39.ang daan patungong nurem

186 27 0
                                    

Malakas na ulan ng apoy ang sumalubong sa umaga ng mga tao sa lalilu fire kingdom.
Normal na ito para sa mga mamamayan ng lalilu fire kingdom kayat ang mga tahanan at gusali ay nababalot ng anti fire magic upang maiwasan ang sakuna ng sunog.
Tanghali na nang magising si daryl at ang iba pa dahil sa napaka komportableng gabi ng mahimbing na tulog.
Kasalukuyang nakaupo ang apat na babae sa tabi ng bintana ng inupahang hotel,nagkakape at pinapanood ang pagbagasak ng munting butil ng apoy mula sa kalangitan.
Tumayo ang binata na noon ay nakasoot lang ng boxer,habang ang mga babae ay nakabra at panty lang dala ng init ng singaw mula sa labas kahit aircon ang hotel.
Napahinto ang binata at napatitig sa sexyng katawan ng apat na babaeng pinagpapawisan.
At ibinaling ang tingin kay kagura na parang nagdududa na may nangyari nanaman kagabi sa kanila.
“bakit ganyan ka tumingin. Nasesexyhan ka ba samin.mukang gising na gising ka na nga.”pilyang sabi ni kagura sabay titig sa nakabukol sa boxer ni daryl.
Agad naman tinukop ng binata.
“Bakit kayo nakasoot ng ganyan?.tsaka bakit ako naka boxer.”sabi ni daryl.
“Bakit ?ayaw mo ba na nakasoot kami ng ganito.sige huhubarin ko para sayo.”pilyang sagot ni kagura.
“hindi hindi.ang ibig kong sabihin.bakit ganyan lang ang soot nyo.haay.”sabi ni daryl na nakatukop parin sa kanyang bumubukol na boxer.
“Ah.kasi umuulan ng apoy sa labas,hindi mo ba nararamdaman ang init di ba.kagabi payan.tulog na tulog ka at naliligo ka na sa pawis kaya hinubaran ka namin.wag kang mag alala.alam namin na pagod ka kaya hindi ka namin pinagsamatalahan.”sabi ni kagura.
“Ah ok.kumain na kayo?”sabi ni daryl.
“Umum nagpa deliver kami,dagdag sa bill natin sa hotel.”sabi ni cris.
“Gusto mo ba ng massage”sabi ni kagura.
“Marunong ka ba?”sabi ni daryl.
“Ako pa,ibibigay ko sayo ang pinakamasarap na massage at dadalin kita sa langit.”sabi ni kagura sabay kagat sa labi.
“ahm sige.massage lang ha.”sabi ni daryl.
“Hahaha.oo nga massage lang.wala ka bang tiwala sa kin.”sabi ni kagura.
“style mo na yan eh.”sabi ni daryl.
“halika na nga.ang dami mo pang sinasabi.pag gusto ko wala ka ring magagawa.dapa na sa kama.”sabi ni kagura.
Hindi pumayag ang tatlo na si kugura lang ang mag mamasahe,kayat sumama din sila sa pagmamasahe sa binata.
Mahusay ang kamay ng apat na babae kayat walang ibang lumalabas sa bibig ng binata kunti.
“Wow.ang sarap.ahhh ang sarap.aahh ang sarap”sabi ng binata na unti unting nagpapainit sa katawan ng apat na babae at hindi mapigilang iba ang isipin ng mga ito na nanggigil sa kanya.
Hanggang sa humihigpit na ang hawak ng mga kamay at dumidiin na ang yapos ng mga haplos ng apat na babae tanda nang matinding pag iinit ng kanilang katawan sa boses ni daryl sa bawat sarap ng masahe.
Napansin iyon ng binata at napatigil kayat nagmadaling tumayo para magtago sa loob ng cr.
Ngunit inabutan sya ni emily at agad na hinila sa loob ng cr at isinara ang pinto.
Dala nang pang iinit ng katawan sa saitwasyon kanina ay hindi na nagpigil pa ang virgin na dalaga at naipluwensyahan na din ng pagiging liberal ng tatlong babaeng kasama.
“Daryl.first time ko to.gusto kong angkinin mo ang katawan ko ngayon habang solo natin ang isat isa,dahan dahan lang ha please.”bulong ni emily na kumimiliti ang mainit na hininga sa tenga ni daryl habang nakayakap ang malambot nitong katawan at nakaupo sa nakabukol na sanda ng binata.
Maya maya pa ay sinimulan ni emily sa malagkit na halik ang binata na hindi na nakatanggi pa kahit nagpupumiglas at nilamon na din ng kamunduhan.
Samantala,alam ng tatlo na mahihirapan na silang pumasok sa cr.kayat pinagbigyan na nila na masolo ni emily si daryl.
Matapos ang morning exercise sa loob ng cr ay unang lumabas  si daryl.at pinilit na balewalain lang upang hindi mahiya sa iba,agad nagbihis at lumabas ng kwarto para magpalamig.
Lumabas si emily na hirap lumakad at pilit na kinikipkip ang mga hita at nakahawak sa puson at ulo.
Malakas na tawanan ang sumalibong kay emily mula sa tatlong babae.
“hahaha.anong nangyari sayo,ngayon palang ba nabasag ang pula nyan.katulad ka rin ni cris.hahaha”sabi ni kagura na parang wala lang ang sinasabi.
Namula naman si cris sa sinabi ni kagura.
“virgin ka pa?hahaha,binyagan ka na ngayon.ngayon hahanap hanapin mo na yan.”sabi ni Kagura.
“hahaha,Halika maupo ka muna.ganyan talaga sa una.”sabi ni Charlotte na parang laro lang ang nangyari.
“Grabe halimaw ba yun.”sabi ni emily na hindi na nahihiya at nakita na rin nya kung paano makipag talik ang tatlo kay daryl na noon ay tinulugan nya dala ng kalasingan.
“hihihi.masasanay ka rin.”sabi ni kagura.
Makaraan ang isang oras ay bumalik na si daryl.
“wala nang ulan sa labas.gayak na tayo at nang maaga tayo sa library.”sabi ni daryl na nasanay na sa mga nakakahiyang sitwasyon sa harap ng kanyang mga kasamang babae.
Kayat nagsipag ligo na  at nagbihis.
Lahat ng tao ay naghihintay lang din na tumila ang ulan.kayat parang mga langgam na naglabasan sa lungga ng huminto ang ulan ng apoy.
Agad nagtungo ang grupo sa library,kung saan iniwan ni daryl ang apat para bisitahin muna ang guild at nang maipagpalit ang mga ulo na pinulot nya sa laban.
Bumenta ng 920 g ang 800 ulo ng lv.85 na normal monster at ulo ng power class monster na wolf garm at fire garuda.
“wow.parang ang dali lang kumita ng gold basta malakas ka na.ano na nga ba ang level ko.170 nung huling tignan ko.pero sa palagay ko tumaas naman  ako ngayon kahit papaano at masmalakas ang pakiramdam ko.”sabi ni daryl at agad na nagtanong sa guild cashier na sanay nang makakita ng power class raider.dahil maraming power class sa lalilu fire and ice kingdom.
“sundan nyo lang po ang redline sa sahig at makikita nyo na ang advance level mirror.”sabi ng cashier.
“sige miss salamat.”sabi ni daryl.
Sinundan ng binata ang pulang linya at natunton ang level mirror.
Nagulat pa ang binata ng makita ang kanyang level.
“oh my goodness!.totoo ba to?!.hahaha.kaya pala ganun nalang kagaan ang pakiramdam ko.level 195.kaunti nalang category A na ko.magugulat nito si demeter.hahaha.”sabi ni daryl habang humahanga sa kanyang sarili at mukang tanga sa harap ng guild public level mirror.
Lumabas ang binat sa guild building at magtutungo na sana sa library nang makita nitong binubuli ng mga raider ang isang matandang pulubi na pilit inaagaw ang hawak na sandang kahit ipagwagwagan ng 3 salbaheng raider (lv.120) ay hindi bumitaw ang matandang pulubi kahit nasusugatan na sa gasgas ng simento
Umiiyak ang pulibi at nagmamakawa.
Hindi nakatiis ng binata at agad na gumawa ng paraan.
“mga bro,wag nyo naman saktan si lola.maari ba.bakit hindi kayo lumabas ng great wall at doon nyo ibuhos ang inyong lakas sa mga halimaw.kawawa naman si lola oh,sige na mga bro..”sabi ni daryl.
“bakit ba nakikialam ka?gusto mong ikaw ang saktan namin.”sabi ng mga raider.
Nagtimpi ang binata at pilit na umiiwas sa gulo.
“teka lang mga bro.hindi ko intensyon makipag away.kawawa lang kasi yung matanda.mukang yan lang ang pag aari nya kukunin nyo pa.samantalang kayo.araw araw pwede kayong kumita sa mga ulo ng halimaw.wag naman natin abusuhin ang mahihina.”sabi ni daryl.
“edi nakiki alam ka nga.”sabi ng isang raider at agad na susugod sana.
Ngunit sa bilis ng kilos ni daryl ay hindi na nakuha pang gumalaw ng raider at nakatutok na sa kanyang puso ang imir katana.
“Sabi ko naman sa inyo hindi ko intensyon na makipag away.pero hindi ko rin intensyon na mamatay.kay kung ganito ang gusto nyo.mag desisyon na kayo at nang mabawasan na kayo ng isa.magugustohan ng katana ko ang dugo ng kaibigan nyo.”seryosong sabi ni daryl at bahagyang ibinaon ang katan sa balat ng dibdib ng isang raider.
“wag mga pare.mamatay ako.ayoko pang mamatay.”sabi ng lalaking tinutukan ni daryl.
Ngunit hindi parin nagpapigil ang dalawang mayabang na raider at bumunot ng kanikanilang espada.
Kayat sa isang mabilis na draw ng katana ay mabilis na nahiwa ni daryl ang braso ng dalawang mayabang na raider bago paman maigalaw ang kanilang espada at muling naibalik sa leeg ng lalaking tinututukan ni daryl ang kanyang katana sa loob lang ng 3 sec.
Nakita ng mga raider ang diperensya ng sword ability nila kay daryl kayat.
Agad tumakbo ang dalawang sugatan na raider at iniwan na ang kanilang sandata at kasama.
“ahay?!.o pano na iniwan ka nila.mag isa ka nalang.ang lalaki kasi ng katawan nyo.ginagamit nyo sa kagaguhan.”mahinahon na sabi ni daryl.
“parang awa mo na pare,wag mo kong papatayin.pangako hindi na ko uulit.”sabi ng takot na takot na lalaking naliligo sa pawis at naihi pa sa pantalon.
“sige na nga.pulutin mo yung ispada ng mga kasama mo wag na kayong uulit ha.”sabi ni daryl.
“oo pare.salamat pasensya na ulit.”sabi ng lalaki at pinulot ang mga sandata sabay tumakbo ng matulin.
“maraming salamat sayo ginoo.buti at napigilan mo sila.”sabi ng matanda.
“wala po yun.ok lang po ba kayo lola?”sabi ni daryl.
“maayos naman ako.buti at hindi ko binitawan ang mga sandata kong ito.”sabi ng matanda.
“Mukang napaka importante po nyan sa inyo.mag iingat po kayo lola.sige po tutuloy na po ako.”sabi ni daryl.
“Teka sandali ginoo,nakita ko ang husay mo sa paggamit ng espada,kaya gusto kong makabawi sa pagtulong mo sakin.
may roon din akong katana sa mga sandang ito.
Ngunit may pagkaluma na at napulot ko lang sa basurahan.ito lang kasi ang pag aari ko dito.
Ang iba ay ipinapahatid lang sa akin kaya ganun ko nalang kung ipaglaban ang mga sandatang ito at baka pagbayarin ako ng pinagsisilbihan ko.”sabi ng matanda at inilatag ang telang bumibilot sa mga sandata.
Kinuha ang isang lumang katana na binilot nya ng papel dahil sa dumi galing sa basurahan.
Inabot iyon kay daryl na agad naman tinignan,nanlilimahid  ng makapal na mabaho at tuyong putik mula sa lumang basurahan na matagal nang hindi nakukutkot ng mga basorero ang katana at ang kaluban nito.
“Pasensya ka na ha.ikaw nalang ang maglinis.kanina ko lang kasi napulot yan.masbabagay sayo yan kung maayos pa ang talim.sana ay pwede pang magamit.”sabi ng humble na matanda.
Naawa naman si daryl at binigyan ng pera ang matanda kapalit ng katana.
“salamat po lola.pero hayaan nyo pong bayaran ko.”sabi ni daryl at agad na kinuha ang kanyang separate coin bag na naglalaman pa ng 5 gold at ibinigay ang laman sa matanda.
“naku ginoo.hindi na kailangan.bigay ko ang katang iyan ng libre.wala naman itong halaga sa akin.kaya sayo nalang.nahihiya nga ako at hindi ko manlang nalinis”sabi ng matanda.
“ganun po ba.salamat po sa katana lola.kung ayaw nyo pong pabayaraan .isipin nyo nalang po na bigay ko to sa inyo sakaling kailanganin nyo.”sabi ni daryl at sapilitan inabot sa kamay ng matanda ang 5 gold.
Matagal na tinitigan ng matanda ang binata at nginitian.
“maraming salamat ginoo.napaka buti mo.sanay dumami pa ang katulad mo.ang totoo ay malaking tulong ang malaking halagang ito para sa akin.kung tutuusin ay labis labis pa ito sa halaga ng mga sandatang dala ko.”sabi nang matanda na naluluha sa kaligayahan at noon lang nakahawak ng gold coin.
“Halina po kayo lola.ihahatid ko na po tuloy kayo sa pupuntahan nyo.medyo mabigat din po itong dala nyo.”sabi ni daryl at binuhat ang bugkos ng sandatang nakabilot sa tela.
Hindi kalayuan ang bahay na pagdadalan ng sandata ng matanda kayat sandali lang din ay naghiwalay na ang dalawa.
Hawak ng binata ang madungis na sandatang hindi mahugot sa kaluban dahil sa putik na natuyo na sa buong kabuoan.
Ngunit sa kanyang pagbabakbak ng mga putik habang naglalakad ay nakita nito ang itsura ng nakapagitan sa puluhan at talim ng katana.
“mukang maayos pa naman ang mga bakal nito.makinis pa tong dalawang magkayakap na ahas na nakakagat talim.ok ah.ayos din ang design.”sabi ni daryl.
Kayat naisipan na humanap ng magi black smith para ipalinis ang lumang katana.
Sa isang sikats na word shop napunta ang binata.
“Good morning sir.welcome po sa talim sword shop.”sabi ng tindera.
“good morning mis.ah nag seservice ba kayo ng linis dito?”sabi ni daryl.
“Opo.pwede ko po bang makita ang ispada?”sabi ng babae.
Nahihiya pang iabot ni daryl ang katana.
“ahehe.medyo matindi ang dumi mis eh.ok lang ba?”sabi ni daryl.
“mukang matindi nga po.ok lang po sir.kaya po namin linisin dito yan.”sabi ng tindera na sya rin naglinis sa katana gamit ang parehong cleaning potion na ginagamit ni kagura.
Lumabas ang itsura ng katana na ang metal ay kulay skyblue na parang konsentradong tubig sa kilap,matalim parin at mukang bago.
Sumunod na nilinis ang kaluban.
“O ayan sir.ang ganda po pala ng katana ninyo.good as new.parang hindi pa nagagamit,nakakatakot po ang talim ng kulay skyblueng metal at bagay ang kulay dark blue na kaluban at tatagnan.”sabi ng tindera.
Napahanga ang binata at kinukutuban na maaaring gawa rin ito ni kagura habang sinisilip ang kahabaan habang hawak ng kanyang kamay.
“halos ganito din ang kinis ng metal ng imir,kattana at zibelthiurdos.parehong pareho ang mga talim.”sabi ni daryl sa kanyang isip
“waow.ok ah.thank you mis.magkano?”sabi ni daryl.
“1 silver lang po sir.”sabi ng tindera.
Agad naman binayaran ni daryl ang service at itinago sa kanyang dimensia grimoir ang katana.
Napansin ng babae ang tatlo pang katana ni daryl,ngunit walang idea ang babae na legendary soul weapon ang mga ito.ang iniisip nito ay isa ding elite si daryl gaya ng iba pang mayaman na sword user ng mga espadang maraming palamuti at magagandang design.
“ah sir.mukang mahilig din po pala kayo sa mga ganitong klase ng ispada na may middle design sa handle at blade.madalas po na ganyan ang binibili ng mga elite dito sa amin.
Baka po may magustuhan kayo sa mga paninda namin na nababagay sa inyong panlasa.”sabi ng tindera sabay pakita sa espada na customized ang mga design ngunit mga ordinayong gawa lang ng mahusay na sword maker artist.
“lahat po ng klase ng ispada ay mabibili nyo sa amin.meron din po kaming enchanted,enhance at  fortified.pili na po sir.”sabi ng tindera.
“Ahm pasensya na mis.hindi ako mahilig sa  ibang klase ng ispada kundi katana lang.”sabi ni daryl.
“hindi po kasi masyadong bilihin ang katana dito sa aming region kaya bihira po ang gumagawa.mas patok po sa mga raiders ang heavy long sword at ang single handed sword,pero mukang meron pa po pala kaming katana,nag iisa na po ito.wala pong pumapansin kaya itinago na namin.may sumpa daw po kasi ang katana.bigla nalang po namamatay sa makamandag na lason ang gumagamit.kaya lang sir hindi po namin sagutin kung may mangyari din po sa inyo.kaya po sinasabi ko na po sa inyo agad habang maaga para makapag isip kayo.”sabi ng tindera.
“Sige nga mis.pwede ko bang makita.”sabi ni daryl na malakas ang loob dahil sa protekayon ng heart of imir.
“Sure po ba kayo sir?”sabi nang natatakot na tindera.
“opo mis.”nakangiting sabi ni daryl.
Kinuha ng babae ang katana na binalot pa sa makapal na tela upang hindi mahawakan.
“Ayan po sir.mag iingat po kayo.”takot na sabi ng tindera na parang may ahas sa kanyang harapan.
Walang katakot takot na hinawakan ng.binata ang sinasabing makamandag na katana at maingat na isinubok ito sa hangin at sinisipat ang talim.
“Posible kayang gawa rin ito ni kagura.parehas din ang kinis at talim ng metal sa iba”sabi ni daryl habang sinisipat ang kulay berdeng katana na purong metal hanggang sa puluhan.
“magkano mis?”sabi ni daryl.
“Po?!.kukunin nyo po sir?!hindi po ba kayo natatakot”nag aalalang tanong ng babae.
“Yup!.kukunin ko kung kaya ko ang halaga.”masayang sabi ni daryl.
“ang dating halaga po nyan ay 10g noong unang dumating dito yan galing sa isa naming magi black smith.pero dahil sa sumpa at mga patunay ng mga taong naospital dahil lang sa paghawak nito ay bumaba ng bumaba ang presyo mabili lang at mawala na sa aming shop.
Pero dahil hindi parin mabili at kumalat ang balita tungkol dito mula sa mga biktima.
Ngayon ay 10 silver nalang.pero hindi po namin responsibilidad ang ano mang posibleng mangyari sa inyo dahil sa katana.”sabi ng tindera.
Agad kumuha ng 10 silver si daryl at binayaran ang babae.
Kinuha ng binata sa makapal na tela ang kaluban at muling isinuksok ang katana.
“Ayos mis.thank you.akin na to ha.”sabi ni daryl.
“ah opo sir.salamat din po.babalik po kayo ha.”sabi ng tindera
Takot at nag aalala ang tindera ngunit nakita naman nito na kampante parin si daryl di tulad ng iba na humawak sa katana na bigla nalang bumagsak sa lason.
Muling nagbalik sa library ang binata at doon nakitang abala ang mga babae sa pagbabasa patungkol sa nurem.
“kamusta na ang pagbabasa,may nahanap na ba kayo?”sabi ni daryl.
“wala pa eh.wala rin dito ang head librarian kaya hirap kaming humanap ng libro.mga apprentice lang ang nandito.”sabi ni cris.
“ah sige tutulong ako sa paghahanap.”sabi ni daryl.
Nilapitan ng binata si kagura na noon ay abala sa pagbabasa.
“kagura may papatignan ako sayo.”sabi ni daryl at agad na inilabas ang dalawang bagong katana.
“wow!.yan ang bifrost at medusa.saan mo yan nakuha?”sabi ni kagura na noon ay hindi hinahawakan ang mga katana na magkapatong.
“yung blue na may nakapalupot na ahas galing yan sa matandang tinulungan ko reward daw nya sakin.pero hindi ganyan ang itsura nyan kanina.ipinalinis ko lang sa shop na pinagbilan ko naman nitong kulay green namay butas sa gitna.”sabi ni daryl at inilapit ang katana.
“Naku wag mong ilapit sa akin yan!.makamandag ang katanang yan dahil sa venom soul ng medusa.kapangyarihan nyan na bigyan ka ng nakalalason na hiwa ng talim.na walang lunas.isa yan sa pinaka nakatakot na katanang ginawa ko.kahit ang simpleng paghawak dyan ay ikalalason ng sino man,hanggat hindi nabubo ang dalawa pang relic na kasama nya.
Ngunit sa oras na mabuo ay bibigyan ng protekayon ng medusa ang user laban sa lason,asido at paggiging bato.
Kasama nyan ang dalawang parte ng relic na bumubuo sa isang bilog na parang yin at yang na inilalagay dyan sa malaking butas ng katana.si suma(violet) at galema(black) na nag bibigay ng 20m ng kanilang teritoryo ng kapangyarihan.
Kakayahan ni suma na gumawa ng   teretoryo na lulusaw sa sino mang tumapak na hindi imbitado ng user.(5 min)duration.
Kakayahan naman ng galema ay gumawa ng teritoryo na gagawang bato sa sino mang tumapak na hindi imbitado ng user.(5 min)duration.
Kaya sa ngayon ordinaryong nakamamatay sa user  na katana lang yan.kailangan mong mahanap ang suma at galema bago mo  magamit ang kapangyarihan ng medusa.
Itago mo na lang muna,hindi ka naapektuhan ng kamandag dahil protektado ka ng heart of imir.”sabi ni kagura kayat itinago agad sa dimensia grimoir ni daryl.
“ito namang bifrost. Freezing soul katana ito,ang bawat hiwa nito ay nag iiwan ng absolute freezing.at bibigyan nito ng ice mobility ang user.
Kasama nito ang dalawang relic earings.si winter at blizard.
Ang winter ay kulay puting crystal earing,kakayahan nito ang gumawa ng dancing icicles sa nagyeyelong ice territory at winter cloud.parang bouncing ice blade.(5min duration).
Ang blizard ay kulay asul na crystal earing,kakayahan nito ang gumawa ng triple ice mist na hahabol sa kalaban upang patigasin  sa absolute freezing.
Pero kailangan din na magkakasama ang tatlong ito na ginagamit ng user para gumana.mahirap talaga silang magtiwala kaya ganoon ang kondisyon nila.”sabi ulit ni kagura.
“Hindi ko rin pala magagamit agad, itatago ko na muna.”sabi ni daryl at itinago din ang bifrost.
“ang swerte mo naman sa mga katana ko,kusang lumalapit sayo.”sabi ni kagura.
“Gusto mo ba?ibabalik ko sayo.”sabi ni daryl.
“Hindi ok lang.para sayo yan, kaya yan napupunta sayo.”sabi ni kagura.
Muling nabalik sa paghahanap ng clue ang grupo,ngunit talagang mahirap humanap ng ebidensya.
Hangagang sa abutin na ng tanghalian.
Kumain sandali sa katabing canteen at muling bumalik sa library.
3pm na ng hapon ay wala parin nahahanap na clue ang grupo.
Hanggang sa dumating ang librarian na sinabihan agad ng mga apprentice.
“Good afternoon po,mang abala lang po sandali.nabanggit po sakin ng mga apprentice na hinahanap nyo daw po ako.ako po ang librarian”sabi ng librarian.
“ah opo mam.kanina pa po kasi kami humahanap ng paraan kung paano makakapasok sa nurem.baka po may alam kayong impormasyon.”sabi ni cris.
“parang meron.i check natin sa book of all,nandoon lahat ng history ng lalilu na konektado rin sa nurem.”sabi ng librarian at pinuntahan ang secret access key para mabuksan ang hidden drawer sa ilalim ng isa sa mga book shelf.
Kinuha ang book of all at agad na binuklat sa pahina natumutukot sa nurem.
Matagal na nagbasa hanggang sa matagpuan ang kasagutan na kanilang hinahanap.
“okie.ito po ang  isinulat ng aming mga ninuno.(kapag ang init at lamig ay muling nagsama sa iisang katawan ay mabubuo ang natatanging kabayaran upang ang ngalit ng karagatan at ipoipo ay magbigay daan sa balanseng pagkakasundo ng dalawang magkasalungat na  kalikasan).
Tinutukoy po dito ang pangil ng pulang kidlat mula sa apoy na ulan ng lalilu fire region at ang pangil ng asul na kidlat mula sa ulan ng yelo sa lalilu ice region.
Papagsasamahin sa iisang katawan gaya halimbawa ng.bote o grapon.
At magiging mabisa na itong susi para magbigay daan ang nag ngangalit na ipo ipo.”sabi ng librarian
“saan po namin makukuha ang mga pangil?”sabi ni cris.
“kailangan nyong hintayin ang tatlong sunod sunod na kidlat,dala ng pangatlong kidlat ang pangil na naiiwan kung saan ito tumama.dun nyo makukuha ang pangil.”sabi ng librarian.
Nagpasalamat ang grupo sa librarian.at agad nang umalis.
“kung hihintayin natin ang kidlat,matatagalan tayo.ang haba ng ulan kanina pero ni isang kulog wala akong narinig.baka naman may mga nakakuha na ng pangil.bilin nalang natin.”sabi ni emily.
“subukan natin baka makahanap tayo sa mga black market.alam ko kung nasaan ang black market.”sabi ni charlotte.
“tara! baka sakali.”sabi ni daryl.
Sama samang nagsipagtungo sa sentro ng kalakalan o ang tinatawag nilang latagan.
Dito nagtutungo ang lahat ng mga mangangalakal na dumadayo pa mula sa ibat ibang kaharian,gayun din ang mga raiders na nais ipagbili ang kanilang mga mahahalagang bagay at materyales.
Isang malawak na covered market place ang latagan at sa ilalim nito ay isa ding malawak na basement kung saan kalahati nito ay ang  black market.dito matatagpuan ang pinaka mahahalagang gamit at materyales na hindi basta basta makikita kung saan saan.
Sama samang inikot ang buong market place para bilin na din ang kanilang maibigan.
Hanggang sa marating nila ang basement kung saan naroon ang black market.
Isang adventurer looter ang nagtitinda ng ibat ibang variety ng valueable loot.
“ah mga mis.ano ba ang hanap ninyo,baka may magustuhan kayong materyales sa mga paninda ko.galing pa sa mga  old ruins at mga powerful boss ang mga materyales na ito,meron din ako ng mga materyales na mahirap makuha at napaka rare na makikita sa bawat mga lupain.”sabi ng babaeng raider.
Mahusay sa pagbili ng mga bagay si cris kayat si cris ang gumagawa ng mga pakikipag usap.
“Meron ka bang bagay dyan na galing sa kidlay.kailangan lang namin para sa enhancement ng mga weapon.”sabi ni cris.
“meron syempre.wait lang ate at ilalabas ko sa bag ko.bibihira kasi ang nag eenhance ng electric attribute.”sabi ng babaeng raider.
Nag hintay naman ang mga ito.
Masayang pinagmamasdan ni daryl ang magandang dalaga at naalala si mia.
“Kamusta na kaya si mia?”sabi ni daryl.
“sino si mia?”sabi ni kagura.
“kapatid ko dito.noong nagsisimula palang ako dito sa heavens art.kasama ko na sya.parang itinuring ko nang bunsong kapatid.kasama sya ngayon sa mga follower ni demeter.adveturer looter din sya gaya ng nagtitinda.”sabi ni daryl.
“Mabait suguro sya kaya nagkasundo kayo.”sabi ni emily.
“oo napakabait nyang bata,kahit sobrang nahirapan sya,hindi nya pinili na gumawa ng masama.naging looter ko sya noon,hanggang sa isinama ko na sa worship house ni demeter.
nangako ako sa kanya na isasama ko sya sa dungeon at doon kami mag reraid.kaya pag natapos ang misyon na to,yun ang unang gagawin ko.”sabi ni daryl.
Bawat bagay na ilabas sa kanyang bag ay may kasamang inpormasyon at paliwanag.
Nang biglang ilabas nito ang isang maliit na garapon na naglalaman ng pulang pangil ng kidlat.
“ito naman ang pangil ng pulang kidlat,rare din ang isang ito.dahil bihira lumapag sa lupa ang pulang kidlat.kadalasan ay sa hangin.kaya hindi makuha ang pangil na iyan .ang sabi sa lumang kasay sayan.ang pangil na yan at ang pangil ng asul na kidlat sa lalilu ice kingdom ay makagagawa ng kapangyarihan upang makapasok sa loob ng nurem.”sabi cris.
“ahhh. Saan mo nalaman yan?”sabi ni cris.
“ang isang magaling na adventurer looter ay hindi lang sa materyales at mahahalagang bagay natatapos ang kanyang paglalakbay.kailangan marami syang impormasyon lalu na sa mga bagay na natatagpuan nya,kaya lahat ng meron ako dito ay may sapat na impormasyon na kakamabal,  ipinag reresearch ko talaga para lalong tumaas ang value sa market.”sabi ng babae.
Hanga naman ang lahat.sa galing ng babaeng adventurer.
“magkano dito sa pulang pangil.”sabi ni cris.
“hindi naman maaaring gamitin na pang enhance ang pangil na ito,pupunta ba  kayo sa nurem?”sabi ng babae.
Hindi sumagot si cris at nag iisip ng sasabihing palusot.
“Oo mis.doon ang lakad namin.kaya kailangan din namin ang asul na pangil.”sabati ni daryl.
“wow,ibang klase pala ang raiding party nyo,ikaw ba ang pinuno nila?”sabi ng babae.
“Oo mis sya ang pinuno namin.”sabat naman ni kagura upang hindi mahiya si daryl na noon ay natahimik.
“ibibigay ko sa inyo ng libre ang pangil na ito at ang asul na pangil kung isasama nyo ako sa nurem.pero syempre kasama doon ang proteksyon dahil hindi ko kaya ang mga halimaw doon.
Wag kayong mag alala at hindi ko aabalahin ano man ang gagawin ninyo doon,basta sasama lang ako at syempre mamumulot ng mahahalagang bagay at impormasyon sa lupain na madadaanan natin,kumpleto ako ng kagamitan kaya hindi nyo rin pproblemahain ang sarili kong pangangailangan.”sabi ng babae kay daryl.
“sigurado ka ba mis.hindi biro ang gagawin namin doon.tsaka sa oras na makuha namin ang kailangan namin doon ay aalis na din kami.”sabi ni daryl.
“oo naman sure na sure ako.ok lang basta masama lang ako.
halos lahat ng misteryosong lugar ay gusto kong marating para magkaroon ng kaalalam,gumagawa kasi ako ng libro na naglalaman ng lahat ng impormasyon sa mga lugar ng heavens art na narating ko.ito ang tunay na ispirito ng adventurer para sa akin.
Tungkol naman sa asul na pangil.nandoon yun sa tinirhan ko sa lalilu ice kingdom.iniwan ko doon ang ibang bag ko at madami nang nakasabit sa katawan ko.”sabi ng babae.
“sandali mis.kakausapin ko lang silang lahat tungkol dito.”sabi ni daryl
Agad na kinausap  ni daryl ang apat na babae at payag naman ang mga ito.
“sige mis.pero kailangan mong sumunod sa mga plano.habang kasama ka namin.”sabi ni daryl.
“ok.payag ako dyan,deal!”sabi ng babae.
“ok mis.pwede na ba natin puntahan ngayon ang isang pangil pa at nagmamadali kami.”sabi ni daryl.
“ah sige.bukas ng umaga,magkita tayo sa harap ng latagan, sumama  ka na sakin.dalawa lang kasi tayong kasya sa magic cart ride ko.para kung sakaling may masalubong tayong halimaw sa service road ay nandyan ka para iligtas ako.
doon ko nalang ibibigay sayo ang mga pangil kapag nakuha na natin ang asul.”sabi  ng babae.
“sige mis.ako nga pala si daryl.”sabi ni daryl at ipinakilala din ang apat na babae.
“Ako naman si hanna,nice doing business with you daryl.”sabi ni hanna at nakipagkamay
“Sasama na muna ako sa kanya bukas,dito na muna kayo.mag libot libot muna kayo habang wala kami.”sabi ni daryl.
“4 na araw ang byahe balikan.mag stop over kami sa territory port line sa gabi.kaya may 4 day kayong makakapag libot libot.”sabi ni hanna.
“ang tagal pala.pero sige mag iingat kayo.ingatan mo si daryl ha”sabi ni emily.
“mag iingat kayo bukas.”sabi ni kagura.
Matapos ang usapan ay Ipinagpatuloy ng grupo ang paglilibot dahil kampante nang may makukuhang pares ng pangil.
Masaya ang mga ito at hindi na kailangan pang hintayin ang mga kidlat.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon