Chapter 27 - Kathy ko.

20.7K 465 32
                                        

Chapter 27

 

MILES’ POV

 

“MILESSS!” Pasigaw na bati ni Chie pagpasok niya ng office ko.

“Hi Miles.” Bati naman ni Alex.

“Hey lovebirds.” Sabi ko. Si Chie at si Alex na kasi. Mag-iisang taon na din simula nung maging sila at so far, so good.

“Hi babe.” Bati ng lalaki sa likod nila. Si Marco. Pinsan ni Kath. Pinsan niya sa side ng Bernardo.

Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sakanila. “Hi babe.” Bati ko muna sa boyfriend ko. “Sa labas na tayo. Manggugulo lang kayo dito sa office ko eh.” Natatawang sabi ko.

Wala naman na kasing ibang ginawa tong mga to kundi manggulo sa office ko tuwing pupunta sila dito. Dito na ata ang naging tambayan namin.

Nagpatayo ako ng coffee shop pagkagraduate namin. At dito madalas tumambay ang barkada. Mi Cafe.

 

Paglabas namin at prenteng umupo sa couch si Chie, Alex at si Marco. Kulang na naman kami. Wala na naman si Kath.

“Nasan na naman yung babaitang yun?” Natatawang tanong ni Chie sakin. She’s talking about Kath, of course.

Tumingin ako sa orasan ko. “Well. Im not sure pero baka nandito na siya sa Pinas. Sabi niya around afternoon sila dadating eh.”

Tumawag ako ng waiter at umorder ng mga iinumin namin.

“Hay nako. Ilang beses ba sila nagbabaksyon abroad ni Dom? Eh kulang na ata yung daliri ko sa kamay at paa para mabilang eh. Unli-honeymoon. Jusko eh hindi na ata napirmi yun dito sa Pinas.” Natatawang sabi ni Chie.

“Perks of being super rich. Hayaan mo na, as long as she’s happy diba?” Sabi naman ni Alex.

Tumango naman si Marco. “Lagot kayo pag narinig kayo ni Kath.” Natatawang sabi niya sabay akbay sakin. “Pero speaking of honeymoon, tayo din babe maghoneymoon din tayo.”

Kinurot ko nga sa tagiliran. “Tumigil ka, Bernardo. Ang harot harot mo.”

Maya maya pa dumating na yung mga inumin namin. Marami-rami ding tao ngayon sa cafe pero may special place talaga ang barkada. I always had this table reserved dahil alam kong anytime pwede akong guluhin ng mga to.

“Buti nalang maluwag si Tito Teddy kay Dom at Kath noh? Pwede silang maglibot all over the globe pag trip nila.” Sabi ni Marco.

I nodded. “Agree. Buti laging pwedeng magleave si Dom sa company nila.”

“Well, he’s the VP of the company, so he has the rights. And as for Kath, bihira naman kumuha ng projects yung babaeng yun.” Dagdag ni Chie.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon