Maagang nagsipag gising ang mga pirata upang pababain na ang mga babaeng inupahan at nagsipaghanda sa kanikanilang istasyon para sa paglipad ng airship.
Nagising ng mga kalabog at yabag ng mga paa sina daryl at kagura.
Kayat bumangon na din ang mga ito para tumulong sa pirate crew.
“o?!.bakit lalabas ka nang ganyan.magbihis ka nga.wala kang kaingat ingat sa katawan mo.”sabi ni daryl ng makita nitong lalabas na sa pinto si kagura ng naka manipis na bra at panty lang.
“eh?!.oo nga hano.magbibis pala muna ako.”sabi ni kagura na parang wala lang.
“ibang klase talaga.mauuna nako sa labas.”sabi ni daryl.
“oi.hindi pa ba kayo tapos dyan sa mga kulandong!ready na ang mga magic floater”sigaw ng kapitan.
“malapit na kapitan!.”sabi ng pirata.
“mel painitin na ang trusters!.justin ang balance!.ringgo kamusta ng power output ng magic stone,Hold lang mid level!.paking wala na bang naiwan sa ibaba.”sigaw ng abalang kapitan habang abala din ang mga crew.
Hindi malaman ni daryl kung saan tutulong dahil sanay na ang lahat sa kanikanilang trabaho.
“dyan ka nalang.kaya na nila yan.”sabi ng kapitan nang makita nito si daryl sa kanyang tabi.
“all hold. sexy baby taking off!”sigaw ng kapitan nang handa na ang lahat sa paglipad.
Nagsimula nang gumalaw ang airship at dahan dahan itong lumulutang paitaas.
Agad sinilip ng binata kung nakaalis na ang airship ng lumina brotherhood at hindi ito natuwa nang makitang nakaalis na ang mga ito ng 2 oras nang nauna sa kanila.
“namalayan mo ba ng umalis sila.”sabi ni kagura.
“hindi eh.nakaalis na rin sila.baka kanina pa.hindi ko lang alam kung anong oras.”sabi ni daryl.
“ano bang hinahabol nyo?”sabi ni captain bronson.
“yun pong malapit na air ship satin yung kulay pula.”sabi ni daryl.
“ah yun ba.nauna satin ng 2 oras.nakapagtataka nga at madlas na pinaka huli kung umalis si kapitan maximus.kahapon ko pa napapansin na tahimik ang barbaros (maximus airship).”sabi ni captain bronson.
Hindi kumikibo ang dalawa dahil alam nila ang posibleng dahilan.
“kapitan,gaano po katagal ang byahe.”sabi ni daryl.
“halos isang araw din. bukas ng madaling araw din nandoon na tayo sa pirate bay.pumunta na muna kayo sa mess hall.nang makakain kayo ng agahan.”sabi ni captain bronson.
“ah ok.sige po salamat.”sabi ni daryl at nagtungo sa mess hall kung saan naroon ang mga pirata at maagang kumakain ng agahan.
Kumuha ng kanilang pagkain at naupo ng magkaharap sa lamesa.
“kagabi hindi na kita namalayan pumasok.hindi mo manlang ako ginising.”sabi ni kagura.
“Ang sarap na kasi ng tulog mo.kaya hindi na kita ginising.”sabi ni daryl.
“tsk!.sayang.”sabi ni kagura.napailing nalang ang binata.
“di ba lost soul magic ang gamit mo?”sabi ni daryl.
“oo.tama.may gusto ka bang malaman.”sabi ni kagura.
“naisip ko lang.nakakatulong ba ang soul magic sa pakikipaglaban o sa paggawa lang ng weapons at amor?”sabi ni daryl.
“malakas na defense at attack magic ng soul magic skill.partikular na ang soul fusion magic skill dahil sa maari mong gamitin ang mga blessed demon soul o monster soul bilang magical power reinforcement.
Pero ako preferred ko ang blessed demon soul.
Sila yung malalakas na demon level monster mula sa apocalypto dimension na umanib sa tao.
Bago sila mamatay.nagconvert sila ng kanilang katawan at kaluluwa into human magical power renforcement.
Ang bawat isa sa kanila ay kasing lakas o masmalakas pa nga sa mga power class raider na syading magagamit mo.
Meron akong 5 blessed demon soul na ginagamit ko sa pakikipaglaban.
Syempre iba iba ng characteristic para magamit sa ibat ibang sitwasyon.”sabi ni kagura.
“sa paanong paraan naman sila ginagamit.?”sabi ni daryl.
“kapag nakipag fuse ako sa spirit nila.ipapahiram nila sa akin ang buhay nilang katawan in spirit form.
Kung hindi mo makuha.imaginin mo nalang na ganito.
Kung ano yung itsura nila nung nabubuhay sila.ganun din ang itsura nila pag isipirito na sila.tapos ilagay mo yung katawan mo sa loob ng ispiritong katawan nila para makontrol mo sila,parehong power, speed, strength, vitality ,durability at skills ang magagamit mo habang kinokontrol mo ang living sipirit nila na magsisilbi ding katawan mo dahil nasa loob ka.”sabi ni kagura.
“parang transparent na mascot pala sila.nasa loob ka tapos pang labas sila. Kaya parang full body amor mo rin sila.”sabi ni dary.
“tama.nagawa kong tawagin ang blessed demon soul ni zardos(blade type demon),gorgom(tank type demon),ley-ar(range type demon),puma(speed type demon) at kurenai(elemental magic type demon).
Ito ang mga ginamit ko sa tulong ng magidan at manadan.kaya inabot ko ang power class level.”sabi ni kagura.
“wow.nakakatakot siguro yun.”sabi ni daryl.
“oo.pero kaya mo naman pantayan ng mga reinfircement skill mo.yung yudo,push at pull.kapag nasayo ang set ng skills na yan.malakas ka rin at mahirap taluhin.syempre sasamahan mo ng abilidad at teqniues.kita ko naman na mahusay ang mga sword stance mo.at hindi pangkaraniwan ang soot mong armor.gawa yan ni god hepaestus.kaya siguradong matibay at matigas.”sabi ni kagura.
“maraming training pa ang kailangan ko.para pantay pantay lahat at masagad ko ang capacity ng katawan ko.gusto ko kasing style yung conbination ng malakas,mabilis at matibay.”sabi ni daryl.
“mahirap yan.pero hindi imposible.pansinin mo ang mga tank type ,sobrang lakas nila at matibay pero mabagal sila,ang assault taype naman ay kadalasang mabilis pero hindi sing lakas at tibay ng tank type.
Mahirap kasing magfocus sa lahat ng advance ability ng sabay sabay.pero may nakakagawa nun.alam kong kaya mo din.”sabi ni kagura.
“balance training lang,hindi naman mahirap.kaso walang oras para mag training pa ng mga advance ability. "sabi ni daryl.
Nagpatuloy sa pagkain ang dalawa sa masarap na pagkaing luto ni roger na sobrang kanilang naeenjoy.
Nang biglang tumabi si paking sa kanila para kumain.
“karne yan ng lumilipad na pagong.malinamnam talaga yan.”sabi ni paking.
“ano palang pakay nyo sa sky kuraki.lugar lang yon para sa mga pirata.wala naman kayong lilibutan doon at puro guho ang nandoon.”sabi ni paking.
“may hinahanap lang kami.pero ndi naman masyadong importante.”sabi ni daryl.
“kung lalabas kayo sa sacred ground ng pirate oracle.mag iingat kayo.malalakas ang halimaw doon.wala kayong makikitang hindi boss level monster na lumagpas na sa level 99 at kasing lakas ng mga power class.at katulad din ni mobydick na may 2nd evolution..”sabi ni paking.
“anong klase naman ng halimaw?”sabi ni daryl.
“hindi sila madaling kalaban,dahil ang evolution nila ay mga humanoid type at inteligent boss creatures.ito ay ang mga marduk(lv.145 to 160),kitsune(lv.145 to 170),cerberus(lv.155 to 165),lycan (lv 155 to 170),hydra (lv.140 to 155).night hallo(lv.135 to 165),at larvitar(lv.130 to 140).
Hindi rin maipaliwanag kung paano lumalakas ang mga halimaw na iyon na hindi naman nakakaalis ng sky kuraki
Bukod pa don.walang saysay ang magic sa kanila kayat non magic skill lamang ang tatalab sa kanila.nangangahulugan na delikado para kay kagura.”sabi ni paking.
“makakatulong parin naman ako.marunong din ako ng healing magic.at hindi nila ako basta mapapatay ng walang laban.”sabi ni kagura.
“tiwala naman ako na kakayanin natin.”sabi ni daryl.
“wala bang bentahan ng mga relic doon?”sabi ni kagura.
“meron marami.kung sandata ang hanap nyo o baluti.marami doon.pero kikilatisin nyong mabuti kung totoo o peke.hindi naman talaga mga bihasang merchant ang mga nagtitindang pirata doon.kaya kung magkano lang nila pabayaran.minsan mataas minsan mababa.swertihan lang.”sabi ni paking.
“bakit naitanong nyo?”sabi ni paking.
“ito may mga hinahanap kasi akong relic item.kakambal ng mga katana ko at katana nya.baka sakali mahanap namin doon.”sabi ni kagura.
“gaano ba yun kahalaga.?”sabi ni paking na wala palang idea sa mga legendary items.
“sakto lang.pang kumpleto lang sa set.”sabi ni kagura.
“Collector din pala kayo.”sabi ni paking.
“bakit ba tinawag na sacred ground?”sabi ni daryl.
“dahil takot tumapak sa lupain na iyon ang mga halimaw.at ang lupain na yon ang tirahan ni cristenbelle ang tinatawag na oracle.
halos kasing idaran nyo lang ang katawan ng babaeng yon.
itinuturing syang sagrado.nasa kanya ang kaalaman ng lost legendary infinite mind magic ability at skills.
Nagkakatotoo lahat ng hula nya at ilang mga hiling na kayang pagbigyan ng magic nya.
Iniingatan sya ng lahat at iginagalang dahil malaki ang naitutulong nya sa mga pirata sa mga walang mintis nyang hula.”sabi ni paking.
“kaya naman pala.”sabi ni daryl.
“hahaha.doon pala napunta si cristenbelle.”sabi ni kagura.
“kilala mo?”sabi ni daryl.
“oo naman.kasabay kong dumating dito sa heavens art ang babaeng yon.hindi ko alam na sisikat pala sya sa mga pirata.at matutunan nya ang lost legendary magic.nakahanap din pala sya ng paraan para mabuhay.”sabi ni kagura.
“ang tanda nyo na pala talaga lola.”biro ni daryl.
Biglang nagalit ang mga ugat sa ulo ni kagura at naningkit ang mga mata kay daryl.sabay suntok sa panga.
“21 yrs old lang ako at hindi ako lola.malinaw?!.”inis na sabi ni kagura.
“opo miss kagura.sorry po.”sabi ni daryl habang naghihimas ng panga.
Nagulat naman si paking.
“hahaha mahirap pala pag tinawag mo syang matanda.”sabi ni paking na inaakalang hindi sasaktan ni kagura.
“um.hindi ka nakikinig.hindi ako matanda.”inis na sabi ni kagura.
“aray ko!.sorry miss kagura.”sabi ni paking habang hinihimas ang mata.
“hindi ka kasi nakikinig.”sabi ni daryl.
“Iwan ko na nga kayo.aray ko kasakit.”sabi ni paking.
“hump.ang aarte nyo.”sabi ni kagura.
“anong maarte.ikaw kaya suntukin ko sa panga.”sabi ni daryl.
“sige subukan mo.at babayaran mo ko ng katawan mo.”sabi ni kagura.
“nagbibiro nga lang ako eh.kumain ka na nga lang.”sabi ni daryl.
Matapos kumain ay bumalik na sa cabin si kagura at natulog muli.
Habang si daryl ay umakyat sa malawak na roof deck.
Nakita nito ang isang pirate swords man na nag ppractice ng dual sword technique.
Ngayon lang ito nakita ng binata,ito pala ang first mate ng captain bronson na si primo.
Si primo ay isa ding power class level B raider.
Humanga ang binata sa mahusay na paggamit ng dual sword.
“ah boss ang galing nyo po pala sa dual sword play.baka pwede nyo naman akong turuan ng moves.”sabi ni daryl.
“sige pero.labanan mo muna ako sa single sword.”sabi ni primo sabay hagis ng wooden sword.
Pumayag naman ang binata para makita din nya ang ability ng swordsman.
Parehong may focus at magandang sword stance at instinct.
Nagsuguran ang dalawa ng mabilis na palitan ng sword attack techniques.hindi ito simpleng laban ng wooden sword dahil seryoso ang isat isa,kayat sunod sunod na kalatok ng nagtatamang wooden sword ang paligid ng roofdeck.
“magaling ka.bakit gusto mong matuto nang dual sword.dito lang ay mahirap ka nang patayin.”sabi ni primo habang patuloy ang paglalaban ng mabilis na wood sword stance.
“Malaking tulong ,kung matututo ako ng dual sword.kahit yung basik lang.”sabi ni daryl habang sinusuklian ng taga ang kalaban.
Maya maya pa ay nag salubong ang dalawa at nagpalitan muli ng hiwa at sabay na umikot para tagain ang ulo ng isat isa.
Ngunit Parehong tumigil tanda ng pantay na labanan at parehong nakatigil ang kanilang hiwa ng wooden sword sa knilang mga leeg tanda ng patas na pagbibitaw ng galing sa espada.
“magaling ka.”sabi ni primo habang hihinga hinga sa pagod.
“ikaw rin boss.”sabi ni daryl habang hinahabol din ang paghinga.
Sabay na huminto sa pagsugod ng wooden sword at nagbaba ng tulis ng kanilang mga sandata at huminga ng maayos at nagpahinga.
Pumulot ng dalawa pang wooden sword si primo at inihagis kay daryl ang isa.
“sabayan mo ko.at ipapakita ko sayo ang ibat ibang paraan,rhythm at patern ng mga sword play ng dual sword dance ability.
Hindi biro ang maglaro ng dalawang espada ng sabay sa magkabilang kamay.dahil sa isang pagkakamali ay maari mong sugatan ang sarili mong braso.
Pero sa antas ng sword stance ability mo.kakayanin mo itong agad na matunan.kailangan mo lang tandaan ang bawat galaw na parang ikaw ay nagsasayaw lang na may pagkontrol kung saan mo gustong dalin ang mga talim ng espada.
Kayat manood kang mabuti at gayahin mo ang bawat galaw at rhythm ng 10 pundasyon ng dual sword dance.”sabi ni primo.
Mula sa dahan dahan ng paggalaw hanggang sa pabilis ng pabilis ay nakasusunod ang binata,kayat hindi nahirapan si primo sa pagtuturo.
Hanggang sa makumpleto ang sampung pundasyon ng galaw na bumubuo sa pangkalahatang anggulo ng pagsugod at pagsalag ng dalawang espada.
Nagkatuwaan ang dalawa na parehong training addict kayat hindi tumigil sa pagsasanay ng paulit ulit at pabilis ng pabilis na sabay nilang nagagawa.
Maya maya pa ay nagpapalitan na ng atake at pagsalag sa isang friendly sparing ng dual sword dance kung saan nakaalalay si primo habang ginagamay ni daryl ang kilos.
Dahil sa determinasyon at desiplina sa kanilang mga sarili sa paghawak ng espada at focus sa laban ay madaling nagamay ng binata ang bawat galaw at unti unti nang naggagamit iyon at nakasasabay sa mga pagatake ni primo na alalay pa noong una at may mga pagkakataon na nahuhuli ang reakayon ni daryl ng kanyang mga espadang kahoy.
Habang tumatagal ang nakakapagod at walang tigil na palitan ng mabilis na taga ng magkabilang espada ay nag aabot abot ang kalatok ng mga tunog sa paghahampasan ng kanikanilang espada sa sobrang bilis kung saan ang focus ,accuracy, reflex at eye coordination kasama ng dual sword dance ability ay mabilis na naisasagawa.
Pabilis ng pabilis hanggang sa hindi na nag pipigil pa si primo at ginagawa ang makakaya upang sirain ang sword dance ni daryl upang taluhin.
Ngunit hindi iyon pinayagan ng mahinahon na isipan ng binata kung saan malinaw na nakikita ng kanyang mga mata ang bawat mabilis na atake ng mga espada kayat agad na nagagawan iyon ng pagsalag at counter attack.
Hanggang sa tapusin nila ang dual sword dance sparing sa isang malakas na taga kung san nag cross ang hawak nilang tig dadalawang wooden sword at ramdam nila ang malakas na pwersa ng isat isa.
Naliligo sa pawis at pagod na pagod ang dalawa na parehong humahangos sa paghinga habang magkatulak parin ang dalawang espada ng seryosong pwersa ng isat isa.
Halos diligin ng kanilang nagtilansikan na pawis ang sahig dahil sa haba ng walang tigil at mabilis na pagpapalitan ng atake.
Hindi na nila namalayan ang oras at sila man ay naaliw sa ipinapakitang talento ng isat isa.
5 oras na pala silang hindi tumitigil sa pagsasanay at paglalaban.
“marunong ka na.hindi naman talaga mahirap para sa ating mga swords man na may galing at talento sa paglaw ng espada.magpahinga na muna tayo.at ulutin uli natin mamaya.”sabi ni primo.
“salamat.sige pakatapos ng tanghalian.”sabi ni daryl.
Nagpakilala ang isat isa at nagkamay bilang simula ng pakikipagkaibigan.
naghubad ng damit si primo na talaga naman kahanga hanga ang build up ng katamtamang laki ng muscle nito.
Ngunit hindi rin nagpapahuli ang build up ng katamtamang laki ng muscles ni daryl.
Parehong may lakas,tibay at tigas ng isang tunay na swords man.
Isinampay sa balikat ang basang damit.
Sabay na bumaba sa mesa hall para magpahinga at kumain upang paghandaan ang susunod na laban ng masma husay na pagsasanay at paglalaban.
At nagkasundo ang dalawang malakas na swords man.na noon ay hindi rin nagkakalayo ang level.
Inabutan nila doon ang iba pang pirata at si kagura.
“ang hunk nyo naman.nag sparing kayo?”sabi ni kagura.
“oo.nagpaturo ako ng dual sword.sya nga pala si primo ang first mate ng kapitan.”sabi ni daryl.
Nginitian naman ni kagura tanda ng pagkilala.
“mahusay ang boyfriend mo.mataas ang talento sa espada.kaya mabilis matuto.marunong na sya.”sabi ni primo.
“oo naman.kaya naging BOYFRIEND KO YAN.di ba baby ko”masayang ngiti ng pang asar ni kagura at lihim na hinihimas pa ng paa ang binti ni daryl.
“ubo! Ubo!.ehem ehem..”nasamid ang binata sa ginagawa ni kagura.
“ayos ka lang ba baby ko.”pang asar ulit ni kagura habang sweet na hinahagod ng kamay ang leeg at dibdib ni daryl.
“ah oo.ayos lang ako.”sabi ni daryl na noon ay napipilitan na magpanggap at tinitiis ang pang aasar ni kagura na sumusubok sa kanyang pagkalalake.
“maalaga pala ang girlfriend mo.maganda yan sa pagsasama.kailangan talaga ng lalake ang babae.”sabi ni primo.
“ha ah eh.oo naman.ah baby ikuha mo naman ako ng tubig please.”sakay naman ni daryl upang matigil ang ginagawa ni kagura.
Matapos ang tanghalian ay muling umalis ang dalawa para ipagpatuloy ang intense at mabilis n pagsasanay at paulit ulit na salpukan ng kanilang mapanganib na laban kung saan seryoso na nilang saktan ang isat isa.
At hindi sila tumigil hanggat may lakas pang natitira sa kanilang katawan na inabot din ng 5 oras kung saan madilim na ang kapaligiran kayat napilitan nang tapusin ang laban na parang kinaadikan na ng dalawang naaliw sa pakikipaglaban at ngayon ay parehong nakahiga at lupay pay sa sahig.
Sakto para sa hapunan,kayat nang makaipon ng sapat na lakas para tumayo ay pagkain ang hinahanap.
Natutunan ng binata ang sword style na dual sword dance ability at swift calming sword stance ability na konektado sa kanyang malalakas na focus, precision, reflex,eye coordination, instinc, attack, parry,at blocking ability
Bagong ability na magbibigay ng bagong lakas at technique sa kanyang mga deadly attack at skills.
Wala rin kaalam alam na may adisyonal syang 2 na level galing kay mobydick at 1 spirit essense points karagdagan sa 10 na hindi parin naisasaayos ni demeter.
Pagkatapos na kumain at makapagpahinga ay maagang naglinis ng katawan at maagang natulog.
Alam ni kagura na pagod pa ang binata kayat hindi na kinulit at inasar upang makapagpahinga ng maaga.
Kinabukasan,madaling araw nga nang dumaong ang sexy baby pirate airship ni captain bronson sa libero air port ng sky kuraki.
Sadyang lapagan ng mga pirate airship ang lupaing ito ng sky kuraki.
“gising na daryl.nakalapag na tayo.”sabi ni kagura na noon ay nakahanda na sa kanilang paglalakbay sa kuraki soot ang kanyang battle set armor.ang red leather coat,red leather hat,red leather mask,red silk legging at red leather boots.mga lumang kagamitan na matagal na nyang ginawa gamit din ang advance forging magic katulad ng kay god hepaestus at nakatago sa loob ng kanyang magic bag.
upang hindi makilala ay iniwan na ang soot na damit buhat nang tumakas sa mga lumina.
Ito ang paboritong baluti na ginamit pa sa pakikipaglaban sa mga demon level reptilian noong unang magbukas ang apocalypto.
“sige sandali lang magbibihis lang ako.wow pulang pula ka ha.bagay sayo.”sabi ni daryl habang hihikab hikab pa at naghanda na rin.
“syempre ang sexy ko eh.naaakit ka nanaman sa katawan ko.gusto mo bang mag quicky tayo.”sabi ni kagura na mahinahon at parang wala lang ang panunukso.
“ahehe.ikaw talaga.bababa na tayo .tapos na rin ako magbihis.”sabi ni daryl na hindi na nahihiyang magbihis sa harap ni kagura na noon ay tahimik at mahinahon na pinagmamasdan sya.
“kala ko gusto mo eh.ikaw rin naman bagay sayo yang armor set mo.white leather jacket,black leather pants at black leather shoes.magaganda rin ang design ni god hepaestus.”sabi ni kagura.
“oo.buti nga at nakilala ko si holy guide hepaestus.medyo nakakairita kasi yung hard amor kahit slim type pa.”sabi ni daryl.
“alam mo bang sya ang treacher ko.sya rin ang nag aayos ng mga nakukuha kong spirit essence.”sabi ni kagura.
“sya pala ang holy guide mo.nasan ang emblem mo?.”sabi ni daryl.
“Holy guide pala ngayon ang tawag sa kanila.anong emblem ang tinutukoy mo.”sabi ni kagura.
“parang ganito,bless emblem nila yan.nagpapatunay na sila ang holy guide mo.”sabi ni daryl habang ipinapakita ang emblem sa kamay.
“ah oo meron akong tatoo sa likod malapit sa puwit..nakuha ko nung binasbasan ako ni god hepaestus.hindi mo ba nakita.nahawakan mo pa nga nung nagssex tayo.”sabi ni kagura na parang wala lang ang sinasabi.
“ha ah eh.oo pala nakita ko.hahaha.labas na nga tayo.”nahihiyang sabi ni daryl na nagsasanay parin sa pagiging agresibo at natural na pagkaburara ng katawan ni kagura para sa kanya.
Sabay na lumabas ng kwarto si daryl at kagura.
Agad nilang nakita ang kapitan na noon ay nagkakape sa roof deck.
“magandang umaga po kapitan.magpapasalamat lang po kami at bababa na po kami.”sabi ni daryl.
“Ok walang problema.basta kaibigan ni wendy,kaibigan din namin.ingat kayo.”sabi ni captain bronson.
“Sige po.salamat po ulit.”sabi ni daryl.
“salamat kap.”sabi ni kagura.
“ingatan mo yang boyfriend mo.”sabi ni captain bronson kay kagura.
Sinagot naman ng ngiti ni kagura.
4:30 palang ng umaga,ngunit ang mga pirata ay abala na sa pagpunta sa sacred ground kung saan laganap ang malawakang pagkikita ng mga magkakaalyadong pirta,gayun din ang mga nagtitinda ng kanikanilang mga nakaw na kargamento at kayamanan sa kapwa piratang kolektor.
Paglagpas palang ng tulay na nag dudugtong sa libero at sacred ground ay nagkalat na ang mga piratang nakikipagtrade at bumibili sa kapwa nila mga pirata.
Nagbakasakali ang dalawa na baka makahanap ng mga bahagi ng gawa ni kagura sa mga nakadisplay ng mga pirata.
Kayat isa isa nilang nilapitan at tinignan.
Maswerteng nahanap ni kagura ang kambal na purseras na bahagi ng leviatan katana sa tambak ng mga lumang alahas ng nagtitindang pirata.
Hindi ito nagpahalata na napakahalaga sa kanya ng mga purselas na iyon na tinawag nyang misha at nasha.
“Brad,magkano ang purselas na to?”sabi ni kagura.
“oi laddy!.yan ba.?dito ka nalang pumili at mas nababagay sa magandang katulad mo ang mga alahas dito.”sabi ng pitara.
“hindi na.ok na ako dito at mukang mura lang ito.wala pa kong pera eh.”sabi ni kagura.
“ganun ba.sige at bayaran mo nalang ng 10 copper ang isa.o kahit anong gusto mo pa dyan.sige lang laddy.”sabi ng pirata.
Agad kinuha ni kagura ang kanyang lumang pera sa kanyang magic bag at binayaran ang pirata.
Masaya si kagura.
“ano ba yang binili mo?”sabi ni daryl habang naglalakad ang dalawa.
“hehe.ito ay ang mga kakambal na relic ng leviatan ko.si misha at si nasha.”sabi ni kagura.
“huh?!.ibig mong sabihin legendary water soul relics yan?”sabi ni daryl.
“hehe.mura ko lang nabili.hindi pa nila alm ang halaga nito.alam ko dahil ako ang gumawa nito.makikita mo mamaya kapag nalinis ko to.”sabi ni kagura.
“wow.ayos !nakumpleto mo ang water soul set.dito pala makakakita ng maraming old artifact at mga powerful items”sabi ni daryl.
“mga nakaw nila yan malamang.Kaya posible pa tayong makakita ng iba pa.subukan natin at baka may naligaw pang mga gawa ko dito.at iba pang pwede natin pakinabangan.”sabi ni kagura.
Nang biglang gumalaw ang zibelthiurdos sa tagiliran ni daryl.
“ano to.bakit gumagalaw ang zibelthiurdos?”sabi ni daryl.
“hahaha.nandito lang sa malapit si set at ba’al.kaya nararamdaman ni zibelthiurdos.pareho sila ng ugali ni imir na labis ang pagmamahal sa kanilang mga bahagi.nananabik na sya,nandito lang din sila.hanapin natin.”masayang sabi ni kagura na mahinahon parin kahit excited na.
Natuwa naman si daryl at pansamantalang nagfocus sa paghahanap.
Habang abala ang dalawa ay naroon din si ramona at wilbert.
“bakit ba nagaaksaya pa tayo ng oras dito.”sabi ni wilbert.
“hindi mo ba nakikita.sayang naman at maraming magagandang bagay dito.tsaka ang daming alahas oh.mamimili muna ako.maghintay ka.kung gusto mo.mauna ka na.”sabi ni ramona na malakas ang loob dahil meron silang magical cloak of hidding na magagamit upang iwasan ang mga halimaw sa kagubatan patungo sa ruins.
“babae talaga.ang dami nyong kaartehan sa katawan.sige bahala ka na nga.puntahan mo nalang ako sa tavern pag natapos ka na.kanina pa tayo dito paikot ikot.iinom nalang muna ko.”sabi ni wilbert na inip na inip sa pag iikot ni ramona.
“Sige.hihihi.bye chupi!.”pagtataboy ni ramona.
Abala ang babae sa paghahanap ng magagandang alahas.at mga magical legendary items.
Nang makita ito nila daryl.
“ui kagura.tignan mo yun.nandito pa rin sila.hindi pa sila nag sisimula maghanap.”bulong ni daryl kay kagura.
“oo nga.mainam yan.halika na.hanapin na natin ang set at ba'al .para makaalis na tayo.”sabi ni kagura.
Nagkakasalubong si ramona at kagura ngunit hindi nakikilala ni ramona si kagura dahil sa soot nitong leather hat at leather mask at hindi rin nagpapahalata si kagura.
Kayat ligtas na nakapaglibot ang dalawa upang hanapin ang set at ba'al.
Hanggang sa matagpuan iyon ginawang pendant ng kambal na pirata at nakasoot sa kanilang.
“saan?”sabi ni daryl.
“ayun oh.nakasoot doon sa kambal na piratang yun na nagtitinda.”sabi ni kagura.
“nahihirapan yata tayo dyan.”sabi ni daryl.
“akong bahala.makukuha natin yan.”sabi ni kagura at binuksan ang kanyang tatlong bitones sa dibdib upang bahagyang lumabas ang maputi nitong dibdib at soot na manipis na bra.
“hi boys!ang init naman dito.ano ba itong paninda ninyo.”sabi ni kagura habang ipinapaypay ang nakabukas na coat.
Agad napansin iyon ng kambal at simpleng sinisilip ang maputing cleavage at manipis na bra kung saan maaninag ang mapulang Cherry ni kagura.
Agad nakuha ni kagura ang gusto nyang mangyari.
“Boy?!.”sabi ni kagura.
“ahm ma-mga lumang bagay galing sa ruins.baka may nagugustuhan ka miss.para sayo kalahati ang presyo.”sabi ni kambal 1 na pabalik balik ang tingin ng mata sa sibdib ni kagura.
“pili na miss,colectors item yan.mga antik na bagay.”sabi ni kambal 2 na nadidistruct din ng kaakit akit na dibdib ni kagura.
“natutuwa ako sa inyo.ang cute nyong tignan.naalala ko tuloy ang mga kaibigan kong kambal.gusto ko sana silang ibilan ng mga kambal na bagay.gusto ko sana yung pwedeng isoot.parang ganyan sa kwintas nyo.medyo mahilig sila sa exotic items”sabi ni kagura habang sinasadyang paalugin ang malambot na sibdib sa pag papaypay ng damit.
“ah miss ginawa lang namin to.magkamuka kaya pinagtigisahan namin.talaga bang gusto mo to.”sabi ni kambal 1 na napapatitig parin sa dibdib ni kagura at pilit na sinisilip ang mapulang Cherry sa manipis na puting bra.
Patuloy pang inaalog ni kagura upang akitin ang dalawa.
“maganda naman ang pagkakagawa nyo.baka pwedeng bilin ko nalang yan.at ipang retegalo ko.”sabi ni kagura sabay pacute at paawa ng nagluluha at malambing na mata.
Napapakagat sa labi ang kambal na pirata na nag eenjoy sa simpleng pagsilip sa maputi at malambot na dibdib ni kagura na unti unting sumisilip ang mapulang Cherry ng kanang dibdib na naalog sa pagpapaypay ni kagura ng soot na coat.
“sige miss kung gusto mo talaga to.sayo nalang itong akin.”sabi ni kambal 1 na hindi na inaalala kung nakikita syang nakatingin sa dibdib ni kagura.
“Ah miss sayo narin itong sakin.para terno.”sabi ni kambal 2 kagaya din ni kambal 1 na nakatitig sa dibdib ni kagura at hinihintay na sumilip ang mapulang cherry.
Nang abutin ni kagura ang dalawang kwintas ay hinalikan sa pisngi ang dalawang kambal bilang bayad naman sa nakuha nyang kwintas.
“Boys.thank you ha.”sabi ni kagura.
Parang na under spell ng kasexyhan ni kagura ang dalawang pirata na namumula sa halik ni kagura at hinayang na hinayang na hindi sumilip ang mapulang Cheery ni kagura.
“sige boys.thank you.alis na kami.”sabi ni kagura.
“ok miss.balik ka ha.”sabi ni kambal 1 at kambal 2.
Tumalikod ang dalawa palayo at muling isinara ni kagura ang soot na coat
“hehe.ang dali lang di ba.”sabi ni kagura.
“wala akong masabi.ang galing mo talaga sa ganyan.expert.”sabi ni daryl dahil na experience na nya ang kapilyahan ni kagura.
“yan ang power naming mga babae laban sa lalake.ang hirap pigilan di ba.wag mong sabihin na nagseselos ka.dibdib lang naman ang nakita nila.”sabi ni kagura na parang wala lang ang mga sinasabi.
“ahe?!.h-hindi bakit naman ako magseselos.natutuwa lang ako sa talent mo.hehehe.”sabi ni daryl na hiyang hiya sa sinasabi ni kagura.
“hahaha.syempre naman.boys will be boys.halika na at nang malinis ko na ito.at ikabit mo na sa zibelthiurdos para magamit mo pa sa mga posibleng laban natin sa paglalakbay.”sabi ni kagura.
Agad nagtungo sa ilalim ng mayabong na puno ang dalawa kung saan mayroong bench at doon inilabas ni kagura ang cleaning potion na gianagamit nya sa pagpapanday galing sa loob ng kanyang magic bag.
Sabay sabay na inilubog ni kagura ang misha,nasha,set at ba'al sa cleaning potion
Nang ahunin ay muling kuminis ang mga ito katulad ng bago.
Agad isinoot ni kagura sa magkabilang kamay ang dalawang legendary water soul bracelet na si misha at nasha.
Agad na dumagdag ang mga ability at skills ng dalawang purselas kay kagura.
Habang si daryl ay maingat na ikinabit ang dalawang legendary thunder soul persona hat cover na si set at ba'al,magkayakap sa talim ng katana at nakalapat sa ulo ng apat na persona.
Matapos yon ay hinawakan ni daryl ang zibelthiurdos at dalawang beses na inihiwa sa hangin at nakamatang sinipat ang kagandahan ng buong kumpletong zibelthiurdos.
Maya maya pa ay naramdaman ng binata na automatic nang dumagdag sa ability at skills ang lightning rain skills at lightning cloak skills.
Natuwa ang zibelthiurdos sa muling pagbabalik ng kanyang mga sumbrero kayat buong puso itong nagpasalamat kay daryl at nangako ng buong kapangyarihan sa loob ng katana.
![](https://img.wattpad.com/cover/188916856-288-k999366.jpg)
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasíaPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...