Chapter 30
(PS: SORRY NA SA TITLE. HAHAHA)
“About DJ. How did you two know each other?” Tanong ko habang bumabyahe kami papunta kila Tips. Ngayon ko lang ulit naalala itanong kung paano nangyaring magkakilala sila ni DJ.
Saglit siyang tumingin sakin. “We met in California last year. Just a week before I got back here. We became friends. Kasama ko siya noon sa ilang party bago ako umalis.” Sabi niya.
Gusto ko sanang sabihing siya yung ex ko na matagal ko ng kinwkwento sakanya but that would not make sense now. Parte na ng nakaraan si DJ. Hindi na dapat siya naiinvolve sa present ko.
Kanina, nung nakita ko sila ni Julia, I felt absolutely nothing. Dati, kada makikita ko sila, I’ll always end up crying a river. Pero kanina, wala. Im fine. I was totally fine. Nakalimutan ko nga over dinner na nakita pala namin sila.
Ngayon ko lang naalala ulit.
Pagdating namin sa bahay nila Tips ay umakyat agad ako sa kwarto niya.
“Mam andito na po pala kayo.” Sabi sakin ng isang katulong nila. Kinuha ko sakanya si Baby Lee.
“Ako na dito ate. Pahanda nalang ng gamit niya.” I told her.
After niyang mahanda lahat ng gamit ni Baby Lee ay binitbit na niya ito pababa. Sumunod narin ako sa baba habang bitbit ko si Baby Lee. At nakita ko naman si Dom na nakaabang sa may pinto. Hawak na niya yung bag ni Baby.
“Lets go Mommy?” He said with a smirk.
“Hay nako Roque.” Sabi ko nalang at lumabas na kami ng bahay.
“Grabe ang ganda niya talaga. Kamukhang kamukha mo talaga siya Mommy Kath.” Sabi niya habang nakatingin kay Baby.
“Malamang kamukha ko. Sakin nagmana to noh. Baka maging kamukha mo?” Natatawang sabi ko.
“Grabe lahat ata nakuha niya sayo. Mata, ilong, pati curve ng lips eh.” Sabi niya at pinaglaruan pa yung mukha ni Baby.
“Hoy tigilan mo!” Suway ko sabay hampas ng kamay niya.
Pinagbuksan niya na ko ng pinto at sumakay na ko. Nilagay niya rin yung bag ni Lee sa backseat ng sasakyan.
We arrived at my house 30 minutes later.
“Bye baby.” Sabi niya kay Baby Lee sabay halik sa noo nito. Humagikgik naman si Baby Lee. May favoritism ata tong batang to. Sa iba kasi hindi naman to palatawa. Pero kay Dom laging nakangiti.
“Bye din baby ko.” Aniya. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo.
Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi naman na bago yung gestures ni Dom sakin pero hindi ko parin maiwasang hindi kiligin.
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?