27.prosti kingdom

215 30 0
                                    

Maganda ang sikat ng araw at malamig parin ang simoy ng hangin,ginising ng dyosang  kagandan ni demeter si daryl.
“good morning.”sabi ni demeter habang hinahawi ang buhok ni dary at malapitang pinagmamasdan sa muka,habang sila ay magkasukob parin sa iisang kumot na tumatakip sa hubad nilang katawan.
“haaaa(hikab sabay inat).good morning.”nakangiting sagot ni daryl at hinalikan sa labi si demeter.
“bangon na tayo .tanghali na.kelan mo ba balak simulan ang paglalakbay mo”sabi ni demeter.
“bukas na siguro.gusto ko munang sulit ang oras ko sayo.ang totoo kinakabahan ako pero kailangan ko itong gawin.kaya sayo muna ako buong araw bago ka umuwi.baka kasi alam mo na magkaron ng aksidente.”sabi ni daryl.
“um tama na yan.kung ano ano sinasabi mo.walang mangyayari sayo.ipagdadasal kita palagi.at hihintayin ko ang pagbabalik mo.kaya magiingat ka.tuparin mo ang pangako mo.”sabi ni demeter sa kanyang pag aalala.
“opo sorry na.mag iingat po ako.babalik ako at walang mangyayaring masama.”sabi ni daryl nang makita nitong nalulungkot sa pag aalala ang girlfriend.
“halika na magbihis na  tayo.mauna ka nang maligo.”nakangiting sabi ni daryl.
“okie.nang makapaghanda na rin ng agahan.”sabi ni demeter.
“ah wala tayong pagkain dito,lumabas nalang tayo.dumaan tuloy tayo kay lolo jerard.maiwan ko manlang ng konting pangsimula,tapos samahan mo ko bumili ng mga babaunin ko sa paglalakbay.”sabi ni daryl.
Matapos makapagbis ng dalawa ay nagtungo na kay jerard.
“good morning po lolo jerard.”sabi ni demeter.
“oh good morning!.ang aga ninyong dalawa.”sabi ni jerard.
“opo lolo.mamimili po kami ng mga babaunin ko sa byahe bukas.”sabi ni daryl.
“ah bukas ka na pala aalis.mag iingat ka.hayaan mo at susubukan ko rin na makuha ang huling piraso ng maretyal.
Hindi na problema ang hundred years old wood dahil eto at nasa tirahan ko.
Hindi rin problema ang 1 billion monster heads.makukuha mo yon sa guild ng yugatan.sir neon knights.
Madali lang din ang blood of virgin.hihingi nalang tayo ng konti sa mga kasama mo sa worship.
Eye of the blue phoenix nalang ang hahanapin ko.malamang na makakita ako sa mga black market.
Tsaka na natin buoin ang dalawang susi kapag nakuha mo na ang tatalo.”sabi ni jerard.
“sige po lolo.ah lolo.baka hindi na po ako makabalik dito at maaga akong aalis bukas.iwan ko na po sa inyo itong konting pang puhunan para may pagsimulan po ulit kayo.”sabi ni daryl sabay abot ng 100g.
“maraming salamat daryl.malaking tulong ito sa gagawin kong hanap buhay.hindi talaga ako nagkamali na nagtiwala ako sayo.mabuti kang tao daryl.mag iingat ka.magkita tayo ulit.”sabi ni jerard.
“ano pong hanap buhay lolo?”sabi ni demeter.
“magbubukas ako ng potion shop dito mismo sa bahay ko.maglalagay ako ng karatula dyan sa labas.tsaka mag offer din ako ng magic time search service.”sabi ni jerard.
“wow.ang galing nyo naman po lolo.magtagumpay po sana kayo sa negosyo nyo.”sabi ni demeter.
“salamat pinakamagandang goddess .bagay na bagay kayong dalawa ni daryl.naway pagpalain ng dyos ama ang inyong pagmamahalan.”sabi ni jerard.
“salamat po lolo jerard.”sabi ni demeter.
“tutuloy na po kami lolo.”sabi ni daryl.
“o sige mag iingat kayo.”sabi ni jerard.
“bye bye lolo jerard.”masayang sabi ni demeter.
Muli ay masayang nilibot ng magkasintahan ang bayan ng yugata para sa paghahanda ng mga gagamitin at babaunin ni daryl habang inenjoy nila ang pamamasyal at pamimili.
Matapos ang maghapon na pag sasama ay kailangan nang magpaalam ni demeter bago sumapit ang gabi upang asikasuhin naman ang iba nilang kasamahan.
Sa malawak na park nagpaalaman ang dalawa.
Magkayakap at matagal na dinama ang yakap ng  isat isa.
“pano mahal.kailangan ko nang bumalik.mag iingat ka ha.wag mong papabayaan ang sarili mo.kumain ka sa oras.wag kang makakalimot magdasal.at tatawagan mo ko palagi.para hindi naman ako mag alala.”sabi ni demeter.
“oo mahal.pangako yan.susundin ko lahat ng paalala mo.mag iingat karin at aalagan mo rin ang sarili mo.ikamusta mo nalang ako sa kanila.lalu na kay mia.pasabi na mis ko na sya.”sabi ni daryl.
“Okie.mamimiss kita.i love you.”sabi ni demeter.
“I love you too goddess ko.mamimiss din kita.magkita tayo ulit pangako.”sabi ni daryl.
At binigyan ng halik sa labi ang isat isa  na  punong puno ng pagmamahal.
Matapos iyon ay hindi mabasag basag ng binata ang magic stone dahil hindi maiwan ang minamahal.
Kayat si demeter na ang kumuha sa kamay ni daryl at bumasag sa magic stone.
“magkikita tayo ulit.aasahan ko ang pangako mo mahal ko.”sabi ni demeter sabay halik muli sa labi ni daryl at   pumasok na sa portal na kumakaway kay daryl hanggang sa maglaho.
“hhhhmmm hhhaaa (hingang malalim).back to reality nanaman.kayo na po ang bahala sa amin bossing.”sabi ni daryl habang nakatingin sa langit.
“okie.work! work! Work!,fight! Fight! Fight!.andyan na ko sky kurika.”sabi ni daryl.
Muling nagtungo sa shop ni hepaestus upang kunin ang kanyang ipinarepair na armor.
“tapos na daryl.good as new.ang lakas talaga ni sir gareth at nagawa nyang sirain ang armor.any way tinalo mo naman sya.hahaha.”sabi ni heapustus.
“chamba lang po yon.hehehe.ah holy guide hepaesstus.merin po ba kayong matibay na throw knife yung hindi nawawala tsaka kusang bumabalik sa holster.”sabi ni daryl.
“syempre naman.yan kasi ang madalas problena ng mga throw weapon artist.”sabi ni hepaestus.
“pwede po bang pagbilan.nasira po yata lahat ng knife ko sa laban kaya hindi ko na pinulot.”sabi ni daryl.
Agad kinuha ni hepaestus ang nakabilot na tela kung saan nakasuksok ang maraming throw knife,kunai at shuriken,at inilatag iyon sa mahabang lamesa.
“lahat yan homing magic weapon.kung saan mo sila isinuksok naholster doon din sila babalik after 5 seconds na nahit nila ang max trow.
Enhanced at fortified na rin yan ng magic smith forging kaya matibay yan sa ordinaryong bakal.
Pili na.20% diacount para sayo.”sabi ni hepaestus.
Nakapili ng anim na medium size throw knife gaya ng mga nasira nya na sakto lang ang fit sa holster.
Nagbayad ang binata at muling nagtanong.
“may idea po ba kayo kung paano ako makakarating sa sky kurika?”sabi ni daryl.
“ha?.anong gagawin mo dun?.napaka delikado doon.lupain iyon ng mga notorius na pirata ng himpapawid.
tsaka tirahan din ng mga lumilipad na halimaw parang mga ravian boss.pero ang level nila ay lagpas 99.parang mga power class na raider.
