24.ang glory knight

223 34 0
                                    

“alright out na po ako.Kanina pa po kayo dyan?”sabi ni matilde.
“Hindi naman miss kakadating dating lang din namin.”sabi ni daryl.
“maaari na ba tayo pumunta at miss na miss ko na ang bahay ko.”sabi ni  jerard.
“sige po lolo.lets go.”sabi ni matilde.
Muling bumalik sa puno ang tatlo sa bahagi kung saan itinuturo ng sandok ang kabuoan ng pintuan.
“sagrado po ang world tree,kayat bago natin sya galawin ay nararapat lang na alayan natin sya ng dasal upang hindi po tayo malasin.”sabi ni matilde.
Pinangunahan nito ang pag aalaay ng dasal kayat sama samang lumuhod sa harap ng world tree at nagdasal.
“ok na po.distansya lang po kayo ng konti at manganga ilangan po ako ng space para sa spell.medyo maselan po kasi ang gagawin ko,pagagalawin ko po ang laman ng puno para bigyan tayo ng daan papunta sa pintuan ng bahay nyo lolo..”sabi ni matilde.
Dumistansya ang dalawa upang bigyan ng sapat na space si matilde sa gagawing Wood manipulation magic.
At sinimulan ni matilde ang mana flow sa spell gate pentagram  na umilaw sa lupa na kanyang tinatapakan gaya ng pangkaraniwang spell type magic skill.
Sinambit ang magic spell at naipon ang magic sa kamay ni matilde at hinawakan ang puno habang patuloy na binibigkas ang magic spell.
Nagkaroon ng mahinang pagyanig ang bahagi ng lupa kung saan naroon ang bahagi ng puno na apektado ng magic ni matilde.
Unti unti ay gumagalaw ang matigas na kahot ng puno na parang malambot na laman  at dahan dahan umaayos at nagbubukas ng daan mula sa maliit na siwang ng ugat,lumalaki at patungo sa loob.
Dahan dahan ay unti unti rin na pumapasok si matilde na parang itinutulak ng kanyang magic ang pagbubukas papasok sa loob.
Dahan dahan at maingat ang bawat sulong ni matilde upang hindi masaktan ang puno,hanggang sa  mahawakan na nya ang pintuan ng bahay.
Nang masiguro ni matilde na maluwag nang mabubuksan ang pinto ay dahan dahan na nyang pinatigas ang bahagi ng puno na pinagalaw nya at ginawan ng malaking lagusan upang madaan papasok sa bahay ni jerard.
Dito na tinapos ni matilde ang magic spell.
Nakamatang naghihintay sa labas ng madilim na lagusan si daryl at jerard.
Maya maya pa ay lumabas na si matilde.
“pwede na ba binibining matilde?”excited na sabi ni jerard.
“Pwedeng pwede na po lolo.nakakagulat nga po at buo parin ang pinto at maayos parin ang  door knob.”sabi ni matilde.
“hahaha.ayos!.maraming salamat sayo binibining matilde.sa wakas ay magkikita na kami ni tanan at ng mga kagamitan ko.hahaha.”sabi ni jerard at excited na pumasok sa lagusan.
“salamat po mis matilde.”sabi ni daryl.
“Masaya po akong makatulong sa inyo sir daryl.hindi na rin po ako magtatagal at dumidilim na po.”sabi ni matilde.
“sige po.ihatid ko na po kayo dyan sa kanto at medyo.madilim na ang daan at wala po yatang ilaw itong bahagi na to.”sabi ni daryl at inihatid si matilde.
Samantala,sa loob ng lagusan ay nangangapa si jerard hanggang sa mahawakan nya ang pinto at ang door knob ng bahay.
“tanan!ako ito si jerard!.hahaha!”sabi ni jerard.
“ding! Dong!ding! Dong! Ding! Dong!.”sagot ng maliliit na kampana sa kisame ng bahay ni jerard at kusang bumukas ang pinto at walang tigil ang kalembang ng mga kampana tanda ng matinding kasiyahan ni tanan.
Sabay sabay na umilaw ang mga lampara sa dingding at nagkakagulo sa tuwa ang lahat ng kagamitan at lahat ay nagnanais na lapitan si jerard upang magpahawak.
“ahahahaha!.namiss ko kayong lahat mga kagamitan ko!.mabuti naman at maayos pa kayong lahat.mukang inalagaan nyo nang mabuti ang buong bahay.wala parin itong pagbabago,walang agiw,malinis ang sahig,walang alikabok at ang lahat ay nasa ayos.good job!.”sabi ni jerard habang isa isang hinahawakan ang mga nananabik na kagamitan.
Parang mga tao din na may ibat ibang karakter ang bawat piraso ng kagamitan at lahat ay naiintindihan ni jerard kahit hindi nagsasalita ang mga ito.
Matapos ihatid si matilde ay muling bumalik ang binata at habang papalapit sa pinto ay napansin nitong liwanag sa mga pagitan ng pinto at ang maingat na kalampagan ng mga gamit.
Kumatok si daryl at pinagbukasan ni jerard.
“daryl.ipinakikilala ko sayo si tanan at ang aking mga kagamitan.”sabi ni jerard.
Namangha ang binata sa kagandahan ng klasikong  ayos ng malinis at kaaya ayang kahoy na bahay at sa sabay sabay na pagtayo ng matuwid at pag bow ng mga kagamitan.
Pakiramdam ng binata ay parang nasa mundo lang sya ng panaginip at nahihiwagaan sa lahat ng nakikita na tumagal ng 400 taon sa loob ng puno ay maayos at makintab parin at alaga sa linis.
Hindi makapag salita sa pagkamangha ang binata at nakanganga habang pinangmamasdan ang lahat.
“O daryl!.bakit parang nakakita ka yata ng multo?.totoo ang mga nakikita mo.gumagalaw sila.maganda ba ang bahay ko?maliit pero kumpleto ang bahagi nito.may kusina, kwarto, sala, kainan,budega,library,laboratoryo at banyo.” Masayang sabi ni jerard.
“waaoow.ibang klase po ito.akala ko ay sa mga movie ko lang makikita ito,mga gumagalaw na bagay dahil sa magic.ang gaganda pa po ng mga kagamitan at puro makikinis na antique.ibang klase.parang time capsule na 400 taon na hindi binuksan.”sabi ni daryl.
Isa isang nagsipaglapit ang mga kagamitan kay daryl.
“Sige hawakan mo sila.ibig sabihin nyan ay nagtitiwala at gusto ka nila.”sabi ni jerard.
Isa isa naman na hinawakan ni daryl at kinamusta ang mga kagamitan na parang batang nakikipag kilala sa mga laruan.
Matapos ang mahabang kasiyahan ng mga kagamitan sa mga kwento ni jerard ay muling nagsipagbalik ang mga ito sa kanikanilang kinalalagyan.
“Gaya ng pangako ko,tutulong ako sa paghahanap,hahanapin ko ang lokasyon ng 5 dimensional key,ngunit mahaba ang paglalakbay ko pabalik sa oras dahil daan daan taon na ang nakalipas.
baka abutin ako ng pitong araw sa loob ng time and space.
pero wag kang mag alala at bibigyan ako ng proteksyon ni tanan upang hindi maputol ang chain ng time travel magic spell.
kung nagtataka ka. bakit dito ko lang pwedeng gawin ang mahabang time magic spell.ito ay dahil si tanan mismo ang magic wand ko.
Kaya kapag malayo ako sa kanya ay limitado lang ang  magic spell na kaya kong gawin,dahil ang malalakas na uri ng magic ay nangangailangan ng medium gaya ng magic wand,sticks,rings o kahit ano pang bagay na may kaugnayan sa nature ng spell caster.
Sa oras na simulan ko ang paglalakbay pabalik sa oras,ay hindi ka na makakapasok sa loob ni tanan,kayat humanap ka muna ng matutuluyan sa labas habang nandito pa ako sa loob at kasalukuyang nagttime travel.
