Chapter 23
I woke up feeling wasted. Sobrang sakit ng ulo ko at sa ka-una-unahang pagkakataon. Nagsuka ako, the morning after ko maglasing. Ang dami kong sinuka, halos yakapin ko na yung bowl namin sa banyo. Feeling ko konti nalang bituka na yung lalabas sa bibig ko. Wala ng tao sa bahay paggising ko, baka pumasok sa school yung mga kapatid ko, I dont know.
Wala na kong alam sa buhay this past few days. Im too preoccupied.
After kong ilabas lahat ng pwede kong ilabas kakasuka ay naligo na ko. Hindi narin ako kumain dahil feeling ko ilalabas ko ulit kung kakain ako. Hindi naman ako gutom. Or gutom. I dont know. Hindi ko alam kung masakit lang yung tiyan ko kakasuka, or masakit yung tiyan ko epekto ng sakit ng puso ko na feeling ko buong katawan ko masakit.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ligtas sa school. Wala akong sundo ngayon. Not that I need one. Pero may lakad daw si Kuya Quen kaya hindi niya ko masusundo. I dont care though, I dont need a babysitter. Im messed up, but I can handle myself. Thank you very much.
Kung pwede lang magkaron ng shortcut mula gate papasok ng building ng hindi dumadaan sa tambayan ay hindi ako mas lalong nasasaktan.
Each and every damn time na dadaan ako ng tambayan ay makikita kong masayang naguusap si DJ at Julia. Masayang nagkkwentuhan, not to mention the giggles. Hindi ba sila marunong makiramdam? Tngina. Tulad nalang ngayon. Bago pa ko makarating sa tambayan ay nakita ko na naman silang dalawang nagkikilitian.
Pagdating ko sa tambayan ay agad agad silang sumigaw ng "HAPPY BIRTHDAY KATH!" Sabay labas ng Mango Bravo na cake mula sa Contis. May mga kandila din sa taas ng cake na nakasinde.
Birthday ko pala.
I was too focused on the pain inflected in my heart that I forgot today's my day. Not. I dont feel like its my day. This is just another day for me. Another painful day after the breakup.
Napatitig ako sa cake. Memories came back rushing.
“What are you doing here?” Tanong ko agad paglabas ko ng gate.
Bigla kasi siyang nagtext. Im outside, baby. Wala naman kasi kaming usapan.
“I cant surprise my girlfriend now?” Aniya.
Kulang nalang malaglag yung puso ko at magtatalon.
Inangat niya yung kamay niyang may hawak na Mango Bravo. Agad ko siyang niyakap.
“You’re the best!”
I felt the familiar liquid on my cheeks. Wala talagang pinipiling lugar tong luha ko.
Niyakap naman ako agad ni Miles.
"Ang sakit sakit."
“I know Kath. I know.” Aniya ng pabulong sabay yakap pa sakin ng mas mahigpit. “Na-overwhelm lang si Kath. Hehe. Kidnappin ko muna. Alone time.” Sabi niya sa orgmates namin sabay hinigit ako paakyat sa fire exit sa third floor.
Ilang minuto din kaming nakatulala habang nakaupo sa fire exit.
She broke the silence. “Kath.”
Napahagulgol na naman ako. Simpleng pangalan ko palang napapaiyak na ko.
“Ang sakit sakit eh. Ang sakit Miles. He was my f-cking first everything. Minahal ko siya, sobra. I gave him everything. Every damn single thing. I gave him everything.” My voice broke upon saying the last sentence.
“You?” She asked. Shocked.
Tumango lang ako. “Tapos kinabukasan, nakipagbreak siya sakin. Kinabukasan. Damn it. Ganun ba siya kakating palitan ako? Hindi ba yun makakapaghintay ng isa pang araw? Kinabukasan talaga? Ano Miles? Sabihin mo nga, saan ako nagkamali? O baka naman wala talaga kong naging mali, ang mali ko lang, nahulog ako sakanya. Eh mukhang laro lang ang lahat. It was all about the f-cking virginity. F-cking virginity.”
Niyakap niya ko. “Alam ko. I mean, hindi. Hindi ko alam yung nararamdaman mo. I’ve experienced heartbreaks but yours was a different story. Ang akin lang Kath, hindi naman siya ang dehado dito eh. Ikaw ang nawalan. Ikaw ang niloko, kung naloko ka nga. Ikaw ang nasaktan. Ikaw ang iniwan. Pero ikaw din yung umaasa. Ikaw parin ang nakakamiss. Can’t you see? Masaya na siyang nakikipagtawanan kay Julia. Kaya sana, hanggat kaya mo, tulungan mo yung sarili mong magmove on. Let go Kath. Kung hindi mo na kaya, bitiwan mo na.”
“H-Hindi yun ganun kadali Miles. Kasi kung kasing dali lang yun ng pagsabi kong magmomove on na ko. Ay ginawa ko na. The moment he walk out of my life, I wouldve done it. Right there and then. Pero hindi eh. Hindi madali Miles.”
Im a total mess. To think na birthday ko ngayon.
Its really my day. Not.
----------------
Short UD. But it is something. Right? Haha. Sorry for the late UD, I've been busy with my exams. <3
PS. I feel bad for Kath.
PPS. Hear DJ's side of the story. Uhm soon.
PPPS. Marami pang twists and turns. Kapit lang.
OKAY? OKAY.
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?