Chapter 11
First day of classes ngayon para sa second sem at 9 months nalang ggraduate na ko. Konting tyaga pa Kath at yayaman ka na.
Yayaman ka na.
I cursed myself on how that stings.
“Tulaley ka na naman girl. Ano itu? Dramarama101?” Sabi ni Arisse sakin.
Napabuntong hininga nalang ako. Ilang araw na kong ginugulo ng sarili kong utak. Simula nung araw na pinagluto ako ni DJ.
Busog na busog na ko pero ayaw ko pang tumigil. One word, masarap. Ang sarap ng luto ni DJ grabe! Nakalimutan ko yung pangalan ko sa sarap.
Medyo OA ako sa huling part pero walang biro. Ang sarap netong hindi ko maintindihan yung tawag na niluto niya. Pang sosyal naman kasi yung pangalan, pero beef siya na may halong bacon, patatas, cheese, at mga hindi ko maintindihan ulit na ingredients. Basta Beef con chenes yung sinabi niya kanina. Nagbake din siya ng maliit na chocolate cake.
Heaven on earth.
Paano naman ako hindi mahuhulog sa gantong klaseng lalaki diba. Eh nasakanya na ang lahat. Gwapo, hot, mabait, gentleman, sweet, matalino, responsable, mabango, mayaman at higit sa lahat, magaling magluto.
Kanina habang pinapanuod ko siya magluto, ibang saya yung naramdaman ko. Para bang kontento na ko. Sa mga ginagawa niya para sakin, sobrang kontento na ko. Sobrang napapasaya niya talaga ko.
“Matunaw naman ako, baby.” Sabi niya. Shems. Kanina pa pala ko nakatitig sakanya.
Pero anong sabi niya? Tinawag niya ba kong baby?
“B-baby?”
“Cute lang. Para ka kasing baby kanina kumain nung cake. Ang sarap mo panuorin eh.” Ngumiti na naman siya.
“Sus. Dami mong alam. Pero infairness talaga, ang sarap mo magluto.” Sabi ko sakanya. Pang-ilang beses ko na ata sinabing ang sarap ng luto niya.
“So effective ba? Nakarating ba ko sa puso mo galing sa tyan mo?”
Natawa ko sa sinabi niya. Ang sagwa pala pakinggan pag tagalog. Ilang beses na ba na sagot niya yung kinakain kong sosyal. Naranasan ko na yung pagkain ng mayaman.
Parang biglang kumirot yung puso ko. This shows how different we are.
Masyado ng maraming heaven and earth relationship at hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang mapabilang dun. Magulo yun. Mayaman siya, paano nalang kung ayawan ako ng pamilya niya unlike sa pagwelcome nila kay Julia kasi hindi ako mayaman katulad nila.
I felt Arisse squeezed my hand.
“Anong problema te?” Tanong niya.
Nararamdaman kong may namumuong luha sa mata ko. “Wala. Walang problema. Actually meron, ako, ako yung problema Arisse. Feeling ko hindi kami bagay ni DJ. Feeling ko hindi kami bagay pero hindi ko mapigilan mahulog sakanya.”
“Hindi kayo bagay? Dahil ba mayaman siya?”
I nodded.
“Pinaramdam ba niyang nasa taas siya at nasa baba ka?”
I shook my head. Hindi naman niya kailanman pinaramdam yun eh, kaya siya yung nagbabayad madalas ay dahil daw nanliligaw siya at isa pa siya ang lalaki. Responsibilidad daw niya yun. Pero kahit kailan hindi niya ipinaramdam sakin na mayaman siya, at hindi ako kabilang sakanila.
“Bakit ba kasi ang plain kong tao?” Sabi ko. More like tanong ko sa sarili ko.
“You’re beautiful, God you’re so beautiful. You’re incredibly funny, matagal na kitang tinitignan mula sa malayuan, at madalas kong marining kung paano mo mapatawa yung mga tao sa paligid mo. You’re smart, madalas kong marinig sa ibang tao na magpapaturo daw sila sayo lalo na pag programming subject yun. The way you smile, it can brighten up someone’s day. You’re simple, but simplicity is beauty. And your simplicity makes me love you more. You’re charming, kaya ka nga mahal ng mga tao sa paligid mo. You’re not plain Kath. You dont just see yourself the way people see you, the way I see you. Cause from my point of view, you’re perfect.”
Hindi napigilan ko na napigilan ang sunod sunod na pagbagsak ng luha ko sa narinig ko mula sa likod ko. Unti-unti kong hinarap ang lalaking ilang araw, ilang gabi nang gumugulo sa sistema ko.
May hawak hawak siyang bouquet ng roses. Lumapit siya sakin at inabot sakin yung bulaklak. Tuloy tuloy lang yung pag-agos ng luha ko dahil di ko mapigilan yung kilig at saya sa mga narinig ko mula sakanya.
Eh kung sagutin ko kaya to ngayon na?
Nababaliw na ata ako. Agad agad? Pero kasi, sobrang nakakatouch yung sinabi niya.
Nakakatouch? O nakakakilig?
“Kath I fell in love with you the moment I saw you walked inside Comm class. I may have not admitted it right then and there but I know what I felt that time. And not even our status in life can affect that.”
How come he always know what to say? He has his own precious way of making me feel loved. Kahit saglit palang simula nung magumpisa kaming lumabas-labas.
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?