At siguraduhin mo na dadalhan mo ako ng pagkain kahit isang beses lang sa isang araw tuwing alas 7 ng gabi.at dadalhin mo iyon sa harap ng pinto.iiwan mo lang.kung ayaw mong mamatay ako sa gutom.”sabi ni jerard.
“Sige po lolo.babantayan ko po kayo sa pinto.”sabi ni daryl.
“Hindi na kailangan daryl at ligtas naman ako sa loob ni tanan.hindi ito bubukas hanggat hindi ako nattapos.kayat habang nasa loob ako ay maglibot libot ka muna.ienjoy mo ang buong yugatan.basta wag mo lang kakalimutan ang pagkain ko.”sabi ni jerard.
“Opo lolo. bibili na po ako ng relo para hindi ako malate.hehe.”sabi ni daryl.
“magpahinga na muna tayo ngayon.bukas na nang umaga ako magsisimula.”sabi ni jerard.
“ang lamig po pala dito lolo.ngayon ko lang po naramdaman nang hubarin ko ang mga armor ko”sabi ni daryl.
Iba ang lamig sa yugatan dahil mataas ang lupain nito na parang pinatag na kabundukan.
“ahehehe.ganyan talaga dito.sandali at marami akong scarf dito.”sabi ni jerard at nagtungo sa kanyang kwarto.
“O heto.makapal yan.at siguradong masmalamig pa mamaya.”sabi ni jerard.
“Tamang tama po at lalabas ako para bumili ng hapunan.aaalis na po muna ako.”sabi ni daryl.
“sige ingat ka.”sabi ni jerard.
Nagtungo sa market place ang binata upang maglibot na tuloy.
Masaya at buhay na buhay ang night market  dahil sa dami ng taong namimili na mga dayuhan pa ng ibat ibang kaharian.
Huminto ang binata sa bilihan ng mga inihaw na pagkain at mga tinapay,at dumaan na rin sa bilihan ng digomang  relo.
Uuwi na sana ang binata ng makita nito si marie at rodora. Na parehong nakadamit pang convoy at kabod nalang yumakap sa kanyang braso.
“sir daryl!.hihihi.namimili din po pala kayo.”sabi ni marie.
“marie?! Rodora?!,buti naman at nakadamit na kayo.siguradong lalamigin kayo sa nipis ng mga balahibo nyo.kaninong uniform yan?”sabi ni daryl.
“hihihi sa amin po!.nasabi na po namin kay master rando ang gusto naming dalawa.at pinayagan po nya kami.kaya simula po ngayon ay mga empleyado na po kami ng peko  company sa ticketing boot.hihihi.”sabi ni rodora.
“wow!.congratulations.magandang balita yan.teka sandali at bibigyan ko kayo ng pera para makabili pa kayo ng mga bagong damit.”sabi ni daryl.
“ahm samahan mo nalang po kami.para makita mo tuloy ang ibibili mo sa amin.”sabi ni marie.
“ok sige.ano pala ang ginagawa nyo dito sa bayan?sino ang kasama nyo?”sabi ni daryl.
“nagpa blowout po ang company para sa lahat ng peko at mga convoy,nandoon po sila sa tavern.nagpaalam lang po kami para lumibot sandali.over night naman po ang tavern na inupahan nila”sabi ni marie.
“ayos pala eh.makabawi manlang si sir rando sa hirap ng byahe natin.”sabi ni daryl.
“Opo.mabait po talaga si master rando.”sabi ni rodora.
“kung ganon,lets go.halikayo at sasamahan ko kayo sa bilihan ng mga corporate attire at under wear.bagay na bagay sa inyo yun para marami kayong pwedeng isoot kapag nagttrabaho na kayo sa company ni sir rando.”sabi ni daryl at sumama naman ang dalawang peko na napakasaya.
Dinala ni daryl sa mga bilihan ng damit ang dalawang babae at binili ang lahat ng pangangailangan ng mga ito.
Mula sa pangbahay hanggang sa pangtrabaho ay binili ng binat.
Hindi rin nakatakas na samahan pareho sa pagsusukat at pagbibihis kahit ng mga undear wear na sinasadya ng mga ito upang akitin si daryl.
Hiyang hiya ang binata ngunit nakikita naman nyang masaya ang dalawang human peko kayat blowout nalang din nya sa dalawa ang mga bagay na iyon.
Matapos mamili ay sumama pa sa bahay ni jerard ang mga ito at kasamang kumain ng hapunan.
Nakipagkwentuhan bago bumalik sa tavern kung saan inupahan ng company ang kalahati nito para sa buong gabi ng kasiyahan.
Ito lang ang tavern na may matutulugan ang mga overnight customer.
Hindi pumayag ang dalawang human peko na hindi sila ihahatid ni daryl sa tavern at makikipag inuman kahit konti.
Ipinagpaalam pa ng mga ito kay jerard ang binata.
Kayat sumama naman ang binata.at kinagat ang pain ng dalawang nagmamahal na human  peko.
Plano ng dalawa na lasingin si daryl upang makasama at makasiping sa buong magdamag.dahil kinabukasan ay aalis na sila sa yugatan kingdom kasama ng mga inupahang high level raider ng yugatan na tutulong sa mga convoy.
Kayat pagpasok palang sa tavern ay lihim na kinausap na ng dalawang babae ang mga kasamahang peko sa kanilang pinaplano at natuwa naman ang mga ito at sinuportahan ang kanilang plano.
Bawal maglasing ang mga peko kayat mild lang ang inom ng mga ito,ngunit sadyang mahina sa alak si daryl kayat sa ilang shot ng hard na alak ay malagihay agad ang binata.
Sinamantala iyon ni marie at rodora.upang kompletuhin ang kaligayan ng kanilang pagkikita kay daryl.
Dahil sa impluwensya ng alak at alindog ng dalawang naggagandang human peko ay naakit at muling nagkasala ang binata at naenjoy ang init ng buong magdamag gaya ng mga nakaraang araw sa piling ng dalawang birhen na human peko.
“hay nako.napakasarap talagang makauwi sa aking bahay.miss na miss ko na ang aking kama.makatulog na nga.”sabi ni jerard.
Biglang hinarang sya ng sandok at kinausap.
“Ah si daryl ba?.wag ka nang mag alala sa kanya chef gaspar.bukas na babalik yon.sigurado ako dyan.baka sa oras na ito ay nakikipag bakbakan na ngayon yun.hahaha.ang sarap talaga maging bata.”sabi ni jerard na hindi naman naintindihan ng sandok ang ibig na sabihin.
At pumasok na sa kanyang silid at sabay sabay na namatay ang mga ilaw sa lampara.
Kinabukasan,ay maagang ginising pa ng halik salabi ng dalawang human peko si daryl na noon ay masarap ang tulog ng hubot hubad na katawan.
Upang magbihis na at papaalis na ang kanilang grupo sa tavern.
Dali dali naman na naligo at nagbihis ang binata.
“Lord,nagkasala naman po ako.haayy bakit ba hindi ko maiwasan.naadik na po yata ako.nakakahiya.mali mali mali talaga eh.haay.di bale na nga po.promise last naman na po ito.parting gift?.sorry po talaga.”sabi ni daryl sa kanyang pagdarasal sa loob ng CR habang nagbibihis.
Sumama si dary upang ihatid ang dalawang human peko sa departure area ng yugatan outer gate terminal.
Kasama na sa pila ng mga convoy  at company employee ang dalawang human peko na mukang stewardess  sa  soot nilang corporate attire na pinamili ni daryl na kanilang napili para sa kanila.
Bago sumakay sa kanilang karwahe ng caravan ay muling nagpaalam ang dalawa kay daryl ng isang matamis na halik sa labi ng masayang pamamaalam at muling bumalik at sumakay sa loob ng karwahe.
Hindi man aminin ng binata ay naging mahalaga na rin sa kanya ang dalawang human peko.
Ngunit ano pa man ang pinagdadaanang pagkakasala ng binata  ay hindi ito nagkukulang ng pagaalala at pagmamahal kay demeter kayat palaging tumatawag at kinakausap ang kanyang mahal.
Naalala ng binata ang gagawin ni jerard kayat nagmadali itong bumalik at nagdala ng agahan.
“Good morning po lolo jerard.may dala po akong agahan para makakain muna kayo bago po kayo magsimula.”sabi ni daryl.
“sige nga gusto ko yan,tinanghali ka yata?napalaban ka ba kagabi?.hehehe.dapat kumain ka ng maraming balut.hahaha.”pangungulit ni jerard habang tataas taas ang kilay at sinisiko ang binata.
“ah eh hindi po lolo.nalasing lang po kasi ako sa blowout ng caravan kagabi.kaya doon na po ako nakatulog.”palusot ni daryl ngunit hindi makatingin sa hiya.
“okie.ganun ba?.sige kain na tayo.pero maghilamos ka muna.may mga naiwan pang lipstiks dyan sa labi mo.hihihi.”sabi ni lolo jerard.
“Huh?!.ah eh  hindi po ito lipstick lolo!.candy po ito.hahaha.oo candy nga po.bumili po ako kanina bago ako nagpunta dito.kinain ko sa daan.”sabi ni daryl at binura ng kanyang dila ang mapupulang lipsstick na galing kay marie at rodora.
“Hahaha.ikaw talagang bata ka.sige na hilamusan mo na yang candy sa bibig mo.ganyan na pala ngayon kumain ng candy hano salasalampyad sa labi.huhulaan ko.dalawang candy ang kinain mo.ang sarap talaga maging bata.ahehehehe.”sabi ni jerard.
Hindi na kumibo pa ang binata at ngumiti nalang upang maiwasan na ang maraming tanong ni jerard.
Matapos kumain ay naghanda na si jerard gamit ang octagram na iginuhit nya sa sahig.
“sisimulan ko na daryl.maaari ka nang lumabas.wag mong kakalimutan ang pagkain ko.”sabi ni lolo jerard.
“opo lolo.sure po yan.bumili na po ako ng relo.”sabi ni daryl sabay pakita sa relo.
“Buti naman.”sabi ni jerard.
Lumabas ang binata gaya ng sabi ni jerard.
Naupo ang matanda sa gitna ng octagram at sinimulan ang time travel spell.
Nagpasya si daryl na sundin ang payo nang matanda na maglibot libot muna.kayat bumuli ito ng magic linen cloak para takpan ang lagusan ng bahay ni jerard upang hindi ito makita at maiwasan ang mga posibleng umabala sa matanda.
Habang nag iisip ng mapupuntahan ay napapad ang binata sa isang malaking gym kung saan maraming raider ang pumapasok para magpalakas ng kanilang katawan.
Nakita nya sa poster ng pintuan ang  tower of babel glory battle arena ng yugatan kingdom.
Isa ang palarong ito na maaaring pagmulan ng income ng mga raider fighter dahil binabayaran ang kanilang paglalaro,matalo man o manalo at kumikita pa ng 10% ng kabuoang pusta sa laban.
Para sa iba naman ay lugar ito para patunayan o ipagyabang ang kanilang lakas.
Kayat laganap ang malalakas na raider sa yugatan kingdom.
Ang babel tower ay may roong 100 floor kung saan bawat floor ay may roong champion na humahawak.
Masmataas na floor ay masmalakas na champion holder ang maaaring hamunin.
Depende sa manlalaro kung ordinary o champion fight ang pipirmahan nyang laban.
Malakas ang kita ng tore dahil sa dami ng tao na kaya nitong dalin kada floor na nagbabayad ng entrace ticker na depende parin ang halaga kung saang floor manonood.kung kaya ligal itong pinapayagan ng kaharian.
At ang bawat palapag ng tore ay protektado ng malakas na magic ng mga tagapagbantay at active na mage referee  upang maiwasan ang magkapatayan.
Nagpasya ang binata na manood.
Nagpunta ito sa babel na hindi mahirap hanapin dahil sa taas ng tore na may 30 large elevetor sa buong paikot.
Na syang nagsisilbing entrance at exit ng tore mula sa 2nd floor pataas
Matunog ang araw na iyon dahil sa laban ng isa sa mga tinaguriang glory knights  dahil may power class raider na humamon kay lancelot sa ika 100 floor battle arena ng babel tower.
Ang glory knights ay binubuo ng 14 na pinakamalalakas na raiders ng yugatan kingdom at nagsisilbing hero defender laban sa malalakas na uri ng boss monster  at iba pang  sumasalakay sa yugatan kingdom.
Isa itong heroic tittle na ibinibigay ng hari sa mga matatapat na defender ng kaharian na pawang nagtataglay ng lakas o level na hindi bababa sa power class raider.
taglay  ng bawat isa ang name alias ng mga orihinal na myembro ng makasasayang  knight of the round table.
At sila din ang may hawak ng champion tittle sa ika 100 floor ng babel tower.
Kilala at tanyag ang mga glory knight sa buong kaharian at iba pang kaharian na malapit sa yugatan kingdom.
Kayat katanyagan at kasikatan ang katumbas ng pagwawagi ng laban sa kahit sino man sa 14 na glory knight.
Pagkakataon ito para sa mga power class raiders na gustong subukin ang lakas ng mga  glory knight Dahil sa ika 100 floor ay isa sa mga glory knights lang ang maaaring makalaban ng challenger.
Kung saan naghihintay ang.malaking halaga ng papremyo sa sino mang magwawagi at tiyaka na katanyagan sa larangan ng palakasan.
“wow!ang haba ng pila dito.”sabi ni daryl ng makita ang mga taong nag uunahan sa pagbili ng ticket.
“ah boss ano ho ba ang meron sa pila na to at ganito kahaba.parang nag papanic buying sa pagbili  ng ticket ang mga tao?”tanong ni daryl sa isang lalaking naroon para magparegister ng match up.
“yan ba?.bago ka siguro dito sa babel arena.laban yan ni sir lancelot.may naglakas loob na humamon sa 100 floor at  si sir lancelot pa ang napili.malakas siguro yon.good luck nalang sa kanya.”sabi ng lalake raider fighter.
“ah ok?malakas ba talaga si sir lancelot?”sabi ni daryl.
“Hahaha.wala ka palang idea sa 14 glory knights ng kaharian.subukan mong manood para malaman mo kung gaano sila kalakas at kagaling na power class raiders kaya nakuha nila ang tittle ng glory knight.sige iwan na kita.magpaparehistro pa ako ng laban.”sabi ng lalake.
“Sige boss thank you!”sabi ni daryl.
Pero dahil mahaba ang pila ay hindi ito nakaabot sa huling piraso ng ticket.
Nang biglang dumating ang karwaheng sinasakayan ng glory knight galing pa sa kaharian.
Sigawan at nagkagulo ang mga tao sa pagbaba ng mga glory knight sa karwahe upang sumakay sa elevators paakyat sa 100 floor.
Nagkataon na nakaharang sa daan si daryl kasama ng iba pa.
Nang biglang sadyain ng isa sa mga glory knight na tabigin si daryl kasama ng iba pang nakaharang sa daan.
Ito ay si franco a.k.a sir gareth.ang pinaka badass at pinakamaangas ang ugali ng glory knight at kina iinisan ng marami ngunit kahanga hanga ang lakas nito at katapatan sa kaharian.
Inaasahan ni daryl na hihingi ng tawad ang glory knight na tinitingala ng marami kahit alam nitong sinadya ang paghawi sa kanila.
Ngunit tinignan lang silang lahat na tumumba sa pagkakahawi at binalewala.
Inis na inis ang mga kalalakihan at kababaihang raider na nadamay sa pagtumba ngunit takot pumalag kay sir gareth dahil sa laki palang ng katawan nito at itsura ay nakakatakot na.
Kayat puro masasamang bulungan ang maririnig.
Nadaganan ni daryl ang karamihan dahil sya ang hinawi at hindi sinasadyang napilayan ang isa sa mga babae.
“nako miss sorry.hinawi kasi ako ng lalake na yun.nasaktan ka ba.”sabi ni daryl.
“Ok lang ako,konting hilot lang.wag kang maingay at baka marinig ka ng mayabang na yan.ganyan talaga yan. ang pinakabastos sa mga glory knight.kaya walang may gusto dyan sa hambog na yan.nakita naman namin na kabod ka nalang hinawi ng bastos na yan.napakayabang talaga porke goly knight sya.”sabi ng babaeng  raider.
At dahil hindi inaasahan ni daryl na  hindi hihingi ng tawad ang aruganteng golry knight ay nainis ito sa kabastusan ng inaasahan nyang mabubuting tao.nang malaman nyang ito ang mga glory knight.
Kayat hindi nya napigilan ang kanyang sarili at umandar ang kapilyohan.
Nakakita ito ng tumapon na burger  pinulot at ibinalibag kay sir gareth.
Tinamaan sa balikat si sir gareth at pumakat ang mga ketsup ng burger sa soot nitong damit kayat napahito.
Agad humiwalay ang mga tao kay daryl sa takot na madamay sila at nagsipagtahimik at hinihintay ang mangyayari kay daryl.
Naiwan na mag isang nakatayo si daryl sa gitna ng nakapalibot na mga takot na raiders na nagkukumpulan at karamay sana sa kaguluhan.
“hindi mo na sana yun ginawa.delikado ka”mahinang sabi ng babaeng nakasalampak at napilay ang paa habang hawak ang pantalon ni daryl dahil sinubukan itong pigilan.
Ngunit nginitian lang ni daryl ang babae at nagawa pang inisin ng binata ang bastos na glory knight nang makita nyang masama ang tingin nito sa kanya.
“haaayy(hinga).sayang naman ang burger ko.tumapon sa malaking basura.pano ko pa ngayon kakainin yan.sayang naman.”sabi ni daryl.
Nainis si sir gareth at dahan dahan na lumapit kay daryl na nagngangalit ang mga ngipin at gumagalaw ang muscles sa panga at nanlilisik ang tingin ng mata.
Takot na takot ang mga tao para kay daryl.
Ngunit kampante lang ang mga titig nang mata ni daryl sa  nanlilisik na mata ni gareth at hindi nagpapakita ng takot na bahagi parin ng kanyang pang iinis upang makaganti sa bastos na glory knight at maibalik ang kabastusan nito.
Natigilan din ang iba pang glory knight na noon ay ayaw makialam sa ugali ni sir gareth.
Matagal na nagtitigan si daryl at sir gareth ng biglang hablutin  ni sir gareth ng malaki nitong kamay si daryl ngunit agad na sinalo ni daryl ang kamay ni gareth at nagpangbuno ang dalawa ng kanilang mga lakas sa kamay at braso.
Nagulat ang mga tao nang makita nilang sinalo ni daryl ang kamay ni gareth at nagawang pantayan ang lakas nito at kasalukuyang nakikipagbunong braso at hindi bumibitaw sa kanilang titigan.
Palakasan ng piga at pwersa ng barso kung saan masmalakas si gareth na ginawa ang lahat para pasukuin si daryl ngunit buong lakas na pinapantayan ng binata ang lakas ni gareth kahit nahihirapan na at hindi lang nagpahalata.
Nagulat ang iba pang mga glory knight at napatingin sa dalawa na may interes sa ipapakita pa ni daryl.
Inakala ni gareth na hindi iniinda ni daryl ang kanyang pwersa kayat tuluyan na itong nainis at ginamit ang reinforcement push skill.
Kitang kita ng mga kasamang glory knight ang paglaki at paggalit ng malalaking muscles ni gareth tanda ng activation ng reinforcement push skill.
Agad naman naramdaman iyon ni daryl na noon ay palaging naka long sleeve kayat hindi napansin ng mga tao ang paglaki at paggalit ng kanyang muscles sa pag activate ng kanyang reinforcement  push skill.
Nagulat muli ang mga glory knight sa kanilang nasasaksihan lalu pa nang mag activate na ang red yudo sa kamay ni daryl at sir gareth dahil sa lakas ng pigaan ng kanilang mga kamay na kahit makapal na bakal ay makukupi.
Makapigil hininga ang tagpong iyon sa mga tao at tahimik na nakamata.
Masmaraming pwersang nagagamit si daryl dahil sa diperensya ng kanilang lakas ngunit hindi parin ito nagpapahalata na nahihirapan na sya upang ipamuka kay sir gareth na hindi sya susuko.
“Napakalakas nya.hindi ko na yata to matatagalan.”sabi ni daryl sa kanyang isipan na noon ay nakakagat na rin ng mga ngipin sa kabila ng pagkukunwari na hindi sya apektado ni gareth.
“waaarrrr.dudurugin kita.sumuko ka na.rrrrr.”sabi naman ni sir gareth sa kanyang isipan habang nanggigigil kay daryl dahil ayaw mapahiya sa mga nakapalibot na tao.
Malapit na sanang sumuko si daryl nang biglang mainis na si sir gareth at akmang susuntukin si daryl ngunit listo  din ang binata at handang salagin ng suntok ang suntok ni gareth.
Dito na naki alam sina russel a.k.a sir arthur at daniel a.k.a sir lancelot.
Biglang pinigil ng dalawa ang kamay ni sir gareth at daryl upang maiwasan ang pagsiklab ng gulo dahil kompirmado na nilang may ibubuga si daryl kung maglalaban ang dalawa at lalong tatagal ang gulo.
“tama na sir gareth.maraming tao dito.mahuhuli na tayo sa laban ni sir lancelot.”sabi ni arthur habang hawak ang kamay ni sir gareth na ipang susuntok sana.
“Tama na kapatid.pasensya ka na sa kaibigan namin.ako nalang ang hihingi ng pasensya.alam ko naman na hindi mo kasalanan.”sabi ni sir lacelot at ngumiti.
Nakinig naman ang dalawa at dahan dahan na nagbitaw at tumalikod si sir gareth kasama ni sir arthur.habang si sir lancelot naman ay agad na sumunod sa dalawa at nagpatuloy sila sa paglalakad papunta sa elevator.
Sa 14 na glory knights ay si sir arthur at sir lancelot ang pinakamabait at iginagalang ng lahat,ngunit kinatatakutan dahil sila din ang pinakmalakas  kasama  ni sir gareth.
Nakuha ni daryl ang pansin at respeto ng mga glory knight dahil sa kanyang ipinakital.
Naiwan na speechless ang mga tao at tulala parin kay daryl.
Habang si daryl ay naghihilot ng kanyang kamay.
“Napakalakas talaga nya.buti nalang at pinigil na nila kami..kung nagkataon talo ako.hehehe.”sabi ni daryl sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang papalayong mga glory knight at hinihilot ang kamay.
Tulala parin ang babaeng nakasalampak habang nakatingin kay daryl na alam nyang hindi rin pangkaraniwan gaya ng mga glory knights ngunit mukang inosente at pangkaraniwang raider lang.
“Ah miss tulungan na kitang tumayo.sasamahan na kita sa clinic at ako naman ang dahilan kaya ka napilay.kung hindi sana kita nadaganan.”sabi ni daryl at tinulungan tumayo ang babae na nakatitig parin kay daryl.
“Ang galing ng ginawa mo.napahiya sayo si sir gareth.”sabi ng babae habang inaakay ni daryl sa clinic.
“chamba lang yun miss.medyo nainis din kasi ako at hindi manlang humingi ng sorry bago umalis.hihihi.”sabi ni daryl.
Iniwan ni daryl ang babae sa clinic at nagpasya nalang na humanap ng matutuluyan upang makaiwas sa gulo kung babalik pa sa babel tower.
Hindi naman naniniwala ang babae at alam nyang malakas din si daryl na noon ay pinagmamasdan habang papalayo.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon