20.mustang caravan

244 34 0
                                    

Magdamag na hindi nakatulog si daryl at  demeter,kanilang sinulit ang mga oras sa isat isa habang magkasama pa.
Hanggang sa dumating na ang oras na kailangan nang umalis ni daryl at jerard.
Hindi pumayag si demeter na hindi maihatid si daryl sa mustang caravan kahit tahimik pa ang mga kalsada at natutulog pa ang mga tao.
Kayat isinama si edge upang may makasama sa paguwi.
Nang marating nila ang caravan ay agad na lumapit ang dalawang peko anima na noon ay naka human form.
“Hi sir daryl,good morning po.peko marie and rodora on service sir.”sabi ni peko anima marie.
Agad humawak sa braso ni daryl ang mga peko human lady form na parehong naggagandahan.
Naningkit ang mata ni demeter kay daryl at dumistansya.
“ahm girls wait lang ha.dyan muna kayo kay lolo jerard.”sabi ni daryl at inalis ang kamay ng dalawang babae ng mapansin nito tumahimik si demeter at naniningkit tanda ng pagseselos na pilit nitong pinipigilan dahil tiwala naman kay daryl.
“ah eh !.peko namin.dyan daw kami sasakay.hehe.”sabi ni daryl.
“Okie alam ko naman na peko sila.parehong maganda yan ha.ikaw ba ang pumili nyan?”sabi ni demeter.
Nag isip agad ang binata ng paraan para  alisin ang selos ni demeter.
“huh?!.maganda pala yan?.isa lang naman ang nakikita kong maganda dito.nandito sa harap ko oh.”sabi ni daryl at niyakap mula sa likuran.
Nangiti naman si demeter at kinilig.
Humarap ito at hinawakan ang kamay ni daryl.
“hump.bolero.baka mamaya pag hindi na ko nakatingin sayo.”biro ni demeter na noon ay nagtitiwala naman talaga kay daryl.
“hahaha.Hindi nila kayang pantayan ang goddess ko.kahit tutukan pa nila ako ng kutsilyo.”sabi ni daryl.
Nang biglang tumawag na ang convoy master.
“o  ayan na pala aalis na kami.”sabi ni daryl.
“mag iingat kayo.tawagan mo ko palagi ha.ingatan mo ang batong bigay ni lolo jerard.”sabi ni demeter.
niyakap ng mahigpit si daryl at hinalikan.
“alis na kami mahal.”sabi ni daryl at ngumiti.
“sige mahal ingat!.”sabi ni demeter habang inihahatid ng tingin si daryl sa pagsakay nito kay peko marie na nagtransform na muli sa pagiging peko ride.
At ang mustang caravan ay nagsimulang sumulong patungo sa yugatan kingdom.
Samantala,ang black aurora sa north eastern region ng lemuria kingdom sa demon pith.ay nagpawala ng kakaibang phenomenon sa hangin.
Kung saan halimaw lang ang makakalanghap.
Isa itong amoy na nagSisilbing signal para sa lahat ng halimaw na ang kanilang superyor na lahi ay malapit nang makalabas.
Mabilis itong humalo sa hangin ng buong heavens art world..
Kayat ang mga halimaw na matagal nang naninirahan sa loob ng kanikanilang dungeon ay unti unting naglalabasan  dahil para sa kanila ang mga demon level boss ay kanilang kaligtasan at paghahari sa mga tao.
Nakalabas na ng lemuria kingdom ang caravan at kasalukuyang  tinatalastas ang kahabaan ng lemuria yugatan service country road sa lupain ng nimichi rice field.kung saan ang mga halimaw na gumagala ay mahihina pa gaya ng kid goblin at iba pa.
Banayad at hindi kabilisan ang byahe ng mustang caraban kayat natatagalan ang byahe dahil na rin sa ginagawang surveillance ng convoy upang maiwasan na mapalaban ang mustang caravan sa mga posibleng kalaban.
Ang mga raider convoy ng lemuria kingdom ay natural nang  level 50 dahil ang pinaka mataas nang halimaw sa open sky land ay lvl 35 at bihira ang boss na gumagala.
Kayat kampante ang mga raider convoy sa paligid nila kahit naglipanan pa ang mga halimaw na kaya nilang patayin.
Hanggang sa lumagpas na sa bayan ng namichi rice land at mag simula sa tumka vegetable land ang caravan at kailangang huminto sandali upang mananghalian.
Kasamang kumakain nila daryl si marie at rodora na sadyang bumabalik sa human form kapag rest time ng caravan.
“ganito ba talaga kabagal ang mga byahe dito.”sabi ni lolo jerard.
“hindi ko rin po alam lolo.siguro yung byahe natin na yun.kung nakasakay ako kay edge.hindi ako aabutin ng tanghali hanggang dito.”sabi ni daryl.
“Pasensya na sir daryl.kaya din po namin tumakbo ng ganoon katulin.pero iniingatan po kasi ng mustang caravan ang mga kalakal ng nga merchant.dahil bahagi iyon ng  company contract.”sabi ni marie.
“Sorry marie.hindi ko naman kayo minamaliit.sigo naiinip lang ako.”sabi ni daryl.
“yoon po bang babae kanina ang dahilan kaya kayo naiinip?.baka po namimiss nyo sya.”sabi ni marie.
“Siguro nga.matatagalan pa kasi kaming magkita ulit.”sabi ni daryl.
Lumapit si marie at bumulong kay daryl.
“wag po kayong magalala sir daryl.ako po muna ang pupuno sa malalamig ninyong gabi.”sabi ni marie.
“ayy.ah eh.ok lang ako.masaya naman ako sa service mo.napaka komportable mong sakyan.”sabi ni daryl.
“Ok.incase na ginawin po kayo.katabi nyo lang po ako para magpainit.”sabi ni marie.
Bahagyang nabulunan ang binata dahil sa inaasal ng mga peko na hindi nito inaasahan na ganoon pala kahorny ang natural na pananalita.
“sige na.kumain nalang tayo.”sabi ni daryl.
Nang biglang magsisigaw ang isang elite merchant.
“ano yon!.may paparating! Mga halinaw!.”sigaw nito.
Agad nakadepensa ang kakaunting bilang ng convoy kumpara sa  hundred count ng mga paparating na monster  ng ibat ibang level mula lvl 25 hanggang  lvl 60 at sa kanilang likuran ay naroon ang isang queen zygoreth lvl 70 boss at dalawang hichiou lvl 72 boss.
Ang queen zygoreth ay isang uri ng monster  boss na mukang lumulutang na ovary na may mata at magical ang destructive power.
Habang ang hichiou ay malapit ang itsura sa  ravian na ang pagkakaiba lang ay ang balahibo at ang tikas ng katawan.
Nagulat ang mga convoy dahil imposible itong mangyari na lumabas ang mga halimaw mula sa mga dungeon.
“Anong nang yayari?imposible to.bakit naglalabasan ang ganyan kalakas na halimaw sa dungeon.delikado tayong lahat.code 12!!”sigaw ng caravan master
Kayat malaking pangamba ang kanilang naramdaman sa takot na lipulin sila ng mga high level mediocre at creohisia bosses.
Kayat agad na naalarma ang lahat at napasa ilalim sa critical state command ng carvan master ang caravan,kung saan katumbas ng abandon goods and prioritize civilian ang ibigsabihin.
Hindi makapaniwala ang caravan master na mangyayari iyon sa napakahabang panahon ng kanilang paglilingkod.
Agad isinakay ang mga elite merchant sa mga peko upang bumalik sa lemuria kingdom greatwall.
Ngunit nahati ang makapal na pwersa ng mga halimaw at dahan dahan na humarang sa lupain pabalik sa greatwall.
sila talaga ang punterya buhat nang matanaw sila ng zygoreth dahil sa malakas at ultra zoom ability ng mata nito.
Kayat nawalan ng pagaasang makabalik sa kaharian at binalak din na tumakas ngunit binarahan din ng makapal na bilang ng mga halimaw ang lupain pasulong.
Kayat ang tanging paraan upang makaiwas sa mga halimaw ay pumunta sa runo hanggang sa lake edge pith at tumalon sa tubig na hindi rin nakakasiguro kung ligtas na mabubuhay sa pagtalon dahil sa sobrang taas ng bangin.
Una nang sumama sa karamihan si jerard na likas ang pagiging duwag na time mage sakay ni rodora nang matanaw nito ang mga paparating na kalaban.
“tumakas na po tayo sir daryl naglunsad na po ng code 12  ang caravan master.”sabi ni marie na noon ay naka peko ride form na at hinihintay na sumakay si daryl.
“mauna ka na marie.susunod nalang ako.”sabi ni daryl na noon ay walang balak na umatras upang protektahan ang mga tao at ang caravan dahil alam nya ang dapat gawin at hindi sya nakakaramdam ng kaba na mabibigo sa mga halimaw na masmataas ang kanyang ability at level.
Habang nagkakagulo ang lahat at patungo sa lake edge pith.
Ay Tumalon si daryl sa itaas ng mustang carvan at pinagmasdan doon ang mga halimaw gamit ang kanyang gaggle.
Agad ginamit ni daryl ang kapangyarihan ng kanyang cross medalion mula doon kung saan tanaw nya lahat ng nakapalibot na mga halimaw.
Masmalakas,masmatalim at masmalawak ang nasasakupan ng kanyang wind soul cross blade   dahil sa nakamtan na lakas sa training.
Dalawang kamay ang ginamit ng binata  sa dalawang kocontrolin na cross blade .sa magkabilang panig ng katawan.
At pinawalan sa kalaban ang mga ito at parang kumukumpas lang ang binata sa isang orchestra habang kinokontrol ang  rumaragasang talim  at sinusuyod ang makapal na bilang ng kalaban na papalapit sa  kanyang direksyon. na madaling napuputol,nahihiwa at namamatay.
Parang grass cutter na dumadaan sa damuhan at mabilis na naubos ng  sandatang iyon ang mga ordinaryong halimaw liban lang sa hichiou at zygoreth na noon ay lumipad pataas upang iwasan ang sandata.
Napigilan sa pagtakbo ang mga convoy at mga elite merchant at napatingin sa ginagawang pakikipaglaban ni daryl dahil mag isa nitong inubos ang lahat ng mga halimaw gamit ang kanyang mga  wind cross blade  at kasalukuyang hinahabol ng mga ito ang dalawang hichiou sa himpapawid kasama ng queen zygoreth.
Maya maya pa ay nalito ang mga hichiou at nagkabangga,dahilan ito para tumama ang dalawang wind blade.
Kayat nahiwa ang dalawang hichiou at Nsagatan ang mga katawan.
Matapos yon ay muling bumwelta ang dalawang sandata at sabay na sinalakay ang queen zygoreth na noon ay pilit na pinipigilan ng kanyang eye magic beam ang paparating na wind blade   sa kumpas parin ng kamay ni daryl.
Naiwasan nito ang isa,ngunit tumama ang isa,at agad din nakasunod ang isang naiwasan at tumama din.
Nabiyak sa tatlo ang zygoreth at namatay bago pa man bumagsak sa lupa.
At habang iniinda ng dalawang hichiou ang malalim na sugat ay winakasan ito ni daryl ng matalin na hiwa ng cross blade sa katawan.
Napasigaw sa tuwa ang mga elite merchant,guest at raider convoy ng mamatay ang pinakahuling halimaw.
Hanga ang lahat sa ipinakita ni daryl ngunit para sa binata ay hindi manlang ito kumalabit sa kanyang tunay na lakas.
Nagpasalamat ang mga ito kay daryl at nagpalakpakan.
Muling nagbalikan sa mustang caravan ang lahat at agad na nagsipag ayos at ipagpatuloy ang paglalakbay.
Humingi ng tulong kay daryl ang  convoy master na noon ay walang nagawa kundi ang tumakas kasama ng mga elite merchant at iba pang guest.
“pasensya ka na ginoo.pero hihingin ko sana ang tulong mo sakaling makaharap ulit tayo ng ganitong mga kalaban,hindi ito pangkaraning mangyari,kung bakit may ganyan kalalakas na halimaw,mahabang panahon na akong naglilingkod bilang convoy master.pero ngayon lang ito nangyari.nakapagtataka,imposible talagang lumabas sila sa mga dungeon lalu pa at hindi sila sanay sa araw.”sabi ni convoy master.
“Sige sir.tayo tayo lang naman po ang magtutulungan dito.maaasahan nyo po ako.”sabi ni daryl habang nakasakay sa peko na sinabayan ng convoy master.
Bumalik sa pagbabantay ang convoy master at sa pagkakataong iyon ay kasama na ng mga raider convoy upang magpatrol at surveillance.
“hehe.ang lakas mo pala daryl.hindi ko alam na ganyan pala kalakas ang inaaral mo doon sa gym.”sabi ni jerard.
“hindi naman po masyado.sapat lang para makarating tayo sa world tree.ok lang po ba kayo?.”sabi ni daryl.
“oo.pasensya ka na kung tinakbuhan kita.ayoko talaga sa mga halimaw.nakakatakot sila.”sabi ni jerard.
“ang galing po non sir.walang nagawa ang mga halimaw sa inyo.hihihi.kahit ang mga boss ay hindi umubra.ang swerte ko at kyo po ang sakay ko.iniligtas nyo po ang buhay naming lahat.salamat po sir.mamayang gabi ay pagsisilbihan ko po kayo para mapawi ang pagod nyo.”sabi ni marie habang sakay nito si daryl.
“ayy hehe.ayos lang yon.hindi mo naman ako kailangang pagsilbihan.alam ko naman na pagod ka rin sa kakalakad.tapos sakay mo pa ko.”sabi ni daryl.
“sanay po kami sa mahabang lakad sir kayat may lakas pa kami hanggang sa gabi.sinanay po kami upang maging mahusay na service provider.kaligayahan ko po na paglingkuran ang taong nagligats ng buhay naming lahat.”sabi ni marie.
“sya nga po sir.totoo po ang sinasabi ni marie.ipinanganak po kami para dito upang maging komportableng tagapaghatid ng mga tao.tabi tabi po tayo ha.doon din po ako matutulog sa tabi nyo.”sabi ni rodora habang nakasabay kay marie.
“Pano naman ako?”sabi ni jerard.
“lolo mas kailangan nyo po ang pahinga.mahina na po ang buto nyo.”sabi ni rodora.
“wew sayang naman.di bale amoy pawis naman na kayo mamayang gabi.”sabi ni jerard na may pagnanasa kay rodora.
“Hihihi.malinis po kami sa katawan para maging kahalihalina sa aming mga pinagsisilbihan.”sabi ni rodora.
“paano.edi naubos agad ang tubig ng caravan?”sabi ni jerard.
“kami pong mga peko anima ay mayroon ding magic skill na kung tawagin ay replenish.para ibalik ang aming lakas at ang kalinisan sa aming katawan.”sabi ni rodora.
“tama po.kaya nasisiguro po namin na malinis at mabango kami kapag tumabi kami sa pagtulog.”sabi ni marie.
“hehehe sayang naman at mahina na ang mga buto ko.kay gaganda pa naman mga babae nito.hahaha”sabi ni jerard.
Napailing nalang si daryl na nakikinig sa usapan ng tatlo.
“basta ako.gagalingan ko mamayang gabi.hihihi”sabi ni marie.
“Syempre ako din.hihihi”sabi ni rodora.
“Dyos por santos!.bigyan nyo po ako ng batang katawan.”sabi ni jerard na hindi inaasahan ni daryl na perverted din pala.
“bossing ayoko pong magkasala kay demeter,ilayo nyo po ako sa tukso.”dasal naman ni daryl sa kanyang isipan.
Tumigil sa gilid ng bundok ang caravan upang doon magpalipas ng gabi at nagsetup ng mga tent para sa mga guest rider.
Tuwing gabi matapos ang hapunan ay nagsasama sama ang mga peko upang isaayos ang kanilang mga sarili tulad din ng mga pangkaraniwang babae upang sigoruhin na maganda,maayos,malinis at mabango ang isat isa bago tumabi sa pagtulog ng kanilang mga pinaglilingkuran.at ang kanilang mga balahibong nagsisilbing damit ay numinipis at lumalambot na sadyang ginagawa upang hindi makasagabal kung may aksyon man na mangyayari sa buong magdamag.
Nang gabing iyon ay tinawagan ni daryl si demeter sa labas ng tent at napasarap ang kwentuhan.
Habang ang dalawang peko ay tumuloy na sa loob ng tent ni daryl at naghihitay.
Matapos makipag usap kay demeter ay naghilamos muna ang binata bago matulog.
Pagpasok nito sa tent ay nagulat ito.
“Huh?!.seryoso pala kayo?!dito kayo matutulog sa tabi ko?”sabi ni daryl.
“opo.ayaw nyo po ba kaming katabi?”sabay na sabi ni marie at rodora na biglang umamo ang mga muka at nangungusap na mata.
Naggagandahang mga babae na natatakpan lang ng manipis na balahibo ang pagkababae habang nakaupo at naghihintay ng kasagutan.
Naawa naman ang binata at hindi rin matanggihin ang dalawang magandang peko na noon ay nangungusap ang maamong muka.
“my goodness.bossing eto na po ang tukso.pagnagkasala po ako.patawarin po sana ako ni demeter.lalake lang din po ako.”sabi ni daryl at dahan dahan na pumasok sa kanyang tent at nanggigilid.
“sir wag ka nang mahiya.dito ka sa gitna para maasikaso ka naming pareho.imamasahe ka namin.”sabi ni marie na bawat kilos ay nahahawi ang balahibong nakatakip sa maseselang bahagi ng katawan na hindi naman sinasadyang makita ni daryl na humuhugot sa kanyang kamunduhan ngunit pilit na pinanglalabanan.
Ngunit sadyang mapanukso ang galaw ng dalawang peko na sadya nilang ginagawa na isaling ang maseselang bahagi ng kanilang katawan sa kamay ni daryl dahil parehong nagustuhan ng mga ito si daryl,at upang unti unting bumigay sa kamunduhan si daryl at makuha nilang dalawa ang kanilang gustong mangyari.
Ramdam ng binata ang mga salat sa kanyang kamay at braso at hirap na hirap pigilan ang tuksong kumukuryente sa kanyang pagkalalake na kanina pa pinanglalabanan upang panatihlihin ang kanyang malakas na isipan na wag mahulog sa tukso.
Sadyang mainit at banayad ang bawat yapos ng mga kamay at mga bahagi ng katawan ng dalawang peko sa kanilang ginagawang senswal na pagmamasahe na mapangakit.
Kinaumagahan masayang nakayakap ang dalawang peko kay daryl nang magising ito.
Agad bumangon si daryl para samahan si jerard sa labas na noon ay nagkakape.
“malayo pa tayo,mabagal kasi ang byahe natin.tama nga ang kalkulasyo.kung hindi tayo maaabala makakarating tayo doon ng 5 araw.”sabi ni jerard habang pinagmamasdan ang mapa ng caravan.
“Oo nga po eh.sana naman ay hindi na tayo ma abala pa,gusto ko po talagang makita ang bahay nyo.”sabi ni daryl.
“Kamust naman ang dalawang babae.wag kang mag alala .hindi ako magsusumbong.”sabi ni jerard.
“ubo! Ubo!.haaa..po?!..o-ok namn po.masarap naman ang tulog nila.”sabi ni daryl na muntikan nang tumapon ang kape.
“tulog lang?.haay sayang naman.ako nalang sana ang katabi nila.”sabi ni lolo Jerard.
“Hindi ko po sila mapilit eh.sakin talaga nila gustong tumabi.”sabi ni daryl.
Matapos mag-agahan ay nagsipag tupi na ng kanilang mga tent at muling bumalik sa paglalakbay.
Habang naglalakad ang grupo.
“ah rodora,bakit ba ganyan ka maglakad ?.may masaki ba sayo?.o! may salonpas ka pa sa sintido.masakit ba ang ulo mo?”sabi ni jerard.
“Huh?!.wala po lolo hindi po.sabi ni rodora na noon ay biglang nahiya at namula na halata parin sa muka kahit naka peko ride form.
Naghinala si jerard at pinagmasdan din ang kondisyon ni marie na noon ay pareho din ni rodora.
Tumawa ng malakas ang matanda.
“Hahaha hahaha hahaha.ang lalake ay mananatiling lalake.tawag yan ng kalikasan.hahaha.”sabi ni jerard habang nakatingin kay daryl at sa dalawang peko na nakabukaka kung lumakad sa kanilang iniindang hapdi sa kung saan.
Tahimik naman si daryl na noon ay nasa harapan nila jerard at nag eenjoy sa mga tanawin.
Habang si rodora ay nakikingiti sa tawa ng matanda at patuloy ang pamumula ng pisngi at pungay ng mga mata.
Habang kasalukuyan nilang binabagtas ang mahabang lupain ng mermosa.patungo sa boundary ng karnak kung saan inaasahan na hihito at manananghalian.
Muling natigilan ang caravan dahil sa kanilang harapan ay nakatayo ang ravian na matagal na palang sumusunod sa kanila mula sa kalangitan at nagtatago sa ulap.
Nagimbal ang mga convoy na hindi malaman ang gagawin sa sobrang takot ng mga ito sa ravian na isang intelektwal na level 99 boss monster.
Kayat ang mga convoy ay nanatili sa kanilang distansya at nagdarasal na sana ay wag sumalakas ang ravian na noon ay nakatayo lang at nakatingin na parang may hinahanap sa kanila at may hawak na katana.
“Oh.bakit tayo huminto?maaga pa ah.mananghalian na ba?”sabi ni jerard.
Nang biglang dumating ang isang raider convoy.
“sir daryl.may sitwasyon po tayo sa unahan.kailangan po ang tulong ninyo.”sabi ng raider convoy na kinakabahan.
“marie.dalin mo ko don.”sabi ni daryl kay marie at nagmadali naman ang peko.
Nagulat pa ang binata nang makita nito at makilala ang ravian kayat bumaba kay marie at dahan dahan na humarap sa ravian na noon ay sya talaga ang pakay.
“Bakit ka nandito kaibigan,may kailangan ka ba?.wala silang masamang intensyon.baka pwedeng makiraan kami sa tinatayuan mo?”sabi ni daryl.
Ngunit tahimik parin na nakatingin lang ang ravian.
Naalala ni daryl ang itim na katana at dahan dahan na hinugot.
Nagulat naman ang ravian at humanda.
“wag kang matakot kaibigan,ibabalik ko lang sayo ang katana mo.”sabi ni daryl.
Muling huminahon ang ravian at umiling.
Maya maya pa ay ibinaba ng ravian ang katanang hawak sa kaluban.
Dahan dahan itong lumapit at kusang loob na iniaabot ang katana.
“tanggapin mo ang espadang iyan kasama pa  nito,tanda ng pasasalamat  ko.mabuti kang tao kaibigan.mag iingat kayo at laganap ang mga halimaw ng dungeon sa lahat ng lupain.”sabi ng ravian at bahagyang yumuko.
Yumuko din naman si daryl at tinanggap ang katana.
Hindi na naghintay pa ng salita ang ravian at dali daling lumipad palayo.
“Ingat kaibigan,hindi pala lahat ng halimaw ay masama,kung naiintindihan lang rin sana nila kayo.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang ravian.
Nakahinga ng maluwag ang lahat at muli ay napahanga ni daryl.
Muling itinago ni daryl ang katana sa loob ng dimesia grimoir.
Nangamba ang binata para sa mga kasamag tao at anima dahil sa sinabi ng ravian na laganap ang mga  dungeon monster sa buong paligid na alam nyang malalakas dahil maraming beses na syang nakipaglaban sa mga dungeon
Kayat upang maiwasan ang maambush ng mga halimaw ay nakaisip ito ng paraan.
Sa kanyang pagbalik  sa linya ng mga  guest rider sakay ni marie ay bahagyang hinugot nito ang silver wind soul katana sa kaluban upang patunugin at gamitin ang kanyang soul sense ability upang maagapan kung may mga halimaw na malapit sa kanila.
Ang soul sense ng binata ay naging masmalawak ang nasasakupan ng pandinig at pakiramdam bunga ng naging pagsasanay.
Kayat naging epektibo ang pamamaraan na iyon para malihisan nila ang mga posibleng kalaban hanggang sa makarating sila sa border ng karnak.
Kilalang Daungan ng mga pirata ang karnak kayat mula dito ay sinasadyang magbyahe ng gabi upang hindi makita ng mga pirata ang mga caravan.
Ang mga pirata ng karagatan  at kalupaan ay mga tao din na nakikipaglaban sa mga halimaw ng ibat ibang lupain sa kanilang mga ginagawang pagnanakaw sa mga manlalakbay sakay ng kanilang pirate air ship.
Kayat upang makabawi ng lakas  matapos ang paglalakabay ay tumigil sa gitnang bahagi ng karnak ang carvan kung saan malago ang mga puno na maaring pagtaguan at dito maghihintay hanggang sumapit ang hating gabi.
Alas 3 palang ng hapon nang marating nila ito sapat para makapgpahinga ang mga peko, convoy at mga guest na muling magbbyahe sa hating gabi.
Tahimik ang lahat sa kanilang pamamahinga nang maisipan ni daryl na maupo sa isang mataas na bato at patunugin muli ang katana.
Naramdaman ng binata ang isang malaking bagay na gumagalaw sa ika 800m ng layo sa loob ng 1km nasasakupan ng kanyang soul sense.
Kayat nagpasyang puntahan ito at alamin dahil patungo ito sa kanilang direksyon.
Walang kaalam alam ang binata na ang malaking bagay na ito ay isang malaking air ship na pinamumunuan ni captain lionsa na isa ding soul sense ability user gamit ang legendary golden sound soul spear na kung tawagin ay serrin.na ang kapangyarihan ay umaasa sa mga tunog.
Alam ng kapitan na paparating ang isang tao mula sa grupo ng caravan na kanilang sasalantain.
Kayat  pinatigil nito ang air ship at hinitay ang gagawing pagkilos ng taong iyon.
Nang makalapit ang binata sa lokasyon ng air ship ay nagtago ito sa isang malaking bato.
Biglang sinalubong ng kapitan ang binata ng malakas na sound wave na agad din naman na nakita ni daryl kayat nakatalon.
Nadurog at napulbos  ang malaking bato at nahukay pa ang lupan sa lakas ng skill na iyon mula sa isang power class raider level B.
Nagulat si daryl,alam nyang hindi pangkaraniwan ang atakeng iyon.
Muli syang sinugod ng parehong skill at kanya na itong sinuklian ng anger of the blade.
Nagsalpukan ang dalawang skill at sumabog sa hangin.
Naramdaman ng kapitan na hindi rin pangkaraniwan si daryl.
“Sino ka?.naparito ka ba para sumali sa aking mga pirata.malugod kitang tatanggapin.ngunit may kapalit”sabi ni lionsa na tinutukot ay ang caravan.
“bakit kayo papunta sa direksyong ito.?”tanong ni daryl na naghihinala na din na pirata ang mga iyon gaya ng sabi ng caravan master sa kanila bago  tumigil sa malalagong puno.
Parehong nananantya sa isat isa at hindi makakuha ng kasagutan.
Tumalon si lionsa sa air ship at mag isang nakipag harap kay daryl.
“tinatanong kita,tapos sasagutin mo ako ng tanong din?ungas!!.hindi mo ba kilala kung sino ang nasaharap mo!”gigil ni lionsa sabay dikdik ng kanyang spear sa lupa.
Listo naman naka abang ang stance ni daryl gamit ang silver katana.
“bakit?ako ba kilala mo?”sabi ni daryl.
“hindi!.at bakit ko aalamin!!!..”sigaw ni lionsa at lalong nainis.
“patas lang.”sabi ni daryl.
“Hhmmmm minamaliit mo yata ako bata.humanda ka!!.”sigaw ni lionsa at sinalakay si daryl.
Marunong din itong gumamit ng yudo at push ngunit mahina ang pull.
Kayat nagsabayan ang kanilang mga lakas sa pagpapalitan ng atake at salag ng kanilang mga sandata.
Parehong nakamamatay ang malalakas na skill na halos wasakin ang kapaligiran.
Ngunit ang spear skill ng kapitan ay puro pang malayuan kayat nahirapan makalapit ang binata at puro salag ng air mirror shield ang ginagawa sa mga pwersang nakamamatay sa lakas ng pinsala.
Masmabilis ang pull ni daryl kayat nahirapan naman ang kapitan na tamaan ito,at kung tatama man ay nasasalag din  ng air mirror shield.
Humahaba at tumatagal ang laban na hindi pinapakialaman ng mga pirata sa air ship dahil alam nila ang malayong agwat ng kanilang lakas sa kinakalaban ng kanilang kapitan.
Parehong hindi magpapatalo at seryoso sa laban ,kayat hindi nanghinayang ang kapitan na pawalan ang pinakamalalakas nitong skill na sinasalubong din ni daryl na malalakas nyang skill.
Unti unti habang nagtatagal ang oras ng laban ay bumababa din ang sikat ng araw kung saan  ang anino ng malaking bundok na kumukubli sa araw ay sinasakop ang buong kalupaan na kanilang pinaglalabanan.
Parehong nakakaramdam na ng pagod ngunit ang laban ay hindi matapos tapos dahil sa pantay na lakas ng bawat isa at parehong nagiisip ng paraan upang tapusin na ang kalaban.
Naalala ni daryl ang kapangyarihan ng imir.kayat agad itong nagpalit ng katana at muling sumugod sa kapitan na noon ay naghahanda ng malakas na soud wave upang pulbusin ang buong kinatatayuan ni daryl nang hindi ito makatakas.
Sinalubong ng masmalakas at masmalaking sound wave si daryl na hindi nito iniwasan.
“wahahahaha.pulbos ka ngayon yaaa!!!!!!.”sigaw ni lionsa habang ksalukuyang ibinubuga ng kanyang sandata ang pinalakas na sound wave na inakala nyang humagip ng direkta sa katawan ni daryl.
Nagulat nalang ang kapitan at natigil sa ginagawang pagbubuga ng sound wave ng matadtad sya ng malalakas na hiwa ng anger of the blade mula sa ibat ibang direksyon ng mabilis na pagsugod ni daryl gamit ang skill na ikalawang beses palang nyang ginagamit at nabitawan ng kapitan ang kanyang sandata habang hinahabol ang kanyang hininga.
Wala  patern ang comet assault strike skill kung saan mangagaling ang binata dahil parang cometa itong pabalik balik na sunusugod sa bilis sa ibat ibang direksyon gamit ang pwersang talim ng anger of the blade.
Kahit active pa ang yudo at push ng kalaban ay unti unti itong sumuko sa dami ng malalalim na hiwang karamihan ay  hindi nito agad naramdaman kung kayat huli ang reaction ng yudo sa kanyang katawan.
Halos magkagutaygutay ang  katawan ng kapitan sa kanyang sinapit matapos ang pagatake ng comet assault strike ni daryl na ginamitan pa ng shadow skill.
Bagsak sa lupa ang dugo dugo at hiwa hiwa nitong katawan ngunit may lakas pa para makapagsalita.
“Paano?”sabi ng kapitan at unti unting nalagutan ng hininga.
Ang mga pirata man na noon ay nanonood na inakalang mananalo na ang kanilang kapitan sa malakas nitong atake ay nagulat din nang biglang mawala si daryl bago tamaan ng sound waves.
At nag Iyakan ang mga pirata at nagsigawan sa mabilis na pagkamatay ng kanilang kapitan.
Sa takot na salakayin sila ni daryl ay dali daling iniatras ang air ship para tumakas habang binabato nila ng ibat ibang physical at magical skill ang binata na noon ay nakasalag lang ng air mirror shield dahil malalakas parin ang mga skill na maaring makapinsala kahit active pa  ang yudo at soot ang matibay nabaluti.
Hihiwain sana ng binata ang isa sa makina ng air ship gamit ang pinalakas na anger of the blade para pabagsakin ito ngunit hindi na nito nagawa dahil sa sunod sunod na ibinabato ng mga pirata hanggang sa makalayo.
Bilang tropeyo ng kanyang pagkapanalo sa isang death match ay kinuha ni daryl ang sanda ng kapitan.kahit ramdam nya ang guilt sa kanyang kalooban dahil sa pagkakataong iyon ay pumatay sya ng tao.
Habang pinagmamasdan ang patay na katawan ng kapitan ay dito naunawaan ni daryl ang ibig sabihin ng 4 na royal raider guard na itinuring nyang masters.
Na sa labas ng mga bakod sa malawak na mundo ay maraming tulad nila na nagtataglay ng parehong advance skill na maari nyang makalaban o maging kaibigan kayat mas lumalim ang kanyang pag iingat upang hindi maliitin ang sino mang makakalaban.
Galit na galit ang mga pirata sa kanilang pagdadalamhati ngunit takot din naman ang mga ito na bumalik dahil alam nilang masmalakas sa iginagalang at kinatatakutang kapitan nila ang estranghero na maaaring umubos lang sa kanilang mga kasamahan kayat nag desisyon ang first mate na lisanin na ang lupain.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon