23.ang bahay ni lolo jerard

228 29 1
                                    

Payapang nakarating ang mustang caravan sa boundary ng masikog at umama.
Dito nagset ng kani kanilang tent ang bawat isa at muling nagsalosalo sa hapunan at nag alay ng katutubong sayaw para sa pagpapasalamat sa dyos.
Dahil sa tuwa ni marie at rodora sa ilang araw nang pagliligtas at pag aalaga ni daryl ay humanga ng husto ang dalawa at hindi namamalayan na umiibig na sila kay daryl kayat iba na ang pagtatangi at serbisyong ibinigay ng dalawa na bukal sa puso at labis na nagpapaligaya sa kanilang pagkababae.
Ngunit alam nila na ito na ang huling gabi na magsasama sama sila ng lalaking hinahangan at itinatangi ng puso nila kung saan nahanap nila at natutunan ang magkaroon ng dignidad sa sarili.
Ipanangako ng dalawa sa kanilang mga sarili na si daryl lang ang makakatikim ng kanilang katawan at wala nang iba pa kahit pagalitan pa at patayin ng kanilang master o ipatapon sa kagubatan kung saan sila nakatira.
Malungkot ang dalawa dahil ayaw pa nilang matapos ang serbisyo,dahil para sa kanila ay pinaka masayang byahe iyon ng kanilang buhay bilang peko ride GRO.
Kayat ng gabing iyon,hindi alintana ang pagod ng paglalakbay,ay ibinuhos nang lahat ng kanilang nararamdaman sa huling gabi ng kanilang paglilingkod at pakikipagtalik sa iniibig nilang lalake, at hinahangaang bayani.
Para sa dalawang babaeng peko ride GRO ay tunay na malaking karangalan ang maging tagapaglingkod ni daryl sa puso,sa isip ,sa kaluluwa,at sa katawan, na habang buhay nila iyong dadalhin at ituturing na yaman ng kanilang pagkababae at hindi kaylan man hahayaang madungisan ng iba.
Mula sa umama ay naging madali na ang paglalakabay kung saan nagpadala ng signal ang carvan master  upang sila ay salubungin ng mga raider guards ng yugatan.
Kayat bago mananghali ay narating na nila ang great gate ng yugatan kingdom sa arrival terminal ng mga caravan.
“Sawakas nakarating din tayo.hay hindi na ulit ako mag bbyahe ng ganoon katagal at kadelika do. hehehehe. salamat at ligtas tayong lahat ng dahil sayo daryl.”sabi ni jerard.
“Dahil po sa ating lahat kaya tayo nakaligtas.”sabi ni daryl habang inaayos ang kanyang sari mula sa mahabang pagsakay sa likod ni marie
Muling nagbalik sa human form ang mga peko sa pag uutos ng caravan master para sa isang pagpupugay na kanilang gagawin.
Sa pamumuno ng caravan master kasama ng mga elite merchant at guest rider.
Ay sabay sabay na nagpasalamat ang mga ito at sabay sabay na yumuko tanda ng pagpupugay sa kabayanihan ni daryl.
Nagulat pa ang binata at hindi nakapagsalita sa kanyang tinanggap na pagpupugay kayat sinuklian din nya ng pasasalamat at yuko ang buong caravan.
Sabay nagpalakpakan ang lahat para kay daryl.
Matapos ang pagpupugay ay isa isa nang naghiwalay ang mga ito.
Trbaho  din ng caravan master ang pangangalaga sa mga peko.kayat matapos ang bayahe ay ipinatawag na ang mga ito upang tipunin at muling ihatid ng ligtas sa kanilang master.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi muna makakabalik at mananatili sa yugatan habang hindi pa dumarating ang karagdagang pwersa ng highlevel raider convoy na ipapadala ni rando para sunduin at maihatid ng ligtas pabalik sa lemuria ang kanyang mga butihin,maalaga at mapagbigay na mga peko.
Bago sumunod sa linya ng mga peko si marie at rodora ay namaalam muna ito kay daryl.
Hindi pa man nakakapagsalita ay tumutulo na at gumuguhit ang kanilang luha sa kalungkutan ng paghihiwalay .
“Maraming salamat po sa napakasayang byahe sir daryl.hindi po namin ito malilimutan.dito sa  puso ko ay ikaw lamang sir daryl.alam ko na mayroon kang minamahal.ngunit gusto ko pong ialay ang sarili ko sa inyo habang buhay hindi ko man kayo makasama.kayat ipinapangako ko po na hindi na muling magbibigay pa ng parehong service gaya ng  para sayo,para hindi na madungisan pa ng ibang lalake ang katawang ito.iniibig kita sir daryl.pagnakabalik po kami kay master rando ay hihilingin kong bigyan nalang kami ng ibang trabaho.hindi ko na po talaga gustong madungisan pa ng ibang lalake ang aking katawan liban sayo,at kahit may minamahal na po kayo ay nandito parin  ako para syo.handang ibigay ang aking katawan ano mang oras mo kailanganin.”sabi ni marie.
“katulad din po ni marie ang nararamdaman ko para sa inyo sir daryl.at wag po kayong mag alala na kami ay manggugulo sa inyong buhay sa piling ng inyong minamahal.nag usap na po kami ni marie.habang buhay na magiging matapat kami sa inyo at mananatiling malinis at hindi madudungisan ng ibang lalake ang aming katawan upang manatili ang inyong presensya habang buhay.alam po namin na hindi ito maiibigan ni master rando.ngunit buo na po ang aming desisyon na tigilan na ang ganitong uri ng serbisyo lalu na ang pakikipagtalik.maraming salamat po sa paglalakbay ng masaya.”sabi ni rodora.
“maraming salamat din sa napakasayang paglalakbay at sa walang katulad na pag aalaga ninyong dalawa.kakaibang karanasan yon na hindi ko rin makakalimutan.palagi kayong mag iingat at aalagaan nyo ang isat isa.ingat palagi.”sabi ni daryl at ngumiti.
Sabay na yumakap ang dalawang babaeng peko at isa isang humalik sa labi ng binata ng madiin at buong puso.
Muling tumayo sa harapan ni daryl at sabay na yumuko at nagsabing.
“Hanggang sa muli pong pagkikita sir daryl.maraming salamat po.”sabay na sabi ng dalawang peko ng may ngiti sa kanilang muka habang umaagos ang luha.
Sabay na tumalikod at sumunod na sa linya ng mga peko ride GRO.
Nakaramdam din ng lungkot  si daryl para sa  puso ng dalawang matapat na nagmamahal na mga peko habang pinagmamasdan ito sa linya ng mga peko na kumakaway sa kanya at pilit na itinatago ng masayang ngiti ang buhos ng kanilang luha.
ngunit kailangan magpatuloy ng binata at isangtabi kung ano man ang mga namagitan upang makabawi sa kasalanang kanyang nagawa para sa  kanyang tunay na minamahal.
Hinawakan ni jerard ang balikat ni daryl habang nakatingin din sa dalawang human peko na papalayo at patuloy na kumakaway at nakangiti.
“Mahirap talaga magpaalam sa mga taong naging bahagi na ng buhay natin.pero kailan mo parin magpatuloy.dahil may mga naghihintay sa iyong pagbabalik..halika na.hahanapin pa natin si tanan.”sabi ni jerard.
“hummmm haaa(hinga)..sige po lolo.tara na.”sabi ni daryl at kumaway ng huli para sa dalawang human peko at  tumalikod na rin nang makapasok ang mga ito sa waiting room ng mustang caravan.
Katanghaliang tapat nang lisanin nila ang arrival station ng yugatan kingdom.
“Napakalaki na nang ipinagbago ng yugatan buhat nang iwanan ko ito.datirati ay mga bahay lamang na nababalot ng ugat mula sa world tree ang nandito at wala pa ang mataas na bakod na iyan.pero ngayon ay may mga gusali na ganito katataas.kitang kita ang kaunlaran sa kahariang ito.mahusay siguro ang mga sumunod na hari.”sabi ni jerard.
“oo nga po.malaki po ang kaibahan nito sa lemuria.mas moderno na po ang mga tao at kagamitan dito.ang iniisip ko lang po.paano nakakasurvive ang mga newbie sa labas ng greatwall.di po ba level 35 na yata ang pinakamababang monster sa labas?.masmalalakas po ang mga monster dito kung ikukumpara sa lemuria.?sabi ni daryl.
“tama.noon pa man ay naging problema na yan ng pamahalaan ng yugatan.kaya ginawan nila ng solusyon.dahil kung hindi lalakas ang mga newbie ay hindi rin sila makakatulong sa gobyerno.kayat gumawa ang gobyerno ng batas na nagbibigay ng karapatan sa mga newbie na bigyan ng karampatan na support mula sa mga high level upang sila ay tulungan na makaabot sa level 35 upang makapagsimula sila ng kanilang sariling pamumuhay at adventure.
Dito itinatag ang leech program.kung saan binigyan ng extra income ng gobyerno ang mga highlevel para ma motivate sila na tumulong sa mga lowbie at hindi maaring tumanggi maging sino man ang matapat sa kanila, dahil kabilang ito sa kanilang pinirmahang kontrata sa kingdom guild.”sabi ni jerard.
“Maganda naman po yung kinalabasan ng programa nila at heto ganito na sila ngayon.kaya po pala matataas  ang level ng mga tao dito.
Pinaka mababa na yata ang level 40.”sabi ni daryl.
“Napansin ko rin nga.pero hindi sila ganito karami noon.tsaka parang naging sentro na ng kalakalan ang buong kaharian,kung napansin mo.kanina sa arrival station.ang dami na ding dayuhan galing ng ibat ibang kaharian..”sabi ni jerard.
“Kita ko nga po.”sabi ni daryl habang lilinga linga sa mga tao sa boong paligid.
“napakalaki po pala talaga ng world tree.talo pa yung mga matatandang puno sa nakita ko sa kagubatan.”sabi ni daryl.
“Oo naman.ito ang pinakamatandang puno sa buong heavens art world.bago isilang lahat ng nabubuhay dito ay nandito na ang punong ito.ang sabi sa kasaysayan ng heavens art.minsan nang namahinga ang lord god sa ilalim ng mayabong na sanga ng world tree.noong mga panahon na ginagawa palang ang mundong ito.”sabi ni lolo jerard.
“wow.astig!..ganun na po pala ito katanda.buti at hindi namamatay.”sabi ni daryl.
“siguro dahil importante sa dyos ang punong ito.kaya mahiwaga ang walang hanggan na buhay ng puno.hindi naman nakapagtataka at magical ang mundong ito.”sabi ni jerard.
“tignan mo kung gaano na ka yaman ang guild house dito.datirati ay maliit na kubo lang yan.”sabi ni jerard sabay turo sa malaki at magandang gusali ng guild house na kung ikukumpara sa guild house ng lemuria ay 8 beses na masmalaki at masmaluwang.
“waow!.guild house po pala to?.pwede po kaya akong magpapalit ng ulo dyan?”sabi ni daryl.
“bakit?nakapamulot ka ba ng mga napatay mo nitong mga nakaraang araw?.may oras ka pa non.”sabi ni jerard.
“Hehe.sayang po kasi kaya kinuha ko kahit yung mga ulo lang ng mga high level bos.parang tropy nalang din po.tsaka pangdagdag sa pera ko.”sabi ni daryl.
“Hahaha.bilib na talaga ako sayo.kaya mo pang isingit na gawin yon habang ang iba ay hindi magkanda mayaw sa kanilang sobrang takot.hehehe.”sabi ni jerard.
Ngumiti naman ang binata.
“pwede siguro?.kahit naman magkakaiba ang sistema nang bawat guild sa ibat ibang kaharian ay magkakakonekta parin naman ito ng iisang magic,kayat makikita rin nila kung saan ang origin ng guild membership mo.subakan natin.”sabi ni jerard.
Habang naglalakad sa loby ng class at eleganteng guild building ay napatingin si daril sa mga nakapaskil na muka ng halimaw sa mahabang magic wall monitor.
“kasama po pala sa 4 na most wanted ang halimaw na to.deusraksya-new arrived demon monster level 199 power class  level A ?.kaya po pala ganon kalakas at kabilis ang halimaw na to.komontik na po akong mapatay nito eh.nagkataon lang na hindi proportional ang katawan nya at hindi sya gumagamit ng sandata.mataas ang level pero mababa ang fighting ability,yun ang naging kahinaan nya. ”sabi ni daryl habang binabasa ang gumagalaw na update sa magical wall monitor.
“Oo! yan nga yun iniligaw mo sa gubat.napatay mo ba?!.”gulat ni jerard.
“ah eh.hehe.chamba lang po!”sabi ni daryl habang napapakamot sa kanyang ulo at nahihiyang makapagyabang.
“holy!mowly!wow!.hindi ako naniniwala na mababa ang fighting ability ng deusraksya.para maabot nya ang level na yan?imposible!..nagkataon lang na masmagaling ka.kaya para sayo, yun ang naging kahinaan nya.pero kung ikukumpara mo sa ibang raider ay lubhang nakakatakot ang isang yan.ibang klase ka talaga daryl.”sabi ni jerard na hindi makapaniwala at sobrang humahanga.
“hindi naman po siguro.kamontik din naman akong mamatay kahapon.”sabi ni daryl na namumula sa reaksyon ni jerard.
Nagpatuloy ang dalawa sa loob ng loby at direktang nagpunta sa cash regester/turn over window.
“Good afternoon sir.magturn over po ba kayo ng kill?.”sabi ng mabait na guilde cashier.
“ah oo sana eh.kaso taga lemuria po ako.pwede po ba?”sabi ni daryl.
“yes sir.every things for the good of the kingdom naman po.so we accept it. specialy on a friendly kingdom guild raider po.welcome po sa yugatan kingdom guild.pakita nalang po ng ID para mairecord natin ang kill.tapos pakilagay nalang po doon sa loob ng glass room inspection chamber ang mga ulo.”sabi ng mabait na guild cashier.
Nairerecord ang kill count sa pamamagitan ng mga datas na naiiwan sa mata ng napatay na halimaw,kayat hindi maaaring mapasinungalingan ang record ng guild.
Kayat pumasok si daryl sa loob ng glass chamber at doon inilabas at ibinaba ang ulo ng mga halimaw.
Muling bumalik sa guild cashier.
“wow sir daryl!.power class po pala kayo.kakalabas lang po ng deusraksya this mating season pero napatay nyo kaagad ng mag isa.last year wala pong nakapatay dito kaya lumobo pa ang level.congratulations po sir sa bagong tittle nyo ngayon sa guild.demon slayer  of lemuria.”sabi ng cashier habang pinagmamasdan ang auto encoding/recording/verification ng magical computer.
“hindi na po nakapagtataka na boss monster ang kasamang iba pa sir,gaya po nitong maturic lv99,queen zygoreth lv70,at chichiou lv72.”sabi ng guild cashier na isa palang fanatic ng mga power class raider kayat kumikislap ang mga titig nang mata
Hindi na nakapagsalita pa si daryl dahil sa ipinapakitang kagalakan ng guild cashier kayat ngumiti nalang at nahihiya din sa papuri ng cashier.
“Sir pwede po ba akong magpa autograph?fan po talaga ako nang mga power class raiders.please.please.”sabi ng guild cashier at iniabot ang kanyang signature album.
Inabot iyon ng binata at pinirmahan ang album slot na itinuturo ng babae.
Nakita ng binata ang mga pirma ng iba pang random powerclass raiders na napapirma ng babaeng cashier.
“tama nga sila sir pietro,masmarami pa pala talagang power class raiders.”sabi  ni daryl sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang mga pirma at lalong humahanga at nagiging interesado na makita ang iba pang power class raiders.
Masayang masaya ang babaeng guild cashier nang abutin nito ang kanyang album.
“thank you po sir!.”sabi ng guild cashier.
Matagal na nakatitig ang cashier sa pirma ni daryl na noon ay naghihitay ng bayad sa kanyang mga turnover na ulo,hanggang sa hindi na nakatiis ang binata
“miss?.pwede ko na bang makuha yung reward fee?”sabi ni daryl.
“ah?!.sorry po sir!.opo sir!.eto na po.total of 500g and 36s.hihihi.sorry po.”sabi ng excited na guild cashier at iniabot ang pera at ID.
“hahaha.nakalimutan ka na sa sobrang tuwa.”sabi ni jerard.
Aalis na sana sina daryl nang pigilin sila ng guild cashiers sa kagustuhan nitong makita ang level ni daryl.
“ah Sir!.baka gusto nyo pong makita ang power class level nyo?may level mirror calculator po kami.ayan po oh!.haharap lang po kayo sa mirror at ipapakita nya ang level progress ninyo.”sabi ng guild cashier na lumabas na sa kanyang window room at hinila si daryl sa salamin kahit hindi pa ito pumapayag dahil sa kanyang excitement.
Hindi naman pumalag ang binata at hinayaan lang ang natutuwang cashier.
Nang humarap sa salamin ay nagulat pa ang binata at nadagdagan nanaman sya ng 29 level na dulot ng deusraksya at mga napatay na normal at boss monster.nakakuha din sya ng adisyonal na 10 spirit essence points.
“Wow sir!.level 170!.konti nalang at level A na kyo sir..waaaoow!.”sabi ng galak na guild cashier.
“ajeje.parang ang bilis naman yata.sabagay kaya pala parang gumaan din ang pakiramdam ko.”sabi ni daryl.
“accurate po yan sir.hihihi.”sabi ng guild cashier.
At nagpaalam na ang dalawa upang ipagpatuloy ang paghahanap sa bahay ni jerard.
Agad naka announce sa mga magic wall monitor ng guild na nakapakalat sa buong yugatan kingdom ang pagkakapatay sa deusraksya ng unnamed raider upang pangalagaan ang privacy ng raider.
“ayos ah.sobrang updated pala sila dito.pati ang guild may sariling adverticement wall.buti nalang at hindi nila nilagay ang pangalan ko.”sabi ni daryl.
“ibang iba na talaga ang bayan na to.masyado nang malayo ang narating at impluwensya ng magic sa tao.nakakamiss yung payak at tahimik na buhay dito dati.”sabi ni jerard.
“ang tagal nyo din po kasi siguro sa loob ng casket na pinagtaguan nyo.”sabi ni daryl.
“oo.kulang 400 years yata.”sabi ni jerard.
“Paano po pala natin makikita ang bahay nyo? ganoon na po pala katagal?”sabi ni daryl.
“maraming kakayahan ang bahay kong iyon.kaya hindi sya basta basta masisira.nandito lang yun.mahigpit kong bilin sa kanya na wag syang lalayo sa world tree.nga lang.hindi ko alam na lalaki pa ng ganito ang world tree.dati sapat na ang dalawang magkahawak na tao para yakapin ang puno.”sabi ni jerard.
“mukang mapapalaban po yata tayo sa paghahanap.bukod po sa 400 years nang nakakawala ang bahay nyo.eh tignan nyo po kung gaano kalaki ang puno ngayon.katumbas na po ito ng sampung building ng guild house nila dito.”sabi ni daryl.
“Wag ka agad masiraan ng loob.may bell sa loob ang bahay ko.yun ang paraan nya para sumagot.kaya pag tinawag natin sya.ay maririnig mo nalang ang kalembang ng bell sa loob.nandito lang yon sa palibot..ikutin natin ang buong puno at mahahanap din natin sya.”sabi ni jerard.
Nawiwirdohan ang binata ngunit tiwala naman ito sa matanda kayat sinusunod lang ang sinasabi.
“Tanan!.tanaaaan!.tanaaaaaaaaaan!”.sigaw ni daryl at jerard  habang iniikot ang malawak na puno ng world tree.
Halos maikot na nila ang buong puno ay wala parin tunog ng bell na naririnig.
Kayat nagpasya sila na tumigil muna sa isang bahagi ng puno kung saan komportable silang nakaupo at nakasandal sa puno.
Nalulungkot na si jerard dahil hindi nito makita ang bahay
“Tanaaan! Nasaan ka na ba.sabi ko sayo wag kang.aalis sa puno.taaaanaaaan!.”sigaw ni jerard.
Nakita ni daryl kung gaano kalungkot ang matanda.kayat nag isip ito ng paraan kung paano bubuhayin ang loob ng matanda.
“umikot po tayo ng isang beses pa.baka hindi lang nya tayo narinig.
Sa isang bahagi ng puno sa ilalim ng ugat kung saan may maliit na siwang na binabahayan ng daga ay hindi sinasadyang katabi lang ng inuupan ng matanda.
Biglang nagtakbuhan ang mga daga na galing sa butas na tila ba may kinatatakutan.
Nagulat si jerard at napatalon sa mga rumaragasang daga.
“Ayyyyy!!!.anak ng tipaklong.ano ba yon?.jesusmaryosep..haay.kinabahan ako dun ah!.”sabi ni jerard habang nakasalampak sa lupa.
“Hahaha.daga lang po lolo tumayo na po kayo at baka may ahas sa loob kaya nagtakbuhan palabas”sabi ni daryl.
Agad tumayo ang matanda at dumistansya kasama ni daryl.nakatitig parin sa butas sa pag aakalang may lalabas ngang ahas.
Unti unti ay nakakita sila ng mahinang paggalaw ng tila kinukutkot na lupa malapit sa bukana ng maliit na siwang.
“O! O! Oi mukang may lalabas nga,humanda ka daryl tagain mo agad ha.”sabi ni jerard habang nasa likod ni daryl na noon ay binunot ang kanyang katana.
Nakafocus ang dalawa sa butas dahil palakas ng palakas ang tilansik ng lupa.
“Ayan na daryl!malapit na yan!”bulong ni jerard habang nasa likod ni daryl.
Nang biglang sumungaw.
Napapikit si jerard at nagtago sa likod ni daryl.
Tatagain na sana ni daryl ang sumungaw sa maliit na butas,ngunit napigilan ito sa kanyang nakita.
“Eh?!.sandok?!”sabi ni daryl.
“Ano? Patay na ba?.”sabi ni jerard.
“Hindi po lolo.hindi naman po ahas eh”sabi ni daryl na takang taka sa nakikita.
“Huh?!anong hindi ahas?ano ngarod yan kung hindi ahas?”sabi ni jerard na ayaw parin tumingin.
“Sandok nga po.tignan nyo po kasi ayun oh gumagalaw po yung sandok.”sabi ni daryl kayat sumilip ang matanda ng dahan dahan.
“Chef gaspar!!.hahahahaha.!”sigaw ni jerard sabay takbo sa gumagalaw na sandok at bigla itong hinablot at niyakap.
“sandok?chef?.”sabi ni daryl na gulong gulo.
“Ahahaha.sandok ko ito daryl!.sya si chef gaspar.ang aking tagaluto. ”masayang sabi ni jerard.
“ah ok.gumagalaw na bahay tapos ngayon gumagalaw na sandok.may roon pa po bang iba lolo.”sabi ni daryl.
“oo lahat sila ay gumagalaw.lahat ng gamit ko sa bahay,ibigsabihin lang na nsa loob o nasa ilalim ng puno ang bahay ko.”sabi ni jerard.
Tumango ang sandok kay jerard at nagbabaluktot ang salok nito na parang kinakausap ang matanda.
“Ha?!.aha tapos?.hahaha.kaya naman pala..buti at hindi kayo umalis.akala ko ay hindi ko na kayo makikita.”sabi ni jerard.
Habang nganga naman ang binata na nanonood sa kanila.
“Hehehe.ang sabi nya.naririnig daw ako ni tanan.kaso hindi daw makaalis at natabunan na ng ugat at puno.hindi rin daw natin marinig ang maliliit na kampana at hindi makalabas ang tunog sa butas ng mga daga.kaya napilitan daw syang gumapang sa butas para makalabas dito at hanapin ako.”paliwanang ni jerard.
“ah ok po.yun naman po pala.so kung nasa loob po ng puno ang bahay nyo.pano natin sya papasukin?siguradong makukulong po tayo pag sinaktan natin itong puno para mailabas ang bahay nyo.”sabi ni daryl.
“Teka.pano nga ba?”sabi ni jerard at nag isip.
“tama!.kailangan lang natin ng magaling na wood magic user.ang sabi ni chef gaspar.nasa tapat lang daw ng maliit na siwang na ito ang pinto ni tanan.kahit yung pintuan lang ang mailabas natin ok na.”sabi ni jerard.
“sige po.humanap na po kaya tayo at nang masimulan na.”sabi ni daryl.
“ay sige at miss na miss ko na silang lahat.hahahaha.”sabi ni jerard.
“subukan po natin humingi ng tulong sa guild.baka may listahan sila ng mga wood mage raider.”sabi ni daryl.
Kayat bumalik ang dalawa sa guild at muling kinausap ang cashier na noon ay masayang masaya na makatulong kay daryl.
Humingi si daryl ng tulong tungkol sa pagpapalabas ng pinto na natatakpan ng makapal na puno.
“Sige sir daryl.ako nalang po ang tutulong sa inyo.isa po akong water,wood and earth elemental magic user.madali lang po yun yakang yaka ko po iyon.pero nasa duty pa po ako sir.ok lang po ba na hintayin nyo ang out ko mamayang 5 pm.sure naman po na mailalabas natin ang pintuan ng bahay nyo kahit gaano pa yun kalayo sa labas ng puno”sabi ng cashier na nakilala nila sa pangalan na matilde na noong una ay hindi rin naniniwala hanggang sa makita nya ang proweba ng kumikilos na sandok.
“ok lang miss.hihintayin nalang namin.tutal at 3 pm naman na.2 oras nalang ang hihintayin namin ni lolo jerard.kakain na muna siguro kami.nakalimutan nanamin maglunch sa kakahanap sa bahay.babalik nalang kami.salamat.”sabi ni daryl.
“sige po sir daryl lolo jerard.kita kita nalang po mamaya.”sabi ni matilde at muling bumalik sa kanyang window.
Humanap naman ng makakainin ang dalawa hanggang makakita ng restaurant sa bayan.
“naaawa ako kay tanan sa kalagayan nya sa loob ng puno.pero humahanga din ako sa katapatan nya.hindi sya umalis kahit natatabunan na sya ng puno.kahanga hangang kaibigan. naghintay sya ng 400 taon at hindi manlang gumalaw kung saan ko sya iniwan at inutusang wag aalis.”sabi ni jerard habang kumakain sila ni daryl.
“di bale po.mamayang gabi ay magkikita na ulit kayo.”sabi ni daryl.
“alam mo bang nasa loob ng bahay lahat ng mga grimoir na inipon ko tungkol sa mga lost legendary magic at marami pang iba na hindi mo basta basta makikita sa loob ng mga library.kaya marami akong alam na magic.hindi ko nga lang mamaster dahil kulang ang lakas ng mana power ko.pero mayaman ako sa talino at impormasyon dahil sa tulong ng lost legendary time magic skills.”pagyayabang ni jerard.
“Kung ganon po pala ay may idea kayo kung sino ang gumawa ng mga sandata kong ito.legendary weapon po ito na may mga kakambal na legendary relics at ang isang ito ay hindi ko pa nabubukasan ang kakayahan.pero legendary din sya katulad ng dalawa.”sabi ni daryl habang ipinapakita ang tatlong katana na nakasuksok sa special holter sa tagiliran.
“Kung hindi ako nagkakamali.si kagura yaichiro ang may gawa ng katanang iyan.
gumawa sya ng 100 piraso ng katana at mga bagay na kakambal ng mga ito mula sa mga ispesyal na bakal na kanyang natagpuan sa kailaliman ng lupa at karagatan.
isa syang napakahusay  na raider/magi black smith lahat ay madali lang para sa kanya kung smith ability at skills lang ang paguusapan, ngunit ang labis na nagpagaling sa kanyang mga kreasyon ay ang mga ispirito ng ibat ibang pinanggalingan na hindi ko alam kung saan.
hawak nya ang kaalaman ng lost legendary soul magic.na ginagamit nya para isakatuparan ang pangunahing layunin ng isang katana,ang magkaroon ng talim na kayang hiwain at putulin ang lahat ng bagay dito sa mundo.
Nagawa nyang posible ang bagay na iyon.alam mo naman siguro at nagamit mo na yan.
Dagdag pa ang kakayahan na binuo ng ispiritong nananahan sa mga katana kayat lalo silang hinangaan ng mga gumamit sa kanila.
Ngunit isang araw ay bigla nalang nawala si kagura at hindi na nakita pang muli.walang naiwang saksi na makapagsasabi kung nasaan si kagura.”sabi ni jerard
“buhay pa po sana sya.sayang naman ang abilidad nya.”sabi ni daryl.
“iilan lang ang nakakakilala sa kanya muka.pero ang gawa nya ay mas kilala sa larangan ng mga mandirigma.kaya hindi ko rin masabi.baka buhay pa sya at nandyan lang sa kungsaan at nagtatago.parang ako.”sabi ni jerard.
“May iba pa po bang lost magic ?”sabi ni daryl.
“oo pero hindi ko pa natutunghayan ang kakayahan ng iba.7  lahat ang lost legendary magic.
time,soul,life,infinite mind(wish), body, dream and reality,demonic at angelic.
Lahat yan ay nagtataglay ng extra ordinary magical ability.
Bakit interesado ka.di ba non magic user ka?”sabi ni jerard.
“naitanong ko lang po.minalas po kasi ako sa dice.wala naman second roll.ayaw ni st.gabriel.hahaha.”sabi ni daryl.
“si st.gabriel pala ang agent mo.ganun talaga.ako naman ay si st.rafael.walang second chance.para maging balance ang mundong ito.pero  na gagamit mo parin naman ang magic.gaya ng mga katana mo.”sabi ni jerard.
Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa habang kumakain ng masarap na tanghalian.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon