Chapter 9 - Ano daw?

25.9K 610 41
                                    

Chapter 9

 

Alam mo yung feeling na ilang araw ko nang pilit kinakalimutan yung sinabi ni DJ nun sakin dahil kailangan kong mag-aral para sa finals pero kusa siyang nagppop up sa utak ko.

Naalala ko na naman yung nangyari na yun almost a week ago.

“But on the other hand. I dont wanna be your bestfriend. I wanna be your boyfriend.”

 

I swear I felt a mini heart attack.

 

“H-ha?” Nag-stutter pa ko.

 

“Wala. Sabi ko liligawan kita.”

 

ANO DAW?! JUICECOLORED! Nagbubuhol buhol na lahat ng laman loob ko sa katawan sa mga pinagsasasabi niya.

 

“Nakakatawa yung reaction mo. Kumain na nga lang tayo.”

 

Simula nun, hindi na kami lumabas.

Lumabas talaga Kath?

 

Finals week na kasi. Hell week. Kaya busy kami pareho. Eh halos di nga nga ako nakakatulog  sa sobrang busy ko eh. Like ngayon, wala pa kong tulog pero andito na ko sa school, nagaaral.

Okay. I might sound like feel na feel ko na ang haba ng buhok ko. Pero madalas siya magtext kahit busy siya. Nangangamusta lang, kung kumain na ba ko, kung kamusta exam ko, kung napasa ko ba yung requirements and such. Madalas na din ako magload dahil sa pagtetext niya.

Aba nakakahiya naman kung hindi ko siya rereplyan diba.

Ano Kath? Iisipin mo nalang yang landi mo kaysa mag-aral ka? Makakapasa ka nyan!

 

Gusto kong mawala sa utak ko yung sinabi ni Deej. Ayaw kong mag-assume. At mas lalong ayaw kong umasa.

Napaka-harot mo! Feeling mo naman magugustuhan ka talaga nun? Huy ipapaalala ko lang sayo. Si Daniel John Padilla yun! Langit siya, lupa ka! Umayos ka at mag-aral nang may mapala ka pa.

 

Lecheng utak to. Oo na mag-aaral na.

Inumpog ko ng inumpog yung ulo ko sa lamesa sa tambayan namin. Buti nalang maaga pa kaya wala pang tao kundi magmumukha akong baliw.

“Effective ba magreview pag inuumpog yung ulo?” Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita galing sa likod ko.

“Nakakagulat ka naman Kuya Quen.” Sabi ko sakanya.

Para naman kasing kabute to si Kuya Quen. Bigla bigla nalang sumusulpot.

Umupo siya sa harap ko, pero tumayo siya at nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Halos manigas ako sa kinauupuan ko sa ginawa niya. Para kasi niya kong hahalikan.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon