Chapter 26
Napanganga ako ng huminto yung sasakyan sa tapat ng isang mansion. Grabe. Kasya ang 20 na bahay namin dito. Baka nga higit pa sa 20 eh. May fountain sa tapat ng pinaghintuan ng sasakyan at may hagdan naman patungo sa pintuan ng bahay.
Inalalayan ako ni Mr. Manuel pababa ng sasakyan. Hindi parin ako sanay tawagin siya ng father endearments like Daddy or whatever. Besides may Daddy na ko. Sinalubong naman ako ni Mrs. Manuel at nung sabi nilang nakatatanda kong kapatid.
“Welcome home anak.” Masayang sabi ni Mrs. Manuel.
“Ang laki po ng bahay niyo Mrs. Manuel.” Sabi ko sakanya. Napahinto naman siya. Nakita kong lumungkot yung itsura niya. “Sorry po. Hindi po ako sanay kasi.”
Ngumiti siya. “I understand. So you’ve met Neil yesterday. He’s 3 years older than you.”
Ngumiti ako kay Kuya Neil. “H-hi.” Sabi ko.
Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. “You dont know how long I waited just to hug you baby sister.”
Napangiti ako, I guess I can list this to the pros of the situation. Matagal ko ng gusto magkaron ng kapatid na lalaki na mas matanda sakin. Yung ituturing akong baby. Naiingit kasi ako nun sa mga pinsan kong babae na may kapatid na lalaking mas matanda, yung pagiging protective pero sweet nila. Hindi ko nga pala sila pinsan.
Kahapon nung malaman ko yung tungkol dito ay humiling ako ng kung pwede bigyan pa ko ng isang gabi bago ako bumalik sa totoong pamilya ko. I spent the night with my cousins. Naiyak si Tippy at si Pams nang malaman nilang hindi nila ko tunay na pinsan pero sabi nila kahit anong mangyari, pinsan parin nila ko. Bernardo parin daw ako, hindi man sa dugo, sa puso naman.
“Tara sa loob. I’ll show you your room and then I’ll tour you inside.” Nakangiting sabi ni Mrs. Manuel.
“WOW.” Yan. Yan ang unang lumabas sa bibig ko pagbukas ng pinto ng sinasabi niyang kwarto ko.
Puti ang kulay ng wall. Puti ang kulay ng bedsheet ng king size bed na nasa gitna ng room. Actually puro puti yung makikita sa loob ng kwarto maliban sa flat screen TV at sa cabinet sa baba ng TV. May mga libro din dun. Nadako yung tingin ko sa lamesa sa may gilid ng kwarto. Puti din ang kulay neto at may Mac na nakapatong dun. May cork board din sa tapat nun na lalagyan ng notes. Sa kabilang dulo ng kwarto ay may glass door. Sa tingin ko ay pinto yun papunta sa terrace. Meron din maliit na sofa sa bandang malapit sa glass door.
May dalawang pinto sa magkabilang gilid ng pader sa may kama.
Lumapit ako sa isang pinto at nakita kong pinto pala yun papunta sa CR. Juicecolored. Eh buong bahay na ata namin tong CR na to. May bathtub sa loob ng CR at may part na pang shower. Kahit ata magtutumbling tumbling ako dito ay okay lang sa luwag ng CR na to eh.
Sunod kong pinuntahan yung isang pinto. Nakasunod silang tatlo sakin, Mrs. Manuel, Mr. Manuel at Kuya Neil.
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?