Kaunti lang ang halimaw pero tiyak na malalakas.”sabi ni hepaestus.
“may kailangan lang po akong gawin.aalis din naman ako agad.”sabi ni daryl.
“walang air ship ang nagbbyahe doon.pero kung disidido ka talaga.isang paraan lang ang naiisip ko.pumuslit ka sa air ship ng mga piratang dumadaong sa lupa.
pwede kang mag abang sa karnak.pero hindi yon madalas kaya para sigurado ka.tatawid ka sa disyerto ng usombra patungo sa dalampasigan ng utongga.
Makakakita ka ng malaking oasis doon.yun ang tambayan ng mga pirata ng southern land.”sabi ni hepaestus.
“hay mahirap pala.”sabi ni daryl.
“talagang mahirap.kaya mag iingat ka.maraming malalakas na.piratang katulad ng mga glory knight.”sabi ni hepaestus.
“opo.naexperience ko na po sa karnak.bahala na po.basta kailangan kong makarating doon.sige po holy guide hepaestus.salamat po.tutuloy na po ako,salamat po.”sabi ni daryl.
Habang naglalakad sa daan ay nag iisip na ng paraan ang binata kung paano makakasakay sa pirate air ship.
Kayat sa buong gabi hanggang sa makatulog ay plano ang iniisip.
Kinabukasan paggising ay wala paring naiisip na plano.
“Nakatulugan ko na pala kagabi.bahala na nga.”sabi ni daryl.
“mukang napuyat ka nga bro.sigurado ka na bang aalis ka?”sabi ni eron.
“oo.kailangan na eh.salamat heto na pala ang bayan ko.”sabi ni daryl sabay abot ng bayad sa renta ng bahay.
“salamat bro.sa uulitin.pagnalibot ka ulit dito.sakin ka ulit umupa.”sabi ni eron.
“sige salamat.tuloy na ko.”sabi ni daryl at umalis.
Mula sa yugatan kingdom ay marami nang air ship ang masasakyan patungo sa usombra kingdom kung saan mas magiging mabilis ang byahe ng binata.
“ok.masmabuti na kung sasakay ako ng airship going to usombra tapos pwede na maglakad mula doon.masmalapit na yon.thats it.”sabi ni daryl habang pinagpplanuhan ang pagbbyahe gamit ang isa pang mapa na kanyang binili kung saan detalyado ang bawat lugar.
Ngunit linggo ng araw na yon kayat walang masasakayan na airship dahil ang schedule ng flight ay monday to Saturday lang.
“ahay! kamalas naman.mukang wala pa yatang byahe.bad trip.”sabi ni daryl.
Hindi sumuko ang binata sa paghahanap ng masasakyan hanggang sa makita nito ang isang byahero ng gulay.
“boss good morning!”sabi ni daryl sa maggugulay na noon ay abala sa pag-inventory ng kanyang mga gulay.
“good morning din.bakit?”sabi ng maggugulay.
“boss usombra ba ang byahe nyan?”sabi ni daryl.
“oo.bakit ba?”sabi ulit ng maggugulay.
“ngayon din po ba ang alis?”sabi ni daryl.
“oo.”sabi ng maggugulay.
“baka pwede po makisabay.nagmamadali ho ako.kaso wala palang byahe ngayon.”sabi ni daryl.
“ah ganun ba?.sige walang poblema.wag ka nang lalayo at maya maya lang aalis na kami.”sabi ng maggugulay.
“sige po salamat.”sabi ni daryl na noon ay nakatago ang lahat ng kagamitan sa loob ng dimensia grimoir kasama ang kanyang mga sandata upang masmadaling pagtiwalaan.
Ngunit naniguro parin ang binata kayat soot parin ang customize armor na white leather jacket at black leather pants upang hindi isipin ng maggugulay na posibleng threat sya sa paglalakay dahil mukang ordinaryong  leather na damit lang ang soot.
“mga kasama aalis na tayo!.alisin ang angkla!.”sabi ng maggugulay.
Ang air ship na iyon ay pinalulutang ng apat na malaking magic leather baloon at pinaaandar ng dalawang malaking magic propelling elesi sa  magkabilang tagiliran,at ang katawan ng air ship ay mukang forward na truck na may walong upuan.
Driver ang may ari at 7 ang pahinante kayat kasama ng mga gulay ang binata sa likod.
Mag-isang nakatalunko sa tabi ng nagsisiksikang gulay ang binata  habang mag isang pinagmamasdan ang kahanga hangang tanawin sa ibaba.
At sa tuwing maiinip ay natutulog katabi ng mga gulay.
Tatlong araw na tiniis ng binata ang inip hanggang sa dumaong ang merchant air ship sa usombra kingdom.
Excited ang binata dahil sa sobrang inip at ngawit ng 2 araw ng paglalakbay kayat agad itong bumaba nang ihagis na ng mga pahinante ang angkla ng sasakyan.
“pasensya ka na ha.wala na kasing bakanteng upuan sa loob.masyadong masikip.”sabi ng may aring maggugulay.
“ayos lang po.komportable naman sa likod at tsaka palaging malamig.sige po salamat po ulit.”sabi ni daryl.
Makapanang hali na nang marating nila ang usombra kingdom kayat napilitan ang binata na humanap ng matutuluyan para sa hating gabi.
Kayat naglakad ito malapit sa bayan upang malapit din ang mga kainan.
Nang biglang dapurakin sya ng naghahabulang pulis raider at  snacher.
Tumaob ang binata at nalaglag sa kanyang kandungan ang isang maliit na coin bag na naglalaman ng silver at gold coin.
“kaliit ko ba at hindi ako nakita.sandali nga snacher ka pala ha.”sabi ni daryl habang pinagmamasdan ang dumapurak sa kanya na hinahabol ng mga raider pulis.
Kayat agad na humabol din ang binata upang tulungan ang mga pulis.
Tumalon ito sa itaas ng mga gusali at sinundan ang snatcher sa pagtakbo at magpalipatlipat sa mga ibabaw ng mga gusali.
Mabilis tumakbo ang snatcher kayat natakasan nito ang mga pulis.
“hay grabe.sayang naman yung score ko ngayong araw.sagabal talaga yang mga pulis na yan.kamontik pa kong mahuli.saan kaya nahulog yung coin bag.”sabi ng snatcher na isa palang babae ng hubarin nito ang mga telang bumabalot sa kanyang ulo at katawan upang hindi makilala ng mga pulis.
Pumasok ito sa isang eskinita ng matataas na gusali na madalas nyang daan pabalik sa kanilang bahay.
Nang biglang harangin ito ni daryl na bumaba galing sa itaas ng gusali.
“bakit ka nag nanakaw?”sabi ni daryl.
“ako?muka ba akong magnanakaw?”sabi ng babae.
“alam mo miss.maloloko mo ang mga pulis.pero hindi ako.kanina pa kita sinusundan.bakit ka nag nanakaw?”sabi ni daryl.
“wala kang paki alam.kaya umalis ka na dyan sa dadaanan ko.”matapang na sabi ng babae na noon ay kinakabahan at nagtatapang tapangan.
“hindi kita padadaanin.hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko.kung tatakas ka naman.pasensyahan tayo.isusupot ko ang ulo mo.”panakot ni daryl sa babaeng pilit na tinatakpan ng kamay ang muka.
Natakot ang babae ngunit ayaw parin nitong umamin at patuloy ang pagpapanggap na hindi natatakot kahit kinakaldabog na ng kaba.
“ayaw mo talaga?.pwes pasensya ka na.galit lang talaga ako sa mga magnanakaw.”panakot parin ni daryl sabay suntok sa pader kung saan nabasag ang sinuntok.
Nagulat ang babae at biglang naupo , tinukop ang tenga at itinatago sa tuhod ang muka sabay tumili.
“eeeyyy!!please don’t! please don’t!.aamin na ko.im sorry!.”sabi ng takot na takot na babae.
“bakit ba tinatakpan mo yung muka mo.tayo!gusto kitang makita.”dahan dahan na tumayo ang magandang babae na parang maamong tupa na noon ay kinakabahan na tila may itinatago sa muka.
“hanep pala.ang dami naman pwedeng trabaho dyan.ito pa na pili mo.kaganda mo pa naman.sige magpaliwanag ka.”sabi ni daryl.
“huh?!.hindi nya ko kilala.haay akalako mabubuko na ko.dayuhan siguro.”sabi ng babae sa kanyang isipan habang pinag mamasdan si daryl.
“sorry na po.magugutom po kasi ang mga kaibigan ko.kaya ako nagnanakaw para sa kanila.”sabi ng babae.
“kahit na.hindi tama yun.bakit hindi kayo madtrabaho.mag raid kayo.”sabi ni daryl.
“puro po kasi sila newbie.mamamatay lang sila kung lalabas ng bakod.lahat sila nastuck na sila dito kaya kahit hindi nila gusto ay napipilitan kaming magnakaw.
Hindi po kasi maganda ang palakad ng usombra kingdom.”matapat na sabi ng babae na totoong dahilan.
Naawa naman si daryl.
“wala din bang lowbie monsters dito sa usombra?”sabi ni daryl.
“wala po.ang level ng halimaw dito ay 45 kaagad ang pinaka mababa.kayat kawawa ang mga newbie na napupunta dito.
at dahil walang pakiaalam ang gobyerno sa kanila.wala silang magawa kundi ang maging alipin o masadlak sa prostitusyon ng mga high level.at yung iba naman na hindi kayang sikmurain ang pang aabuso ng mga high level ay tumatakas at nagiging palaboy.
Kaya sama sama sa iisang lugar.sa loob ng sewer line kung saan hindi sila pupuntahan ng mga mayayaman.
At ang masakit pa sa sistema ay mismong hari ang dumudukot sa mga newbie na nagiging palaboy dito at ginagamit silang alipin lalu na ang mga kababaihan na ibinebenta sa mga dayuhan bilang parausan.”malungkot na sabi ng babae.
“nasan sila?”sabi ni daryl na noon ay naawa.
Kayat sinamahan sya ng babae sa loob ng malawak na sewer line na sadyang ginawa ng babae na shelter para sa mga newbie.
Naawa si daryl dahil karamihan sa mga ito ay sobrang bata at matatanda kayat hindi na tinakot pa ang babae dahil ramdam nyang nagsasabi ito ng totoo.
“Ikaw mag isa nag aalaga sa kanila.ang dami nyan.”sabi ni daryl nang makita ang humigit kumulang 50 katao.
Nang malapit sila sa mga ito ay nagulat pa ang binata ng salubungin sila ng mga bata.
“prinsesa may pagkain po ba?”sabi ng mga bata na hindi hihigit sa 10 taong gulang.
“Prinsesa?”sabi ni daryl.
“oo.tama ko ang prinsesa.pero hindi ko gusto ang palakad nya.pero wala naman akong magawa.dahil hindi naman sya nakikinig.at ano ba ang magagawa ng level 33 na tulad ko.nag level lang ako dahil tinutulungan ako ng mga guards.
Kilala sa prostitusyon ang kaharian na kadalasang pinupuntahan ng mga pirata at mga hayok na manlalakbay na naglalaway sa laman ng babae.
Buti nga hindi ako ipinagbibili ng ama ko.”sabi ng babae.
“Pasensya na.akala ko ay magnanakaw ka lang talaga.pero napakalalim pala ng dahilan mo.o heto naihulog mo kanina.”sabi ni daryl sabay abot sa pera na kanyang nakuha.
“thank you.malaking tulong ito.ako nga pala si wendy .”sabi ng babae.
“daryl.kahirap pala ng buhay nila dito.pag dito ka napunta at babae ka.prosti o alipin lang ang pamimilian mo kung walang tutulong sayo o heto nagtatago sa ilalim.hindi talaga patas ang buhay kahit saan. nauunawaan kita.pasensya na hinusgahan kita.”sabi ni daryl.
“ok lang.kasalanan ko naman at mali talaga ang mag nakaw pero tama lang sa kanila yun na manakawan dahil tinatangkilik pa nila ang kabastusan ng kaharian.”sabi ni wendy.
“bukod dito.wala ka na bang ibang plano para iahon sila tutal at ginagawa mo na din lang ang pagtulong.”sabi ni daryl.
“wala na akong maisip eh.hindi ko alam ang dapat gawin.”sabi ni wendy.
“alam mo hindi ako experto sa mga ganitong problema pero susubukan kong bigyan ka ng konting payo.
Kasi para sakin.tama na tinutulungan mo sila.humahanga ako doon.pero mali na manatili silang ganito na umaasa sayo habang panahon.
Kung gusto talaga natin silang tulungan.dapat bigyan natin sila ng pakpak para makalipad din sila tulad ng iba at matuto silang hanapin ang dapat na para sa kanila.
Samantalahin mo ang mga pagkakataon na pinakikinabangan mo ang pagiging hari ng ama mo.
Magpalakas ka magpalevel.hanggang sa kayanin mo nang mag isa.tsaka mo sila akayin ng isa isa hanggang sa sabay sabay mo na silang mapalakas  at kayanin narin nilang mag isa.
Mahaba at matagal na proseso.pero unti unti ay matututo silang lahat hanggang sa wala nang alipin na matitira sa kaharian.dahil lahat ay napalakas mo na.
Yun ang tunay na sulusyon na pang matagalan.
Kaya naman pala kakaunti ang pumapasok sa guild house nyo dito.dahil kakaunti ang raider nyo.”sabi ni daryl.
“hindi rin kasi kayang suportahan ng pondo ng gobyerno at walang masyadong kabuhayan dito.”sabi wendy.
“kung ganon.edi iwanan nyo itong lugar na to at hanapin ang kapalaran sa ibang lugar.atleast lisanin man nila ito.ay may lakas kang pabaon sa kanila.para meron silang pagsisimulan.mahirap maging mahina.pero masmahirap kung mananatili kang mahina.kasalanan mo na yun.wag ka sanang magagalit sa sinasabi ko.”sabi ni daryl.
“nauunawan ko.tama ka.mula ngayon magpapalakas ako.at unti unti ko silang palalakasin hanggang sa mawala nang lahat  ng mahina dito sa kaharian.salamat daryl binigyan mo ako ng idea.pwede ko palang gawin yon.”sabi ni wendy.
“gusto ko sanang tumulong sa pagpapalakas sa kanila.pero may misyon akong dapat na tapusin.siguro kung aabutan ko pa kayo.babalik ulit ako dito at tutulong ako sayo.”sabi ni daryl.
“maraming salamat.hindi mo pala sila katulad.meron pa palang mga katulad mo na naliligaw dito sa makasalanang kaharian na to.”sabi ni wendy.
“napadaan lang talaga ako.”sabi ni daryl.
“bakit saan ba ang punta mo?”sabi ni wendy.
“kailangan kong makarating sa sky kurika.problema ko pa nga kung paano pupuslit sa mga pirata.”sabi ni daryl.
“matutulungan kita dyan.alam mo.may mabubuti rin na pirata.at kaibigan ko ang isa sa kanila.sa kanya nanggagaling ang malaking donasyon na ginagamit ko para matustusan ang mga kinukupkop ko.”sabi ni wendy.
“parang robin hood din pala sila.parang ikaw.”sabi ni daryl.
“hihihi.oo.gumagaling na nga ako sa pagnanakaw at pagtatago.”sabi ni wendy.
“kasi yan palagi ang ability na namamaster mo.”sabi ni daryl.
“heto.hanapin mo ang pirate flag na yan sa airship na makikita mo sa utongga oasis .at ipakita mo ang flag ng secret orphanage ko kay kaptain bronson.sabihin mo na kaibigan kita at makikisakay ka papunta sa sky kuraki.isasakay ka nila.mag iingat ka lang sa sky kuraki.dahil puro halang ang bituka ng mga tao doon.”sabi ni wendy.
“Salamat.idagdag mo nato sa panggastos nyo.”ibinigay ni daryl ang isa sa kanyang ibinukod na coin bag para sana sa kanyang paglalakbay.
“wow 50 gold ang  dami  palang laman ng coin bag mo.mayaman ka rin pala.”sabi ni wendy.
“hindi naman.kinita ko lang yan sa ulo ng deusraksya.may 90 silver pa naman ako sa isang coin bag ko,maskailangan nyo yan.salamat ng marami dito sa tulong mo.”sabi ni daryl.
Para kay daryl ay Maliit na halaga lamang iyon kumpara sa pera na nakatago sa loob ng dimensia geimoir na inilalaan nya para sa sambahan ni demeter.
Sabay na lumabas sa  sewer line ang dalawa matapos na maibigay ni wendy sa kanyang mga orphan na incharge sa pagbili ng pagkain, ang perang kinakailangan.
Hapon na din ng oras na iyon kung saan kailangan nang makabalik ni wendy sa palasyo upang hindi hanapin ng hari.
“maraming salamat ulit ginoong daryl.sanay magtagumpay ka sa misyon mo.susundin ko ang payo mo.hanggang sa muli.”sabi ni wendy na noon ay nakatalukbong nang muli ng tela ang muka.
Nakahanap ng matutuluyan si daryl sa tabi mismo ng tavern.kayat nagpasyang uminom ng konti bago matulog.
Pagpasok palang sa pinto ay kita na ang mga nagsasayaw na hubot hubad na katawan ng mga prostitute at mga babaeng sumasalubong sa mga customer.
Alam ni daryl at naobserbahan  na madali syang matukso sa mga ganoong bagay buhat ng matikman nya ang sarap ng pakikipagtalik sa dalawang naggagandahang birhen na human peko na ginawa din nya sa kanyang minamahal,parang kuryeteng gumugising sa Init ng kanyang katawan.kayat hindi na ito tumuloy nang hindi na magkasalang muli.
“wow.my goodness.tukso all around.out na muna ko dito.ayoko nang magkasala”sabi nang binata habang nagpipigil ngunit nakatitig sa maseselang bahagi ng magagandang hubad na dancer at nagtutumindig ang nagwawalang alaga from down below.
“ouch kahigpit pala ng pantalon ko dito.haaaa huuuu (hinga).hay dito nalang ako sa labas maghahanap ng iinuman.”sabi ng binatan na noon ay naexcite.
Ngunit kahit saan ibaling ang mata ay nagkalat ang mga kababaihang nasanay na at nagbebeta ng katawan.
Para kay daryl ito ang lugar kung saan nabubuhay ang kamundohan na tulad ng lumalason sa kanyang isipan na mahirap pigilan.ngunit pagkakataon din iyon upang sanayin ang sarili nya kung paano iiwasan at lalabanan ang kamundohan sa kanyang isipan.
Ngunit kahit ganoon ang sitwasyon na pinagdadaanan ng  binata ay naaawa parin ito sa kalagayan ng kaharian kung saan kawawa ang mga mahihina na syang pinag sasamantalahan.
“tsk tsk!.kahit saan talaga.natural na talaga sa tao,kahit ako magkakasala ako dito.dapat makaalis na agad ako bukas.kawawa naman ang mga newbie dito.sana sa lemuria nalang sila napadala.hindi sana sila nagkaganito.walang kwenta ang hari dito.”sabi ni daryl.
Kayat nagpasya nalang na bumalik sa kanyang inupahan at matulog bago pa sya tuluyang lukuban ng  kamunduhan.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon