Excited ang lahat na gumising upang alamin ang itsura ng espada.
Kayat maagang nagsipaggising.
Kinuha ni daryl ang ispada na nababalot ng makapal na abo at hinugasan sa labas.
Laking gulat ni daryl nang punasan nya ang ispada at makitang nabuo muli na walang bakas ng lamat at sobrang kilap at linis nito na kasing ganda ng bagong ispada.
“wow.silver sword.parang bago ang ganda.kasing haba at kasing bigat din ng katana ko.pati ang puluhan.pero para saan kaya ang hugis bola ng golf na ito at butas butas.”sabi ni daryl habang ipinapakita sa lahat ang ispada.
“tama lang pala na binili mo yan kuya,nasanay ka na sa katana mo eh.edi yan na ang gamitin mo.katana din naman yan.”sabi ni mia.
Lumayo ang binata para isubok sa hangin ang wirdong silver katana.
Laking gulat nito at sa bawat hiwa ay nagbavibrate ang ispada at humununi ng mahina na parang umaalingawngaw na plawta at dahan dahan tumitigil sa tuwing ihihinto ang paggalaw.
Ramdam ni daryl sa kanyang kamay ang mahinang vibration ng ispada sa tuwing manggagaling sa mabilis na paghinto ng taga.
“parang hinihipan sya ng hangin.naririnig ko sa mga buntas ng bilog sa pagitan ng tatagnan at talim.at ang huni ng ispada ay kasabay ng vibration.sabay na lumalakas at sabay din na humihina.pero masramdam ang vibration kapag nakahinto ang kamay.parang sinasabi nya sakin na hawakan ko sya ng mabuti.”sabi ni daryl.
“hindi kaya kinakausap ka ng katana ?”sabi ni bela.
“Hindi ko alam bela.pero yun ang pakiramdam ko.”sabi ni daryl.
“mukang tama si mia.mula ngayon.yan na ang gagamitin mo.para matuklasan mo ang misteryo nyan.sa tingin ko.nakatadhana na mapunta sayo yan.”sabi ni bela.
“wala naman mawawala kung gagamitin ko to.”sabi ni daryl.
“Ang importante.alam natin na mahiwaga ang ispadang yan at maswerte ka at nabili mo lang ng mura.sige na at magsipagbihis na kayo at tatanghaliin kayo sa raid ninyo.”sabi ni demeter.
Unang nakaalis si bela dahil sinusundo sya ng raiding party na kontrata nya.
Sabay naman na lumalabas si daryl at mia.
“naks naman oh.mas muka na kayong raider ngayon.fully equiped.pero ingat parin ha.hindi ibigsabihin na may armor at bagong weapon kayo.lalaki na ang ulo ninyo.”sabi ni demeter.
“wag po kayong mag alala ate holy guide demeter.hindi naman po kami pumupunta sa mga halimaw na may mataas na lvl kay kuya eh.”sabi ni mia.
“ok.basta ingat ha.umuwi nang maaga.”sabi ni demeter.
Muling lumabas ang dalawa soot ang kanilang mga bagong gamit at ang lahat ng makakita ay napapahanga sa itsura ng dalawang newbie.
Na hindi naman napapansin ng dalawa dahil mas abala na makarating sa destinasyon.
“ang sabi dito sa monster phedia.ang pinakamalapit na lvl 10 to 15 na halimaw ay matatagpuan sa thinker forest.ang makakalaban natin ngayon ay baboon thinker.muka itong unggoy na trol.gets ba?”sabi ni daryl.
“gets kuya.ngayon ko lang nakita kuya.bibihira pala ang high lvl na raider.karaniwan na ang level 28 hanggang 30.”sabi ni mia habang ginagamit ang kanyang eye glass at mas komportable sa maliit na magic backpack.
“baka naman kasi mahirap talaga kapag lvl 28 ka na.or siguro hindi lang natin nakikita yung mga high level .malay mo malalakas na pala talaga ang mga monster sa deeper dungeon.”sabi ni daryl.
“sandali at ihahanapan ko lang ng kaluban ang siver katan.baka mero kay manong lukas.”sabi ni daryl at muling nagpunta kay lukas na noon ay abala sa pagpapanday.
“daryl?.may kailangan ka ba?”sabi ni lukas.
“opo.nakabili kasi ako ng katana kahapon.pero walang kaluban.bakameron kayo dyan”sabi ni daryl.
“tignan ko nga at ng masukatan.”sabi ni lukas.
Biglang nanlaki ang mata ni lukas at biglang nagmadaling pumasok sa kanyang bahay upang kunin ang kanyang personal na sword encyclopedia.
Binuklat ang mga pages ng ibat ibang ispada hanggang sa matagapuan ang parehong katana na nasa harapan.
“ulalala!!.alam mo ba kung ano ang tawag dito daryl?sabi ko na at parang nakita ko na to sa encyclopedia.ito ang tinatawag na legendary silver wind soul katana.isa ito sa 100 legendary soul series of katana.ang swerte mo.”sabi ni lukas.
“wala po bang nasusulat dyan kung ano ang mga tungkol dito,o kung anong special features nito.”sabi ni daryl.
“yun lang.walang nakalagay eh.basta talaga legendary soul series.walang kahit anong description,kundi soul mystery weapon.”sabi ni lukas.
“haaaa(hinga).kala ko pa naman po may makukuha akong clue.”sabi ni daryl.
“pero swerte ka parin at siguradong mamahalin ito na mura mo lang nabili.”sabi ni lukas habang sinusukatan ng kaluban sa kanyang stocks na pang model katana.
“o ayan!.tamang tama ang kulay itim.kasing kulay ng armor mo.15 copper lang.tulad din yan ng katana mong isa na may side strap.”sabi ni lukas.
“salamat po,tuloy na po kami.”sabi ni daryl at nagpatuloy na palabas sa gate.
Pinuntahan nila agad ang thinker baboon forest.
Habang dumadaan sa tara field ay iniinsayo ni daryl ang bagong katana sa mga nasasalubong na tara goblin sa parehong paran parin ng kanyang sword play.
Ngunit sa bawat hiwa ng katana ay parang tumutugon sa kanyang buong katawan at pagkatao ang huni at vibration na may gusto itong iparating sa kanyang isipan.
Sa paulit ulit na paggamit ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam na unti unting nagagamay ng kanyang sistema.
At ang kakaibang pakiramdam na hindi maipaliwanag ng binata sa mahinang huni ng alingawngaw ng plawta sa katana ay unti unting nagiging musikang nagpapagaan sa kanyang pakiramdam na parang banayad na hangin na umiihip sa kanyang buong katawan at ang mahinang huni ay nagbibigay sa kanyang pandinig at pandama ng kakayahan kung nasaan ang mga lukasyon ng mga posibleng kalaban, gumagalaw man o hindi ang mga ito basta nasasakupan ng radius na maabot ng mahina at matinis na huni.
parang sound sensor friquency radar o sonar radar.isang bagong ability na dumagdag sa natural ability ni daryl na kung tawagin ay soul sense.
At dahill sa soul sence ay nagkaroon ng bagong form ng masmataas na ability ang kanyang parry ability at naging sesitive parry.kung saan ang pagsalag ay suportado rin ng kanyang sense.
At ang vibration ng huni ay unti unti nang napipigilan ng malakas na hawak ng kanyang kamay,braso at buong katawan habang pinapanatili ang kanyang mga natural sword stance at fighting ability na hindi maapektuhan ng vibration na nagagamay na ng kanyang katawan.
Dahil sa stability ng katawan sa paghawak at pagpigil sa vibration ay naililipat ng ispada ang malakas na vibration sa mahabang talim at nagttransform na maging manipis na hangin na bumabalot sa buong talim at nagbibigay ng walang hangan na talim ng ispada na kayang hiwain at putulin ang kahit anong bagay sa tamang lakas ng pwersa,at ang bawat hiwa ay nagkakaroon ng extended wind blade effect.
Isa din ito sa karagdagang ability na natanggap ni daryl galing sa ispada.at tinatawag itong soul breath.
Walang kamalay malay ang binata na dalawang bagong natural ability ang ipinagkaloob ng silver wind soul katana na madali nyang nakuha dahil na din sa karakter ng kanyang pagkatao na pagiging focus o calming spirit kahit sa mga sitwasyon na sya ay natatakot o kinakabahan kayat nakapag iisip parin ng maayos at malinaw.
At dahil sa soul breath ability ay nabigyan ng bagong form ang ager of blade skill at pierce of the blind skill na ngayon ay masmalayo,na ang mararating, masmalawak ang sakop at masmatalim o masmatulis ang skill dahil sa additional na pwersa ng hangin nagmumula sa soul breath depende parin sa pwersang gagamitin.
Ngunit ang pagbabagong ito sa skills ay hindi pa natutuklasan ni daryl dahil naeenjoy pa nito ang bagong lakas na nakamtan sa bagong katana na paulit ulit na ginagamit upang mamaster ng kanyang sistema at ang sword skills ay hindi pa naiisipang gamitin.
Dahil sa talim ng bagong katana ay mas naging swabe at mabilis ang mga sword play ni daryl at nabawasan din ang nakokonsumong lakas at enerhiya ng katawan.
Hanggang sa Naging laruan na lang ang bangis ng tara para kay daryl at pakiramdam nito ay kahit ang lvl 25 na cobolt na kamontik nang pumatay sa kanya ay sandali nalang nyang mapapatay.
Hindi iyon napapansin ni mia dahil abala sa pagputol ng mga ulo ng napapatay ni daryl.
Habang si daryl naman ay patuloy na nageenjoy sa bagong lakas sa tulong ng katana.
Hanggang sa marating nila ang thinker forrest.
Ugali na ng dalawa ang pag iingat.kayat hindi lumaki ang ulo ni daryl at nagpakasiguro.
“nandito na tayo mia.listo ka at tuso ang mga baboon troll.sabihin mo agad kapag may nakita ka.marunong silang umakyat ng puno.nakita mo naman yung itsura sa monsterphedia di ba.”sabi ni daryl.
Nang biglang magtago si mia at itnuro ang baboon trol na kasing laki ni mia.
“kuya.ayun oh.di ba yun yon.”sabi ni mia.
“sige dito ka lang.susubukan ko muna kung gaano sila katinik.trial muna.”sabi ni daryl.
Dahan dahan nilapitan ng binata ang baboon troll at ginulat ito.
Galit na galit ang baboon at buong bagsik na sumugod.
Hindi nagkakalayo ang lvl ni daryl sa baboon kayat patas lang sa lakas at bilis ngunit sadyang nakalalamang ang ability at weapon ni daryl kayat agad din napatay ang baboon sa kanilang pagdadaop.
Nag senyas ng isa pa ang binata kay mia upang sigoruhin na madali lang talaga ang pakikipagharap sa baboon at agad na sumugod ang binata sa dalawang magkasamang baboon na papalapit sa kanya.
At katulad din ng unang baboon ay napatay nya ito ng tig isang hiwa ng katana na parang papel lang na biniyak ang mga katawan nito.
Nag tumbs up ang binata kay mia at ngumiti.senyales iyon na kayang kaya ang mga baboon.
Alam na ni mia ang kanyang gagawin.
Lumapit ito kay daryl at nagsimulang magsisigaw.
“luuuliluliluliluuuu!!!wawawa!!!.oiiii!!mga panget na unggoy!!.nandito kami..oink oink oink!!.”sigaw ni mia.
Mabilis silang nakita ng mga baboon na talaga namang agresive na halimaw at nagsipag suguran ang nga ito.
At nagsimula na ang killing machine sa pagpatay sa mga paparating na baboon troll sa lupa at sa puno.
Pinili nila ang lugar kung saan makakagalaw ng mabuti si daryl,habang si mia ay nagtatago sa malaking punong nakatumba.
Sunod sunod ang mga kalaban na lalong nagngangalit sa pagkamatay ng kanilang mga kasamahan dahil ang mga baboon ay isang malaking pamilya.
Abalang abala ang binata at hindi nawawala ang focus sa laban at hindi hinahayaang masira ang momentun ng kanyang overall movement at shifting stance sa dami at kabikabilang pag atake ng mga baboon.
Higit na masmabilis ito at masmahusay makipaglaban kung ikukumpara sa mga tara goblin.ngunit dahil sa mabilis din na pag asenso ng mga kakayahan at lvl ng binata ay nakakasabay ito ng higit pa sa kalaban lalu na ngayong hawak nya ang power ng bagong katana.
hanggang sa nakabunton na sa kanilang palibot ang maraming katawan ng mga patay at biyak biyak na katawan ng mga baboon troll.
Nang biglang huminto ang mga ito sa pag atake at nagsipag ungol ng malakas.
Maya maya pa ay isang malakas na ungol ang umalingawngaw sa kalayuan nang hindi kilalang tinig,masmalaki at masmalakas ang galit na ungol na iyon.
Ang mga baboon na nagngangalit sa galit ay bigla nalang parang natutuwa at nagtatalunan pa sa mga sanga ng punong kanilang tinutung tungan.
“anong nangyayari kuya?!.bakit sila tumigil?.nag aalisan na sila.natatakot ako kuya.parang may paparating.nakakatakot ang boses nya.”sabi ni mia na nginginig na sa takot.
“Shhh.wag kang matakot.nandito lang ako.hindi kita pababayaan.”sabi ni daryl na noon ay kinakabahan din sa naririnig na galit ng malakas na ungol at nakikiramdam.
Naalala ang kakayahan ng ispada at pilit itong pinahuhuni sa pag taga sa hangin at pagwawasiwas.
hanggang sa maisip nito ang isang paraan.
Pumikit ang binata at Ginamit ang soul sense ability sa pamamagitan ng paghampas ng kanyang kaliwang kamay sa butas butas na bola sa pagitan ng puluhan at talim upang panatilihing humuhuni.
Ito pala talaga ang gamit ng bola na hindi sinasadyang natutunan nyang gamitin.
Dahil sa malalakas na hampas ay napapanatili ng binata ang mahabang huni sa katana na hindi ito kailangan igalaw o iwasiwas.
At sa kanyang pag focus ng.kanyang pandinig at pandama ay malinaw nyang nakikita sa kanyang isipan ang mga kalaban sa buong paligid na naabot ng huni mula sa katana.
Dito na napadilat ang binata nang makita nya ang paparating na malaking bulto ng kalaban.
“oh May goodness.mia!.magtagu ka bilis!.malapit na sya.”sabi ni daryl.
“pero saan kuya?”sabi ni mia na takot na takot at hindi napigilan ang umiyak at naglambot ang tuhod.
Hindi malaman ng binata kung saan itatago si mia sa takot na hindi ito mabantayan dahil alam nyang mahihirapan sya sa laki ng kakalabanin na alam nyang hindi nila matatakasan at maaaring manganib ang buhay ni mia sa mga thinker baboon na nagsipag takbuhan palayo at naghihintay ng pagkakataon.
Hanggang sa makita nya ang bunton ng mga patay na baboon.
Pumutol ng sanga ang binata.
“maupo ka dyan sa tabi ng puno bilis!”sabi ni daryl at inilagay ang sanga upang protektahan ang bata sa pagitan ng malaking nakatumbang puno.
Dali daling tinabunan ng binata ng mga patay na baboon ang tinataguan ng bata upang hindi maamoy at makita ng paparating na kalaban.
Agad nagtago ang binata sa likod ng puno at hindi pinatitigil ang huni ng katana sa pag-uga dito upang maramdaman ang galaw ng kalaban.
Alam nyang higit na malakas ang halimaw na iyon kayat nagdarasal na sana ay hindi sila makita nito.
Kabang kaba ang binata.
Hanggang sa Makita nito ang itsura ng halimaw,isa itong malagorillang thinker baboon troll boss lvl 15 na kulay puti at masmahaba ang mga pangil at mga kuko.boss lvl kayat doble ng karaniwang lvl.
“Ha ha ha(hinga).boss monster yata ito.bosing tulungan nyo po kami.”sabi ni daryl sa mataimtim nitong dalangin.
Patuloy ang pagtatago ni daryl sa puno at nakamatang inoobserbahan ang gagawin ng boss baboon.
Lumapit ang boss baboon sa bunton ng mga.patay na baboon troll at isa isa iyon hinawakan.
“waaarrrrrr!!!.waaaaarrrr!!!.”galit na galit ang boss baboon na dumadamba sa lupa at kinakaldabog ang malalaking kamay.
Sa takot ni mia ay napatili ito sa loob ng pinagtataguan na noon ay nakikita pala ang boss baboon sa maliit na siwang ng mga patay na katawan.
Biglang natigilan ang baboon at hinanap ang pinanggaling ng tili.
Habang papalapit ng papalapit ang boss baboon sa kinaroroonan ni mia ay hindi na napigilan ng bata ang tumili ng tumili sa sobrang takot habang tukop ang kanyang ulo.
Kayat napilitan ng lumabas si daryl sa kanyang pinagtataguan.
“no no no.mia!!!.hoyyyy!!! Nandito ako!!ako ang harapin mo!!”sigaw ni daryl.
Natigilan ang boss baboon at agad na hinarap si daryl.
“wwwaaaarrr!!!!”sigaw ng boss baboon at agad na sumalakay.
Tumakbo ang binata palayo kay mia.
Ngunit sadyang malakas ang malalaking braso ng kalaban.na nagpapabilis ng kanyang takbo at nagpapalaki ng bawat hakbang kayat naunahan nito ang binata at agad na hinarang at sinalubong ng hampas ng malaki nyang kamay.
Agad naman nakaluhod ang binata sa pag-ilag at umusad sa lupa sabay tayo at dahil hinihingi ng sitwasyon ay lumaban na ang binata.
Mula sa pag-usad ay tumalon ang binata ng counter attack sa likod ng boss baboon.
Nahiwa ang likod ng baboon ngunit agad naiwasiwas ang braso at natabig ang binata.
Tumilapon ang binata ngunit napanatiling nakatayong umuusad sa lupa habang nakagabay sa kanyang katana.
Sumugod ang binata habang iniinda pa ng boss baboon ang malalim na sugat ngunit napilitan huminto at tumalon pabalik dahil biglang nagbitaw ng double hummer punch padikdik sa lupa ang baboon na kamontik nang tumama sa binata.
Mabilis ang bawat attack facing at stance ng binata alinsunod sa lakas at bilis din ng reaction ng mga braso ng boss baboon na kung hindi maiiwasan ay maaaring mag dilikado ang kanyang buhay sa isang direct hit ng boss baboon na kahit ang puno ay yayanig sa lakas ng suntok.
Hindi nya pinabayaang ang boss baboon ang umatake sa kanya sa laban na habulan dahil alam nyang lalong manganganib ang kanyang buhay,masmataas ang chansang manalo kung patuloy nya itong lilituhin sa ibat ibang direksyon ng mabilis na pag atake.
Dahan dahan ngunit ipektibo nyang nahihiwaan sa ibant ibang bahagi ng katawan ang boss baboon sa tuwing makakikita ng opening.
Pagod na Pagod ang binata sa katatakbo at kasusugod ng maingat at mabilis.
Matyaga nyang sinusugatan ang kalaban ng panuti unti gaya ng ginawa sa cobolt.
“ha ha ha ha(hingal)..mamatay ka na.ha ha ha(hingal).eto pa !yaaaaaa!!!!”sigaw ni daryl sa muling pagsugod ng counter attack na tumama sa tagilirang tadyang ng boss baboon.
Hanggang sa unti unti nang bumabagal ang baboon na tila nagpapahinga at napapagod narin sa kakasuntok na hindi naman tumatama at naiilagan ng binata.
Sinamantala naman ng binata ang pagpapahinga ng baboon dahil sya man ay humahangos na rin sa paghinga.
Huminga ng malalim ang baboon at muling sumigaw ng malakas sa kabila ng pagdurgo ng kanyang mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay naging matalino na ang boss baboon.
Pumutol ito ng malalaking sanga sa puno at ginamit na dalawang mahabang pamalo sa magkabilang kamay.
Sa ganitong paraan mashumaba at mas naging delikado ang bawat hampas
Hindi na makalapit pa ang binata na ngayon ay sya naman nang sinusugod ng boss baboon.
Hindi makagawa ng counter attack dahil malayo ang naabot ng mga kahoy.
Walang magawa ang binata kundi tumakbo ng tumakbo at tumalon sa pag iwas.
Nakaabang sa kanya ang bingit ng kamatayan kung walang magagawa sa boss baboon.kayat ang takot ay unti unting kinalimutan nanaig ang kagustuhang mabuhay.
Habang tumatakbo ay pinagmamasdan nito ang buong paligid na maaring makatulong sa kanya.
Hanggang sa makita nito ang bahagi ng gubat kung saan tuyo ang lupa at maalikabok.
Agad na isinoot ang gaggle at nagpahabol ito doon ng paikot ikot.
Ang bawat lagabag ng rumaragasang boss baboon at malalakas na hampas ng kahoy sa lupa ay nagpapakalat ng makapal na alikabok.
Soot ang kanyang gaggle ay sinamantala ang pagkakataon habang nahihilam ang boss baboon at natigilan sa pag atake sa pagkukuskos ng kanyang mga mata na pilit idinidilat ngunit napupuno ng alikabok.
Ibinuhos ng binata ang lahat ng natitira nyang lakas upang maitaga ang silver wind soul katana at siguraduhin na babaon at tatagos ito.
napunit ang makunat na balat at naputol ang matigas na buto ng boss baboon na hindi makita kung saan manggagaling ang binata dahil hindi ito makadilat at tahimik ang pagsugod na ginagawa ng binata
Unang naputol ang kaliwang kamay at sinundan ng kanan na noon ay iwinawasiwas ang kanyang hawak na kahoy .
“Waaaaaaarrrrrrrhhh!!!.”sigaw ng nagngangalit na boss baboon na iniinda ang pagkaputol ng dalawang braso at sunod sunod na taga ng matalim na katanang tumatagos sa kanyang katawan at mga kalamnan.
At ang pang huli ay harapang sinugod ni daryl ang nakaluhod na boss baboon at unti unting tinitipon ang enerhiya upang ibigay ang finish blow gamit ang kanyang skill na tinawag nilang pierce of the blind at itinarak iyon sa dibdib ng boss baboon na halos mawasak sa lakas ng extended piercing effect na dulot ng silver wind soul katana.
Patay ang boss baboon na tumilapon pa sa lupa.
Napaluhod sa pagod ang binata at tumingala sa langit.
“hummmmmWaaaaaaaaaaaa!!!!!.haaaaa!!!!ha ha ha ha (hinga).”isang mahabang sigaw na binitawan ng binata na nagsisilbing victory war cry na nagpapakilala at nagbubunyi ng kanyang tagumpay laban sa boss baboon.
Pansamantalang nagpahinga at naalalang muli si mia kayat dali daling bumalik sa kinaroroonan nito.
Kapansin paNsin ang nga baboon troll na nakamata sa kanya mula sa malayo na natatakot lumapit nang makita nila kung paano namatay sa kamay ni daryl ang kanilang boss.
“mia! Mia!..nandyan ka pa ba?!”sigaw ni daril habang papalapit sa kinaroroonan ng pinagtaguan kay mia.
“Huhuhu.kuya!!!.nandito ako.!”sigaw ng takot na takot na bata.
Agad na inalis ni dryl ang tabing na mga katawan at agad na kinuha at niyakap ang umiiyak na bata.
“tahan na.ligtas na tayo.”sabi ni daril habang pinagmamasdan ang mga baboon troll na noon ay nakasilip lang at nagtatago sa malayong mga sanga.
“nasan.na yung halimaw kuya?”sabi ni mia habang pinapahid ang luha.
“Wala na.patay na sya.kaya wag ka nang matakot.tignan mo sila.mukang natatakot na din sila.”sabi ni daryl.
At lumingon ang bata sa buong paligid at kitang kita ang takot ng mga baboon na nakatikom ang mga tenga at buntot sa pagtatago.
“Bleeeeee!!!.ang salbahe nyo.kala nyo ha.hindi kayo uubra sa kuya ko!.”sigaw ni mia.
“hehe.natatakot ka pa ba?”sabi ni daryl.
“Hindi na kuya.gusto mo ipunin ko na yung huli natin.”sabi ni mia.
“yan ganyan dapat.wala pa nga tayo sa dungeon.”sabi ni daryl.
“sorry kuya.natakot ako kanina eh.hihihi.”sabi ni mia.
“Ok lang.sige na trabaho na.at magpapahinga lang ako sandali at halos hindi na ako makatayo.”sabi ni daryl.
“ah wait may gamot ako dyan.binigay sakin ni ate bela kagabi.sabi nya ipainom ko daw sayo kapag pagod na pagod ka.sandali at kukunin ko lang.”,sabi ni mia at kinuha ang blue potion at iniabot kay daryl.
Agad naman ininom at nagulat pa sa mabilis na ipekto nito na pumawi sa kanyang pagod.
“huh?!ok to ah.biglang nawala ang pagod ko.dapat pala bumili tayo ng marami nito.sige at pagtulungan na natin yan mga huli natin at nang makauwi na tayo.”sabi ni daryl.
“kunin din natin yung malaking halimaw kuya.syang din yun.siguradong mahal ang ulo nun.”sabi ni mia.
“oo naman.teka nga lang at titignan ko sa monsterphedia kung anong halimaw yun.”sabi ni daryl.
Nagulat pa ang binata nang makita nya ang information ng halimaw na isa palang level15 boss monster na nagawa nyang taluhin.
“ito siguro ang dahilan kaya parang natatakot ang mga baboon sa akin.boss pala nila ang napatay ko.”sabi ni daryl na biglang naproud sa kanyang sarili.
“kuya!.bakit natulala ka na dyan.hihihi.”sabi ni mia.
“ah oo nandyan na.pwede rin pala natin pakinabangan ang mga kuko at pangil ng halimaw na yun kailangan lang natin maghanap ng mapagbebentahan,o kaya ibigay nalang natin sa ate bela mo.panggawa ng potion.”sabi ni daryl.
“sige kuya gusto ko yan.matutuwa si ate bela.”sabi ni mia.
Naging payapa ang kanilang paglalakad sa thinker forrest at parang repelant na lumalayo ang mga natatakot na baboon.kayat nahirapan sa paghuli ang binata na ipinagpatuloy pa ang ginagawang raid dahil maaga pa at hindi pa naabot ang bilang ng kanyang quota.
Malaking tulong ang blue possion na ininom nito na pumawi sa kanyang pagod.
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasyPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...