Chapter 20
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Napansin kong wala na si DJ sa tabi ko pero kitang kita ko yung mantsa ng dugo sa kama niya.
We really did it.
But no regrets. I gave my virginity to the man I love. To the man I want to spend my forever with. I know this is too early to think about that pero hindi ko mapigilan. Last night was the best night of my life.
Kinuha ko yung phone ko at 8 na pala ng umaga. I groaned. Magpapasa pa kami ng thesis paper ngayon, kailangan ko pa naman umuwi dahil wala akong dalang damit.
Tumayo ako at naramdaman ko agad yung matinding sakit sa gitna ng hita ko. D-mn, Im still sore! Ayoko na sanang pumasok. Gusto ko nalang matulog buong araw pero hindi pwede yun.
Nagbihis ako at nagpasyang bumaba. Wala akong DJ na nakita. Nakita ko lang si Mang Kaloy.
“Mang Kaloy. Si DJ po?” Tanong ko.
“Umalis po si Sir kanina Mam Kath. Bilin po niya pakainin ko kayo bago ko kayo ihatid pauwi. At ihatid ko din daw po kayo papasok.”
Si DJ talaga!
I admit, nagugutom na ko. Nakakapagod yung ginawa namin kagabi pero ayaw ko naman kumain ng mag-isa. Pero mapilit si Mang Kaloy dahil papagalitan daw siya ni DJ kaya kumuha nalang ako ng hotdog at tinapay tapos sabi ko ihatid na niya ko dahil kailangan kong pumasok ng maaga.
“Salamat Mang Kaloy. Wag niyo na po ako antayin. Magcocommute nalang po ako papasok.” Nakakahiya na kasi, masyado ko na siyang naiistorbo. Hinatid na nga ako pauwi tapos ihahatid pa ko papasok.
“Nako Mam. Ako po mapapagalitan ni Sir pag hindi ko kayo hinatid pauwi. Hintayin ko nalang po kayo dito.”
Tumango nalang ako. Wala naman din akong magagawa. Baka mapagalitan pa nga siya kaya susunod nalang ako. Besides less hassle sakin yun, lalo na at masakit pa ang ibabang parte ng katawan ko.
Dali-dali akong naligo at nagbihis.
“San ka galing? Hindi ka ba nagiisip na may nagaalala sayo dito?” Bungad ni Mommy paglabas ko ng kwarto ko.
Sh-t! Nagising pa!
“Sorry ma. Pinatulog na po kasi ako ni Tita Karla sakanila dahil gabi na po masyado.” Lie.
Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na ‘Ay mommy! Nagsex kami ni DJ kaya hindi ako umuwi kagabi.’
Duh. Baka patayin ako ng magulang ko pag sinabi ko yun. Payag sila sa relasyon namin ni DJ pero hindi sila papayag sa sex before marriage. Hindi din ako fan ng premarital sex pero that’s what love does. It can make you do things you never thought you could do.
“Pasalamat ka at nagtext si Daniel kagabi na doon ka daw matutulog sakanila. Ayoko ng maulit to ha Kathryn.” Sabi ni Mommy sakin.
Nagtext si DJ? Kailan?
“Yes ma. Pasok na po ako. Magpapasa kami ng thesis.” Sabi ko sabay labas ng gate. Naabutan ko si Mang Kaloy na nagaantay talaga sakin. Hindi na ko nakakain uli dahil nahihiya ako sa pagaantay ni Mang Kaloy. Mamaya nalang.
Pagod na pagod na ko at gutom na gutom na ko. Ala-una na ng hapon at wala pa kong kinakain kundi yung isang hotdog at isang tinapay mula pa kanina. Busy kami kakahanap ng maayos na paprintan dahil sira daw printer nung computer shop na madalas naming pagparintan.
Pagpasa namin ng thesis paper ay ready na kong kumain.
Pero nakareceive ako ng text galing kay DJ.
Fr: Boyfriend <3
Rooftop.
Yun lang? Eto ang unang text niya sakin mula kanina at eto lang ang laman. Ayaw kong magtampo. Pero hindi ko maiwasan hindi sumama ang loob ko.
Anong problema?
Imbes na kumain ako ay umakyat na ko ng rooftop. Naabutan ko siyang nakatayo doon at nakatingin sa kawalan.
Niyakap ko siya mula sa likod. I felt him stiffened.
Unti-unti niyang kinalas ang pagkakayakap ko sakanya.
Humarap siya sakin. Wala akong emosyong mabasa sa mata niya. Malamig. Malamig ang tingin na binigay niya sakin. Nagumpisa ng mamasa yung mata ko.
“May problema ba, baby?” I manage to ask.
We were okay last night.
I wanted to add pero hindi ko na nasabi dahil nanigas na ko sa binitawan niyang salita.
“Let’s breakup.” Aniya.
Naramdaman kong tumulo yung luha ko pero pinunasan ko yun. Bago pa man ako makapagsalita ulit ay nagsalita na naman siya.
“Im sorry. We’re over.”
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?