Umagang malamig at natatakpan ng makapal na ulap ang sikat ng araw.
Simula na ng tag-ulan na bumuhos bago natapos ang kanilang mahabang kasiyahan ng kanilang pagcelebrate sa panalo ni dartyl.
Bilang holy guide,magulang at kaibigan sa kanyang mga follower ay binigyan ni demeter ng tag lilimang piraso ng ginto ang bawat isa upang bilhin ang kanilang naiibigan.
Dahil sa malakas na buhos ng ulan ay hindi nakapag raid ang kanilang grupo.
Kayat nagkanya kanya ng lakad ang bawat isa.
Magkasamang lumabas si mia at bela para manood ng sine na ang mga palabas ay galing sa mundo ng mga nabubuhay.
Habang si daryl naman ay nagpunta sa black market upang tumingin ng mga posibleng mabibili na maaaring gamitin sa kanilang raid.
Naiwan sa sambahan si edge,rina at demeter.
Hindi parin makaget over si rina sa kanyang napanood kayat pursigidong maging raider kayat sinamantala ang mga libreng oras ni demeter na labis naman ikinatuwa ni demeter at nalilibang sa kanyang pagtuturo Ng magic.
Unti unting bumabalik sa alaala ni rina ang ilan sa mga natutunan sa accademy na napilitang pakinggan.
Kayat naging Masmabilis ang pagtuturo ng mga basic magic kung paano ito gumagana at ang function ng bawat klase ng magic.
Nakatutok ang dalawa sa pag aaral ng magic sa loob ng gym.
Hanggang sa humupa ang ulan ay patuloy parin sa pag aaral.
“Mabilis ka naman palang matuto.aminin mo man at hindi.may mga bahagi ng magic ang nagkaroon ka ng interes noong nasa accademy ka pa kaya ayan at madali mong nakukuha.tatlong oras palang tayong nagtuturoan pero ayan at malapit mo nang makumpleto ang basic magic.”sabi ni demeter
“salamat po sa inyo holy guide demeter at mahusay ang paraan ng inyong pagtuturo.doon po kasi ay puro salita at kakaunti ang actual training kaya medyo nainis po ako at noong panahon na yon,medyo may pagkademonyita pa po ako.”sabi ni rina.
“hihihi.grabe naman yung demonyita.pero ang ganda ganda mo,mukang anghel.”sabi ni demeter.
“ah hihihi salamat po.pero kayo man ay napakaganda nyo rin po.hindi po nakapagtataka na isa kayong goddess.”sabi ni rina.
Habang patuloy parin ang pagsasanay ng basic magic ay nagkkwentuhan ang dalawa at nagbobonding.
“Ahm.holy guide demeter.pwede po bang magtanong?”sabi ni rina.
“anu yon?”sabi ni demeter.
“boyfriend nyo po ba si daryl?”sabi ni rina.
“huh?! Ah eh.”sabi ni demeter at biglang nawala sa consentration at bahagyang nataranta,nagblush at nanahimik.
“hihihi.nagbblush po kayo.wag po kayong mag alala,promise secret lang po natin.wala pong makakaalam.”sabi ni rina.
“ah hindi eh.bakit mo naman naitanong.”sabi ni demeter na nagbblush parin at nahihiya ngunit pilit na itinatago ang kanyang nararamdaman na binubuko naman ng kanyang natural na reaksyon.
“napansin ko po kasi na iba yung pag aalala ninyo kay daryl.kahapon daig nyo pa ang asawa na nasasaktan at umiiyak para sa kanya.babae rin po ako kaya alam ko po ang nararamdaman ninyo.umiibig po ba kayo kay daryl?.halata naman na gusto rin kayo ni daryl eh.nakita nyo po ba kung paano sya nataranta nung isang gabi na dinala nya ako dito at napagkamalan ninyong date nya ako.kitang kita ko po kung paano nya ipaliwanag ang sarili nya sa takot na sumama ang loob ninyo.”sabi ni rina.
Huminga ng malalim si demeter at bahagyang nalungkot ngunit ngumiti muli.
“ipinagbabawal sa aming mga gods and goddess ang umibig sa tao.kayat gustohin ko man ay hindi talaga ppwede.kayat kung ano man ang nararamdaman ko ay hindi ko yon dapat na konsintehin dahil susuwayin ko ang utos ng lord god.kayat ginagawa ko ang lang nang alam kong tama,sa abot ng aking makakaya,upang maging kapakipakinabang para kay daryl.”sabi ni demeter.
“nakakalungkot po pala ang sitwasyon ninyo.kung ganon umiibig nga po kayo kay daryl,ngunit napipigilan dahil sa sinumpaang katapatan kay lord god.haayy.. yan na po yata ang pinakamahirap na sitwasyon.yung hindi mo makuha yung pagibig na inaasam mo pero nariyan lang at abot kamay.naiintindihan ko po kayo.”sabi ni rina.
“Salamat naman,pero kahit ganito.masaya naman akong nararamdaman ko at nakikita ko rin ang mga ginagawa nya para sa akin.napakabuti nyang lalaki.karangalan ko at kaligayahan na maramdaman ang pagmamahal nya.kayat nais ko yon suklian ng buong puso ko.”sabi ni demeter.
Nang oras na iyon ay nagkasundo ang dalawang babae at nagkapalagayan ng loob.
“sayang naman po.crush ko pa naman si daryl.hihihi”biro ni rina.
“Rina?!.”sabi ni demeter tanda ng pagtutol na hindi masabi.
“pero kung gusto mo talaga sya.ang hiling ko lang.sanay mahalin mo sya ng tunay,at palagi mong aalagaan.”sabi ni demeter at biglang nalungkot.
“hahaha.joke lang po.alam ko naman na sa inyo sya may gusto eh.tsaka marami pa po akong dapat pagtuunan ng pansin.time out na muna sa mga lalake.ill pray for your happiness po..”sabi ni rina,at natuwa naman si demeter.
Nagpatuloy ang bonding at training ng dalawa babaeng noon lang magkakasama ng sarilinan.
Samatala,habang nag iikot sa black market ay muling nakita ng binata ang matandang binilhan ng kanyang katana.
“teka?.tama sya nga yun.”sabi ni daryl kayat agad na nilapitan ang matanda.
“aba ginoo at nagkita tayo muli.kamusta naman ang binili mo sa akin.nagagamit mo na ba?”sabi ng matanda.
“opo nanay.malaking tulong po.sobrang kapakipakinabang.”sabi ni daryl.
“hindi parin nabibili ang anim pa sa aking mga paninda.baka gusto mo ulit tignan,kung masasagot mo ang misteryo ay ipagbibili ko ulit sayo sa parehong halaga.”sabi ng matanda na noon ay nakikipag usap na ng masaya.
“Sige po.susubukan ko po.pero mahirap pong makilala itong iba eh.”sabi ni daryl.
Muling pinagmasdan ang anim na misteryosong gamit ngunit sa pagkakataong iyon ay may idea na ang binata kung paano iyon tutuklasin dahil alin man sa mga iyon ay maaaring magkarugtong.
Parang naglalaro lang ng puzzle ang binata sa isang figure na hindi pa nya alam kung ano.
Paulit ulit na pinag tutok ang mga iyon. Nang biglang magsalita muli ang babae.
“mahirap ba talaga makita o sadyang nalilito ka lang.minsan ang tao.madaling lokohin ng kanyang nakikita,at ang katotohanan ay palaging nagtatago.bakit hindi muna natin damhin at lasapin hanggat mayroon tayong oras,sa sandaling malaman mo.kung alin ang alin at ano ang ano.ay kusang makikita ng isip mo kung ano ang nakikita mo.”sabi ng matanda.
“ang lalim naman po.parang mag nnosebleed po yata ako.”sabi ni daryl.
“ahahaha.sabihin mo kung suko ka na.”sabi ng matanda.
Kayat nag isip muli ang binata.kung paano ba nya malalaman kung alin ang magkakasama at alin ang hindi.upang mabawasan ang kanyang pag aaralan.
At muling naisip ang sinabi ng matanda.
“haha!.bakit ba hindi ko yon naisip.ang hindi makita ng mata ay pwedeng makita ng pandama.yon po ang ibig ninyong sabihin.”sabi ni daryl.
Ngumiti naman ang matanda.
Pumikit ang binata gaya ng ginagawa nya sa Tuwing ginagamit ang kanyang soul sense ablity.
Isa isang hinawakan ang mga item at dinama iyon mg kanyang mga hawak at mga daliri.
At ang bawat patern ng kinis,gaspang at mga linya ay nadama ng kayang mga daliri.
Dahil dito ay Napaghiwalay ng binata ang tatlong item na may pareparehong pangdama.
Matapos paghiwalayin ang magkakatulad ay tsaka nya pinag aralan kung paano ito pagdudugtungin katulad ng ginawa nya noong una.
Matyaga na pinag aaralan ng binata ang mga ito hanggang sa makuha ang pagkakadugtong ng tatlong magkakamuka ng kinis.
Sigurado syang magkakarugtong ang mga iyon at tama ang kanyang pagkakagawa,ngunit hindi matukot kung anong bagay iyon.
“tama naman ang pagkakadugtong dugton.base dito sa structure ng pagkakabasag.pero hindi ko parin maintindihan kung anong bagay ba to.mukang ordinaryong tablang bato lang itong isa.ito namang isa ay parang putol na rebulto ng batong krus na walang ulo at kanang kamay.”sabi ni daryl.
“kung ganon?.yan na ba ang sagot mo?”sabi ng matanda na hindi nagpapakita ng reaksyon sa muka.
“hay nako.natutuwa po talaga akong bumili sa inyo.hahaha..sige po sure na.”sabi ni daryl.
Biglang tumayo ang matanda at binilot ang mga misteryosong item sa loob ng telang ginamit na sahig.
“halika sumunod ka sakin ginoo.”sabi ng matanda.
“Saan po tayo pupunta?”sabi ni daryl.
“Doon sa walang makakakita sa atin”sabi ng matanda at nagtungo sila sa bahagi parin ng basement kung saan hindi na puntahin ng mga tao dahil bakante at walang nagtitinda.
“ano po ang ginagawa natin dito?”sabi ni daryl.
“dahil nakuha mo ang tamang pagkakasunod sunod at pagkakadugtong ng mga misteryosong bagay na wala talaga orihinal na itsura.pero dahil binigyan mo ito ng itsura na may paliwanag ng iyong isipan,yun mismo ang magiging itsura ng mga bagay na hinulaan mo.”sabi ng matanda.
“Pero kung ganon nga po.para saan magagamit ang mga yan?”sabi ni daryl.
“Sasabihin ko sayo,kung bibilin mo sila sakin,syempre bayaran mo muna.ahahaha,at nakahanda ka dapat sa maaari kong ipagawa sayo.katulad din noong una.”sabi ng matanda.
“sige po.nahihiwagaan nanaman po ako dito.ganito rin po yung katana ko nung makuha ko sa inyo.sulit naman po ang gamit.”sabi ni daryl at binayaran ng anim na copper ang matanda.
Binuksan ng matanda ang telang itinupi at kinuha doon ang dalawang batong misteryosong item na produkto ng magkakadikit na tig tatlong item na wala nang bakas ng basag dahil nabuo na.
“dalin mo yan sa simbahan at pabasbasan mo sa pari.
pagkatapos ay lubugin mo sa banal na tubig sa loob ng 3 oras.
pagkatapos non ay basagin mo.
Sa loob ng mga batong bagay na yan na binigyan mo ng pagkakakilalan ay makukuha mo kung ano ang sabi mo.isang krus at isang tableta.
dalawang legendary relic na naglalaman ng magkaibang kapangyarihan at malalaman mo lang ang mga kapangyarihan na iyon sa pamamagitan ng panaginip.
ilagay mo sa iyong dibdib at siguraduhin mong tukop ng iyong dalawang kamay na parang niyayakap mo sila habang ikaw ay natutulog.
Sa panaginip mo malalaman ang kapangyarihan ng mga banal na reliko.”sabi ng matanda.
“wow!.maraming proseso pero curious po talaga ako.susundin ko po ang sinabi nyo.”sabi ni daryl.
Excited ang binata kayat nagpaalam na sa matanda upang gawin ang mga proseso.
Agad na nagtungo sa holy cathedral at nakiusap sa isang pari na noon ay saktong nagdarasal sa loob ng cathedral.
Nakinig ang pari sa binata at pinaunlakan ng pari ang kanyang pangangailangan at binasbasan ang mga batong bagay.
Isinama sa holy fountain at doon ibinabad ang mga batong bagay.
Bilang pasasalamat ay nag iwan ng donasyon ang binata at umalis para maghanap ng lugar na mapaglilibangan habang naghihitay ng oras.
Makalipas ang tatlong oras ng pamamasyal sa park at kumain ng mga street foods ay muling bumalik sa cathedral na may dala pang pagkain na pasalubong sa mabait na pari,at kinuha ang mga batong bagay.
Dali daling umuwi sa sambahan ni demeter at kumuha ng martilyo.
Nakita pa ng binata ang patuloy na pagsasanay ni demeter at rina na noon ay basang basa ng pawis soot lamang ang maninipis na puting damit na sinadyang isoot dahil ang pinag aaralan nilang 2nd level magic ay talagang nakakapagod na nagpapainit sa kanilang katawan.
Nakuha pang mapatigil ng binata at hindi napigilan na tignan ang dalawang babaeng nakatalikod dahil bumakat ang maganda at makinis nilang katawan sa matinding pawis ng maninipis na damit kayat kitang kita maging ang mga suot nilang underware.
Bihira iyon mangyari na sobrang hinangaan ng binata at bumuhos ang natural na kamundohan ng naaakit na katawan at mababakas ang kaligayahan sa pagtayo ng sandatang pang ibaba ng binata na noon ay napako na sa kanyang kinatatayuan.
Nang biglang maramdaman sya ng dalawang babae at napaharap.
Agad nilang napansin ang sandang nakabukol dahil sa namamasa at bakat nilang katawan.
kayat agad na nagtukop ng kanyang underwear si demeter na bumakat sa puting damit,napapikit at tumili ng malakas sa hiya at parehong namumula.
“eeeeeeehhh!!!!.daryl!!.tumalikod ka!!!.”sigaw ni demeter.
Agad din naman tumalikod si daryl at tsaka lang napansin na nakabukol pala ang kanyang buhay na sandata kayat agad na tinukop at pinigil.
“sorry!.sorry!.sory!.hindi ko po sinasadya!!!!.”sigaw ng binata.
Hiyang hiya ang binata at kaagad na lumabas para makatakas sa sitwasyon at ipagpatuloy nalang ang dapat na gawin.
“Haaaayy grabe.tukso layuan mo ko.hindi ko naman kasalanan eh.bosing patawarin nyo po ako.”sabi ni daryl.
Nabalik sa kanyang ginagawa ang binata kayat binasag ng martilyo ang mga bato.
Gaya nga ng sabi ay nakuha ni daryl ang dalawang legendary relic artifact cross medalion at tablet medalion.
Nahiyang pumasok ang binata sa takot na baka abutan nanaman nya sa ganoong sitwasyon ang dalawang babaeng naggagandahan at nakakaakit na katawan.
Kayat sa kusina dumaan paakyat sa second floor patungo sa kanyang kwarto.
At doon niyakap ang dalawang medalyon at natulog.
Mayamaya pa ay nahimbing na ng tulog ang binata.
Unti unting nagising sa loob ng kanyang panaginip.
Kung saan sya ay nakahiga sa tabi ng talon at may dalawang babaeng masayang naliligo na nakasoot ng matitingkad na kulay pula at asul.
Nakita sya ng dalawang babae at agad na nilapitan.
“hihihi.master daryl.ako po si rosario”sabi ng babaeng nakapula.
“Ako naman po si medalia.magandang araw po master daryl.kamusta na po si katana.”sabi ng babaeng nakaasul.
“huh?.ako ang master nyo?..tsaka sino kayo at sino si katana?.”sabi ni daryl.
“ikaw po ang master namin,kapatid po namin si katana na una nyo nang nakasama sa inyong mga pakikipaglaban.salamat po at nabigyan nyo na din kami ng katauhan.hinihintay po lamang namin kayo master.bakit natagalan po kayo?”sabi ni rosario.
“Ibig nyo bang sabihin kayo yung mga bagay na bunili ko doon sa matanda doon sa bayan.”sabi ni daryl.
“Opo master, kami po ang tatlong maria at nilikha po kami upang sa inyo ay mag lingkod.at upang iparating ang mensa ng ama.”sabi ni medalia.
“anong mensahe at sino si ama?”sabi ni daryl.
“si ama po ay ang may likha ng lahat.nais pong iparating ni ama na ang lahat ay maghanda.kayat kaming mga nahimlay ng mahabang panahon ay muling ginigising upang maglingkod ng aming kapangyarihan sa taong sa amin ay kanyang itinakda.”sabi ni rosario.
“ha?!.Ibig nyo bang sabihin,na yung matandang babaeng tindera doon sa blackmarket.ay si lord god?”sabi ni daryl.
“opo.master.hihihi.”sabi ni rosario.
Hindi makapaniwala si daryl na nakaharap na pala nyang ang dyos ama.
“alam nyo ba kung ano yung paparating na kaguluhan?”sabi ni daryl.
“Hindi po master.naparito lang po kami upang kayo ay bigyan ng babala at upang maglingkod.”sabi ni medalia.
“Ganun ba.ok lang.salamat parin at dumating kayo.kaya naman pala ganun nalang ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko yung matandang tindera doon.ako pala talaga ang pakay nya.”sabi ni daryl.
“Hindi po kayo nagiisa master.marami po kayong pinagkalooban ng iba pa naming mga kapatid upang tumulong dahil sa mabuti po kayong tao.”sabi ni rosario.
At naalala ni daryl ang mga legendary relics at weapon na ginamit ni gregory sa kanilang laban.
“maraming salamat at gusto nyo akong tulungan.hayaan nyo at gagawin ko lahat ng makakaya ko para makatulong sa paparating na gulo.pero anong kapangyarihan naman ang ipapagamit ninyo sa akin.”sabi ni daryl.
Tumayo ng maayos si rosario at medalia sa harap ni daryl.
“ako po si rosario ang krus na medalyon,kapangyarihan ko po ang lumikha ng matalim na krus na hangin na iikot at lilikha ng bilog at matalim na hangin na hihiwa sa lahat ng bagay katulad din ni katana.ngunit ako po ay inyong magagamit at mapapasunod sa kahit malayuan at lilipad sa kalangitan o hihinto sa inyong patnubay.at kailan man ay hindi dapat mawawala sa inyong pangangalaga.kayat makabubuti kung kami ni medalia ay igawan ninyo ng aming pribadong lalagyan ngunit hindi lalayo sa inyong katawan.(medalion holster).”sabi ni rasario(controlable wind soul cross blade)
“Ako naman po si medalia,ang kodradong medalyon,kapangyarihan ko po ang bigyan kayo ng panaggalang na haharang at papalis kahit sa talim na katulad nang kay katana at rosario na kayang putulin ang lahat ng bagay sa mundo na di hihigit sa inyong lakas.isa lamang po ako sa mga katulad kong pananggalang na nagtataglay ng ganitong kapangyarihan.upang kayo po ay bigyan ng siguradong kanlungan ng kaligtasan sa mga laban,ang pananggalang ko po ay hangin na lilikha ng salamin na didipende sa laki ng inyong panganga ilangan na hindi hihigit sa inyong katawan.kung saan nyo man ako nais na gamitin,harap tagiliran,likod,taas o ibaba ay ikumpas nyo lamang ang inyong palad habang ako ay inyong iniisip at siguradong ako ay lalabas.”sabi ni medalia (air mirror shield).
“madali lang nman pala.salamat ha.”sabi ni daryl.
“salamat din po master daryl,ngayon ay malaya na kaming makikiisa sa aming katawan.ang aming lakas ay katulad din po ni katana na susunod at mahuhubog mula sa sarili ninyong lakas.hanggang sa muli pong pagkikita.salamat.”sabay na sabi ni rosario at medalia.
Biglang naglaho ang dalawang babae sa kanyang panaginip at unti unting nagising si daryl yakap parin ang mga medalyon.
Agad nag alay ng mataimtim na dasal para sa dyos ama.
“maraming salamat po bossing,personal nyo po pala akong tinutulungan.iingatan ko po ang tatlong maria na ipinagkaloob ninyo sa akin.salamat po.”dasal ni daryl at hinalikan ang dalawang medalyon.
“nasarap pala ako ng tulog.makababa na nga.”sabi ni daryl
Bumaba si daryl upang uminom ng tubig sa kusina at nasalubong si demeter.
Namula si demeter ng makita si daryl ng harapan na tila ba naaalala pa ang kanyang nakita kanina at hiyang hiya kayat ang naisip na paraan upang makaiwas.
“hump!!.”inisnab si daryl upang tuloy ay parusahan na di pansinin.
Nahihiya man si demeter ngunit sa kanyang puso ay hindi nalalaswaan kahit makita pa ni daryl ang buong katawan.na kay daryl lamang.
Habang si rina naman ay sanay nang ipakita ang kanyang katawan na naka swim suit pa.kayat ok lang dito at pinapanood ang LQ ni daryl at demeter at natatawa.
Hiyang hiya naman si daryl na nakaharap ngunit hindi makatingin.
Lumapit si rina at binulungan si daryl na noon ay lumalagok ng tubig sa baso.
“ang sexy namin no?.pilyo ka ha.”sabi ni rina sabay tingin sa ibaba.
“ubo! Ubo! Ubo! ..haaaam! ehem!!ehem.”sabi ni daryl na biglang nabulunan.
Tawa ng tawa si rina na nagpunta sa sala.
Sa tuwing matitingin si daryl kay demeter na gustong paliwanagan ay iniisnab sya nito.
“Ano bang kasalanan ko.bakit ba nagagalit sakin si holy guide demeter?”sabi ni daryl nang sundan nito si rina sa sala.
“Hahaha.ikaw naman kasi.nakadamit pa nga kami eh,exited na agad yang alaga mo.pilyo ka kasi.ang dali mong magnasa.”sabi ni rina.
“ha?.h-hindi ano lang kasi..haaaay..sige na nga.totoong natukso ako pero hindi ko naman kayo gagawan ng masama,tsaka hindi ko naman yun sinasadya eh.”sabi ni daryl.
“hay nako daryl.napakabait mo naman.ang dali dali mong paaminin.hahaha.ok lang yon.hindi naman kami nag iisip ng masama.ok lang naman sakin.ganyan talaga kayong mga lalaki eh.ewan ko lang kay holy guide demeter.medyo conservative kasi sya sa katawan nya.”sabi ni rina.
“tsk!.my goodness.bakit ba kasi nakasoot kayo ng ganon.tapos nagpatay pa kayo ng electric pan.basang basa pa kayo ng pawis.”sabi ni daryl.
“yun daw kasi ang kailangan sa magic namin kanina.para hindi mamatay yung ginamit namin na kandila.kaya nagpalit kami ng manipis na damit mainit eh.hindi naman namin alam na nandyan ka na.”sabi ni rina.
“Iyyyyy…nakakahiya ako.ka buset.”sabi ni daryl at tawa naman ng tawa si rina.
Muling napatingin si daryl kay demeter at inisnab ulit
Tawa nanaman si rina.
“oh eh kamusta naman yung training mo?”sabi ni daryl.
“hehe.ang bilis kong natuto,marunong na akong mag basic,marunong na din ako ng healing magic.pero mahina pa lahat . maru’nong na din ako ng mga attack magic,dalawang klase.firebolt at fire arrow.meron din akong isang support magic,ang bless of the north star.strength and speed amplifier ang function.astig no?”sabi ni rina.
“Wow.astig ah.sige bukas isasama kana namin.tapos dumaan tayo doon sa mage gear shop.masmalakas daw ang magic kapag may wand tsaka bumili ka na din ng raid gear na pang mage.para komportable ka.mahirap lumaban kapag iritado ang katawan mo.”sabi ni daryl.
Biglang nagbiro si rina.
“ah ganon ba?.kaya pala parang iritado ang katawan ko.ang init.baka pwedeng paki massage mo naman.uhhhhh”biro ni rina na sadyang nang aakit at nilakasan upang marinig ni demeter at magselos.
“Rina?!”sabi ni demeter na noon ay nagkukunwari na hindi nakikinig sa kanilang pinag uusapan.
“hihihi.peace po.joke.”sabi ni rina at nagtatawa habang tukop ang bibig.
Napalunok naman si daryl at lumayo kay rina.
“Tinablan sya oh.hahahah”sabi ng sutil na rina.
“baliw.makalabas na nga lang at maaga pa naman.may ipapagawa lang ako.”sabi ni daryl kay rina na alam naman na naririnig ni demeter.
Nagtungo sa pinakamalapit na leather maker holster si daryl para ipagawan ang dalawang medalion na ippwesto sa kanan na hita katulad ng mga target knife at doon na nagpalipas ng oras.
Samantala,mayroong pagpupulong na nagaganap sa palasyo kung saan naroon si ares at athena kasama ng haring david.
“king david.lumabas na ang findings ng mga ipinadala kong investigation team.kompirmado na,na time disruption ang black aurora sa demons pith.nagsisimula nanaman bumukas ang
Dimensional gate ng apocalypto realm.”sabi ni ares
“Haaaaa.my god.this cant be.”sabi ni king david.
“hindi parin nahahanap ang five legendary dimensional key na posibleng magsara sa black aurora.at may mga report ng mga lumalabas na legendary relics na matagal nang mga nawawala.ang sabi ng ilang mga chosen bearer ay may magaganap na chaos.mensahe daw iyon ng mga relics.yun ang rason ng paglabas ng mga lost legendary relics and artifacts.”sabi ni athena.
“wala na ba tayong ibang magagawa.tayo ang pinakamalapit na kingdom na posibleng atakihin ng mga demon level reptilians huma dragon.at wala nang masbabagsik pa sa kanila.kung mauulit nanaman ang trahedya, 300 years ago.sanay maagapan natin ito bago pa lumala.masyadong mabagal ang progreso ng mga raider.hindi ko alam kung sasapat ang bilang ng mga high level raiders.may the lord god help us.”sabi ni king david.
“we are doing our best to find the keys.as soon as possible in help for the restless souls.this world must be protected from demons.”sabi ni athena.
“kung nababahala kayo sa level ng mga raider.bakit hindi natin silang obligahin.para tumaas ang level nila at dumami ang mga high level.sa ganong paraan maihahanda natin sila sa posibleng pagdating ng mga demon level.”sabi ni ares.
“maganda yan.kung papayag sila?.sa panahon ngayon ang mga tao dito sa heavens art ay kuntento na sa mga buhay nila.yung tipo na lalabas ng bahay,magraraid,babalik may pera na.kakain matutulog.paulit ulit at hindi na sila naghahangad pa ng hihigit sa nakasanayan na nila dahil sapat na yon para mabuhay sila.pano mo sila pipilitin.gayong hindi rin natin pwedeng biglain ang balita dahil posibleng pagsimulan ng kaguluhan.”sabi ni athena.
“tama naman kayong dalawa.kaya tungkol dyan ay may naisip na akong paraan.siguro kung gagawa tayo ng achievement reward system.gold coins reward for every 10 level na exclusive lang sa mga guild members at mga raider ng lemuria.ano sa palagay nyo?.”sabi ni king david.
“Magandang idea yan king david.nasisiguro kong kakagatin ng mga tao yan.”sabi ni athena.
“kung ganon dapat maipatupad na kaagad yan.”sabi ni king david.
“naisip ko rin.dapat siguro tayong mga holy guide ay tumulong din sa pagpaparami ng mga high level.dapat ay maubliga din tayo na atleast 50 %.ng ating mga followers ay umakyat ng level 70 pataas.nagiging pabaya narin kasi ang iba sa atin.”sabi ni ares.
“Ok ako dyan.ewan ko lang sa iba.lalu na si demeter.as of now.4 members lang meron sya.basta kailangan atleast 50 % ng followers.”sabi ni ares.
“sige.walang problema.pagtulungan nalang natin na masabihan lahat ng mga holy guide.”sabi ni athena.
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasyPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...