mga murang pagkain.”sabi ni daryl habang namimili ng mga inihaw na pagkaing iuuwi sa kanyang mga kasama para pagsaluhan sa hapunan.
Matapos ang pamimili ay umuwi na sa sambahan.
“nandito na po ako.may dala po akong konting inihaw para sa hapunan.pasensya na po at ginabi na ako.nagpa rehistro pa po kasi ako sa guild house.”sabi ni daryl.
“hay nako.nag alala ako sayo daryl.akala ko ay kung ano na ang nangyari sayo.ginabi ka na.at puro sugat ka pa!,halika nga dito at maupo ka.pagagalingin ko ang mga sugat mo.”sabi ni demeter na labis ang pag aalala at pinaupo si daryl sa kusina kung saan naroon sila at nag hahanda ng hapunan.
Kapangyarihan din ng mga holy guide gods ang magpagaling ng mga sugat.
“pasensya na po.napalaban po kasi ako kaninang umaga.akala ko ay hindi sila ganoon ka delikado.kaya ayan nagkasugat sugat po ako sa kagat ng mga goblin.buti nga po at natakasan ko pa.hehe.”sabi ni daryl.
“hindi mo dapat minamaliit ang mga halimaw.malalakas sila kung ikukumpara sa mga tao.”sabi ni bela na noon ay inihahanda naman ang dala nilang pagkain.
“nakailan ka naman ngayong araw?at ginabi ka.”sabi ni demeter.
“81 po na batang goblin.pero may kasama po akong bata na nakilala ko doon.naging tagapulot ko po sya.”sabi ni daryl.
“81!!!”.sabay na sabi ni bela ay demeter.
“ang dami nun!.”sabi ni bela na hindi makapaniwala dahil sya man sa sarili nya o sa mga naging kasamahan nya na parehong lvl na meron sya ay hindi pa nakapagtala ng ganoong record na automatic palang narerecrod sa guild id status.
“wow.daryl!!.kaya mo yon?”sabi ni demeter.
“po?!.bakit po?.madami din naman po silang nakukuha.”sabi ni daril.
“ang galing mo para sa isang baguhan.kadalas ay 20 to 30 lang ang nakukuha ng isang average na starting raider sa buong maghapon.pero ikaw ay dinoble mo pa.at sobra sobra pa”sabi ni bela.
“ah eh siguro dahil dito sa katana.mahaba kasi at komportableng gamitin.tsaka may tagapulot ako kaya masmabilis.isa pa ay nainis ako kanina kaya parang nagdilim ang paningin ko.”sabi ni daryl.
Humanga ang dalawa na hindi nila inaasahan na magagawa ni daryl.
“ikaw pala yung usap usapan doon sa gate.yung tinawag nilang killing machine.unang araw mo palang ay nakagawa ka na ng pangalan.”sabi ni bela.
“ahehe.hindi ko naman yon sinasadya.nakakahiya naman yun.”sabi ni daryl.
Biglang niyakap ni demeter si daryl na noon ay nakaupo at nasubsob sa malusog na dibdib ni demeter.
“im so proud of you daryl.”masayang sabi ni demeter.
“um um um.hindi po ako makahinga.”sabi ni daryl.
“Hihihi.sorry na excite ako eh.kapag nagpatuloy ka sa ganyan.mabilis kang lalakas.tignan ko nga ang stats mo.”sabi ni demeter at agad na ginamit ang bless magic.
“wow!.level 2 ka na at close to level 3.sa loob lang ng isang araw.hahaha.ang galing.at ito pa ang magandang balita.nabuksan mo na ang una mong attack skill.”galak na galak na sabi ni demeter.
“ang galing talaga.pag ganyan ng ganyan.lalagpasan mo agad ang level ko.”sabi ni bela.
“anong skill po?!.”sabi ni daryl na biglang natuwa.
“wait lang ha.aalamin ko pa at siguradong nagamit mo ito kanina ng hindi mo napapansin.”sabi ni demeter habang hinahalukay ang memory ni daryl gamit ang bless magic.
“heto na.ipapa alala ko sayo kung paano mo ginawa para maulit mo ulit sa susunod na laban mo.pero wag madalas ha.mauubusan ka agad ng lakas.”sabi ni demeter at na enhance ang memory ng skill ni daryl sa kanyang isipan upang hindi iyon makalimutan.
Ang skill na ito ay ang malakas at matalim na hiwang ginawa nya sa dalawang goblin na pilit nyang hinahabol.
Hindi lang nya napansin ang hiwang iyon ay umabot pa sa mga batong nasalikod ng goblin at bahagyang bumaon.
“bakit hindi natin bigyan ng pangalan ang skill na iyan.”sabi ni demeter.
“sige po.ano po kaya ang magandang pangalan.”sabi ni daryl.
“ahm dahil nagagalit ka nung ginawa mo yan.maganda siguro kung (anger of blade) para nandoon parin ang memory kung paano mo natuklasan ang skill na yan.”sabi ni demeter.
“sige po.maganda naman po.”masayang sabi ni daryl.
“o sige na.magbihis ka na at nang makakain na tayo.ang dami nitong binili mong inihaw.mabubusog tayo nito.hihihi.paborito ko to eh.thank you daryl.”sabi ni demeter na halatang bihira makakain ng masarap dahil sa pinagkakasya lang ang kita ng mga fallowers na noon ay hindi rin naman kumikita ng maganda.
Naging masaya ang binata sa bago nyang pamilya at nangakong paghuhusayin pa ang mga susunod na raid upang maghatid ng masmasasarap na pagkain para sa goddess.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon