Hindi na nag aksaya ng oras ang binata ng sumikat na ang araw.soot ang kumpletong sandata at leader armor,habang naka gaggle at balot ng scarf ang ulo at leeg,dahil ang hangin sa disyerto ay malakas.
Mabilis na agahan sa isang karenderya at nagmadali na sa eastern gate ng usombra palabas ng tiangle dessert.
Masaya ang binata at ngayon ay may malinaw nang plano kung paano makakarating sa sky kuraki.
“thank you po bossing.kusa po talagang dumadating ang sagot kung kelan hindi iniisip.hehe.”sabi ni daryl.
Ngunit ng marating nito ang labas ng gate ay kasagsagan ang dessert storm.
kung kaya napigilan ang binata dahil hindi makita ang landas at ang makapal na buhangin dala ng bagyo na mabilis na tatabon.
Bukod pa doon ay naglalaro sa buhangin ang mga dessert bahamut level 85 katulad din sila ng mga bahamut na inaakit ng milky rain mula sa red cloud ng lemuria na minsan nang nakaharap ng binata.
“meron din palang bahamut dito.masmabuti siguro hintayin ko muna huminto ang hangin.mahirap na machambahan.”sabi ni daryl at agad na nakisilong sa mahabang waiting shed kung saan naghihintay din ang iba pang manlalakbay at pirata.
“nandyan na si moby!!.magsipagtago kayo sa gate!!!.si moby!”sigaw ng isang lalakeng nanggigilid sa great wall at paparating sa waiting shed sa kanyang pagkaripas ng pagtakbo.
Narinig iyon ng iba pang naghihintay at dali daling nagtakbuhan sa takot pabalik sa loob ng greatwall.
“tang ina pare si mobydick.sa loob tayo.”sabi ng isa sa mga naghihintay sa waiting shed habang hila ang kasama upang kumaripas ng takbo sa sobrang takot.
“huh?!mobydick?.balyena yun ah?bakit ba ano bang meron sa mobydick.”sabi ni daryl nang marinig nito ang kakaalis lang na magtropa at sinusubukang magtanong sa iba.
“tumakbo ka na!bago ka abutan.”mabilis na sabi ng isang nahawakan na nagpupumiglas sa pagmamadali.
Nagulat ang binata sa ikinikilos ng mga tao kayat kinabahan din at nakitakbo ito pabalik ng great wall.
Ilang segundo lang ang pagitan ng makatapak ang lahat sa batong sahig sa loob ng great wall nang biglang lumabas sa buhangin ang tinatawag nilang mobydick.(level 155 boss class).
Isa pala itong evolution ng bahamut.muka parin itong bahamut.ngunit masmataba ang katawan at masmalaki ang bibig na masmarami ang ngipin,wala itong paa sa buntot tulad ng iba kung kaya hindi makatayo at makaunat sa himpapawid,ngunit nabiyayaan naman ng 100 palikpik sa kahabaan ng kanyang dambuhalang bulateng katawan na nagtataglay din ng makapal,at makunat na balat at may kakayahang maglangoy sa makapal na buhangin ng disyerto na mabilis.
“woooaaaw.montik na kami dun ah.nanay siguro ng bahamut yan.bakit may palikpik?.pero malaki eh.nanay nga yan.”sabi ni daryln habang pinagmamasdan ang nagwawalang mobydick sa labas ng gate.
“kumag!mali!.hindi nila nanay yan.evolution nila yan.kapag ang isang bahamut ay lumagpas na ng level 99.yan ang nagiging itsura nila.nangangahulugan lang na marami nang napatay na tao ang isang yan kaya sya nag level ng ganyan.masmalalakas ang bahamut sa disyertong ito kung ikukumpara sa ibang lupain.”sabi ng lalake na isa sa mga kasamang tumakbo galing sa waiting shed.
“ah ganun ba!.hindi ko alam eh.ibig sabihin pala kapag nakakapatay ang monster ng tao.sila naman ang naglelevel kaya posible din pala silang lumakas.”sabi ni daryl.
“tama.hindi ka naman mukang newbie pero bakit hindi mo yun alam.”sabi ng lalake.
“pasensya na.hindi kasi ako masyadong pala balita.hehe.ako nga pala ai daryl.”sabi ni daryl.
“ako si paking.matagal na ko sa disyerto.at maraming beses na rin akong tumakas sa isang yan.problema yan ng mga manlalakabay.pansinin mo ang dami nyang malalaking peklat galing sa maraming pakikipaglaban sa mga raider na tumutugis sa kanya,kaya sya tinawag na mobydick.”sabi ni paking.
“sya nga naman.parang balyena sa buhangin.hindi mapataypatay.”sabi ni daryl.
“maya maya lang nandyan na ang raiding party ni king Rupert.(level B ,122)”sabi ni paking.
“sya ba ang hari dito?”sabi ni daryl.
“oo.si king Rupert dilamax.ang pinaka walang kwenta at durobong hari.”sabi ni paking.
“bakit naman?”sabi ni daryl kunwari walang nalalaman.
“walang nagawang maganda yan sa kaharian.hindi naman namin iniluklok sa trono yan.basta dumating nalang dito kasama ng anak nya at pinatay ang aming hari pagkatapos ay sapilitan kaming pinasunod sa batas nya bilang bagong hari.kaya nagkanda leche leche ang kahiran.ngayon ay mas kilala na ang usombra na parausan ng mga uten na nililibugan.kaya mas pinili ko pang maging pirata.kesa maglingkod sa hayop na yan.at makitang inaabuso ang mga kababayan ko dito.”sabi ni paking.
“bakit hindi nyo labanan?”sabi ni daryl.
“malakas ang hari.power class raider level B.at isa pa ay kaibigan sya ng mga kriminal na pirata.”sabi ni paking.
“wala bang power class na pwedeng kumalaban sa kanya?”sabi ni daryl.
“wala.dahil sinusuhulan nya agad at kinakaibigan ang mga posibleng humamon sa kanya.nagpapasuhol naman ang mga hayop.sariwang katawan ng babae lang katapat nila.”sabi ni paking.
“kahirap pala.”sabi ni daryl.
“oo kaya nang makilala ko si kaptain bronson,sumama na ko sa pangkat nya.nagnanakaw kami pero para yon sa pagtulong kay prinsesa wendy na lihim na sumasalungat sa kanyang ama.”sabi ni paking na nacarried away sa kadaldalan.
“Ahe?!kita mo nga naman.kusang lumalapit ang tulong.”sabi ni daryl sa kanyang isipan.
“Kaibigan ka pala ni wendy,kaibigan din nya ako.buti pala at nakita kita dito.hinahanap ko rin si kaptain bronson.”sabi ni daryl at ipinakita ang maliit na flag ni wendy na agad naman nakilala ni paking.
“flag nga ni prinsesa wendy yan.bakit anong kailangan mo sa kapitan?”sabi ni paking.
“makikisabay lang sana ako sa sky kuraki.”sabi ni daryl.
“yun lang pala.sige sumabay ka na sakin at dadalin kita sa kapitan.ano naman ang gagawin mo don?.hindi ka naman pirata?.mamamatay ka lang don.”sabi ni paking sa pagaakalang mahina ang binata.
“may hinahanap lang akong tao.may nakapagsabi kasi na doon ko sya matatagpuan.”pagtatakip ni daryl.
“sige ikaw ang bahala.”sabi ni paking.
Dumating na ang hari at kasalukuyang nakikipaglaban kasama ng kanyang mga royal raiders na pawang mga power class levelB raiders ng user at non magic user.
Ngunit hirap parin sa pakikipaglaban ang mga ito dahil sa hamak na masmataas ang level ng mobydick na lalong nagpakunat sa balat nito,masmalaks at masmabilis.
Power class category ang hari at ang mga royal raider.ngunit wala sa kanila ang may kakayahan gumamit ng kumpletong set ng advance physical skill (yudo,push,pull), at advance magical skill (magidan at manadan).
Kung kaya hirap ang mga ito sa pakikipaglaban sa halimaw na may kumpletong lakas.
Ang magidan ay isang buff type reinforcement support magic skill.na nag aamplify ng magic power.mula sa advance will ability.counter part ng push.
Ang manadan ay isang passive type reinforcement support magic skill.na nag aamplify ng permanente sa manapower capacity.mula sa advance mind ability.
Marami ang nanonood sa pakikipaglaban ng hari at mga royal raider.
Kung saan kita ang kanilang lakas ngunit hindi iniinda ng mobydick at mabilis na naiiwasan sa kanyang pagsisid sa buhangin at patakas takas sa tuwing dudura ng nakatutunaw na asidong lason at hahampas ng mahabang buntot na katawan.
Dahil sa kunat ng balat ay mababaw na sugat lang ang kanilang nagagawa.
Kayat ang bahamut ay madaling makatakas na para bang nilalaro lang ang kanyang mga kalaban.
Hanggang sa napagod na sa paglalaro ang mobydick at mabilis na tumakas sa gitna ng malakas na dessert storm at mga bahamut.
Hindi na hinabol pa.
“bwiset!.nakatakas nanaman si mobydick.mahuhuli din kita.at gagawin kong carpet ang balat mo at palamuti ang mga ipin mo sa aking trono.makikita mo may araw ka rin.waaaahhh!!!.”sabi ni king Rupert.
Galit na bumalik sa loob ng greatwall kasama ng kanyang mga royal raider at hinawi ang mga nakaharang sa daan.
“nakita mo ang ugali ng kumag na yan.parang hindi tao ang nasa daan nya at kabod nalang hahawiin.kung kaya ko lang.ako na ang papatay dyan.”sabi ni paking.
Tahimik lang si daryl na nakikinig kay paking.
“ito ang ebidensya ng ibig sabihin ng mga master ko.nagiging mapang abuso ang tao sa matinding lakas na nagkakaron sila.
Tama talaga na ang malakas na kapangyarihan ay may kaakibat na responsibilidad.at hindi dapat gamitin sa masama.”sabi ni daryl.
Hanggang sa humupa na ang malakas na bagyo ng buhangin.
“ wala nang bagyo.ano ba ang pwede nating masakyan dito?”sabi ni daryl.
“maydadaan na sandferry dyan.mamaya lang ay nandito na yun.”sabi ni paking.
“gaano naman katagal ang byahe?sabi ni daryl.
“24 oras na walang tigil.kahit gabi ay nagbbyahe.yun lang ang sand ferry na pinapayagan ng mga pirata.winawasak na nila ang iba pang pumapasada sa disyerto.dadaan tayo ng tiangle ,puzsion,suzulama,tedepuki,at huling ruta ang utongga kung saan nandon ang mga pirata.”sabi ni paking.
“hahaha.kagaganda naman ng pangalan ng mga lugar dito.”sabi ni daryl.
“hahaha.napansin mo rin pala.May libog din eh.”sabi ni paking.
Muling nagbalikan ang mga pasahero sa waiting shed.
“hindi ba kayo natatakot.baka nandyan pa si mobydick.”sabi ni daryl.
“wala na yun.lalayu na yon.matalinong halimaw si mobydick.wag ka rin mag alala at lumabas man sya ay hindi sya uubra sa bilis ng sandferry.”sabi ni paking.
Tiwala naman si daryl kay paking.
Nang dumating ang sandperry ay nagsakayan na silang lahat sa waiting shed.
Smooth lang byahe ng sandperry at hindi ramdam ang andar nito.tahimik din at ang daan na pinipili ay ang mga bahagi ng disyerto na bihira ang mga halimaw.
Kayat ang mga pasahero ay komportable.
Mayroon itong malawak na deck kung saan maaring magpahangin.
Maraming tao sa deck nang oras na yun.
Lumabas doon si daryl para pagmasdan ang disyerto na noon lang nya naexperience.
Kasalukuyan papalabas ng tiangle dessert ng biglang kumaldag ng malakas ang sandferry na tila ba nakasagasa ng isang bagay na malaki.
Naalog ang buong sasakyan
Nahulog ang mga sakay sa deck na hindi agad napansin ng driver.dahil hinahabol nito ang control ng manubela upang maiwasan na tumaob at gumulong ang buong sandferry.
Takot na takot ang mga sakay na naalog sa loob gayun din ang mga nasaktan na nahulog sa labas.
Dali daling tumayo si daryl upang tulungan ang iba pang nahulog na nagkamali ng bagsak at napilay.
Malayo ang narating ng sandferry na mahirap pigilan ng preno dala ng buhangin at natural dito na pahintuin ng dahan dahan.
Kayat inabot pa ng kulang 800 metro ang naging usad ng sand ferry bago ito huminto.
May mga bahagi ito na kailangang ayusin bago gamitin ulit upang macontrol ng mabuti kayat hindi agad nakabalik sa mga nahulog.
Samantala.habang naghihitay sa gitna ng buhanginan sina daryl at ang iba pa.
Malakas na bulusok ng buhangin ang paparating mula sa malayo patungo sa kanilang direksyon na agad nilang nakita dala ng dumadagundong na tunog sa ilalim ng buhangin.
“dyos ko po!!.si mobydick!.”sigaw ng isang babaeng takot na takot.dahil wala silang pagtataguan at nasa gitna sila ng disyerto.
“dyos ko.tumakbo na tayo!.”sigaw ng isang babae.
Agad nagtakbuhan ang mga ito.
Ngunit hirap ang mga napilayan sa paa kayat imbes na tulungan ay iniwan na ang mga ito.
“parang awa nyo na wag nyo kaming iwan dito!huhuhu.”sigaw ng umiiyak na babae.
“tulungan nyo kami!.”sabi ng isa pang lalaki sa mga nagtatakbuhan palayo.
Hindi makaalis si daryl para iwan ang tatlong lalaki at isang babaeng napilay ang paa at hita.na hirap kahit magsipaglakad manlang.
Nagisip ng paraang ang binata.
Kung bubuhatin ay maaring mapilay lalo ang mga ito.
Kayat imbis na tumakbo sa direksyon ng iba ay napilitan ang binata na salubungin ang halimaw habang malayo pa ito upang kunin ang atensyon nito palayo sa apat na hindi makatakbo.
“sige na.pilitin nyong makarating sa sandferry.magpapahabol ako sa halimaw.”sabi ni daryl sa isang lalaki na kaunti lang ang pinsala sa paa na noon ay nakakatayu pa ng maayos.
Nagulat ang apat sa ginawa ni daryl.at nagpasalamat,si dali daling pinilit na magtulungan na makatayo at lumakad habang alalay ang bawat isa.
Sinalubong ni daryl ang paparating na halimaw.
Malakas ang pakiramdam ni mobydick,alam nyang paparating sa kanya si daryl kayat buong lakas na tumalon sa buhangin tulad ng isda na tumalon sa ibabaw ng tubig at pinilit na bagsakan ng malaki nyang katawan ang binata.
Ngunit agad nakaiwas ang binata bago pa man na sya ay bagsakan at upang doblihin pa ang bilis ay gumamit na ito ng pull skill.
Hindi minaliit ni daryl ang beteranong halimaw.
Galit na galit si mobydick na bumalikwas sa direksyon ni daryl at boong pwersang sumugos at sumisid sa buhangin.
At dahil sadyang mabilis sa buhangin ang halimaw habang pahirap naman sa paa ni daryl ay nahihirapan ang binata sa mga ambush na sugod mula sa ilalim na montikan nang abutin ng malaking bibig ang kanyang mga pag iwas ng malakas na talon. .
“kahirap lumaban sa buhangin.pag nagpatuloy ito.siguradong sa tyan ang bagsak ko.mahirap itong takasan.napasubo yata ako.”sabi ng binata sa sarili habang nag iisip ng paraan kung paano pababagsakin ang halimaw.
Sa hirap tumakbo sa buhangin ay mababa ang tyansa ng binata na takasan ang mabilis na langoy ng halimaw,kayat naisipan nalang na lumaban.
Gaya ng dati,paborito nya ang wind soul katana dala ng extended 40mts blade effect nito sa kanyang mga sword skills.
Kayat agad na sinalubong ng malakas na piercing of the blid mula sa mataas na pagtalon ng binata ang halimaw na sumugod mula sa ilalim.
Nakabuka ng mabuti ang bibig ng halimaw kayat walang mintis na tumusok ang kahabaan ng pinalakas na extended wind stab effect.
Nasaktan ang halimaw at napaatras sa matulis at mahabang wind stab ng piercing of the blind na tumuhog sa kanyang bunganga papasok sa dibdib.
Sumuka ng dugo na may kasamang asido ang halimaw tanda ng kritikal na pinsala sa loob ng katawan.
Ngunit malakas parin ito at agad na sumisid.
Mas naging agresibo dahil sa galit nito at gustong makaganti.
Kayat sa muling pag ahon ay sunod sunod na buga ng asidong lason ang isinukli nito kay daryl upang hindi makalapit ang binata mula sa ibat ibang posisyon sa buong palibot ,nang paulit ulit na pagsisid sa ilalim ng lupa.
Mahirap basahin ang ginagawang pagsugod ni mobydick dahil tahimik itong sumisisid sa ilami ng lupa at kung saan saan lumalabas,galit na ito dahil sa matinding sakit na nararamdamn sa loob ng katawan kayat walang balak na tumakas sa nag iisang kalaban.
Dahil nasusurpresa ang binata sa mga pagatake ni mobydick ng kanyang asidong lason na laway na agad din naman nasasalag ng air mirror shield ay naisip ng binata na gamitin ang soul sense na umaasa sa malakas na pakiramdam gamit ang hangin at huni ng katana sa 1km radius limit upan maramdaman ang gumagalaw na kalaban sa ilalim ng lupa na parang nakikita ng kanyang mga mata.
Kayat muling pinahuni ang wind soul katana habang tahimik na nakahanda ang sword fighting stance na reinforce ng push sa paglabas ng kalaban sa ilalim ng lupa.
Walang sinasanto ang talim ng legendary weapon na tinulungan pa ng lakas ng push kung hindi ang leagendary armor at leagendary shield lamang at lahat ng bagay ay kayang hiwain kahit ang makunat na balat ng malakas na evolved bahamut.
Kayat ng lumabas ang halimaw bago pa man makapag buga ng asidong lason ay sinalubong na ito ng pinalakas na anger of blade skill mula sa wind soul katana,gamit ang isa sa pinakamalakas na paraan ng katana.ang sword spliting technique.
Hindi na nakuha pang makabuga ni mobydick at nabiyak ito sa dalawa habang umaahon mula sa malakas na pagkakatalon paitaas.
Bumagsak sa magkabilang panig ang nahiwa nitong katawan at mabilis nauupos ang buhay.
Tumapon at dumilig ang maraming dugo nito sa buhangin ng disyerto at tuluyan nang namatay.
Natulala ang mga taong nakatingin mula sa malayo ng makita nilang nabiyak sa dalawa si mobydick na ang iba ay gumamit pa ng binocular.
Ganun din ang apat na may pilay sa paa at hita na noon ay napigilan sa paglalakad at seryosong pinapanood ang pakikipaglaban ni daryl.
Hindi makapaniwala ang mga ito na isa sa kanilang mga kasakay sa sandferry lang ang tumapos sa matagal nang kinakalaban ng hari at mga royal raider na si mobydick,ang kilabot ng disyerto.
Hanga ang mga ito sa ipinakita ng binata na kanina ay hindi pinapansin dahil sa simple nitong pananamit.
“Aaaanak ng.tinawag ko pa naman na kumag ang loko.pinatay lang si mobydick.mamaw .”sabi ni paking.
“yehheeeyyy!!.patay na si mobydick.!!!”sigawan ng mga tao.
“hahaha!!.ligtas na tayo.! Ang galing nya. “sabi ng babaeng isa sa apat na may injury.
Nakahinga ng maluwag ang mga tao dahil sa kamatayan ni mobydick na posibleng sumalakay kahit magtago pa sila sa loob ng sandferry.
Muling tumakbo pabalik ang binata upang tulungan sa pag aakayan ang apat na may injury.
Kayat nang mawala ang tensyon ay kampante nang nakapag ayos ang mga crew sa naging sira ng sandferry.
Sakabila ng paghihirap sa paglalakad ay nakarating din ang mga may Injury sa sandferry at agad na binigyan ng first aide.
Muling naayos ang sandferry at nagpatuloy nang muli sa paglalakbay.
Kanina pa Nagtitinginan ang mga sakay ng sandferry kay daryl na tila ba tinatandaan ang kanyang itsura.kayat nahiya ang binata at tinakpan ng soot na scarf ang kalahati ng kanyang muka.
“bakit parang nahihiya ka.dapat nga maproud ka pa.hindi mo naman sinabi na isa ka din power class raider at kayang kaya mo palang patayin ang mobydick.matagal nang hinahabol yun at pinagtutulungan ng hari at mga royal raider pero laging nakakatakas lang.”sabi ni paking.
“chamba lang yun.tsaka kaya din naman nila si mobydick kung hindi lang nakakatakas.”pahumble ni daryl.
“hindi rin.talaga lang masmalakas ka.kaya pala mag isa ka lang na naglalakbay.”sabi ni paking.
At ngumiti nalang ang binata at tinanggap ang papuri at pasasalamat ng iba pa kahit hindi ito sanay na pinupuri kayat nahihiya.
personal na lumapit ang apat na nainjury upang pasalamatan si daryl na hindi nang iwan sa kanila at tumulong pa sa pag akay.
Nagdaan ang maghapon, nalagpasan narin ang puzsion dessert at kasalukuyang binabaybay ang suzulama dessert sa katahimikan ng malamig na gabi.
Kung saan ang mga tao ay abala sa pagkain ng kanikanilang baon na hapunan.
Umakyat sa roof deck si daryl upang doon lasapin ang malamig na dampi ng hangin sa mabilis na byahe ng sandferry habang kumakain ng masarap na tinapay sa tahimik at madilim na disyertong kapaligiran na tinatanaw.
Habang nakasandal sa guard rail ng roofdeck ay tahimik na naalala nito ang kanyang mga naging kranasan buhat ng makarating sa heavens art world.
“bossing dyan sa itaas,kain po tayo,ngayon naiintindihan ko na po ang mga tao dito.parang gusto ko na rin po dito ayoko nang umalis.doon po sa mundo ng mga nabubuhay,failure po ako.pero dito.ramdam ko po ang kahalaga ko.tsaka mas naeenjoy ko po ang buhay dito kahit madalas na may panganib.siguro po ito talaga ang kapalaran ko.isa pa ay ayoko nang iwan si demeter.patawarin nyo po ako at napaibig ko sya.ako po dapat ang parusahan nyo.pero mahal ko po talaga sya.gusto ko syang makasama habang buhay.gagawin ko po ang lahat para pigilan ang pagbubukas ng apocalypto at masira ang mundong ito .kaya bossing wag nyo na po akong ilabas dito.ok na po ako dito.”sabi ni daryl habang kumakain at kinakausap ang lord god sa kanyang mataimtim na dalangin sa kanyang puso.
Samantala sa langit kung saan ang luklukan ng lord god.
Nakikinig ang dyos ama sa lahat ng mga dalingin na dumadating sa kanya maging sa mundo man ng mga nabubuhay o sa heavens art worls.
“angel luis.maaari mo bang isama sa watch list ng mga reatless soul imigrant ang binatang ito na maninirahan sa loob ng heavens art world.ayaw na rin nyang bumalik sa mundo ng mga nabubuhay.dumadami na sila.pero obserbahan pa natin kung ano talaga ang magiging pasya nya hanggang sa panahon ng paghuhukom sa kanya.”sabi ng lord god.
“opo lord god.as of now going good naman po ang evidence ng kanyang existence sa loob ng heavens art world, medyo hirap lang po sya sa category ng lust.madali po syang matukso tsaka minsan nadadala ng kapilyohan.”sabi ni angel luis na syang may hawak sa record ni daryl.
“pansin ko nga.may katigasan din ang ulo.maaalala lang ako kapag may kailangan o nalulumabay.atleast hindi nalang natural na masamang tao.naniniwala akong magbabago pa ang binatang ito.mga anak ko kayong lahat kayat nandito ako at nakagabay.”sabi ni lord god.
“opo lord god.kayo po ang masusunod.”sabi ni angel luis.
Nang gabing iyon habang nakaupo sa sahig ng roof deck ay lumapit ang isang magandang babaeng kaidaran lang ni daryl.na kanina pa pinagmamasdan si daryl buhat ng makita nito ang ginawa kay mobydick.
Nakatitig ito ng mabuti sa muka ni daryl at nais nitong mapalapit para din sa personal na pabor.
“hey.nakita kita kanina.ang galing ng ginawa mo.masasabi kong isa kang malakas na power class raider.gusto ko sanang magpatulong sayo.”sabi ng mahinahon na emosyon ng babae.
“salamat sa papuri miss.pero may sarili din kasi akong kailangan gawin.”sabi ni daryl.
“sige na.magbabayad ako kahit magkano.gusto mo kahit katawan ko.may humahabol kasi sa akin.may nalalaman akong sikreto kaya gusto nila akong patahimikin at kailangan nila ang talento ko.”sabi ng babae.
“ehe?!.naiintindihan naman kita pero.importante rin ang lakad ko.”sabi ni daryl.
“kasing halaga ba yan ng pagliligtas sa mundo.sasabihin ko ang sikreto sayo.pero mangako ka na hindi mo ito sasabihin sa iba.”seryosong sabi ng babae.
Nagkainteres si daryl nang marinig nito ang layunin ng sikreto ng babae.
“bakit ka nagtitiwala sakin.hindi mo naman ako kilala.”sabi ni daryl.
“dahil sa ipinakita mo kanina.alam kong maasahan kita.at alam ko rin na mabuti kang tao.kaya hindi mo matiis na pabayaan yung mga naiwan na hindi makalakad ng maayos.”sabi ng mahinahon na babae.
Kayat nag isip ang binata.
“sige makikinig ako.promise hindi ko ipagsasabi.”sabi ni daryl.
“ako si kagura yaichiro ang may gawa ng mga katana na ginagamit mo.matagal akong nagtago sa mundo buhat ng mapagod ako sa buhay.kayat nagkulong ako sa loob ng isang magical temple kung saan hindi nakakaramdam ng gutom at panghihina ang katawan.ginusto kong gumising sa mapayapang panahon.
natunghayan ko lahat ng pangyayari sa nakaraang lumang panahon.maging ang unang delubyo ng pagbubukas ng apocalypto kayat labis kong kinatatakutan ang pagbubukas nitong muli.maraming buhay ang manganganib.
Ako lang ang may kakayahan na gayahin ang magical forging ng advance smith ability ni god hepaestus na nagpanday ng 5 legendary dimensional key at apocalypto key.kaya ako hinanap ng lumina brother hood upang pandayin ko ang dalawang legendary dimensional key na muli nilang bubuoin upang kompletohin ang 5 legendary dimensional key.
Naniniwala sila na gamit ang susi ay makokontrol nila ang apocalypto at gagamitin nila ang susi para buksan ang apocalypto ng habangbuhay.
Narinig ko lahat ng pag uusap nila kung nasaan matatagpuan ang tatlo pang nawawalang dimensional key.
Kaya tumakas ako.para hindi nila ako pakinabangan na gawin ang dalawang nabasag na dimensional key,at uunahan ko sila na makuha ang mga dimensional key para isara ang apocalypto.
Mahirap itong ipagkatiwala sa iba dahil maraming myembro na ng lumina brotherhood ang naghahangad sa paasang balita na ipinakalat ng 8 pinunong general ng lumina brother hood upang mapadali ang kanilang paghahanap sa mga susi.
Ganito kahalaga ang misyon na ipinaglalaban ko.kaya kakailanganin ko ang tulong ng katulad mo.mabuti ang hangarin ko para sa mga susi.”sabi ni kagura.
Isa isang nagbabalikan sa isipan ng binata ang mga ebidensya ng nakuha kay roco at billy na myembro ng dark guild at mayhawak sa scroll ng lumina brotherhood.
At dahil pareho sila ng misyon na tinatahak ay nais nyang makasiguro kung magtitiwala sa babae.
Kayat Sa kasagsagan ng siryosong usapan ay sinubok ni daryl kung totoo ngang si kagura ang nasa kanyang harap na minsan nang naikwento ni jerard na may hawak sa lost legendary soul magic ability and skills.
Nagpanggap ng binata na walnang alam.
“itong katana kong ito.kung ikaw nga ang may gawa nito.ano ang kakayahan nito?”sabi ni daryl at ipinakita ang zibelthiurdos.
Hinawakan ni kagura ang katana at muling ibinalik kay daryl.
“hawak ng katanang iyan ang ispirito ng zibelthiurdos isa sa mga dyos ng kidlat.lahat ng gawa ko ay may kakayahan na putulin ang lahat ng bagay liban lang sa mga katulad nilang may malakas na ispirito din.
ipapahiram sayo ng zibelthiurdos ang lakas ng kidlat dikitan man o malayuan.masmagiging mas malakas pa ang kapangyarihan.kung mahahanap mo ang dalawang bahagi ng takip sa ibabaw ng ulo ng apat na persona.
Tinawag ko silang ba'al at set.sunod parin sa pangalang ng mga thunder god.
Bubuksan ni set ang kakayahan para bigyan ang katawan mo na maging kaisa ng mga kuryente o thunder cloak.na pwede mong ihambing sa sa shadow cloak ng imir na yan,kung saan nagiging bahagi ka ng anino.
Si ba’al naman ay ang pag-ulan ng kidlat sa kalangitan.
Isa sa pinakamalakas kong nilikha ang katanang iyan.yun ay kung kumpleto sila.
Itong dalawang hawak ko ay gawa ko rin ,ang water soul katana leviathan at star soul katana sariel.maging ang imir at kattana na iyan sa iyong tagiliran ay gawa ko.”sabi ni kagura.
“huh?!.kattana pala ang pangalan nito.kala ko ay katana lang basta.mukang nagsasabi ka nga ng totoo.saan ko kaya makikita yung set at ba'al?”sabi ni daryl.
“hindi ko rin alam.matagal na silang nawala sa kamay ko.buhat ng gawin ko sila para sa mga mandirigmang lumaban noon sa mga demonyo.noong bago pa ang mundong ito.”sabi ni kagura.
“Napakatanda mo na rin pala.parang si lolo jerard.”sabi ni daryl.
“kilala mo si tandang jerard,ang time wizard?”sabi ni kagura.
“Yup.ang totoo.parehas tayo ng misyon.hinahanap ko rin ang mga susi para isara ang apocalypto nang malaman ko sa holy guide ko kung gaano iyon ka delikado.sabi din ni lolo jerard na talagang delubyo ang apocalypto ,pinagtiwalaan ako ni lolo jerard na naghanap ng mga susi sa nakaraan.kaya alam ko rin kung saan hahanapin ang mga susi.tutal at pareho tayo ng misyon.magtulungan tayo.pero ako ang maghahawak ng susi.wag kang mag alala wala akong ibang interes kundi isara ang lagusan ng apocalypto.dahil Meron akong mga buhay na iniingatan.”sabi ni daryl.
Nagdalawang isip pang magtiwala si kagura sa gusto ni daryl ngunit nasimulan na nya ang pagtitiwala dito at sa tingin nya ay mabuting tao naman ang binata na nagsasabi din ng totoo,kayat pinagkatiwalaan ni jerard na kilala ding mabait noong kanilang panahon.
“sige pumapayag ako.magtulungan tayo.wag kang mag alala at isa din akong power class(lv 180) tulad mo,ngunit isa akong wizard.kaya hindi ako gumagamit ng yudo,push at pull.pero master ko ang magidan at manadan.kaya nasisiguro ko sayong hindi ako magiging pabigat sa ating misyon.lalaban ako hanggang kamatayan.”sabi ni kagura.
“sige.miss kagura ako nga pala si daryl.”sabi ni daryl at nakipagkamay kay kagura.
“ikinagagalak kitang makilala.salamat daryl.sanay magtagumpay tayo.”sabi ni kagura.
“magtatagumpay tayo.hindi pwedeng hindi.kailangan natin protektahan ang mundong ito.”sabi ni daryl.
“sana ay maunahan natin sila.papunta na rin sila sa sky kuraki para hanapin ang steel key.”sabi ni kagura.
Nagkasundo ang dalawa at magkasamang naupo sa roof deck.
“alam mo.habang tumatagal ang misyon na to.lalong nagiging mapanganib.pero buti nalang at hindi ako nahuhuli ng oras.ngayon kasama pa kita.masmarami mas mataas ang tyansa sa kalaban.pasensya ka na miss kagura.hirap kasi akong magtiwala kaagad at hindi biro ang misyon natin.”sabi ni daryl.
“ayos lang.naiintindihan ko.”sabi ng mahinahon na emusyon na si kagura.
Parang sinasadya talaga ng pagkakataon na makasama ni daryl ay magaganda at kaakit akit na babae tulad din ni kagura.
Kayat ang binata ay napansin agad ang ganda ni kagura habang hinahangin ang mapula nitong buhok at lumalabas ang maputi at makinis na leeg, na kanyang pilit na binabale wala.ngunit hindi mapigilang mapansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/188916856-288-k999366.jpg)
BINABASA MO ANG
Zero To Hero
FantasyPara sa mga tropang reader natin dyan pasensya na sa pagkukulang ni author,pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe,i decided na ipublish na din ang istory na to na gawa ko pa long time ago. Medyo nauthy nga lang kaya konting behave lang po. Th...