Chapter 2 - DJ

31.3K 597 89
                                    

Chapter 2

 

Sino nga ba si Daniel John Ford Padilla?

Well yun ata yung lalaking pinagpala sa lahat ng bagay. Minsan nga naisip ko, ano pa kayang kulang sa buhay niya?

Kasi naman, masaya yung pamilya nila. Since madalas ko nga istalk yung Instagram niya at ng mga kapatid niya, nakikita ko kung gaano sila kasaya at kakumpleto. May dalawa siyang Kuya, si Kuya RJ at Kuya JC. May isa siyang ate, si Ate Roanna. Bunso siya sa kanilang apat na magkakapatid. He’s 20 years old. Close silang apat na magkakapatid. Yung closeness na madalas sila mag-party together, o kahit vacation lang.

Sobrang yaman pa niya. I mean sobra. Yung mga kapatid niya, walang ginawa kundi magtravel sa iba’t ibang bansa. Sa isang buwan siguro tatlong bansa napuntahan nila para magbakasyon. Tapos may sportscar pa siya. Pero kung titignan mo si DJ sa school, simple lang siya. Hindi mo mahahalata na sobrang yaman pala niya. Down to earth.

“Tulala ka na naman jan! May pinapagawa si Sir.” Sabi ni Miles sa tabi ko.

“Kaumay.” Maikling sabi ko.

I mean, matalino naman ako, magaling ako sa programming stuffs and such pero nakakaumay parin. Hindi ko naman kasi talaga ginusto tong course na to. Bakit nga ba ko napatake ng Computer Engineering, eh Culinary Arts talaga ang gusto ko.

Kaya lang naman ako kumuha ng Engineering course dahil yun ang gusto ng parents ko. Sabi nila eh.

Wala naman sanang problema, Im good at Math. Gumraduate akong Best In Math nung High school pero pagpasok ko sa school na to, para kong nashunga. Napakahirap naman kasi ipasa ng mga subjects. Pinapahirap kasi ng mga prof. Well, lets not skip the part where this school is the best school for Engineering kaya ganun kahirap.

Magshift nalang kaya ako?

Nah. Ngayon pa ba? Apat na taon na ko sa college, ngayon pa. Sayang naman yung ilang taon na inaral ko. Tsaka yung pera. Napakamahal kaya ng tuition dito.

“Nagugutom na ko.” Sabi ni Miles.

“Ako rin.” Tsaka lang ako nakaramdam ng gutom. Kasi naman hindi uso breakfast sa bahay lalo na kung Saturday at Sunday. Paano, ako palang ang gising ng ganun kaaga sa bahay.

Buti nalang 12:15 na, pwede na kami kumain.

Sa labas kami kakain ni Miles kaya bumaba na kami. Pero nung palabas na kami ng building ng Computer Engineering, bigla naming nakasalubong si DJ na mukhang paakyat.

Bigla niya kong nginitian. Tapos “Hi.”

Nagsmile lang ako sakanya dahil nahihiya ako.

Nagtuloy-tuloy kami ng lakad pero paglabas namin ng building. Bigla akong nagtatalon at nagsasayaw.

“BINATI NIYA KOOOO! SHEMSSS! TEEEE! OMGGGG! NAGSMILE PA SIYA TAPOS HI DAW! SHEEEEEMSSSS!”

“Hala! Nababaliw ka na naman Kath!” Natatawang sabi ni Miles.

Pero ang saya ko talaga! Sobrang saya ko kaya patuloy lang ako sa pagsayaw sayaw habang naglalakad kami palabas.

“Yuck ka te! Hindi kita kilala ah. Lumayo ka nga sakin.” Sabi niya sabay lumayo siya.

Hahaha. Ang asim ng friend ko. Pero wala akong pakialam. Masaya ako.

Binati ako ni DJ. Naaalala pa nga niya ko. Shems.

Almost one year narin kasi simula nung huli kaming nagkausap. Naging classmate ko siya nun sa isang subject tapos wala akong ibang kakilala. Siya naman, kasama niya mga barkada niya dun. Pero ang sweet na part, humihiwalay siya nun sa barkada niya para tatabi siya sakin tapos maguusap kami. Wait did I say sweet? Okay hopia lang ako, I know.

Akala ko kasi hindi na niya ko kilala, I mean one year is one year.

Pero hindi, kilala niya pa ko.

“Ang creepy ng ngiti mo Kath.” Sabi ni Miles. Nandito na nga pala kami sa Cantunan.

 

Dito masarap kumain, MnM. Mura na Madumi pa. De joke lang. Mura na Masarap pa.

Hinihintay nalang namin yung orders namin. Suki kasi kami dito kaya madalas alam na nila Ate yung order namin unless magiba kami ng tastebuds sa araw na yun.

“Walang basagan ng trip te.” Sabi ko naman sakanya.

“Sus. Wala na ba talaga sila ni Julia te?”

Napasimangot naman ako sa narinig ko. Si Julia Baretto. Ex ni DJ yun. Sobrang ganda. Sexy. Prinsesa ng school namin yun eh. President ng Student Council. Mabait. At mahal ni DJ yun.

Wala na sila pero ramdam ko naman na mahal pa siya ni DJ. Di naman kasi chicboy si DJ eh. Sa ilang buwan na nakilala ko siya, siya yung tipo ng tao na stick to one.

Matagal din naging sila, almost one and a half year kung tama yung source na nakuhaan ko ng info. Pero kasi dinadala na talaga ni DJ si Julia sa mga events ng family nila. Nakita ko kasi one time nung opening ng Japanese resto nila sa Ortigas, si Julia yung dinala niya for the red carpet opening. Nagpost kasi si Ate Roanna ng picture na kasama yung dalawa.

Di ko alam kung anong rason para magbreak sila pero kahit naman crush ko si DJ, bet ko silang dalawa. Parang ang cute kasi ng relationship nila dati. Hindi sila yung clingy sa school pero ang cute nilang tignan.

Pero syempre, may parte sa loob loob ko na masaya. Single na ang crush ko. Diba? Ang saya!

“Wala na nga sila te. May girlfriend na kasi si DJ na bago.” Sabi ko sakanya.

Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. Basta talaga chismis, nako.

 

“Who’s the lucky girl?” Sabi niya.

Lucky naman talaga ang magiging girlfriend ni DJ noh. Sobrang sweet kaya niya nun kay Julia. Kahit malayo bahay ni Julia, at malapit lang yung bahay ni DJ sa school, sinusundo niya parin si Julia papasok.

Sobrang stalker ko ba? Basta kusang lumalapit yung infos sakin eh. Its not like sinusundan ko siya everywhere. Di naman ako ganun. Basta nalalaman ko nalang yung bagay bagay.

“Ako. Ako yung girlfriend ni DJ.”

 

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon