18.time wizard

211 36 0
                                    

Katulad nang dati upang makaiwas sa pagpapaliwanag sa kanyang mga kaibigan ay maaga ulit umalis si daryl.
Habang nagjjogging patungo sa secret gym ay napansin ni daryl ang isang matandang lalake na nakasoot ng lumang damit pang monasteryo na nababalot ng alikabok.
Mag isa ito sa park at naghihilot ng sikmura na tila ba nagugutom.
“lolo may problema po ba?”sabi ni daryl.
“Huh?!.meron bang problema?ah oo.kasi naman hindi ko pala naisara yung pinto bago ako natulog.”sabi ng matanda.
“eh?.lolo ok lang po ba kayo?”sabi ni daryl.
“ahm.ehehehehehe.ok ba ko?.bakit wala akong sumbrero.nakita mo ba?”sabi ng matanda.
“Nako may problema yata itong si lolo.”sabi ni daryl sa kanyang sarili.
“narinig kita.oo may problema nga ako.”sabi ng matamda.
“nyek!.nako pasensya na po.hindi ko po kasi kayo maintindihan.”sabi ni daryl.
“nagugutom ako!.may pagkain ba dito?!.”sabi ng matanda na tila ba inosente.
“Sabi ko na nagugutom kayo eh.meron po!sandali po ah.”sabi ni daryl at agad na bumili ng pandesal at kape.
“heto po.kumain po muna kayo.”sabi ni daryl.
“waow.tinapay at kape!.alam mo bang matagal na akong hindi nakakatikim ng tinapay?.madalas ay mga hayop sa gubat ang pagkain ko.”sabi ng matanda.
“Bakit po.sa gubat po ba kayo nakatira?”sabi ni daryl.
“oo.pero hindi ko na maalala eh.basta ang huling naalala ko…hmmm ahhhmmmmmm ahhmmm. ayun!.naalala ko na!.dahil sa sobrang gulo,pinatulog ko ang sarili ko sa loob ng kahon.hahahaha.tama!natulog ako sa kahon.tapos paggising ko.tahimik na.eto na ko.nakakagulat hindi naman ganito ang lugar namin.?nasan ba ko?”sabi ng matanda.
“nandito po kayo sa lemuria kingdom.?”sabi ni daryl.
“lumeria?.wala namang lumeria.saan yun?”sabi ng matanda nang biglang matulala at huminto sa paggalaw.
“Lo lolo?.ano na po ang nangyari sa inyo?”sabi ni daryl na biglang nag alala.
“huh?!.naaalala ko na ginoo.isa akong wizard.time wizard ng aking panahon.pinatulog ko ang aking sarili sa loob ng 400 taon sa loob ng isang kahoy na ataol upang iligtas ang aking sarili sa mga halimaw.nakakatakot sila.may mga halimaw pa ba?”sabi ng matanda.
“Eh opo.madami parin.sa katunayan nga po.sumusugod sila ngayon sa bayan.dalawang beses na.”sabi ni daryl.
“Nakakatakot talaga ang mga halimaw”sabi ng matanda na ang halimaw pala sa kanyang isipan ay ang mga demon level reptilian.
“Hindi ko na alam kung nasaan ang bahay ko.pero nasisiguro kong malapit lang yon dito.iniwan ko yun sa tabi ng world tree tapos hindi na ako nakabalik kasi inabutan ako ng kaguluhan noon sa bayan ng itaka tapos doon na ako nag cast ng sleeping spell.”sabi ng matanda.
“Baka patay na po yung puno ngayon.tsaka malamang na sira na yun.400 yrs pa po eh.”sabi ni daryl.
“Mali ka ginoo.hindi mamamatay ang world tree.at malikot ang bahay ko.”sabi ng matanda.
“Po?!.malikot?”sabi ni daryl.
“Oo malikot.naglalakad kasi yun at marunong umakyat sa puno.hayaan mo at kapag nakita ko.ipapakilala kita.”sabi ng matanda.
“Pwede bang sumama nalang ako sa pupuntahan mo?tutulungan kita.tapos tulungan mo din akong makabalik sa world tree.”sabi ng matanda.
“Gusto ko po sana kayong isama sa pupuntahan ko at maraming pagkain doon.hindi kayo magugutom kahit doon pa kayo araw araw..kaso pinagbawalan po ako na magsama ng iba.makikita po kasi nila kahit wala sila.gusto ko rin po kayong tulungan.kaso masyado pong delikado ang mga halimaw sa labas ng greatwall kaya kasalukuyan pa po akong nagsasanay.”sabi ni daryl.
“yun lang pala eh.ang tawag sa magic na yon ay telephatic all seeing magic.kaya kong pagtaguan ang magic na yon.tungkol naman sa pagsasanay mo.oras ba ang pumipigil sayo dahil kulang ang maraming araw ng pagsasanay?.kaya kong ibigay sayo yun hanggang sa matapos ka ng pagsasanay sa loob lang ng isang araw.hehe.pwede na ba akong sumama sayo.pangako hindi ka magkakaproblema.magtatago ako para sayo at nang hindi ka nila pagalitan.”sabi ng matanda na agad ipinakita ang magic hidding skill.
“papaano naman po mangyayari yon.na gagawin nyong isang araw ang maraming araw ng pagsasanay?”sabi ni daryl.
“Basta isama mo ko at gagawin kong magaan ang oras para sayo.para magawa mo ang lahat ng dapat mong gawing pagsasanay sa maikling oras.pagtapos non ay ako naman ang tulungan mo hanapin ang bahay ko.deal?”sabi ng matanda.
Naalala ni daryl ang mga nagtatampong kaibigan.kayat kung totoo nga ang sinasabi ng matanda ay matatapos nya ang pagsasanay sa loob lang ng isang araw pero sa loob ng mhabang oras.
“kung totoo nga po ang sinasabi nyo.sige po payag po ako. deal.”masayang sabi ni daryl.
Nahihiya  ang binata na itaboy ang matanda na kanyang kinaawaan at mukang walang pupuntahan kayat kinapalan na ang muka at nagtiwala sa magic ng matanda.
Habang naglalakad patungo sa secret gym.
“ako nga po pala si daryl.isa po akong raider.kaso wala po akong magic gaya nyo..kayo po?”sabi ni daryl.
“ako si jerard.isang time wizard.namaster ko ang paggamit sa legendary hidden art time magic.kaya kong maglakbay sa nakaraan ngunit hindi sa hinaharap.kayakong gumawa ng time loop,kaya kong pabilisin o pabagalin o pahabain o pahigsiin ang oras sa loob ng magic territory ko.at yun ang gagawin natin.isa din akong dungeonir  kaya marami magic skill ng hidding art.hehe.iwas huli ng mga halimaw,ahahahaha.”sabi ni jerard.
“kung kaya nyo po palang maglakbay sa nakaraan.posible po kayang matukoy nyo kung saan napunta ang 5 legendary dimension key,kasalukuyan po kasing suliranin ng kaharian ang paghahanap sa mga susi at kailangan daw maisara ang apocalypto dimension realm gate.yun din po ang isa sa mga dahilan kaya ako nagpapalakas,para maipagtanggol ko ang mga kaibigan ko at ang holy guide ko.sa mga nakakatakot daw po na halimaw.”sabi ni daryl.
“Nako po!.malaking delubyo ang dala ng mga halimaw doon.sila ang dahilan ng pagtatago ko.hayaan mo at tutulong ako sayo para mahanap mo ang 5 susi.sa oras na mahanap natin ang bahay ko.doon din kasi nakatago ang aking mga kagamitan para makapaglakbay sa nakaraan.isa isa kong hahanapin ang lugar kung saan napunta ang mga susi.ngunit matatagalan iyon ng 7 araw.kailangan talaga maagapan ang pintuan ng dimensyon.habang hindi pa ito bumubukas.at payo ko lang sayo.wag basta basta na ipagkakatiwala ang mga susi.kayat kung malinis ang hangarin mo.ay ikaw na mismo ang magsara sa gate.dahil hindi mo masasabi kung kelan magttraydor ang isang tao.na syang pinagmumulan ng masmalaking gulo.sayo lang ako nagtitiwala alam kong mabuti ka. ”sabi ni jerard.
“ayos!.salamat po lolo.titignan ko po ang makakaya ko.mabalik po tayo doon sa bahay nyo.ang sabi nyo,malikot,naglalakad at umaakyat?paano po nangyari yon.?”sabi ni daryl.
“Ang pangalan ng bahay ko ay tanan.literal na may paa at kamay sya.ako rin pala ang gumawa sa kanya.marami kasi akong alam na magic.ginawa ko ang kamay at paa para hindi sya masira.pwede syang pumunta sa mga lugar na ligtas.hahaha.”sabi ni jerard.
“Wow!.magic!.hahaha.gusto ko po syang makilala.”sabi ni daryl.
“Hehehe.nakakamiss din ang bahay ko.”sabi ng matanda na noon ay nagigiliw kay daryl.
Kumapa ito sa kanyang bulsa at nakapa ang isang black steel hand   ring.na isa ding legendary relic artifact.
“O heto pala.may naiwan pang relic sa bulsa ko.sayo nalang.magagamit yan ng non magic user na gaya mo.ang tawag dyan ay hand of imir.kapag soot mo yan makakausap mo ang lahat ng hayop at mga halimaw,gamit din ang sing sing na iyan ay magagawa mong gamitin ang shadow bilang sandata na hahawak sa iyong kalaban.”sabi ni jerard.
“Salamat po.saan po pala kayo galing bago kayo napunta sa park?”sabi ni daryl.
“Doon sa malaking museum.nasaloob yung kahon ko.kaya tumakas ako,hindi ko talaga alam kung paano ako napunta doon.”sabi ni jerard.
Narating nila ang gym at agad nag cast ng hidding magic si jerrard upang hindi makita ng magic sa loob ng gym.
Natuwa Ito sa pagiging tapat ng binata at tuluyang nagtiwala sa kabaitan ni daryl.
Agad nagcast ng.time zip magic spell skill si jerard upang ang bawat isang oras sa natural na oras ay maging katumbas ng  dalawang  araw.
“O ayan.hindi ka na magmamadali.mabagal ang oras sa loob ng gym.ang isang oras ay katumbas ng dalawang araw.kaya kung magsasanay ka ng 24 oras at katubas iyon ng 48 araw.walang diperensya ang galaw ng oras kaya normal parin ang pagsasanay mo.sasamahan kita hanggang sa matapos ka.”sabi ni jerard.
“Kasama din po ba sa magic ang mga portal gate ng mga dungeon na yon?”sabi ni daryl.
“oo naman,kaya din magtravel sa portal ng magic ko,Basta maaabot ng total area ng  magic  territory ko ang papsukin mong area.hayaan mo at nakabantay naman ako.ako nang bahala.para hindi ka lumabas sa territory.”sabi ni jerard.
Natuwa ang binata at ipinagpatuloy na ang mahabang pagsasanay.
Naenjoy ni jerard ang coldbath at ang royal food ng royal chef habang pinapanood ang makapigil hininga,nakangingilo at torture na  training ng binata.
Sinulit ni daryl ang 48 araw nya sa loob ng 24 oras ng natural na oras kayat hindi na ito nakauwi ng araw na iyon.umaga na ulit ng lumabas sila sa gym.
Matibay at nanatiling buhay ang binata sa napakalaking tulong ng yudo,push at pull na unti unting lumalakas sa bawat araw at pakikipaglaban.
Dahil sa kanyang galing, abilidad,at skills sa pakikipaglaban at paulit ulit na gym training na umabot sa 270kg weight power ng mga equipment at pagpasok sa mga dungeon hanggang sa yanigin na ang genisis dungeon ng random land ay nakamit ng binata ang max normal level 99 at sumampa sa level B category power class.dahil sa lumagpas ng 41 level.at nakaipon pa ng 48 spirit essence points.at super massive increase ng mga existing abilities.at bagong shadow ability.
Namaster din nya ang lahat ng existing skill kabilang na ang shadow skill,red yudo at 4th stage ng push at pull reinforcement.
Kahit ang binata ay hindi makapaniwala sa kanyang naabot na halos ikamatay nya sa loob lang ng isang buong araw.
Tuwang tuwa naman ang matanda dahil masligtas silang makapaglalakbay sa ganoong estado ng binata.
“Ang galing po talaga ng magic mo lolo.sobrang laking tulong po. umuwi po muna tayo sa sambahan namin.at siguradong nag aalala sila nyan sa akin lalu na si holy guide demeter.para maipakilala ko po kayo at masabi ko ang aking misyon sa inyo.”sabi ni daryl.
“sige lang daryl,para madagdagan din naman ang mga kakilala ko.,hehe.”sabi ni jerard.
Muling naglakad ang dalawa pabalik sa sambahan ni demeter.
Nang araw na iyon ay kasagsagan palang ang balita ng nabasag na body box relic sa loob ng museum na pinagtulugan ni jerard.
“Mukang hinahanap na po kayo lolo.hahaha.”sabi ni daryl.
“nako wag kang maingay.ayoko na doon.gusto ko naman mabuhay ulit.”sabi ni jerard.
“hindi naman po nila malalaman.sikreto lang po natin lahat ng nalalaman ko.”sabi ni daryl.
“Buti nalang.nakahinga ako ng maluwag.hahaha.”sabi ni jerard.
Pagdating ng dalawa sa sambahan ay nakaabang ang lahat dahil sinabi ni demeter na hindi nakauwi si daryl kayat lahat ay nagaalala.
Naiwan sa labas si jerard at pinangunahan ni daryl bago pumasok.
Masama ang tingin ng lahat na noon ay nakahinga ng maluwag nang makita si daryl.
“haay thank god.buti naman at walang nangyari sayong masama.akala koy napano ka na.lalabas na sana kami para hanapin ka.”sabi ni demeter at agad na yumakap kay daryl.
Sinalubong naman ni mia ng sita si daryl.
“Huhuhu.ang salbahe mo kuya!.hindi ka na nga namin inaabutan sa umaga at gabi tapos pinag aalala mo pa kami!..salbahe!.”sigaw ni mia.
Agad naman nilapitan ni daryl at sinuyo.
“Pasensya na aling maliit.nastranded kasi ako sa training.kaya hindi ako nakauwi.pero doon sa ibang araw, gabi gabi kitang sinisilip bago ako matulog.ayaw lang kitang gisingin.sorry na po.di ba nagpaalam naman ako sa inyo.pangako ko.babawi ako sa inyo kapag natapos na lahat ng gagawin ko.kailangan ko pang tulungan si lolo .nawawala kasi sya.kaya ihahatid ko pa hahanapin pa namin ang  bahay nya sa malayo..konti nalang po aling maliit.mkakapag raid na tayo ulit.promise yan.”sabi ni daryl.
“promise yan ha huhuhu.miss na miss na kasi kita kuya eh.love mo parin ba ko?ako love parin kita.sorry.hindi ka naman talaga salbahe eh.”sabi ni mia.
“sorry din.love na love din kita.ikaw lang ang cute na looter adventurer ko.sobrang busy lang talaga ako ngayon.sana maintindinhan mo.balita ko mataas na din ang level mo.kaya dapat big girl ka na.”sabi ni daryl.
“hhmmm.haaa(hinga).opo kuya!.magpapalevel pa ako ng masmataas.para pagbalik mo.malakas na din ako.promise yan kuya.”sabi ni mia.
“Very good naman.inaaalagan mo ba si edge.”sabi ni daryl.
“opo!.kasi lagi nya akong binabantayan kuya.”sabi ni mia.
“good job edge!”sabi ni daryl
“Salamat po master daryl.tungkulin ko po na sundin ang inyong utos.”sabi ni edge.
“Ang tagal mo din hindi nakakasama sa amin.malaki na ang ipinagbago naming lahat.balik ka agad pag natapos ka.”sabi ni bela.
“wag kang mag alal daryl.binabantayan naman naming lahat si mia.”sabi ni rina.
“Salamat sa inyong lahat.”sabi ni daryl.
“no worry.be happy!.”sabi ni himawari.
Nasa pinto si jerard habang pinagmamasdan ang mga eksena at lalong napatunayan sa kanyang sarili na mabuting tao si daryl.
“ah guys!.si lolo jerard pala.nakilala ko sa park.naliligaw daw sya.kaya tinulungan ko.ihahatid ko lang sya sa world tree,at tutulungan na hanapin yung bahay nya.kaya mawawala ako ng matagal at hindi ako agad makakauwi.”sabi ni daryl.
“Magandang araw po mga binibini.makisali na sa usapan ninyo.totoo po ang mga iyon.nagsasabi po ng katotohanan si daryl.”sabi ni jerard.
“malayo po ang world tree mula dito .makikita yon sa malayong kanluran.sa gitnang bayan ng yugatan kingdom.mabilis kung may masasakyan na airship o magic truster ship.ang problema walang nagbbyahe galing dito papunta doon.kaya ang pagasa lang ay mag travel sa lupa.peko ride ang best choice.marami kasing talunin at bahagyang  liparin na peko ride lang ang makakagawa.”sabi ni himawari.
“Ok.salamat himawari.”sabi ni daryl.
“Tumuloy po kayo at nang makapagmiryenda manlang.”sabi ni demeter.
“nako salamat magandang binibini.”sabi ni jerard.
Tumuloy ang matanda at pinaupo sa supa at ipinaghanda ng miryenda ni demeter.
Bumalik sa paggayak ang iba pa upang ipagpatuloy ang dungeon raid sa neosum dungeon ng rain jungle.
Maya maya pa ay nagpaalam na silang lahat at si demeter,daryl at jerard nalang ang natitira.
Dito na ipinaliwanag ni daryl at jerard ang lahat ng buong katotohanan kay demeter.
Maging ang mga posibleng solusyon sa paghahanap ng 5 susi.
Naunawaan ni demeter ang nais na mangyari ni daryl at jerard,ngunit labis syang nangangamba,natatakot,at nagaalala para kay daryl.dahil alam din ni demeter na maraming naghahanap ng 5 susi na maaring pagmulan ng away at gulo na makasangkutan ni daryl.
Kayat tumayo si demeter sa kanilang harapan at bahagyang lumayo upang pigilan ang makita ang pagpatak ng kanyang luha dahil sa lungkot at kaba.
“Napakadelikado ng gusto mong gawin daryl.bakit hindi tayo humingi ng tulong sa hari.baka kung ano ang mangyari sayo.natatakot ako.”sabi ni demeter.
“alam ko po kung gaano yon kahirap.pero nanggaling na po sa nakaraan si lolo.at nakita nya ang ginawa ng mga tao noon.nangangamba lang po si lolo na ibigay ang impormasyon at kumalat.at baka maulit nanaman ang malaking pagkakamali ng mga tao sa pag aagawan sa susi.nagpapasalamat na po ako at pinagkatiwalaan ako ni lolo”sabi ni daryl.
“Pano kung may mangyari sayong masama.sino ang makakatulong mo.”sabi ni demeter.
“kasama ko po si bosing sa itaas.kahit saan pa po ako makarating,at dito po sa puso ko ay palagi ko kayong kasama.at gagawin ko po ang lahat para muling makabalik sa inyo.pangako po yan.”sabi ni daryl habang nakatalikod si demeter.
Dahan dahan humarap si demeter at niyak si daryl ng mahigpit na noon ay tahimik na lumuluha ang mata.
Alam ni demeter na natatakot din si daryl sa paparating na delubyo ng mga halimaw dahil sa mga posibleng mangyari sa kanya at sa mga kaibigan na gustong protektahan.
Kayat inunawa ang sitwasyon at pinilit maging malakas upang bawasan ang alalahanin ni daryl.
Dinanas ni demeter noon ang hamakin ng ibang tao,maliitin at tapakan kayat naiintindihan nya ang pakiramdam ni jerard na hindi magtiwala kung kanikanino lang.
Ngunit nakita din ni demeter na desedido si daryl at handang tumulong kahit gaano pa ka delikado ang misyon.
Kayat nagtiwala si demeter kahit masakit para sa kanya ang paglayo ni daryl na labis nyang iniibig ng palihim.
Pinagmasdan ng maigi ni demeter ang muka ni daryl ng malapitan at pinilit na ngumiti.
“sige pumapayag na ko.mag iingat ka palagi ha,wag kang magpapabaya,kapag namatay ka,bubugbugin kita.tandaan mo ang pangako mo.bumalik ka ng buhay.hihintayin kita.hihintayin ka namin.”sabi ni demeter habang pinapalis ang kanyang luha at muling ngumiti kahit mahirap para sa kanyang kalooban.
Pansin din ang pag aalala ni daryl para kay demeter na noon ay inaalalayan   na wag umiyak.
“promise po.babalik at babalik po ako.mag iingat din po kayo.kayo na po ang bahala kay mia.”sabi ni daryl at hinawakan ang kamay ni demeter na noon ay nakahawak sa kanyang dibdib at sinukliian ng ngiti.
mabilis na nakuha ni jerard ang kahulugan ng nararamdaman ng dalawa.
Nakita ni jerard ang lihim na pag titinginan ng pagibig ni daryl at demeter na hindi maamin sa isat isa.ngunit puso ang nagpapakita.kayat gumawa ito ng paraan upang bawasan ang pag aalala ng bawat isa.
Kumuha ito ng dalawang piraso ng bato at binulungan ng magic spell.at hinintay ang pagbabalik ng dalawa sa upuan.
“nakita ko kung gaano kahalaga ang isat isa sa inyo.kaya gamitin nyo ang tig isang batong iyan at ingatan.maaari kayong mag usap sa pamamagitan ng isipan gamit yan.basta ilagay lang sa dibdib at tawagin ng tatlong beses ang pangalan.maririnig nyo ang boses at salita ng bawat isa kahit gaano pa kayo kalayo,kahit nasaan pa kayo.”sabi ni jerard.
Malungkot man ay natuwa na rin si demeter.
“Salamat po lolo jerard.”sabi ni demeter at ngumiti.
Ngumiti naman ang matanda para sa kanilang dalawa.
Nagsara sa mabuting unawaan ang usapan at sinuportahan ni demeter ang misyon ni daryl.
Iningatan ni daryl at demeter ang mga bato at inilagay iyon kung saan hindi mawawala.
Ginamit ni daryl na pagkakataon ang araw na iyon para maghanda sa gagawing paglalakbay at makapagpasalamat kay pietro.
“holy guide demeter,lolo jerard.iwanan ko po muna kayo at hindi pa po ako nakakapagpaalam kay sir pietro.baka hanapin po ako.”sabi ni daryl.
“tanghali na lagot ka.”biro ni jerard.
“hihihi.bilisan mo na.”sabi ni demeter.
Nagtungo ang binata sa palasyo.
Nakausap ang busyng hari at tumuloy sa garden clubhouse ng 4 na royal guard.
Agad sinalubong ni minerva si daryl at excited na hinila sa kamay.
“Hi pogi! …wow!,.ulala. ang hot naman ng katawan mo,parehas kayo ni victor.ang yummyyyy!.hihihi.kamusta na ang training mo?”sabi ni minerva.
Nahiya naman si victor at namula sa kahalayan ni minerva,kumaway kay daryl at muling bumalik sa pagbabasa.
Naiiba ang level reader ni agustos.kayat madali nitong nakita ang level kay daryl at nagulat.
“Aba at mukang,naturuan ka ng maayos ni pietro.”sabi ni agustos.
“Hump!.anong tinuruan.eh hindi naman umaalis dito yan damulag na yan.blehhh!”sabi ni minerva na noon ay naiinis at palaging pinipigilan ni pietro na gambalain si daryl sa gym.
“Hahaha.iniingatan ko lang sya sayo.hindi ko papayagan na halayin mo ang estudyante ko.”sabi ni pietro.
“Hump!.selos ka lang kasi.che!.”sabi ni minerva.
“bakit nandito ka?.dibat may training ka pa?”sabi ni pietro na wala talagang idea sa nangyari kahapon sa gym.
“Magpapaalam na po sana ako sir pietro,may kailangan po kasi akong gawin.salamat po sa mga naituro nyo.malaking tulong po .”sabi ni daryl.
“Huh?!.sapat na ba ang pagsasanay mo.”sabi ni pietro.
“kung ganon.pwede ko bang makita?”sabi ni pietro.
Tahimik lang si agustos at nagkainteres sa laban ng dalawa
Kasama sa mga ability na binigyang focus ni daryl ang martial arts bukod pa sa swords and other weapons.
At sa ganitong paraan sya gustong subukin ni pietro.
Noong unang beses na binigla sya ni pietro ng pag atake ay tumilapon ang binata.ngunit sa pagkakataong iyon ay nagulat si pietro at hindi natinag si daryl sa pagkakatayo at agad na napansin ang pulang yudo.
“Hahaha.pinapahanga mo talaga ako bata.humanda ka dahil hindi ako magiging mabait.”sabi ni pietro na biglang na excited na makita ang progreso ng napakabilis na growth at improvement ni daryl.
Ganoon din naman ang binata upang subukin ang kanyang bagong lakas laban sa royal guard.
Agad gumamit ng push at pull si pietro at ganoon din si daryl.
Sabay na nagtagisan ng lakas,bilis at tibay.
Hindi makapaniwala si minerva at victor sa kanilang nakikita.
Habang si agustos naman na inaasahan na ang lakas ni daryl dahil nakita iyon sa kanyang salamin.
“Napakalaki na ng ipinag bago mo.binabati kita.”sabi ni Agustos sa kanyang isipan habang pinapanood si daryl.
“aba at nakukuha mo na akong pantayan.parang gusto ko nang mainsulto nyan.ako ang master dito.”biro ni pietro.at itinaas pa ang lakas na ginagamit na panukat sa lakas ni daryl.
“salamat po master.”sabi ni daryl na hindi rin nagpapatalo at pilit na pinapantayan ang master.
Hanggang sa matapos ang laban sa isang malakas na sunok ng kanilang mga kamaong may yudo.
Nayanig ang lupa sa lakas ng pwersang nagsalpukan at nagngitian ang dalawa.
“kahanga hanga ka talaga bata.kaunti nalang at malalagpasan mo na ang lakas ko.sige na.handa ka na.maari mo parin gamitin ang gym kung gusto mo.at dadalaw dalawin mo kami at mag iinuman uli tayo.hahahaha.”sabi ni pietro habang nakaakbay kay daryl.
“Wow.wala akong masabi.halimaw ka na din pogi.hihihi.”sabi ni minerva.
“hehehe.(hiya).hindi naman po kung ikukumpara po sa inyong lahat.”sabi ni daryl.
“naks naman.ang humble mo talaga pogi.pakiss nga.uuummmmwaaa.”sabi ni minerva sabay halik sa labi ni daryl dahil sa paghanga nito.
Nagulat naman ang binata at natulala.
“Reward mo yan sakin.hihihi!. napakabilis mong matuto .welcome sa mundo ng mga power class,nalagpasan mo na ang elite 7.at kung lilibutin mo ang buong mundo ng heavens art.masmarami pang katulad natin ang makikilala mo.hihi.”sabi ni minerva at kumindat.
Naghain ng tigitigisang  baso ng matapang na alak si agustos.
“Para kay daryl!.kampaaiii!!”sigaw ng lahat.
“Hahaha.inuubo ka parin sa alak.mukang yan ang dapat mong aralin.para sa susunod ay hindi ka agad nalalasing.hahaha.”sabi ni pietro.
“Maitanong ko lang po.bakit hindi nyo po ituro sa iba ang nalalaman ninyo.napaka effective po nito sa laban.”sabi ni daryl
“alam mo daryl.ang pagkakaroon ng kapangyarihan gaya nang natutunan mo ay isang responsibilidad.hindi lahat ng tao ay karapatdapat dahil madalas ay nabubulagan sila sa kapangyarihan at nagiging masama.na sanay wag mangyari sa iyo.buo ang tiwala namin at nang hari sayo daryl.”sabi ni agustos.
“kaya kung lahat sila ay matututo.hindi natin alam kung saan nila gagamitin ang ganitong karunungan.kaya kung gusto nilang matuto,dapat ay matuto rin silang magpakumbaba at patunayan ang malinis nilang hangarin.at doon lang namin bibigyan ng pagkakataon na sila ay matuto.”sabi ni minerva.
“tsk! Tsk! Tsk!..imposibleng magpakumbaba ang mga tao ngayon para humingi ng patnubay sa kapwa nya tao lalu na dito sa mundong ito na pride palagi ang umiiral at pakiramdam nila ay kaya naman nilang gawin sa sarili nilang pamamaraan.so hindi namin kailangan magturo.kainin muna nila ang pride nila.at patunayan ang sarili.”sabi ni pietro.
“tama naman po kayo.maraming salamat po ulit sa inyong lahat.”sabi ni daryl.
At nagsipag ngiti ang apat na royal guard.
“Hindi na po ako magtatagal.dumaan lang po talaga ako para magpaalam at para isoli itong susi ng gym.”sabi ni daryl.
Umiling si pietro at hindi tinanggap ang susi.
“Para sayo talaga yan,gamitin mo ang gym ano mang oras mo gustohin.simula ngayon ay bahagi ka na ng royal guard family.”sabi ni pietro.
“salamat po!.”sabi ni daryl  at yumuko tanda ng paggalang.
Nilisan ni daryl ang palasyo ng may kasiyahan at respeto ng 4 na royal raider guard.
At habang papalayo ang binata ay hindi parin makapaniwala ang 4 na royal guard kung paano nagawa ng binata na matuto at lumakas sa loob ng maiikling panahon.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon