Chapter 3
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng bahay, narinig ko na agad yung sigawan nila Mommy at ng kapatid ko sa kwarto.
Here we go again.
I came from a dysfunctional family. I grew up with a lot of issues. Specially, with my younger brother.
Para siyang nagrerebelde pero wala namang rason para magrebelde siya. I guess yung mga barkada niya ang bad influence sa kanya.
Sa araw-araw nalang na ginawa ng Diyos, walang sandaling naging tahimik yung bahay namin pag nandito kaming lahat. Laging may sigawan, drama, away at iyakan. It has always been like this but I’ll never get used to this.
Im a messed up person when Im at home. Sole reason why I always wanna go to school kahit na nakakatamad mag-aral. Minsan nga sa school lang ako kahit wala akong pasok just to get rid of all the drama and fights here at home.
Kung gaano ako kalungkot sa bahay, ganun ako kasaya sa school.
I always wear my famous mask whenever I go out. My smile.
Sa school ko natagpuan yung pamilyang masaya, mainly sa org namin.
Sabi ni friends ko, napakatapang ko daw. Kasi kahit gaano ako dinudurog ng problema sa loob loob ko, nagagawa ko paring ngumiti at magpatawa. Nagagawa ko pa daw magpasaya ng iba eh yung sarili ko nga hindi ko magawang maging masaya.
I guess that’s just me.
I remember I read once, the people who smile the brightest, hurts the most. Indeed.
“Papatayin mo ba talaga kaming bata ka?!” Rinig kong sigaw ni Mommy.
I sighed.
I wonder, kailan kaya matatapos tong gantong eksena sa bahay? Bakit kaya hindi nalang kami maging masayang pamilya? Nakakasawa na kasi yung ganto.
Lumabas si Mommy sa kwarto at nagderederetso palabas ng bahay pero bago siya lumabas, hinarap niya ko. “Kausapin mo yang kapatid mo. Papatayin ata kami ng Daddy mo.”
Kasabay ng paglabas ni Mommy ang pagtulo ng luha ko.
Mauuna pa ata ako mamatay sainyong lahat.
Lagi nalang akong naiiyak kada uuwi ako. Kung ganto ba naman madatnan mo lagi sa bahay, ewan ko lang kung di ka maiyak eh.
Pumasok na ko sa kwarto ko. I locked myself up. Sinuot ko yung earphones ko.
Earphones: On. World: Off.
I put Invisible on repeat and let myself drown with my own tears.
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?
