Chapter 8 - Bestfriend.

24.2K 640 74
                                    

Chapter 8

 

We ended up here in BGC. Inalalayan niya ko pababa ng sasakyan niya nang makarating kami sa Starbucks.

Nagtatawanan pa kami dahil muntik siyang matalisod kanina habang papasok kami ng Starbucks ng makasalubong namin si Jane at yung boyfriend niya, si Joshua na papalabas ng SB. Nagkatinginan kami ni Jane for a split second before returning my gaze to DJ.

Nawala yung ngiti ko pagpasok namin ng SB.

That awkward moment when you saw a stranger, who used to be your bestfriend.

 

“You okay?” Tanong niya sakin.

I smiled. “Yup ofcourse. Hanap na muna tayo ng table.” Sabi ko.

Sa taas kami nakahanap ng table. Marami kasing tao sa baba at isa pa mas gusto ko dito sa taas. Mas tahimik.

“Ano order mo? Ako na oorder.” Sabi niya sakin.

“Caramel frappe, venti tsaka Honey Glaze doughnut.” Inabot ko sakanya yung 500 na pinahiram ni Miles kanina pero hindi niya yun kinuha.

“Ang kulit.” Bulong ko sa sarili ko pagbaba niya.

Naalala ko na naman yung nakita namin kanina.

Si Jane Oineza. She used to be my bestfriend. As in hindi kami mapaghiwalay dati. Kulang nalang maging kambal kaming dalawa. Ganun kami kaclose. Nakakasama namin siya pag lalabas kaming family at ganun din ako sakanila.

 

Magkasama kami sa lahat ng bagay dati. Kung ano itatake kong subjects yun din itatake niya. Movie buddies. Foodtrip buddies. Madalas kami magovernight sakanila para magkwentuhan at magkantahan. Alam niya lahat tungkol sakin and that goes the same way with me, alam ko din lahat sakanya. Pag may kinaiinisan siya, kaaway ko narin yun. Ganun din siya sakin.

We were each other’s better half.

But that was then. Nung single pa siya.

 

Everything changed simula nung maging sila ni Joshua.

Barkada namin silang dalawa, pero simula nung maging sila, hindi na namin madalas makasama si Jane. Specially me, I felt like I lost my bestfriend. That itself was a tough one. Dati pag may bagong movies, aabangan namin yun tapos manunuod kami, pero ngayon, aabangan nilang dalawa, they’re gonna watch it. And Im left with no one, kaya hihintayin ko nalang magka-DVD copy yung movie.

Hindi pa kasi mahilig magmovie trip nun si Miles at Chie kaya wala akong mayaya. Dati, lagi kaming magkatext, just to talk about random things, kulitan, asaran, crush life and all. Pero nung naging sila, madalang na kami magtext, minsan may araw na wala talaga.

The first few months of their relationship was the death of me. But I get over with it. Natanggap ko na si Joshua na yung priority niya dahil boyfriend niya yun. But things got worst, nagumpisa na siyang gumawa ng kwento just to be with Joshua all the time. Pag may project, hindi siya makakasama dahil daw may importanteng gagawin and all. Tapos makikita sila ng barkada sa mall, nagdadate.

And the lying continues. Nagpatong-patong na kasinungalingan. Una siyang tinalikuran ng barkada like EJ, Miles and Chie. I was the only one left for her but she took me for granted.

Dumating sa point na, sa sobrang pagpapaikot niya ng mundo niya kay Joshua, halos hindi ko na makilala yung bestfriend ko.

And that’s where I lost it.

I gave up on trying to be in her life. Cause honestly, kung gusto niya ko sa buhay niya, hindi ko kailangan ipaglaban yung lugar ko.

“You’re not okay. Anong problema?” Nagulat ako na nasa harap ko na pala si DJ.

“Sorry. Sorry. May iniisip lang.”

“Its about the couple we cross path earlier.” Hindi yung tanong. He stated it as if he’s so sure.

“Yung babae kanina. She used to be my bestfriend.” Naramdaman kong namamasa na yung mata ko but I ignored it.

Wala lang yan Kath. Sanay ka na diba.

“Used. So hindi na kayo bestfriends?” Tanong niya sabay uminom siya ng kape niya.

Isinandal ko yung ulo ko sa couch. Ayaw ko na sanang pagusapan.

“Okay lang kung ayaw mong pagusapan. Lets talk about Logic, kamusta kay Sir Jo?” Sabi niya ng hindi ako magsalita ng ilang segundo.

“Its been almost half a year since I lost her.” I stated. “Im over it. Pero may mga pagkakataon na namimiss ko siya. Namimiss ko kung gaano kami kaclose. Namimiss ko yung kwentuhan namin na kami lang ang nakakaintindi. She was more of a twin sister, than a bestfriend.”

“Anong nangyari?”

“She changed. Sucks.” Pumikit ako para mawala yung luhang namumuo sa mata ko.

Wear your f-cking mask Kath! Hindi ito ang oras para magdrama ka!

 

“Sorry.” I smiled. “So. Ikaw? Kamusta studies?”

“Good try. You’re obviously faking it. Cmon. I can be your new bestfriend. Im willing.” Nakangiting sabi niya.

Umiling ako. “Nope. Im good.”

No way! Hindi kita pwedeng maging bestfriend.

 

I have this thinking na pag barkada na kita, hanggang dun nalang yun. Never, in my entire human life, have I ever fall for a friend close to me. Kaya nga ayaw kong maging barkada yung crush ko, dahil mawawala na yung spark.

Platonic ang turing ko sa lahat ng barkada kong lalaki.

“Sakit naman. Am I not bestfriend worthy?” Umakto siya na parang nasasaktan.

“Hahaha! Baliw hindi ganun. Basta hindi lang. I have my own reasons, pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi ka bestfriend worthy.” Natatawang sabi ko sakanya.

“But on the other hand. I dont wanna be your bestfriend. I wanna be your boyfriend.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon