Chapter 25
“Baka po nagkakamali kayo. Sorry po. Hindi po ako yung anak niyo.” Sabi ko at humiwalay sa yakap nung babae.
“Kath. Anak.” Sabi naman nung lalaki.
Kilala nila ko. Ano bang sinasabi nilang anak? Nababaliw ba sila?!
“Sir. Mam. Hindi ko po alam paano niyo nalaman yung pangalan ko. But one thing’s for certain, hindi po ako ang anak niyo. Im Kathryn Bernardo. Im not a Manuel.”
Nakakaloko ah. Tinawag akong anak ni Mr. Teddy Manuel. I know him, I think every Filipino knows him. Halos lahat ng parte ng Pilipinas ay may branch ng mall na pagmamay-ari niya. Ang pinakasikat na airline dito sa Pinas ay siya din ang may-ari at yung mga naglalakihang condo na madalas madaanan around Makati, Ortigas at QC ay sakanya din.
“No no no. Kami ang tunay mong magulang. Kathryn anak. Ako to, ang Mommy Min mo.” Sabi nung babae at pilit hinahawakan yung kamay ko pero lumayo ako.
“Ano po bang pinagsasasabi niyo? Hindi niyo po ako anak. Bernardo po ako. ” Tanong ko pero pilit akong lumalayo sakanila.
“Ma. Pa. Wag niyo siyang biglain. I told you kausapin muna natin sila Mrs. Bernardo.” Sabi ng lalaking kakadating lang.
Hindi ko sila kilala personally. At lalong hindi ko sila magulang dahil si Mommy at Daddy lang ang magulang ko.
“Anong nangyayari dito?” Tanong ni Mommy sabay lapit sakin. Tumingin siya sa mga taong nasa harap ko. Nakita kong umiiyak yung babae, uhm, Min. Min daw ang pangalan niya eh. Yakap yakap siya ni Mr. Manuel. Natigilan si Mommy. “M-m-min.”
“Alicia.” Tawag ni Mr. Manuel kay Mommy. Humarap naman si Mrs. Manuel.
“Alicia.” Ani Mrs. Bernardo. “Kukunin na namin ang anak namin. Kukunin na namin si Kath.”
Nakita kong tumulo yung luha ni Mommy. Dinaluhan naman siya ni Daddy. “You should’ve given us more time Mrs. Manuel. Hindi yung hinarap niyo agad yung bata.” Sabi ni Daddy.
Ano bang nangyayari?!
Hindi ako tanga. May mali. Alam ko yun. Base sa sinabi ni Daddy at sa pagiyak ni Mommy ay unti-unti akong nagdududa na baka totoo ang sinasabi ng magasawang Manuel.
Pero hindi. Bernardo ako. Hindi ako Manuel. Lumaki akong Bernardo. Im Alicia and Jose Bernardo’s daughter.
“My? Dy? Anong meron?” I manage to asked them.
Madaling yumakap sakin si Mommy. “Anak. Kahit anong malaman mo. Tandaan mo, anak kita. Anak kita ha.”
“Lets settle this at home.” Sabi ni Daddy at ginayak kami papunta sa sasakyan namin. Nakita ko ring naguguluhan yung mga kapatid ko pero hindi nila pinansin.
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?