4.ang insidente ng cobolt

308 42 1
                                    

Gaya nang normal na buhay ng mga raider ay muling bumalik ang binata sa labas ng gate.
At gumawa ito ng sarili nyang challege kung saan lalagpasan nya ang dami ng mapapatay sa susunod na mga araw hanggang matapos ang isang linggo bago lumipat ng area at lvl.
Nang araw na iyon buong buo ang loob ng binata at puno ng pag asa.
At sa pagkakataong iyon ay iba na ang tingin sa kanya ng mga tao doon na para bang may inaasahan silang bago na gagawin ni daryl.
“good morning kuya!!”sabi ni mia.
“ready ka na?nag almusal ka ba?”sabi ni daryl.
“Opo kuya.dadalin ko na itong cart.”sabi ni mia.
“sige.lets go.doon naman tayo.teka saan pala napupunta yung mga iniwan nating katawa.”sabi daryl.
“nagiging abo na po sila sa magdamag kapagnahipan sila ng hangin sa 12pm ng gabi.”sabi ni mia.
“ah ok.ang galing ah.masmarami ka pang alam sa akin.”sabi ni daryl.
Target ni daryl na makuha ng 81 pataas dahil yun ang kanyang pamantayan.
Kayat hindi sila nag aksaya ng oras.
At sa pagkakataong iyon ay naging panatag ang pakikipaglaban kung saan malakas ang loob ng binata sa paghabol at pakikipag harap sa mga batang goblin.
Alas 2 palang ng hapon ay 85 na ang kanilang naiipon na ulo.
“waw!.kuya.masmaaga tayo ngayon.tanghali palang oh.may 85 na ulo na tayo.hahaha.ang galing galing mo talaga kuya.”sabi ni mia.
“huh?!.oo nga hano.hindi ko naman sila binibilang eh.ewan ko ba at sugod sila ng sugod.”sabi ni daryl.
“kasi kuya.inuubos mo sila kaya ayan.sugod sila ng sugod para patayin ka.”sabi ni mia.
“palagay ko hindi eh.parang ikaw ang gusto nila.hindi ka kasi naliligo kaya amoy na amoy ka nila hahaha.”sabi ni daryl.
“kuya naman oh.nanakot pa.maliligo na po ako bukas.promise.”sabi ni mia.
“hahaha.joke lang.pero ok yan.maligo ka ha.muka ka nang musang eh.hahaha.”sabi ni daryl.
Lumapit si mia at sinipa sa binti si daryl.
“um.ang salbahe mo kuya.”sabi ni mia habang tinatawanan lang ni daryl.
“hahaha.sorry na.hindi na po.kumain na muna tayo.mamaya makakalimutan na natin magtanghalian.mamaya mo na ko bugbugin aling musang.”sabi ni daryl at hinawakan sa ulo ang bata.
Kunwaring naiinis ngunit sa puso ng bata ay natutuwa sya sa kabaitan ni daryl na kahit inaasar pa sya nito.ibig lang sabihin para sa kanya ay palagay ang loob ni daryl sa kanya at nagtitiwala.
Habang nagkakasiyahan ang dalawa at kumakain ng tangahalian ay hindi nila napapansin na mula sa dikalayuan ay pinagmamasdan sila ng dalawang raider na matagal nang bumibiktima sa mga low level raider.
Ang paraan ng mga ito ay ang pagpapawala ng masmataas na level ng monster na hinuhuli nila sa dungeon upang patayin ang mga low level sa low level field.
May piring ang mata at nakatali ang level 25 monster na hinihila ng dalawang bandido na parehong lvl30 at mga hunter class.
“bro.tignan mo yun.nasa dulo na sila ng level one field.ano sa palagay mo.pwede na ba yun pagkain para sa alaga natin.”sabi ni bandido 1.
“sige bro.panoorin natin kung paano lalaklakin ng cobolt yan.hahaha.matagal na din nating dala dala itong timawang cobolt na to.oras na para pakinabangan naman.mapasaya manlang tayo.”sabi ni bandido 2.
Agad na hinila sa lugar kung saan nakaharap sa posisyon nila daryl at doon pinawalan at mabilis na pinagtaguan.
Nagwawala ang cobolt at agad na inalis ang piring ng mata.
Agad itong nagpalinga linga sa paghahanap ng nagtali sa kanya.
Mula sa malayo ay natanaw nito sina daryl na noon ay nagpapahinga sa ilalim ng bato.
“alright bro.mukang nakita na nya yung target.maganda to.panoorin natin.”sabi ng dalawang bandido.
Dalidaling tumakbo ang cobolt.
At dahil abala sa pag aasaran ay hindi ito agad nakita ng dalawa.
Samantala ang ibang mga.low level na noon ay naghahanap ng killing spot ay agad na nakita ang paparating na cobolt.
Sigaw sila ng sigaw para warning ang iba pang mga low level.
Ngunit huli na nang malaman nila daryl dahil 30 metro nalang ang layo ng halimaw na bumubulusok sa galit.
“kuya!!.halimaw!!..”sigaw ni mia na sobra ang takot.
“takbo mia!!!.”sabi ni daryl at iniwanna ang kanilang cart.
Mabagal tumakbo ang bata kayat napilitan si daryl na buhatin ito.
Ngunit palapit ng plapit ang cobolt na noon ay masmabilis sa kanila.
Kayat agad na naghanap ng puno si daryl.
“mia.umakyat ka sa puno.bilis.”sabi ni daryl.habang pinagmamasdan ang papalapitna kalaban at binabantayan ang bata.
Wala nang oras kung aakyat pa si daryl kayat ang naisip nalang nito ay labanan ang cobolt.
Ang cobolt ay isang uri ng animatilian.aso na nakakatayo at may katawan na katulad ng sa tao o parang werewolf.malakas ang panga nito para kagatin at baliin kahit ang matigas na buto.
“dyos ko po.delikado ako.bahala na.wala nang atrasan to.”sabi ni daryl habang lakas loob na sumalubong kahit alam nyang mahina lang sya at nababalot din ng kaba.
“oy bro.tignan mo to.papalag oh.”sabi ni bandido 1.
“hahaha.sige nga.tignan natin.”sabi ni bandido 2.
Mabilis ang cobolt kayat naiwasan nito ang wasiwas ng katana ni daryl at dumistansya na tila ba pinagaaralan kung saan aatake.
Naaamoy ng halimaw ang takot na daryl kayat lalong lumalakas ang loob ng halimaw.
Ngunit bawat atake ay napipigilan ng mga hiwa ni daryl na hindi rin naman tumatama at naiilagan.
Kabang kaba ang binata at hindi alam ang gagawin kung hanggang kelan nya madidipensahan ang sari laban dito.
“umalis ka na.parang awa mo na.ha ha ha(hingal)” habang listong nakatutok ang kanyang katana.
“putang ina bro.kanina pa yan ah.bakit natatagalan yata yung cobolt.”sabi ni bandido 2.
“bro.mahusay umiwas eh.ang ganda siguro ng dodging at parry ability nito.”sabi ni bandido 1.
“hay kainis.nakakainip na ha.”sabi ni bandido 2.
Paulit ulit ang atake ng cobolt na agad naman napipigilan at nasasalag ng katana ni daryl kahit lamang sa lakas ang kalaban.
Focus at mabilis ang bawat galaw na ginagawa ni daryl sa abot ng kanyang makakaya sa tuwing matatapos ang pagiwas at pagsalag.
at sa paulit ulit na atake ay nakapagdadagdag ng strategy ang binata kung saan ang pag iwas at pagsalag ay agad nyang pinasusundan ng pag atake mula sa likuran.
Ipektibo ang paraan na iyon kahit unti unti lang ang damage sa kalaban.
“wag magkakamali.we are doing fine.basta wag lang magkakamali.unti unti lang at mamamatay ka rin.”sabi ni daryl habang pinagpapawisan sa kaba habang nag fofocus sa kanyang kalaban at nakikipag ikutan ng galaw.
Alam nyang isang pagkakamali ay magiging hapunan sya ng cobolt.
Muli ang mga low level raider na naroon  ay pigil hiningang pinapanood lang kung paano lumaban ang isang baguhang lowbie sa isang lvl25 na cobolt.
Wala silang intensyon na tumulong.at lahat ay tahimk na nagtatago at nanonood.
Ang mga highbie naman ay pinapanood lang din at nagkaroon ng interes sa ipinapakitang laban ng isang baguhan na naganganib ang buhay.
“captain.tatapusin ko na po ba ang cobolt.”sabi ng archer raider guard ng greatwall.
“Sandali.panoorin muna natin.maganda ang ipinapakita nya.bibihira ang ganitong pangyayari.maingat at dahan dahan ang paran ng kanyang counter attack.nagkataon lang na lowbie sya.kaya mahina ang bawat atake.sa makunat na balat ng cobolt.pero antabay ka.sakaling magkamali sya at mag alangan ang buhay nya.”sabi ng kapitan ng mga greatwall archer raider guard.
Kayat nakaantabay mula sa malayo ang lvl 45 na archer raider guard at hindi bumibitaw sa kanyang palaso at pana.
Sabawat pagdadaop kung saan nakalalamang ng lakas ang cobolt ay nagagawa parin maiwasan ni daryl at masukliaan ng hiwa sa likuran.
Sunod sunod ang ibinibigay na hiwa ni daryl at kapansin pasin na unti unti rin itong iniinda ng cobolt.
Hanggang sa umabot sa punto na nasasaktan na ang cobolt dahil ang hiwa ng katana ay tumatama na rin sa mga nauna nang hiwa sa kanyang likuran at braso,at lumalalim ng lumalalim.
Kayat nagbago ng stratehiya ang cobolt na noon ay nasa rage period na at hindi nya mahuli ang kalaban.
Mas bumilis ang kilos ng cobolt sa pagwawasiwas ng kanyang kamay upang pigilan ang counter attack sa kanyang likuran.
Nagulat si daryl at naout balance ang kanyang binti kayat nasira ang kanyang momentum at fighting stance.dahil doon ay nakahanap ng mabilis na counter ang cobolt at nasuntok sa balikat si daryl.
Ngunit ang counter attack ng cobolt ay out of balance din kayat nadapa ito at gumolong dahil sa pwersang pinawalan sa suntok.
Tumilapon si daryl at pumakat sa bato.
Masakit at malaki ang pinasala noon sa katawan ni daril at ang kanyang paningin  ay umiikot na sa hilo.
Iyak ng iyak si mia at sigaw ng sigaw sa paghingi ng tulong.
Habang iniinda ang masakit na mga kalamnan at buto sa likuran at  sa balikat ay agad din tumayo si daryl at naalala ang kanyang skill na gamitin at upang maging masmalakas ay sabayan ang pwesa ng kalaban na susugod.
Ngunit para tumama iyon ng ipektibo sa dibdib ng kalaban ay kailangan nyang isakrepisyo ang sarili dahil padadaanin nito ang katana sa ilalim ng brasong kakalmot sa kanya.
Nagkataon na ang cobolt ay malapit narin sa kanyang sukdulan dahil sa kirot ng mga lumalin na sugat at patuloy na pagdurugo.
Pawawalan na sana ng archer ang palaso ng makita nilang tumitindig ng sword stance ang binata na parang naghahanda ng ispesyal na pagatake.
"Teka sandali,tignan mo sya."sqbi ng kapitan.
Kayat nag antabay pa ang mga ito sa makapigil hiningang laban.
Dali daling tumayo ang cobolt mula sa paggulong at buong lakas na sumugod.
Katulad nga ng inaasahan ni daryl na pagkakataon ay ginamit nya ang anger of blade sa ikalawang pagkakatao kung saan sasalubungin ng pwersa ng blade ang pwersa ng pagsugod ng kalaban.
“waaaaaa!!!.”sabi ni daryl kasabay ng  pag bitaw ng kanyang skill bilang counter attack sa claw ng cobolt.
Maswerteng naunahan ng mahabang katana ang pagtama sa katawan ng cobolt kayat nawala sa aim ang claw ng coblt at nadaplisan lang  sa ulo si daryl.
Bumaon ang hiwa ng katana sa dibdib at mga ribs ang cobolt hanggang abutin ang puso at baga nito.habang itinutulak pa ni daryl ang talim ng katana.
Napaungol ng malakas ang cobolt at hindi na nakakilos pa habang pinupwersahan pa ni daryl ang tulak sa kanyang katana na lalong humihiwa sa puso at baga ng cobolt na hindi makakilos sa matinding sakit.
Mayamaya pa ay naubusan na ng lakas ang binata sa pagtulak ng kanyang katana mula sa kaliwang bahagi ng tagiliran ng cobolt at ang cobolt ay dahan daha na din napaluhod at sumubsob ang muka salupa.
Natangay ng katana si daryl na noon ay mahigpit ang pagkakahawak sa tatagnan  at kasama din bumagsak sa lupa.
Umiikot pa ang paningin dahil sa pinaghalong pagod at matinding pananakit ng likuran at balikat ay dinama ng binata ang pagkakahiga sa lupa at kampate nang huminga sa paghahabol ng kanyang lakas.
Tulala ang lahat ng mga lowbie at mga highbie na nakasaksi sa ipanakitang laban ni daryl.at hindi napigilang pumalakpak.
Agad naman bumaba si mia upang tignan ang kaibigan.
“kuya! Kuya! .ayos ka lang ba.huhuhu.”iyak ni mia na may halong pag aalala.
“ah.kasakit ng likod ko.p-pero ok lang ako.maya maya lang ay makakatayo na ulit ako.haaaa(hinga).wag ka nang umiyak.ha ha ha(hinga).ligtas na tayo.”sabi ni daril.
Nang oras na iyon ay nagsipagtago din ang mga low level monster sa takot nila sa cobolt.
“Kahanganga ang isang yan.kitang kita ang diperensya ng lakas at level.pero natalo nya ang cobolt.maganda ang magiging build up ng ability nito.nasisiguro ko yan.”sabi ng kapitan.
“ibang klase.kamontik ko nang bitawan ang plaso.mahusay sya.”sabi ng archer guard.
Samantala sa kinaroroonan ng mga bandido.
“Puta bro.napatay nya yung cobolt natin.bad trip.pero mahusay talaga eh.lowbie pero napatay ng paunti unti ang kalaban.”sabi ni bandido 2.
“sira ulo karin eh hano.natuwa ka pa.”sabi ni bandido 1.
“magaling talga tol eh.alam mo.kung nagkataon na parehas ng lvl sila ng cobolt.malang na kanina pa patay ang cobolt natin.”sabi ni bandido 2.
“gago.lika na nga.badtrip sayang yung bihag natin.”sabi ni bandido 1.
“kuya sigurado ka bang ok ka lang.”sabi ni mia.
“Oo.pahinga lang ito.masakit pa yung likod ko.ang lakas nya.buti at hindi ako nabalian ng buto.”sabi ni daryl.
“sige babantayan nalang kita.”sabi ni mia  na noon ay kinakabahan din at baka magbalikan ang mga batang goblin.
Ngunit salamat nalang sa amoy ng cobolt at naitaboy ang mga natatakot na batang goblin.
Agad pinugulan ni mia ng ulo ang cobolt upang hindi masayang ang sakrepisyo ni daryl at agad din binalikan ang cart upang ilapit sa kinaroroonan ni daryl kung saan ito nakhiga.
Isang oras din na nanatiling nakahiga si daryl at sawakas ay kinaya nang makatayo ngunit ramdam parin ang sakit ng katawan.
Hindi na naghunt pa ang dalawa at nagpasya nang pumunta sa guild house.
Agad umabot ang balita sa guild house na noon ay nagkataong maraming raider.
Pagpasok palang nila sa guildhouse ay bulong bulungan na ng mga tao si daryl na noon ay iika ika pa sa paglalakad.
“huh?!.anong nangyayari dito.may dumi ba sa muka ko mia.kanina pa nila tayo pinag titinginan.doon palang sa labas.”sabi ni daryl.
“ewan ko.talaga naman madungis tayo eh.ikaw din oh may mga putik ka sa muka.”sabi ni mia.
“haha.magkamuka na pala tayo.”sabi ni daryl.
Muli ay kay cherry isinussurender  ni mia ang mga hunt at tahimik lang naghihintay sa upuan si daryl.
“wow!!.kuya tignan mo.5 copper yung ulo ng asong monster.hahaha.”sabi ni mia na walang mapaglagyan ang tuwa at napayakap kay daryl.
“a a a aray ko.dahan dahan lang mia.hahaha..”sabi ni daryl na natutuwa rin sa kanyang kaibigan.
“Hahaha.first time mo bang hahawak ng copper mia?”sabi ni cherry.
“Opo ate.kung nakita mo lang ang kuya daryl ko.ha! Pinatay nya yung asong monster.pero natakot din ako.kala ko namatay din sya.”sabi ni mia.
“maswerte ka at nakakita ka ng katulad ng kuya daryl mo.”sabi ni cherry na matagal nang kaibigan kay mia.
“syempre naman po.sabi ni kuya.pag kaya na nyang pumasok sa dungeon.isasama nya ako.”sabi ni mia.
“kung ganon.dapat pala ay mag ipon ka na ng pangbili ng armor.para hindi masyadong mapanganib kapag isinama ka ni sir daryl sa loob.”sabi ni cherry.
“Ay opo ate!.simula po bukas ay mag iipon na ako.di ba kuya ok yun.”sabi ni mia.
“oo naman.pero yung usapan natin.maligo ka muna ha.”sabi ni daryl.
“hump.pinaalala mo nanaman.bleeeee.”sabi ni mia na biglang umasim ang muka.
“hahaha.nakakatuwa kayong dalawa.”sabi ni cherry.
“eh magpapaalam na po kami mam cherry.”sabi ni daryl.
“Sige po sir.ingat po kayo.sikat na sikat  po kayo.”sabi ni cherry na hindi naman sineryoso ni daryl.
“kuya.ihahatid na kita.nag aalala ako sayo eh.ok lang ba?”sabi ni mia.
“ahm sige.para maipakilala din kita sa holy guide ko at kay bela kung nandon na sya.”sabi ni daryl.sige po kuya.
Sa palengke habang bumibili ng hapunan si daryl ay matunog na matunog ang balita ng cobolt sa kabayanan at ang hindi kilalang lowbie na raider na pumatay doon ng mag isa.
Hindi naman pinapansin  ni daryl ang mga kwentuhan na parang walang naririnig dahil gusto na nitong makauwi at makapagpahinga.
Habang si mia ay natutuwa sa kanyang mga naririnig at lalong tumaas ang paghanga at respeto sa itinuturing nyang kuya.
“ha!.kuya ko yata yon.”sabi ni mia sa kanyang isipan sa tuwing makakarinig ng mga kewntuhan.
“pag uwi natin doon sa sambahan namin.wag mo nang ikukwento yung aso ha.mag aalala kasi si goddess demeter.”sabi ni daryl.
“ok kuya.tatahimik po ako.”sabi ni mia.
Isinama ni daryl si mia sa sambahan at agad na ipinakilala sa goddess at kay bela na halos kasabayan lang.na dumating.
“ang cute.mo naman mia.kaso lang ang asim asim mo.papaliguan kita ha sabay tayo.”sabi ni bela.
“hahaha.sabi nga po ni kuya.hindi pala sya nagbibiro na madungis ako.”sabi ni mia.
“hahaha.o edi naniniwala ka na.cute ka naman talaga.madungis nga lang.”sabi ni daryl.
“hump.sige na nga po.”sabi ni mia.
“Ang cute cute naman nitong kaibigan mo pala daryl.”sabi ni demeter.
“mabait na bata po yan.mapagkakatiwalaan.”sabi ni daryl.
“Salamat ha.inaalagaan mo ang daryl ko.”sabi ni demeter.
“nako baligtad po.ako nga po ang inaalagaan ni kuya.kanina po kamontik na syang mamatay. Ayyyy!!.sorry kuya.”sabi ni mia.
Abot abot ang pasimple ni daryl sa kasesenyas.
“ha?!.bakit anong nangyari?”sabi  ni demeter.
“daryl anong nagyari.plano mo bang itago sa akin.kaya ba sumasakit ang katawan mo?”sabi ni demeter.
“ayaw ko po kasi mag alala kayo eh.haha.”sabi ni daryl habang pinagagaling at minamasahe ni demeter ang likod ni daryl.
“sa tingin mo matutuwa ako na pinaglilihiman mo ako ng nangyayari sayo.umm.”sabi ni demeter sabay diin sa likod.
“ahhh!!.araaww!!.aaraww!.”sabi ni daryl.
“sa tingin mo matutuwa akong ganito.pano kung may mangyari sayo.katulad ngayon.pano kung nabalian ka pala ng buto.hindi makakatulong na paglihiman mo ako.ano lang ba yung pag aalala kesa naman may mangyari sayo.”sabi ni demeter na umaagos na ang luha sa pisngi dahil sa inis at pag aalala ngunit patuloy parin ang panggagamot.
“sorry po.wag na po kayong umiyak.promise at hindi na po mauulit”sabi ni daryl.
“Dapat lang.huhuhuhu.nakakinis kayo.”sabi ni demeter.
“ate holy guide demeter.wag na po kayong magalit kay kuya.sobrang nag aalala din po kasi sya sa inyo.”sabi ni mia.
“ok little angel.hindi naman ako galit eh.ok promise hindi na ko magagalit.”sabi ni demeter.
“ayan.wag na po kayong iiyak.”sabi ni mia.
“mamaya pagkaligo mo.kakain na tayo.tapos kwentuhan mo ako.bukas ka nalang umuwi sa inyo.dito ka na matulog.”sabi ni demeter.
“talaga po?!.sige po.”sabi ni mia.
“halika na mia.maligo na tayo.”sabi ni bela.
Habaang naliligo ang dalawa ay kinausap namn ni daryl ang goddess.
“pasensya na po ulit kayo sa paglilihim ko.pero hindi naman po masama ang intensyon ko.tungkol po sana kay mia.baka pwedeng dito nalang natin sya patirahin at mabigyan nyo din po sana ng blessing ang bata para maging bahagi ng ating pamilya.kung papayagan nyo po sana.mabait naman yung bata.”sabi ni daryl.
“haaayy naunahan mo lang ako eh.yan nga rin ang gusto kong sabihin sayo.natutuwa ako sa bata at talagang mabait sya.hayaan mo at kakausapin ko.kung papayag sya ay welcome naman sya sa ating bahay.”sabi ni demeter.
“Salamat po.”sabi ni daryl.
“mag iingat ka naman sa mga ginagawa mo.baka mamaya hindi nakita makitang buhay..mamaya makikipag kwentuhan ako doon sa bata tungkol sa sikreto nyo.”sabi ni demeter.
“Sorry po ulit.”sabi ni daryl.
Matapos na makapaglinis ang lahat ay nagsipagharap na sa lamesa at kumain ng masarap na hapunan.
Tuwang tuwa ang bata sa kanyang dinadanas na matagal na nyang hindi dinaranas mula nang dumating sya sa heavens art
Magiliw na nagkwento ang bata sa lahat ng kanyang naging experience kasama si daryl at ang mga paghanga nito sa galing ni daryl.
“haaa?!!kung ganon ay nakapatay ka pala ng cobolt?pero lvl25 ang pinakamahinang cobolt.”sabi ni bela na hindi nanaman makapaniwala kung hindi lang ikinwento ng bata.
“Ah eh.chamba lang yon.hehe.”sabi ni daryl.
“Kahit na.talo parin ni kuya.halos mahati yung katawan ng aso kanina ate.”sabi ni mia.
“Wow.pinapahanga mo talaga ako daryl.”sabi ni demeter.
At dahil sa excitement ay hindi na nito nahintay na matapos ang hapunan.
“halika nga dito.gusto kong makita progress mo.”sabi ni demeter at agad na nagkass ng blessing upang silipin ang progress ni daryl.
“wow.ang laki ng accumulated spirit essence points mo.at dahil siguro doon sa pagkakapatay mo sa cobolt.umakyat agad ng lvl 10 ang lvl mo.Pitong lvl na mahigit ang itinaas mo.
hindi lang yan.nagtaasan din ang mga ability mo laluna ang sword play,skills,reflex,dodge,precision at focus hindi lang dahil naglevel ka ng additional na 7,kundi dahil sa ginagawa mong style ng pakikipaglaban. magandang balita ito.ang bilis ng progress mo daryl.”sabi ni demeter.
“makakakumpleto ng dalawang stats point ang accumulated spirit essence na naipon mo sa mga halimaw na  napatay mo.saan mo gustong ilagay.”sabi ni demeter.
Nag isip ang binata sa gusto nyang maging bilang isang raider.
“gusto ko pong maging.malakas at mabilis.”sabi ni daryl.
“kung ganon ay idagdag ko nalang ng tig isa sa strength at agility.hind mo ito masyadong mararamdaman pero Kapag dumami ito ng dumami ay unti unti mo rin mararamdaman sa iyong katawan kayat mag ipon ka pa ng maraming essence.”sabi ni demeter.
Tahimik lang si bela na matagal nang sumasama sa mga raid ngunig hindi Nag gegenerate ng masysayadong experience dahil marami silang lumalaban sa bawat kalaban na halimaw at sa tagal nyang raider ay palaging sa mga kasing lvl nya lang sya sumasama at hindi sumusugal kayat sa mahihinang lvl lng ng  filed sila nag bababad kahit walang masyadong experience bastat kumita ng pera.
“Nakakatuwa ka naman daryl.ang bilis ng progress mo.2 lvl nalang at magkapantay  na tayo.”sabi ni bela na bindi nagpapahalata ng bahagyang inggit.
“ate.bakit kasi sumasama ka pa sa iba.pwede naman tayong tatlo.”sabi ni mia.
“oo naman.nagkataon lang na may isang linggo akong kontrata sa raid party ko ngayon.siguro pagtapos non.sasama na ako sa inyo.”sabi ni bela.
“yehey!!!.kuya tatlo na tayo.”sabi ni mia.
“oo naman.pero bago yon.may sasabihin sayo si holy guide demeter.makinig ka ha.”sabi ni daryl.
“huh?!.ano po yun?”sabi ni mia.
“alam mo kasi mia.natutuwa talaga kaming lahat sayo.lalu na ang kuya mo.at gusto sana namin.dito kanalang tumira sa amin.iwan mo na yung bahay bahayan mo doon.bibigyan nalang kita ng sarili mong kawarto dito.at kakain tayo ng masasarap araw araw kapag maraming huli ang kuya daryl at ate bela mo.”sabi ni demeter.
“Talaga po?.pero gusto ko pong sumama kila kuya.papayagan nyo po ba ako?”sabi ni mia.
“Oo naman.basta mag iingat ka lang ha.nandyan naman silang dalawa para protektahan ka sa mga raid.”sabi ni demeter.
“pero ayoko po ng sariling kawarto.kaya nga po gumawa ako ng bahay bahayan sa tabi ng gate.kasi natatakot po ako sa madilim.baka may multo.kung dito po ako titira.gusto ko po.katabi ko kayo.”sabi ni mia.
unti unting lumalabas ang tunay na ugali ng pagiging malambing ni mia sa kabila ng mga pinagdaanan.
Napangiti si demeter sa sinabi ni mia.
“oo naman.yun lang pala eh.gusto ko yon at nang may nayayakap akong bata.”sabi  demeter.
Natahimik ang bata at unti unting umasim ang muka at dahan dahan bumubos ang kanyang luha at hindi napigilang humagulgol.
“huhuhu.salamat po ate holy guide demeter.sayo din ate bela.huhuhuhu.lalung lalo  na sayo kuya daryl.ang tagal ko na po dito.pero kayo lang po ang pumansin  sa akin.maraming beses akong pinagtabuyan ng mga tao.kasi pabigat lang daw po ako.pero ikaw kuya.ang bait bait mo sakin.tapos ngayon papatirahin nyo pa ako dito.gustong gusto ko po ate holy guide demeter.kuya daryl..huhuhuhu.”sabi ni mia at kasunod  nadin na umiiyak si demeter at bela.
“Ow my god.matindi siguro ang pinag daanan mo.huhuhuhu.”iyak ni demeter na sobrang babaw ang luha.
“ikaw na little angel namin dito ha.”sabi ni naman ni bela habang hawak ang kamay ni mia.
Matapos ang iyakan ay muling nagpatuloy sa pagkain at punong puno ng ligaya ang lahat.
“oh miya  dito ka na titira.gusto mo rin ba ng ganitong tatak.para pare pareho tayo nila ate bela.”sabi ni daryl.
“wow kuya!.Pwede akong magtatoo kahit bata pa ako.?.hindi ka magagalit?”sabi ni mia.
“Oo naman.pero hindi pwedeng iba.ganito lang din ang pwede at si holy guide demeter lang ang pwedeng magbigay sayo.para alam ng mga tao na taga dito ka samin kapag nakita nila yan.”sabi ni daryl.
“okie.gusto ko sa legs.”sabi  ni mia.
“ahay.aba at dadigin mo pa ang sa akin.ang sexy naman ng napili mong lugar.ako nga sa balikat eh.pero gusto ko sana sa leeg.”sabi bela.
“ay bakit hindi sa leeg napunta?”sabi ni mia.
“kasi.hindi natin alam kung saan lalabas ang emblem.ano gusto mo parin ba?.”sabi ni demeter.
“Opo!.para katulad ko rin po si kuya na may tatoo.”sabi ni mia.
Kayat matapos ang hapunan ay agad na isinagawa ang blessing kay mia bilang new follower ni demeter.
“bukas babawasan natin ang pera mong naipon ngayon at ibibili kita ng bagong damit.para hindi ka nakabold.ang laki laki ng t-shirt ng ate bela mo eh.may mga damit ka ba sa bahay bahayan mo?”sabi ni demeter.
“wala po.hahaha.”sabi ni mia.
“kaya pala ang dungis mo.”sabi ni bela.
Habang abala si bela sa pakikipaglaro kay mia sa sala ay kinausap ni daryl si demeter sa kusina habang nag uurong ng mga pinagkainan.
“ahm Holy guide demeter.pasensay na po kayo.gusto ko po sanang hulugan kahit magkano lang yung donation box, kaso pinag iipunan ko po kasi yung utang ko doon kay mang lukas.promise pag nakabayad po ako.ihahati ko po kayo ng parte sa mga kikitain ko.nahihiya na rin po kasi ako sa inyo.pinaglilingkuran nyo pa po ako kahit hindi ko naman kayo kaano ano at bukod pa don ay ibinababa ninyo ang sarili ninyo para sa akin.tao lang naman po ako.”sabi ni daryl.
Huminto si demeter sa pag uurong at nagpunas ng kamay.
“hindi naman mahalaga ang pera sa akin.kayo ang mahalaga sa akin.ok lang naman ako.handa naman akong mag tiis naidadaos naman natin ang maghapon ng masaya di ba?.napakabuti mo talaga daryl.nagpapasalamat ako at ako ang napili mong holy guide.”sabi ni demeter at hinawakan ang pisngi ni daryl.
Awang awa ang binata sa itsura ni demeter na hindi manlang makabili ng bagong damit na nararapat para sa greekgod na gaya ng iba nyang kasamahan na nakahiga ngayon sa yaman.
Nagpatuloy ang binata sa kanyang pangako sa kanyang sarili na tutulungan si demeter upang iahon ang reputasyon nito.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon