9.thinker forrest anima

246 40 1
                                    

Dahil tuluyan nang nagtago ang mga baboon ay napilitan nang tumigil ang dalawa sa ilalim ng malaki at matandang puno para kumain ng tanghalian.
“pano na yan kuya.parang ayaw na nilang magpakita satin.”sabi ni mia.
“Oo nga eh.ilan pa ba ang kulang sa quota ko.”sabi ni daryl.
“67 palang kuya at isang malaki.natatakot na kasi sila sayo.”sabi ni mia.
“siguro nga.mahabang oras din kasi ang nakunsumo ko doon sa malaking halimaw.pero di bale.kakayanin pa natin yan.hindi pa naman ako pagod.doon tayo pupunta.baka doon hindi na tayo kilala ng mga baboon.”sabi ni daryl.
“Okie.kuya palit tayo.akin nalang yung chicken mo ayoko nitong gulay eh.”sabi ni mia.
“ang lakas mong kumain ng karne.pano kang lalaki nyan.kaya nga pinabaunan tayo ng gulay eh.pag may natira dyan,papagalitan ka ni holy guide demeter.sige ka.”sabi ni daryl habang nag eenjoy sa kanilang tanghalian.
“hindi masarap eh.”sabi ni mia.
“bahala ka ubusin mo yan.”sabi ni daryl.
Habang abala ang dalawa sa panang halian ay may nakita silang matandang babae na bigla nalang hinimatay sa di kalayuan.
Agad na pinuntahan ni daryl at binuhat upang isilong sa kinaroronan ni mia.
“Lola ano po ang nagyari sa inyo?.ayos lang po ba kayo?”sabi ni daryl.
Nang biglang kumalam ang sikmura ng matandang babae.
“Maaari bang bigyan nyo ako ng makakain kahit kaunti lang.”sabi ng matanda.
“Mia.iabot mo nga sakin ang pagkain ko.”sabi ni daryl.
“heto po.kayo na po ang kumain nyan.”sabi ni daryl.
“Maraming salamat ginoo.pero paano ka.”sabi ng matanda.
“nakakain naman na po ako ng kaunti.sapat na po yon.mas kailangan nyo po yan para makabawi kayo ng lakas.”sabi ni daryl.
Sinamantala naman ni mia ang sitwasyon.
“lola eto pa po oh.madami pa po akong gulay.”sabi ni mia.
Sinimplehan ni daryl si mia at binulungan.
“Style mo ha...”sabi ni daryl.
“ahihihi.peace kuya.”sabi ni mia.
Hinayaan nilang makakain ang matanda at masayang pinagmamasdan ng dalawa.
“Lola.bakit po kayo naglilibot dito.hindi po ba kayo natatakot.”sabi ni mia dahil nakikita nya sa kanyang eyeglass level reader na lvl3 lang ang matanda.
“isa din akong looting adventurer katulad mo.pero masyado na akong matanda at pabigat kaya iniwan ako ng grupo ko.”sabi ng madungis na matanda.
“ang salbahe namn nila.bakit dito pa.ang daming monster dito eh.”sabi ni mia.
“ganyan talaga ang buhay.kapag wala kang silbi,iiwanan ka na nila.”sabi ng matanda.
“Kasi po bad sila.pero ang kuya ko po.mabait sya.ipagtatanggol nya lahat ng naaapi.hayaan nyo po at dadalin po namin kayo doon sa great wall para malayo kayo sa disgrasya.”sabi ni mia.
“Napakabait mong bata,ikaw din ginoo.nakikita ko kung paano mo alagaan ang batang ito.”sabi ng matanda.
“simula po nang makita ko sya.alam ko nang mabait syang bata.kaya itinuring ko na pong kapatid.”sabi ni daryl.
“maraming salamat sa pagkain,at sa inaalok nyong tulong pero hindi ko yun matatangagap,kailangan ko na kayong iwan at baka manganib ang buhay ninyong dalawa.”sabi ng matanda at pilit na tumayo.
Nagtaka naman si daryl dahil masmataas pa ang lvl nito sa matanda kung bakit nasabi iyon ng matanda sa kanila.
Kayat susubukan na pigilan upang tulungan sana kung ano man ang kinatatakutan ng matanda ay bigla nalang itong nawala ng makubli sa makapal na halaman.
“Huh?!nasaan na .?”sabi ni daryl.
“Kuya.nawala?!”sabi ni mia.
“Oo eh.ang bilis.saan kaya gumawi?”sabi ni daryl habang hinahanap sa buong paligid.
Nang biglang matanaw ni daryl ang pulutong ng mga forrest thinker wolf na nagtatakbuhan sa di kalayuan na tila may hinahabol.
Agad na hinila ni daryl si mia upang yumuko.
“Wolf ba yun kuya?”sabi ni mia.
“Oo.malaking klase ng wolf.malaki pa sa kabayo.”sabi ni daryl.
“nakakatakot naman yon.sa tingin mo malakas din yun.baka makita nila si lola kuya.kawawa naman hanapin natin.”sabi ni mia.
Kinabahan bigla ang binata ngunit naghahati ang kanyang suspetya dahil sa layo ng mga thinker wolf ay napakaimposibleng makarating doon ang matanda na noon ay mabagal maglakad bago nawala.
“imposible naman siguro na hinahabol sya ng mga wolf na yun.nandito lang sya kanina eh.”sabi ni daryl.
“Oo nga kuya.pero pano kung sya pala yung hinahabol.kaya sabi nya kanina.delikado daw.”sabi ni mia.
“Sa bagay pwede rin naman.ang bilis nawala eh.sige hanapin natin.”sabi ni daryl na noon ay kinabahan para sa matanda.
Dahan dahan nilang sinundan ang mga thinker wolf na noon ay umaatake din sa mga nasasalubong na baboon at kinakain ang mga katawan at naiiwan ang ulo na sya namng pinupulot ni mia.
Ang giant wolf  ay hindi halimaw kayat wala sa talaan ng monsterphedia nang tignan ito ni daryl,isa itong uri ng hayop sa heavens art world na may roon din level growth katulad ng tao at nagagamit din na sasakyan gaya ng kabayo.
Ngunit ang thinker wolf na sinusundan nila ay naiibang uri at bihirang magpakita sa mga tao.
Sinamantala nila ang pagsunod at sila man ay pumapaslang ng mga sumusugod na baboon na naggaling sa kabilang bahagi ng forrest kayat hindi alam ang kanilang nagawa at malalakas ang loob na sumsusgod.
Sa kakasunod ng dalawa ay nakarating sila sa edge ng kagubatan kung saan tumalon ang mga thinker wolf.
At nang silipin nila sa ibaba ng bangin ay nakita nila doon ang isang thinker wolf na pinagtutulungan at lupaypay nang pinag wawagwagan ng kapwa lima pang mga thinker wolf.
Tahimik lang silang nanonood.
Nang biglang magpalit anyo ang mga ito na parang mga taong werewolf.
Ito pala ang tinatawag na anima sa heavens art world.mga hayop ito na nagpapalit anyo na kasing wangis ng tao ngunit ang pag iisip ay katulad din ng mga tao.magical ang mga creature na ito at mahirap paamuin at kaibiganin.ngunit natural born ang pagiging obidient sa oras na umamo ito sa isang tao.nagtataglay din ng mga simple magic skills bilang defense mechanism ng kanilang katawan.
Sa kasalukuyang panahon ay nagco-coexist na ang ilan sa mga ito bilang pet ng mga mayayamang tao at mga raider ,ang iba naman ay tinatakot upang pasunurin at maging alipin.
Walang idea ang dalawa na may ganoong uri pala ng nilalang na noon lang nila nakitang nagpalit nang anyo.
Ngunit ang katotohanan ay nasasalubong na nila ang mga anima sa kabayanan na hindi lang nalalaman dahil hindi naman nila alam ang anima.
“kuya.kawawa naman yung isa oh.”sabi ni mia.
“shh.wag kang maingay.baka makita tayo.”sabi ni.daryl.
Papatayin na sana ng isa sa mga thinker wolf ang lupaypay na thinker wolf ng biglang kumislot si mia at hindi sinasadyang gumalaw ang halaman sa tabi.
Natigilan ang mga thinker wolf sa kaluskos ng halaman  at napalingon sa itaas at nakitang nakasilip ang dalawa, gaya ng mailap na hayop ay dali daling nagpalit anyo muli sa pagiging thinker wolf at tumakbo palayo.
Natakot ang dalawa sa pag aakalang susugurin sila ng mga thinker wolf ngunit nagulat pa nang magtatakbo palayo ang mga ito kayat nawala ang kanilang takot sa nakakatakot na itsura ng malaking wolf.
“nye?!.natakot yata kuya.hindi naman pala sila dilikado.halika  tulungan natin yung isa.”sabi ni mia.
“Sa tingin ko nga dahil mailap sila.pero hindi ibig sabihin non ay hindi na sila delikado.ingat parin tayo.”sabi ni daryl na noon ay may roon paring kaunting kaba.
Nilingon ni daryl ang mga nagtatakbuhang thinker wolf at mabilis itong nakalayo at nawala.
Habang papalapit ang dalawa sa nanghihinang thinker wolf na noon ay pilit parin na gusto din tumakas ay unti unting nagpalit anyo ang thinker wolf sa pagiging taong werewolf at parang apiapihan itong namaluktot na pilit iginigitgit ang lamog na katawan sa dingding ng bangin.
Maamo ang muka nito na halatang iniinda ang matinding sakit at wala nang lakas pa para lumaban.
Sugat sugat ang balat nito sa buong katawan na natatakpan ng makapal at malambot na nabalahibo dahil sa kagat ng kapwa thinker wolves.
Lamog ang mga kalamanan kayat hindi na makatayo.
Dahan dahan na inilapit ni daryl ang kanyang kamay upang hawakan ang thinker wolf na isinusunggab ang kanyang kagat na nagpapakita parin ng ilap.
“wag kang matakot kaibigan.hindi kami kalaban.gusto ka lang namin tulungan.”sabi ni daril habang nakatitig sa mata ng thinker wolf at unti unting inilalapit ang kamay para iparating ang mabuti nilang intensyon.
Dahan dahan na umikom ang bibig nang thinker wolf at hinayaang mahawakan sya ng binata sa kanyang ulo na parang isang maamong tuta.
Maya maya pa ay kumakawag na ng mahina  ang buntot nito na nagpapahiwatig ng pakikipagkaibigan, ngunit unti unti narin nawalan ng malay.
Agad na ginamitan ng first aide kit na dala ni mia ang walang malay na lobo.
Nagpasya ang dalawa na iuwi ang thinker wolf dahil narin sa pangungulit ni mia na ginusto rin ni daryl dahil maawain ito sa mga hayop.
Kayat kinuha ni daryl sa kanyang dimensia grimoir ang cart ni mia at isinakay doon ang werewolf form thinker wolf dahil masmalaki pa ito sa kanya.
“uuwi na tayo mia.para maipagamot natin ng maayos itong lobo.”sabi ni daryl.
“opo kuya.sakto rin naman yung quota mo eh.ang dami mo din napatay kanina habang sinusundan natin sila.tsaka kawawa naman yung wolf oh.”sabi ni mia.
“halika na.kailangan na natin magmadali.mamaya sa bayan.ikaw nalang ang pumunta sa guild house para papalitan yang mga ulo sa backpack mo.mauuna na ako sa ospital.sumunod ka nalang.”sabi ni daryl.
“Opo kuya.ako nang bahala dito.”sabi ni mia.
Isinakay ng binata sa cart ang werewolf at tinakpan ng malalaking dahon ng gabi upang hindi mainitan sa sikat ng araw.
Hindi na sila tumigil pa sa paglalakad sa pag aalala na baka mamatay ang dala nilang hayop.
Nang marating ang bayan ay naghiwalay na ang dalawa gaya ng napagusapan.
Ang ospital ng bayan ay sya ring ospital para sa mga hayop sa ika anim na  palapag
At doon dinala ni daryl ang hayop.
alam agad nang mga  veterinarian mages na anima ang dala ni daryl dahil sa anyo nitong werewolf, kayat alam na nila ang kaukulang pangagamot para dito.
Katulad parin ng nakagawiang kultura ay magic ang pundasyon ng kanilang pangagamot kayat masligtas at masmabilis ang ipekto kahit sa malulubhang kalagayan ng pasyente.
Ngunit sa kalagayan ng thinker werewolf ay kailangan pa nitong obserbahan at palakasin ng buong magdamag dahil sa dinanas nitong pinsala sa buong katawan na kanila namang naagapan.
Lumapit ang veterinarian mage doctor kay daryl.
“kayo po ba ang owner ng anima wolf.”sabi ng mage doctor.
“ako nga po at ang kapatid ko.pero kanina lang po namin sya nakita sa gubat.”sabi ni daryl.
“I see.so bagong tame lang po pala ang anima.wag na po kayong mag alala at maayos na sya.bukas ay pwede nyo na syang ilabas.paki fill up nalang po ang registration paper para sa Inyong anima para sa tuwing magpapacheckup po kayo ay may sariling ID na po ang anima.para maging ligal ang ownership ninyo dito sa lemuria kingdom.”sabi ng mage doctor.
“sige po.salamat po doc.”sabi  ni daryl.
Matapos fillupan ay agad din ipinasa ni daryl ang registration paper at sa loob lang ng limang minuto ay rehistrado na ang anima at may ID na ito.
“wow.ang bilis lang pala.”sabi ni daryl.
Samantala, si mia naman ay nakaabot narin sa guild house kung saan si cherry ang madalas na kausap.
“ang tindi talaga ng kuya mo mia.ngayon naman ay boss baboon trol.palakas na sya ng palakas.proud na paroud ako sa inyong dalawa.”sabi ni cherry.
“syempre po ate.magaling po ang kuya ko eh.kaya lang nahihirapan din sya.”sabi ni mia.
“Dahil hindi pangkaraniwan ang boss monster.”sabi ni cherry.
“natakot nga po ako kanina.hihihi.”sabi ni mia.
Matapos makuha ang bayad ay agad na sumunod sa ospital kung saan naghihintay sa lobby si daryl.
“kuya nasaan na sya?”sabi ni mia.
“ok na.bukas daw ay pwede na natin syang balikan.inoobserbahan pa kasi kaya hindi pa pwedeng lapitan.halika na umuwi na tayo.”sabi ni daryl.
“Ah ok.kala ko masisilip ko pa sya.hihihi.okie.”sabi ni mia.
“kanina pala,ipinarehistro ko sya.ang pangalan nya ay edge dahil doon natin sya nakita sa edge ng bangin.tsaka lalaki sya.”sabi ni daryl.
“Wow!!.ang ganda naman ng name nya kuya.si edge.sa tingin mo maisasama kaya natin sya sa raid.para papasan ako palagi sa likod nya.”sabi ni mia.
“Hindi ko pa alam eh.malalaman natin bukas kung susunod sya satin.pero kung ayaw nya.ibabalik natin sya sa gubat.”sabi ni daryl.
“oyyy sayang naman.”sabi ni mia.
Nang makauwi ang dalawa sa kanilang sambahan ay nagulat pa ang mga ito at hindi pa makapaniwala.
ang sambahan ay hindi na tagpitagpi  at maspinaganda at pinaluwang.
Ang dating gulayan ay naging training gym at may naiwan pang mini garden sa harapan na natatakpan na ng maayos na bakod at gate.
“o daryl!mia!.ang aga nyo yata,halina kayo.”sabi ni.demeter.
Nganga ang dalawa  dahil sa malaking pagbabago ng sambahan at dahan dahan na pumapasok.
Maging ang loob ay sobrang liwanag at maaliwalas at maganda.
“ahm.kelan po ito ginawa,parang kaninang umagalang,luma pa ito ng umalis kami?”sabi ni daryl.
“Oo nga po ate holy guide demeter.”sabi ni mia.
“Hihihi.ako man ay nagulat sa sobrang ganda ng bahay natin ngayon.pangako ito sa atin ng hari di ba?.nagpadala sya kaninang umaga ng mga mage worker.ang dami nila at mabilis lang na tinapos ang bahay natin.nagustohan nyo ba?.nagpalagay ako ng training gym sa tabi ng altar para may training room kayo.hihihi.”sabi ni demeter.
“waow!.astigen.oo naman po.kala nga po namin hindi sa atin to.hindi namin nakilala.pero napakaganda po.”sabi ni daryl.
“Ayos!!ang luwang pala ng gym.ang ganda.hahaha.pwedeng mag practice dito kuya!”sabi ni mia habang nagtatatalon sa loob ng gym.
“hindi ko ipinaiba ang disenyo ng bahay,niluwangan lang nila at karagdagan lang yung gym.”sabi ni demeter na noon ay naka apron pa at naghahanda ng lulutuin.
“Ok na ok po. Holy guide demeter.tulong tulong nalang po tayo sa paglilinis.para hindi naman kayo mapagod nang husto.”sabi ni daryl.
“hindi na.kaya ko na to.pagod na kayo sa maghapon.”sabi ni demeter at nagkatitigan ang dalawa na halata naman na nagkakagustuhan.
Kinahapunan matapos makapaglinis ng dalawa na masmaagang dumating kay bela ay muling sinilip ng goddess ang growth ni daryl.
“wow!impressive.from lvl 12 to lvl 18.anim na lvl ang itinas mo at may 4 points additional spirit essence stat ka pang naipon na karamihan ay galing sa boss baboon.
At may tatlong bagong ability ka pa galing sa bago mong katana.
Ang sabi dito ay soul sense,soul breath,at sensitive parry.maraming beses mo itong ginamit kanina at massive ang increase ng mga natural primary fighting  ability mo.
Ang mga skills mo ay nagkaroon ng bagong form.masmalakas na sila ng higit kaysa sa dati.pwede mo nang magamit kahit may distansya ka sa kalaban dahil parin yon sa ginagamit mong katana.
Eto pa ang isa.may namumuong   bagong ability at skill pero malabu pa sya(trow knife ability,multiple attack ability/hyper multiple attack speed).maaring kamontik montikan mo na itong mahit kanina.”sabi ni demeter.
“Kaya po pala iba ang pakiramdam ko ngayon,kanina nararadama at  naririnig ko po ang mga halimaw kahit saan pa sila magtago hanggat tumutunog ang katana.parang nakikita ko na rin sila.tapos yung talim ng katana parang kakaiba,may pwersang parang tinutulungan ng hangin na pakiramdam ko ay kayang hiwain ang lahat ng bagay.nihindi ko nga po maramdaman ang mga hinihiwa kong laman at buto.”sabi ni daryl.
“im happy for you daryl.produkto yan ng mabilis mong progress.”sabi ni demeter.
“Ate holy guide demeter.ako naman po.meron din ba akong ganyan.”sabi ni mia.
“ay oo naman.halika nga tignan ko.”sabi ni demeter.
At ginamit ang bless magic kay mia.
“walang progress ang level mo.pero tumataas ang mga ability mo.at may isang skill kang natuklasan.galing ito sa madalas mong ginagawa.halika at ienhance ko sa memory mo para hindi mo makalimutan at mamaster mo gaya ng kuya daryl mo.tawagin nalang  natin na head cutter.”sabi ni demeter.
“Yehey!!.kuya narinig mo.may skill na rin ako.”sabi ni mia.
“Oo naman.ikaw yata ang pinaka magaling na head looter adventurer raider.”sabi ni daryl.
“Congratulations!!.”sabi ni demeter.
Maya maya pa ay dumating na si bela at agad na ipinagyabang ni mia ang kanyang skill na ikinatuwa din naman ni bela.
Dumating si bela at ganun din ang naging reaksyon nang makita ang bagong sambahan.
Gaya ng ginawa ni demeter sa dalawa ay nagcheck din ng progress kay bela.
“level 13 ka na bela,at ang potion crafting ability mo ay massive din ang increase.may improvement din ang potion react skill mo from 10 to 20% efficency kapag gumagamit ka ng ability enhancement potion,nadagdagan na din ang power ng throw potion skill mo,masmalayo na ang bato mo.at may bagong ability ka.dager play at melee combat?.nag aaral ka pala ng bagong weapon?”sabi ni demeter.
“opo holy guide demeter.madalas po kasi kapag nakalapit na ang halimaw.hindi ko na alam ang gagawin.kaya nag aaral na din po ako ang melee combat.”sabi ni bela.
“ang ganda ng progress ninyong lahat.masaya ako para sa inyo.”sabi ni demeter.
“nakapag check na po kayo kay daryl?”sabi ni bela.
“yup.kanina pa.maaga kasi silang nakauwi.”sabi ni demeter.
Interesado ang dalaga na malaman ang lvl ni daryl kayat isinoot ang level reader eyeglass.
Kasalukuyang nasa gym si daryl at mia na noon ay nagsasanay ng target knife habang si mia ang tagapulot ng mga kutsilyo.
Agad sinilip ni bela at nagulat ito sa progress ni daryl.
“Ha?!.apat na araw palang silang nagreraid lvl 18 na agad.wow!.samantalang ako matagal na kong raider ito palang ang progress ko.dapat siguro ay sumama na ako sa kanila.”sabi ni bela.
Habang naghahanda ng hapunan at abala sa kusina si demeter.ay lumapit si bela sa dalawa na nagkakasiyahan dahil sumasablay ang mga hagis ni daryl.
“mukang nagkakasiyahan kayo ha?”sabi ni bela.
“hi ate bela!.opo si kuya kasi sumasablay .hahaha.”sabi ni mia.
“nag aaral pala kyo ng target knife.ang bilis ng level mo daryl.ano ba ang ginagawa nyong dalawa.share mo naman sakin.ang tagal ko nang raider pero ang bagal ng progress ko.”sabi ni bela.
“ah eh.wala naman espesyal,palaging tagapulot lang si mia.ako ang pumapatay.noong masimulan kong maka 80 goblin.naging quota ko na yun,lahat ng monster na target namin ni mia.palaging 80 pataas ang quota ko.hindi namin yon titigilan hanggat hindi namin yon nagagawa.”sabi ni daryl.
“opo ate.kailangan po palagi ganoon.para palaging puno ang cart namin ni kuya.”sabi ni mia
“wow.Ang dami pala.kinakaya mo yon?”sabi ni bela.
“yup.ang intensyon ko lang naman talaga ay makaipon kami ng sapat na pera ni mia.kasi noon hindi kumakain ng maayos ang bata.pero ngayon,ang goal namin ay makapasok sa mga dungeon.kaya parang training na din na may hinahabol kang quota araw araw.”sabi ni daryl.
“ang ganda pala ng goal nyo.pwede pa ba akong sumali.pasensya ka na, ako dapat ang kasama mo noong unang araw mo.”sabi ni bela.
“ayos lang yon.hindi mo naman kasalanan.naiintindihan ko.tsaka palagi ka naman welcome sa grupo.hinihintay ka nga lang namin ni mia.di ba mia?”sabi ni mia.
“Opo ate.sabi nga po ni kuya.pwede ka na daw bukas.sasama ka na samin?”sabi ni mia.
“oo naman.salamat!”sabi ni bela at naging masaya.
“alam mo daryl.nakakahiya man aminin pero.masmagaling ka pa ngayon sa akin.ano sa palagay mo ang mali sa paraan ko,bakit hindi ako nag lelevel?”sabi ni bela.
“ahm hindi ko alam eh.pero sige susubukan ko.baka may maitulong ako sayo.paano ba ang paraan ng raid nyo?”sabi ni daryl.
“support ako palagi ng explosive potion para masaktan ang kalaban para masmadali na silang patayin ng mga kasama ko,kaya madalas kasama ako ng mage sa likod.”sabi ni bela.
“base on experience namin ni mia.parang si mia ka pala.kaso lang si mia hindi bumabato ng explosive.kaya lahat ng expirience napupunta sakin kasi ako ang lumalaban at pumapatay.baka ang rules talaga ng power growth dito sa heavens art ay rate ng  pakikipaglaban.the more na na eexpose ka sa maraming laban at patayan sa halimaw.the more na lalakas ka.sa paraan mo.
dahil nasasaktan mo lang ang monster at walang masyadong effort.kakaunti ang experience na nakukuha mo at napupunta lahat sa mga kasama mo dahil sila ang mas gumagalaw at nag eeffort.bakit hindi mo subukan ikaw naman ang lumalaban.”sabi ni daryl.
“natatakot kasi ako eh.”sabi ni bela.
“kahit naman ako,at si mia,pero ang importante.wag kang mabblanko at wag mong hayaan na kainin ka ng takot para kahit kinakabahan o natatakot man,makukuha mo parin umisip ng paraan at lumaban.
tao lang tayo.kapag hindi ka na nakakatamdam ng takot.baka iba ka na?”sabi ni daryl.
“sige mula ngayon,pagbubutihan ko na ang paggamit sa dagger.para may close combat ability ako.at makikinig ako sa sasabihin mo.”sabi ni bela.
“Hayaan mo ate.basta kasama mo si kuya.safe ka palagi.di ba kuya?”sabi ni mia.
Napangiti naman si daryl.
“anong plano bukas?”sabi ni bela.
“siguro doon muna tayo sa baboon.masarap din silang kalaban at magaling silang umiwas.makakapag practice tayo doon ng mabuti.pero ingat din at alam mo na.delikado parin sila.tsaka nga pala dadaan muna tayo sa ospital.nandoon pa si edge.”sabi ni daryl.
“Ay oo ate.magugustuhan mo si edge.nakakatakot sila nung una.pero mabait naman sya.kaya sana sumama sya satin.kasi sabi ni kuya.pag ayaw daw ni edge.ibabalik nya sa gubat.”sabi ni mia.
“sino ba si edge?”sabi ni bela na walang idea.
“Ang sabi ng doctor,anima  daw.parang pet.pero sa laki non.hindi papayag na maging pet yun.tsaka wala naman akong intensyon gawin syang pet.kung sakasakali basta kasama lang natin sya,part din ng pamilya.”sabi ni daryl.
“anima?!.ang lupit nyo talagang dalawa,nahihiwagaan tuloy ako dyan kay edge.”sabi ni bela.
“Oy kain na tayo.ready na dinner.”sabi  ni demeter at nagsipag hapunan.
Habang kasalukuyan ang kanilang pagkain ay biglang may kumakatok sa gate.
Kayat nilabas ito ni daryl.
Ang tao sa gate ay nurse sa veterinarian hospital.
“magandang gabi po sir.pasensya na po sa abala.kailangan po kasi namin ang presence ni sir daryl sa ospital at hindi po namin malapitan si edge.nagwawala po sa kwarto nya.baka sakaling  mapakalma  po sya ni sir daryl.”sabi ng nurse.
“ganun po ba?!.ako po si daryl.sige po at sasama na po ako.magpapaalam lang ako sa loob.”sabi ni daryl na pakiramdam nito ay responsibilidad nya si edge.
Maliit lang ang dalang karwahe ng nurse kayat si daryl lang ang  naisama.
Pagpasok sa ospital ay nagkakagulo sa sa labas ng kawarto ni edge.dahil pilit na lumalabas ang thinker werewolf mabuti nalang at sarado ng rehas ang mga bintana at pinto.
Nagwawala ang werewolf at inaangilan ang sino mang lumapit sa pinto.
Hanggang sa makita nito sa daryl na noon ay kasama ng nurse.
“edge!!”sigaw ni daryl kahit hindi pa alam ng thinker werewolf ang bago nyang pangalan.
Agad nakilala ng thinker werewolf ang taong tumulong sa kanya.kayat dahan dahan itong huminto at nakipagtitigan kay daryl.
Huminto sa ginagawang pagwawala at parang maamong tuta nahumarap kay daryl at kumawag ang buntot.
“sige nurse.papasok po ako sa loob.”sabi ni daryl na noon ay kinakabahan din.
Agad isinara ang rehas na pinto nang makapasok si daryl.
Dahan dahan nyang nilapitan ang werewolf na hindi kumikibo at hinhintay na dumampi ang kanyang kamay sa ulo.
Hanggang sa mahawakan muli ang werewolf at unti unting nawala ang kaba ni daryl at himas na ang ulo ng malaking werewolf na nakaupo sa kanyang harapan at natutuwa sa himas ng kanyang kamat.
“wag ka nang matakot.pasensya ka na kung inilayo kita sa tirahan mo.hindi kasi ako marunong manggamot kaya dinala kita dito.hayaan mo at ibabalik din kita bukas.”sabi ni daryl sa napakaamong werewolf.
Nang biglang magsalita ang werewolf na ang boses ay parang 6 nataong gulang na bata.
“salamat po master.ano po ang pangalan ninyo?”sabi ng werewolf.
“huh?!.nagsasalita ka?”sabi ni daryl.
“Opo master.gusto ko pong sumama sa inyo.ayoko po sa kanila.”sabi ng werewolf.
“wow!.unbelievable..ako si daryl.ikaw anong pangalan mo.?”sabi ni daryl.
“hindi ko po alam,wala naman po kaming pangalan.”sabi ng werewolf.
“gusto mong sumama sakin?sigurado ka?”sabi ni daryl.
“opo master daryl.pinakain nyo po ako ng masarap na tangahalian at iniligtas nyo pa po ang buhay ko.kayat gusto ko po kayong paglingkuran,ayoko na po bumalik sa mga kapatid ko.papatayin lang nila ako dahil ako ang pinakamahina sa aming magkakapatid”sabi ng werewolf.
“ha?!.ibig mong sabihin.ikaw din yung matanda?”sabi ni daryl.
“Opo.bahagi po iyon ng mahika namin upang depensahan ang aming mga sarili sa panganib ng masasamang tao.pero iba ka po master.hindi ka nila katulad.sige na po.tanggapin nyo na po ako.”pagmamakaawa ng werewolf.
“sige.pero hindi pwedeng ganito na nagwawala ka ha.tsaka kailangan mong makinig sa mga sasabihin ko.mapipilitan akong ibalik ka sa gubat kapag nagwalaka ulit.”sabi ni daryl.
Bumilis ang kawag ng buntot ng werewolf at hindi napigilang sumaya.
“salamat po mastery daryl.pangako makikinig po ako sa lahat ng sasabihin ninyo at susundin lahat ng ipag uutos nyo.bigyan nyo po ako ng pangalan at habang buhay akong magiging tapat sa inyo.”sabi ng werewolf.
Ang usapan palang iyon.na humihingi ng pangalan ay natural na paraan ng mga anima upang ipagkaloob ang katapatan sa kanilang napipiling master.ang tawag sa gawaing ito ay masters baptism.
“ok sige.aasahan ko yan ha.walang gulo.”sabi ni daryl at ngumiti sa werewolf na may cute na boses
“opo master daryl.pangako po.”sabi ng werewolf.
“sige.simula nagyon ay tatawagin kang edge.yan ang pangalan mo.”sabi ni daryl.
“salamat po master.simula po ngayon ay edge ang pangalan ko habang buhay hanggang kamatayan.”sabi ni edge.
Humupa ang mga personel ng ospital nang makita nilang kusang loob na hiningi ng anima ang masters baptism.
“alam kong hindi ka sanay sa tao.pero dahil sasama ka sakin.kailangan masanay ka na.pero hindi mo kailangan magtiwala kaagad sa ibang tao kung nakakaramdam ka ng panganib sa kanila.sa akin at sa mga kaibigan ko lang ikaw makikinig.pero tatandaan mo.dapat alam mo kung alin ang tama at mali na sundin mo.malaya kang gawin ang iyong kagustuhan bastat magpapaalam ka lang sa akin.ayokong gagawa ka ng kaguluhan ng walang pahintulot ko.ok?”sabi ni daryl.
“opo master!”sabi ng werewolf nanoon ay magaling na ang mga sugat at nabugbog na laman,malinis na din ang balahibo at malago at malambot.
“ok.babalikan kita ha.ipagpapaalam lang kita.uuwi na tayo.”sabi ni daryl.
“opo master.hihintayin ko po kayo.”sabi ng werewolf.
Nasa pintuan lang na rehas ang doctor at narinig ang lahat ng pag uusap.
“sige sir daryl.pwede mo na syang iuwi.”sabi ng doctor.
Kayat agad nagbayad ng hospital bill ang binata upang maiuwi na ang werewolf.
Mahinahon na nakasunod ang werewolf kay daryl.
Hanggang sa marating nila ang labas ng hospital.
“Master?.gusto nyo po bang sumakay sa aking likod.hayaan nyo po na pasanin ko kayo.”sabi ng werewolf at nagpalit anyo ito bilang isang thinker giant wolf na doble ang laki sa kabayo.
“Wow astigen.sige ba.!”sabi ni daryl.
Agad dumapa si edge upang makasakay sa kanyang likod si daryl.
“Ituro nyo po ang daan at ako na po ang bahala.humawak po kayo ng mabuti.”sabi ni edge at tumakbo ng matulin.
“Woaw!!.ang bilis.wuuuuu!!!”sabi ni daryl na labis na ikinatutuwa ni edge na makitang masaya ang master.
Narating nila ang sambahan at agad na binigyan ng instruction at house rules ni daryl si edge upang maiwasan ang gulo sa loob.
dahan dahan na pumasok kasama si edge na noon ay nanatili sa anyong thinker giant wolf.
napaatras sa takot si demeter at bela kahit matagal na silang nakakakita ng giant wolf na anima.dahil rare class ang thinker wolf dahil masmalaki ito sa pangkaraniwang giant wolf na kasing laki lang ng kabayo.
Iba naman ang reaksyon ni mia dahil agad na niyakap nito ang malambot na balahibo ni edge na agad din naman nakilala ni edge.
“wow kuya.dala mo na si edge.ang ganda nya.”sabi ni mia habang niyayakap si edge na natutuwa naman kay mia.
Habang ang dalawa ay walang kibo at nakahawak sa dingding.
“ahm.holy guide demeter ,bela .ipinapakilala ko po si edge ang bagong part ng family.wag po kayong matakot.mabait naman sya at makikinig sya sa ating lahat.”sabi ni daryl.
“grabe daryl.hindi mo naman sinabi na giant wolf pala at  ganyan kalaki ang alaga mong anima.hindi ba talaga nangangagat yan.”sabi ni bela.
“hindi nga.halikayo.”sabi ni daril at sabay na hinawakan si bela at demeter para ihawak sa balahibo ni edge.
Nang makita nilang mabait talaga ay nagsiyakap narin na parang mga bata.
Tuwang tuwa naman si edge na  nakahanap ng bago nyang pamilya.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon