12.holy tournament

259 39 0
                                    

Taon taon ay nagaganap ang holy tournament sa lemuria kingdom bilang pagkilala sa mga gods ang goddess na nagsisilbing holy guide ng mga monster raider.
kung saan pinaghaharap ng mga holy guide gods and goddess ang isa sa pinakamagaling nilang follower bilang representation ng kanilang prestige sa isang friendly battle tournament.
Disregarded ang level ng mga mapipiling player na aasa lang sa kanilang mga ability at skills.
Isa itong death match na may pahintulot ng mga arc angel upang ibalik ang buhay ng mga mamamatay sa labanan ng walang labis at walang kulang.
At ang nakatakdang premyo ay isang magical experience cube na naglalaman ng great amount of increase sa mga ablity at additional 20 level sa base level ng player,at isang legendary item.para sa mananalong player.
At ang magwawaging holy guide gods and goddess ay tatanggap ng 1000 gold donation sa kanilang sambahan.
Taon taon na napipilitang sumali dito si demeter dahil ito ang hinihingi ng tournament,ngunit ni isa ay wala pang napagwagian na hindi naman umaasa dahil sa ayaw din nya ng brutal battle.
Palaging inaabangan ito ng mga tao dahil sa magagandang palabas ng power showdown ng pinakamalalakas na follower ng bawat holy guide.
8 ang holy guide sa lemuria kingdom at ito ay sina, aphrodite, Artemis, demeter,Apollo,Ares,dionysus,at hestia.
Silang 8 dyos ang nag lalaban laban sa pagiging number one sa proficiency popularity ranking na ang pangunahing basehan ay ang kasikatan.
"good morning!.my dear family.gusto kong sabihin sa inyo na wala munang raid ngayong araw."sabi ni demeter sa harap ng almusal habang kasalo ang lahat.
"bakit po?"sabi ni daryl.
"oo nga po ate holy guide demeter."sabi ni mia.
"ako alam ko.hindi kayo nakikibalita hano.masyado kasi kayong busy sa raid.makinig muna kayo kay holy guide demeter."sabi ni bela.
"hindi ko talaga gusto ang tournament na ito dahil sa brutal violence ng power battle showdown.kaya hindi ko naman pinapansin.
Matagal na nila itong pinaghahandaan.
Pero no choice ako kundi ang magparticipate.
Kailangan kong mag entry ng isa sa inyo para lumaban as my reprensentative followers.
My price naman ang game kung mananalo tayo.pero ok lng din naman kahit matalo tayo,I just need any of you right now.kasi this day na ang tournamernt ayoko naman kayong mapressure kaya hindi ako kumikibo.alam ko naman na lahat kayo ay newbie pa.im sorry."sabi ni demeter.
"Ano naman po ang chance natin na manalo.siguradong matataas ang level ng mga followers nila."sabi ni daryl.
"don't worry about that.disregarded ang level sa tournament para maging patas ang laban,ability at skill lang."sabi ni bela.
"tama.so sino sa inyo ang lalaban."sabi ni demeter.
Agad itinuro ni mia,bela at maging si edge si daryl.
"A-ah eh.mukang ako nalang po yata?hehehe."sabi ni daryl.
"hahaha.ikaw lang naman ang pinakamalakas sa atin kuya."sabi ni mia.
"Wel then.ikaw na daryl.you don't have to win,just stay safe.masaya na ako doon."sabi ni demeter.
"may ganito palang tournament?.pang 11 days ko na ngayon dito sa heavens art world.hindi ko manlang nabalitaan."sabi ni daryl.
"Kasi nga po bago ka lang dito.tapos busy ka pa palagi kasama yan little angel natin."sabi ni bela.
"Ibig nyong sabihin.raider din si mia?"sabi ni rina.
"yup.adventurer,looter ang major role nya sa party,kaya hindi masyadong nag lelevel pero kapakipakinabang naman."sabi ni bela.
"Ahm.guys ako kaya.pwedeng maging raider.para sasama nalang din ako sa inyo para makatulong at kumita naman ng konti.kung ok lang sa inyo."sabi ni rina.
"alam mo magandang idea yan lalu na kung masasanay ka ng healing magic or support magic or kahit destructive magic.halos kumpleto na tayo nun sa party.di ba po holy guide demeter?,daryl?mia?edge?."sabi ni bela.
"ok ako."sabi ni daryl.
"ako din ate."sabi ni mia.
"approved!."sabi ni edge.
"alam ko naman na papayag kayong lahat.pero masmabuti kung tuturuan ko muna syang gumamit ng magic, bago nyo sya isama,at kung papahintulutan mo rina.hayaan mong ibless kita ngayon para matutukan ko din ang progress mo.at magiging bahagi ka na ng mga followers ko.kung gusto mo lang."sabi ni demeter.
"Ok po holy guide demeter.salamat po.payag na payag po ako."masayang masaya si rina.
"pero ngayon.samahan nyo nalang ako at suportahan natin si daryl sa laban nya.lets go.bihis na."sabi ni demeter.
Agad nagsipagbihis ang lahat ng kanilang panglabas na damit na karaniwang bestida gayun din si rina na pinahiram ni demeter.
Kasama din si edge na opisyal na isinama ni demeter sa invitation.
Bago umalis ng sambahan ay binigyan ng blessing ni demeter si rina at maging si edge ay binigyan ng magical emblem na kamuka ng blessing emblem ni demeter upang dala din ni edge ang emblem ng pamilya kahit walang blessing ni demeter dahil sya ay hindi tao.
Lahat ng tao at mga raider ng buong kaharian ay hindi umalis nang araw na ito,upang masaksihan ang labanan ng pinakamalalakas at magagaling na follower ng bawat gods.
Kayat hindi pa man dumadating ang 8 worship gods ay puno na ang buong stadium sa gitna ng syudad kung saan nagkikita ang north,east,west,at,south lemuria ditrict.
nakapakalat na rin ang mga magical sky monitor para naman sa ibang hindi na makakapasok pa sa loob ng stadium dahil puno na.
Hanggang sa dumating ang teleporter mage na susundo sa mga gods at mga followers sa kanikanilang sambahan o tahanan.
Isang iglap lang ay nasaloob na sila ng stadium kung saan hiwalay ang mga supporting followers at gods sa mga player na naghihintay sa fighters quarter.
First time ito ni daryl na lalaban sa kapwa raider kayat kakaiba ang kanyang nararamdaman na kaba at excitement dahil isa itong legal na palaro.
Hindi pa nagsisimula ang laban ay kanya kanya na ng bet ang mga tao.
Pinakamatunog ang pangalan ng big 3, gregory (lv 84)ng ares worship,hynes (lv 83)ng athena worship at rendo (lv 84)ng hestia worship .
Kilala din ang 4 na iba pa sa lahat ng sulok ng lemuria bilang elite 7,liban lang kay daryl na nakilala lang sa north lemuria district bilang super newbie na killing machine.
Iba iba ang bulungan ng mga tao at hindi maiiwasan ang malawakang pustahan na kahit ang mga karatig na kingdom ay dumadayo para sa makasaysayng battle showdown ng mga sikat na followers na yumayanig sa mga genesis dungeon at pilit na kumakalaban upang marating ang ulimate boss monsters level 99.
Ang dungeon ay mayroon apat na classifiction kung saan matatagpuan ang correspoding boss level.
Pinakamahina ang
Open sky(lv1 to lv 30)
neosum dungeon(lv30 to lv40),
mideocres dungeon(lv 41 to lv60),
creohisia dungeon (lv 61 to lv 80)
genisis dungeon(lv 81 to 99)at
apocalypto dimension(99+)
At nagsimula ang paglipad ng mga firework sa pagbubukas ng seremonya na pinangungunahan ng tatlong arc angel na sina st.michael,st.gabriel,at st.rafael.
Isa isang ipinakilalang muli ang walong worship holy guide gods.
Sa hiyawan palang ng mga tao ay madali nang malaman kung sino ba sa mga ito ang pinaka popular.
Matapos ang mga holy guide ay ang mga selected follower naman na lalaban sa tournament ang isa isang ipinakilala gamit ang magical sky monitor.
Katulad ng reaksyon sa mga gods and goddess ay ganoon din ang naging reaksyon sa mga followers.
Kung saan tahimik ang mga tao kay demeter at daryl.na kaunti lang ang nakakakilala.
At sinimulan ang laban.
Nagkaroon ng palabunutan kung sino sino ang mga unang maglalaban sa preliminary battle.
Magkalaban si rhea(lv 80) ni apollo at gregory(lv84)ni ares.
Magkalaban si hynes(lv 83)ni athena at robert(83) ni arthemis.
Magkalaban si rendo(lv 84) ni hestia at vincent(82)ni Aphrodite.
Magkalaban si devon(lv 84) ni dionysus at daryl(lv 27)ni demeter.
Nagtawanan pa ang mga tao nang makita nila ang laki ng agwat ng level ni daryl at devon kahit alam nilang dis regarded ang level.
"hahahaha.ano ba yan.yan na ba ang best ni holy guide demeter,hahaha sandali lang din yan."ito ang kadalasang salita ng mga manonood.
Unang isinalang ang labanan ni rhea at gregory kung saan nakalamang ang sword fight ni gregory laban sa katar dance ni rhea,at nanalo si gregory.
Sumunod na isinalang si hynes at si robert na mabilis na tinapos ni hynes gamit ang kanyang spear ability laban sa knuckle boxing ni robert,at nanalo si hynes.
Pangatlong salang si rando at vincent,kung saan kinain ng buong buo ng hindi masirang dipensa si vincent at nagwagi si rando.
At ang Pang huli ay si daryl at devon.
Kung saan ang mga tao ay pabor kay devon.
Pumasok sa arena si st.gabriel at tinawag ang dalawang fighter follower.
Nagharap ang mga ito sa arena.
Agad inilabas ni devon ang nakakatakot nyang relic weapon na scyth habang si daryl naman ay ginamit ang legendary katana.
Kahit may kaba dahil over estimated ni daryl ang kalaban ay nais nitong lumaban upang ipakita sa tao na hindi kasikatan ang basehan kung saan kulang nalang ay hamakin sila habang pinagtatawanan ang pinakasisintang holy guide.
Katulad ng madalas na gawin ni daryl sa pakikipaglaban kapag seryoso nyang hinaharap ang inaakala nyang malakas na kalaban,ay buo ang focus at coordination ng stance, reflex at sword play ni daryl.
Matagal na nagtitigan ang dalawa at sadyang minamaliit ni devon si daryl na isang newbie na inakala nyang mapapabagsak agad ng walang kahirap hirap.
Nakuha pang makipagpustahan sa sarili nyang mga kasamahan.
Hanggang sa magsimula sa pag attake si devon ng kanyang scyth na may pulling effect kayat nahihila si daryl na agad naman naagapan at nasasalag ang ikalawang combo.
Ngunit ang paraan ni daryl ay sumisira sa momentum ng combo ni devon.
Nagpalitan ng hiwa,taga at wasiwas ng sandata ang dalawa na hindi inaasahan ni devon na makakayanan syang sabayan ni daryl na noon ay pilit na nilalagpasan ngunit sya pa ang napapaatras sa mga counter attack ni daryl na agad agad na pinapasundan ng atake .
Dahil sa ipinakitang iyon ni daryl ay natahimik ang mga tao at natigil sa pagtatawa.
Nakita nila kung gaano kadeterminado si devon na biglang nagseryoso sa isang pipityugin na hindi kilala.
Ngunit hindi kinaya ng scyth ability ni devon ang sword play ni daryl hanggang sa masira ng masira ang kanyang momentum at napilitang mapaatras.
Galit na galit ang mayabang na devon at ang kanyang reputasyon ay harapang tinatapaka ni daryl na inisip nyang bagito at walang laban.
Hanggang sa magsalita ng magsalita si devon ng mga mapanglait at mayayabang na salita sa pag aakalang masisindak si daryl,ngunit panatag at tahimik lang ang isipan ni daryl na nagfofocus at naghihintay ng tamang pagkakataon kung kelan dapat sumugod habang pinag aaralan ang galaw ng kalaban.
Dahil sa istilong iyon ni daryl na sobrang nakakainis kay devon na parang unggoy na ngalngal na ng ngalngal ay hindi na nagtimpi at nagwala pa dahil ang lahat ng atake at naiisip na combo ay palaging nasusupalpal ng sword play ni daryl.
Dahil sa galit at pagkainis ay nasira ang consentrasyon ni devon kayat ang naisip nalang na paraan ay gumamit ng mga deadly scyth skill.
Dito na nakahanap ng pagkakataon si daryl kung saan sinasamantala ng kalaban ang kanyang distansya sa paggamit ng mga long range scyth skill attak na naiilagan din naman ni daryl.
Inakala ni devon na walang skill si daryl dahil hindi ito gumaganti ng deadly skill at pilit na lumalapit sa kanya upang umabot ang ispada.
Alam ni daryl na muling bubuhayin ng mga arc angel ang mga mamamatay sa laban kayat siryoso itong pumatay.
Kayat nang ihagis muli ang long range scyth skill na inaabangan na pala ni daryl ay dito na mabilis na kumilos ng atake ang binata na ikinagulat ni devon na ikinasira ng kanyang stance dahil sinabayan ni daryl ang kanyang pagtalon matapos iwasan ang paparating na scyth skill at bago bumagsak ay hiniwa ng malakas ng katana.
Alam ni daryl na makakaiwas palayo si devon sa mabilis na pagtalon na bahagi parin ng strategy kung saan ibibigay ang tunay na finish blow.
Hindi nga nagkamali si daryl at mula sa pagkakahiwa ng sumablay na taga ay biglang nagbago ang stance ni daryl at biglang pinawalan ang bagong skill na kanyang natutunan na tinawag ni demeter na weapon pitch.
Kasing bilis ng palaso ang lipad ng katana ni daryl na pinalalakas ng wind soul ng katana na hindi na naiwasan pa ni devon dahil sa kawalan ng hawak na sandata at nasa mid air kayat walang chansang makapag manuver.
Butas ang dibdib at halos magkaluraglurag ang lamang loob at mga ribs ni devon na tinagusan ng silver wind soul katana at nagpagulong gulong sa kanyang pagtilapon sa lupa,habang ang katana ay bumaon pa sa ding ding ng stadium at humuhuni.
Matinding katahimikan ang pumukaw sa oras na iyon.
Tulala ang lahat ng tao sa ipinakita ni daryl at dahan dahan na nagsimulang magsigawan para sa binata.
Dead on the spot si devon sa napaka brutal na paraan katulad din ng mga unang laban kayat ang mga kalaban na kaninang nagmamaliit sa kakayahan ni daryl ay biglang nagkaroon ng respeto at na threat kay daryl na noon ay kasing level lang nila.
Biglang Umalingawngaw ang pangalan ni daryl sa buong lemuria gayun din ang respeto ng mga tao kay demeter.
Hindi makapaniwala sila demeter sa nagawa ni daryl at sila man ay tulala.
Kayat ng mahimasmasan ay tsaka lang nakapagbunyi sa unang tagumpay ni daryl.
Competitive spirit ang binata sa pag iisip na kung mananalo sa laban ay igagalang muli ng tao si demeter bilang isang magaling na holy guide.
Ideneklara ang panalo ni daryl at muling binuhay si devon na noon ay nagwawal dahil hindi matanggap ang pagkatalo.
At sinimulan ang round 2 kung saan nagharap ang dalawa sa tinatawag na big 3.si gregory at hynes.na parehong dalubhasa sa kanilang mga sandata at ang buong labanan ay makapigil hininga.
Sunod sunod ang mga pagsabog ng masmalakas na unique skill na nauwi sa pagkasugat at pinsala ng dalawang panig,ngunit nangibabaw ang lakas ng katawan ni gregory na sanay sa mabibigat na laban kaya winakasan ang buhay ni hynes na isa isang naputol ang mga bahagi ng katawan na nagpupumilit lumaban ngunit huli na para makabawi pa.
Muling binuhay ng arc angel si hynes at maginoong tinanggap ang kanyang pagkatalo.
Muli ay ipinatwag naman si daryl at rando upang maglaban.
Salungat ang kakayahan ng dalawa.
Kung saan ang mga ipinagmamalaki ni rando na isa sa big 3 ay ang kanyang impenetrable defence gamit ang kanyang mga fully fortified elemental armor at shield na may reniforced supporting defense skill at potion enhancement.napaka effective at matibay na tanker.
Hindi ipinagbabawal ang paggamit ng mga supporting potion kayat pabor ito kay rando na palaging umaasa sa kanyang alchemic skill.
Lahat halos ng attacking skill ni rando ay may kaugnayan sa shield upang naroon parin ang defensive stance.
Mabagal si rando ngunit makunat at malakas.
Samantalang si daryl ay nasanay sa pakikipaglaban ng assault position.kung saan ang lahat ng skill ay attack type.
At dahil alam ni daryl ang kakayahan ng kanyang silver wind soul katana ay nais nitong subukin kung kakayanin ng power ng talim ng katana ang matibay na dipensa ng kalaban na tila ba hinahamon ang kanyang talim at hindi umaatake.
Walang kahit anong potion na dala para umasa sa reinforcing buffs support.katay nagtiwala si daryl sa kanyang katana.
Muli ay nagbago ito ng sword stance habang nakafocus sa kalaban at pinahuhuni ang kanyang katana sa pinakamatinis nitong tunog at tinipon ang kanyang enerhiya sa skill na bibitawan sa humahamon na kalaban.
"Sige bata.tignan natin kung mababasag mo ang dipensa ko.dahil kung hindi ay tapos kana."sabi ni rando na nakamatang naghihintay habang nakasalag ang panangga at kasalukuyang nag aalab ang mga supporting defensive skill.
Maya maya Ay tumakbo ng matulin si daryl at tumalon paitaas at gamit ang ager of the blade ay buong lakas na pinawalan kay rando na agad naman nasalag ng kanyang panangga.
Naglaban ang dalawang uri ng pwersa at enerhiya na tumutulak kay rando.
Hanggang sa maubos ang talim ng anger of the blade na pinalakas din ng wind soul ngunit kasabay noon ang lamat at pagkabasag ng ipinagmamalaking panangga ni rando na nababalot ng defensive skill.
Kayat naalarma ang dambuhalang lalaki na ubod ng lakas at hindi na nag-aksaya pa ng oras sa takot na ulitin pa ni daryl ang ganoong uri ng sword skill na posible din sumira sa kanyang armor.
Dahil sa pagkabasag ng shield ay nasira ang battle strategy ni rando na umaasa sa lakas ng kanyang mga skill na gumagamit ng shield.
Inakala nyang mananalo kung susugod ng walang humpay gamit ang lakas sa axe at tibay lamang ng armor at support skill.
Ngunit sya ay nabigo.hindi kinaya ng malaking bulto ng katawan at mabagal na pagkilos ni rando ang bilis ni daryl sa kanyang fast face attack stance na sumusugod ng pabalikbalik sa ibat ibang direksyon ng swabe at mabilis.habang pinagsasabay ang counter attack at massive blow na direktang tumatama sa armor ni rando.
Paulit ulit ang ginagawa ni daryl na napakaepektibo sa style ng pakikipaglaban ni rando.kung saan ang binata ay tuwang tuwa pa sa kanyang ginagawa dahil ramdam nyang papasira na ang baluti ng kalaban sa dami ng kanyang pag atake na matagumpay ang pagtama.
At dahil ang talim ng legendary 100 soul series katana ay kayang hiwain ang lahat ng bagay.
Ay unti unti nang bumibigay ang fully fortified elemental armor na may reniforced supporting defense skill at potion enhancement.
Ramdam ni rando ang mabilis na pagbibitak ng kanyang armor na tinadtad ng malalalim na sugat ng matalim na hiwa ng silver wind soul katana.
At bago mawasak ang armor ay tinapos na ng binata ang laban kay rando at tinutukan ng saksak ng katana sa batok mula sa likod.
Dahan dahan.binitawan ni rando ang kanyang axe at itinaas ang kamay, tinanggap ang pagkatalo.
Abot abot ang hinayang ni rando dahil minaliit ang sword skill ni daryl kayat nabasag ang kanyang alas na sandatang ginagamitan ng skill.
"hindi ko pala dapat minaliit ang talim ng katanang iyan.natalo ako dahil nasira mo ang panangga ko.sayang naman.meron pa naman susunod na pagkakatao."sabi ni rando.
"salamat po.mabuti po at hindi na natin kailangan humantong pa sa patayan."sabi ni daryl at nakipag kamay.
"Sa susunod,hindi ko na hahayaan mabasag mo ang shield ko.dahil sa susunod.kahit ang legendary katana mo ay hindi na tatalab sa relic shield and armor ko."sabi ni rando at ngumiti.
Tahimik at payapang natapos ang 2nd round at ang mga tao ay nagpalapakan sa dalawang fighter.
Tuwang tuwa si demeter at ang mga kaibigan sa kanyang patuloy na panalo at hanggang ngayon ay hindi parin nagsi sink-in sa kanilang isipan na dalawang beses nang nananalo si daryl at ngayon ay haharap kay gregory na gumagamit din ng legendary soul fire sword.
Mahigsing break ang ibinigay ng mga arc angel.
At sa wakas ay inihanda na ang final match ni daryl at gregory.
Kung saan nagkamay pa ang dalawa tanda ng sports na laban na parehong tumatanaw sa galing ng isat isa.
"galingan natin daryl,hindi ako maawa.sanay ganun ka rin.ibigay natin ang lahat sa laban na ito."sabi ni gregory.
"Opo sir.makakaasa po kayo."sabi ni daryl na noon ay seryoso at ramdam nya kung gaano kagaling ang kalaban.
Legendary soul long sword laban sa legendary soul katana.apoy laban sa hangin.
Magkaiba ng sword stance ngunit parehong gamay ang kanikanilang espada.
Sa hudyat ng arc angel ay parang mga ninja na nagtakbuhan upang magsuguran.
Bilis laban sa bilis at lakas laban sa lakas.
Parehong may focus at panatag na isipan.katulad ng laban na ipinakita ni hynes,kayat nakita ni gregory kung gaano karapat dapat at karangalan na makalaban si daryl.
Ganito din ang nakikita ni hynes habang nanonood na parang nakakita ng isang bagong raider na isang araw ay susubok at yayanig din sa dungeon ng genisis.
Dahil sa ipinapakita ni daryl ay nakapagtanim sya ng reputasyon sa mga kapwa raider pangunahin na sa.mga blades man na naghahabulan sa pagiging number one.
Palitan ng mabibilis at matatalim na hiwa ng mga pagdadaop na hindi dapat magkamali,dahil ang isang pagkakamali ay magdudulot ng pagkatalo.
Parehong nagtataglay ng malinaw na mata at matalas na pag iisip na suportado ng mabilis at malakas na katawan na nagsasabing level lang ang diperensya nilang dalawa paglabas nila ng arena.
Pareho din ng stamina ngunit nakalalamang sa dalang sandata si gregory na napilitin nang gamitin upang makalamang sa tabla nilang palitan.
Isang relic artifact ang biglang ginamit ni gregory na ang kapangyarihan ay maduplicate ang hawak na espada,kayat ang legendary fire long sword ay naging dalawa at ang sword stance ni gregory ay muling nagbago sa dual sword stance.
Lubhang nahirapan si daryl ng maging dalawa ang hawak na ispada ni gregory,kung saan napipilitan umatras si daryl dahil sa dobleng pag iingat sa mga hiwang montikan nang hindi mailagan dahil iisa ang hawak na sandata.
Hindi pa nakontento si gregory at desidido nang tapusin ang kalaban kayat isa pang relic artifact ang inilabas at ginamit.
Alam ni hynes na sa oras na iyon ay wala nang awa pang natitira kay gregory para gamitin ang mga alas para lang parusahan ang kalaban at tapusin na.
Dumistansya si gregory at ang magic ng sumunod na artifact ay dalawa pang exact copy ng kanyang sarili.
Samakatwid ay tatlong gregory ang nasa harap ni daryl.
Sabay sabay na sumugod ang tatlong gregory na pilit pinantayan ni daryl ngunit talagang magaling ang mga ito na may patern ang kilos at galaw kayat swabe ang transition ng mga blade attak.
Mabuting naaagapan ni daryl ang mga critical na hiwa kayat mababaw na cut lang ang natamo at malalakas na tilapon sa lupa.na hindi nya dapat indahin at dapat na tumayo agad dahil tuloy tuloy ang sugod ng tatlong gregory kahit sya pa ay sobrang nasasaktan.
Hindi pa naawa si gregory at ginamit pa ang sword skill na nagpapahaba sa talim gamit ang legendary fire soul.kayat ang hiwa ay may kasama pang matinding init ng apoy
Nauubusan na ng paraan si daryl at marami na rin ang pinsala ng kanyang katawan.
At hindi narin maaninaw ng maigi ang mabilis na kalaban dahil sa init ng apoy sa tatlong gregory na may tigdadalawang espada.
kayat isang paraan nalang ang naisip at umaasang gagana.
Inakala ni gregory na sagad na sa sukdulan ang kayang ipakita ni daryl at wala nang mailalabas pa.
Kayat kompyansa ito sa kanyang sarili na sigurado na ang kanyang pagkapanalo sa kalaban na kanya nalang pinaglalaruan.
"wala na yan."ito ang bukang bibig ng mga tao at awang awa sa sitwasyon ni daryl ngunit sila ay humahanga at patuloy na lumalaban ang binata kahit mukang wala na itong pag asa dahil sa dami ng sugat at pasakit ng kanyang katawan.
Umiiyak sa pag aalala si demeter kasama ng iba pa at hindi makayang panoorin ang kalagayan ni daryl na nagmumuka nang daga sa loob ng hawla ng nagaapoy na ahas.
Ngunit ang hindi nila alam ay may isang baraha pang hawak ang binata na pilit ikinakasa nang magandang kartada upang hindi masayang ang huling pag asa.
Katulad ng ginawa kay devon.isa sa susi ng naiisp na strategy ang mid air position.tamang tama sa ginagawang pag atake ni gregory na pilit humahabol sa kanyang pagtakas at pagiwas sa pag aakalang nagpapahinga lang kaya dumidistansya,
Ikalawang susi ang mga target knife na syang gagawa ng paraan para tipunin ang tatlong gregory bago ibigay ang finish blow.
At ang inisyal ng plano ay magsisimula sa tulong ng soul sense ability.
Natigilan si gregory nang makita nyang tumayo ng kakaibang stance si daryl habang inuuga ang katana na noon ay humuhuni ng matinis at ang mga mata ay nakapikit.hawak sa kaliwang kamay ang mga target knife habang patuloy na humuhuni ang katana.
Sa pagkakataong iyon ay ibinubuhos na ng binata ang lahat ng kanyang lakas para sa mga galawa na puro power skill.
Muling sumugod ang mga gregory mula sa kaliwa,gitna at kanan na agad nakita ni daryl dahil sa soul sense,kayat agad sinalubong ng anger of the blade ang gregory sa kanan at knife weapon pitch sa kaliwa,sabay talon patras
habang papasugod ang gregory sa gitna at papunta naman ang dalawang gregory na galing sa kaliwa at kanan papunta sa gitna mula sa pag iwas,lahat ay nasa mid air position.sakto ang timing sa iisang line.
Ang buong natitirang lakas ni daryl ay pinawalan gamit ang combinasyon ng intensive hyper stance skill at piercing of the blind sa linya ng tatlong kalaban na kasalukuyang nasa midair position ng straight line.
Hindi mabilang na tuhog ng sobrang bilis at malalakas na long piercing power ng wind soul katana ang gumutay gutay sa katawan ng tatlong gregory na parang malambot na laman na tinadtad ng mabibigat at malalaking saksak.
Nashock ang lahat ng mga manonood at hindi nakapagsalita sa double brutal death na sinapit ni gregory.
lahat ay hindi makapaniwala sa sudden change of tides,kung saan nakahandusay ang gutaygutay nakatawan ni gregory na hindi manlang nakuhang sumalag.
Ang inakala nilang katapusan ni daryl ay biglang nauwi kay gregory.
Ubos ang lakas ni daryl kayat nahiga nalang sa arina nang bumagsak ito sa matinding pagod at pasakit na inabot ng katawan.
Kahit ang mga arc angel ay hindi inaasahan ang pangyayaring iyon.
Na ang isang sukol na daga sa loob ng hawla ay papatay parin pala ng nag aapoy na ahas.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa buong lemuria sa pagkagulat ng mga manonood.
Biglang sumabog ang sigawan ng mga tao sa matinding paghanga sa napakagandang laban na ipinakita ni daryl na sobrang tumanim sa kanilang isip ang makasaysayang finale ng labanang daryl at gregory.
Bumaba si st.michael para buhayin muli si gregory at si st.gabriel para ibalik ang kondisyon ni daryl.
Nahihiya man sa kanyang pagkatalo ay buong pusong tinggap at nakipagkamay kay daryl si gregory at sa oras na iyon ay kinilala ni gregory si daryl na kanyang bagong sword rival.
"salamat sa napakagandang laban,ginawa ko ang makakaya ko.kala ko ay panalo na ako.nakakagulat at hindi ko yon nakita.hahaha.marami kang surpresa bata,napakagandang laban qt may napulot ako sayo."sabi ni gregory habang magkahawak ang kanilang mga kamay tanda ng pagtanggap nito sa kanyang pagkatalo.
At mismong si gregory ang nagtaas sa kamay ni daryl at nagpahayag ng nanalo.
Hindi maubos ang luha ng mga kaibigan ni daryl sa sobrang kasiyahan na kanina ay pag aalala,lalu na si demeter na labis ang pangamba at takot na hindi matiis ang sakit habang pinagmamasdan na naghihirap ang lalaking kanyang iniibig.kayat napalitan ng kaligayahan at galak sa puso ang matamis na tagumpay.
Agad sumunod sa loob ng arena si demeter at ang mga kaibigan upang puntahan si daryl.
Tumatakbo si demeter at agad na niyakap si daryl na punong puno ng tuwa at nabalot ng tuwa ang lahat.
Nagpalakpakan ang buong lemuria para kay daryl at goddess demeter.
Gaya ng naipangakong premyo ng mga arc angel sa palarong ito,ibinigay ang 1000 gold coin donation kay holy guide demeter.
At ang laman ng magical cube ay iginawad kay daryl.
Additional 20 level ang dagadag sa 27 level ni daril equivalent of lv 47,with 14 sprit essence points at massive increase ng kanyang mga ability.
At ang legendary item na ipinangako ay isang legendary ring na kung tawagin ay heart of imir,kakayahan ng ring na ito na bigyan ng fast healing regeneration ability,at poison and venom immunity.ang sino mang magsoot ng sing sing.
Isa pang premyo ang natanggap ni daryl at ito ay ang respeto at reputasyon ng pagiging magaling na swordsman raider.
Ang pagkapanalong ito ni daryl ay para na din pagpapahayag ng muling pagbabalik sa karangalan ng kanyang holy guide demeter kayat ang mga taon ay muling gumalang kay demeter.
At dahil natuwa din ang mga arc angel sa mga kaibigan ni daryl na buong pusong sumuporta at nagdaral para sa kanyang kaligtasan na hindi naghahangad ng panalo o papremyo kapalit ng buhay ni daryl ay nagbigay pa ang mga ito ng additional na experiece cube na naglalaman ng 5 base level para sa mga kasamahan ni daryl.
Isa isang iginawad ni st.gabriel ang apat na cube na ibigay sa bawat isa.
Mia level up from lv 3 to lv 8.
Bela level up from lv 15 to lv 20
Rina level up from lv 0 to lv 5
At edge from level lv 9 to lvl 12.
Masayang natapos ang palaro at sama samang nag celebrate ang demeter's worship family.
Simple man at hindi marangya ang kanilang kasootan ng araw na iyon,ngunit nagniningning sa mata ng mga humahanga na ngayon ay may totoong paggalang.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon